You are on page 1of 5

AP6

Q2-FS4

Mga hakbang na ginawa at pinagdaanan ng mga Pilipino noon upang mabigyan ng pagkakataon na pamahalaan
ang sariling bansa:

1.) Philippine Organic Act of 1902 o Batas ng Pilipinas 1902

- nagsimulang pamahalaan ng mga Amerikano ang Pilipinas sa bisa ng batas na ito na ipinasa noong Hulyo 1902.
- Ilan sa nakatadhana sa batas na ito ay ang:
 pagkaroon ng talaan ng mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino
 pagtatag ng mga kagawaran o departamento ng pamahalaan
 magkaroon ng dalawang kinatawan ang Pilipinas sa Kongreso ng Estados Unidos na syang
magtatanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino
 pagtatag ng Aseamblea ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino.

Asamblea ng Pilipinas
- Isa sa mga nakatadhana sa Batas ng Pilipinas 1902 ay ang pagkakaroon ng Asamblea ng Pilipinas.
- Upang mabuo ang Asamblea, kailangang magkaroon ng halalan ng mga pinunong bubuo nito.

Hulyo 1907 - nagkaroon ng halalan para sa Asamblea

Oktubre 16, 1907 - naitatag ang Asamblea ng Pilipinas
Sergio Osmena - nahirang bilang tagapagsalita o Ispiker
Manuel Quezon - ang lider ng mayorya o majority floor leader.

Woodrow Wilson
- nanalo bilang pangulo ng Amerika, isang Democrat na naniniwalang kaya na ng Pilipinas na magsarili kaya
nagbago ang takbo ng kasaysayan.

Francis Burton Harrison

- Hinirang siya ni Pangulong Wilson bilang gobernador-heneral ng Pilipinas. Siya ang naging susi sa mas madaling
Pilipinisasyon ng pamahalaan ng Pilipinas nang magtalaga siya ng mga Pilipino bilang kawani ng pamahalaan.

Civil Retirement Act No. 2581

- Itinalaga ni Francis Burton Harrison ang mga Pilipino bilang kawani ng Pamahalaan nang nagretiro ang mga
kawaning Amerikano.

2.) Batas Jones o Philippine Autonomy Act of 1916

- ito ang sumunod na batas na ipinasa na nagbigay ng mas malaking pagkakataon sa mga Pilipino na pamahalaan
ang Pilipinas, ipinalit ito sa Philippine Bill of 1902.
- naipasa ito noong Agosto 29, 1916, dito hayagang ipinahayag na ipagkaloob ang kasarinlan ng Pilipinas sa
sandaling ito ay magkaroon ng matatag na pamahalaan.
- Alinsunod nito, nagpadala ng mga Misyong Pangkalayaan ang mga Pilipino sa Amerika upang hilinging
ipagkaloob ang ksarinlan ng bansa.
- Nagsimula silang magpadala ng mga misyong pangkasarinlan noong 1919.
- Subalit noong 1933 lamang may nagtagumpay.

Ang Batas Hare-Hawes-Cutting

- ito pinagtibay noong Enero 17, 1933 ang isa sa pinakamatagumpay na misyong ipinadala sa Amerika.
- Nang dalhin ito sa Pilipinas, may ilang probisyong binago si Quezon dahil mayroon siyang hindi nagustuhan.
- Nang may binago ang Hare-Hawes-Cutting tinawag itong Batas-Tydings McDuffie.

Ang Batas Tydings-McDuffie

- ang siyang nagtadhana sa pagtatag ng Malasariling Pamahalaan o Komonwelt sa Pilipinas na tatagal ng sampung
taon.
- Sinulat ito nina Senador Millard Tydings at Congressman John McDuffie.
- Marso 24, 1934 - nilagdaan ito ni Pangulong Franklin Roosevelt
- Itinadhana din dito ang pagkakaroon ng kumbensyong maghahanda ng Saligang Batas, pagkaroon ng plebisitong
magpatibay sa Saligang Batas, paghalal ng mga mamumuno sa Malasariling Pamahalaan at pagtatakda ng Araw ng
Kalayaan ng Pilipinas sa Hulyo 4, 1946 matapos ang sampung taon ng Komonwelt.
- Nobyembre 15, 1935, pinasinayaan ang Pamahalaang Komonwelt sa Gusali ng Lehislatura

Manuel Luis M. Quezon – nanumpa bilang Pangulo ng Komonwelt

Sergio Osmeña - pangalawang pangulo ng Komonwelt, sila Quezon at Osmeña ang nanalo laban kina
Aguinaldo

Emilio Aguinaldo - pinuno ng Himagsikan at Unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas

Gregorio Aglipay - nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente
Pascual Racuyal - nagtatag ng National Medical Hospital sa Mandaluyong
Pamahalaang Komonwelt
- Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas, tinawag nilang Benevolent Assimilation ang kanilang pagsakop
sa atin.

Benevolent Assimilation - Ito ay nangangahulugang, pakikipagkaibigan ang kinilang pakay at ninanais lamang nilang
tayong turuan kung paano pamahalaan ang ating bansa.

Mga Pagbabago sa Lipunan sa Panahon ng Komonwelt

Programang Pangkabuhayan at Panlipunan

A.Ekonomiya
1. Itinatag ang Sanggunian ng Pambansang Kabuhayan upang tumugon sa suliraning pangkabuhayan.
2. Lumaganap ang industriya ng pagmimina, tela, tabako, langis ng niyog, bigas at mais na
pinangasiwaan ng National Rice and Corn Corporation.
3. Napabuti rin ang suplay ng kuryente at tubig.
B. Lipunan
1. Pagbibigay ng sapat na sahod sa mga manggagawa, pagtatakda sa 8 oras na paggawa, at pagbuo ng
hukumang lilitis sa pang-aabuso sa mga manggagawa.
2. Pagbabahagi ng lupain sa mga magsasaka ngunit hindi nagtagumpay ang programa dahil sa mga
hacienderong tumulong kay Quezon sa halalan.
3. Itinaguyod ang Kagandahang Asal o Code of Ethics ni Pangulong Quezon.

Programang Pang-Edukasyon
1. Pagbago sa gulang ng mag-aaral sa unang taon ng pag-aaral mula anim at ginawang pitong taon.
2. Pag-alis sa ika-7 baitang sa mababang paaralan.
3. Pagtakda sa taong pampaaralan mula Hunyo hanggang Marso.
4. Libreng edukasyon sa Primarya.
5. Pagbigay-diin sa paglinang ng damdaming makabayan sa mga mamamayan.
6. Tumaas ang karunungan (literacy) sa pamamagitan ng malawakang edukasyon sa elementarya, adult education,
bokasyonal, at paghihikayat sa mga pribadong paaralan.
7. Paggamit ng wikang Ingles sa paaralan at pang-araw-araw na pakikipag-usap.

* Kasabay sa pagbabago ng sistema ng edukasyon, mayroon ding binago sa wikang gamit ng mga Pilipino,
napagdesisyunan ni Quezon na magkaroon ng isang Wikang Pambansa.

Wikang Pambansa
- Nobyembre 13, 1936 - Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng Batas Blg. 184 na nagsasagawa
ng pag-aaral tungkol sa Pambansang Wika.
- Dahil dito itinuring na “Ama ng Wikang Pambansa” si Pangulong Quezon at nagdiriwang tayo ng Araw ng Wika
tuwing Agosto. (Ngayon ay Buwan ng Wika.)
- Hulyo 4, 1946 - ginawang batayan ang Tagalog sa pagbuo ng Pilipino bilang Wikang Pambansa ayon sa Batas Blg.
570.

Karapatan ng mga Kababaihan

- Sa Pamahalaang Komonwelt, binigyan ng karapatan ang mga kababaihan na bumuto.
- Abril 30, 1937 - Isang plebisito ang idinaos kung saan 500,000 na kababaihan ang sumangayon na bigyan sila ng
karapatang bumuto.
- Dagdag sa karapatang ito ay maari na ring kumandidato sa anumang pwesto sa tanggapan ng pamalaan ang mga
kababaihan. Ilan sa kanila ay sina:
o Bb. Carmen Planas - ang kauna-unahang bababeng konsehal sa Maynila.
o Gng. Elisa Ochoa - ang kauna-unahang babaeng inihalal sa Mabang Kapulungan ng Kongreso ng
Pilipinas.

Aktibiti 1: Panuto. Punan ang mga patlang sa ibaba, base sa iyong mga bagong natutunan. Hanapin ang inyong
mga sagot sa loob ng kahon.

Pamahalaang Komonwelt bumoto

Franklin Roosevelt Benevolent Assimilation
Marso 24, 1934 Wikang Pambansa

Tinawag na 1.______________ ang ginawang ginawang panankop ng mga Amerikano sa dahilang

pakikipagkaibigan ang kanilang pakay. Ngunit kahit mabuti ang kanilang intensyon, nais pa rin ng mga Pilipino na
magkaroon ng kasarinlan. Kaya noong, 2.________________________, nilagdaan ang Batas Tydings-McDuffie na
siyang nagbigay sa atin ng karapatan na pamahalan ang ating bansa sa loon ng sampung taon. Tinawag ang
“Malasariling Pamahalaan” na ito na 3.____________________. Maraming pagbabago ang naidulot nito sa ating
bansa, isa na rito ay ang pagkaroon ng 4.__________________ na siyang daan sa pambansang pagkakaisa.
Nagkaroon rin ng karapatang 5. __________ ang mga kababaihan.

Tinawag na 1. Benevolent Assimilation ang ginawang ginawang panankop ng mga Amerikano sa dahilang
pakikipagkaibigan ang kanilang pakay. Ngunit kahit mabuti ang kanilang intensyon, nais pa rin ng mga Pilipino na
magkaroon ng kasarinlan. Kaya noong, 2. Marso 24, 1934, nilagdaan ang Batas Tydings-McDuffie na siyang
nagbigay sa atin ng karapatan na pamahalan ang ating bansa sa loon ng sampung taon. Tinawag ang “Malasariling
Pamahalaan” na ito na 3. Pamahalaang Komonwelt. Maraming pagbabago ang naidulot nito sa ating bansa, isa na
rito ay ang pagkaroon ng 4. Wikang Pambansa na siyang daan sa pambansang pagkakaisa. Nagkaroon rin ng
karapatang 5. bumuto ang mga kababaihan.

You might also like