You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – A CALABARZON
Sangay ng Batangas
Dr. Francisco L. Calingasan Memorial Colleges Foundation Inc.
Camp Avejar, Nasugbu, Batangas

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman tungkol
sa pambansang ekonomiya bilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo
sa pambansang kaunlaran
Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag aaral ay nakapagmumungkahi ng mga pamamaraan kung paanong ang
pangunahing kaalaman tungkol sa pambansang ekonomiya ay nakapagpapabuti sa pamumuhay
ng kapwa mamamayan tungo sa pambansang kaunlaran
Pamantayan sa Pagkatuto
Natataya ang mga dahilan sa pagkakaroon ng implasyon

I. Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. Natutukoy ang kahulugan at iba’t ibang dahilan ng implasyon;
2. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng paglutas sa implasyon at;
3. Napapakita ang ibat ibang implasyon sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan

II. Paksang Aralin


Aralin : Mga Dahilan ng Implasyon
Sanggunian : Ekonomiks,pahina 278-279
Mga Kagamitan : Pisara, Visual Aids (cartolina at pentel pen), Laptop
Code : AP9MAK-IIId-9

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pagdarasal
3. Pampasiglang Gawain
4. Pagtatala ng Liban
5. Balitaan

B. Balik-Aral
1. Ano ang ating pinag aralan noong nakaraang araw?
2. Ano ang ibig sabihin ng pambansang kita?

C. Pagganyak
Buuin mo, Larawan ko!
Panuto: Buuin ang mga ginupit na larawan at tukuyin ang nabuong larawan.

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan?
2. Madali mo bang natukoy ang bawat larawan? Bakit?

D. Presentasyon
Ang guro ay magbibigay ng paunang kaalaman ukol sa paksang tatalakayin.
AKTIBITI
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay may gawaing
nakalaan na kailangan matapos sa loob ng sampung minuto.

ROLE PLAY

UNANG PANGKAT

DEMAND PULL

PANGALAWANG PANGKAT

COST PUSH

RUBRIKS PARA SA PANGKATANG GAWAIN


MGA PAMANTAYAN PUNTOS AKING PUNTOS
Organisado sa pagpapakita ng
1 5 puntos
Gawain

Malinaw at maayos na pag


2 5 puntos
papaliwanag
Kahanga-hanga ang ginawang
3 pagtatanghal at malakas ang 5 puntos
boses
Natapos sa tinakdang oras ng
4 5 puntos
iniatang na Gawain
KABUUANG PUNTOS 20 puntos

5 – Napakahusay 3 – Katamtaman 1 – Di Mahusay


4 – Mahusay 2 – Di Gaanong Mahusay

Analisis
1. Batay sa iyong pag kakaintindi ano ang ibig sabihin ng implasyon?
2. Anong pinagkaiba ng demand pull sa cost push?
3. Batay sa ating tinalakay, ano ang mga implikasyon o patunay na nakakaranas tayo ng
implasyon?
E. Abstraksyon
Panuto: Tukuyin ang mga bunga ng mga sumusunod na dahilan ng implasyon.

DAHILAN NG IMPLASYON BUNGA NG IMPLASYON

PAG TAAS NG SUPLAY NG


Tatatas ang demand o ang paggasta kaya
SALAPI
mahahatak ang presyo pataas

Kapag tumaas ang palitan ng piso sa dolyar, o


PAG DEPENDE SA kaya tumaaas ang presyo ng materyales na
IMPORTASYON PARA SA HILAW inaangkat, ang mga produktong umaasa sa
NA SANGKAP importasyon para sa mga hilaw na sangkap ay
nagging sanhi rin ng pagtaas ng presyo

Dahil sa kakulangan ng pumapasok na


dolyar, bumababa ang halaga ng piso.
PAGTAAS NG PALITAN NG PISO Nagbubunga ito ng pagtaas ng presyo ng
SA DOLYAR mga produkto.

Kapag kulang ang supply sa lokal na pamilihin


KALAGAYAN NG PAGLULUWAS dahil sa produkto ay iniluluwas, magiging
(EXPORT) dahilan ito upang tumaas ang presyo ng
produkto. Kapag tumaas ang demand kaysa sa
produkto, ito ay magdudulot ng pagtaas ng
presyo.

Nakapagkokontrol ng presyo ang sistemang


MONOPOLYO O KARTEL ito. Kapag nakontrol ang presyo at dami ng
produkto, Malaki ang posibilidad na maging
mataas ang presyo.

F. Aplikasyon
Bilang isang mamamayan, paano nakakaapekto ang implasyon sa iyong
pamumuhay?

IV. Pagtataya
Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon. Tukuyin kung ito ay Demand Pull o Cost
Push. Isulat ang DP kung ito ay demand pull o CP kung ito ay cost push. Isulat sa
sagutang papel.

__1. Katatanggap lang ni Aling Nene ng kanyang Christmas bonus. Agad siyang
nagpunta sa grocery store at halos pakyawin na niya ang paninda doon.
__2. Si Mang Juan ay gumagawa ng sinturon. Biglang nagmahal ang mga materyales na
ginagamit nila.
__3. Tumaas ang dami ng gustong bumili ng cellphone ngayon dahil sa ito ay nauusong
gadget ng mga kabataan ngayon.
__4. Sa kabila ng babala ng DOH ng pagbabawal ng paninigarilyo hindi parin maiiwasan
ang patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga taong gumagamit nito.
__5. Sa gitna ng mga nararanasan na suliranin natin ngayon na may kinalaman sa
pangkalusugan, nagkakaubusan ng supply ng face mask sa buong bansa.

Gabay sa Pagwawasto:
1. DP
2. CP
3. DP
4. DP
5. DP

V. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagtaas ng presyo ng bilihin.
Ilagay ito sa isang malinis na papel.

RUBRIKS PARA SA POSTER


MGA PAMANTAYAN PUNTOS AKING PUNTOS

1 Kaugnayan sa paksa 5 puntos

2 Kalinisan at kaayusan 5 puntos

3 Orihinalidad ng ideyang biswal 5 puntos

KABUUANG PUNTOS 15 puntos


Inihanda ni:
___________________________
HARLENE B. DIMATULAC
BSED III – Social Studies

Ipinasa kay:
_____________________________________
Mrs. NORMA C. DRIZ
Gurong Tagapatnubay

You might also like