You are on page 1of 9

LESSON PLAN IN ESP II

First Quarter
Week 5 Day 21
Name of Teacher: MARICAR NEBRIS-CALAMBRO Position: T3

Date: September 26, 2023 Time: 11:15-11:45 am

School: KALAMTUKAN ELEMENTARY SCHOOL Enrollment: M= 14 F= 18

Pamantayan sa Pagkatuto:
Naisakikilos ang mag paraan ng pagpapanatili ng kalinisan,
kalusugan, at pag-iingat ng katawan.
EsP2PKP – Id – 11

I. Layunin:

K: Nailalahad ang kaalaman kung paano magkaroon ng isang maayos at malinis


na kapaligiran.

S: Naisasakilos ang wastong paraan ng pagtatapon ng mga basura.

A: Mabigyang halaga ang wastong paraan ng pagtatapon ng mga basura.

II. Paksang Aralin:


Wastong Paraan ng Pagtatapon ng mga Basura
Mga Kagamitan: mga larawan, kartolina, pentel pen, at tape
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide sa Edukasyon sa Pagpapakatao, p.9
K to 12 Teacher’s Guide sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Pagpapahalaga: Pagiging malinis sa kapaligiran.

III. Pamamaraan:
1. Paghahanda
Itanong:
Tumingin sa inyong paligid, sa ilalim ng inyong mesa at mga upuan, may
nakikita ba kayong mga papel o basura?
Ano ang tamang gawin sa mga ito?
Obserbahan ang mga mag-aaral kung paano nila itatapon ang mga basura.
Saan ninyo itinapon ang mga napulot ninyong basura?
Kung halimbawang wala kayong makitang basurahan,ano ang gagawin
ninyo sa papel, plastik at iba pang basurang itatapon n’yo sana?

2. Paglalahad
Ipakita ang sumusunod na larawan sa mga mag-aaral:

Mga Katanungan:

Itanong para sa unang larawan:


Ano ang ipinapakita sa larawan?
Saan kaya itatapon ng babae ang basurang kanyang hawak?
Wastong paraan ba ito ng pagtatapon ng basura?
Kagaya ka rin ba ng babae na nasa larawan?
Itanong para sa ikalawang larawan:
Ano ang ipinapakita sa larawan?
Wasto ba ang kanyang ginagawa?
Paano ipinapakita sa larawan ang wastong pagtatapon ng basura?
Katulad ka rin ba ng batang nasa larawan?
Itanong para sa ikatlong larawan:
Ano ang ipinapakita sa larawan?
Tama bang sunugin ang mga basura? Bakit?
Sa halip na sunugin, ano ang tamang gawin sa mga basura?
Paano mo maitatama ang maling gawaing ito?
3. Pagsasanay:
Sagutin ang sumusunod sa inyong kwaderno.

Itanong para sa ika-apat at ikalimang larawan:


Ano ang ipinapakita sa larawan?
Tama ba ang wastong pagtatapon ng lalaki ng basura?
Paano ipinapakita ang wastong pagtatapon ng basura?
Bakit kailangang itapon ang basura sa tamang basurahan?
Paano pinagbukud-bukod ang mga basura? Aling mga basura ang
nararapat magkakasama?
Tama ba ito? Paano mo nasabi?
Nagagawa mo ba ang ganitong gawain? Paano? Ibahagi sa klase.
Itanong para sa huling larawan:
Ano ang ipinapakitang larawan?
Tama ba ang ipinapakita sa larawan?
Tama ba ang paraan ng pagtatapon nito ng basura?
Paano mo ito maitatama?
Ano ang wastong paraan ng pagtatapon ng basura?
4. Paglalahat:
Ang mga basura ay may tamang lalagyan. Itapon natin ito sa wastong
paraan sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga nabubulok, di-nabubulok at mga
basurang maaari pang magamit (recycled), pagbabaon ng mga basurang nabubulok sa
lupa upang maging pataba at hindi pagsunog sa mga basura. Sa pamamagitan ng mga
paraang ito ay magkakaroon ang isang pamayanan ng isang maayos at malinis na
kapaligiran?

IV. Pagtataya

😊
🙁
Basahin ang sumusunod na pangungusap iguhit ang masayang mukha ( ) kung tama ang
pinapahayag, at malungkot na mukha ( ) kung ang pahayag naman ay mali.

1. Paghiwalayin ang mga basura na malata, di-malata at mga basurang maari pang
magamit(ma-recycle).

2. Pagsabihan ang kaklase na nag tatapon ng basura sa daan.

3. Itapon ang patay na hayop sa ilog.

4. Itatapon sa compost pit ang mga basurang nabubulok.

V. Kasunduan:

Magbigay ng tiglilimang halimbawa na maitatapon sa mabubulok, di mabubulok, at mga


basurang pwede pang magamit (ma-recycle)

MARICAR NEBRIS-CALAMBRO
___________________________________
Teacher's Signature
LESSON PLAN IN ESP II
First Quarter
Week 3 Day 14

Name of Teacher: MARICAR NEBRIS-CALAMBRO Position: T3

Date: September 15, 2023 Time: 11:15-11:45 am

School: KALAMTUKAN ELEMENTARY SCHOOL Enrollment: M= 14 F=18

Pamantayan sa Pagkatuto:
Napahahalagahan ang saya o tuwang dulot ng pag babahagi ng
anumang kakayahan o talento.
( EsP2PKP-Ic-9 )

I. Layunin:

K. Maunawaan ang kahalagahan ng pagbabahagi ng kakayahan at talento sa


pagpapaligaya ng ibang tao.

S. Magagamit sa klase ang taglay na kakayahan.

A: Magbigay ng inspirasyon at ligaya sa pamamagitan ng paggamit ng sariling


kakayahan at talento.

II. Paksang Aralin:


Kakayahang Taglay
Mga Kagamitan: larawan at papel
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide sa Edukasyon sa Pagpapakatao, p.9
K to 12 Teacher’s Guide sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Pagpapahalaga: Malugod na pagtanggap na ang bawat isa ay may angking
kakayahan at kahinaan.
III. Pamamaraan:
1. Paghahanda
Magpakita ng mga larawan ng kilalang tao sa ating bansa na mayroong
natatanging kakayahan.
Halimbawa nito ay sina Lea Salonga, Paeng Nepomuceno, Vice Ganda,
Billy Crawford, at iba pa.

Itanong: Kaya n’yo bang gawin anng kanilang mga ginagawa?


Sabihin: Lahat ay ibigay ang buong atensyon sa ipapakita kong larawan.
Pumalakpak ng tatlong beses kung kaya mong gawin ang ipinapakita sa larawan at
walang gagawin ang mga mag-aaral kapag hindi kayang gawin ang ipinapakita sa
larawan.

2. Paglalahad:
Matapos ito, ipagawa ang mga sumusunod:
Paguhitin ang mga mag-aaral ng mga sumusunod na larawan.
Iguhit ito sa hinating short coupon bond.
Magpakita ng mga larawan ng iba’t ibang kakayahan.
Ipataas ang unang larawang iginuhit (thumbs up) kung kaya itong gawin at
ipataas ang ikalawang iginuhit (thumbs down) kung di kayang gawin.
Narito ang mga larawan:
Talakayin ang kasagutan ng mga mag-aaral.
Itanong:
Ano ang dapat gawin sa iyong kakayahan?
Ano ang dapat gawin sa iyong kahinaan?

3. Pagsasanay:
4. Paglalahat
Anu-ano ang mga kakayahan kaya mong gawin at hindi mo kayang gawin?
Lahat tayo ay may kakayahan at kahinaan.
Ano ang dapat gawin sa iyong kakayahan?
Ano ang dapat gawin sa iyong kahinaan?

IV. Pagtataya
Sagutin ang Buhaton Ta , Unang Buluhaton sa LM, p.35

Isulat ang Tama o Mali sa sumusunod na

sitwasyon.

______1. Magpatuloy sa pag-eensayo ng sariling kakayahan kahit sa

simpleng paraan.

______2.Mahihiya sa pag-awit sa harap ng klase dahil walang ngipin.

______3. Paunlarin ang kakayahan ng sariling talento.

______4. Punain ang kaklase na nagkakanta sa harap ng marami

dahil ito'y di ka aya-ayang pakinggan.


V. Kasunduan:
Ipasulat sa kuwaderno ang mga kakayahang taglay ng bawa't mag aaral, at kung paano nila ito
mabigyang halaga lalo na sa pag bahagi nito sa iba. Isulat ito sa dawalang talata.

MARICAR NEBRIS-CALAMBRO

________________________________

Teacher's Signature

You might also like