Professional Documents
Culture Documents
Radio Drama Script
Radio Drama Script
Music Bridge
Robert: O, Emily... ikaw na muna ang bahala dito sa bahay ha?... sina inay at
itay.... huwag mong pababayaan...
Marla: /smiles/... sus naman kuya... parang bago ka pa rin ng bago sa akin
eh...
Robert: Diyosko naman, Marla... naubos na nga ang suweldo ko para sa mga
gamit na binili ko para sa inay at itay...
Marla: O siya sige... o, heto, Emily... tatlong libo yan... para yan sa dalawang
linggo...
Music Bridge
Shiela: Ikaw naman... hayaan mo na ang mga kapatid mo... tutal, hindi
naman sila nagkukulang sa kabibigay sainyo ng pera para sa pangangailangan
nyo, di ba?...
Shiela: Eh ano?...
Emily: /sighs/... hanggang kailan ako dito sa amin?... gusto ko na ring umalis
para humanap ng trabaho... ayaw kong umaasa na lang palagi sa kanila...
Shiela: Emily... masuwerte ka nga... at may kuya at ate ka pang nagbibigay sa
inyo... tingnan mo ang iba dyan... wala... halos magmamalimos na nga ang
mga magulang para lang may makain...
Emily: Oo, alam ko... pero, hindi naman seguro habangbuhay na ganito na
lang ako... may sarili rin akong pangarap... at pangangailangan... /pause/...
Bakit?... sila lang ba ang may karapatan para sa kanilang buhay?...
Shiela: Ewan ko nga sainyo... bakit hindi mo na yan sabihin sa mga ate at
kuya mo?...
Shiela: Eh ikaw rin naman pala ang may kasalanan eh... bakit hindi mo kasi
sabihin sa ikanila ang nasa loob mo?... huwag mong itago... naku, kapag
sumabog yan... matindi...
Music Bridge
Calvin: Sis naman... mabait naman ako eh... hindi ko lolokohin ang kaibigan
mo...
Calvin: Nasa saiyo eh... kung noon pang una kong hirit saiyo eh... inayos mo
na kaagad... eh di nakarami ka na sana sa akin...
Calvin: Naku... huwag na... basta ipakilala mo lang ako sa kaniya... tapos ako
na ang bahala sa kasunod... o, ano?....
Shiela: Sige....
Music Bridge
Shiela: Sandali lang naman tayo, Emily... may pera ako... hindi ikaw ang
magbabayad... sige na...
Emily: Eh.... baka bigla na lang akong hanapin nina itay at inay eh... baka
isusumbong na naman nila ako kina kuya at ate...
Music Bridge
Shiela: O, ano?... eh di pinayagan ka rin ng itay at inay mo... mababait naman
pala sila eh...
Emily: /smiles/ alam mo... medyo mahihirapan sana akong magpaalam kung
wala ka... masyadong estrikto sina itay at inay eh...
Shiela: Sus... natural lang yun sa mga magulang... siyempre... ang iniisip nila
ay ang kalagayan mo rin.. gusto rin naman nilang lumigaya ka kahit papano...
Emily: /smiles/ Nagpapasalamat nga ako saiyo eh... dahil kundi saiyo... wala
sana akong dahilan para lumabas...
Shiela: Alam mo... siya talaga ang may pakana nito eh... gusto ka raw niyang
makilala...
Calvin: O, anong order nyo?... akong taya... sige na... umorder na kayo...
Emily: A-ha?... oo, sige... umorder ka na lang, Shiela... kahit na ano sa akin
eh...
Calvin: /pabiro/ Naku... walang pagkain na ang tawag ay kahit ano dito...
Emily: Hindi... ang ibig kong sabihin... kahit anong orderin ni Shiela para sa
akin...
Music Finale
Commercial Break
Music Bridge
Emily: Kuya... sina itay at inay naman ang nagbibigay sa akin ng permiso eh...
kung nagsabi silang hindi... hindi naman sana ako lumalabas na kasama ang
nanliligaw sa akin eh... alangan namang...
Emily: /medyo suya na/... teka nga... bakit ba ako na lang ang palagi ninyong
nakikita?.... Bakit? ako lang ba ang may responsibilidad sa mga mga
magulang natin upang mag-aruga at magbantay sa kanila?... di ba mga anak
din kayo?...
Marla: /galit/ Tumigil ka, Emily!... kapag hindi ka sumunod sa amin ni kuya...
babawasan namin ang allowance ninyo dito... tandaan mo yan!...
Music Bridge
Shiela: Hay naku, Emily... ngayon ko lang naintindihan kung bakit ganyan na
lamang ang nararamdaman mo laban sa mga nakatatanda mong kapatid...
Emily: Ha?.../biglang saya/... oo nga ano?.. bakit hindi ko nga pala naisip na i-
suggest yan... oo, tama... sasabihin ko sa kanila...
Music Bridge
Emily: Kuya... hindi habang panahon na naririto ako... may sarili rin akong
pangarap na para rin sa akin...
Marla: Mag-aasawa ka na?... naku, yan ang hindi namin puwedeng payagan
na mangyayari... ikaw ang bunsong anak na babae... ikaw ang mangangalaga
sa mga magulang natin tumatanda... dahil yun ang tradisyon ng ating
angkan...
Emily: Ano?!...
Music Bridge
Calvin: Diyos ko naman, Emily... bakit biglaan itong sinabi mo sa akin... hindi
pa ako masyadong handa sa ngayon eh...
Calvin: Hindi naman sa ganun eh... alam mo namang mahal na mahal kita
eh... pero, ang magtanan... Diyosko... hindi ko pa kaya yun...
Emily: /cuts in/... Kung ayaw mo eh di ayaw!... dyan ka nga!... /fades out/...
Music Bridge
Emily: Hindi ko pala maaasahan ang kuya mo, Shiela... isa siyang duwag na
lalake... hindi ko siya puwedeng asahan...
Shiela: /smiles/ Emily... tandaan mo... hindi yan ibinigay saiyo ng Diyos kung
hindi mo kaya...
Emily: /firmly/... hindi ito ang ibinigay ng Diyos, Shiela... ang mga ninuno at
mga magulang ko... ang ate’t kuya ko... sila ang nagbigay nito sa akin na
laban sa aking kagustuhan...
Calvin: Ano?!... ni hindi pa nga niya ako sinagot eh... alam mo, Shiela... ayaw
kong magkaroon ng isang kaugnayan sa isang babae... for convenience... no...
ayaw ko ng ganyan... kung talagang mahal niya ako... eh di sinabi nya sana sa
akin...
Shiela: Yun na nga, kuya... mahal na mahal ka ni Emily... kaya nga ikaw ang
kaniyang pinagkatiwalaan eh... bakit?... kung hindi ka niya mahal...
maglalakas ba ang loob nun na sabihin saiyo ang mga bagay na iyon?
Music Bridge
Calvin: /sweetly/... Emily, mahal din kita eh... kaya... kahit na medyo
mahihirapan ako... sinige ko na itong plano mo... pero, hindi kaya magagalit
ang mga kuya at ate mo?...
Emily: /firmly/... wala na akong pakialam sa iisipin nila... basta ako... narito
sa tabi mo at nagmamahal ng lubos...
Calvin: /sighs/ Ang hirap nitong kalagayan natin.. medyo maliit pa ang
kinikita ko sa pagmamaneho... baka hindi ko kayang ibigay ang luho na
ibinibigay saiyo ng pamilya mo...
Emily: Naku... huwag mong isipin yan... kahit na ano... kakayanin ko para
saiyo...
Calvin: /smiles/ Salamat naman kung ganun... hayaan mo... sisikapin kong
magampanan ang lahat ng tungkulin ko bilang padre de pamilya...
Music Bridge
Emily: Bakit kayo naririto, kuya?.. ate?...
Robert: /smiles/ Emily... I’m sorry... naririto kami dahil sa pakiusap nina itay
at inay eh... matagal ka na ring hindi umuuwi sa atin...
Marla: /smiles/ Alam namin yun, Emily... kaya nga naririto kami para
kausapin ka namin...
Emily: Kung kakausapin nyo ako para bumalik sa poder ninyo... no... hindi
na... buntis na ako... so... wala nang iwanan ito... at mahal ko si Calvin...
mabait ang asawa ko... masipag... at maaalalahanin...
Robert: /lovingly/ Emily... mahal ka rin namin... ang lahat ay ginagawa namin
para saiyo at sa ating mga magulang... kaya lang, nagkamali kami... hindi pala
sa materyal na bagay puwedeng lumigaya ang isang tao...
Marla: /smiles/ Oo, Emily... totoo... gusto na rin naming makasal kayo ni
Calvin para sa ikakatahimik ng lahat...
Emily: /sobbing/ Kuya... Ate... ang akala ko... hindi nyo ako mahal eh...
Calvin: /fading in/...Ako ang nagsabi sa kanila tungkol sa mga bagay na ito,
Emily...
Calvin: Sssshhhh... tahan na... mahal na mahal naman talaga kita eh... pero,
sa tingin ko mas hihigit ang pagmamahal kapag may basbas na galing sa
Diyos...
Emily: /sobbing/ Calvin... napakabait mo...