You are on page 1of 28

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Natatanging Kultura ng mga
Rehiyon, Bansa, at Mamamayan sa
Daigdig
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Ang Natatanging Kultura ng mga Rehiyon, Bansa at
Mamayan sa Daigdig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Geline T. Fajardo
Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD
Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz
Tagasuri ng Wika: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz
Diosdado S. Mateo / Erfe Donna A. Aspiras
Edelwiza L. Cadag
Tagasuri ng Pagguhit/Paglapat: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor
Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia
Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V


Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag, PhD
Ma. Editha R. Caparas, PhD
Nestor P. Nuesca, EdD
Marie Ann C. Ligsay, PhD
Dominador M. Cabrera, PhD
Edward C. Jimenez, PhD
Ma. Leonora B. Cruz
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Natatanging Kultura ng mga
Rehiyon, Bansa, at Mamamayan sa
Daigdig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Natatanging Kultura ng mga
Rehiyon, Bansa at Mamamayan sa Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Natatanging Kultura ng mga
Rehiyon, Bansa at Mamamayan sa Daigdig!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

iii
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

iv
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan


ang aralin tungkol sa natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamayan sa
daigdig. Pagtutuonan ng pansin sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga
mahahalagang bagay o datos na bumubuo sa heograpiyang pantao at kung paano
nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o isang
pangkat ng tao.
Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:
Talakayan 1 – Heograpiyang Pantao
Talakayan 2 – Wika
Talakayan 3 – Relihiyon
Talakayan 4- Lahi/Pangkat Etniko
Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang

a. nakapag-iisa-isa ang bumubuo sa heograpiyang pantao;


b. nakapagsusuri ang wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko ng daigdig; at
c. nakapagpahahalaga sa natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at
mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat, etno-lingguwistiko, at relihiyon sa
daigdig).

1
Subukin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Ilang pamilya ng wika ang mayroon sa buong daigdig ayon sa Ethnologue


(16th edition)?
A. 147 C. 149
B. 148 D. 150
2. Laking Australia ang kaklase ni Tere na si Gabriel kaya naman hindi sila
magkaintidihan nang mabuti. Anong aspekto ng heograpiyang pantao ang
naging hadlang sa kanila?
A. disiplina C. lahi
B. relihiyon D. wika
3. Sa anong aspekto ng pamumuhay nabibilang ang Negroid at Caucasoid?
A. lahi C. wika
B. relihiyon D. disiplina
4. Bakit mahalaga ang wika sa mga tao?
A. dahil wala silang maipapahayag na mensahe kung hindi sila
magsasalita
B. dahil kailangan nila ito sa pang-araw-araw na pamumuhay
C. dahil ito ang nagbibigay sa tao ng pagkakakilanlan
D. dahil gusto nila ng may sariling wika
5. Ang mga sumusunod ay pangunahing lahi sa daigdig MALIBAN sa:
A. Latinoid C. Mongoloid
B. Caucasoid D. Negroid
6. Sa Rehiyong Antarctic, Australia, at Ocenia, ano ang tawag sa nabuong wika
ng mga katutubo at Europeo?
A. Ruso C. Pidgin English
B. Quechua D. Griyego
7. Sa Silangang Europe, anong paniniwala ang mayroon ang mga taong nakatira
sa dating Soviet Union?
A. Greek Orthodox C. Roman Orthodox
B. Western Orthodox D. Eastern Orthodox
8. Anong salita ang may ibig sabihin ng “buoin ang mga bahagi para maging
magkakaugnay ang kabuoan nito”?
A. religare C. lengguwahe
B. ethnos D. cultura
9. Sa anong aspekto ng pamumuhay nabibilang ang Islam at Kristiyanismo?
A. wika C. pangkat-etniko at lahi
B. nasyonalidad D. relihiyon
10. Ano ang iba pang tawag sa heograpiyang pantao?
A. kultural na heograpiya C. pisikal na heograpiya
B. disiplinang heograpiya D. makasaysayang heograpiya

2
11. Ano ang tawag sa wikang Indian at Espanyol na opisyal na wika ng Peru?
A. Macedonian C. Ruso
B. Quechua D. Pidgin English
12. Alin sa sumusunod ang HINDI batayan sa paghahati-hati ng mga tao? Sa
mga pangkat?
A. wika C. yaman
B. relihiyon D. pangkat-etniko at lahi
13. Saang kultural na heograpiya nabibilang ang Filipino at Mandarin?
A. relihiyon C. tao
B. wika D. pangkat-etniko at lahi
14. Ano ang tawag sa pag-aaral ng distribusyon ng mga tao, ang kanilang
katangiang kultural, at mga gawain sa daigdig?
A. populasyon C. heograpiyang pisikal
B. heograpiyang pantao D. kasaysayan
15. Bakit mahalaga ang relihiyon sa tao?
A. dahil isa itong oportunidad upang maparami ang kaibigan at kakilala
B. dahil ito ang gumagabay sa kanilang pamumuhay at pakikitungo sa
kapwa
C. dahil natatakot silang walang mapuntahan kapag namatay
D. dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng pangangailangan.

3
Aralin

1 Heograpiyang Pantao

Ang sangay na tumutukoy sa mga pag-aaral sa mga aspektong kultural na


matatagpuan sa daigdig; paraan ng interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran;
kung paano niya binabago at kung paano rin siya nababago o naapektuhan ng
kalikasan ay tinatawag na heograpiyang pantao. Sa modyul na ito, hihimay-himayin
ang mga bumubuo sa heograpiyang pantao: ang wika, relihiyon, lahi at pangkat-
etniko ng rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig. Pagtutuunan nang pansin dito
kung paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng
indibiduwal o isang pangkat ng tao. Gayundin, ang pagiging instrumento ng kultural
na heograpiya sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig. Halina’t simulan na ang
pagkatuto.

Balikan

Binubuo ng kalupaan, klima, katubigan, wildlife, lupa, at mineral ang pisikal


na katangian ng daigdig. Nakaiimpluwensiya ang isa’t isa sa pamumuhay at kultura
ng mga tao. Maglista ng mga salitang naglalarawan sa heograpiya. Ang mga salitang
ito ay dapat nagsisimula sa titik na bumubuo sa heograpiya.

4
Mga Tala para sa Guro
Importanteng maging pamilyar sa mga simbolo ng mga
relihiyon upang makatulong sa mas malalim na pagkaunawa.
Gayundin, ang sariling pagsasaliksik ng karagdagang kaalaman
patungkol sa mga wikang sinasalita ng bawat rehiyon, kultura ng
bawat lahi at pangkat-etniko. Marapat na ipaunawa sa mga mag-
aaral ang kahalagahan ng respeto at pagkakaisa sa kabila ng
pagkakaiba-iba.

Tuklasin

Hanapin ang limang salitang may kaugnayan sa natatanging kultura ng mga


rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A B Q S H H J K C L Q W E U I O P A
Q V D G Q Q Z Z M L B M D F H K L O
F G H B C S E T Y A K S M H J K K B
C D E T F B H Y H H M K L L L I M E
A A D F R A R E L I H I Y O N X S A
K O P L K F T B G H J E R T V C B E
I A S S R R T T Y Y D G E U U J F B
W V F C H G Y K L W E T H J G J M V
K L R S C E Y I O Z A T K G S E E V
G D D R Z C E W B K H E O K M A N B
X D F C U V A D G T E Q Q I P L M N
A S D V C E N N R A W T J S Y Y H J
A Z K L Q R A V W Z O A X X I O U J
O A T N A P G N A Y I P A R G O E H

5
Suriin

Heograpiyang Pantao

Tinatawag ding heograpiyang kultural ang heograpiyang pantao. Ang paggamit ng


mga heograpo ng iba’t ibang pananaw upang maipakita ang kultural na rehiyon at
mga bansang kabilang dito. Relihiyon, wika, medisina, ekonomiya, politika, mga
lungsod, populasyon, kultura, at iba pang aspektong kultural na maaaring
magbigay-liwanag kung bakit kumikilos ang mga tao sa isang lugar tulad ng
kanilang ginagawa sa kanilang buhay ang pinag-aaralan dito. Ating suriin ang mga
pangunahing aspekto ng heograpiyang pantao:

Ang wika ay isang masistemang


balangkas na sinasalitang tunog na
pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga tao sa
pakikipagtalastasan na nabibilang sa
iisang kultura ayon kay Henry Gleason.

Isang organisadong paraan ng pagsamba


sa isang bagay na espiritwal o kaisipan sa buhay
ay tinatawag na relihiyon. Madalas, ang mga tao
ay idinidikit ang sining sa relihiyon.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/37/Re
ligious_symbols-4x4.svg/768px-Religious_symbols-4x4.svg.png

Ang race o lahi ay tumutukoy


sa pagkakakilanlan ng isang pangkat
ng mga tao, pisikal o bayolohikal na
katangian ng pangkat.
Maihahalintulad sa isang mosaic ang
daigdig dahil na rin sa maraming
natatanging paglala-rawan ng mga
naninirahan dito.

Nagmula naman ang salitang


“etniko” sa salitang Griyego na
ethnos na ang ibig sabihin ay “mamamayan”. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko
ay may iisang maliwanag na sariling pagkakakilanlan.

6
Wika

Nagbibigay ng identidad o pagkakakilanlan sa taong kabilang sa isang


pangkat. Itinuturing din itong kaluluwa ng isang kultura. Ang mga taong may
magkakaparehong wika ay kadalasang may pareho ring kaasalan at paniniwala
Nakapaloob ang mga wikang ito sa mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-
ugatan o language family Sa kabuoan, ayon sa Ethnologue (16th edition), mayroong
147 language families sa buong daigdig. Ang ilan sa pangunahing pamilya ng wika
sa daigdig ay ang Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, Niger-Congo, Sino-
Tibetan.
Afro-Asiatic
Buhay na Wika: 366
Bahagdan ng mga Nagsasalita: 5.81
Bansang Gumagamit ng Wika: Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad, Cyprus,
Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali,
Malta, Mauritania, Morocco, Niger, Nigeria, Oman, Palestine, Saudi Arabia,
Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab
Emirates, Uzbekistan, at Yemen
Austronesian Indo-European
Buhay na Wika: 1,221 Buhay na Wika: 436
Bahagdan ng mga Nagsasalita: 5.55 Bahagdan ng mga Nagsasalita:
Bansang Gumagamit ng Wika: 46.77
Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook Bansang Gumagamit ng Wika:
Islands, East Timor, Fiji, French Afghanistan, Albania, Armenia,
Polynesia, Guam, Indonesia, Kiribati, Austria, Azerbaijan, Bangladesh,
Madagascar, Malaysia, Marshall Belarus, Belgium, Bosnia and
Islands, Mayotte, Micronesia, Herzegovina, Brazil, Bulgaria,
Myanmar, Nauru, New Caledonia, New Canada, China, Croatia, Czech
Zealand, Niue, Northern Mariana Republic, Denmark, Fiji, Finland,
Islands, Palau, Papua New Guinea, France, Germany, Greece, Iceland,
Philippines, Samoa, Solomon Islands, India, Iran, Iraq, Ireland, Isle of Man,
Suriname, Taiwan, Thailand, Tokelau, Israel, Italy, Latvia, Lithuania,
Tonga, Tuvalu, United States, Luxembourg, Macedonia, Maldives,
Vanuatu, Vietnam, Wallis at Futuna Myanmar, Nepal, Netherlands,
Norway, Oman, Pakistan, Peru,
Sino-Tibetan Poland, Portugal, Romania, Russian
Buhay na Wika: 456 Federation, Serbia, Slovakia,
Bahagdan ng mga Nagsasalita: 20.34 Slovenia, South Africa, Spain, Sri
Bansang Gumagamit ng Wika: Lanka, Suriname, Sweden,
Bangladesh, Bhutan, China, India, Switzerland, Tajikistan, Turkey,
Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal, Ukraine, United Kingdom, United
Pakistan, Thailand, at Vietnam States, Vatican State, at Venezuela
Niger-Congo
Buhay na Wika: 1,524
Bahagdan ng mga Nagsasalita: 6.91
Bansang Gumagamit ng Wika: Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso,
Burundi, Cameroon, Central African Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte
d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of the Congo, Equatorial Guinea, Gabon,
Gambia, Ghana, Guinea, Guinea- Bissau, Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali,
Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger, Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone,
Somalia, South Africa, South Sudan, Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo, Uganda,
Zambia, at Zimbabwe

7
Mga Wika sa Iba’t Ibang Rehiyon sa Daigdig

Latin America at Carribean


Wikang Espanyol ang opisyal na ginagamit ng mahigit kalahati ng mga
bansa sa Latin America at Carribean. Pagpasok ng mga Indian ay nabago ito kaya
tinawag ang wika sa Mexico na Mexican Spanish.
Sa Brazil, Portuges ang opisyal na wikang nagtataglay ng salitang Indian
at African. Pranses sa Haiti at Martinique, at Ingles sa Jamaica at Guyana.
Quechua, isang wikang Indian at Espanyol ang opisyal na wika sa Peru.
Kanlurang Europe at Silangang Europe
Karamihan sa mga taga-Kanlurang Europe ay nagsasalita ng wikang
nagmula sa Indo-European. Sa hilagang bahagi ng rehiyon ay nagsasalita ng
Ingles, Danish, at Swedish. Sa France-French, Portugal-Portugese, Spain-
Spanish, at Italy-Italia ay mga wikang Romano.
Halos 100 wika ang ginagamit sa Silangang Europe. Ang wika at diyalekto
dito ay nagmula sa pamilya ng wika ng Indo-European at Ural-Atlaic. Sa hilagang
bahagi ng rehiyon ay nagsasalita ng wika mula sa Ural-Atlaic. Ang wikang
Romano na gamit sa rehiyon ay Romanian. Nagmula sa Germanic ang wikang
German na ginagamit ng iilang lugar sa rehiyon. Karamihan sa Indo-European ay
ang Russian, Polish, Bulgarian, Serbo-Croatian, Solvenne, at Macedonian.

Hilaga, Gitnang Silangan, at Sub-Saharan Africa


Sa Hilaga at Gitnang Silangan ng Africa, natuto ng Muslim ang mga hindi
Arabong yumakap ng Islam. Nagmula sa pamilya ng Afro-Asiatic ang Arabic. Sa
Israel ay Hebrew ang sinasalita, Berber naman sa Timog Morocco at Algeria.
Turkish ang ginamit na salita ng Turkey at Cyprus. Galing sa sangay ng wikang
Indo-European ang iba pang pangunahing wika ng rehiyon tulad ng Pashto na
ginagamit ng Afghanistan at Persian ng Iran. Wikang Pranses at Espanyol naman
ang ginagamit sa mga transaksiyon sa gobyerno at negosyo sa ibang mga bansa
ng rehiyon tulad ng Morocco na nasakop noon.
African, Afro-Asiatic, at Indo-European ang tatlong pamilya ng wika sa
Sub-Saharan Africa. Wikang African ang sinasalita sa pinakamaraming tao. Ang
pinakamalaking pangkat naman ay ang wikang Bantu na ginagamit sa sentral,
silangan, at timog na bahagi ng rehiyon. Arabic at Berber ang pangunahing Afro-
Asiatic na ginagamit sa hilagang-kanluran ng Sub-Sahara. Sa Timog Africa
naman ay malawakang paggamit ng wikang Indo-European tulad ng Ingles at
African ay nahubog mula sa mga mananakop na mga Olandes.

Timog Asya
Ang mga wikang Hindu, Urdu, at Bengali ang pangunahing ginagamit na
wika sa rehiyon. Sa Nepal at Sri Lanka, Nepali at Sinhalese ang opisyal na wika
na mula sa pamilya ng wikang Indo-European. Wikang Hindi naman bilang una
o ikalawang wika ng halos kalahati ng populasyon sa India na mga taga-hilaga at
sentral. Ang wikang Ingles ay popular din sa India na naging impluwensiya ng
pananakop ng Britain. Ang opisyal na wika ng Pakistan ay Urdu. Dravidian aman
ang wika ng 1/5 na tao sa Timog India at hilagang bahagi ng Sri Lanka.

8
Silangang Asya
Sa kadahilanang maraming iba’t ibang pangkat ang nanakop sa rehiyon
iba’t ibang wika rin ang dulot nito. Nagmula sa tatlong sangay ang wika sa
rehiyon: ang Sino-Tibetan, Tibet o Burman na gamit ng mga tao sa talampas ng
Tibet, at ang Chinese. Nahahati ang wikang Chinese sa iba’t ibang sangay gaya
ng Mandarin na gamit ng Hilagang China, Wu, at Cantonese sa timog ng China.
Karamihan ng mga Tsino sa kasalukuyan ay gumagamit ng Mandarin bilang
opisyal na wika ng China. Mandarin din ang gamit ng Taiwan kabilang sa
diyalektong Taiwanese at Hakka. Ang Japan at Korea ay may wikang nagmula sa
sangay ng Japanese at Korean. Samantala, Mongol naman ang salita sa Mongolia.
Manchu ang gamit na wika sa Manchuria na nagmula sa sangay ng Ural-Atlaic
na ginagamit din madalas ng mga taong naninirahan sa hilaga at kanlurang
bahagi ng rehiyon.

Timog-Silangang Asya

Nagmula sa tatlong sangay ang wikang ginagamit sa rehiyon: Malayo-


Polynesian, ang Sino-Tibetan, at ang Mon-Khmer.Karamihan ng diyalekto ay
resulta ng migrasyon at kolonyalismo sa rehiyon tulad ng mga sumusunod: Ilang
Espanyol, Ingles, at Pilipino sa Pilipinas; sa Singapore ay Chinese, Malay, at Tami;
ang ginagamit sa negosyo ng Malaysia ay Ingles ngunit may hakbang na
isinagawa upang salitang Malay ang gamitin sa pangkalahatan; nagsasalita ng
Ingles, Pranses, Chinese, at Ruso ang karamihan ng tao sa mga lungsod ng
Vietnam bilang karagdagan sa wikang Vietnamese.

Antarctic, Australia, at Oceania

Sa sangay ng Indo-European nagmula ang malaking bahagi ng sinasalita


sa rehiyon. Sa Australia, New Zealand, at maraming bahagi sa Oceania ay Ingles
ang wikang gamit. Ang wikang Pranses ang gamit sa French Polynesia at iba pang
bahagi ng Oceania na nanatiling nasa ilalim ng politikal na kontrol ng France.
May iba pang katutubong wika ang gamit sa Oceania na kabilang sa sangay ng
Malayo-Polynesia. Halos 700 na lokal na diyalekto ang ginagamit sa Papua New
Guinea at dulot ng pangangailangan sa kalakalan, nabuo ang isang wika na may
halong katutubo at Europeo na tinawag na Pidgin English.

Relihiyon

Nagmula ang salitang relihiyon sa “religare” na ang ibig sabihin ay “buoin ang
mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuoan nito”. Ilan sa mga
pangunahing relihiyon sa mundo ay Hinduismo, Kristiyanismo, Islam, Budismo,
at Confucianismo. Ang tanong ukol sa kahulugan at layunin ng buhay ang
sinasagot ng relihiyon. Sinusuportahan din nito ang isang mahahalagang
pagpapahalaga ng isang pangkat ng tao. Mayroong iba-ibang paniniwalang
pangrelihiyon ang tao: monoteismo ang tawag sa paniniwala sa iisang Diyos; ang
pananampalataya naman sa maraming Diyos ay tinatawag na politeismo. Ang
sumusunod ay ilan sa iba’t ibang relihiyon sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig:

9
Latin America at Carribean Kanlurang Europe

Relihiyong Romano Katoliko Ang karamihan sa mga taga-


ang malakas na impluwensiya sa Kanlurang Europe ay Katoliko.
Latin America at Carribean. Ito ay Protestante naman ang dominante sa
relihiyon ng pitong bansa bagama’t hilaga at hilagang kanluran. Ang mga
ang bawat isa ay may kalayaang bansang malapit sa Dagat
pumili ng kanilang pananam- Mediterranean Sea sa Ireland ay mga
palataya. Ang mga Indian at African Romano Katoliko. Greek Orthodox ang
ay kinikilala ang Romano Katoliko sinusunod ng karamihan sa taga-
ngunit patuloy pa rin nilang Greece na anyo rin ng Kristiyanismo.
sinusunod ang kaugalian sa Sa Hilagang Ireland ay may
pananampalataya ng kanilang mga minsanang pagsiklab ng hidwaan sa
ninuno. pagitan ng mga Romano Katoliko at
Protestante ngunit sila ay malayang
pumili ng kanilang pananampalataya.
Silangang Europe
Silangang Orthodox at sangay ng
Romano Katoliko ang pangunahing Hilagang Africa at Gitnang Silangan
relihiyon dito. Ang relihiyon ng bawat
Halos sa lahat ng rehiyon
lugar ay nagpapakita ng kasaysayan.
maliban sa Israel ay Islam ang
Ang iba pang relihiyon sa rehiyon ay
sinusunod ng mga tao. Bagama’t ang
Protestantismo, Hudaismo, at Islam.
Hudaismo at Kristiyanismo ay
Ang karamihan sa naninirahan sa
nagsimula sa rehiyon, iilang bahagi
dating Soviet Union ay may
lamang ang yumakap dito. Sa Israel
paniniwalang Eastern Orthodox.
matatagpuan ang karamihan sa mga
Malawak din ang pagtanggap nito sa
Hudyo. Kristiyanismo ang
Romano Katoliko at halos 1/3 ng
pananampalataya ng karamihan sa
mga tao sa Albania ay kabilang sa
Lebanon at Cyprus. Maronites naman
ganitong pananampalataya.
sa mga Kristiyanong Lebanese na
Gayundin sa Polan, Czechoslovakia,
isang sangay ng Katolisismo.
at Hungary.
Samantalang Greek Orthodox ang
sinusunod ng mga taga-Cyprus.
Sub-Saharan Africa

Tradisyonal na relihiyon tulad


Antarctic, Australia, at Oceania
ng African, Islam at Kristiyanismo
ang pangunahing relihiyon sa Bago pumasok ang mga
rehiyon. Naniniwala sila sa animismo Europeo, ang mga tao sa rehiyon ay
o ang kaluluwa ng mga ninuno ay sumusunod sa iba’t ibang relihiyon.
pinaniniwalaang buhay sa kalikasan. Pagpasok ng mga misyonaryong
Gayundin ang paniniwala nila sa Europeo dala-dala nila ang ideya at
iisang tagalikha ng tao. May malawak pagpapahalaga ng Kristiyanismo.
na tagasunod ang Islam na Nagpatuloy ang tradisyonal na
matatagpuan sa Ethiopia, Nigeria at paniniwala sa maraming bahagi ng
Tanzania. Ang malaking bahagi ng rehiyon. Iilan lamang ang sumusunod
Kristiyano ay matatagpuan sa Timog sa prinsipyong Islam at Hindu.
Africa.

10
Silangang Asya

Ang pagkakaroon ng relihiyon Timog Asya


ay pinahina ng gobyernong Binubuo ng Hinduismo,
komunista sa China, Mongolia, at Islam, at Budismo ang pangunahing
North Korea. Ninais palitan ng relihiyon dito. May ilan din na
gobyerno ng China ang prinsipyong yumakap sa Kristiyanismo. Ang
Confucianismo kaya karamihan sa mga tao sa India at Nepal ay
mga tao na naninirahan sa sumusunod sa Hinduismo. May
Silangang Asya ay walang mga Hindu rin sa Bhutan, Sri
sinusunod na relihiyon. May ilang Lanka, Pakistan, at
mga tao sa lugar na sumusunod pa Bangladesh.Karamihan ng mga tao
rin sa aral ng Budismo, sa Pakistan at Bangladesh ay Islam
Confucianismo, o Taoismo. Sa mga ang sinusunod at may mangilan-
hindi komunistang bansa ngilan sa Hilagang India. Sa Sri
karamihan dito ay yumakap sa Lanka at Bhutan ay malakas ang
Confucianismo o Taoismo. Minsan, Budismo. May ilan din sa Nepal at
sumusunod ang mga tao sa mahigit Sentral India. May mga tagasunod
sa iisang relihiyon. Sa Japan ang ibang relihiyon tulad ng
matatagpuan ang maraming taga- Kristiyanismo sa Timog India at
sunod ng Shintoismo. May maliit na Sikh sa Punjab. Ang Sikh ay
bilang ng Muslim ang naninirahan kombinasyon ng Islam at
sa rehiyon dulot ng kalakalan. Hinduismo.
Yumakap ang ilan sa Kristiyanismo
sa may South Korea.

Timog Silangang Asya


Ang karamihan ng tagasunod ng Budismo ay mula sa Indochina.
Malaking populasyon ng Malay Peninsula ang yumakap sa Islam dala ito ng
mangangalakal na Muslim. Sa Pilipinas, malaki ang bahagdan ng tao ang
tagasunod ng Romano Katoliko dulot na rin ng mahigit 300 daang taong
pananakop ng mga Espanyol. Malaking bahagi ng populasyon sa rehiyon ay
mula sa China kaya sumunod sila sa Confucianismo o Taoismo. Tradisyonal
na relihiyon batay sa animismo ang ilan na nasa bulubunduking lugar.

Ilan sa mga Simbolo ng Relihiyon sa Daigdig

11
Lahi o Pangkat-etniko

Pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, wika, pinagmulan, at relihiyon


ang mga miyembro ng pangkat-etniko. Maraming eksperto ang namumuno sa pag-
aaral ng iba’t ibang klasipikasyon ng tao sa daigdig, ngunit marami rin ang
nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaari ito pagmulan ng
diskriminasyon. Ilan sa mga pangunahing lahi sa daigdig ay: Mongoloid na nagmula
sa Asya, Caucasoid na nagmula sa Europa, at Negroid na nagmula sa Aprika.

Pagyamanin

Gawain 1: 3-2-1 CHART


Sa tulong ng mga kaalaman sa nasuring teksto, punan ang chart ng hinihingi nitong
impormasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

3 Bumubuo sa
heograpiyang pantao

Kahalagahan kung

2 bakit kailangan pag-


aralan ang
heograpiyang pantao

1 Sariling pakahulugan
sa heograpiyang pantao

12
Gawain 2: KA-PARES
Basahing mabuti ang mga pahayag at tukuyin ang mga kahulugan at halimbawa sa
HANAY A na bumubuo ng heograpiyang pantao sa HANAY B. Maaring maulit ang
iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang


1. pangkat ng mga tao, pisikal o bayolohikal na a. kultura
katangian ng pangkat
Ang karamihan ng tagasunod ng Budismo ay mula
2. b. relihiyon
sa Indochina
Monoteismo ang tawag sa paniniwala sa iisang
3. c. wika
Diyos
Ang may halong katutubo at Europeo na tinawag
4. d. lahi
ay Pidgin English.
Ang mga tao ay idinidikit ang sining, madalas sa
5. e. pangkat-etniko
aspektong kultural na ito.
Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, at
6.
Niget Congo Sino-Tibetan
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “ethnos”, na
7.
ang ibig sabihin ay “mamamayan”.
8. Ito ang sumsasalamin sa kultura ng tao.
Nagmula sa salitang “religare” na ang ibig sabihin
9. ay “buoin ang mga bahagi para maging
magkakaugnay ang kabuoan nito”.
Ito ay isang organisadong paraan ng pagsamba sa
10.
isang bagay na espiritwal o kaisipan sa buhay.

Gawain 3: INFO-GRAPHIC POSTER


Sa mga wikang napag-aralan sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig, gumawa ng info-
graphic poster na nagtataglay ng impormasyon ukol dito at may adhikaing palaguin
ang sariling wika. Bago i-upload sa napiling social networking site ang nagawang
info-graphic poster, siguraduhing ito ay nasuri muna ng iyong guro. Sagutin ang
katanungang “Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan at mapauunlad
ang iyong sariling wika?”.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Info-graphic Poster


Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nakapaloob sa info-graphic poster ang
Nilalaman wikang kanyang napili ay nagtataglay ng 10
wasto at napakahalagang impormasyon
Ang pagkakadisenyo ng info-graphic
Pagkamalikhain poster ay may kaaya-ayang disenyo at 10
naaangkop sa konsepto.
Naglalahad ng makabuluhang pahayag
Kabuluhan ang info-graphic poster na sumasagot sa 5
katanungan
Kabuoan 25

13
Gawain 4: TAMA o MALI
Tukuyin kung Tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat pangungusap. Isulat sa
sagutang papel ang TAMA kung wasto ang pangungusap. Kung mali, isulat ang
salitang naging dahilan kung bakit naging mali ang pahayag at isulat muli ang buong
pangungusap gamit ang salitang magwawasto sa pahayag.

1. Ang pananampalataya sa maraming Diyos ay tinatawag na politeismo

2. Greek Orthodox ang tawag sa isang sangay ng Katolisismo na sinusunod


ng mga Kristiyanong Lebanese.

3. Monoteismo ang tawag sa kaluluwa ng mga ninuno na pinaniniwalaang


buhay sa kalikasan.
4. Ang karamihan sa mga taga-Kanlurang Europe ay Katoliko.

5. Protestantinismo ang sinusunod ng karamihan sa taga-Greece na anyo


rin ng Kristiyanismo.
6. Sa Japan matatagpuan ang maraming taga-sunod ng Sikhismo.
7. Malakas ang impluwensiya ng Relihiyong Romano Katoliko sa Latin
America at Carribean.
8. Pinahina ng gobyernong komunista sa China, Mongolia, at North Korea
ang pagkakaroon ng relihiyon sa Silangang Asya.

9. Sa Timog Silangang Asya, malaking bahagdan ng populasyon na


nanampalataya sa relihiyong Budismo ay mula sa Pilipinas.

10. Kombinasyon ng Islam at Hinduismo ang Sikh.

Gawain 5: E-POST CARD


Pumili ng isang relihiyon at lumikha ng E-postcard tungkol dito. Sundin ang format
sa ibaba. Sagutin ang katanungang “Paano mo maipaliliwanag ang katagang “unity
in diversity” sa konsepto ng relihiyon?” bilang caption sa iyong post. Bago i-upload
sa napiling social networking site ang nagawang E-postcard, siguraduhing ito ay
nasuri muna ng iyong guro

Simbolo ng relihiyon Impormasyon

Pangalan ng relihiyon Kahalagahan ng Relihiyon

14
Pamantayan sa Pagmamarka ng E-postcard
Pamantayan Paglalarawan Puntos
Nilalaman Nakapaloob sa E-postcard ang wikang kanyang 10
napili ay nagtataglay ng wasto at napakahalagang
impormasyon
Pagkamalikhain Ang pagkakadisenyo ng E-postcard ay may kaaya- 10
ayang disenyo at naaangkop sa konsepto
Kabuluhan Naglalahad ng makabuluhang pahayag ang E- 5
postcard na sumasagot sa katanungan
Kabuoan 25

Gawain 6: SALIKSIKIN
Punan ang graphic organizer base sa hinihinging impormasyon. Kung
kinakailangang magsaliksik pa ng karagdagang impormasyon ay iyong gawin.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pangunahing
Katangian Rehiyon sa Daigdig
Lahi/Pangkat-etniko

1.

2.

3.

Isaisip

Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa natatanging kultura ng rehiyon, bansa, at mga


mamamayan sa daigdig. Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang diwa ng
mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ang _____________ ay ang sangay na tumutukoy sa mga pag-aaral sa


mga aspektong kultural na matatagpuan sa daigdig.

Mayroong _____________ language families sa buong daigdig. Ang ilan


sa pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ay ang Afro-Asiatic, ____________,
Indo-European, Niger-Congo, Sino-Tibetan.

Nagmula ang salitang relihiyon sa “___________” na ang ibig sabihin ay


“buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito”. Ilan
sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ay Hinduismo, ______________,
Islam, Budismo, at Confucianismo

Ilan sa mga pangunahing lahi sa daigdig ay: _____________ na nagmula


sa Asya, Caucasoid na nagmula sa Europa, at Negroid na nagmula sa Aprika.

15
Isagawa

Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

Paano naaaninag ang kultura sa isang


lugar o rehiyon?

Tayahin

Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa
iyong sagutang papel.

1. Anong matandang relihiyon ang umunlad sa India?


A. Budismo C. Islam
B. Hinduismo D. Kristiyanismo
2. Sa heograpiyang pantao, anong aspekto ang tumutukoy sa pagkakakilanlang
bayolohikal ng pangkat ng tao?
A. lahi C. wika
B. relihiyon D. kultura
3. Saang pamilya ng wika nabibilang ang wikang Filipino?
A. Afro-Asiatic C. Indo European
B. Niger-Congo D. Austronesian
4. Anong aspekto ng kultural na heograpiya ang tumutukoy sa sistema ng
paniniwala at ritwal?
A. lahi C. wika
B. relihiyon D. kultura
5. Anong heograpiyang pantao ang tumutukoy sa pangkat ng taong may iisang
kultura at pinagmulan?
A. etniko C. wika
B. relihiyon D. kultura
6. Ano ang salitang Greek ng mamamayan?
A. religare C. lengguwahe
B. ethnos D. cultura

16
7. Anong pamilya ng wika ang may pinakamaraming taong gumagamit?
A. Austronesian C. Indo-European
B. Afro-Asiatic D. Sino Tibetan
8. Anong relihiyon ang itinuturing na may pinakamaraming tagasunod?
A. Islam C. Confucianismo
B. Kristiyanismo D. Buddhismo
9. Ano ang salitang-ugat ng relihiyon?
A. cultura C. ethnos
B. lengguwahe D. religare
10. Si Zico ay nakatira sa Pilipinas at ginagamit na wikang pang-komunikasyon sa
ibang tao ay Filipino. Anong kultural na heograpiya ang tinutukoy dito?
A. lahi C. wika
B. relihiyon D. kultura
11. Anong tawag sa paniniwalang panrelihiyon ang naniniwala sa iisang Diyos?
A. animismo C. politeismo
B. monoteismo D. shamanismo
12. Namasyal ang magbabarkadang Deru, Renee, Josel at Mikaela sa bansang
Vietnam, Laos, at Cambodia. Anong relihiyon ang maaring dominante sa rehiyon?
A. Budismo C. Hinduismo
B. Islam D. Kristiyanismo
13. Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ng mahigit 300 daang taon. Ano ang
kanilang wikang sinasalita?
A. Pidgin English C. Cantonese
B. Spanish D. Ruso
14. Anong tawag sa paniniwalang panrelihiyon ang naniniwala sa maraming Diyos?
A. animismo C. politeismo
B. monoteismo D. shamanismo
15. Ang pamilyang Chiu ay mula sa bansang China. Alin sa mga sumusunod ang
maaaring wikang kanilang ginagamit o sinasalita?
A. Mandarin C. Bantu
B. Tami D. Filipino

17
Karagdagang Gawain

Basahin ang mga salitang nasa Geopardy Board. Bumuo ng


mga tanong na akma sa mga salita. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

heograpiyang pantao wika relihiyon

kultura lahi pangkat-etniko

Kristiyanismo Austronesian Mongoloid

18
19
TAYAHIN Assessment 3
1. B 11. B ISAGAWA 1. Mongoloid- Asya
2. A 12. A 2. Caucasoid-Europa
3. D 13. B Batay sa sariling 3. Negroid-Aprika
4. B 14. C pagkaunawa ng mag-aaral
5. A 15. A ang kasagutan Ang mga katangian ng bawat
6. B lahi/pangkat-etniko ay
7. C
nakadepende sa
8. B
masasaliksik ng mga mag-
9. D
10.C aaral
KARAGDAGANG GAWAIN ISAISIP
-heograpiyang pantao
Batay sa sariling pagkaunawa -147
ng mag-aaral ang kasagutan -Austronesian
-religare
-Kristiyanismo
-mongoloid
Assessment 2 Activity 1 TUKLASIN
1. TAMA Batay sa sariling
2. Greek Orthodox- pagkaunawa ng mag-aaral
Maronites ang kasagutan
3. monoteismo-animismo
4. TAMA Assessment 1
1. D 6. C
5. Protestantenismo- Greek
2. B 7. E
Orthodox
3. B 8. C
6. Sikhismo-Shintoismo 4. C 9. B
7. TAMA 5. B 10. B
8. TAMA SUBUKIN
9. Pilipinas- Indochina Activity 2 1. A 9. D
10. TAMA Batay sa sariling 2. D 10. A
pagkaunawa ng mag-aaral 3. A 11. B
Activity 3 ang kasagutan 4. C 12. C
Batay sa sariling 5. A 13. B
pagkaunawa ng mag-aaral 6. C 14. B
ang kasagutan 7. D 15. B
8. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Antonio, Eleanor D. et al. Kayamananan (Kasaysayan ng Daigdig). (2017). Rex Book


Store, Inc., 856 Nicanor Reyes sr. St., Sampaloc, Manila

K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling


Panlipunan. Deped Learning Portal https://lrmds.deped.gov.ph/detail/
18275

Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng Mag-aaral (2014) Department


of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex
Meralco Avenue, Pasig City.

Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 1 Heograpiya ng Daigdig


http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_01__HEOGRAPIYA
_NG_DAIGDIG.PDF

Tiamson, Juan Alvin B. Ang Ating Daigdig: Kasaysayan, Pagsulong, at


Pag-uugnayan. (2007). St. Augustine Publications. Inc. España cor. Don
Quijote st., Sampaloc, Manila

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education Region III – Learning Resources


Management Section (DepEd Region III-LRMS)
Office Address: Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando (P)

You might also like