You are on page 1of 20

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

4
Arts
Ikalawang Markahan - Modyul 2
Linggo 2: Kasuotan at Palamuting
Etniko

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Arts 4
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan - Modyul 2 : Kasuotan at Palamuting Etniko
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – isip. Isinasaad ng Seksyong 176 ng
Batas ng Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip
sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna
ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda
upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty
bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat
na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap
at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga
akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publishiers) at
may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City
Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio
Development Team of the Module
Authors: Raziel V. Barrera

Editor: Marina A. Impig, MT-II

Reviewers: Freddie L. Palapar – PSDS


Ronie A. Nietes

Illustrator: Agnes Valerie D. Noval

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso


Israel C. Adrigado
Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Jourven B. Okit, EPS – MAPEH
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org
4
Arts 4

Ikalawang Markahan - Modyul 2


Linggo 2: Kasuotan at Palamuting
Etniko

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay


magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga guro
mula sa mga pampublikong paaralan, Hinihikayat
namin ang mga guro at iba pang propesyonal na
nasa larangan ng Edukasyon na magpadala ng
kanilang puna o komento at rekomendasyon sa
Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng
email: region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga


puna at rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Panimula
Mga mag-aaral, ang modyul na ito ay ginawa para sa inyo. Ito
ay makatutulong na mapadali ang inyong pag-unawa sa mga araling
napapaloob nito.
Ang gagawin nyo lamang ay basahin at intindihin nang mabuti
ang mga panuto sa bawat gawain upang makamit ang mithiin ng
modyul na ito.
Sa modyul na ito, makikilala mo ang kahalagahan ng mga
kultural na pamayanan sa Mindanao. Mailalarawan mo rin ang
kultural na pamayanan ng mga T’boli sa Mindanao ayon sa uri ng
kanilang pananamit, palamuti sa katawan, kaugalian at pamumuhay.
Pagkatapos mong alamin ang mga kultural na pamayanang
Mindanao ay inaaasahang makalilikha ka na ng isang likhang-sining
na ginagamitan ng mga disenyo na makikita sa Mindanao.

Mga paalala sa mga Guro

Hinihikayat ang mga guro na


subaybayan ang lahat na mga gawain ng
mga mag-aaral upang lubusang
mapakinabangan nila ang kaalaman na
napapaloob sa modyul na ito.
Alamin

Layunin:

1. Natatalakay ang kasuotan at palamuting pangkat-etniko sa


isang pamayanang kultural sa bansa.

2. Nakalilikha ng sariling disenyo ng isang katutubong


kasuotan.

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


sumusunod na mga hakbang:

 Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagsasanay.



• Sagutin ang lahat na mga tanong.
Mga Icons sa Modyul
Ang bahaging ito ay naglalaman ng
layunin sa pagkatuto na inihanda
Alamin
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
Subukin upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin
Ang bahaging ito ay may kaugnayan
Balikan sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan
Ipakikilala ang bagong aralin sa
Tuklasin pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin
Ang mga desinyo sa kultural na
pamayanan sa Mindanao ay makikita
Suriin sa kanilang kagamitan at kasuotan
na ginagamitan ng ibat-ibang linya,
kulay at hugis.
Ito ay mga karagdagang gawain na
Pagyamanin inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.
Mga gawaing idinisenyo upang
Isaisip maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.
Ito ay mga gawaing dinisenyo upang
maipakita ang iyong mga natutunan
Isagawa
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
Tayahin
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Ito ay mga karagdagang gawaing
Karagdagang pagkatuto na dinisenyo upang mas
Gawain mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusuod na mga tanong.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong elemento ng sining ang binigyang diin sa overlapping na


disenyo?

A. Tekstura C. Porma
B. Linya, hugis at kulay D. Espasyo

2. Anong katangian ng kulay ang tumutukoy sa paglalagay ng


mapusyaw at madilim na kulay sa isang larawan?

A. Hue C. Value
B. Intensity D. Contrast

3. Bukod sa linya at hugis, ano pa ang nagbibigay ganda sa isang


disenyo lalo na sa disenyong palamuti at kasuotan?

A. Kulay C. Tekstura
B. Espasyo D. Porma

4. Bakit iba-iba ang mga likhang sining ng mga pangkat-etniko sa


mga pamayanang kultural?

A. Iba-iba ang kanilang kultura at kapaligirang kinagisnan.


B. Nagpapagalingan sila ng mga disenyo.
C. Wala silang kamalayan sa mga bagay-bagay sa kapaligiran.
D. Kanya-kanya silang mag-isip ng mga disenyo.

5. Paano nakatutulong ang mga kulay sa pagbibigay ng mensahe


sa larawan?

A. Ang kulay ay may kahulugan na ipinapabatid.


B. Ang kulay ay nagtataglay ng ng mga tekstura na pwedeng
bigyan ng kahulugan.
C. Ang kulay ay nagpapatingkad ng larawan ng dibuho
D. Ang mga kulay ay nagbibigay aliw sa mga manunuri.
Kasuotan at
Aralin
Palamuting Etniko
1

Balikan

Sa pagpinta ng tanawin, ano ang inyong gawin matapos iguhit


ang tagpuan ?______________ .

Anong elemento ng sining ang nabibigyan diin sa paglalagay ng


foreground, middleground at background upang maging
makatotohanan ang isang larawan?____________________
Tuklasin

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

1. Saan matatagpuan ang mga T’boli?


A. Mindanao C. Luzon
B. Ifugao D.Visayas

2. Ano ang sistema ng pagsasaka ng mga T’boli?


A. Kaingin C. Pag-aalaga ng hayop
B. Pagtatanim ng palay D. Pagtatanim ng gulay

3. Ano ang tawag sa telang hinahabi ng mga T’boli para sa damit?


A. t’nalak C. Seda
B. Satin D. Katsa

4. Nakakatulong din ang pili ng ________ sa kagandahan ng disenyo.


A. Kulay C. Disenyo
B. Linya D. Bagay

5.Ang paggamit ng __________ ay nakatutulong upang makatawag


pansin ang isang disenyo.

A. Lapis C.Proporsiyon
B. Overlap D. Background
Suriin
Suriin

T’boli

Ang mga T’boli ay makikita sa Cotabato sa Mindanao.


Pangangaso, pangingisda at pangunguha ng mga prutas sa
kagubatan ang kanilang ikinabubuhay. Kaingin ang sistema ng
kanilang pagsasaka. Naghahabi sila ng tela para sa damit na ang
tawag ay t’nalak na hinahabi mula sa hibla ng abaka. Sila ay tanyag
sa kanilang kasuotan at palamuting kuwentas, pulseras, at sinturon na
yari sa metal at plastik. Ang kuwentas ay yari sa maliit na butil na
tinuhog.
Karaniwang kulay ng mga butil ay pula, Itim at puti. Ang
kuwentas na ito ay nilalagyan ng palawit na yari sa tanso.
Nangingibabaw sa mga kulay na ginagamit ng T’boli ang pula, itim at
puti.

Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit sa paningin


kung maganda ang pagkadisenyo ng mga elemento ng sining tulad ng
hugis at kulay.

Ang overlapping ay ang pagpapatongpatong ng mga hugis at


larawan. Ang pagpapatungpatong o overlapping ay nakatutulong
upang makatawag pansin ang isang disenyo.

Nagagawa nitong maipakitang gumagalaw ang isang larawan


at makatotohanan sa pamamagitan na tamang proporsiyon.

Nakakatulong din ang pagpili ng kulay sa kagandahan ng


disenyo. Ang paggamit ng matitingkad na kulay kasama ang
mapusyaw na kulay ay nakatutulong upang mapansin ang hugis ng
mga bagay sa larawan.

1. Paano naging kaakit-akit ang isang kasuotan o palamuti?

2. Anong uri ng kulay ang nakakatuong upang mapansin ang hugis ng


mga bagay sa larawan?

Pagyamanin

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat


ang sagot sa patlang na nakalaan.

Pula,itim,at,puti Palamuti

Hugis at kulay Kaingin

Tboli
1. Sila ay matatagpuan sa Cotabato sa Mindanao
_______________.

2. Ito ay sistema ng pagsasaka ng mga T’boli ___________.

3. Ang kuwintas,pulseras,at sinturon ay halimbawa ng


____________.

4. Ang nangingibabaw na mga kulay sa mga gamit ng mga T’boli


________.

5. Ang elementong ginagamit sa pagpinta ng kasuotan at


palamuting etniko. _______________________

Isaisip

Ang paggamit ng pagpapatongpatung (overlapping) ng


mga linya, hugis, at matitingkad na kulay ay nakatutulong upang
maging kaakit-akit ang kasuotan.

Nagagawa nitong maipakitang gumagalaw ang isang


larawan at makatotohanan sa pamamagitan ng proporsiyon.

Nakatutulong din ang pagpili ng kulay sa kagandahan ng


disenyo .Ang paggamit ng matitingkad na kulay kasama ang
mapusyaw na kulay ay nakatutulong upang mapansin ang hugis
o bagay sa larawan.
Isagawa

Pagpipinta ng Kasuotan at Palamuting Etniko

Kagamitan: lapis, manila paper, gunting, acrylic-color, paint


brush, at lalagayan ng tubig at basahan

Mga Hakbang:
1. Mag-isip ng disenyo at tabas ng kasuotang maaring isuot
para sa nalalapit na pagdiriwang.

2. Maaring gumamit ng simbolo ayon sa gawain o pamumuhay


tulad ng pangingisda, pagsasaka, pangangaso o
pangunguha ng prutas.

3. Gumawa ng pattern sa manila paper at gupitin na parang


kasuotan.

4. Lagyan ng disenyo ang pattern ayon sa napag-aralan sa


kasuotan ng pangkat-etniko. Gumamit ng iba’t ibang hugis,
Maaring lagyan ng mga disenyong kuwintas at iba pang
palawit.
5. Kulayan gamit ang acrylic paint o water color. Gumamit ng
natural o walang halong kulay para upang maging malamlam
ang kulay nito. Patuyuin.

6. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

Tayahin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot

1. Anong element ng sining ang ginagamit sa pagdisenyo ng


kasuotan?
A. Hugis at kulay C. Proporsiyon
B. Espasyo D. Linya

2. Ang kasuotan at palamuti ay nagiging kaakit-akit kung


maganda ang
A. Disenyo C. Hugis
B. Linya D. Porma

3. Ang pagpapatungpatong ng mga hugis at bagay sa larawan


tinatawag na _______.
A .Proporsiyon C. Value
B .Overlap D. Balanse

4. Sa paanong paraaan nakakalikha ng isang papusyaw na


kulay?
A. Pagkuskus ng pintura C. Paglagay ng ibang kulay
B. Paghalo ng putting kulay D. Pagpapatuyo ng kulay

5. Ano ang katangian ng mga bagay sa larawan na mas


malapit sa mga manunuri?

A.Mapupusyaw C .Malalaki
B.Matitingkad D. Maliliit

Karagdagang Gawain

Magsaliksik ng disenyong kasuotan ng mga pangkat T’boli.


Iprint ang larawan mula sa internet at idikit ito sa kahon sa ibaba.
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. B
2.B
3.A
4.A
5.A
Tuklasin:
1.A
2.A
3.A
4.A
5.B

Pagyamanin
1.Tboli
2.Kaingin
3.Palamuti
4.Pula, itim at puti
5.Hugis at kulay
Tayahin
1.A
2A
3.B
4.A
5.B
Sanggunian:

Montañez, Cynthia. et.al., (2015) Musika at Sining 4 LM Department


of Education-Instructional Council Secretariat (DepEd-IMCS)
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

You might also like