You are on page 1of 2

RENA M.

SELLORIN

SANAOL KINA CRUSHBACK

C RUSH
Limang letra pero andaming taong patuloy na umaasa.
Limang letra pero baket andaming nasasktan ng sobra-sobra.
Limang letra pero bakit, ang hirap na kalimutan ka?
CRUSH, ano bang meron sayu ba’t di ka mawala-wala sa puso’t isipan ko?
Ganyan naba talaga katindi ang tama ko sayu?
Oh sadyang tanga lang talaga ako para umasa sa isang tulad mo.

CRUSH

Tandang-tanda ko pa yung unang beses mo akong tinignan.


Yung unang beses mo akong nginitian.
At yung unang beses mo akong nilaptitan.
Alam mo ba na sobrang kinikilig ako ng lubusan?
Yung sa konting lapit mo lang ay parang mawawala na ako sa katinuan.

CRUSH

Siguru nga ito’y infatuation lang kug tawagin


Pero ba’t ako napapraning sa twing nakikita kita sa aking paningin?
Ba’t ako kinikilig pag nahuhuli kitang nakatingin sa akin?
At ba’t nalulungkot ako sa twing wala ka dito sa classroom naten?

CRUSH

Napakarami kong tanong pero ni isa wala akong nasagutan


Pero isang araw bigla akong natauhan.
Nang malaman kong meron kana palang nililigawan.
Masakit mang isipin pero yun talaga ang katotohan.
Katotohanang kailangan na kitang iwasan.
Katotohanang kailangan na talaga kitang pakawalan.
CRUSH

Gusto kita pero gusto mo’y iba


Siguro hanggang tingin nalang akong talaga.
Gusto ko mang pigilin pero mahirap pahintuin.
Pinili kong layuan ka dahil dun ka Masaya
Pinili kong mapunta ka sa kanya dahil “Crush Lang Kita”
Hindi mo man nakikita pero ang totoo ay tinitignan kita habang masaya kasama sya

CRUSH

Siguro ito na ang tamang panahon para kontrolin ko itong nararamdaman ko para sayo
Dahil alam ko na ang PAGHANGA ay pwede pang mabago.
Crush lang namn kita kaya wag kang ano!
Kaya kitang kalimutan itaga mo pa yan sa bato.
Di rin ako magpapakabitter di tulad ng ibang tao.
Kaya tol kung single ka man at walang pumapatol
‘nakuu wag kang magmaktol’
Kung hindi ka man crush ng crush mo
‘Pwes ‘wag kang maghabol
Sa halip ay sabay-sabay tayung sumigaw ng EDI SANAOL!!

You might also like