You are on page 1of 4

IKALAWANG PANGKAT: ANG MGA KONTINENTE:

1. ASYA : sukat: 44,579,000 sq. km


 Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya.
 Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa pinagsamang
lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng
Asya ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat
ng lupain ng daigdig.
 Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon
sa daigdig
 Ang Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng
Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.

2. EUROPA: sukat: 9,938,000 sq. km.


 Ikaapat na bahagi lamang ng Asya ang laki nito.
 Noong panahon ng kolonisasyon, pansamantalang sa Europa ang
malaking bahagi ng daigdig
 Dito rin nagsimula ang mga kaganapang humantong sa dalawang
digmaang pandaigdig sa kasaysayan noong ika-20 siglo.
3. APRIKA: sukat : 30,065,000 sq. km.
 Matatagpuan dito ang Nile River, ang pinakmahabang ilog at ang
Sahara Desert ang pinakamalaking disyerto naman sa mundo.
 Ang malaking suplay ng ginto at diyamante ay dito rin makikita
 Ito ay nagtataglay ng pinakamaraming bansa sa ibang kontinente.

4. AUSTRALIA : sukat: 7,687,000 sq. km.


 Bukod-tanging kontinente na nagtataglay ng iisang bansa sa kanyang
nasasakupan- ang Commonwealth of Australia
 Sinasabing mas marami pang tupa ang kumpara sa mga taong
naninirahan dito
 Kalapit nito ang Oceanina na tumutukoy sa mga bansa, estado at pulo
sa Micronesia, Melanesia at Polynesia.
IKATLONG PANGKAT: ANG MGA KONTINENTE:
5. NORTH AMERICA : sukat: 24,256,000 sq. km.
 May hugis ng isang malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang
bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico
 Matatagpuan dito ang dalawang mahabang kabundukan- ang Appalachian
Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran

6. SOUTH AMERICA: sukat: 17,819,000 sq.km.


 May hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis simula sa bahaging equator
hanggang sa Cape Horn sa katimugan.
 Ang kabundukang Andes, na may habang 7,240 km ay sumasakop sa kabuuang
kanlurang baybayin ng South America
7. ANTARCTICA: sukat: 13,209,000 sq. km.
 Tanging kontinenteng natatakpan ng yelo
 Ang kapal ng yelo dito ay halos umaabot ng halos 2 kilometro o 1.2 milya
 Dahil dito maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral dito
 Ang karagatang nakapalibot dito ay sagana sa mga isda at mammal

You might also like