You are on page 1of 25

Matagal na Huwan

Matagal nang ipokrito ang laro mong ito


Matagal nang ika’y my trono sa impyerno
At nilulumot na ang kapwa mo tao.
Sa iyo, lumang tugtugin na ang pag-ibig sa Diyos
Patay na si “ Bigayan “ itsura ni “ damayan “
Ang takot ay wala na’t nilamon ng siglo
Ang ginto mong pader, malaya kay Kristo
Natutuwa ka sa iyong panalo
Ang bahay mo’y pito; ang kotse ay walo
Sa bahay ampunan, sa “Mental Hospital”
Kaharap-harap mo, kamera’t potograpo
Nagagalit kang madaya ng iba;
Bago ang maskara’y suot-suot mo na
At ang simbahan ginawa mong bangketa
Paluhod-luhod ka kung Linggo’t Huwebes
Santo
Tapos duduraan mo ang pulubi sa kanto
Magmumura ka’t manloloko ng tao
Nasisikmura mo ang ganitong serbisyo?
Huwan, O Huwan
bakit? O Bakit ba?
Ang magandang larawa’y ginawa mong
dikdikan.
Dapat bang isigaw at ipagbulgarang…
Binalot mo ng plastik ang mundo, ang
mundo!
Mga Tayutay
Joco P. Atienza
Tayutay
•Ang paggamit ng mga salita sa kanilang di-
karaniwan at literal na kahulugan upang
maging kaakit-akit at malinaw na istilo. Ito ay
nakapagdaragdag ng kagandahan sa isang
katha, pasalita man o maging pasulat
Pagtutulad (Simile)
• Ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang
bagay, tao, pangyayari atbp.

• Paghahambing ng dalawang magkaibang bagay,


tao, pangyayari at iba pa.

• Ang simile ay isang payak at lantarang


paghahambing ng dalawang bagay na hindi
magkatulad.
Pagtutulad (Simile)
•Mga Parirala
• tulad ng, gaya ng, parang, tila, at iba pa.

Halimbawa:
Ang mga pangako mo ay parang hangin.
Ang mga mata mo ay tila bituin sa langit.
Pagwawangis o Metapora
• Ang pagwawangis ay isang tuwirang paghahambing na ang
dalawang bagay na pinagtutulad ay ipinapalagay nang iisa o
nagkakaisa at ipinahahayag ito sa pamamagitan ng paglalapat
ng pangalan, tawag, katangian, o gawain ngisang bagay sa
bagay na inihahambing.
• naghahambing din tulad ng pagtutulad ngunit hindi
gumagamit ng mga pagtutulad na salita. Ito ay tiyakang
paghahambing.
• Hindi gumagamit ng pariralang tulad ng, at iba pa.
Pagwawangis o Metapora
Halimbawa:

Para kang ahas. (pagtutulad/simile)


Ahas ka! (Pagwawangis/metapora)
Ikaw ay bulaklak.
Si Elena ay isang Magandang bulaklak.
Pagwawangis o Metapora
Ang pagwawangis ay proseso ng pagkakalikha o
pagbabago ng mga salita sang-ayon sa padron
ng wika.
Pagbibigay-katauhan o
Personipikasyon
• Pagbibigay katauhan o pagsasalin ng talino o
gawain at katangian ng tao sa mga bagay-
bagay sa paligid natin.
• Pagbibigay-katangian ng isang tao sa isang
bagay na walang buhay.
• Pagsasalin ng katangian ng tao sa mga
bagay, may buhay man o wala.
Pagbibigay-katauhan o
Personipikasyon
Halimbawa:
Ang hangin ay humahalik sa mga
ginintuang uhay ng palay.

Halik – tao lamang


Pagbibigay-katauhan o
Personipikasyon
Halimbawa:
Ngumiti ang bulaklak.
Inanyayahan kaming maligo ng ilog.
Hinalikan ng hangin ang aking pisngi.
Pagmamalabis o Hyperbole
•Tinatawag din itong eksaherasyon. Ito’y
nagbibigay ng lagpas-lagpasang kalabisan o
kakulangang angkin ng mga bagay, tao,
pangyayari, kalagayan o katayuan.
•Lubhang pinalabis o pinakukulang ang tunay
na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
•Sobra-sobrang paglalarawan
Pagmamalabis o Hyperbole
Halimbawa:
Dadanak ng dugo.
Ang dibdib mo kahit bakal, madudurog din
sa lumbay.
Pagpapalit-saklaw o Synecdoche
•Pagpapahayag sa pamamagitan ng
pagbabanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa
kabuuan at maari namang ang isang tao ang
kumatawan sa isang pangkat.
Pagpapalit-saklaw o Synecdoche
Halimbawa:
Dalawang mapagpalang kamay ang
humubog sa pagkatao ng batang iyon.

Ayokong makitang nakatuntong ang iyong


paa sa aking pamamahay.
Metonimiya, Pagpapalit-tawag o
metonomy
Halimbawa:
Dadanak ng dugo.
Ang dibdib mo kahit bakal, madudurog din
sa lumbay.
Aliterasyon o Alliteration
• Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita.
Halimbawa: Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang
nangyari sa kanya kasama si Marco.
Konsonans
• Pag-uulit ng mga tunog-katinig sa pinal na bahagi ng salita.

Halimbawa:
Ang aking pagmamahal para kay Rosal ay lalong tumatatag habang
tumatagal
Asonans
• Pag-uulit ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita.

Halimbawa:
Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan pagdating ko sa
amin.
Anapora
Pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag o taludtod.

Halimbawa:
Ikaw ang aking panagarap.
Ikaw ang bigay ng maykapal.
Ikaw ang lahat sa akin.
Epipora
Pag-uulit sa huling bahagi ng pahayag o taludtod.

Halimbawa:
Ang konstitusyon ay para sa mamamayan.
Gawa ng mamamayan.
At mula sa mamamayan.
Anadiplosis
Pag-uulit sa una at huling bahagi ng pahayag o taludtod.

Halimbawa:
Ang mahal ko ay tanging ikaw,
Ikaw na nagbigay ng ilaw,
Ilaw sa gabi na kay dilim,
Dilim man o Liwanag, ikaw

You might also like