iyong amo. Ang ilan sa iyong pangangailangan gaya ng pagkain, tubig at ilaw ay sagot ng iyong tinitirhang amo. Kumikita ka ng Php5,000.00 sa loob ng isang buwan. Paano mo ito gagawan ng budget plan? Pangalawang pangkat: Ikaw ay isang guro na sumasahod ng Php30,000.00 sa loob ng isang buwan. Mayroon kang 4 na anak (3 nag-aaral at 1 baby). Paano mo mapagkakasya ang iyong kinikita kung ang mga gastusin ay ang mga sumusunod: tubig, kuryente, internet, pamasahe, pagkain, allowance ng mga anak atbp.? Pangatlong Pangkat: Ikaw ay isang empleyado na kumikita ng Php16,000.00. Nangungupahan ka at lahat ng gastusin ay iyong sagutin. Paano mo ito mapagkakasya sa loob ng isang buwan? Pang-apat na pangkat: Ikaw ay isang estudyante na may baong 500 sa isang linggo. Ipakita kung paano mo maibabudget ang iyong baon?