You are on page 1of 4

Uvero, Ma. Lyn B.

GNED14 - Panitikang Panlipunan


BSBM 2-2 Ms. Rizalyn Bautista

Amor Prohibido

Buwan ng Setyembre, unang araw ng pagbubukas ng bagong panuruang taon sa Don


Lorenzo State University kung saan papasok sina Denrich at Maki.

Sa pagtilaok ng manok ay siyang pag gising ni Dave dahil sisimulan niya ang araw niya
ng masipag at punong-puno ng dedikasyon sa pag-aaral dahil isa na siyang ganap na kolehiyal.
Naghain ng masarap na almusal ang nanay nito na si Aling Divina, at sabay-sabay na silang
nag-umagahan kasama ang kanilang padre de pamilya na si Mang Domeng bago pumunta sa
kani-kanilang mga pakay sa araw na iyon.

Si Maki ay isang estudyanteng mas piniling tumira sa dormitoryo kasama ang kanyang
mga kaibigan na si Maria at Rose. Bago sumabak at pumasok ang mga ito sa paaralan, ay
sabay-sabay rin silang humigop ng kape at kumain ng mainit-init na pandesal bilang
panlaman-tiyan nila sa araw na iyon.

Alas siyete ng umaga ang kanilang pasok sa paaralan. Sa ‘di inaasahang pagkakataon,
mistulang traffic sa Manggahan ang naging lagay ng unibersidad dahil sa sobrang daming mga
estudyante. “Hoy, saan ang room natin,” sigaw ng mga grupo ng magkakaibigan. Habang sina
Maki, Maria at Rose ay hilong-hilo na rin kakahanap ng kanilang kwartong papasukan.

Sa kamamadaling pagpasok ng mga ito, nabunggo ni Maki si Denrich at nabitawan niya


ang mga hawak niyang libro. Tinulungan ni Denrich si Maki na damputin ang mga librong
nahulog sa sahig at walang anumang usapan ang nangyari ay kaagad na lumihis ng ibang
paroroonan ang dalawa.

Sa hindi inaasahang pagkakataon nahanap na ni Maki ang kanilang kwartong


papasukan gayundin si Denrich. Nang nakaupo na si Max ay laking gulat nito na katabi niya si
Denrich na kanyang nakabungguan kanina. “Uy, pasensya ka na kanina hindi kita masyadong
napansin kung kaya’t nabunggo kita,” sambit ni Maki kay Denrich.

Napansin nina Maria at Rose ang labis na pagtitig ni Denrich kay Maki at tila parang
mukhang matagal na silang magkakilala kung mag-usap at magkatitigan ng ganoon.

“Maki, halika nga rito,” sabi ni Maria. Biglang lumapit si Maki kay Maria at laking gulat
nito ng biglang tuksuhin siya na bagay silang dalawa ni Denrich. Kung kaya’t sinabi ni Rose na
yayain ni Maki si Denrich na sumabay na sa kanila na kumain ng pananghalian.

Pumayag si Denrich na sumama sa kanila at sabay-sabay silang kumain habang


nagkukwentuhan at nagtatawanan. “Alam mo Denrich wala pang kasintahan itong si Maki,” hirit
ni Rose. Napangiti lamang itong si Denrich, hindi nagsalita at kumain na lamang ito.

Napansin at narinig ng mga ibang estudyante kaya panay bulungan sila. “Pogi sana,
bakla naman pala”. “Kaya nga eh, sayang itsura”. “Mukhang matalino satingin ko pero papalpak
ata sa pag-ibig” malakas na tawanan sa katabing lamesa.
Natapos ang unang araw ng klase ng masaya at pagod ang mga mag-aaral. Umuwi si
Maki sa kanilang dormitoryo habang si Denrich ay sa kanilang bahay malapit sa eskwelahan.
Habang nagpapahinga si Denrich, binuksan ang kaniyang mga social media at naglibang muna
ito.

Gumawa ng group chat itong si Maria dahil siya ang nahalal na Pangulo ng klase, kung
kaya’t nakita ni Denrich na kasali si Maki sa group chat at walang anu-ano ay biglang pinindot
niya ang propayl ni Maki sa Facebook at nag-send ito ng friend request na agad namang
nagbigay ng hudyat si Maki.

Nang marinig ng mga kaibigan ni Maki ang walang humpay na pag-ring ng kaniyang
telepono ay biglang hinablot ito ni Maria at tuwang-tuwang nakita ang senyales ng pagpapadala
ng friend request ni Denrich. Umirap na lamang si Maki sa ginawa ng kanyang kaibigan.

Habang nakahiga si Maki, napapaisip siya kung bakit ginawa iyon ni Denrich. Unang
araw pa lang kasi ng klase at hindi pa sila ganoon magkakakilala. Sa gabing iyon, may
takdang-aralin na ibinigay ang kanilang guro at biglang nagtanong si Denrich sa group chat.
“Hindi ko matandaan, hindi kasi ako nakikinig kanina,” sabi ni Maria. Tinawag ng pansin ni Maria
si Maki sa group chat sa pamamagitan ng pag-mention nito upang magpadala ng pribadong
mensahe sa katanungan ni Denrich. Hindi nag-alintana itong si Maki at kaagad na binigyang
tugon ang katanungan ni Denrich. Sa buong magdamag, nagkuwentuhan ang dalawa at
nagbahagi ng kanilang mga karanasan. At sa gabing iyon, doon na unti-unting mas nakilala nila
ang bawat isa.

Lumipas ang mga araw na napadalas na ang pag-uusap nila sa telepono. May mga
gabing tila nagugulat na lamang sina Maria at Rose sa ginagawa ni Maki. Napapansin ang
pagdalas na pagpupuyat ni Maki tuwing gabi.

Dumating ang araw ng intramurals sa unibersidad, sumali si Denrich sa basketball


varsity team upang maihasa pa ang kaniyang abilidad pagdating sa paglalaro nito. Sa araw na
iyon, naroon ang mga matalik na kaibigan ni Denrich simula pagkabata na sina Erika at
Hosanna. Pagkatapos ng try-out ni Denrich, biglang lumapit itong kaibigan niyang si Hosanna
upang abutan ng inumin at panyo upang punasan ang kaniyang pawis.

Sa aktong iyon, papunta si Maki na may dala-dalang energy drink upang ibigay kay
Denrich ngunit hindi na ito tumuloy dahil sa kaniyang nakita. Nang paalis na si Maki, biglang
nakita ito ni Denrich at tumakbo upang puntahan at kausapin. “Uy, Maki! Para sa akin ba ‘yan?”
saad ni Denrich. Hindi pinansin ni Maki si Denrich at nagpatuloy lamang ito sa paglakad at
biglang hinablot ni Denrich ang kamay nito upang siya ay kausapin. Ngunit, hindi pa rin pinansin
at kinausap ni Maki si Denrich at dali-dali itong umalis papunta sa kaniyang mga kaibigan.

Napaisip si Denrich kung bakit nagkaganoon si Maki, at napansin niya nga ang bitbit
nitong energy drink na dapat para sa kaniya siguro pero mas naunang ibinigay ni Hosanna ang
tubig na napansin ni Maki ang pagkabigay nito.

“Maki, bakit mukhang biyernes santo ang mukha mo?” sabi ni Rose. “Paanong hindi
ganito ang magiging mukha ko eh, nakita ko si Denrch na may kasamang babae. Si Hosanna,
kilala niyo ba?” saad ni Maki. Sa puntong nagbabangayan na ang magkakaibigan, nalaman ni
Maki na matalik na kaibigan ni Denrich si Hosanna. Dahil mula pagkabata pa lamang nila ay
magkaagapay na ang dalawa.
Sising-sisi si Maki sa ginawa niyang pagtrato kay Denrich. Kung kaya’t pagkalabas ng
mga ito sa klase, nag-usap sila habang naglalakad pauwi. At doon na nilinaw ni Denrich ang
lahat-lahat. “Gusto kita. Mahal na mahal kita,” mga linyang namutawi sa labi nito. Hindi inakala
ni Maki na ganoon din pala ang nararamdaman ni Denrich. Naging bukas na ang dalawa sa
kanilang relasyon. Kung saan hindi na lihim sa kanilang unibersidad kung anong namamagitan
sa kanila. Hindi rin minsan maiwasan na naging usap-usapan din sila sa kanilang klase, pero
hindi nagpatinag ang dalawa at nagpatuloy lamang ang mga ito.

“Hindi naman sila bagay” pabulong na bulungan sa harap nila.

“Siguro ginagamit lang ni Denrich ang nararamdaman ni Maki para siya ang gumawa ng
mga takdang aralin” singit ng ibang estudyante.

“Ano kayang gayuma ang pinainom ni Maki kay Denrich noh?” sumbat ng iba.

Araw ng Biyernes, ito na ang hudyat ng paglalaro ni Denrich sa intramurals kung kaya’t
naimbitahan ang bawat magulang ng mga manlalaro na dumalo. Habang maayos na nakaupo
sa gymnasium si Aling Divina at Mang Domeng, sa ‘di kalayuan ay nakita nila si Denrich at Maki
na magkaakbay habang naglalakad. “Denrich, halika nga rito!” saad ni Mang Domeng. Kasabay
ng pagpito ng referee ay siyang pagpunta kaagad ni Denrich sa sentro ng palaruan. Nais mang
kausapin ni Mang Domeng si Denrich sa kaniyang nakita ngunit hindi niya na ito nagawa.
Hinayaan niya muna itong maglaro.

Masayang nagsisigawan ang mga mag-aaral. Kani-kaniyang mga pangalan ang


isinisigaw ng mga ito. “Go Denrich!” malambot na sigaw nitong si Maki. Sa paghiyaw ng mga
mag-aaral ay napansin kaagad ng mga magulang ni Denrich si Maki na tila kakaiba kung
gumalaw at humiyaw ito.

Natapos ang labanan at itinanghal na panalo ang koponan nila Denrich. Sinalubong ng
yakap ni Maki si Denrich at sabay sabing “Ang galing mo mahal.”

Nang makauwi ng bahay sila Denrich, hindi pa ito nakapapasok sa kaniyang kwarto ay
biglang tinawag ito ni Mang Domeng at Aling Divina. Galit na galit ang mga ito habang
sinsermunan si Denrich. “Alam mo ba kung ano ang ginagawa mo?” saad ni Mang Domeng.
“Nakahihiyang makita ng mga kasamahan natin sa simbahan na may anak kaming bakla!”
dagdag ni Aling Divina. Hindi na lamang nagsalita si Denrich, sabay pasok sa kanyang kwarto
at doon ibinuhos ang lahat ng tanong at iyak. “HIndi ba sapat ang mga pinakitang kong
kakayahan sa ibang larangan kahit ganito ang aking nararamdaman?” malungkot na pagtanong
ni Denrich sa kalangitan.

Dahil si Denrich ay kabilang sa konserbatibong pamilya, ipinagbabawal ng kaniyang


mga magulang ang pakikipagrelasyon sa kapareho niyang kasarian. Kung kaya’t hindi rin
masisi ni Denrich ang kaniyang pamilya kung bakit ganoon na lamang magbigay ng reaksyon
ang kaniyang pamilya.

Lumipas ang mga ilang araw, hindi lumalabas si Denrich sa kaniyang kwarto. Hindi rin
siya kayang makuhang kausapin ng mga magulang nito, kung kaya’t naisipang tawagan ang
matalik na kaibigan ni Maki na si Maria.

“Pakisabi kay Maki na iwasan na niya ang aking anak, dahil siya ay iaaalis ko na sa
inyong unibersidad,” saad ni Aling Divina kay Maria. Nang matapos kausapin ni Maria ang ina ni
Denrich, agad niyang inabisuhan si Maki patungkol doon. Hindi na nagdalawang isip si Maki,
pinuntahan kaagad niya si Denrich sa kanilang bahay ngunit wala na ito. Dahil tanging mga
magulang na lamang ni Denrich ang naroon sa bahay.

“Maki, wala na si Denrich dito. Umuwi na siya sa probinsiya namin at doon na siya
mag-aaral. At isa pa, umalis ka sa tapat ng bahay namin. Ayokong makita ang pag mumukha
mo,” saad ni Mang Domeng.

Habang lumuluha ang mga mata ni Maki ay dali-dali itong tumakbo papalabas at
papuntang sakayan ng mga pampasaherong dyip at doon nakitang pasakay na si Denrich.
Sumigaw si Maki habang umiiyak at biglang napansin ito ni Denrich. Hindi muna sumakay si
Denrich at biglang niyakap si Maki. Nag-usap ang dalawa, ngunit kahit anong pagpapaliwanag
ni Maki kay Denrich ay walang eksaktong dahilang maibigay ito. At nang tumawag na ang
tsuper na aalis na ang dyip, niyakap ng mahigpit ni Denrich si Maki at nagpaalam na.

Wala nang magawa si Maki, dahil buo na ang desisyon ni Denrich na umuwing
probinsiya. Umuwi sa dormitoryo si Maki at sinalubong ito ng kaniyang mga kaibigan at sabay
sabing “hayaan mo na si Denrich, nandito pa naman kami.”

Hindi pa nakalalayo ang dyip, biglang tumawag si Aling Divina kay Denrich. Nagulat si
Denrich sa kaniyang narinig at ito ay bumaba upang umuwi sa kanilang bahay. Doon na
napagtanto ng mga magulang ni Denrich kung gaano siya kamahal ni Maki. Ipinaliwanag at
humingi ng tawad ang kaniyang mga magulang sa kaniya.

Kinabukasan, dakong alas sais ng gabi, tinawagan ni Denrich si Maria upang


kumustahing pasikreto ang kaniyang pinakamamahal na si Maki. Nalaman niyang unti-unti ng
tinatamad ito at wala pang kain at tulog dahil sa labis na paghikbi at pag-iyak nito mula ng siya
raw ay umalis.

Kinaumagahan, habang dala-dala ni Denrich ang mga paboritong pagkain ni Maki na


adobong manok, pinakbet, at french fries ay binisita niya ito sa kanilang dormitoryo. “Tao po!”
saad ni Denrich. Tumayo agad si Maki at binuksan ang pinto. Laking gulat niya ng masilayang
muli ang kanyang mahal na si Denrich.

Niyakap niya ng mahigpit at pinaupo, upang sila ay magkwentuhan kung bakit hindi na
siya tumuloy sa kanilang probinsiya. Ikinwento ng buo ni Denrich ang mga pangyayari at
sinabing, “Ikaw at ikaw lang ang siyang aking nanaising mamahalin kahit na ito ay mariing
ipinagbabawal.”

Wakas

You might also like