You are on page 1of 5

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES


Tamag, Vigan City, Ilocos Sur

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10 (KONTEMPORARYONG ISYU)


Ikalawang Markahan / Ika-6 na Linggo

A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga lokal at
pandaigdigang isyung pang-ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya
tungo sa pambansang kaunlaran.
B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang
nakaapekto sa kanilang pamumuhay.
C. Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
Nasusuri ang dahilan at epekto ng Migrasyon dulot ng Globalisasyon at kolonyal na pagsakop sa
ating bansa.

I. Ispesipikong Layunin
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
Ang mga
1. natutukoy ang dahilan at epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampolitika
ispesipikong at pangkabuhayan mula sa kolonyang kaisipan ng paglaya;
layunin ay 2. nakikilala at natatalakay ang mga ahensya ng pamahalaang tumutulong sa Overseas
nabuo na Filipino Workers at nakagagawa ng iba’t ibang pagtugon upang tayo ay makalaya sa
nakabatay konseptong kolonyal na umaasa sa mga kanluraning mga bansa;
sa MELCS 3. napapahalagahan ang naiambag ng mga OFW sa bansa sa pamamagitan ng paggawa
ng isang reflective journal.

II. Paksang Aralin


A. PAKSA: Epekto ng Migrasyon sa Pamilyang Pilipino
B. SANGGUNIAN: Ikalawang Markahan – Modyul 6: Migrasyon: Dahilan at Epekto – DepEd Modyul
(Araling Panlipunan 10)

C. KAGAMITAN: Aklat/Module, Larawan, Cartolina, Marker, PPT Presentation

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na panalangin
- gagamit ang guro ng isang video clip na ang pamagat ay Ecumenical Prayer mula sa DepEd kung
saan ang mga nananalangin ay mula sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas bilang pagrespeto sa mga mag-
aaral na may magkakaibang wika at paniniwala.
2. Pagbati sa klase
3. Pagtatala ng mga lumiban sa klase at Pagtsek sa Student Information Form o Pagbibigay ng
Konsiderasyon sa mga may Kapansanan
4. Pagwawasto ng Takdang Aralin
5. Pagpapaalala sa mga mag-aaral sa mga health and safety protocols, online, modular, & face to face
clasess
Page |2
B. Balik-Aral
JUMBLE LETTERS Panuto: Muling balikan ang talakayan tungkol sa konsepto ng migrasyon.
Buoin ang lupon ng salitang magpapaalala sayo ukol dito.

1. GLARUIRRE STAMRING - _________________________________


2. PRARETMOY GRANTMIS - _________________________________
3. PERNAMENT TRANSIMG - _________________________________
4. RATIMIGON TRANIONIST - _________________________________
5. TREMICETSAN - _________________________________
6. GUSEREEF - _________________________________
7. ASROVESE PINOLIFI
SKORWER - _________________________________
8. ADISU IABARA - _________________________________

Answers:

1. IRREGULAR MIGRANTS
2. TEMPORARY MIGRANTS
3. PERMANENT MIGRANTS
4. MIGRATION TRANSITION
5. REMITTANCES
6. REFUGEES
7. OVERSEAS FILIPINO WORKERS
8. SAUDI ARABIA

C. Pagganyak
Panuto: Ipaliwanag ang nais iparating ng larawan mula sa mga gabay na tanong.

Mga Gabay na Tanong:

1. Magbigay ng salita o pahayag na nagpapakilala sa larawan.


2. Ano ang nais ipahiwatig ng larawan sa paksang ating tatalakayanin?
3. Mula sa larawan, ano ang naging epekto sa ating bansa ng tayo ay masakop ng mga dayuhang
mananakop?
4. Bigyang kahulugan ang Globalisasyon sa panahon ng kolonyalismo?
5. Paano mo maiuugnay ang larawan sa migrasyon?
Page |3

D. Pagtatalakay
• Pagtalakay sa ugat ng Migrasyong Pilipino sa panahong (1526-1898), (1898-1945), (1946-1986)
• Pagtalakay sa konsepto ng Globalisasyon sa panahong kolonyal na nagbunga ng migrasyon ng
mga tao sa Pilipinas patungo sa ibang lugar.
• Pagtalakay sa dahilan at epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampolitika at
pangkabuhayan.

Dahilan ng Migrasyon Epekto ng Migrasyon


• Kakulangan ng sweldo sa trabaho • Nagkaroon ng pagbabago may
• Kawalan ng trabaho kaugnayan sa populasyon
• Kahirapan ng buhay • Nagbibigay o nagdudulot ng
• Magulo ang lugar o bansa na dulot ng kaligtasan sa isa o nabibigyan siya ng
digmaan karapatan
• Pag-aasawa ng ibang lahi • Naisasakripisyo ang kaugnayan sa
• Malaki ang oportunidad sa ibang pamilya
bansa • Naisasakripisyo ang buhay mismo ng
• Makaiwas sa problema o suliranin na OFW na lumipat sa bansa sapagkat
kinakaharap sa buhay nagkakaroon kalimitan ng mga
biktima dito
• Maaaring magkaroon ng brain drain
• Pagkakaroon ng multiculturalism
• Maaaring umunlad ang ekonomiya
natin nang dahil sa migrasyon
• Hindi na nakakauwi sa sariling bansa
sapagkat nagiging permanente na
doon
• Nakakahikayat o nagiimpluwensiya
rin sa iba na umalis ng bansa

• Pagtalakay sa Labor Export Policy ng Pamahalaang Pilipino


• Pagtalakay sa mga ahensya ng pamahalaang tumutulong sa Overseas Filipino Workers.
Page |4

E. Paglalapat

1. Mula sa graphic organizer suriin ang porsyento ng Immigrants, Short Distance Movers, at Long
Distance Movers sa ating bansa.

Source: PSA, 2010

2. Ipaliwanag ang epekto ang nito sa ekonomiya ng bansa?

F. Paglalahat
Gawain: Malayang Pilipino Ako!
Panuto: Ang mga mag-aaral ay papangkatin sa apat na grupo. Mula sa inihandang katanungan ng guro
ang bawat pangkat ay magbibigay ng solusyon o komento sa mga suliraninginilahad.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang nagiging masamang bunga ng pag-alis ng mga ‘skilled workers’ sa ating bansa tungo sa
iba pang bansa?
2. Bakit sa kabila ng mga nararanasang pang-aabuso ng mga manggagawa ay ninanais pa rin ng
mga ito na magtrabaho sa kanluraning bansa? Ipaliwanag
3. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong nararanasan ng mga manggagawa nito sa
ibang bansa?
4. Sa konteksto ng Pilipinas, sapat ba ang ginagawa ng pamahalaan upang mabigyang seguridad ang
mga manggagawa nito sa ibang bansa? Pangatwiranan

IV. Pagtataya

Panuto: Pagtambalin ang mga sumusunod na pahayag sa mga ahensya ng pamahalaan


na namamahala sa mga overseas filipino workers. Markahan ang titik ng tamang sagot.

A. Commission on Filipino Overseas (CFO) B. Department of Foreign Affairs (DFA) C.


Department of Labor and Employment (DOLE) D. Overseas Workers Welfare Administration
(OWWA) E. Philippine Overseas Employment Agency (POEA) F. Philippine Overseas Labor
Offices (POLOs) G. Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)

1. Ito ay nagsusulong ng mga kapakanan ng mga manggagawa at nagpapanatili ng


kaayusan at kapayapaan sa industriya at paggawa ng bansa.
2. Itinatag sa bisa ng Executive Order 797 na may layuning isulong at paunlarin ang mga
program at pangalagaan ang kapakanan ng mga OFW. Ang ahensya na namamahala sa
PDOS
3. Itinatag sa bisa ng R.A.7796 at nagsusulong na hikayatin ang partisipasyon ng industriya,
Page |5
paggawa at lokal na pamahalaan at mga instistuyong teknikal at bokasyunal upang
sanayin at paunlarin ang kasanayan ng manggagawa sa bansa.
4. Ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga permanenteng OFW sa iba’t ibang
bansa.
5. Ahensya ng pamahalaan na nagbibigay suporta sa mga OFW sa pamamagitan ng
maayos na ugnayan sa pamahalan ng mga bansang pandarayuhan.
6. Ahensya ng pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng mga OFW.
7. Ahensya ng pamahalaan na namamahala sa mga operasyon ng DOLE sa 34 na opisina
nito sa bahaging Kanlurang Asya at Asya.

V. Takdang Aralin

Reflective Journal
Panuto: Panuorin ang pelikulang “Anak” ni Vilma Santos at gumagawa ng reflective journal na binubuo ng
tatlong pangungusap na nagpapakita ng epekto ng migrasyon sa pamilyang Pilipino.

Rubrik: Reflective Journal


Kriterya Puntos
Tumpak at tugma sa pinanuod na pelikula ang
Kawastuhan 5
isinasaad ng bawat sanaysay

Kalinawan Klaro ang ipinararating na mensahe 5

Kabuuan Wasto ang ng mga kasagutan 5

Kabuuang Puntos 15

Sanggunian: Modyul ng mga Mag-aaral / Araling Panlipunan 10

Inihanda nina: Ipinasa kay:

RAYMART B. GUINTO FERDINAND M. LOPEZ


GDCE - Scholar GDCE - Professor

RYAN T. LOPEZ
GDCE - Scholar

DHAREN JAKE R. GARCIA


GDCE - Scholar

ETHEL J. RIVERA
GDCE - Scholar

You might also like