You are on page 1of 3

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon ng Caraga
SANGAY NG LUNGSOD NG BUTUAN
MATAAS NA PAARALAN NG KINAMLUTAN

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT-FILIPINO 9


UNANG MARKAHAN

Pangalan: Seksyon:
Guro: Bb. Febbie P. Balinton Petsa:

I. Maramihang Pagpipilian
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot mula sa pagpipilian at
isulat ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

1. Sino sa mga tauhan sa kuwento ang naging sanhi ng pagkamatay ng bata?


a. ang mga kapatid
b. ang ina
c. ang mga kaibigan
d. ang ama
2. Saang bansa nagmula ang akdang “Ang Ama?”
a. Cambodia c. Thailand
b. Singapore . d. Indonesia

3. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras. Ang
pangyayaring ito ay nagbibigay ng kahulugang ________
a. Si Adrian ay nababagot na bilang doktor.
b. Nais ni Adrian na magkaroon ng oras para sa sarili.
c. Si Adrian ay nakaramdam ng inggit sa kanyang mga kasamahan.
d. Nais ni Adrian na lumaya at magkaroon ng oras at panahon sa sarili.

4. Sa iyong palagay, ano kaya ang pangunahing ideya sa kuwentong Minsang Naligaw si Adrian?
a. Ang tao ay marupok kaya nagkakamali.
b. Lahat tayo ay nakakaranas ng mga pagsubok sa buhay.
c. Ang ama ng tahanan ay magulang din na nararapat mahalin.
d. Ang anak sa kuwento ay may masamang ugali at iresponsable.

5. Bilang kabataan ng makabagong panahon, iugnay mo ang pangyayari sa iyong buhay sa kuwento.
a. Mainggit at magdamdam ka sa mga kapatid.
b. Lumaki kang marangya at puno ng pagmamahal ng magulang.
c. Nag-aaral ka upang magkaroon ng magandang buhay.
d. Nakakagawa ng mali pero binibigyan ng pagkataon na magbago.

6. Tukuyin kung alin ang dapat mong gawin sa pangyayaring naiwan sa ‘yo ang responsabilidad na
alagaan ang iyong magulang.
a. Magpatulong ka sa iyong mga kapatid.
b. Tanggapin mo bilang pagtanaw ng utang na loob.

7. Ibigay ang maaari mong mahinuha sa pangyayaring ginawang pagligaw ni Adrian sa kanyang ama sa
gubat.
a. Nais niyang kumawala sa resposabilidad na alagaan ito.
b. Siya ay naglalahad ng sobrang pag-alala sa ama.
c. Hindi na niya mahal ang kanyang ama.
d. Naghahangad siya na mapabuti ang ama sa gubat.
8. Ito ay sining ng paghihikayat sa mambabasa o makikinig na maniwala sa opinyon ng isang tao
a. Pagpapaliwanag b. Pagmamatuwid c. Pagpapahayag d. Paglalahad

Para sa bilang 9-10

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula
ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo para
sa asawa at kiming iniabot naman ito agad, tulad ng nararapat.

9. Mahihinuhang ang ama ay magiging ______________.


a. matatag b. matapang c. mabuti d. masayahin

10. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ______________.


a. maawain b. matulungin c. mapagmahal d. maalalahanin

11. Alin ang HINDI angkop na naglalarawan sa isang mabuting ama?


a. Ginagampanan ang responsibilidad sa kanyang asawa at anak.
b. Sinasaktan ang kanyang asawa at mga anak.
c. Naghahanapbuhay para may makain sa pang-araw-araw ang pamilya.
d. Tumutulong sa gawaing-bahay kapag may oras.
12. Bigyan ng sariling paghatol o pagmamatuwid ang ideya sa loob ng kahon.

“Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila na ang


lahat ng luho at oras na makahanap ng babaing makakasama
habambuhay.”
a. Hindi dapat mainggit sa kapwa sapagkat nasa sa iyo lamang kung paano
mo gagamitin ang isang pagkakataon para hindi ka mag-isa habambuhay.
b. Kailangang maglaan ng oras at panahon para makapaghanap ng
makakasama habambuhay.
c. Nararapat lamang na siya ay mainggit sapagkat wala na siyang oras para
sa kanyang sarili.
d. Dapat magkaroon siya ng pagpapahalaga sa buhay-pag-ibig upang
makahahanap siya ng mamahalin sa habambuhay.
13. Ano ang tawag sa pagbibigay ng literal na kahulugan sa salita o lipon ng mga salita?
a. denotatibo c. idyoma
b. konotatibo d. tayutay
14. Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita sa pangungusap na “Nahimasmasan ng ina ang bata sa
pamamagitan ng malamig na tubig.”?
a. napabalik c. nahimatay
b. nagising d. nawala

15. Batay sa pahayag na “Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa
puntod, habang pahikbing nagsalita,”, ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
a. Magkakaroon na sila ng responsableng ama.
b. Magiging masunuring ama na siya.
c. Lalong magiging pasaway ang ama sa kanyang pamilya.
d. Magiging iresponsableng ama pa rin siya.

16. “Si Ana ang ama ng tahanan.” Alin sa ibaba ang nararapat na gamiting konotatibo?
a. lampara ng tahanan c. ilaw ng tahanan
b. sigla ng tahanan d. yaya ng tahanan

17. Alin sa ibaba ang mabubuong bagong pangungusap mula sa salitang sinalungguhitan sa pahayag na
ito “Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-
palad nito?
a. Ang kaniyang kapatid ay maluwag ang kamay.
b. Sila ay mayroong mapagbigay na ama.
c. Nagkaroon sila ng madamot na kamag-anak.
d. Masyadong maluwag ang ama sa kaniyang mga anak.

Para sa bilang 18-19.


Panuto: Sumulat ng ilang pangyayari sa iyong buhay gamit ang mga salitang binigyan ng
denotatibo at konotatibong kahulugan sa Gawain 6. Isulat sa kahon ang inyong sagot.

20. May pagkakatulad kaya ang pangyayari sa kwento sa kasalukuyang lipunan?


a. Malaki po ang pagkakahawig lalo pa`t may pandemya tayo, maraming nagugutom.
b. Mayroong pagkakatulad sapagkat maraming mamamayan sa ating lipunan
ang napabilang sa mababang antas ng pamumuhay.
c. Mayroon sapagkat maraming nagkalat na lasenggo sa ating lipunan.
d. Mayroon sapagkat kadalasan, wala siyang maiuwing pagkain sa pamilya.

21. Lahat ba ng mga pangyayari sa telenobela ay kasasalaminan ng tunay na mga pangyayari sa ating
lipunan?
a. Hindi po ako nagkakamali sapagkat ito ay salamin ng totoong pangyayari sa buhay.
b. Walang duda po sapagkat lahat ng nanonood nito ay nagkakaroon ng koneksyon at ugnayan sa mga
pangyayari.
c. Hindi po sapagkat kadalasan, nagkakaroon ng kalabisan o kakulangan sa paghahatid ng pangyayari
para sa ikagaganda sa kalalabasan ng kwento
d. Hindi po sapagkat mga sikat at kilalang artista ang gumaganap nito.
22. Isa itong anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan at mag-iwan ng isang kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
A. tula B. sanaysay C. nobela D. maikling kwento

23. Kapag ang maikling kwento ay nakatuon sa pagkakabuo ng mga pangyayari, ito ay
mauuri sa maikling kwentong ____________________.
A. pantanghalan B. makabanghay C. kababalaghan D. katutubong
kulay
Para sa bilang 24-30
Panuto: Sariwain sa iyong isipan ang lahat ng kabutihang nagawa at naibahagi ng iyong ama
simula nang ikaw ay magkamalay. Gamit ang mga transitional devices o pang-ugnay (Subalit, datapwat,
samantala, saka, kaya,dahil sa, sa wakas, sa lahat ng ito, kung gayon) ay ilahad sa pamamagitan ng
isang liham pasasalamat ang nais mong ipahayag sa iyong ama. Huwag mag-alinlangan yamang ang
iyong gagawin ay halimbawang pagtanaw ng utang naloob sa pagmamahal at sakripisyong iyong ama.

You might also like