You are on page 1of 2

SHANGHAI ROLL

Sumisingkit ang iyong mga mata


Kapag ika’y tumawa, abot tenga ang saya
Nangangawit at namamalik-mata
Nagmistulan kang diwatang sinabuyan ng ganda
Sumisingkit ang iyong mga mata
Kapag ika’y tumawa, abot tenga ang saya
Kahit sa’n man dalhin ng mga paa
Sinusulit oras na kasama ka

Gandang nakakalula, sakay sa yong chubibo


Nakakahawang enerhiya, walang negatibo
Kapag ika’y gumiling, nakupo nakakahilo
Katawan na parang softdrink, ako ay napapa “mismo”
Ako kaya’y ma miss mo, kung tayo’y magkalayo
Yan ang lagi mong tanong, oo matic na sagot
Sa paghihintay sa’yo hindi mababagot
Kahit na nakaupo man o nakatayo

Di nagsusulat ngunit bakit ang galing mo sa papel?


Gawan mo kong saranggola, hugis na parang anghel
Magdamag na tayong dalawa magkalaro
Ikaw aking lamparilya, ako ang gamu-gamo
Ikaw ang bulaklak, ako ang ‘yong paru-paro
Pag ako naman ang palay, ikaw ang bumabayo
Ganyan tayong dalawa, sanggang-dikit
Tampuhan lang saglit, bati na ulit

Sumisingkit ang iyong mga mata


Kapag ika’y tumawa, abot tenga ang saya
Nangangawit at namamalik-mata
Nagmistulan kang diwatang sinabuyan ng ganda
Sumisingkit ang iyong mga mata
Kapag ika’y tumawa, abot tenga ang saya
Kahit sa’n man dalhin ng mga paa
Sinusulit oras na kasama ka

Dalasan na kaya natin to, at nang ako’y matuto


Kasi daig mo pa si Logro kung ika’y magluto
Pasensya kung hindi makuha ‘yong mga panuto
Wala ng ibang gagawin kundi kain at subo
Kitang-kita ko sa guhit ng iyong mga palad
Kung pano ka magrolyo, yup sobra kang banayad
Why don’t you just roll that Shanghai over there
Sarap kainin pag maingay, crunchy in the rear

Nakaduyan lang sa hammock, patay-sindi na ilaw


Mga bitwing kumikinang sa langit parang hikaw
Ba’t ba ang hilig mo sa gulay, para kang kalabaw
Pampahaba to ng buhay, oh subukan ko daw
Malayo sa mga talangka’t utak-sabaw
Malayo sa mga sigawan umaalingawngaw
Lumambitin sa reyalidad, sabay bitaw
Lambitin sabay bitaw

Sumisingkit ang iyong mga mata


Kapag ika’y tumawa, abot tenga ang saya
Nangangawit at namamalik-mata
Nagmistulan kang diwatang sinabuyan ng ganda
Sumisingkit ang iyong mga mata
Kapag ika’y tumawa, abot tenga ang saya
Kahit sa’n man dalhin ng mga paa
Sinusulit oras na kasama ka

You might also like