You are on page 1of 7

GRADE 1 (PRE-TEST) : SET B

SA LAWA

Pumunta sa lawa si Tito.


Kasama niya si Lina sa lawa.
Malayo ang lawa.
Nakita nila ang palaka sa lawa.
Nakita nila ang bibe sa lawa.
Nakita rin nila ang buwaya.
Naku! Ang laki ng buwaya!

1. Sino-sino ang nasa lawa?


a. sina Tito at Lina b. sina Tito at Tita c. si Lina

2. Ano-ano ang mga nakita niya sa lawa?


a. mga halaman b. mga insekto c. mga hayop

3. Ano ang hitsura ng buwaya?


a. maliit b. malaki c. maganda

4. Ano ang naramdaman ni Tito nang makita ang buwaya? a. nagulat


b. nagalit c. nalungkot

5. Ano kaya ang ginawa ni Tito?


a. lumangoy b. naglaro c. sumigaw

GRADE 2 (PRE-TEST) : SET A


SI MILA

Si Mila ay nakatira sa bukid.


Maraming hayop sa bukid.
Marami ring halaman sa bukid.
Maraming alagang hayop si Mila.
May alagang baboy si Mila.
May alaga din siyang baka at kambing.
Sa mga hayop niya, ang manok niya ang kanyang paborito.
Tiko ang pangalan ng manok niya.
Si Tiko ay kulay pula at puti.
Siya ang gumigising kay Mila tuwing umaga.
Masaya si Mila kapag naririnig ang tilaok ni Tiko.

1. Sino ang may alaga?


a. si Mila b. si Olla c. si Tiko

2. Saan nakatira si Mila?


a. sa zoo b. sa Maynila c. sa probinsya

3. Ano ang alaga ni Mila?


a. isda b. buwaya c. tandang

4. Paano ginigising ni Tiko si Mila sa umaga?


a. tumatahol b. tumitilaok c. umiiyak

5. Ano ang isa pang magandang pamagat ng kuwento?


a. Ang Tandang ni Mila
b. Ang Kambing ni Mila
c. Hayop sa Gubat

GRADE 3 (PRE-TEST) : SET A

MAGPALIPAD TAYO NG SARANGGOLA


1. Saan pumunta ang mga bata?
a. sa labas b. sa paaralan c. sa simbahan

2. Ano ang gusto nilang gawin?


a. kumain b. maglaro c. magpahinga

3. Anong panahon kaya magandang magpalipad ng saranggola?


a. maaraw b. mahangin c. maulan

4. Bakit kaya tinuruan ni Niko ng tamang paglipad si Noli?


a. Walang sariling saranggola si Niko.
b. Nasira ang hawak na saranggola ni Niko.
c. Hindi mapalipad ni Niko ang saranggola niya.

5. Anong uri ng kapatid si Niko?


a. maasikaso b. magalang c. matulungin

6. Bakit napangiti na si Noli sa katapusan ng kuwento?


a. Napalipad na niya ang saranggola.
b. Binigyan siya ng premyo.
c. Nanalo siya sa paglalaro.

GRADE 4 (PRE-TEST) : SET A

ISANG PANGARAP
Kasama si Jamil, isang batang Muslim, sa sumalubong sa pagdating ng kanyang tiyuhin.
“Tito Abdul, saan po ba kayo galing?” tanong ni Jamil.
“Galing ako sa Mecca, ang banal na sambahan nating mga Muslim. Bawat isa sa atin ay
nangangarap na makapunta roon. Mapalad ako dahil narating ko iyon.”
1. Saang banal na sambahan nanggaling si Tito Abdul?
a. sa Mecca b. sa Israel c. sa Jerusalem d. sa Bethlehem

2. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?


a. Bibliya b. Koran c. Misal d. Vedas

3. Ano ang pakiramdam ni Tito Abdul nang makarating siya sa Mecca?


a. nagsisi b. napagod c. nasiyahan d. nanghinayang

4. Ano ang natupad sa pagpunta ni Tito Abdul sa Mecca?


a. ang pangako kay Allah
b. ang plano na makapangibang-bansa
c. ang tungkulin na makapagsisi sa mga kasalanan
d. ang pangarap na makapunta sa banal na sambahan

5. Anong katangian ang pinapakita nina Tito Abdul at Jamil?


a. magalang b. masunurin c. maalalahanin d. mapagbigay

6. Ano ang tingin ni Jamil sa kanyang Tito Abdul?


a. Mahusay siyang maglakbay.
b. Siya ay isang mapagmahal na ama.
c. Isa siyang masipag na mamamayan.
d. Siya ay isang magandang halimbawa.

7. Ano ang tinutukoy sa kuwento?


a. ang mga tungkulin ng mga Muslim
b. ang pagmamahalan sa pamilya
c. ang pamamasyal ni Tito Abdul
d. ang kagandahan ng Mecca

GRADE 5 (PRE-TEST) : SET A

TAGTUYOT HATID NG EL NIÑO

Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito, bumababa ang water level at nagkukulang sa suplay ng
tubig sa mga anyong tubig, gaya ng mga ilog at batis. Nagkukulang din sa suplay ng tubig sa mga imbakan
gaya ng La Mesa Dam na matatagpuan sa Lungsod Quezon at Angat Dam sa Bulacan. Ang mga ito ang
pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at sa mga karatig probinsya nito.
1. Ano ang nangyayari kapag may El Niño?
a. tagtuyo b. red tide c. ipu-ipo d. bagyo

2. Maliban sa tao, ano-ano pa ang maaapektuhan sa El Niño?


a. hayop, halaman at gubat c. bato, semento at tubig
b. hangin, lupa at buhangin d. ulap, araw at bituin

3. Ano ang HINDI nagaganap kapag tagtuyot?


a. pag-ihip ng hangin b. pag-ulan c. pagdilim d. pag-araw

4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao kapag El Nino?


a. giniginaw b. masigla c. naiinitan d. nanlalamig

5. Bakit kaya maaaring maraming magutom kapag tagtuyot?


a. Magkakasakit ang mga tao. c. Kukulangin ang tubig sa pagluluto.
b. Tatamarin magluto ang mga tao. d. Hindi makapagtatanim ang magsasaka.

6. Bakit kayang mahalaga na mabasa at maintindihan ang talatang ito?


a. para maiwasan ang pagkakaroon ng El Niño
b. para magtulungan sa pagtitipid ng tubig
c. para magkaroon ng lakas ng loob
d. para hindi maging handa sa tag-ulan

7. Ano ang HINDI nakasaad sa seleksyon?


a. ang dahilan ng El Nino c. ang maaaring gawin kapag may El Nino
b. ang mga epekto ng El Nino d. kung sino at ano ang apektado sa El Nino

GRADE 6 (PRE-TEST) : SET A

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN


Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran. Taglay nito ang mga
punungkahoy na nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman na
nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.
Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng erosyon o pagguho ng
lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig.
Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar na pinamumugaran
ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga
punungkahoy, marami na ang nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.
Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources
(DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng
1. Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng tao?
a. bato b. ginto c. lupa d. punungkahoy

2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?


a. pagsunog ng puno c. pagputol ng puno
b. pagtanim ng puno d. pagparami ng puno

3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga puno?


a. Naliligaw sila sa gubat. c. Nakakain sila ng ibang hayop.
b. Wala silang matitirahan . d. Madali silang nahuhuli ng tao.

4. Ano ang salitang kasingkahuluganng pagguho ng lupa? (Literal)


a. erosyon b. kalamidad c. reforestation d. watershed

5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol ng mga puno ng kagubatan?
a. mapagbigay b. masipag c. sakim d. tamad

6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?


a. maiiwasan ang tagtuyot c. maiiwasan ang pag-ulan
b. maiiwasan ang pagbaha d. maiiwasan ang pagbagyo

7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang Kabundukan: ____________”


a. Magtanim ng Mga Puno c. Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman
b. Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon d. Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak

8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha sa kapatagan?


a. Sa kabatagan na babagsak ang ulan.
b. Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.
c. Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.
d. Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.

GRADE 7 (PRE-TEST) : SET A

PAGPAPALA SA PANGINGISDA

Ang ating bansa ay napaliligiran ng malawak na karagatan. Sagana ito sa iba’t ibang uri ng isda.
Kaya marami sa mga Pilipino ay pangingisda ang ikinabubuhay.
Sa pakikipagtulungan ng mga pribadong kumpanya ng pangingisda, ang ating pamahalaan ay nag-
eeksport sa Hongkong at Taiwan. Iba’t ibang uri ng isda ang dinadala natin sa mga bansang ito tulad ng
tuna at lapu-lapu. Malaki ang naitutulong nito sa hanapbuhay ng ating mga mangingisda. Subalit ang
kasaganahang ito ay malimit na inaabuso. May mga mangingisdang gumagamit ng mga pampasabog at
lasong kemikal para makahuli ng maraming isda. Namamatay ang maliliit na isda na dapat sana ay lumaki
at dumami pa. Ang iba naman ay sinisira ang mga coral reefs na tirahan ng mga isda.
Ang Kagawaran ng Agrikultura sa pangunguna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
(BFAR) ay patuloy na gumagawa ng mga hakbang para masugpo ang mga mangingisdang lumalabag sa
batas pagdating sa paraan ng pangingisda. Ang BFAR ay nagsasagawa ng mga proyekto na magpapaunlad
sa produksyon ng isda. Kasama rito ang pagbabawal ng pangingisda na nakasisira sa coral reefs, ang
1. Ano-anong isda ang ipinapadala sa ibang bansa?
a. dilis at tawilis c. tuna at lapu-lapu
b. tilapia at bangus d. galunggong at bisugo

2. Alin sa sumusunod ang paraan ng pangingisda na ipinagbabawal?


a. pamimingwit c. ang paraang pagbubuslo
b. paggamit ng lambat d. paggamit ng pampasabog

3. Anong tanggapan ang nangunguna sa pagsugpo sa labag na batas na paraan ng pangingisda?


a. Bureau of Food and Drug c. Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
b. Metro Manila Development Authority d. Department of Energy and Natural Resources

4. Bakit maraming Pilipinong may hanapbuhay na pangingisda?


a. Magaling lumangoy ang mga Pilipino.
b. Maraming hindi nais magtrabaho sa taniman.
c. Walang ibang makuhang trabaho ang mga Pilipino.
d. Napaliligiran ng malawak na karagatan ang Pilipinas.

5. Ano kaya ang masamang epekto ng paggamit ng pampasabog at lason sa pangingisda sa tao?
a. Natatakot ang mga isda. c. Wala nang makakaing isda ang mga tao.
b. Hindi na lumalaki ang mga isda. d. Namamatay ang maliliit at batang isda.

6. Ano ang maaaring mangyari kung hindi ipagbawal ang maling paraan ng pangingisda? a. Mauubos ang
mga isda sa dagat.
b. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda.
c. Matatakot na gumamit ng pampasabog ang mga tao.
d. Maraming gagamit ng tamang paraan ng pangingisda.

7. Anong ugali ang ipinakikita ng mga mangingisdang patuloy na gumagamit ng maling paraan ng
pangingisda?
a. mahilig sa gulo c. malikhain sa trabaho
b. matigas ang ulo d. masipag maghanapbuhay

8. Ano ang layunin ng manunulat ng seleksyon? Nais ng manunulat na ________________.


a. ipagmalaki ang Pilipinas bilang isang mayamang bansa
b. makilala ang Pilipinas bilang magandang pinagkukunan ng isda
c. ipaubaya sa pamahalaan ang pag-aalaga sa mga katubigan ng bansa
d. malaman ng tao na sa bawat gawain ay may kaakibat na responsibilidad

You might also like