You are on page 1of 3

STMP 1 – Inquiry Stage

Lesson 1 Handout

Unang Aralin – Ang Dapat Gawin Para Maligtas


PANIMULA

Ano ang isang pinakagusto o pinakaninanasa mong bagay na ipapakiusap mo nang


husto makamit mo lamang ito?

Isang lalaki sa Biblia, ang may pinakamimithi sa buhay niya na kanyang iniluhod sa
paghingi makamit niya lamang ito.

Basahin natin ang Markos 10:17-22.


17
nang paalis na si Jesus ay may isang lalaking patakbong lumapit, lumuhod sa harapan
niya at nagtanong “Mabuting Guro, ano po ang dapat kong gawin upang magkamit ng
buhay na walang hanggan?” 18 sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti?
Walang mabuti kundi ang Diyos. 19 Alam mo ang mga utos: Huwag kang papatay; huwag
kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang magsisinungaling sa iyong
pagsaksi; huwag kang magdadaya; igalang mo ang iyong ama’t ina.”
20
“Guro” sabi ng lalaki, “ang lahat ng iya’y tinupad ko na mula pa sa aking pagkabata.” 21
Magiliw siyang tinignan ni Jesus at sinabi sa kanya, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo.
Humayo ka, ipagbili mo ang iyong ari-arian at ipamigay sa mga dukha ang pinagbilihan,
at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa
akin.” 22 Namanglaw ang lalaki nang marinig ito, at malungkot na umalis, sapagkat siya’y
napakayaman.

I. Aralin

A. Sino ang mga tauhan sa kwento at ano ang kanilang mga katangian?

Mga Tauhan Mga Katangian


1.  (17a)
 (19,20)

 (22)

STMP 1 - Lesson 1 Handout Page 1


Mga Tauhan Mga Katangian
2.  (17b)
 (18)

 (21a)

B. Ano ang pinakamahalagang tanong sa kuwentong ito? (17b)


Sagot: __________________________________________________________________

C. Ano ang pinakamahalagang sagot ni Hesus sa katanungang ito? (18-21)

Sagot:
(18) Una, ________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Hindi ikinaila ni Hesus na siya ay mabuting guro, ngunit Siya ay higit sa mabuting guro.

(19, 20) Ikalawa, __________________________________________________________


Ang lalaking mayaman ay walang pag-amin sa kanyang mga pagkukulang. Hindi totoong
nasunod niya ang lahat ng mga utos. Nilabag niya ang unang utos na, 'Huwag
magkaroon ng ibang Diyos maliban sa Diyos sa langit.' Ang kayamanan niya ang kanyang
Diyos. Nilabag din niya ang huling utos na, 'Huwag mag-imbot.' Hindi niya kayang
ibahagi ang kanyang yaman sa mga nangangailangan.

(21) Ikatlo, _______________________________________________________________


Hindi ito kayang gawin ng lalaking mayaman. Ang pagtitiwala niya ay nasa kanyang sarili
at sa kanyang yaman. Dahil hindi niya kayang magtiwala kay Hesus, hindi rin niya kayang
sumunod kay Hesus. Mas malaking pagtitiwala, mas malaki ang pagsunod. Mas maliit na
pagtitiwala, mas maliit na pagsunod. Walang pagtitiwala, walang pagsunod.

II. Pag-angkin sa Aralin

Tanong mo rin ba ang tanong na, “Ano ang dapat kong gawin upang maligtas?”

STMP 1 - Lesson 1 Handout Page 2


III. Pagsasabuhay ng Aralin

Kung ito rin ay tanong mo, pareho din ang sagot na ibinibigay sa iyo ni Hesus (tulad ng sa
lalaking mayaman):

A. Una, kailangan mong lumuhod kay Hesus bilang Diyos ng buhay mo. Mayroon
ka bang nakikitang dahilan kung bakit hindi mo ito magagawa ngayon?

B. Kailangan mong amining ikaw ay makasalanan at dapat mo itong pagsisihan.


Isipin mo sandali ang isang kasalanan na lagi mong nagagawa. Handa mo na ba
talikdan at ihingi ng tawad ito sa Diyos?

C. Kailangan mong ipagkatiwala ang buhay mo kay Hesus. Dapat kang


manampalataya sa Kanya at ang pagsampalataya mo ang magbubunga sa iyo
ng tunay na pagsunod. Ano ang nakikita mong dahilan upang hindi mo pa
maipagkatiwala ang iyong sarili kay Jesus?

Panalangin

STMP 1 - Lesson 1 Handout Page 3

You might also like