You are on page 1of 2

CLASH OF THE TITANS - BUOD

Nagsimula ang kuwento nang matalo nina Zeus, Poseidon at Hades ang mga Titans nang inutusan ni
Zeus si Hades na gumawa ng isang halimaw, ang Kraken. Si Zeus ang naging pinuno ng langit at si
Poseidon naman sa karagatan samantalang si Hades ang naging hari ng Underworld. Nilikha ni Zeus ang tao
atsa paglipas ng panahon ay nagkaroon ang mga tao nang pagaalinlangan sa kapangyarihan ng mga diyos.

Makalipas ang isang libong taon, isang mangingisda na nagngangalang Sypros ang nakakita ng isang
kabaong sa dagat. Isang sanggol kasama ng kanyang patay na ina ang nasa loob niton a si Danaë. Inampon
ni Spyros ang batang lalaki at pinangalanan niya itong Perseus. Makalipas ang ilang taon, ang binatang si
Perseus kasam ng kanyang pamilya sa isang maliit na bangka ay nakakita ng pagbagsak ng rebulto ni Zeus
na kagagawan ng mga sundalo ng Argos tanda ng paghihimagsik nila sa mga diyos. Nagpakita si Hades sa
pagkatao ng mga Harpies at pinatay ang mga sundalo. Matrapos nito ay sinra din ni Hades ang bangka nina
Perseus na naging dahilan nang pagkalunod ng pamilya ng binata.

Si Perseus ay natagpuan ng mga sundalo kung saan dinala siya sa Argos sa kanilang hari na
si Cepheus at reynang si Cassiopeia habang pinagdidiwang ang paghihimagsik laban sa mga diyos.
Nagyabang si Cepheus at si Cassiopeia naman ay inihambing ang kanyang anak na si Andromeda sa
diyosang si Aphrodite.

Dahil sa mga pangyayari ay lubos itong ikinagalit ni Zeus kung saan naman nabigyan ng pagkakaton
si Hades na magsalit at magpakita sa Mount Olympus. Ipinaglaban ni Hades na dapat maghiganti ang mga
diyos laban sa mga ito. Nagpakita si Hades sa loob ng hukuman ng Argos at pinagpapatay ang mga natirang
sundalo samantalang pinainom naman niya si Cassiopeia hanggang sa ito ay mamatay. Nagbanta si Hades na
kung hindi iaalay si Andromeda para sa mga diyos sa loob ng sampung araw ay wawasakin niya ang Argos
gamit ang Kraken. Sa kanyang pag-alis, sinabi niya na si Perseus ay isang Demigod. Ipinaalam naman ni
Perseus, ang mensahero ng mga diyos, kay Zeus na buhay ang kanyang anak na si Perseus sa Argos. Pero
tumanggi si Zeus na siya’y iligtas.

Pinakulong naman ng hari si Perseus dahil ayaw niton a makipaglaban para sa Argos. Binunyag
naman ni Io kay Perseus ang tunay niyang pagkato. Para maparusahan si Haring Acrisius sa pagrerebelde sa
mga diyos, nagpanggap si Zeus na si Acrisius at inakit si Danaë. Nang inilagay ni Acrisius si Danaë kasama
ang sanggol sa loob ng kabaong, pinatay naman ni Zeus ang nasabing hari sa pamamagitan ng kidlat nito.
Sinabi rin Io na hindi siya tumatanda dahil hindi siya pumayag na paakit kay Poseidon. Matapos malaman ni
Perseus na kapag pinatray niya ang Kraken ay makapaghihiganti siya kay Hades na pumatay sa kanyang
pamilya ay pumayag na rin siya na lumaban sa panig ng Argos at hanapin ang Stygian Witches. Sinamahan
naman sila ng mga halimaw na mangangaso na sina Ozal at Kucuk. Sumama din si Io.

Nakita naman ni Hades si Acrisius (na ngayon ay kilala bilang si Calibos) at kanyang inilahad ang
kanyang plano na gamiti ang Kraken sa pagwasak sa Argos upang makapghiganti rin kay Zeus dahil sa
ginawa nitong pagtalikod noong pakikipaglaban sa mga Titans. Binigyan ni Hades na pambihirang
kapangyarihan si Calibos upang patayin si Perseus.

Habang nasa kagubatan ay nakadiskubre si Perseus ng isang espada at ang grupo bg mga lumilipad
na kabayyo ngunit ang mga ito ay kanyang tinaggihan dahil sa ayaw naman niyang maging diyos. Inatake
naman ni Calibos ang grupo halos lahat ng mga sundalo ngunit napilitang siyang umatras nang maputol ni
Draco ang kanyang kamay. Subalit ang dugo ni Calibos ay lumikha ng mga higanteng alakdan na pumatay
sa lahat ng mga sundalo maliban kay Draco, Solon, Eusebios at Ixas.

Ang mga natira ay nailigtas naman ng mga Djinn, isang banda o grupo ng mga shaman. Noong una
ay wala silang tiwala sa mga ito pero nagbago ito nang hilumin nang kanilang pinuno na si Sheikh Suleiman
ang mga sugat ni Perseus. Sumama na rin ang mga Djinns a kagustuhan din nilang mawala sa trono ang mga
diyos.

An gating mga bayani ay nagpunta na sa Stygian witches at sinabi sa kanila na ang tanging solusyon
upang mamatay ang Kraken ay ang makuha ang ulo ni Medusa, isang Gorgon, dahil nagiging bato ang
sinumang tumingin dito. Nang mabalaan na sila ay maaaring mamatay, si Peseus ay iniwan ng mga Djinn,
nina Ozal at Kukuck at nang iba pa maliban kay Suleiman. Binisita naman ni Zeus si Perseus at inalok nang
pahingahan si Perseus sa Mount Olympus ngunit ito’y kanyang tinanggihan. Binigyan na lamang ni Zeus si
Perseus ng isang gintong drachma para suhulan si Charon sa pagpunta sa Underworld.

Habang nakikipaglaban kay Medusa ay natamaan niya si Solon na naging dahilan ng pagkamatay
nito. Ginawa naman niyang bato sina Ixas at Eusubios. Nilinlang naman ni Perseus si Medusa at tinangka
naman ni Suleiman na pugutan ng ulo si Medusa ngunit ang kanyang naputol lamang ay ilang ahas sa
kanyang ulo kaya ito ay ginawa na ring bato ni Medusa. Isinakripisyo naman ni Draco ang kanyang sarili
upang kunin ang pansin ng sugatang si Medusa nang sa gayon ay mapugutan ito ni Perseus. Mula sa
Underworld ay nakita ni Perseus na sinaksak ni Calibos si Io sa likod. Matapos ang maikling duwelo ay
napatay ni Perseus si calibos.Walang nagawa si Perseus kundi panoorin si Io na maging gintong alikabok at
mapunta sa Olympus. Sinakyan niya si Pegasus pabalik sa Argos dala ang ulo ni Medusa.

Sa Argos ay napagpasyahang ialay si Andromeda sa Kraken. Nang mapalabas ang Kraken, binunyag
ni Hades kay Zeus na ang pagkawasak ng Argos ang magbibigay sa kanya ng kapangyarihan upang mawala
sa trono ang mga Olympians. Kahit na ipinadala ni Hades ang mga Harpies upang patayin si Perseus ay
nagamit pa rin ni Perseus ang ulo ni Medusa upang mapatay ang Kraken at mailigtas si Andromeda. Ginamit
din ni Perseus ang espada ng Olympus na may kidlat mula kay Zeus at ibinalik si Has=des sa Underworld.
Tinanong naman ni Andromeda si Perseus kung ito ay papayag na maging hari ng Argos pero ito ay
kanyang tinanggihan. Binalaan naman siya ni Zeus at sinabing si Hades ay maaaring bumalik upang
maghiganti. Dahil sa kagustuhan ni Perseus na manirahan sa daigdig ay kanyang binuhay si Io.

You might also like