You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 8

First Quarter
MELC 3, 4

Pangalan:_____________________________________Baitang:_______________
Guro:_________________________________________ Iskor:________________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang mga
sagot sa sagutang papel.

1. Sa anong yugto ng panahong prehistoriko natuto ang mga sinaunang tao sa paglibing ng mga yumao?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
2. Sa anong panahon na diskubre ang pagtatanim o agrikultura?
A. Ice Age B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Paleolitiko
3. Ano ang pinakamahalagang tuklas sa Panahon ng Paleotiko?
A. Agrikultura B. Apoy C. Irigasyon D. Metal
4. Ano ang tawag sa panahon kung saan hindi pa natutong magtala ang tao ng mga kaganapan?
A. Historiko B. Mesolitiko C. Neolitiko D. Prehistoriko
5. Aling panahon ang higit na nakatulong sa pag-unlad ng kabihasnan?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
6. Alin sa mga sumusunod na panahon ang hindi pa laganap ang paglikha ng mga kasangkapan?
A. Mesolitiko B. Metal C. Neolitiko D. Paleolitiko
7. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa:
A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.
8. Ang panahon ng Metal ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Alin ang wastong pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari?
A. Panahon ng Bakal, Bronse at Tanso B. Panahon ng Bronse, Tanso at Bakal
C. Panahon ng Tanso, Bakal at Bronse D. Panahon ng Tanso, Bronse at Bakal
9. Nahahati sa tatlong kapanahunan ang Panahon ng Bato: Paleolitiko, Mesolitiko, at Neolitiko. Ano ang
kahulugan ng Mesolitiko?
A. gitnang panahon ng bato B. panahon ng lumang bato
C. panahon ng bagong bato D. gitnang panahon ng bronse
10. Aling pahayag ang nagsasaad ng maling impormasyon tungkol sa mga yugto ng pag-unlad ng tao?
A. Pinakinis na bato ang gamit noong panahong Neolitiko.
B. Umunlad ang sistema ng agrikultura sa panahong Paleolitiko.
C. Dumami ang maaaring gawin ng mga tao nang gumamit na sila ng metal.
D. Ang sistema ng agrikultura ang nagbunsod sa pagkakaroon ng kalakalan.
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang tamang paglalarawan sa panahong Paleolitiko?
A. Natuto nang magtanim ang tao. B. Natuklasan ang paggamit ng bakal.
C. Naninirahan malapit sa mga lambak. D. Nakapaglikha na ng mga palamuti na yari sa bronse.
12. Ano ang naging dahilan ng pamamalagi ng mga tao sa isang permanenteng lugar sa panahon ng
Neolitiko?
A. natutunan na ang pagmimina B. takot silang mabihag ng ibang tribu
C. mapanatili nila ang pangangalaga ng mga pananim D. natatakot na itong magpalipat-lipat dahil sa
mga mababangis na hayop
13. Anong kahalagahan ang ginampanan ng mga kaganapan sa panahong Neolitiko?
A. Dito nagsimula ang sistema ng pagtatanim. B. Nalinang ang paggamit ng matitigas na bakal.
C. Dito nag-umpisa ang pagkatatag ng mga kaharian. D. Sa panahong ito natuklasan ang paggamit ng
apoy.
14. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan sa
pagpapanday ng mga bakal?
A. Tataas ang suplay ng pagkain. B. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan. D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa
bakal.
15. Anong katangian ang ipinakita ng mga Hittite sa paglihim nito sa mga pamprosesong may kaugnayan
sa kasangkapang bakal?
A. disiplinado B. mapagtimpi C. maramot D. matalino
16. Alin ang hindi kabilang sa mga pangkat na sumakop sa lupain ng Mesopotamia?
A. Akkdadian B. Akyan C. Assyrian D. Chaldean
17. Ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng kabihasnang Mesopotamia?
A. walang likas na hangganan ang lupaing ito.
B. hindi nagkakaisa ang mga mamamayan dito.
C. madalas ang pag-apaw ng Ilog Tigris at Euphrates
D. walang kasanayan ang mga tao sa pakikidigma
18. Anong anyong lupa ang makikita sa hilagang bahagi ng India?
A. Bundok B. Kabundukan C. Kapatagan D. Lambak
19. Ano ang kahalagahan ng mga likas na yaman sa pag-unlad ng Kabihasnang Indus?
A. nagsisilbi itong proteksyon sa kanilang lupain
B. madali silang makatago tuwing mayroong mga kalaban
C. nagiging pundasyon ng pag-unlad ng kanilang ekonomiya.
D. pinapalakas nito ang kapangyarihan ng kanilang pamahalaan.
20. Alin sa mga sumusunod na pinakamatandang kabihasnan ang nanantili pa rin hanggang sa
kasalikuyan?
A. Ihipto B. Indus C. Mesopotamia D. Tsino
21.Paano binago ng Ilog Huang Ho ang buhay ng mga Tsino?
A. napalago ng ilog ang Sistema ng pagsasaka ng mga Tsino
B. nagiging mahusay na mandaragat ang mga tao dahil sa pagbaha
C. hinubog ng ilog ang kanilang kahusayan sa paggawa ng mga barko
D. mas pinili ng mga tao na mamuhay sa kagubatan dahil sa madalas na pagbaha ng ilog.
22. Ano ang makikita sa hilagang bahagi ng lupaing Egyt?
A. Himalayas B. Libyan Desert C. Mediterranean Sea D. Red Sea
23. Bakit binansagang “Biyaya ng Ilog Nile” ang Egyt?
A. dahil kung wala ang disyerto ay magiging ilog ang buong Egypt
B. dahil ang lupain ng Egypt ay pinaniniwalaang tahanan ng mga diyos sa buong daigdig
C. dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong lupain ng Egypt ay magiging isang disyerto
D. dahil ang kabihasnan sa Egypt ang nangunguna at bukod- tanging sibilisasyon sa buong mundo.
24. Alin sa mga sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?
A. Ehipto B. Indus C. Mesopotamia D.Tsino
25. Ano ang mahalagang dulot ng pagkakatuklas ng mga sinaunang Tsino sa paraan ng pagkontrol ng
palagiang pag-apaw ng tubig sa Ilog Huang Ho?
A. nadagdagan ang kanilang kaalaman ng tubig sa Ilog Huang Ho?
B. bawat tahanan sa lipunan ay mayroon ng sapat na suplay ng tubig
C. napahusay nito ang paggawa ng mga malalaking sasakyang pandagat
D. nagbigay-daan ang pangyayaring ito upang makapamuhay sa lambak ang mga magsasaka
26. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang sinaunang kabihasnan ng Indus?
A. Hilaga B. Kanluran C. Silangan D. Timog
27. Ano ang palagay mo ang mainam na gawin upang mapanatili ang pakinabang ng Nile Delta sa
ekonomiya ng bansang Egypt?
A. magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang mga hayop at gawing pagkain
B. maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga condominium o di kaya ay subdivision.
C. gagawin ang lugar bilang isa sa mga lugar ng turismo uoang matulungang mapalago ang ekonomiya
D. gagawin ang lugar bilang lugar ng libangan at isagawa ang aktibidad ng pangangaso at camping
28. Saan nagmumula ang tubig na dumadaloy sa Indus River?
A. Hindu Kush B. Himalayas C. Karakuran D. Khyber Pass
29. Ano angibinunga ng pag-unlad ng lipunan sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa aspektong
panlipunan, pampolitika, panrelihiyon sa Mesopotamia?
A. nilisan ang mga tao ang Mesopotamia
B. nagdulot ito ng sentralisadong kapangyarihan
C. nagbunga ito ng hindi pagkakaunawaan sa lipunan
D. humina ang kabihasnan dahil sa pakikipagkalakaran
30. Ang pagbahang idinudulot ng Nile ay nahinto lamang noong 1970 nang maitayo ang Aswan High
Dam. Ano ang pinakamahalagang naiambag ng proyektong ito?
A. pinabilis nito ang sistemang komunikasyon at transportasyon
B. nagiging sentro sa kalakalan ang Egypt lalong –lalo na sa turismo
C. nakapagbigay ito ng elektrisidad at naisasaayos ang suplay ng tubig
D. tumaas ang suplay ng mga isda dahil nagiging malawak na palaisdaan ang ilog.

You might also like