You are on page 1of 4

Pangalan: _______________________________________ Baitang:__________________

Guro:___________________________________________ Iskor:____________________

ARALING PANLIPUNAN 8
Unang Lagomang Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaaing mabuti. Bilugan ang titik na siyang tamang sagot.

1. Anong tawag sa bahagi ng estruktura sa daigdig na kung saan may patong na mga
batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito?

A. core B. crust C. cover D. mantle

2. Ayon sa datos ng mahahalagang kaalaman tungkol sa daigdig, ilang porsiyento mayroon


ang tabang na tubig? A. 1% B. 2% C. 3% D. 4%

3. Anong pamamaraan sa pagtukoy ng lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na


nasa paligid nito?

A. latitude line B. lokasyong absolute C. longitude line D. relatibong lokasyon

4.Ang daigdig ay may apat na hating globo o hemisphere. Anong imahinasyong guhit ang
humahati sa northern at southern hemisphere?

A. equator C. longitude B. latitude D. prime meridian

5. Alin sa mga sumusunod na tema ng heograpiya ang tumutukoy sa paglipat ng tao mula
sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar

A. lokasyon B. lugar C. paggalaw D. rehiyon

6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng rehiyon bilang isa
sa mga tema ng pag-aaral ng heograpiya?

A. Ang klima ng Pilipinas ay tag-araw at tag-ulan.

B. Islam ang opisyal na relihiyon ng Saudi Arabia.

C. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog bahagi ng Taiwan.

D. Kasapi ang Pilipinas sa Association of Southeast Asian Nations.

7. Alin sa mga pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-
aaral ng heograpiya?

A. Ang Germany ay miyembro ng European Union.

B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.

C. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng karagatang Pasipiko.

D. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga mamumuhunan.

8. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng araw sa buhay ng tao, halaman at hayop.


Ano ang kinalaman ng araw sa kalagayang ito?

A. ang araw ang nagbigay ng liwanag sa daigdig.


B. ang araw ang siyang nagbigay ng liwanag sa buwan.

C. napapanatili ng araw ang dami ng mga halaman sa kapaligiran.

D. sa araw kumukuha ng enerhiya ang lahat ng may buhay sa daigdig.

9. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga


bansang may magandang pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng
heograpiya?

A. interaksiyon B. paggalaw C. lokasyon D. rehiyon

10. Ang mundo ay binubuo ng pitong kontinente. Anong kontinente ang may
pinakamaliit na sukat kilometro kuwadrado?

A. Asia B. Australia at Oceania C. Europe D. South America

11 Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon?

A. anyong lupa B. anyong tubig C. imahinasyong guhit D. estrukturang gawa


ng: tao

12. Anong saklaw ng heograpiyang pantao ang itinuturing na kaluluwa at nagbibigay


pagkakakilanlan o identidad ng isang pangkat?

A. lahi B. pangkat etniko C. relihiyon D. wika

Tingnan ang talahanayan sa ibaba.

Mga Relihiyon Bahagdan ng mga Naniniwala Kristiyanismo 31.59% Islam 23.20%


Hinduismo 15.00% Non-religious 11.67% Budismo 7.10% Iba pa 11.44%

13. Ano ang iyong mahinuha sa mga datos sa talahayanan?

A. Mas maraming naniniwala sa Islam kaysa Kristiyanismo

B. Kakaunti lamang ang yumakap sa relihiyong Kristiyanismo

C. Nangunguna ang Kristiyanismo sa may pinakamaraming naniniwala

D. Halos magkatulad ang dami ng naniniwala sa Hinduismo at Budismo

14. Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya ng
daigdig?

A. Ang daigdig ay tahanan ng tao.

B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa.

C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao.

D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan.

15. Ang pagkakaroon ng iba't ibang gawaing pang-ekonomiya sa daigdig ay dulot ng:
A. klima at panahon. B. porma at elebasyon ng lupa.

C. lawak at anyo ng katubigan. D. lahat ng A, B, at C.

16. Ang heograpiya at kasaysayan ay:

A. hindi magkatulad. B. may ugnayan sa isa’t isa.

C. magkatulad. D. walang kaugnayan sa isa’t isa.

17.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pagbibigay ng relatibong lokasyon?

A. anyong lupa B. anyong tubig C. imahinasyong guhit D. estrukturang gawa ng tao

18 . Ilang metro ang taas ng bundok Annapurna?

A. 8 091 B. 8 092 C. 8 093 D. 8 094

19. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng mga sumusunod maliban


sa________. A. klima C. relihiyon B. pinagmulan D. wika

20. Anong relihiyon ang sinasamba ng mga Arabo?

A. Budismo B. Hinduismo C. Islam D. Judaismo

21.. Alin sa mga pangungusap ang hindi kasama sa mga patunay na ang heograpiya ay
may mahalagang bahagi sa kasaysayan?

A. Hindi nasakop ng anumang bansa ang Thailand dahil sa relihiyon nito.

B. Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa matinding lamig noong panahon ng


kanyang pagsalakay doon.

C. Ang mga taga-Alaska ay may makapal na pananamit at nakatira sa bahay na yelo o


igloo.

D. Ayon kay Rizal, napagkamalang tamad ang mga Pilipino dahil sa init ng klima sa
Pilipinas.

22.. Katungkulan ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan upang:


A. magamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan.
B. huwag magalit ang Diyos sa tao.
C. magamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng buhay ng mga
taong naninirahan dito.
D. mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito.

II. Panuto: Gumawa ng slogan tungkol sa maari mong magawa upang mapangalagan ang
daigdig. Isulat sa likod ang iyong sagot.

RUBRIKS

PAMANTAYAN PUNTOS MARKA


Kaangkupan ng Tema 2
Pagkakaayos ng mga 2
Kaisipan, Istilo
Kalinisan sa pagsulat` 2
Kabuuan 8 puntos

You might also like