You are on page 1of 11

BIGKAS AT PUNTO; KAKAYAHANG ORAL NG MAG-AARAL SA PAGSASALITA NG

FILIPINO

Isang Bahaging Katuparan ng mga Pangangailangan sa


Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik (GEC-FIL 2)
Deskriptibong Kwantitatib na Pamamaraan ng Pananaliksik

Panukulang Pananaliksik
Na Iniharap kay:
PRINCE VINCENT M. TOLORIO

Nina:

Ian Amoroso
Shennabel Cenas
Pena Macantal
Remy Marayan
Alvie Montes
Cristian Louis Romeo
Reymark Tawan

MAYO 2022

DAHON NG PAGPAPATIBAY

i
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue 9500 General Santos City, Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham


CTE Department

Bilang pagtupad sa isa sa mga kahingian ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat


Tungo sa Pananaliksik, ang papel – pananaliksik na ito na pinamagatang “Bigkas at Punto;
Kakayahang Oral ng Mag-aaral sa Pagsasalita ng Filipino” na inihanda at iniharap nina- Ian
Amoroso, Shennabel Cenas, Pena Macantal, Remy Marayan, Alvie Montes, Cristian Louis
Romeo, at Reymark Tawan. Tinanngap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino, Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

________________________________

Prof. Prince Vincent Tolorio

Guro sa Fil2

DAHON NG PASASALAMAT
ii
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue 9500 General Santos City, Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham


CTE Department

Una sa lahat ang mga mananaliskik ay lubos na nagpapasalamat sa mga taong


tumulong para maisakatuparan ang papel-pananalisik na isinagawa.

Pangalawa, kay Ginoong Prince Vincent Tolorio, para sa kanyang tiwala at gabay na
kakayanin naming mga mananalisik na matapos ang pag-aaral na ito.

Pangatlo, sa aming pamilya lalong lalo na ang aming mga magulang na umintindi at sa
finanshal na tulong nila para sa pag-aaral na ito.

Panghuli, ang mga mananalisik ay lubos na nagpapasalamat sa ating Panginoon dahil


sa kanyang gabay na binigyan kami ng talino at lakas upang matapos nang maayos ang
pananaliksik na ito.

Ang Mananaliksik

TALAAN NG NILALAMAN
Pahina
DAHON NG PAMAGAT i
DAHON NG PAGPAPATIBAY ii
ABSTRAK iii
iii
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue 9500 General Santos City, Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham


CTE Department

DAHON NG PASASALAMAT iv
TALAAN NG NILALAMAN v-vii
KABANATA I Ang Suliranin at Sandigan Nito

Panimula 1-2

Paglalahad ng Suliranin 3

Saklaw at Limitasyon 4

Kahalagahan ng Pag-aaral 5

Katuturan ng Termino 6

KABANATA II Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Kaugnay na Literatura 8-11

Kaugnay na Pag-aaral 11-14

Batayang Teoretikal 15-16

Batayang Konseptwal 17

KABANATA III Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik 18

Lokal ng Pag-aaral 19

Pahina

Mga Impormante/Respondente 19

Instrumento ng Pananaliksik 20

Tritment ng Datos 20

iv
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue 9500 General Santos City, Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham


CTE Department

Istatistikang Paraan ng Pag-aaral 21

Pangkalahatang Pamamaraan 22

KABANATA IV Paglalahad, Pagsusuri at


Pagbibigay Paliwanag ng mga Datos

Pagtalakay ng Resulta

I. Antas ng Kakayahang Oral ng mga 23-28


Mag-aaral sa Pagsasalita ng Wikang
Filipino Batay sa Bilis, Lakas, Hinto,
At Linaw

II. Kakayahang Oral ng mga Mag-aaral sa 29-30


Pagsasalita ng Wikang Filipino

III. Mga Salik na Nakakaapekto sa Kakayahang 30-31


Oral ng mga Mag-aaral sa Pagsasalita ng
Wikang Filipino

IV. Gaano Kadalas Ginagamit ng mga Mag-aaral 31-32


ang Wikang Filipino sa Pakikipagtalastasan

Pahina

KABANATA V Buod, Konklusyon, at Rekomendasyon

Buod 33-34

Konklusyon 35

v
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue 9500 General Santos City, Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham


CTE Department

Rekomendasyon 35

TALASANGGUNIAN 36-38

APENDIKS 39-44

CURRICULUM VITAE 45-51

vi
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue 9500 General Santos City, Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham


CTE Department

KABANATA 1

INTRODUKSYON

PANIMULA

Ang wika ayon kay Gleason, sa pagbanggit nina Garcia et al (2008), ay


masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na inaayos at pinipili sa paraang
arbitraryo upang magamit sa komunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura. Sa
depinisyon, isang katangian ng anumang wika ang pagkakaroon ng sistema: sistema ng
mga tunog at mga kahulugan. Tunog at pagbigkas ang isa sa mga mahalagang
konsepto ng wika. Kapag iba ang bigkas at punto ng salita, ito ay magdudulot ng
pagkalito at miskomunikasyon.

Ang pagsasalita ay isa sa mga pinakamahalagang kakayahan ng bawat tao. Sa


pamamagitan nito ay naibabahagi natin ang ating emosyon, opinyon, at kaalaman sa
ibang tao (Arogante 2007). Ito ang unang kakayahan na ating natutunan simula nang
isinilang sa pamamagitan ng pag-iyak (Garcia et al. 2010).

Ang wika ay midyum ng pakikipagkomunikasyon sapagkat ito’y maituturing na


tagapagdala ng ideya. Ginagamit ito sa pagpapahayag ng kaisipan, ideya, kuru-kuro,
saloobin at damdamin kaya ang mabisang pakikipagkomunikasyon ay sadyang
mahalaga para sa lahat. Ang panahon ay binabago ng oras at ang kaalaman sa

7
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue 9500 General Santos City, Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham


CTE Department

mabisang pakikipagkomunikasyon ay nararapat lamang na sumulong upang higit na


maging epektibong maiparating at maipaunawa sa ating kapwa ang ating kaisipan at
ideya (Miguel, 2012).

Filipino ang ating Wikang Pambansa at ito ang itinakda bilang isa sa mga dapat
ginagamit sa pag-aaral at transaksyon sa pamahalaan bukod sa Ingles. Ngunit sa mga
nakalipas na panahon hindi maikakaila na ang kakayahan ng mga Pilipinong mag-aaral
sa pagsasalita ng Wikang Filipino ay bumaba. Sa katunayan, karamihan sa mga
kabataan ngayon ay nahihirapan ng bumasa sa Filipino. Kapag ang mag-aaral ay
nahihirapan sa pagsasalita ng Wikang Filipino na siyang gamit sa paaralan, malaki ang
tyansa na maging dahilan ito upang hindi siya maging aktibo sa diskurso at
pagtatalakay sa loob ng klase.

Sa makatuwid, kailangan ng isang indibidwal na matuto at masanay sa mga


gawaing pagsasalita. Sa pamamagitan ng pagsasalita ay nagkakaroon siyang
pagkakataong makipagpalitan ng kuru-kuro, maisalaysay ang kaniyang mga karanasan
at magpamana ng karunungan. Hindi mapapawi ang katotohanang ang pagsasalita ang
pinakamadali at pinakamabisang paraan ng pakikipagtalastasan (Sauco, 2001).

Ang mga nabanggit ang nag-udyok sa mga mananaliksik na pag-aaralan ang


kakayahang oral ng mga mag-aaral sa pagsasalita ng Wikang Filipino. Hinango ang

8
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue 9500 General Santos City, Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham


CTE Department

pananaliksik na ito sa mga batayan sa mga pahinarya at aklat upang magka room ng
sapat na batayan sa konsepto ng epektibong pagbigkas o kakayahang oral ng mga
mag-aaral sa pagsasalita ng Wikang Filipino.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang kakayahang oral ng mga


mag-aaral sa pagsasalita ng Wikang Filipino. Hinanhangad din nitong sagutin ang mga
katanungang:

1. Ang antas ng kakayahang oral ng mga mag-aaral sa pagsasalita ng Wikang


Filipino batay sa:
a. Bilis
b. Lakas
c. Hinto

9
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue 9500 General Santos City, Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham


CTE Department

d. Linaw

2. Ano ang mga salik na nakakaapekto sa kakayahang oral ng mga mag-aaral sa


pagsasalita ng Wikang Filipino?

3. Gaano kadalas ginagamit ng mga mag-aaral ang Wikang Filipino sa


pakikipagtalastasan?

SAKLAW AT DELIMITASYON NG PAG-AARAL

Sinasaklaw ng pag-aaral na ito ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita


ng Wikang Filipino. Dagdag pa rito, ang mga magiging respondente ng pag-aaral na ito
ay ang mga mag-aaral ng unang tersyarya sa Holy Trinity College of General Santos
City taong panuruan 2021-2022, partikular na ang mga mag-aaral na kabilang lamang

10
HOLY TRINITY COLLEGE OF GENERAL SANTOS CITY
Fiscal Daproza Avenue 9500 General Santos City, Philippines

Kolehiyo ng Sining at Agham


CTE Department

ng seksyong BSED-ENG 1 na binubuo ng mga mag-aaral na kasalukuyang kumukuha


ng mga kursong Batsilyer ng Sekudaryang Edukasyon Medyor sa Ingles, Filipino, at
Agham.

Sila ang napiling respondente sa pananaliksik sapagkat kasalukuyan nilang


kinukuha ang mga asignaturang Filipino 1 (Komunikasyon sa Akademikong Filipino) na
nakatuon sa paglinang sa kakayahan ng mga mag-aaral na gamitin ang wikang Filipino
sa akademikong diskurso; ang Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik)
na nakatuon pa rin sa pagtatamo ng higit na mataas na antas ng kakayahang
komunikatibo upang magamit sa lalong masaklaw na aspekto ng pananaliksik. Ang mga
nasabing mga asignatura ay may malaking impluwensiya sa kakayahang oral ng mga
mag-aaral sa pagsasalita ng Wikang Filipino.

11

You might also like