You are on page 1of 1

Group 1: Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan

Sa paglaya, may tungkulin tayong kailangang bigyang pansin.

Hindi lamang kalayaan, kundi responsibilidad din.

Ang kalayaan ay hindi lamang sa pagkilos,

Kundi sa pagpili ng tama sa bawat hakbang ng lubos.

Kalayaan mula sa pagkakulong ng isip,

Mula sa takot at pag-aalinlangan ay masasagip.

Ngunit may hangganan ang ating kalayaan,

Kapag ang desisyon ay nakakaapekto sa ibang mamamayan.

Huwag nating abusuhin ang ating kalayaan,

Huwag itong gamitin para sa pansariling kapakinabangan.

Sa bawat kilos, may kasamang pananagutan.

Para sa bayan, para sa kapwa, para sa kinabukasan.

Kaya’t gamitin natin ang kalayaan nang wasto.

Ipaglaban ang tama, huwag maging bulag at magkaroon ng pusong bato.

Sa bawat hakbang, isipin ang epekto.

Mapanagot tayo sa bawat desisyon na ginagawa kaya isabuhay ito ng wasto.

Ang kalayaan ay dapat pinapahalagahan

At wag gamitin sa masamang paraan

Upang maling gawi ay ating maiwasan

Para maging maganda ang kalalabasan

Dahil ang tao ay malayang magpasaya

Ngunit, kaakibat nito ang pagpapahalaga

Upang hindi makakaapekto sa kayaan ng iba

Kaya’t kailangan nating pag-isipan ng tama

You might also like