You are on page 1of 10

Eduarte, Jocelyn Palce BSED-FILIPINO 3B

REHIYON II: CAGAYAN VALLEY

Introduksiyon

• Ang Rehiyon ll ay matatagpuan sa hilagang-silangang Luzon. Ito ang pangalawa sa pinakamalalaking


rehiyon sa bansa na may sukat na 31, 159 km². Parehong bulubundukin ang makikita sa magkabilang
gilid ng rehiyon. Ito ay nasa pagitan ng bulubundukin ng Sierra Madre at Cordillera sa hilagang-silangang
Luzon. Ang mga bundok sa silangan ang nagsisilbing mga hadlang mula sa mapanirang hangin sa
panahon ng bagyo.

Mga Lalawigan at Kabisera:

1. Batanes – Basco (1909)

• Ang Batanes ay isang lalawigan sa hilagang Luzon na kabilang sa Rehiyon 2 at pinakahilaga sa buong
Luzon.

• Binubuo ito ng mga pulo ng Batan, Sabtang, Itbayat at ipa pang maliliit na isla.

2. Cagayan – Tuguegarao (1581)

• Ang Cagayan ay isang lalawigan ng Pilipinas na matagpuan sa Lambak ng Cagayan sa hilagang silangang
Luzon.

• Ang kabisera nito ay Lungsod ng Tuguegarao.

• Kanugnog nito ang mga lalawigan ng Ilocos Norte at Apayao sa kanluran, at ang Kalinga at Isabela sa
timog.

3. Isabela – Ilagan (1858)

• Ang probinsya ng Isabela ay hango sa karangalan ng maharlikang Espanya na nagngangalang Reyna


Isabela II.

4. Nueva Vizcaya – bayombong ( 1839 )

• Ang Nueva Vizcaya (Filipino: Bagong Biskaya) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matagpuan sa Lambak
ng Cagayan sa Luzon.

• Ang kabisera nito ay Bayombong.

• Kanugnog nito ang mga lalawigan ng Ifugao, Isabela, Quirino, Aurora, Nueva Ecija, Pangasinan, at
Benguet.et.

5. Quirino – Cabarroguis (1966)


• Isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa rehiyon ng Lambak ng Cagayan sa Luzon.

• Cabarroguis ang kabisera nito at ipinangalan kay Elpidio Quirino, ang ika-anim na Pangulo ng Pilipinas.

• Napapalibutan ang lalawigan ng Aurora sa timog-kanluran, Nueva Vizcaya sa kanluran, at Isabela sa


hilaga.

• Dating bahagi ng lalawigan ng Nueva Vizcaya ang Quirino, hanggang hiniwalay ito noong 1966.

• Ang sentro ng rehiyon ay makikita sa lungsod ng Tuguegarao sa Cagayan.

Kasaysayan

•• Si Padre Francisco Rojan, ang magaling na taga tala ang nagsabi kung paano nakuha ang pangalan ng
Cagayan. Ito raw ay nagsimula sa salitang Carayan - isang ilog na naghahati ng buong lambak mula Hilaga
hanggang Timog. Noong una tinawag pa itong Catagayan na kinalaunan ay naging Cagayan.

Mga Pangkat Etniko o Katutubo

1. Ivatan

• Tawag sa mga mamayang nanirahan sa Batanes.

• Vakul ay isang uri ng sombrero na gawa sa hinabing dahon ng voyavoy. (Para sa babae)

• Talugong, Kanayi, Pagiking (para sa lalaki)

• Hugis kahon ang kanilang mga bahay na yari sa bato, kogon, at apog

2. Ibanag

• Ang salitang Ibanag ay galing sa unlaping "I" na nangangahulugang "mga katutubong naninirahan—
nakatira" at bannag na ibig sabihin ay ilog.

• Katutubong grupo na natatanging makikita sa mga probinsya ng Cagayan, Neuva Vizcaya, at Isabela.

• Tinatawag ding na Ybanag, at Ybanak o Ibanak.

3. Itawes

• Ang mga Itawes ay tinatawag na "Itawit," "Itawig," "Tawish," "Itawi," "Itaves," at "Itabes".

• Nagsimula sa salitang "I" at "tawid" na nangangahulugang "mga tao sa kabila ng ilog".

• Matatagpuan sa Timog Kanlurang bahagi ng Cagayan.

• Karaniwang nakatira sa pamayanang kasama ang Ibanag.


4. Gaddang

• Tinatawag ding Gadam, Gadannes, o Iraya ang mga pangkat etnikong ito na matatagpuan sa Neuva
Vizcaya at Isabela.

• Sa mga babae, ang kanilang isinusuot ay tapis. Sa mga lalaki ay bahag.

• Sa mga babae, ang kanilang sinusuot ay tapis, sa mga lalaki ay bahag. Ang mga babae ay nagsusuot
lang ng pangtaas kapag may piyesta pero kapag wala naman nagsusuot lamang sila ng malalaking
palamuti o tattoo para matakpan ang kanilang dibdib.

5. Dumagat

• Ang salitang "Dumagat" ay nagsimula sa salitang "rumakat"/ "lumakat" o "lumakad".

• Kasama sa mga kauri nila ang Ayta, Negrito, at Mangyan.

• Ang Dumagat ay isa sa mahahalagang pangkat upang pagtuunan ng pag-aaral ng pinagmulan ng lahing
kayumanggi sa Pilipinas.

6. Ita

• Ang mga Aeta, Ayta, Agta, o Ati ay mga katutubong mga tao o pangkat-etniko na nakatira sa kalat at
liblib na mga bahaging bulubundukin ng Luzon, Pilipinas.

Sektor ng Pangkabuhayan

• Pagmimina • Pangingisda • Pagtotroso • Pagsasaka

• Pagpapastol (baka) •Pagpapaso

• Noong 2008 hinirang ng Cagayan Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang Cagayan bilang
Tilapia Capital of the Philippines.

• Ito ay dahil sa mabilis na pagdami ng palaisdaan ng tilapia sa lalawigan.

• Ang Cagayan Valley ay biniyayayaan ng lupang alluvial o lupaing nadeposituhan ng putik at buhangin
dulot ng umaagos na ilog, sapa at iba pa. Tatlumpu't potong porsyento (37%) ng kalupaan ng Rehiyon ay
nakatuon sa agrikultura. Maganda pagtaniman ng tabako, palay, mais, gulay at prutas, kape, cacao,
sibuyas, halamang-ugat, tabla, rattan, at kawayan at iba pa na sya ring naging pangunahing produkto
nila. Ang mga hayop na inaalagaan at ipinagbibili ay ang baka, kalabaw at manok.

Panitikan sa Rehiyon ll

• Ang panitkikan ng Rehiyon ll ay katulad din ng ibang Rehiyon na nagpapahayag ng kagalakan at


kalungkutan, pag-asa at takot, pagmamahal at pagkapoot ng mga Cagayano.
Ibat ibang uri ng Panitikan sa Rehiyon ll

1. Palavvun (Bugtong) ito ay mga nakakalinlang o mga nakapagtatakang tanong na isinulat upang lutasin
o hulaan.

• Para sa mga Ibanag kapwa ito isang katutubong libangan o pamamasyal sa kaisipan.

Hal 1. " Nu mangitubang atanang, nu manaddam alinno."

Salin: Kapag nakaupo ito ay matangkad, kapag tumayo ito ay maliit.

Sagot: Aso

Hal 2. " Eggay tadday nga ulopo funnuan ng kannay baggutna. "

Salin: Mayroong isang bagay na kinakain ang kanyang sarili.

Sagot: Kandila

Hal 3. " Furaw to lavan na valavan yunac na."

Salin: Bagay na puti sa labas at ginto sa gitna.

Sagot: Itlog

2. Epiko ito naman ang literatura ng Ibanag . Ang epiko nila ay sinimulang isulat sa mga balabak ng puno
ng kawayan. Bilang karagdagan, ang epiko Rin ay tumatalakay sa kabayanihan o pakikipagtunggalian ng
mga tao laban sa mga kaaway.

Hal. Lumalindaw (Gaddang)

• Ito ay patungkol sa isang bayani na may kapangyarihang mapabagsak ang puno at anumang uri ng
ibong lumilipad sa pamamagitan ng pagsigaw.

• Mayroong din siyang instrumento na kung tawagin ay ayoding na kayang maghayag ng niloloob ng
Isang tao sa pamamagitan ng pagtugtog nito.

3. Salawikain (Unoni)

Tinutukoy ang Unoni bilang binigkas na kasabihan at salawikain na nangngaral at patungkol sa utos ng
Diyos. (Roque Mabatan)

Para sa kanila, "Pinahahalagahan ang kalusugan kesa materyal na pag-aari."

Hal 1. "Maski gwattu cucuam, nu mapia laman y gawagawayan, maski mazziya, basta napya."

Salin: Kahit na walang materyal na bagay basta't maayos ang kalusugan, kahit na mahirap basta't
maganda ang pangangatawan.
Hal 2. " Passil, siri anna tazzi, ay baka na kararua, aya, kurug, anna allo dalang na y mapolu kannaddaka y
maporian mamatabba."

Salin: Inggit, kasinungalingan at pang-aabuso ay mas mababa sa pag-ibig, katotohanan at kabaitan. Ang
nakatataas ay ibinababa at nasa ibaba ay itinataas.

Mga Awiting Bayan

• Awit sa Pag-ibig

1. Abumbu-ca Appatanca o Futug

( You are too much of my hearth )

Ambumbu ca appatanca o futug

Que annihabiduhat nu sito nonotcu

Que annihabiduhat nu sito angira-

quirac

Mittarifuen na la si no matayac

Ay scuam a macalaca-lacad

Busang in a la ammec a natanam

Se naccuacla si lohownanacam.

You are too much of my hearth,

You have tortured of my brain,

You have tortured my thought,

A thousand times I prefer to

die-

For you I dare to test my

fate;

I almost got buried

In pain and grief.You are too much of my hearth,

You have tortured of my brain,


You have tortured my thought,

A thousand times I prefer to

die-

For you I dare to test my

fate;

I almost got buried

In pain and grief.

• Awit ng Pamilya

2. Mapua Nu Wara Anak

(Its Good To Have Children)

Mapia nu wara anac

Se mangari si diha-annat

Annanot nu nangammu

Se mangada si consuelo.

Antu mebalat

Sito bagguac a pacalla-allac

Mampia nu mapia anac

It's a blessing to have

children

To help us cut off hardship

Specially if knowledge

enables them

To lend us comport and ease.

This will be the reward

For one's ailing, aging self


More so if they are good

children

Who show their gratitude

Kwentong Bayan

•ALAMAT NG LAKAY-LAKAY

Sa kauna-unahang beses, ang Diyosa ng Dagat ay galit at ginawang isang bato ang isang mangingisda.
Ginawang bato rin ng Diyosa ang asawa ng mangingisda na humahanap sa kanya.

Sinasabing ang mga batong ito ang tagapag-alaga ng lugar sa Claveria, Cagayan. Si Apo Lakay ang unang
bato, nangangahulugang matandang lalaki sa Ilocano. Ang Apo Baket, na nangangahulugang matandang
babae sa Ilocano, ang pangalawang bato.

Kapag nagagalit si Apo Lakay, nagiging kumplikado ang mga alon. Kung nais ng mga mangignisda na
makadaan ng ligdas sa Apo Lakay, kailangan nitong mag-alok ng pagkain sa pamamagitan ng
pagwagayway o paghahagis ng isang barya na malapit sa mga bato.

Mga Tanyag na Manunulat

1. Benjamin Pascual (Enero 16, 1928)

• Isang Kwentista at Nobilista.

• Marami syang naisulat na maikling kwento sa wikang Ilokano at nakasulat nadin ng dalawang nobela
sa wikang ito.

Mga akda

• Ang Huling Unos • Huling kahilingan • Utos ng Hari

2. Gregorio Laconsay

• Isa siyang punong patnugot ng dalawa sa kilalang literasi na Bannawag at Liwayway.

Mga akda

• Hala, Kuliglig at Kanta

Mga Diksyunaryo: • Iluko-English-Tagalog • Iluko Grammar

3. Reynaldo A. Duque
• Isa syang manunulat ng maikling kwento, tula, nobela, sanaysay, skrip sa radyo, telebisyon, pelikula, at
komiks.

• Dati rin syang editor-in-chief ng Liwayway magazine.

Mga Akda 300

• Bannawag, Liwayway, Pambata, Parent's Digest, Asia Magazine, Observer, Sagisag, Focus Philip

Mga Tourist Spots sa Rehiyon ll

Batanes

1. Morong Beach 2. Basco Light house 3. Vayang Rolling Hills 4. Mt. Charmel Chapel

5. House of Dakay 6. Rakuh A Payaman

Cagayan

1. Palaui Island 2. Baggao's Blue Lagoon 3. St. Peter Cathedral

Isabela

1. Queen Isabela Park 2. Abuan River 3. Bonsai Forest

Quirino

1. Victoria Falls 2. Aglipay Caves 3. Ganano Falls 4. Landingan View Point

Nueva Vizcaya

1. St. Dominic Cathedral 2. St. Luis Beltran Church 3. San Vicente de Ferrer Church

4. Mt. Ugu

Mga Festivals

1. Palu-Palo Festival

• Ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto.

• Ito ay isang kultural na pagtatanghal ng munisipalidad ng Basco, Batanes, na nagpapakita ng


makasaysayang pag-iral ng kanilang etnikong grupo.

• Ang ibig sabihin ng Palu-palo ay mga patpat o arnis na ginamit ng mga katutubong Ivatan upang
labanan ang pwersa ng mga kolonisador tulad ng mga Kastila at mga Dutch.

• Ang mga katutubo ay nagsusuot ng tradisyunal na kasuotan na gawa sa mga katutubong materyales
mula sa balat ng mga puno na pinatag.
2. Aramang Festival (May 10-11)

• Ang salitang ‘aramang’ (Ilocano para sa alamang), ang bayang tinutukoy ay walang iba kundi ang
Aparri, Cagayan, na kakaibang biniyayaan ng kalikasan ng soft-shelled pink shrimp specie na
siyentipikong kilala bilang Nematopalaemon tenuipes o spider shrimp. Ito ay kalakal ng "Isang Bayan,
Isang Produkto" ng Aparri.

• Pagpapasalamat sa masanagang biyayang mula sa dagat.

3. Cabibi Festival

• Ang CABIBI FESTIVAL ay ang patronal town fiesta ng Lal-lo (dating Ciudad Nueva Segovia noong
panahon ng kolonyal na Espanyol) sa Cagayan mula Agosto 1-4 ng taon.

• Ang apat na araw na pagdiriwang ay nagtatampok ng mga trade fair at street dancing upang
ipagdiwang ang paglipat ng bayan mula sa paganismo tungo sa Kristiyanismo sa panahon ng
kolonisasyon ng mga Espanyol.

• Ang Cabibi ay isang lokal na termino para sa mga shell na matatagpuan sa pampang ng Cagayan River.

4. Bambanti Festival ( January 20 - 28)

• Taon-taon, ipinagdiriwang ng lalawigan ng Isabela sa Hilagang Luzon ang Bambanti Festival, isang
pasasalamat sa patuloy na pangingibabaw sa agrikultura ng lalawigan.

• Ang Bambanti ay Ilokano para sa "scarecrow", itinuturing na simbolo ng kasipagan, pagkamalikhain,


katatagan at pagbabantay ng mga Isabeleno.

5. Kalanguya Festival

• Ipinagdiriwang ng Fe Nueva Vizcaya ang mga katutubong Kalanguya.

• Ang mga Kalanguya ay isang masipag, mayaman sa kultura.

• Ang pagdiriwang ay naglalayong mapanatili ang kanilang kultural na pamana at naglalayon lalo na sa
mga nakababatang henerasyon.

• Ang mga kasiyahan ay karaniwang nagsisimula sa isang makulay na parada sa umaga.

6. Grand Ammungan Festival

• Ammungan" Gathering Festival ay isinentro sa mayamang kasaysayan at kultura ng Nueva Vizcaya.

• Ang Festival ay ginaganap mula Mayo 21 hanggang 25.

7. Pagay-Pagay Festival
• Simbulo ng industriya, tiyaga at sigasig ng mga taong gumagawa ng palay tungo sa pagsasakatuparan
ng kanilang iisang mithiin ng kaunlaran at pagpapanatili sa Saguday bilang kamalig ng palay ng lalawigan.

• Ito ay ipinagdiriwang tuwing Abril 7-8 ng taon.

Elektronikong Sanggunian:

https://en.m.wikipedia.org/wiki/Cagayan_Valley

https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Lambak_ng_Cagayan

https://danielsecotravels.com/cagayan-valley-tourist-spots/

https://www.coursehero.com/file/54135573/Rehiyon-2pptx/

https://www.scribd.com/presentation/446530977/Rehiyon-II-pptx

http://provinceofisabela.ph/index.php/tourism/festivals?showall=1&limitstart=

https://en.m.wikipedia.org/wiki/Regions_of_the_Philippines

https://manilagrapika.files.wordpress.com/2015/08/etnikoluzon.jp

You might also like