You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Rehiyon V-Bicol
Lalawigan ng Camarines Norte
Bayan ng Capalonga
Barangay Calabaca
-o0o-

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY

SIPI SA KATITIKAN NG UNANG PAGPUPULONG NG SANGGUNIANG BARANGAY NG CALABACA,


CAPALONGA, CAMARINES NORTE NA GINANAP SA BAHAY PULUNGAN NOONG IKA – 03 NG DESYEMBRE
TAONG 2023 SA GANAP NA IKA – 9:00 NG UMAGA.

MGA DUMALO:

Pb. DIOSCORO P. GLIM JR. Punong Barangay


Kgg. ALLAN R. HACA Barangay Kagawad
Kgg. RICKY S. BALCE -do-
Kgg. ROLANDO H. MALALUAN -do-
Kgg. JARLON P. FLORENDO -do-
Kgg. EDELBERTO J. MALALUAN -do-
Kgg. ABNER C. PARALE -do-
Kgg. EMMANUEL M. MALALUAN -do-
G. JEFFREY R. PARALE Kalihim
G. RODELIO T. ALER Ingat-Yaman

DI-DUMALO:

Wala

RESOLUSYON S-2023 Blg. 003

“ISANG PANUKALA NG SANGGUNIANG BARANGAY NG CALABACA, CAPALONGA, CAMARINES NORTE


NA HUMIHINGI NG PONDO SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG CAMARINES NORTE UPANG
MAKAPAGPATAYO NG MULTI-PURPOSE HALL ANG CALABACA SA PANGUNGUNA NI KGG. JOSEFINA
B. TALLADO, CONGRESSWOMAN NG 1st DISTRICT NG CAMARINES NORTE”

SAPAGKA’T, ang kasalukuyang Pamahalaang Barangay ay masyadong maliit para sa isang malaking
barangay. Sa ibaba ay tatlong mesa lamang ang sapat para sa espasyo.

SAPAGKA’T, mayroong sariling lote ang barangay na donasyon ng pamilya Frisco Florendo at
Purification na may sukat na anim na daang metro kwadrado na matatagpuan sa pinakabungad ng
barangay Calabaca, Capalonga, Camarines Norte.

SAPAGKA’T, hindi maaaring palakihin o magkaroon ng “extension” ang nasabing bahay pamahalaan
dahil ito ay pribado at hindi pumapayag ang may-ari ng nasabing lote na kusang ipagkaloob sa barangay
o ipagbili ito.

SAPAGKA’T, walang sapat na pondo ang Sangguniang Barangay upang tustusan ang ganito kalaking
proyekto.
KUNG KAYA’T, Sa mosyong inilahad ni kgd. JARLON P. FLORENDO na pinangalawahan ni kgd. ROLANDO
H. MALALUAN at napagkaisahan ng miyembro ng Sangguniang Barangay Calabaca, Capalonga, Camarines
Norte sa pangunguna ni kgg. JOSEFINA B. TALLADO, Congresswoman ng 1 st District ng Camarines Norte
na humingi ng halaga o pondo na maaaring itustos sa pagpapagawa ng bagong Multi-Purpose Hall.

PINAGPASYAHAN AT DITO’Y NAPAGPASYAHAN na padalhan ng sipi ng katitikang ito ang


kasalukuyang Congresswoman ng 1st District ng Camarines Norte na si kgg. JOSEFINA B. TALLADO.

Nadalang walang tutol.

Pinatutunayan ko ang katumpakan ng katitikang ito.

JEFFREY R. PARALE
Kalihim

PINATUTUNAYAN:

Kgg. DIOSCORO P. GLIM JR.


Punong Barangay

You might also like