You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

REGIONAL TRIAL COURT


National Capital Judicial Region
BRANCH 161
Pasig City

PEOPLE OF THE PHILIPPINES,

Crim. Case No. 21-02179


-versus- For: Violation of Section 5, Art II of
RA 9165

RAYMUNDO RANADA y ALAS


MARLON MARILAG y NICOLAS
Accused.
x---------------------------------------------x
PEOPLE OF THE PHILIPPINES,

Crim. Case No. 21-02180


-versus- For: Violation of Section 11, Art II
of RA 9165

MARLON MARILAG y NICOLAS


Accused.
x---------------------------------------------x

JUDICIAL AFFIDAVIT OF RAYMUNDO RANADA


In compliance with A.M. no. 12-8-8-SC, which took effect on January 1, 2013,
accused RAYMUNDO RANADA y ALAS, by undersigned counsel, respectfully submits
his Judicial Affidavit, which will serve as his direct testimony.

OFFER

The judicial affidavit of RAYMUNDO RANADA y ALAS, is offered to disprove the


allegations in this case, particularly, that he committed a violation of Section 11, Art. II, of
R.A. No. 9165 (Possession of Illegal Drugs), and the search made by virtue of a search
warrant was unlawful and violated the right of the accused.

(The Judicial Affidavit is executed in Tagalog, a language known and more


understood by the accused.)

---

Ako, RAYMUNDO RANADA y ALAS, nasa hustong gulang, Pilipino


kasalukuyang nakapiit sa Pasig City Jail, Nagpayong, Pinagbuhatan, Pasig City, alam na
maari akong makasuhan ng kasong kriminal kung gumawa ako ng false testimony o
perjury, ay nanunumpang sinasagot ang mga sumusunod na katanungan:

Ang nagtatanong sa akin ay si Atty. Maria Gicel T. Cambri ng Public Attorney’s


Office (PAO) Pasig District na may office address sa 3rd floor Pasig Social Welfare Bldg.,
City Hall Compound, Pasig City.
Q1: Bakit ka tumetestigo ngayon sa korteng ito?
A1: Tumetestigo po ako para sabihin sa korte na hindi totoo ang kwento ng mga
pulis na nasangkot daw ako sa isang buy-bust operation. Ang mga ebidensya
laban sa akin ay pinlanta lang ng mga pulis.

Q2: Ano ang trabaho mo bago ka nahuli?


A2: Ako po ay isang welder. May shop po kami sa San Joaquin, Pasig. Pero
nangongontrata din po ako sa mga bahay-bahay kung may ipapagawa sila.

Q3: Kailan at saan ka inaresto?


A3: Noong July 23, 2023, mga bandang alas-9 ng gabi, sa may “Putol”, sa Rosario,
malapit sa elevated u-turn ng Ortigas Extension.

Q4: Anong ginagawa mo bago ka mahuli?


A4: Galing po ako noon sa trabaho ko sa Lifehomes. Gumawa po kasi ako ng gate
ng nangontrata sakin na dati kong kapitbahay sa San Joaquin.

Q5: Anong sumunod na nangyari na may kaugnayan sa kasong ito?


A5: Noong pauwi na po galing Lifehomes gamit ng aking motor, bigla pong
bumuhos ang ulan. Kaya napahinto po ako sa gilid ng Dr. Sixto Avenue corner
Ortigas Extension Avenue, Rosario, Pasig, para kumuha ng kapote sa
compartment ng motor ko.

Q6: Pagkatapos, anong nangyari?


A6: Ayun po. Nakapagkapote naman ako pero noong pasakay na po ulit sa motor
ko, biglang may tumigil sa tapat ko na mga lalaking naka-motor. Sa tanda ko,
limang motor po iyon, tapos nasa siyam na tao sila.

Q7: Sino itong mga taong to?


A7: Hindi ko po sila kilala. Pero nagpakilala po silang pulis.

Q8: Sabi mo tumigil sila sa tapat mo, anong ginawa nila?


A8: Tinanong nila ako kung ako daw si “Aliman”. Tapos pinaluhod po nila ako sa
harap ng motor.

Q9: Ano sabi mo?


A9: Hindi po ako s Aliman, si “Emon”. Yun po ang palayaw ko.

Q10: Pagkatapos mong sumagot noon?


A10: Pagtapos nila ako paluhurin, bigla nalang nila ako pinosasan sa likod, tapos
sinakay ako ulit sa motor ko. Yung isang pulis ang nagmaneho at ako naman ay
nakaangkas ka sa motor.

Q11: Ano sinabi mo?


A11: Sabi ko “Bakit po sir niyo ako hinuhuli? “Wala naman po akong ginagawa”.

Q12: Anong sinabi sayo?


A12: Sabi sa akin, “wag ka nang sumagot, wag ka nang maingay, sumakay at
makisama ka nalang”.

Q13: Anong ginawa mo?


A13: Sa takot ko, sumakay nalang po ako.
Q14: Saan ka dinala?
A14: Dinala po ako sa Caliwag, Pinagbuhatan. Mayroon po silang tinigilang bahay na
may nakatirang matandang babae at lalake.

Q15: Ano naman ang nangyari doon?


A15: Hinahanap po nila yung “Alex”. Di po nila makita doon kaya bigla akong
sinikmuraan.

Q16: Anong naging reaksyon mo?


A16: Napaluhod nalang po ako. Sabi ko “sir di ko po kilala yung Alex na yon”.

Q17: Anong ginawa nila doon sa bahay na yon?


A17: Pinasok po nila. Nagulat sila na dalwang matanda ang nakatira doon.

Q18: Pagkatapos anong sumunod na nangyari?


A18: Sinakay nila ako ulit sa motor, dinala naman nila ako sa isang bahay Villa Alegre,
Pinagbuhatan.

Q19: Anong ginawa niyo doon?


A19: Sa mgay pinaka dulo po malapit sa sapa, may bahay po doon. Pinipilt nila na
doon daw ako nakatira, sabi ko taga San Joaquin po ako.

Q20: Anong sumunod na nangyari?


A20: Ipinasok po nila ako sa isang bahay na di ko alam kung sino ang may-ari noon.

Q21: Pagpasok sayo sa baha na iyon, anong nakita mo sa loob?


A21: Pagpasok ko, maraming tao doon at may mga dalang baril. Tapos may
binubugbog silang isa pang tao doon na naka-posas. Kinukuryente nila gamit
ung portable ung pinipindot. Pinapadila nila ung tao tas doon nila dinidikit.

Q22: Anong sumunod na nangyari?


A22: Tinanong nila ako kung kilala ko yung taong binubugbog nila. Sabi ko hindi ko
po kilala.

Q23: Ano pa ang nangyari sa loob?


A23: Mga ilang minuto lang may dumating nanamang tao, may dala ulit na dalawang
naka-posas. Yung isa tinanong nila, “Kung doon daw pupunta sa bahay na iyon”.
Sabi nung tao tricycle driver siya at naghatid lang ng pasahero. Yung isa naman
ang pangalan noon si Marlon Marilag, yung ginawa nilang kaasunto ko dito sa
kaso.

Q24: Anong sumunod na nangyari?


A24: Tinakot din nila yung mga taong yun tapos kinukurtente din. Yung isa nakiusap
na tricycle driver lang siya at wala siyang kinalaman. Sabi ng mga pulis, “sige
dyan ka muna sa tabi”.

Q25: Pagkatapos po ng mga pangyayaring iyon, ano pong sumunod?


A25: Hinintay namin ung tinawag nilang taga-barangay at konsehal. Pagdating nila,
pilit kaming pinaupo sa sofa kaharap yung mga ebidensyang nilagay nila samin.
Q26: Anong sumunod na nangyari?
A26: Nilabas na po kami, tapos doon pa kami dun sa tricycle driver na hinuli din nila
tapos hanggang Ultra kami sa district station dinala.

Q27: Noong nandoon na kayo sa police station, ano pong nangyari?


A27: Kinuha ung pangalan namin ng imbestigador at sinabi samin na kakasuhan daw
kami ng droga. Tapos, dinala kami sa Mandaluyong for drug test.
Pagkatapos noon, diniretso kami sa RMC tapos po sa Motorpool para ikulong.

Q28: Kailan mo nalaman na ito ang kasong isinampa sayo?


A28: Nalaman ko noong sinabi ng imebstigador. Sabi niya “oh, ito ang magiging kaso
niyo”. Sabi ko “bakit naman po ganyan Sir”. Di naman kumibo. Wag na daw ako
makulit?

Q29: Pagkatapos po kayong makulong sa motorpool, may nangyari pa po ba?


A29: Wala napo. Nakakulong na ako simula noon.

Q30: May nais ka pa bang sabihin kaugnay ng kaso mo ito?


A30: Sana po ay panigan po ako ng husgado dahil tinaniman lang po ako ng
ebidesya ng mga pulis. Hindi po totoo na may buy-bust operation. Kaya sana po
ay makamit ko ang hustisya sa nangyari sa akin. Salamat po.

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand this 10th of August 2023
at Pasig City.

RAYMUNDO RANADA
Affiant

SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME, this 10th of August 2023 at Pasig
City.

ATTY. MARIA GICEL T. CAMBRI


Public Attorney II
(Pursuant to R.A. 9406)

Doc. No. 23-8-587


Page No. 64
Book no. II
Series of 2023.
ATTESTATION OF THE LAWYER

I, ATTY. MARIA GICEL T. CAMBRI, of legal age, Filipino, with office address at 3/F –
Bahay Aruga, PSWD – Eusebio Bldg., Caruncho Avenue, Pasig City, after being duly sworn
depose and say:

1. I was the one who conducted the examination of witness via video conference
wherein I am at Public Attorney’s Office (PAO) Pasig District with office
address at 3rd floor Pasig Social Welfare Bldg., City Hall Compound, Pasig City,
while affiant is at Pasig City Jail.

2. I have faithfully recorded or caused to be recorded the questions I asked and


the corresponding answer that the witness gave;

3. I nor any other person then present or assisting him coached the witness
regarding her answers;

IN WITNESS WHEREOF, I have hereunto set my hand this 10th of August 2023 at
Pasig City.

ATTY. MARIA GICEL T. CAMBRI


Public Attorney II
Roll No. 70275
IBP Member No. 234215 / June 13, 2022
MCLE Compliance No. VII-0015885

SUBSCRIBED AND SWORN TO BEFORE ME, this 11th of August2023 . Affiant


exhibited to me her Integrated Bar of the Philippines ID.

Doc. No.
Page No.
Book no.
Series of 2023.

You might also like