You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa Pagtuturo ng

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI
(5 ARAW NA PAGTURURO)
NOVEMBER 14-18, 2022

Aralin 2 Katatagan ng Loob


Pamantayan sa Pagkatuto:
1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang
desisiyon na makabubuti sa pamilya

1.1 pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at


pangyayari
1.2 pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3 paggamit ng impormasyon
Batayang Pagpapahalaga: Katatagan ng Loob (Fortitude)
UNANG ARAW
ALAMIN
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagsusuri ng liban gamit ang seat plan.
4. Ilahad ang layunin ng aralin gayundin ang Batayang Pagpapahalagang pag-
aaralan sa pamamagitan ng semantic web.

a. Isulat ang iyong konsepto sa salita sa gitna,

1.

Katatagan
4. 2.
ng Loob

3.

b. Itanong:

1. Ano-ano ang konsepto ninyo sa salitang katatagan ng


loob?
2. Mahalaga ba ang katatagan ng loob sa paggawa ng
desisyon o pasya? Bakit?
3. Ano ang kahalagahan ng katatagan ng loob sa paggawa
ng pasya sa isang isyu ng isang pamilya?
4. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa paggawa ng isang
desisyon sa isang isyu sa pamilya?
5. Bakit kailangang ang mapanuring pag-iisip sa paggawa
ng desisyon o pasya?
c. Pagbigayin ang mga mag-aaral ng karanasan ng pamilya kung
saan naipakita ang katatagan ng loob bago gumawa ng pasya o
desisyon upang malutas ang naging suliranin.

IKALAWANG ARAW
ISAGAWA
B. PANLINANG NA GAWAIN

1. Video Presentation

Kapuso Mo, Jessica Soho: 9 year-old crippled girl uses improvised stroller to
go to school
https://www.youtube.com/watch?v=ZdMOqT3qjoY

2. Talakayan
a. Tungkol saan ang video?
b. Papaano naipakita ng mag-anak ni Kiana ang katatagan ng loob?
c. Papaano naipakita ng mga kamag-aral at mga guro ni Kiana ang
kanilang pagtulong at pagmamahal kay Kiana?
d. Sa iyong palagay, papaano napagtagumpayan ng buong pamilya ni
Kiana ang katatagan ng loob sa pagsubok na kanilang nararanasan?

3. Gawain
a. Pang-isahan
Pumili ng isang kasabihan sa ibaba at bigyang paliwanag ito.
Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon.
 ‘Pag may tiyaga, may nilaga.
 Habang Maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
 Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

______________

Salawikain

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
_____________________________________________________
b. Pangkatan

Ipakita ang katatagan ng loob at masusing pagdedesisyon sa isang


malikhaing presentasyon.

Pangkat Gawain
1 Dula-dulaan o skit
2 Akrostik – Katatagan ng Loob
3 Tula
4 Sabayang-pagbigkas
5 Kasabihan/slogan

4. Ipaawit ang “Walang Hanggang Pasasalamat.


https://www.youtube.com/watch?v=F83GW-ncU8w

IKATLONG ARAW

ISAPUSO
1. Balik-aral.
a. Tungkol saan ang video presentation na ating pinanaood sa
nakaraang araw?
b. Ano-ano ang pinasalamatan sa pangwakas na awit? Bakit kailangang
magpasalamat kahit sa mga nararanasan nating mga pagsubok sa
buhay?
c. Nakapatutulong ba ang panalangin at pasasalamat sa pagkakaroon
ng kattaagan ng loob at sa pagdedesisyon? Bigyang-katwiran ang
iyong sagot.
2. Iparinig ang “Ikaw Na Ang Bahala ( Panalangin) lyrics by Aiza Seguerra”

Talakayan.
a. Ano ang nilalaman ng awit-panalangin?
b. Papaano mo iuugnay ang linyang “Ikaw na ang bahala sa amin Ama”
sa katatagan ng loob?
3. Sa iyong notbuk, isulat ang iyong natutunan sa aralin na nagpabago ng iyong
pananaw sa buhay dahil sa karanasan ng iba at mga awit-panalanging
napakinggan.
4. Sumulat ng isang maikling panalangin ng pasasalamat sa katatagan ng loob na
iyong taglay upang mapagtagumpayan ang mga problema sa buhay.

IKAAPAT NA ARAW
ISABUHAY
1. Balik-aral.
Ipabasa sa ilan sa mag-aaral ang panalanging isinulat bilang takdang-aralin.
2. Ipanood ang video na “Si Ma’am”.
3. Talakayan.
a. Tungkol saan ang video?
b. Bakit sinasabi ng mag-aaral na terror ang kanilang guro?
c. Ano ang natuklasan ng Carlos ang katotohanan tungkol sa kaniyang guro?
Ano ang kaniyang naging reyalisasyon?
d. Papaano ipinakita ni Gng. Perlita Santos ang katatagan ng kaniyag loob?
4. Mula sa iyong natutunan sa aralin, isulat mo ang kahalagahan ng katatagan ng
loob sa pagdedesisyon.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__
5. Ipaawit muli ang alin sa dalawang awit-panalanging ginamit sa mga nagdaang
araw.

PANGWAKAS NA GAWAIN
IV. PAGTATAYA
IKALIMANG ARAW
SUBUKIN
Halimbawa:
Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Isulat ang iyong gagawin.
1. Nagsara ang pabrikang pinapasukan ng iyong ama. Hindi naman
makapagtrabaho ang iyong ina dahil kapapanganak lamang niya.
Kinausap ka ng iyong mga magulang na pansamantalang tumigil sa
pag-aaral sa Grade 8 upang patapusin muna ang iyong kuya sa kolehiyo na
magtatapos na sa taong kasalukuyan.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________

Inihanda ni:

JONARIE S. ZABALA
TEACHER II

Isinuri ni:

AGNES C. MARIANO
Master Teacher - I

NOTED:

MA. LUCIA D. REBOLLOS


ESP- II

You might also like