You are on page 1of 1

-Sa mga bundok, pinakamataas sa buong mundo ang Everest na may taas na halos 8, 850 metro.

Pangatlo naman sa pinakamataas ang Kanchenjunga. Parehong nasa Himalayas ang matataas na bundok
na ito. Sa Pilipinas, Mt. Apo ang pinakamataas na rurok. Ito ay matatagpuan sa pagitan ng Davao at
North Cotabato.

Mga Bulkan

Malaking bahagi ng tinatawag na Pacific Ring of Fire ang nasa Asia. Tinatayang nasa humigit-
kumulang 300 na aktibong bulkan ang nasa Asia tulad ng Semera, Krakatoa, Fuji, Pinatubo, Taas,
at Mayon na siyang pinaka-aktibo sa Pilipinas.

Tatlong bulkan sa Asia ang kasali sa listahan ng 10 pinakasikat na bulkan sa mundo. Pangalawa
sa listahan ang Krakatoa sa Indonesia. Pang –apat naman ang Tambora mula sa bansang
Indonesia parin. Pangsampu sa listahan ang Pinatubo na matatagpuan mismo sa Pilipinas.

Talampas
Matatagpuan sa Asia ang ilang talampas. Ito ang anyong lupa na tumutukoy sa kapatagan sa
itaas ng bundok. Ang Tibet ang pinakamataas na talampas sa daigdig. Ito ay tinaguriang roof of the world
dahil sa kaniyang taas na 16, 000 talampakan. Sa Pilipinas naman ay pinakatanyag na talampas ang
Baguio.

Disyerto
Ang tawag naman sa malawak na anyong lupa na binubuo ng buhanginan ay disyerto. Ang
disyerto ay tigang na lugar dahil sa kakaunting ulan na natatanggap nito.

Pulo
Kung pagmamasdan mong mabuti ang mapa ng Asia, maraming pangkat ng malalaki at maliliit
na pulo. Ang tawag ditto ay mga kapuluan.

Tangway ang tawag sa kapuluaan na nakausli sa karagatan. Ang tangway ng Bataan ang
halimbawa rito sa Pilipinas.

Kapatagan ang salitang ginagamit para sa patag na kalupaan. Dito isinisilang ang pinakamalaki at
pinaka-progresibong mga lungsod.

You might also like