You are on page 1of 9

Administrasyong

Marcos
at ang
Batas Militar
Matapos ang unang termino . . .
● Upang magtagumpay sa halalan, nagpatayo ng mga
kinakailangang impraestraktura ang administrasyong
Marcos.

Umabot ng $50 milyon ang nagastos na galing sa utang ang


pagpapatayo ng mga ito.

● Dahil sa hirap magbayad ng utang ang pamahalaan bumaba


ang halaga ng piso, tumaas ang halaga ng bilihin na
nagbunga ng implasyon.
○ Dahil sa mataas na implasyon lumawak ang kahirapan
sa lipunan.
● Muling nanalo si Pang. Marcos sa halalan ng 1969.

● Sa ikalawang termino, nag-iba ang sitwasyon:


○ naharap sa matinding kahirapan ang mamamayan

○ araw-araw ang pagsagawa ng boycott at rally

○ nagkaroon ng malawakang katiwalian sa pamahalaan

Pagtugon ng pamahalaan . . .
● Upang mabago ang Saligang Batas 1935 nagpatawag ang
mga oposisyon ng isang Constitutional Convention
(Con-Con) noong 1971.
● Marami na ang hindi nasisiyahan sa pamamalakad ni Pang.
Marcos at sa hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan.
● Nasuhulan ang ibang kasapi ng Con-Con upang mapahaba
pa ang termino ni Pang. Marcos.
● Nangampanya para sa halalan ang
Liberal Party sa Plaza Miranda sa
Quiapo, Manila.

● Dalawang granada ang ibinato sa


entablado.

● Isang 5 taong gulang at si Ben Roxas


ng Manila Times ang napatay.
● Maraming kasapi ng Liberal Party ang sugatan sa
pangyayari.

● May higit kumulang na 20 insidente pa ng pagbobomba sa


mga lungsod ng Metro Manila at isinisi ni Pang. Marcos ang
mga ito sa mga komunista.

Dahil sa kaguluhang dala ng 1st Quarter Storm


at Pagbomba ng Plaza Miranda, ipinasa ang
Proclamation 889 o ang pagsuspinde ng Writ of
Habeas Corpus.
*Ang writ of habeas corpus ay karapatan ng isang tao laban sa ilegal o
hindi makatarungang pagkakakulong sa bilangguan. Isang kasulatan
ang habeas corpus na nag-uutos sa isang opisyal upang maipakita ang
dahilan kung bakit ipiniit ang isang tao.

Proclamation 1081, Batas Militar


Setyembre 21, 1972
● Ang tatlong dahilan kung bakit ideneklara ang Batas Militar:

1. mga balak ng Komunistang pabagsakin ang


pamahalaan;
2. hindi naging matagumpay ang demokrasya sa
Pilipinas; at
3. nangangailangan ng kamay na bakal upang
pamahalaanan ang lipunan.
Ano ba ang Batas Militar?

Sa ilalim ng Batas Militar, ang pangulo ng bansa ay may ganap at


hindi mapag-aalinlanganang kapangyarihan.

Sakop ng kapangyarihan ang paggawa at pagpapatupad ng


batas, pagpapasara ng lehislatura, at pagsuspindi ng ilang
karapatan ng mamamayan.

Ang desisyon at kautusan ng pangulo ay hindi maaaring punahin


o tutulan, kahit man ng hukuman.

Sa pagsisimula ng Batas Militar…

● Sa pagdeklara ng batas militar, inumpisahan ang pagdakip


sa unang 400 na kataong walang kasong sinasampa.

● Ang mga nadakip ay mga mamamahayag, kasapi ng


oposisyon, delegado ng con-con, abugado, guro at mga
mag-aaral.

● Ipinasara ang 7 istasyon ng TV, 292 mga istasyon ng radyo, 16 na


pahayagan, 11 magasin at 66 na pahayagang pang pamayanan.

● Ipinasara ang MERALCO, PLDT, at PAL.


● Ang tanging istasyon ng TV na bukas ay ang KBS 9, at ang
pahayagang Daily Express na pag-aari ni Roberto Benedicto na
crony ni Pang. Marcos.
Ang BAGONG LIPUNAN
”Ang bansa ay nakatatayo ngayon nang matatag at ang Bagong
Lipunan ay may lakas upang humarap sa anumang kagipitan at ano
mang pagbabago…” SONA, Set. 21, 1976

● Katahimikan at Katiwasayan ng Bansa


● Usaping Reporma sa Lupa
● Hanapbuhay
● Paglilingkod Panlipunan

Katahimikan at Katiwasayan

● Ipinagbawal ang kilos protesta at pagdaraos ng mga rally.


● Ipinaghigpitan ang paggamit at pagdala ng armas.
● Karaniwan ang presensiya ng awtoridad sa lansangan.
● Ipinatupad ang curfew mula 12am-4am.

Usapang Reporma sa Lupa


● Iniligay ang buong bansa ay sakop ng reporma sa lupa (Presidential
Decree#2).
● Binigyan ng lupa ang mga magsasaka (Presidential Decree #27).
● Inilunsad ang Masagana 99 (sa uri ng palay na ito, maaring
maka-ani ng 99 na sako ng bigas sa isang hektarya ng lupa.
Programa para sa Hanapbuhay
● Upang matugunan ang suliranin ng kawalan ng hanapbuhay,
nagpadala ang pamahalaan ng mga manggagawa sa ibang bansa.
● Tinawag silang OCW o overseas contract workers.
● Kadalasan sila ay pinadala sa Gitna at Kanlurang-silangang Asya
para maghanapbuhay sa minahan ng langis.

Paglilingkod Panlipunan

● Pabahay: Ministry of Human Settlements, Bagong Lipunan


Improvement of Sites and Services, Pag-Ibig Fund

● Mga Ospital: Lung Center, Heart Center, Kidney Center,


Children’s Medical Center

Pamumuhay sa Ilalim ng Batas Militar


Paglabag sa Karapatan Pantao
● Naging laganap ang insidente ng karahasan
● Sinuspindi ang mga karapatang pantao tulad ng writ of habeas
corpus, pagpapahayag at pagpupulong
● Dumami ang bilang ng political prisoners
● Dumami ang bilang ng pagkawala ng isang indibidwal,
pagpapahirap at pagpatay sa mga taong pinaghihinalaang kontra sa
pamahalaan.
Suliranin sa Kahirapan
● Tumaas ang bilang ng walang hanapbuhay kaya napilitan
mag-OCW
● Dumami ang mga “iskwater” at nagugutom
● Malaki ang epekto sa ekonomiya ng bansa ang krisis sa langis
sa Kanlurang Asya
● Lumaki ang pagkakautang ng bansa sa IMF at World Bank
(1964 $5.7 bilyon na utang 1982 $37.14 bily

Katiwalian sa Pamahalaan

● Naging usap-usapan ang marangyang pamumuhay ng pamilya


Marcos, kamag-anakan, at mga crony na malapit sa kanila.

● Sa kabila ng krisis sa bansa, nagagawang magdaos ng magarbong


pagdiriwang.

Kalagayan ng Kaayusan at Kapayapaan


● Dumami ang sumapi sa mga komunistang pangkat na New
People’s Army (NPA)
● Nabuhay ang aktibismo at nagdaos ng protesta sa mga kalsada
sa hanay ng mga mag-aaral at manggagawa
● Nang lumaon nagdesisyon si Pang. Marcos na wakasan ang
Batas Militar noong Enero 17, 1981
Pagtatapos ng Diktadura,
Pagbabalik ng Demokrasya
Handog ng Pilipino sa Mundo
Handog ng Pilipino sa Mundo is a 1986 song recorded in Filipino by a
group composed of 15 Filipino artists.

● Inspired by the success of the 1986 EDSA People Power


Revolution, songwriter Jim Paredes wrote this inspirational, Filipino
nationalistic version of "We Are the World".

Nawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa


Pamahalaang Marcos
Patuloy ang paglugmok ng ekonomiya

● Simula 1965, karamihan sa panggastos ng pamahalaan ay galing sa


pangungutang.

● Sa kasaysayan ng Pilipinas, dito nakaranas ang bansa ng pinakamalaking


pag-urong sa kaunlaran.

Pinaslang si Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983 sa Manila International Airport.

Snap Elections Comelec Walkout


● Ang halalan ng 1986 ay maituturing na isa sa mga
pinakamaruming halalan sa kasaysayan ng Pilipinas.

● Ipinahayag ang pagkapanalo ni Pang. Marcos noong


2/15/86, kinontra naman ito ng oposisyon at sinabi
nila na si Cory Aquino ang nagwagi.
● Nagtawag si Cory Aquino ng malawakang pagsuway o “civil
disobedience” laban sa pamahalaang Marcos.

EDSA People Power Revolution


Ang panunumpa sa tungkulin ay naganap sa Club Filipino
sa San Juan.

You might also like