You are on page 1of 16

Gabay sa

Rosaryong Pampurok
(Block Rosary)
Page 2 of 16
PANALANGIN NG PAGTANGGAP
(basahin sa unang araw ng pagpanhik ng birhen sa tahanan)

O INA NG DIYOS AT INA NAMIN / MARIANG PINAGPALA /


IKINALULUGOD AT IPINAGKAKAPURI NAMIN / ANG
PAGDALAW MONG ITO / SA AMING MARALITANG TAHANAN /
NA IYONG PINAGING DAPAT NA MAGING PUGAD NG IYONG
PAG-IBIG / SA LOOB NG PITONG ARAW / NA IYONG
IPAMAMALAGI SA AMING PILING. / IGAWAD MO SA AMIN /
INANG SINISINTA / ANG IYONG PAGPAPALA. / BASBASAN MO
KAMING LAHAT SA TAHANANG ITO / AT HUWAG MONG
ITULOT / NA KAMI AY MAKAGAWA NG ANUMANG
IKALULUMBAY MO. / KAMI AY IYO / AMING REYNA AT AMING
INA. / INGATAN MO KAMING LAGI / BILANG PAG-AARI MONG
TUNAY / MAGPAKAILAN PA MAN. / SIYA NAWA.

Awit sa Mahal na Birhen ng Fatima


O BIRHEN NG FATIMA, KAMI’Y DUMUDULOG
SA MAHAL MONG ALINDOG AY NAPAKUKUPKOP
SA AMI’Y IPAKITA LANDAS NG GINHAWA
DARASALIN NAMIN INA, ROSARYO MO T’WINA.

SIMULA NG ROSARYO
*SA NGALAN NG AMA, AT NG ANAK, AT NG ESPIRITU SANTO.
AMEN.
ISA: ABA GINOONG MARIA NAPUPUNO KA NG GRASYA, ANG
PANGINOONG DIYOS AY SUMASAIYO. BUKOD KANG PINAGPALA
SA BABAENG LAHAT AT PINAGPALA NAMAN ANG IYONG ANAK
NA SI HESUS.

Page 3 of 16
LAHAT: SANTA MARIA, INA NG DIYOS, IPANALANGIN MO
KAMING MAKASALANAN NGAYON AT KUNG KAMI’Y
MAMAMATAY. AMEN.
ISA: + BUKSAN MO PANGINOON KO, ANG AKING MGA LABI.
LAHAT: + AT PURIHIN KA NG AKING DILA.

ISA: PAGSAKITAN MO, DIYOS KO, ANG PAG-AAMPON AT


SAKLOLO MO SA AMIN.
LAHAT: AT IADYA MO KAMI SA MGA KAAWAY.

ISA: LUWALHATI SA AMA, AT SA ANAK, AT SA ESPIRITU SANTO.


LAHAT: KAPARA NOONG UNANG-UNA, NGAYON, AT
MAGPAKAILANMAN, MAGPASAWALANG HANGGAN. AMEN

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
LAHAT: SUMASAMPALATAYA AKO SA DIYOS AMANG
MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT, NA MAY GAWA NG LANGIT AT
LUPA. SUMASAMPALATAYA AKO KAY HESUKRISTO, / IISANG
ANAK NG DIYOS, / PANGINOON NATING LAHAT. /
NAGKATAWANG TAO SIYA LALANG NG ESPIRITU SANTO /
IPINANGANAK NI SANTA MARIANG BIRHEN. /
PINAGPAKASAKIT NI PONCIO PILATO; / IPINAKO SA KRUS,
NAMATAY, INILIBING. / NANAOG SA KINAROROONAN NG MGA
YUMAO. / NANG MAY IKATLONG ARAW NABUHAY NA MAG-ULI.
/ UMAKYAT SA LANGIT. / NALULUKLOK SA KANAN NG DIYOS
AMANG MAKAPANGYARIHAN SA LAHAT. / DOON MAGMUMULA
ANG PARIRITO AT HUHUKOM SA NANGABUBUHAY AT
NANGAMATAY NA TAO. / SUMASAMPALATAYA NAMAN AKO SA
DIYOS ESPIRITU SANTO / SA BANAL NA SIMBAHANG
KATOLIKA / SA KASAMAHAN NG MGA BANAL, / SA
KAPATAWARAN NG MGA KASALANAN, / SA PAGKABUHAY NA

Page 4 of 16
MAG-ULI NG NANGAMATAY NA TAO / AT SA BUHAY NA
WALANG HANGGAN. / AMEN.

AMA NAMIN
ISA: AMA NAMIN, SUMASALANGIT KA, SAMBAHIN ANG
NGALAN MO. MAPASAAMIN ANG KAHARIAN MO. SUNDIN ANG
LOOB MO DITO SA LUPA PARA NANG SA LANGIT.
LAHAT: BIGYAN MO KAMI NGAYON NG AMING KAKANIN SA
ARAW-ARAW. AT PATAWARIN MO ANG AMING MGA SALA
PARA NANG PAGPAPATAWAD NAMIN SA MGA NAGKAKASALA
SA AMIN. AT HUWAG MO KAMING IPAHINTULOT SA TUKSO AT
IADYA MO KAMI SA LAHAT NG MASAMA. AMEN.

ABA GINOONG MARIA


ISA: ABA GINOONG MARIA NAPUPUNO KA NG GRASYA. ANG
PANGINOONG DIYOS AY SUMASAIYO. BUKOD KANG PINAGPALA
SA BABAENG LAHAT AT PINAGPALA NAMAN ANG IYONG ANAK
NA SI HESUS.
LAHAT: SANTA MARIA, INA NG DIYOS, IPANALANGIN MO
KAMING MAKASALANAN NGAYON AT KUNG KAMI’Y
MAMAMATAY. AMEN.
(ulitin ang Aba Ginoong Maria ng tatlong beses)

LUWALHATI
ISA: LUWALHATI SA AMA, AT SA ANAK, AT SA ESPIRITU SANTO.
LAHAT: KAPARA NOONG UNANG-UNA, NGAYON, AT
MAGPAKAILANMAN, MAGPASAWALANG HANGGAN. AMEN

Page 5 of 16
ISA: ANG MGA MISTERYONG PAGNINILAY-NILAYAN NATIN SA
ARAW NA ITO ANG MGA MISTERYO NG _______________________.
[babanggitin ang Misteryo na nauukol sa araw at saka isusunod ang isang
(1) Ama Namin, sampung (10) Aba Ginoong Maria, isang (1) Luwalhati,
Panalangin ng Fatima at Pagsamo sa Puso ni Hesus]

TUWA (LUNES AT SABADO)


1) ANG PAGBATI NG ANGHEL GABRIEL SA MAHAL NA BIRHEN
MARIA
2) ANG PAGDALAW NG BIRHENG MARIA KAY STA. ISABEL
3) ANG PAGSILANG SA MUNDO NG ANAK NG DIYOS NA SI
HESUS
4) ANG PAGHAHAIN SA TEMPLO NG ANAK NG DIYOS NA SI
HESUS
5) ANG PAGKAKITA KAY HESUS SA TEMPLO NG HERUSALEM

HAPIS (MARTES AT BIYERNES)


1) ANG PANANALANGIN NI HESUS SA HALAMANAN NG
GETSEMANI
2) ANG PAGHAMPAS KAY HESUS NA NAKAGAPOS SA HALIGING
BATO
3) ANG PAGPUPUTONG NG KORONANG TINIK KAY HESUS
4) ANG PAGPASAN NG KRUS NI HESUS
5) ANG PAGPAPAKO AT PAGKAMATAY NI HESUS SA KRUS

LIWANAG (HUWEBES)
1) ANG PAGBIBINYAG KAY HESUS SA ILOG JORDAN
2) ANG PAGPAPAHAYAG NI HESUS SA KANYANG SARILI SA
KASALAN SA CANA
3) ANG PAGPAPAHAYAG NG KAHARIAN NG DIYOS
4) ANG PAGBABAGONG ANYO NI HESUS
5) ANG PAGTATATAG NI HESUS SA BANAL NA EUKARISTIYA

Page 6 of 16
LUWALHATI (MIYERKULES AT LINGGO)
1) ANG PAGKABUHAY NA MAG-ULI NI HESUKRISTO
2) ANG PAG-AKYAT SA LANGIT NI HESUKRISTO
3) ANG PAGPANAOG NG ESPIRITU SANTO SA MGA APOSTOLES
AT SA MAHAL NA BIRHEN
4) ANG PAG-AKYAT SA LANGIT NG MAHAL NA BIRHEN
5) ANG PAGPUPUTONG NG KORONA SA MAHAL NA BIRHEN

PANALANGIN NG FATIMA
LAHAT: O HESUS KO, PATAWARIN MO ANG AMING MGA SALA.
ILIGTAS MO KAMI SA APOY NG IMPYERNO. HANGUIN MO ANG
MGA KALULUWA SA PURGATORYO. LALUNG LALO NA YAONG
NANGANGAILANGAN NG IYONG AWA.

PAGSAMO SA PUSO NI HESUS


KATAMIS-TAMISANG PUSO NI HESUS, ILIGTAS MO PO KAMI.
PAGKALOOBAN MO PO NG KAPAYAPAAN ANG BUONG DAIGDIG,
LALUNG LALO NA ANG PILIPINAS, AT PAGBALIK-LOOBIN MO
PO ANG MGA MAKASALANAN AT ITURO MO PO SA KANILA ANG
DAAN NA PATUNGO SA IYO. O AMING INA, KAMI’Y LUKUBAN
NG IYONG MAPAGPALANG PUSO NA UBOD NG LINIS.

ABA PO SANTA MARIANG HARI


LAHAT: (maaaring kantahin na lamang ang Salve Regina kapalit nito)
ABA PO SANTA MARIANG HARI, INA NG AWA, IKAW ANG
KABUHAYAN AT KATAMISAN. / ABA PINAPANALIGAN KA
NAMIN, / IKAW NGA ANG TINATAWAGAN NAMIN, /
PINAPANAW NA TAONG ANAK NI EVA. / IKAW RIN ANG
PINAGBUBUNTUNANG HININGA NAMIN SA AMING PAGTANGIS
/ DINI SA LUPANG BAYING KAHAPIS-HAPIS. / AY ABA
PINTAKASI KA NAMIN, / ILINGON MO SA AMIN ANG MGA MAT
AMONG MAAWAIN, / AT SAKA KUNG MATAPOS YARING
PAGPANAW SA AMIN, / IPAKITA MO SA AMIN ANG IYONG

Page 7 of 16
ANAK NA SI HESUS. / SANTA MARIA, INA NG DIYOS, /
MAAWAIN, MAALAM, AT MATAMIS NG BIRHEN.

Salve Regina
SALVE REGINA, MATER MISERICORDIAE;
VITA, DULCEDO, ET SPES NOSTRA, SALVE.
AD TE CLAMAMUS, EXSULES, FILII HEVAE.
AD TE SUSPIRAMUS, GEMENTES ET FLENTES
IN HAC LACRIMARUM VALLE.
EIA ERGO, ADVOCATA NOSTRA,

ILLOS TUOS MISERCORDES OCULOS AD NOS CONVERTE.


ET IESUM, BENEDICTUM FRUCTUM VENTRIS TUI,
NOBIS POST HOC EXSILIUM OSTENDE.
O CLEMENS, O PIA, O DULCIS
VIRGO MARIA

LITANYA SA MAHAL NA BIRHENG MARIA


ISA: PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN
LAHAT: PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN

ISA: KRISTO, MAAWA KA SA AMIN


LAHAT: KRISTO, MAAWA KA SA AMIN

ISA: PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN


LAHAT: PANGINOON, MAAWA KA SA AMIN

ISA: KRISTO, PAKINGGAN MO KAMI


LAHAT: KRISTO, PAKINGGAN MO KAMI

ISA: KRISTO, PAKAPAKINGGAN MO KAMI


LAHAT: KRISTO, PAKAPAKINGGAN MO KAMI

Page 8 of 16
ISA: DIYOS AMA SA LANGIT
LAHAT: MAAWA KA SA AMIN

ISA: DIYOS ANAK NA TUMUBOS SA SANLIBUTAN


LAHAT: MAAWA KA SA AMIN

ISA: DIYOS ESPIRITU SANTO


LAHAT: MAAWA KA SA AMIN

ISA: SANTISIMA TRINIDAD NA TATLONG PERSONA AT


IISANG DIYOS
LAHAT: MAAWA KA SA AMIN

*TUGON: IPANALANGIN MO KAMI


SANTA MARIA*
SANTANG INA NG DIYOS*
SANTANG BIRHEN NG MGA BIRHEN*
INA NI KRISTO*
INA NG GRASYA NG DIYOS*
INANG KASAKDAL-SAKDALAN*
INANG WALANG MALAY SA KAHALAYAN*
INANG ‘DI MALAPITAN NG MASAMA*
INANG KALINIS-LINISAN*
INANG PINAGLIHING WALANG KASALANAN*
INANG KAIBIG-IBIG*
INANG KATAKATAKA*
INA NG MABUTING KAHATULAN*
INA NG MAY GAWA SA LAHAT*
INA NG MAPAG-ADYA*
BIRHENG KAPAHAMPAHAMAN*
BIRHENG DAPAT IGALANG*
BIRHENG DAPAT IPAGBANTOG*

Page 9 of 16
BIRHENG MAKAPANGYAYARI*
BIRHENG MAAWAIN*
BIRHENG MATIBAY NA LOOB SA MAGALING*
SALAMIN NG KATUWIRAN*
LUKLUKAN NG KARUNUNGAN*
MULA NG TUWA NAMIN*
SISIDLAN NG KABANALAN*
SISIDLAN NG BUNYI AT BANTOG*
SISIDLAN NG BUKOD-TANGING KATAIMTIMAN*
ROSANG BULAKLAK NA ‘DI MAPUSPOS NG BAIT NG TAO ANG
HALAGA*
TORRE NI DAVID*
TORRENG GARING*
BAHAY NA GINTO*
KABAN NG TIPAN*
PINTO NG LANGIT*
TALANG MALIWANAG*
MAPAGPAGALING SA MGA MAYSAKIT*
PAGSASAKDALAN NG MGA TAONG MAKASALANAN*
MAPANG-ALIW SA NANGAGDADALAMHATI *
MAPAG-AMPON SA MGA KRISTIYANO*
REYNA NG MGA ANGHEL*
REYNA NG MGA PATRIARKA
REYNA NG MGA PROFETA
REYNA NG MGA APOSTOL*
REYNA NG MGA MARTIR*
REYNA NG MGA CONFESOR*
REYNA NG MGA BIRHEN*
REYNA NG LAHAT NG MGA SANTO*
REYNANG IPINAGLIHI NA ‘DI NAGMANA NG SALANG
ORIHINAL*
REYNANG INIAKYAT SA LANGIT*

Page 10 of 16
REYNA NG KASANTU-SANTUHANG ROSARYO*
REYNA NG KAPAYAPAAN*
MAHAL NA BIRHEN NG FATIMA*
ISA: KORDERO NG DIYOS NA NAKAWAWALA NG MGA
KASALANAN NG SANLIBUTAN,
LAHAT: PATAWARIN MO PO KAMI, PANGINOON.

ISA: KORDERO NG DIYOS NA NAKAWAWALA NG MGA


KASALANAN NG SANLIBUTAN,
LAHAT: PAKAPAKINGGAN MO PO KAMI, PANGINOON.

ISA: KORDERO NG DIYOS NA NAKAWAWALA NG MGA


KASALANAN NG SANLIBUTAN,
LAHAT: MAAWA KA SA AMIN.

ISA: IPANALANGIN MO KAMI, SANTANG INA NG DIYOS


LAHAT: NANG KAMI’Y MAGING DAPAT NA MAKINABANG SA
MGA PANGAKO NI HESUKRISTONG PANGINOON.

PANALANGIN (LAHAT)
O DIYOS, / NA ANG BUGTONG NA ANAK AY NAGKATAWANG
TAO / NAMATAY AT MULING NABUHAY / UPANG TAMUHIN
PARA SA AMIN / ANG GANTIMPALANG WALANG HANGGANG
KALIGTASAN. / IPAGKALOOB MO / NA SA PAMAMAGITAN NG
PAGDIDILIDILI NAMIN / NG MGA MISTERYO NG KABANAL
BANALANG ROSARYO NG BIRHENG MARIA / AY MATAMO
NAMIN ANG KANILANG MGA IPINANGANGAKO. / ALANG-
ALANG DIN KAY KRISTONG PANGINOON NAMIN. / AMEN.

ISA: SUMAATIN NAWA ANG TULONG NG MAYKAPAL.


LAHAT: SIYA NAWA.

Page 11 of 16
ISA: SUMAPAYAPA NAWA ANG KALULUWA NG MGA YUMAO
SA GRASYA NG PANGINOONG DIYOS.
LAHAT: SIYA NAWA.

ISA: MANATILI NAWA SA ATIN ANG BIYAYA NG


MAKAPANGYARIHANG DIYOS AMA, ANAK, AT ESPIRITU
SANTO.
LAHAT: SIYA NAWA.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA AT


PAGBABAHAGINAN
(basahin ang Mabuting Balita sa araw at magkaroon ng
bahaginan ng karasanan at aral mula sa Mabuting Balita)

PANALANGIN SA KRUSADA
MAKAPANGYARIHANG AMA, / ISINASAMO NAMIN SA IYO SA
NGALAN NI HESUKRISTONG ANAK MO / NA PAGPALAIN MO /
ANG AMING KRUSADA NG ROSARYO NG MAG-ANAK. /
PAGKALOOBAN MO PO KAMI / AT ANG AMING BAYAN / NG
LAKAS NG LOOB / AT BIYAYANG GUMAWA / NG PANGAKONG
MAGDARASAL NG ROSARYO NG MAG-ANAK SA ARAW-ARAW
/ AT MATAPAT NAMING TUPDIN ANG AMING PANGAKO. /
AMEN.

ISA: REYNA NG KASANTU-SANTUHANG ROSARYO.


LAHAT: IPAG-ADYA MO ANG MGA SAMBAHAYANG PILIPINO.

ISA: REYNA NG KASANTU-SANTUHANG ROSARYO.


LAHAT: PAGPALAIN MO ANG MGA SAMBAHAYANG PILIPINO.

Page 12 of 16
PAGPAPAALAM
(babasahin sa huling araw ng Birhen sa tahanan bago ilipat)

O INANG KAIBIG-IBIG, / DUMATING NA ANG SANDALI NG


IYONG PAGLISAN SA AMING TAHANANG NAGING TAHANAN
MO RIN. / SA LOOB NG PITONG ARAW NA PANANATILI MO SA
AMING PILING, / HINDI KAYANG BANGGITIN NG AMING MGA
LABI / ANG PASASALAMAT NA NAG-UUMAPAW SA AMING
PUSO. / UDYOK NG IYONG PAGMAMAHAL INA, / MINARAPAT
MONG MAKIISA SA AMIN KAHIT SANDALI. / SALAMAT, INA,
SALAMAT. / MAGBALIK KANG MULI SA AMING PILING SA
IBANG ARAW. / DITO AY HIHINTAYIN KA NAMIN NANG
BUONG PANANABIK. / SA IYONG PAGPANAOG, / BABAUNIN
MO ANG AMING PAGMAMAHAL; / ISAMA MO AN GAMING
MGA PUSO. / HUWAG MONG ITULOT NA KAMI AY
MAKALIMOT / AT MAWALAY SA IYONG PAG-AARUGA
KAILANMAN. / AMEN.

Awit sa Mahal na Birhen ng Fatima


(pagpapatuloy…)
PANGAKO MO AY TUPDIN, HILING NAMI’Y DINGGIN
DIGMAAN AY PAWIIN, LAHAT PAG-ISAHIN
INA ‘WAG SIPHAYUIN ANG AMING DALANGIN
KAMING LAHAT AY AMPUNIN AT ITONG BAYAN NAMIN

Page 13 of 16
IBA PANG MGA AWITIN PARA SA MAHAL NA BIRHEN

Our Lady of Fatima Hymn


OUR LADY OF FATIMA, YOU PROMISED AT FATIMA
WE COME ON BENDED KNEES EACH TIME THAT YOU APPEAR
TO BEG YOUR INTERCESSION FOR TO HELP US IF WE PRAY TO YOU,
PEACE AND UNITY TO VANISH WAR AND FEAR
DEAR MARY, WON’T YOU SHOW US DEAR LADY, ON FIRST
THE RIGHT AND SHINING WAYS SATURDAYS, WE ASK YOUR
WE PLEDGE OUR LOVE AND OFFER GUIDING HANDS
YOU A ROSARY EACH DAY FOR GRACE AND GUIDANCE
HERE ON EARTH AND
PROTECTION FOR OUR LAND

Aba, Ginoong Maria


ABA GINOONG MARIA, SANTA MARIA, INA NG DIYOS
NAPUPUNO KA NG GRASYA IPANALANGIN MO KAMING
ANG PANGINOON AY SUMASAIYO MAKASALANAN
BUKOD KANG PINAGPALA SA NGAYON AT KUNG KAMI’Y
BABAENG LAHAT AT PINAGPALA MAMAMATAY
NAMAN ANG ‘YONG ANAK NA SI AMEN.
HESUS

Stella Maris
I. KUNG ITONG AMING NI UNOS NG PIGHATI AT
PAGLALAYAG, INABOT NG KADILIMAN NG GABI
PAGKABAGABAG
NAWA’Y MABANAAGAN KA KORO:
HINIRANG NA TALA NG UMAGA MARIA, SA PUSO NINUMAN
IKA’Y TALA NG KALANGITAN
II. KAHIT ALON MAN NG NINGNING MO AY WALANG
PANGAMBA, PAGMAMALIW
DI ALINTANA SAPAGKAT NARO’N INANG SINTA, INANG GINIGILIW
KA

Page 14 of 16
III. TANGLAWAN KAMI AMING NAWA’Y MAGING HANTUNGAN
INA, SA KALANGITAN NAMING PINAKAMIMITHING KAHARIAN
PITA (KORO)

Ave Maria
INANG SAKDAL LINIS BAYANG TINUBUA’Y
KAMI AY IHINGI IPINAGDARASAL
SA DIYOS AMA NAMIN, AT KAPAYAPAAN NITONG
AWANG MINIMITHI SANLIBUTAN

AVE, AVE, AVE MARIA AVE, AVE, AVE MARIA


AVE, AVE, AVE MARIA AVE, AVE, AVE MARIA

Ang Puso Ko’y Nagpupuri


KORO: MAPALAD ANG PANGALAN KO SA
ANG PUSO KO’Y NAGPUPURI, LAHAT NG MGA BANSA. (KORO)
NAGPUPURI SA PANGINOON
NAGAGALAK ANG AKING II. SAPAGKAT GUMAWA ANG
ESPIRITU, SA’KING POON NG MGA DAKILANG BAGAY
TAGAPAGLIGTAS BANAL SA LUPA’T LANGIT ANG
PANGALAN NG PANGINOON.
I. SAPAGKAT NILINGAP NIYA (KORO)
KABABAAN NG KANYANG ALIPIN

Page 15 of 16
Kinopya at ipinalimbag ng
MINISTRI SA KABATAAN
mula Soldiers Hills IV, Molino VI, Lungsod ng
Bacoor, ngayong Hulyo ng taong 2022

Page 16 of 16

You might also like