You are on page 1of 12

REHIYON XI

Rehiyon ng Davao

Mapa ng Rehiyon XI: Rehiyon ng Davao

I. Introduksyon

Naliligiran ng kabundukan ang kapatagang kinaroroonan ng rehiyong ito Agrikultura ang pangunahing
hanapbuhay ng mga taga-rito. Ang rehiyong ito ay napaliligiran ng Karagatang Pacific sa silangan. Maganda ang
klima sa lugar na ito at hindi dinadalaw ng bagyo..

Matatagpuan dito ang mga di-pangkaraniwang kultura ng mga Mansaka, Mandaya, Debabawon, at
Taigod pati na rin ang mga Manobo at Bagobo sa Lalawigan ng Davao. Dito matatagpuan ang pinakamataas na
bundok sa Pilipinas – ang Bundok Apo na nasa lalawigang Davao Del Sur.Ang sentrong pang-rehiyon ay ang
Lungsod ng Davao

Grupo ng Isla na Kinabibilangan: Mindanao


Coordinates/Lokasyon: 7o30’H ; 126O’S
Sukat: 20, 357.4 kilometro kuwadrado
Populasyon: 1.633 milyong populasyon (2015 census)
Lalawigan: 5
 Compostela Valley
 Davao Del Norte
 Daval Del Sur
 Davao Oriental
 Davao Occidental
Lungsod: 6
 Panabo City
 Samal City
 Tagum City
 Davao City
 Digos City
 Mati City
Bayan/Munisipalidad: 43
Barangay: 1162 na barangay
Distritong Pambatas: 11
Sentrong Pangrehiyon: Lungsod ng Davao
Wika:
 Cebuano
 Tagalog
 Ilokano
 Ilonggo

II. Pagkilala sa mga Lalawigan ng Rehiyon XI


Compostella Valley

 Comval
 Kapital: Nabunturan
 Dating bahagi ng Davao del Norte
 Pang-apat sa pinakabagong probinsya sa Pilipina
 Nahahati sa labin-isang munisipalidad
Mapa ng Compostella Valley

Davao Del Norte

 Dating kilala sa tawag na Davao lamang


 Kabisera: Tagum City
 Nagngunguna rin sa pagmimina ng ginto at iba pang mineral tulad
ng silver, copper at elemental sulfur
 Nahahati sa tatlong siyudad at walong munisipalidad
Mapa ng Davao Del
Norte

Davao Del Sur

 Kabisera: Digos City


 Sukat: 3,934 km2
 Dating kinabibilangan ng Davao City
 Nahahati sa labing – apat na munisipalidad at isang siyudad

Mapa ng Davao Del


Sur

Davao Oriental

 Kabisera: Mati City


 Nahati sa labing-isang munisipalidad
 Naliligiran ng Karagatang Pasipiko sa silangan.

Mapa ng Davao
Oriental

Davao Occidental

 Kabisera: Malita
 Isang lalawigan sa Pilipinas na kakalikha lamang
 Hiniwalay ito sa lalawigan ng Davao Del Sur.
 Naging ganap itong lalawigan makaraan ng isang plebisito na
nangyare noong Oktubre, 2013.
Mapa ng Davao
Occidental

III. Pangunahing Produkto ng Rehiyon XI


 Produktong agrikultura:saging, ramie, goma, paminta, tabla, plywood, abaka, kape, kopra, durian at
kasoy.
 Produktong gawa sa niyog: langis, suka, at mga minatamis.
 Mga pagkaing dagat: isda at iba pang produktong yamang tubig.
 Yamang mineral: ginto, marmol, limestone, pilak, tanso, manganese, nickel, at semento.

Pangunahing Produkto sa Rehiyon


IV. Mga Kultura at Paniniwala’t Kaugalian XI

 Paniniwala at Kaugalian

 PASAKAYOD – Pagbisita ng magulang ng lalaki sa babaeng mapapangasawa nito upang makilala.


 PAMUKO – Magkikita ang pamilya ng magkabilang panig para pag-usapan ang halaga ng dote.
 PAGTAWAN – Ang lalaki ay maninilbihan na sa mga magulang ng babae.
 KASAMONGAN – Magpapasya na ang mga magulang tungkol sa kasal. Kung payag na ang
magkabilang panig, itatakda na ang araw ng kasal at paghahandaan ito.

 Sining

 Gimpan – isang tambol na kahoy ng mga Bagobo


 Lantoy o towali – Plauta ng mga Mandaya

Gimpan sa itaas; sa kanang bahagi


naman ay ang Lantoy na itinutugtog
ni Master Danongan Kalanduyan,
propesor sa Estado ng San
Francisco.

 Mga Lumad Ng Davao


Ang Lumad ay isang terminong bisaya na nangangahulugang “native” o “indigenous” sa wikang
Ingles.

1. BAGOBO
 Pinakamagarbong magdamit sa lahat ng mga pangkat-etniko.
 Sila rin ang may pinakamalaking impluwensya ng Kristiyanismo.
 Nagsasakripisiyo ng tao tuwing may mga ritwal.
2. B’LAAN
 Magarbo ring manamit ngunit bihirang gumagamit ng mga “beads”
 Pinakamapayapa at pinakamasipag sa lahat ng pangkat-etniko.

3. MANDAYA
 “people from the uplang”
 “Headhunting”
 Unang yumayakap sa “sibilisasyon” dahil sa maagang kaugnayan sa mga Kastila.
Mga B’laan Mga Mga Bagobo
Mandaya

 Mga Kapistahan ng Rehiyon ng Davao

Araw ng Davao
 Ipinagdiriwang ng mga Taga-Davao ang kanilang pundasyon bilang isang lungsod.
 Kaliwa’t kanan ang kantahan, sayawan, pagtatanghal ng kultura sa mga kumpetesiyon.
 May masaya at makulay na parading magiikot sa Davao City at sinasabing ito ang pinakamataas at
nakakaenganyong bahagi ng pagdiriwang na ito.

Araw ng
Dabaw

Kadayawan Festival
 Ito ay isa sa mga pinakatanyag na kapistahan sa rehiyon at sa Pilipinas.
 Ipinagdiriwang ng Davao ang kasaganaan ng kultura, ani, buhay at pagkakaisa ng mga tao.
 Dito masisilayan ang mga tradisyon ng mga lumad, mga tribong muslim na binibigyan ng pagkakataong
ipamahagi ang kanilang kultura sa Kadayawan.
 Ang mga pangkat ng mananayaw mula sa buong Mindanao ay dumating upang ipakita ang kanilang
kultura sa pamamagitan ng musika at sayaw.

Kadayawan

Durian Festival

 Pagdiriwang na nagpapakita ng magaganda at sariwang mga durian na ginawa ng mga benepisyaryo ng


Plant Now Pay Later (PNPL) at iba pang durian growers sa lungsod.
Durian Festival

 Mga Patok na Pagkain sa Rehiyon ng Davao

Calabash Miracle Fruit Juice (Crescentia Cujete)

 Sinasbing nakakagamot ang katas ng prutas na ito.

Calabash Miracle Fruit Juice

Lechon Buwaya

 Ang pagkaing ito ay isang ekstraordinaryong lechon dahil sa


Davao lang ito makikita. Dahil maraming buwaya sa kanilang
lugar kaya naisipan nilang gumawa ng lechong buwaya.

Lechon Buwaya

Chicharon
 Maraming uri ng chicharon, may fishcracker, chicharong
bulaklak, chicharong baboy, at noong huli nga ay may vege
chicharon na rin.

Chicharon Bulaklak ng Davao

Kinilaw
 Ang kinilaw ay maaaring pinakalumang paraan ng
pagluluto na ginamit ng mga sinaunang tao sa Pilipinas.
 Ginagayat, pinipiga at ang gitna ng prutas sa tubig at
pagkatapos ay lilinisin ang isda sa pinagbabarang tubig
bago ito ihalo sa iba pang sangkap, isang proseso na
sinasabi ng ilan na lalong nagpapasarap sa kinilaw.

Kinilaw
Pakbet / Pinakbet
 Meat-vegetable stew sa wikang Ingles
 Pagkaing Pilipino na may laman ng baboy o baka at gulay.
Karaniwang pinakukuluan ang mga sangkap nito at sinasahugan ng
bagoong bilang panlasa.

Pakbet ng Davao

Durian Ice Cream

 Produktong tatak Dabawenyo talaga.


 Masarap sa panlasa sa mga matatanda at kahit na mga
bata.
 Ang pagkaing ito ay mabibili niyo lamang sa Davao.

Duirian Ice Cream

V. Mga Pook Pasyalan sa Rehiyon XI

 Eden Nature Park


 Matatagpuan ito sa Compostella Valley
 Ang pinakakahanga-hanga tungkol rito ay ating matatanaw ang buong lungsod ng Davao at maging ang
gulpo nito.

Eden Nature Park, Compostella Valley

 Philippine Eagle Center

 Ang Davao ay tahanan ng naapanganib na Philippine Monkey-Eating Eagle o simpleng Philippine Eagle.
 Ito ay itinuturing na isa sa pinakamalaking lahi ng ibon sa mundo na may pakpak ng dalawang metro.
 Upang matiyak ang kanilang patuloy na pag-iral sa loob ng Philippine Rainforest, itinayo ang The
Philippine Eagle Center.

Philippine Eagle Center, Lungsod ng Davao


 Bundok Apo

 Ito ay isang bundok na nasa lungsod ng Davao.


 Pinakamataas na bundok sa bansa at ito ang pinanggagalingan ng geothermal energy.

Bundok Apo, Lungsod ng Davao

 Pulo ng Samal

 Ang Samal Island ay isang isla na matatagpuan sa Davao City, ang kapital ng Mindanao at kung saan din
ang galing ang bagong presidente na si Pres. Rodrigo Duterte.
 Kilala rin ito sa tawag na “Garden City of Samal” na dalawang metro ang layo sa Davao.

Pulo ng Samal, Lungsod ng Davao

 Museo ng Davao
 Ang Museo ng Davao ay ang unang museo ng etnograpikong lungsod.
 Ipinakita nito ang kultura ng mga katutubong tao (sama-sama na inilalarawan na Lumad) ng Timog
Mindanao, kasama na ang mga Mandaya, Bagobo, at B'laan.

Museo ng Davao
VI. Mga Kilalang Personalidad sa Rehiyon XI

 Rodrigo Roa “Digong” Duterte

 Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay kilala rin sa kanyang bansag na Digong, ay


isang Pilipinong abogado at politiko na kasalakuyang naninilbihan bilang ika-
16 na Pangulo ng Pilipinas. Siya ang unang naging pangulo na mula
sa Mindanao.
 Si Duterte ay isa sa mga pinakamatagal na nanilbihang alkalde sa Pilipinas at
naging alkalde ng Lungsod ng Dabaw

 KZ Tandingan

 Si Kristine Zhenie Lobrigas Tandingan na kilala bilang KZ


 Siya ay isang Pilipinong mang-aawit at rapper.
 Nakaranas ng problema sa lalamunan.
 Siya ay isang alumna ng University of Southeheast Philippines sa Davao City at
nagtapos na may degree ng Bachelor of Science in Biology.

 Sara Duterte

 Si Sara Duterte-Carpio (ipinanganak naSara Zimmerman Duterte), na


karaniwang kilala bilang Inday Sara.
 Siya ay isang abogado ng Pilipinas, pulitiko at ang nanunungkulan bilang Mayor ng
Davao City.
 Siya ang anak na babae ng pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte.

 Maris Racal

 Si Mariestella Racal na mas kilala bilang Maris Racal.


 Siya ay isang Pilipinong aktres, mang-aawit/songwriter at personalidad sa telebisyon
na nagwagi ng 2nd Big Placer sa Pinoy Big Brother (PBB) All In.
 Magaling tumugtog ng iba’t ibang instrument tulad ng ang gitara, piano, ukulele at
beatbox.
 Bukod sa pagiging isang musikero at mang-aawit, siya rin ang nangunguna sa
pagpipinta, pagsulat ng kanta/tula, pag-arte at pagsayaw.

 Chokoleit

 Jonathan Aguilar Garcia na mas kilala na si Chokoleit


 Siya ay isang komedyante, artista, at TV host.
 Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Pearly Shell sa serye sa telebisyon ng
Pilipinas na Marina.
 Namatay siya sa edad na 46, sa isang atake sa puso sa Bangued, Abra noong
2019.
VII. Mga Kilalang Manunulat sa Rehiyon XI

Jose Angliongto

• Sumulat ng nobelang “The Sultenate” na handog niya sa mga young


overseas chinese.
• Siya ay mula sa Lungsod ng Davao.
• Naging Pangulo ng Davao Jaycees at Continental Containers Corporation.
• Naging miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Corps of Engineers
at may ranggong First Lieutenant.

Errol Merquita

 Ipinanganak at lumaki sa Los Amigos, Tugbok, Davao City.


 Editor ng dagmay.com.
 Aktibong miyembro ng Davao Writers Guild.

Marili Fernandez-Ilagan

• Isinilang sa Davao Oriental


• Kumuha ng A.B. sa Communication Arts mula sa Ateneo De Davao University
• Tumanggap ng National Indigenous Grant sa Scholarship Program

Jeneen R. Garcia

• Ipinanganak sa Maynila, ngunit lumaki sa Lungsod ng Davao


• Nagtapos ng BS Environmental Science sa Ateneo De Manila University
• Sumulat ng tula sa wikang Ingles sa halos siyam na taon, ay kinalaunan
ay nagsimulang magsulat ng tula sa wikang Cebuano

VIII. Mga Akdang Pampanitikan ng Rehiyon XI

BUGTONG NG MGA MANDAYA

Tuong san tutukanon ko Hulaan mo ito


Tagbi na dadalaga ay Maliit pang bata
Matigam mana I sang kasigmulan Nananahi na sa dilim
Sagot: LIGWAN Sagot: Honey Bee

Yakataligpag yang mangod Ang bata ay nakalilipad


Wayang Magulang Nagbubuntong-hininga na lang ang matanda
Sagot: PANA Sagot: PANA at BUSOG

Tagidi ako Hintayin mo ako


Tagidi ako Hintayin mo ako
Sagot: Siki Sagot: Paa

BUGTONG NG MGA MANOBO (ATUKON)


Linew man duntaa heya ne Isang lawa
Nelingut te ligewanana Napapaligiran ng
Nelingut te ligewana Fishing Pole
Sagot: Sikan is Mata Sagot: Mga Mata

Buntud man guntaanheyan ne emun Isang bundok na


Ed-ahaah nu ne egkiramkiram da, Di halos makita
Ne emun egkewaan nu ne egkekawe mo Ngunit abo ito ng mga kamay
Sagot: Sikan is izung Sagot: ILONG

SALAWIKAIN NG MGA MANDAYA

1. Yang ataog aw madudog di da mamauli.


Ang itlog kapag nabasag na, di na maaaring maisauli pa.

2. Eng makaan sang kalumluman mamaimo sang makupo.


Ang kumain ng bugok na itlog ay sinasabing tamad.

3. Kallandong pa ng syumbang kabilae pa nang similat.


Walang maitatago sa ilalim ng sikat ng araw.

 SALAWIKAIN NG MANOBO

1. Anoy man tu karabaw na upat tu kubong di paka hidjas.


Kung ang kalabaw na apat ang paa ay nagkakamali pa, paano na ang tao.

 Bisan bato nu bantilis mai duon panahons nu ug kahilis gihapon


Ang bato kahit gaano katigas, matitibag kapag nababad sa tubig.

 Tu buhi angod tu atoijog basta maguong on kunad ug kaolin


Ang babae ay tulad ng itlog kapag nabasag na hindi na mabubuo pa.

 BULONG
Kung ang aking bigas ay ninakaw ng kung sinuman sumpain siya at paluwain ang kanyang mata
pamagain ang kanyang buong katawan hanggang siya’y mawalan ng hininga.”

 TULA

 Cebuano – Paggikan Sa Sumihon


Athor: Jeneen R. Garcia
Gusto unta ko mosuwat og balak
Bahin sa dagat, para nimo,
Bahin sa tanan nakong nakat-onan
Sa pagsawom niining kaldmon:
Ang paglutaw dinhi sa bug-at nga tubig
Nga nagsangga ning maong isla,
Ang pagsagol, sa parat ug tam-is
Sa tumoy sa akong dila,
Ang pagsagubang sa init sa akong panit
Samtang ang kabugnaw nibukot
Sa akong kaunuran.
Pero ang dagat linaw man karon,
Nisanap sa kawanagan
Tin-aw ang kinailadman, sama sa papel
Nga nahawanan og mga pulong.
Ug ang tubig nga nagdagayday
Sa aking ngabil, wala na’y parat,
Naughan sa hangin, nahilom.

 Cebuano – Payag
Author: Errol A. Merquita
Ginabuslotan sa ulan
Ang atop nga
Hinimo sa ulirap.
Hinay-hinay’ng
Ginapahumok sa mga
Kadlawon ug kagabhion
Ang mga bungbong nga
Nagkaaman na og kadugta
Sa tumang katugnaw.
Ug samtang ginakitkit
Sa mga anay ang
Nahibiling bagakay
Sa salog, hinay-hinay’ng
Ginaputos sa mga lawa-lawa
Ang mga siradong bintana.
Ang kaniadtong
Lig-on ug masadya
Nga payag hinay-hinay
Nang nangagum-og ang
Mga tukod niini.
Ing-ana kining akong dughan
Sukad imo kong giluiban
Ahh, patya na lang ako!

 Kwentong Bayan

MANDAYA OMAN-OMAN
(Buyag na Butingin)

Sa panahon ng isang Pamilyar, ang BAKIWOS ay nakarating sa isang puno ng Bahi, ang pith na kung
saan ay nakakain.Nagtatanggal ng sanga at natuklasan na natok ito (nakakain na sangkap mula sa pith).
Mabilis niyang kinuha ang kanyang asawa at magkasama silang nagpasya na manirahan malapit sa
puno ng Bahi. Kinabukasan, tinanong ng matandang babae si Bakiwos na basa na siya ay nakolekta ng
maraming Natoc. Masamang sagot ni Bakiwas na hindi ito sa kanyang negosyo.

Nagalit ang babae at umalis. Pagkakataon niya sa dalawang ulila na naghahanap ng pagkain. Habang
sila ay magalang, itinuro ng matandang babae ang isang maliit na punong Bahi at tinuruan silang mangolekta ng
pagkain. Nag-aalok sila ng pagkain sa babaeng madaling tumanggap. Pagkatapos ay sinabi niya sa Mga Bata na
mag-iwan ng walang katapusan at magpatuloy sa kuweba.

Kasunod ng tagubilin, ang mga bata ay nagkataon sa isang ligaw na bulugan na kinukuha nila sa
kuweba. Pagkatapos, naririnig nila ang matandang babae na naglalagay ng sumpa sa Bakiwos. "Sumabog,
sumabog, bagyo, sumabog at magdala ng isang butas sa masara kung nasaan ang Bakiwos, at maaaring
sinumpa si Bakiwos!" Nagsisimula ang pagbagsak ng ulan at sa lalong madaling panahon si Masara ay naging
isang marshland. Tulad ng para sa Bakiwos, siya ay naging isang buwaya.

 KATUTUBONG AWIT

Kaulo Folksong
(The Kaulos live in Malita, Davao del Sur)

Adon ubay basih Sanghai kanmi’y magdamay


Kay wala kono paka-angay tingtingan mani
Beg mangisi imanmo beg aw baka naboto yan
Dagaw pagtabayan mami a ligebligeb name
Adi pangakay walay imo-imoan wolaw
Sa buhay iman mo way betuon kon
Ayaw gaw bet di-galo magsinan (2x)

Ini labeg kami, ini labeg kamion ta kamo kantan


Manang madeg miglong manang madeg miglong
Matat bet manag madyaw dayan manag
Madyaw dayan di kami mangita sa tanan
Kon kami ya tanomon andan na tubang
Pangkay wan ya samputon.

Engish Translation
There’s a woman who lives her in Shanghai
Who humiliates us, because according to her
She doesn’t like us
She always wears a smile
Just like the mouth of the tadpole
She is our only talk every time we stroll
We are making stories about her
Even though not true
What kind of woman is that as if
Retarded, if she is not retarded,
She should not say things against us.
Here we are, here we are to sing a song for you.
Many said that we’re good
We don’t seek for a war,
But if we’re attacked, we still fight
No matter what happens.
Do it for the woman
She asks you to get the stars and the moon
Because that’s what she likes
Give them to her
Because I cannot reach them
They are too far.

Mga Sanggunian
 Literatura Ng Iba’t Ibang Rehiyon Ng Pilipinas (Binagong Edisyon), Carmelita Siazon-Lorenzo, et.all.,
Grandbooks Publishing Inc. 2010.
 Kayamanan, Kasaysayan ng Pilipinas, Eleanor D. Antonio, et. al. Rex Book Store
 The literatures of the Philippines (Revised Edition)
 Philippine Literature (A Tertiary Textbook for literature I Under the New Curriculum)
 http://www.docstoc.com/docs/135125677
 http://www.scrib.com/doc/98956920/Tara-Gala-Tayo-Sa-Region-11
 http://ladyflora14.blogspot.com/2014/03/rehiyon-xi.html
 https://beamandgo.wordpress.com/2017/01/20/mga-sikat-na-festivals-in-davao-adto-ta-didto-celebrations-
that-make-ofws-miss-home/

Inihanda nina:
Angeles, Ariane Epiphany P.
Singao, Jayacinth A.
I-BSE Filipino

Ipinasa kay:
Bb. Mary Grace E. Ubando
Instraktor I

You might also like