You are on page 1of 11

6

EDUKASYON
SA PAGPAPAKATAO
Kwarter II – Linggo 2
Paggalang sa Suhestiyon ng Kapuwa

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Edukasyon sa Pagpapakatao - Baitang 6
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 2: Paggalang sa Suhestiyon ng Kapuwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayun paman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa.


Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Violah A. Villon


Mga Pangnilalamang Patnugot: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD
Editor ng Wika: Violah A. Villon
Tagawasto: Loida A. Sernadilla PhD
Mga Tagasuri: Shirley F. Lilang at Armor T. Magbanua PhD
Tagaguhit: Marinella L. Castro
Tagalapat: Aries Jhon N. Necio
Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD, ASDS
Cyril C. Serador PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Shirley F. Lilang, EPS-EsP
Loida A. Sernadilla PhD PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brilliantes, Mary Jane J. Parcon,
Armor T. Magbanua, Maricel A. Zamora,
Charles Andrew M. Melad, Glenda T. Tan at
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Baitang at Seksyon:

Aralin 1

Paggalang sa Suhestiyon ng Kapuwa

MELC: Nakapagpapakita ng paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa.


(EsP6P-11d-i-31)

Mga Layunin:
1. Naipakikita ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa
2. Nakapagbibigay ng pamamaraan ng paggalang sa suhestiyon ng iba
3. Nailalarawan ang kahalagahan ng pakikinig sa suhestiyon ng ibang tao

Ating Alamin at Tuklasin

Paghahawan ng Balakid

Ideya – Ang ideya ay anumang kuro-kuro na umiiral sa isip bilang resulta ng


pag-unawa sa kaisipan.

Suhestiyon – Ito ay ang pagbibigay ng sariling pananaw o paniniwala tungkol


sa natatanging bagay.

Bago natin talakayin ang ating bagong paksa, balikan mo muna ang
nakaraang aralin na tinalakay.
Ano-ano ba ang batayan ng pagiging responsable sa kapwa? Ano ang
kahalagahan nito sa iyong sarili?
Ngayong natukoy mo na ang kahalagahan ng pagiging responsable sa
kapuwa, maaari mo na itong maipakita sa pamamagitan ng pagiging tapat at
mabuting tao.
Basahin ang mga nakatala sa larawan sa ibaba at isaisip ang isinasaad ng
bawat isa.

1
sa kung ano
ang totoo

Ano-ano ang mga ideya o suhestiyon na nakasulat sa larawan?


Mula sa mga nakatala sa itaas na mga mensahe, may naisip ka bang isang
sitwasyon kung saan maiuugnay mo ito sa iyong karanasan? Ano ang iyong ginawa
bilang paggalang sa suhestiyon ng iyong kapuwa?
Paano ito makatutulong sa isang batang katulad mo? Mahalaga na ipakita
ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa.

Paggalang sa Suhestiyon ng Kapuwa

Anuman ang sabihin ng ating kapuwa sa ating ginawa, tumigil sandali, suriin
at pagnilayan ang pagsisikap na inilaan sa isang gawain upang maging
makatotohanan ang ebalwasyon. Kung hindi man tayo sang-ayon sa kanilang
sinasabi dapat pa rin natin itong igalang dahil mahalaga sa atin ang suhestiyon ng
ating kapwa.

Pamamaraan ng paggalang sa suhestiyon ng kapuwa

1. Pagrespeto sa karapatang magbahagi ng suhestiyon o ideya


Ating pairalin ang paggalang sa pamamagitan ng pagrespeto sa kanilang
karapatang magbahagi ng kanilang suhestiyon o ideya. Igalang natin ang anumang
suhestiyong sinasabi nila, pag-usapan ang mga ito at timbangin bago manghusga.

2. Paghingi ng suhestiyon patungkol sa anoman ang proyektong kinakaharap


Ang paghingi ng tulong o opinyon ukol sa isang gawaing sisimulan ay
nakatutulong sa pagsasakatuparan nito. Mainam din na making sa suhestiyon ng
ibang tao upang maging bukas ang isip sa mga ideya na ibibigay nila.

(Pinagkunan: Zenaida R. Ylarde, at Gloria A. Peralta, Ugaling Pilipino sa Makabagong


Panahon 6, Pasig City: Department of Education, 2016, 54-59.)

2
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Tukuyin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat
sa patlang ang TAMA kung ito ay nagpapakita ng
paggalang at MALI naman kung hindi.

__________1. Iniwasan ni Loy ang mga kaibigang nagbigay ng puna sa kaniyang


gawa.
__________2. Pinagtawanan si Danny ng mga kamag-aral niya nang magkamali
siya sa pagsagot.
__________3. Nakangiting pinakikinggan ni Arlyn ang mga ideya ng kaniyang
pangkat.
__________4. Hinihikayat ni Susan ang kaniyang mga miyembro na magbigay ng
kanilang mga opinyon.
__________5. Isinasaalang-alang nina Edgardo ang mga opinyon ng nakatatanda
at nakababata ukol sa pandemyang nararanasan.

Maliban sa mga sitwasyon sa itaas, paano mo pa maipakikita ang


paggalang sa suhestiyon ng ibang tao?

Gawain 2
Panuto: Kilalanin ang sarili sa pamamagitan ng
paglalagay ng tsek (√) kung ang pahayag ay tama at ekis
(X) naman kung mali.

Mga Pahayag X √
1. ”Sabi ni Ian, hindi raw maganda ang aking ipininta. Sisirain
ko nalang ito.”
2. ”Hindi ko na itinuloy ang sinimulan kong tula, hindi naman
daw ako marunong gumawa.”
3. Iyan ang gusto ko sa iyo, sinisikap mo na mapaghusayan ang
iyong mga gawain kahit mahirap ang ilan sa mga ito.”
4. ”Ano ba yan! Akala mo naman magaling ka. Ayaw na kitang
kasama sa pangkat.”
5. ”Maraming puna ang natanggap namin sa ginawa naming
artwork, ngunit tinanggap namin ito.”

Masusi mo bang naunawaan ang nais ipahayag ng bawat sitwasyon sa


itaas? Ano naman ang nagagawang tulong ng pagbibigay suhestiyon o puna sa
tao?

3
Ating Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon.
Lagyan ng tsek (√) kung nagpapakita ng paggalang at ekis
(X) kung hindi sa bawat patlang.

________1. Pagkamahinahon sa pagbibigay ng sariling palagay o suhestiyon.


________2. May isipang umuunawa at pusong nagsasaalang-alang ng damdamin
ng iba.
________3. Pumapanig sa suhestiyon ng kaibigan kahit mali.
________4. Kawalan ng paggalang sa ideya ng iba.
________5. Sanay na lagi siyang pinagbibigyan dahil sa siya ay matampuhin pag
hindi pinaniniwalaan.

Tapat ka ba sa iyong pagsagot sa bawat pahayag? Bakit dapat nating


isaalang-alang ang paggalang sa suhestiyon ng ating kapuwa?

Gawain 2
Panuto: Unawain ang bawat sitwasyon. Piliin ang titik ng
tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

A. Pagrespeto sa suhestiyon B. Paghingi ng suhestiyon

_____1. Lumapit si Jessy sa kanilang dating guro ukol sa gagawin nilang proyekto
sa paaralan.
_____2. Tinanggap nang maluwag ni Malou na hindi maisasama ang kaniyang ideya
sa plano ng kanilang pangkat.
_____3. Binuo ni Alexia ang kanyang tula tungkol sa kanyang mga magulang sa
tulong ng kanyang kuya.
_____4. Inuunawa ang palagay ng iba.

_____5. Binigyan kami ng mungkahi ng aming mga magulang sa aming tinatapos


na sanaysay tungkol sa COVID-19.

May kabutihan bang naidudulot ang pagrespeto at paghingi ng suhestiyon


sa kapuwa? Ano ang naitutulong ng paggalang sa pagpapanatili ng kapayapaan
sa isang pangkat?

4
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Basahin ang talata sa ibaba. Piliin ang angkop na salita na makikita sa
loob ng kahon upang mapunan ang mga patlang.

Damdamin kaisipan
Ideya paniniwala
Kakayahan sitwasyon

Ang lahat ng tao ay may sari-sariling (1)__________________________. Ito ang


dahilan ng ating pagkakaiba-iba. Ito rin ang dahilan kung bakit tayo ay may iba’t
ibang (2)_________________________, (3(____________________ (4)_______________ at
(5)_____________________ sa iba’t ibang paksa. Dahil dito, mahalagang maunawaan
na sa isang (6) _____________________, hindi lahat ng iyong kausap ay katulad ng
iyong iniisip o pinaniniwalaan.

Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ano ang iyong nararapat gawin kung binaliwala ang iyong suhestiyon at hindi
tinanggap?
A. Hindi na lamang kikibo.
B. Iisipin na pinagkakaisahan ka ng lahat.
C. Tatanggapin ng buong puso.
D. Hindi na uulit magbigay ng suhestiyon.

2. Ano ang iyong gagawin bilang lider kung may suhestiyon na sa iyong palagay ay
makabubuti sa inyong gingawang proyekto?
A. Bibigyan ng pagkakataon na marinig ang kanyang suhestiyon.
B. Pipigilian siyang magsalita dahil ikaw ang lider.
C. Hindi na siya isasali sa ginagawang proyekto.
D. Hindi siya papansinin.

3. Ano ang nagagawang tulong nang pagpuna sa tao?


A. Nakasasama sa damdamin ng taong pinuna.
B. Nakapanghihina ng loob.
C. Nagkikimkim ng galit sa taong nagpuna sa ginawang suhestiyon.
D. Nakatutulong upang maging bukas ang isip sa mga ideya na ibinigay.

5
4. Paano mo dapat tanggapin ang mga negatibong puna ng ibang tao sa iyo?
A. Hindi ko ito tinatanggap dahil mas magaling ako sa kanila.
B. Tinatanggap ko ito nang may paggalang dahil makatutulong ito sa sarili
ko.
C. Iisipin ko na galit lamang sila sa akin.
D. Hindi ko sila papansinin.

5. Paano maipakikita ang paggalang sa opinyon ng ibang tao?


A. Hindi ko siya pakikinggan.
B. Sabihin na hindi nakatutulong ang kanyang opinyon.
C. Uunawain ko at isasaalang-alang ang kanyang damdamin.
D. Kukumbinsihin ang sarili na walang magandang idudulot ang kanyang
opinyon.

6. Alin sa sumusunod ang karaniwang nagiging dahilan ng hindi


pagkakaunawaan?
A. May isipang umuunawa sa damdamin ng iba.
B. Tinatanggap ang lahat ng puna maging negatibo o positibo.
C. Kawalan ng paggalang sa ideya ng kapuwa.
D. Laging maunawain at magalang sa palagay ng iba.

7. Mayroon kang tinatapos na gawain hanggang hatinggabi. Upang hindi ka


antukin, nilakasan mo ang radyo. Sinabihan ka ng bunso mong kapatid na hindi
siya makatulog sa lakas ng radyo mo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Pagagalitan ang kapatid dahil nakikialam siya.
B. Papatayin ang radyo at magsusumbong sa nanay na inistorbo ka kaya wala
kang natapos na gawain.
C. Papatayin ang radyo. Maghahanap nalang ng ibang paraan para hindi
antukin.
D. Mas lalong lalakasan ang radyo.

8. Isang kamag-anak mo ang nagsabi na may ikinakalat na tsismis tungkol sa iyo


ang iyong matalik na kaibigan. Nagkataong nasalubong mo siya sa mall. Ano ang
gagawin mo?
A. Hindi papansinin ang sinabi ng kamag-anak.
B. Iimbitahin ang kaibigan sa isang lugar at tatanungin nang mahinahon
kung totoo ang isinumbong tungkol sa kaniya ng kamag-anak.
C. Magagalit sa matalik na kaibigan.
D. Hindi na papansinin ang kaibigan kailanman.

9. Pinagalitan ka ng iyong nanay sa pagkakamaling hindi ikaw ang may gawa.


Subalit ikaw ang itinuturo ng iyong kapatid. Humingi siya ng tawad at
nangakong sasabihin sa nanay ang totoo. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin na huwag nang mag-abala dahil napagalitan ka na ng nanay mo.
B. Aawayin ang kapatid.
C. Pakikinggan ang paliwanag ng kapatid at tatanggapin ang kanyang
suhestiyon.
D. Papalitan na lamang ang platong nabasag ng kapatid.

6
10. May darating na balikbayan sa inyong bahay. Wala ang inyong mga magulang.
Iminungkahi ng inyong panganay na maglinis ng husto sa bahay. May tinatapos
kang gawain na ipapasa mo sa iyong guro kinabukasan. Ano ang gagawin mo?
A. Kakausapin ang kapatid na nagbigay ng suhestiyon na maglilinis kayo
pagkatapos
nalang ng gawain mo.
B. Maiinis sa kapatid dahil naiistorbo ka at nawala sa isip mo ang iba mong
balak
gawin.
C. Iiwan ang kapatid at lilipat ng ibang bahagi ng bahay upang matapos ang
iyong gawain.
D. Hindi nalang tutulong sa paglilinis at uunahin ang ginagawang gawain.

7
Susi sa Pagwawasto
Tayo’y Magsanay

Gawain 1

1. Mali 2. Mali 3. Tama 4. Tama


5. Tama

Gawain 2

1. Mali 2. Mali 3. Tama 4. Mali


5. Tama

Ating Pagyamanin

Gawain 1

1. √ 3. X 5. X
2. √ 4. X

Gawain 2

1. B 2. A 3. B 4. A 5. B

Ang Aking Natutuhan

1. Kaisipan
2. Paniniwala
3. Damdamin
4. Ideya
5. Kakayahan
6. sitwasyon

Ating Tayahin

1. C 2. A 3. D 4. B 5. C
6. C 7. C 8. B 9. C 10.A

Sanggunian
Aklat

Ylarde, Zenaida R. at Gloria A. Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon.6.


Pasig City: Department of Education. 2016.

8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang OPO HINDI
iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya.

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung


Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at


pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like