You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 4

(Using the IDEA Instructional Process)


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasalaysay muli ang binasang kuwento
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
Nagagamit ang aspekto (panahunan) ng pandiwa sa
(MELC) (Kung mayroon, isulat ang
pagsasalaysay ng nasaksihang pangyayari
pinakamahalagang kasanayan sa pagkatuto o
F4WG-IId-g-5
MELC
II. NILALAMAN
III. KAGAMITAN PANTURO larawan, tsart,
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Gabay sa Pagtuturo, pahina MELC 212
b. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral Modyul para sa Mag-aaral, Modyul 5, Week 5
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng
Deped LMS Portal
Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa
mga Gawain sa Pagpapaunlad at Larawan, Biswal, Power Point Presentation
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Pagpapakita ng larawan ng guro ng nagdadasal
Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
Ikaw ba ay nagdadasal din?
Bakit ka nagdadasal?

Gawain 1: TUKUYIN MO!


Balik aral:
Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na
Hindi pamilyar na salita base sa nakalarawan

B. Development (Pagpapaunlad) Gawain 2:DYADS


Tatawag ang guro ng ilang pares ng mag aaral upang
magtanungan;
Narito ang mga tanong
Ano ang ginawa mo kahapon?
Ano ang ginagawa mo ngayon?
Ano ang gagawin mo bukas?

Gawain 3: Ipaliwanag MO!


Ano ang kanilang ginawa kahapon?
Ano ang kanilang ginagawa ngayon?
Ano ang kanilang gagawin bukas?
Ano ano ang mga ginamit na salitang kilos?
Kailan nangyari ang mga kilos?
Anong bahagi ng Pananalita ito?
C. Engagement (Pagpapalihan) GAWAIN 4: BASAHIN MO!
Ang guro ay magpapabasa ng isang kwento na babasahin
sa mga mag-aaral.
Ang Nanay kong Masipag
Madaling araw pa lang ay gising na si Ina upang ihanda
ang aming almusal , habang siya ay nagluluto isinasabay na
nya ang paglilinis ng bahay. Pagkagising naming
magkakapatid sa umaga handa na ang lahat. Kakain na
lamang kami.Nagpunta ang nanay sa palengke upang
bumili ng panaghalian. Sa araw araw na gawain ni Ina
nakakalimutan niyang mag ayos ng kanyang sarili.
Iidolohin ko si Ina sa kanyang pagiging maasikaso at
mapagmahal sa amin. lagi niyang inuuna ang aming mga
pangangailangan. Kaya naman mamahalin ko siya
hanggang sa kanyang pagtanda. Susundin ko ang kanyang
mga payo.Sisikapin kong mabigyan siya ng magandang
buhay
GAWAIN 5: SAGUTIN NINYO!
Balikan natin ang mga pangyayari sa napakinggang
kuwento tungkol sa ang nanay kong Masipag
1. Tungkol saan ang binasa nating Kwento?
2. Sino ang tinutukoy ng ating awtor?
3. Paano niya inilarawan ang kanyang ina?
4. Katulad ban g kanyang ina ang iyong ina?
5. Ano pa ang kayang gawin ng isang ina para sa
kanyang anak?
6. Ano- ano ang mga salitang kilos ang nasa kwento?
7. Kailan kaya ito ginawa?

GAWAIN 6: Gamitin Mo!!!


Gamitin ang mga larawan sa sarili mong pangungusap
gumamit ng ankop na Panahunan ng Pandiwa
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang kahulugan ng padiwa?
2. Ano ang panahunan ng Pandiwa?
3. Kailan natin sinasabing ang pandiwa ay nasa
panahunang pang nagdaan? Pangkasalukyan? Pang
hinaharap?
Gawain 7
Laro tayo!!!

D. Assimilation (Paglalapat) GAWAIN 8


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Isulat sa iyong kuwaderno o
sagutang (Modyul Base)
papel ang pandiwa sa bawat pangungusap.
1. Si nanay ay nagluluto ng hapunan.
2. Tapos na akong maghugas ng mga pinggan.
3. Binabasa ni Tatay ang bagong diyaryo.
4. Si Amelia ay nag-aaral sa kanyang silid.
6. Ang pusa ay humiga sa ilalim ng mesa.
7. Bumuhos ang malakas na ulan.
8. Kinuha ni Kuya Rodlan ang payong sa sala.
9. Magsisimba sina Lolo at Lola mamaya.
10. Bibili si Lara ng meryenda sa tindahan

Gawain 9
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:
Isulat ang angkop na pandiwa sa mga
sumusunod na pangungusap. Gawin ito sa iyong
kuwaderno o sagutang papel.
1. (Nagsipilyo, Nagsisipilyo, Magsisipilyo) ako ng ngipin
araw-araw.
2. (Tinupi, Tinutupi, Tutupiin) ko ang mga damit ngayon.
3. Si Nenita ay (nagluto, nagluluto, magluluto) ng ginataan
mamaya
4. Ssshh! Huwag kayong maingay kasi (natulog, natutulog,
matutulog)
nang mahimbing ang sanggol sa duyan.
5. (Umalis, Umaalis, Aalis) na sila kanina.
GAWAIN 10: ISAISIP MO!

Magbigay ng mga salitang kilos sa imaheng ibinigay ng


guro at gamitin ito sa sarili mong pangungusap.Isulat ang
sagot sa maliiit na ulap

V. PAGNINILAY
GAWAIN 11
Napag-alaman ko na:

-----------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------
-----------------------------------------------------------------------
------------------------------.

Prepared by:

REESA A. SALAZAR-APOLINARIO

Teacher I

Checked & Validated by: Noted by:

AVELINA G. ATAY AEZL IAN A. AGUANA, EDD


Master Teacher I Principal II

You might also like