Professional Documents
Culture Documents
https://userscontent2.emaze.com/images/208ccc97-5fc8-411f-b7d3-
______________________________________________________________________________________
b4367221f134/ce88766a13acebfeae189b4f4ab3a82d.png
__________________________________
____ Bb. Alixson Jasrel D. Dela Peña
1|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons for our students
during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of Northern Christian College (NCC) included some
copyrighted material, the use of which were not always specifically authorized by their copyright owners.
NCC used such material in good faith, believing that they were made accessible online to help advance
understanding of topics and issues necessary for the education of readers worldwide. NCC believes that,
because such material is being used strictly for research, educational, and non-commercial purposes,
this constitutes fair use of any such material as provided for in Section 185 of the Copyright Law of the
Philippines; and
Section 177 of the US Copyright Law. No work in its entirety (or substantial portions thereof) was
copied; only isolated articles and brief portions were copied/provided links in the modules and online
lessons. Also, all our students are informed of proper attribution and citation procedures when using
words ideas that are not their own.
2|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
MODYUL Fil 01
5 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Desripsyon ng Kurso:
larangan.
Talaan ng Nilalaman
Deskripsyon ng Kurso…………………………………………………………………..3
Pamantayang Pampagkatuto………………………………………………………........4
Mga Gawain……………………………………………………………………………23
3|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
MODYUL
Fil 01
5 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Pamantayan sa Pampagkatuto
• Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikayon sa lipunang
Pilipino;
• Magamit at mabigyang halaga ang sariling wika at kultura bilang tatak ng pagka-Filipino;
B. Mangagawang Kontraktwal
C. Magsasaka
D. Tindera at Tindero
E. Kabataang Manggagawa
Bunsod ng Globalisasyon
4|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
Direksyon:
1. Basahin nang mabuti ang nilalaman ng modyul na ito.
2. Ihanda ang inyong ballpen at papel.
3. Pag-aralan ang mga paksang inilahad sa bawat pahina.
4. Tapusin ang mga gawain sa modyul at subukin ang sariling
kakayanan.
5. Isumite sa nakatakdang oras ang mga awtput.
6. Kunsultahin ang kung may nais na tanungin o linawin sa modyul:
alixsonjasreldp@gmail.com sa oras ng inyong klase lamang.
Maliban sa mga isyung natunghayan na, may ilan pang mga isyu na nararapat ding mapagtuonan ng
pansin. Ang mga isyung ito ay nabibilang ang marhinalisasyon, manggagawang kontraktwal, magsasaka,
tindero, kabataang manggagawa at migrasyon Ang mga isyung ito ay nakapagdaragdag din sa mga salik
na nakaaapekto sa pag-unlad ng bansa. Kung paanong ang mga isyung nabanggit ay nakaaapekto sa
Ang yamang tao ng Filipinas ay ang kaniyang mga mamamayan. Filipino ang tawag sa kanila.
Ngunit iba't iba ang pangkat na kanilang kinabibilangan. At iba-iba rin ang tawag sa kanila. Isa sa mga
ninuno ang mga Ita. Tinatawag din silang Negrito, Ayta o Baluga. Sa Luzon sila karaniwang naninirahan,
sa mga bundok ng Zambales, Quezon, Laguna at Cagayan. Ngunit may naninirahan din sa mga bundok
ng Panay at Negros. Tulad ng mga Ita, ang mga Ifugao at Kalinga ay sa Luzon din naninirahan. Ang mga
5|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
Ifugao ang nagtayo ng pamosong Hagdan-hagdang Palayan, dalawang libong taon na ang nakakaraan.
Ang isa pang pangkat ng mga Filipino sa Luzon ay ang mga Ilokano. Nakatira sila sa gawing Hilaga ng
Luzon. Ngunit may mga Ilokano rin sa ibang bahagi ng Visayas at Mindanao. Napadpad sila roon upang
llokano.
Matatagpuan naman sa kalagitnaan at katimugang Luzon ang mga Tagalog. Sila ang pangalawa sa
Kilala rin ang mga Mangyan sa Luzon. Matatagpuan sila sa pulo ng Mindoro. Karamihan sa kanila
ay may payak na panlabas na anyo at payak na paraan ng pamumuhay na tulad pa rin ng ating mga ninuno.
Iba-iba rin ang pangkat ng Filipino sa mga pulo ng Visayas. Isa na nito ang mga Cebuano na may
pinakamalaking pangkat sa nasabing rehiyon. Kilala sila sa katutubong awit na "Matud Nila” at sayaw na
'Rosas Pandan.
Taga Visayas din ang mga Ilonggo. Kilala naman sila sa katutubong awit na "Dandansoy' at na
"Cariñosa” Mga Waray naman ang pangkat ng Pilipino sa Leyte at Samar. Ang ilan sa mga ito ay ang mga
Badjao, Maranao, Tausug, T’boli at Manobo Nakatira sa baybay-dagat ang mga Badjao. Matatagpuan sila
Ang pangkat ng mga Tboli ay naninirahan sa Cotabato. Pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay
nila. Isa pang pangkat ay ang katutubong (etnikong) Dumagat na di gaanong nakilala sa dahilang ibinilang
sila na katulad sa mga Aeta at Negrito sa Luzon. Ang pangkat na ito ay naninirahan sa bulubunduking
bahagi ng Rizal, Bulakan, Laguna at Quezon na nasasakop ng kabundukan ng SIERRA MADRE. Sila ay
nahahati sa dalawang uri - ang una ay ang purong Dumagat na nanatiling nakabahag at nakatira sa mga
Dumagat na kilala sa katawagang katutubo, nakatira sa mataong lipunan sa Rizal at bahagi ng Quezon.
Ang katutubong Dumagat ay isa sa natitirang lahi ng tao sa Filipinas na nabibilang sa uri ng taong India
dahil sa pagkakaroon ng kaugnayan ng mga salita at paniniwala nila sa matandang kabihasnan ng India.
6|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
RUMAKAT/LUMAKAT/LUMAKAD na isang maidadahilan na sila ang isa sa mga unang lahi ng tao sa
tutuntunin, ang isa sa sinaunang lahi ng tao dito sa Filipinas ay nagmula sa India, pinatunayan ito ng
kasulatan sa Tanso (Laguna Copperplate Inscriptions, 822 AD). Ang ibayong pag-aaral ng kultura at wika
satin sa magandang umaga sa inyong lahat na - "Masampat tabi abi di kitam mapesan!" Ayon kanilang
pagkakaalam ang salita nila ay nahahati sa dalawa. isang pangkaraniwan at isang pang matanda o
pamitagan.
B. Mangagawang Kontraktwal
ng sistemang umiiral.
Regular at Kontraktwal
pay at rest day o isang araw na pahinga sa bawat isang linggong pagtatrabaho. (At may katiting na alwan ang
7|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
kalagayan kung may unyon dahil may mga benepisyong lagpas sa itinakda ng batas na maaaring makamtan bunga
Maaring ipinapatupad? Bakit parang may duda? Dahil hindi nakakamit ng maraming manggagawa
sa kasalukuyan, naturingan mang regular, pero hindi nakakamit ang mga benepisyong binabanggit dahil
sadyang hindi ipinapatupad ng mga switik at gahamang mga employer, dahil, una, hindi ito alam ng mga
manggagawa, at ikalawa, natatakot ang mga manggagawa na mapag-initan sila pag kinuwestiyon nila ang
kani-kanilang employer. Nandyan naman sana ang DOLE upang siyasatin ang bawat pabrika sa
nasasakupan ng kanilang satellite offices gamit ang kanilang “visitorial power,” ngunit hindi ito
nagaganap. Kinakailangan pang sadyain muna sila ng mga manggagawa upang mag-reklamo, na dahilan
pa lalo upang pag-initan ang mga ito at tanggalin sa trabaho. Ganyan kalakas ang loob ng mga gahamang
employer dahil alam nilang kayang tapalan ng salapi ang mga korap sa pamahalaan. Bukod pa ito sa
mahabang pila ng manggagawang gustong pumalit- maamo, mura o tatanggap ng mababang sahod at higit
sa lahat, kontraktwal.
Kung ikaw ay kontraktwal ay singhaba lamang ng ilang buwang nilalaman ng kontratang iyong
nilagdaan ang haba ng iyong magiging pagtatrabaho. Ibig sabihin, sa tuwing matatapos ang kontrata at
mawawalan ka na ng hanapbuhay, titigil din muna ang pag-inog ng iyong buhay sa kasalukuyan nating
mundong nakatali sa kakarampot na sweldo ang lahat ng ating mga batayang pangangilangan. Ang
“kakarampot” na iyan ay kung ipinapatupad sa iyo ang minimum na pasahod na itinakda ng batas, na
malamang sa hindi. ay hindi mo nga natatamasa dahil bilang kontraktwal ay agency ang nagpapasahod
sa iyo. At dahil ang kita ng mga agency ay galing din lamang sa porsyentong kinotong sa sahod mo, kulang
8|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
teknolohiya. Ibig sabihin, sasapit tayo sa edad na hindi na tayo kompetitib at wala nang panama sa papasok
Kung ikaw ay minimum wage earner o sumasahod lamang ng minimum, hindi kaila sa iyo ang
kakulangang ito dahil araw-araw natin itong kinakaharap. Aber, gumamit tayo ng kaunting matematiks
upang linawin ito. Ang kasalukuyang salary rate para sa NCR ay P492.00. Hatiin o i-divide natin ang
P492 sa average na limang (5) myembro ng pamilya (tatay, nanay at tatlong anak) at iluluwal ang halagang
P98.40. Muli nating hatiin o i-divide ang P98.40 sa apat (4) na kain (agahan, tanghalian, meryenda at
hapunan) at iluluwal ang halagang P24.60. (Hindi pa binabawas diyan ang tax, SSS, Philhealth na
Malinaw na ipinakita sa ating simpleng kwenta na kulang na ang P492.00 na minimum wage para
sa NCR, sa pagkain pa lamang! Paano na ang iba pang pangagailangan tulad ng upa sa bahay, tubig, ilaw
9|P ahi na
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
o kuryente, gamot pag may nagkasakit, damit at eskwela o pag aaral ng mga bata? Nakapagtataka pa ba
kung bakit may mga manggagawang nakatira sa ilalim ng tulay?; kung may mga batang hindi makapag
aral?; kung may mga sunog sa isang urbanisadong barangay na ang sanhi ay napabayaang kandila? Normal
na rin ngayon ang sakit sa bato sa mga bata dahil sa sobrang pagtitipid, alat ng noodles at sitsirya, na
At pasahod pa lamang sa NCR ang ating pinag-uusapan. Paano na kaya ang mga taga karatig
probinsya at ibang rehiyon na mababang sahod ang itinakda ng inutil na wage boards sa kabila ng
reyalidad na kung hindi man pareho lang ay mas mahal pa ang mga bilihin at serbisyo sa kadahilanang sa
ito, upang humabol ng dagdag na kita— na sa dulo ay tutungo sa sobrang produksyon kaya mauuwi rin
sa forced leave ng mga manggagawa dahil “natapos nang gawin ngayon ang gawain sana para bukas.”
Pilit namang aangkop sa sitwasyon ang iba sa paghahanap ng “sideline” o ekstrang pagkakakitaan
paglabas ng trabaho— mag pedikab, maglako ng kung anu-ano, at iba pa, na pangunahin nang trabaho
ng napakalaking bilang ng mga wala talagang mga trabaho. Nangingibang bansa bilang OFW ang
marami, samantalang natutulak ang ilan na pumasok sa mga anti-sosyal na gawain— pagpapataya ng
huweteng/ending, part-time na pagpuputa at pinakasagad na, ang pagpasok sa iligal na mga gawain gaya
ng pagtutulak ng droga.
problemang pambansa. Nilaman ito ng kampanya ng halos lahat ng presidentiables nuong nakaraang
eleksyon, bagamat mababaw ang pagtalakay at tila ba simple lamang talaga sa karamihan ang usapin.
Ngunit iba na ngayon ang tono, at ang sinasabi na ni Sec. Bello ay ipatitigil ang “endo”. Ibig
sabihin, tuloy tuloy na ang mga trabaho at hindi na kinakailangang tumigil at mag-renew ng kontrata ang
10 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
mga manggagawang kontraktwal tuwing ika-limang (5) buwan. Nauna rito ay inatasan ang mga agency na
Aba, eh kanino ba tayo ire-regular? Sa tinatakbo ng mga debelopment, malinaw na sa agency tayo
ire-regular at hindi sa principal. Kung magkakagayon, napaka-bulnerable pa rin ng ating mga kalagayan
dahil sa oras na hindi na mabigyan ng kontrata ng principal ang agency ay wala na rin tayong mga
trabaho. Co-terminus ang ating mga panunungkulan sa agency sa kontratang namamagitan sa kanilang
dalawa ng principal. Eh sa maraming pagkakataon, magkaka-kutsaba ang mga iyan. Paano na?
Tunay na wala tayo ni katiting na maasahan kahit sino pa ang manungkulan sa Malakanyang sa
segurado, permanente at trabahong nakalaan at sasapat para sa lahat ay kung lilinangin at gagamitin ng
ating pamahalaan ang mga likas na yaman at lakas paggawa ng bayan sa pambansang industriyalisasyon.
Hangga’t wala sa atin ang mga mayor na produksyon na magluluwal ng segurado at maramihang trabaho,
walang maaasahan ni katiting na pag unlad ang ating bayan at ang mga mamamayang Pilipino. Hangga’t
ang mga pangunahing industriya ay nasa kontrol ng pribado at mga dayuhang kapitalista,lalo’t
pinapayagan ang halos lahat ng gustuhin nilang negosyo at patakaran kaugnay ng paggawa, nganga ang
Tama! Bilang pinakaabanteng uri sa lipunan, marapat na tanganan ng mga manggagawa ang
tungkulin ng pagpapalaya sa bayan. Bilang araw-araw na kaharap ng pwersa ng kapital sa ating mga
Organisahin natin ang mga manggagawa sa mga linya ng industriya, mga unyon o asosasyon, at sa anong
porma mang ipapahintulot ng sitwasyon. Oorganisahin natin sila sa mga pabrika, sa mga linya ng gawain
(trade skills), at susundan sa mga komunidad upang buuin ang mga asosasyon.
11 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
kalagayang lahat ay may marangal na trabaho at may makabubuhay na sweldo ang lahat, pumapasok sa
eskwela ang mga bata, may sapat na pagkain para sa lahat. At hindi na kinakailangang iwanan ng mga
nanay ang sariling mga anak upang mag alaga ng anak ng iba sa ibayong dagat.
C. Magsasaka
https://vuuzletvph.com/paano-makatutulong-pilipinong-magsasaka/
Tumatanda na ang populasyon mga magsasakang Pilpino. Nasa 57 anyos ang average na edad ng
mga magsasaka sa bansa. At kakaunti na raw ang bilang ng mga kabataang sumusunod sa kanilang yapak.
Ang bagong henerasyon ng mga Pilipino ay naghahanap na ng ‘mas madali at mas mabilis’ na paraan
upang kumita ng pera. Darating nga ba ang panahong wala nang matitirang magsasaka sa Pilipinas?
Ayon sa Philippine Statistics Authority bumaba mula 31 milyon noong 2013 sa 29.1 milyon noong
2015 ang mga Pilipinong nasa agrikultura. At isa raw sa dahilan ang kawalan ng interes ng mga kabataan.
Ayon sa Commission on Higher Education (CHEd), mula noong 2001-2012, bumaba ng mahigit 45% ang
12 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
Araw-araw, iba’t ibang pagsubok ang kinakaharap ng mga magsasakang Pilipino --- mahal na mga
kagamitan sa pagsasaka, mga bagong uri ng peste, maliit o halos kawalan ng kita, mahinang suporta ng
gobyerno at ibang sektor, at climate change. Isa rin ang mga magsasakang Pilipino sa pinakamahirap na
sektor sa bansa kaya naman hindi kataka-takang kakaunti ang mga kabataang nagpapakita pa ng interes
sa pagsasaka.
Sa ngayon, kung 57 anyos ang average na edad ng mga magsasaka at 70 anyos naman ang average
life span ng isang Pilipino, maaari raw na magkaroon ng ‘critical’ shortage ng mga magsasaka sa Pilipinas
makaraan ang 15 taon. Kasabay naman nito ang paglobo ng populasyon sa bansa. Ang hamon: paano
mapapakain ang mas dumaraming bilang ng mga nagugutom kung mas kumonti naman ang gumagawa
ng pagkain?
Pero hindi pa naman daw huli ang lahat. Mayroon pa ring mga katulad nina Andrew Von (16 anyos)
at Kenjo (24 anyos) --- mga kabataang buong pusong niyayakap ang pagsasaka sa kabila ng paglaganap
ng industriyalisasyon at teknolohiya. Sa kanilang edad, batid nila ang pangangailangang ito ng Pilipinas
kaya naman ito raw ang kanilang paraan upang tumulong sa bayan, ang pagyamanin ang ating sariling
lupa.
D. Tindera at Tindero
https://clarissefernandezwordpresscom.files.wordpress.com/2016/01/palengk.jpg
13 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
Sa bansa natin pangkaraniwang tanawin sa palengke ang maiingay na tindero’t tindera. Tawad dito,
tawad doon ang mga mamimili. Sobrang dami ang makikita nating iba’t ibang klase ng paninda na aayon
Marami sa atin na umaaga pa lang, ang unang destinasyon ay ang palengke. Sa palengke, iba’t ibang
klase ng mga tindero’t tindera ang makakasalamuha. Mayroong masungit, mataray, at ang iba naman ay
sadyang mabait yung tipong kapag tinawaran mo ang kanilang tinda ay ibibigay naman kaya naman ay
marami silang nagiging suki. Kung ang ating mga nanay ay maagang nagigising para pumunta sa palengke
ay ganoon din ang mga tindero’t tindera na malaki ang sakripisyo nila sa buhay. Kailangan ay mabilis at
Mapabata man o matanda ay masipag talaga sa pagtinda. Ang iba ay may kanya-kanyang style ng
pagtitinda ang iba ay sumasayaw o kumakanta sa pagtawag ng kostumer upang sila ay maakit. Hindi
kailanman nagiging pabigat sa lipunan ang pagtitinda ito ay isang marangalna trabaho.
E. Kabataang Manggagawa
kanilang mga magulang sa paghahanapbuhay. Masakit man sa kanilang kalooban, kailangan nilang
magbanat ng buto para magkaroon ng laman ang kanilang sikmura. Ayaw man nilang tumigil sa pag-
aaral, wala silang magawa sapagkat mamamatay sila sa gutom pati ang kanilang pamilya.
14 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
Ayon sa National Statistics Office (NSO), mula lima hanggang siyam na taong gulang ay nag-aaral
pa ang mga bata (mga 90 percent) subalit habang tumatagal ay nababawasan na ang kanilang bilang.
Pagdating ng edad 15 ay 50 percent na lamang ang nasa school. Iba’t ibang trabaho na ang kanilang
pagtatrabaho, ninanakaw ang kanilang karapatan na mamuhay nang normal bilang mga bata. Nawawala
rin ang kanilang dignidad at potensiyal. Bumabagsak sila sa pagiging alipin, maaagang nawawalay sa
kanilang mga magulang at nalalantad sila sa panganib ng pagkakasakit. Ang masama pa, marami sa kanila
ang nasasadlak sa masamang gawain. Dahil iba’t ibang uri ng tao ang kanilang nakakasalamuha, naaakit
o naiimpluwensiyahan sila na gumawa ng masama. Ang ilan sa mga kabataang babae ay nasasadlak sa
prostitusyon. Nakakasanayan na nila ang ganoong klase ng trabaho na madaling kumita ng pera.
Kahirapan ng buhay ang ugat kaya parami nang parami ang mga batang manggagawa. Ilang admi-
nistrasyon na ang nagdaan subalit ang problema sa child labor ay hindi nabawasan kundi dumami pa nga.
Alamin ang kuwento ng isang batang mangagawa; i-type sa YouTube ang CameraJuan “Ang Batang
Mangagawa”
15 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
https://myinfobasket.com/ang-epekto-ng-migrasyon-sa-aspektong-panlipunan-pampulitika-at-pangkabuhayan/
Ang migrasyon ay proseso ng paglipat sa isang bagong lokasyon upang doon tumira, pansamantala man
o permanente. May iba't ibang dahilan sa likod ng migrasyon. Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga ito.
propesyon.
• Social Migration- Paglipat tungo sa ibang lugar para sa mas magandang kalidad ng buhay o
digmaan.
• Environmental- Paglipat tungo sa isang lugar dahil sa mga natural na kalamidad tulad ng
nagsasagawa nito. Sa pag-usad ng panahon, pataas nang pataas ang nagiging bilang ng mga Filipino na
16 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
nangingibang bansa. Dahil sa kawalan ng trabaho o mapagkikitaan sa bansa kaya napipilitan ang mga
Filipino na mangibang bansa. Ayon sa Kagawaran ng Ugnayang Panlabas, ang bilang ng mga OFW sa
Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa ekonomiya ng Filipinas. Noong 2015, 28 bilyon US dollar
ang naipadala ng mga Filipino sa bansa. Ang ganitong halaga ng remittances ay lubos na tumutulong sa
pag-usad ng ekonomiya ng bansa sapagkat ginagawa nitong estabilisado ang piso laban sa dolyar. Sa ibang
salita, kung mababa ang halaga ng piso, malaking pinsala ang naidudulot nito sa mga kompanya na may
Gayunpaman, marami rin namang hindi magandang naidudulot ang migrasyon. Hindi magiging
madali ang pagtatrabaho sa ibang bansa. Napakaraming hamon ang maaaring haharapin ng mga Filipino
kinakailangan para makapangibang bansa. Nariyan ang usapin hinggil sa illegal Recruitement, Human
Trafficking, at kung nasa abroad na, ang hindi mabuting pagtrato sa kanila ng mga amo. Kung pinalad
man na magkaroon ng magandang trabaho, malaki ang posibilidad na hindi na sila uuwi sa Filipinas at
naibibigay ng mga Filipinong nasa ibang bansa, ngunit nawawalan naman tayo ng mga propesyonal na
kaunlaran.
Sa iba't ibang usapin sa migrasyon, may naidudulot man itong maganda at di maganda, naroon ang
17 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
Globalisasyon
https://gabay.ph/ano-ang-globalisasyon-kasysayan-epekto-anyo/
Ang konseptong ito ay tinatawag na dislokasyon o isang proseso kung saan ang isang panlipunang
institusyon ay di nakatutugon sa mga hamong idinudulot ng nagbabagong panahon. Ito rin ay ang pilit na
pagpapahalaga.
isang proseso ng muling paghuhugis ng buhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang
18 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
karapatang pantao (Gazleh, 2001). Ito ang nagbibigay pag-asa sa mga tao na magkakaroon ng isang
pangkabuhayan.
Isa ring layunin ng globalisasyon ay ang integrasyon ng iba't ibang kultura at sistema ng
pamamahala sa politika man o sa ekonomiya. Itinataguyod nito ang pagbuwag sa mga cultural barrier at
sa mga negatibong dimensyon ng kultura (Rothkopt, 1997). Gayunpaman, ayon kay Barlow (2001),
pinakamayaman nilang namana Kung wala ito, sila ay walang pinag-ugatan, kasaysayan at kaluluwa
maraming lipunan, partikular na sa mga Indigenous people ay tinitignan ang kanilang kultura bilang
pinakamayaman nilang minana. Kung wala ito, sila ay walang pinag-ugatan, kasaysayan at kaluluwa. Ang
halaga nito ay hindi mapapantayan ng kahit gaano mang halata ng pera. Ang globalisasyon ay
pagkakaroon ng isang maluwag na daan para pasukan pembang bat ibang urune kultura ang iba pang mga
kultura ng maliit na pangkat ayon na rin sa perspektiba ng ibat ibang cultural group. Pinagtibay ni Al
Jazeera (2001) na ang mga lokal na lenggwahe sa mundo ay inaasahang maglalaho. Ang globalisasyon
ang magbibigay daan sa pagkakaroon ng marhinalisasyon ng maraming local na kultura. Sapagkat ang
wika ang nakapagpapahayag ng kultura, ang paghaharing uri ng Ingles ay maaaring nakapaglipol sa mga
namulatang kultura. Sa Filipinas, hindi malayong mangyari ang dislokasyon na ito sapagkat napakaraming
Ang dislokasyong ito ay hindi lamang nasa kultural na perspektiba, nangyayari din ito sa ating
ekonomiya. Ayon kay Gazleh (2001), ang globalisasyon ay siyang nagpasikat ng "consumer culture" sa
mga tao dahil sa malayang pagdaloy ng iba't ibang produkto. Sapagkat hindi mamatay- matay ang
pagnanais ng mga mamimili na gumamit at magkunsumo ng mga produkto, sila ay nagiging alipin na ng
dimensyon ng kanilang pagkatao. Ito ay dahil sa mga business corporation na gumagawa ng maramihang
produkto at paggamit nila ng midya para i-advertise ang mga ito. Bilang resulta, ang aspektong ito ay
pagkawala ng pagkakaiba-iba at/o varyason ng mga tao. Bukod dito, nagkakaroon ng malaking agwat sa
ibang sektor ng lipunan. Ang mga maunlad na bansa ang palaging nabibigyan ng mas malaking benepisyo
Sa pagdami ng mga naiiwang kababayan sa laylayan, magkakaroon din ng isang malaking impak sa
politikal na usapin. Hindi malayong dadami ang mga terorista na makikipaglaban para sa kanilang
tutuligsa sa gobyeno ay hindi makapagdudulot ng mabuti sapagkat nawawala ang katatagan at kapayapaan
ng isang bansa. Bukod sa impak na ito, mababawasan din ang kapangyarihan ng isang bansa na pamunuan
ang kaniyang nasasakupan sapagkat maraming mga internasyonal na polisiya ang naidudulot ng
globalisasyon. Mawawala ang kapangyarihan ng isang bansa na magdesisyon para sa kaniyang sarili
sapagkat malaya nang makikialam ang ibang mga bansa dahil sa malayang ugnayan nila sa isa't isa. Upang
higit pang maunawaan ang kaligiran at epekto ng globalisasyon sa sektor ng ating lipunan, basahin ang
Jenifer Padilla.
https://gabay.ph/ano-ang-globalisasyon-kasysayan-epekto-anyo/
20 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
Ginagamit ng gobyerno ang islogang “culture of peace” para palubagin ang loob ng mga nag-
aaway na grupo. Ang iba't ibang cultural exchange programs na binubuo ng immersion
activities at mga pagtatanghal ay aktibo nitong sinusuportahan upang idiin ang "esensyal na
ng pambansa at lokal na gobyerno. Isa pang halimbawa ay ang giyera laban sa terorismo na
isinusulong ng US, kung saan ang Filipinas ay nagiging lunsaran na rin ng digmang idinidiin
ang pangkulturang katangian. Binabansagan ang Islam bilang sibilisasyon ng mga barbaro at
binibigyan lang nito ng katuturan ang sistematikong pagsasantabi sa mga karapatang pantao
21 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
1-3 Mayaman ang Filipinas sa iba’t ibang kultura at isa sa mga dahilan kung bakit ganito ay
ang iba’t ibang pang kat etniko. Magbigay ng tatlong pangkat etnikong binanggit mula sa
inyong
binasa___________________________________________________________________.
4-5 Nasa edad _______ hanggang _______ ang mga batang mangagawa. Karamihan sa
kanila ay dating nag-aaral subalit dahil sa kahiraan, napilitang tumigil.
6. Termino o katawagan sa paglipat tungo sa isang lugar dahil sa mga natural na kalamidad
tulad ng pagbaha, paglindol at iba pa. ___________________________________________
_________________________________________________________________________
7. Ang ______________________ ang magbibigay daan sa pagkakaroon ng
marhinalisasyon ng maraming local na kultura.
Iwasto ang iyong mga sagot gamit ang susi sa pagwawasto sa ibaba.
Susi sa Pagwawasto
1-3 Negrito, Mangyan, T’boli
4-5 lima – laping-pito
6 Environmental
7 globalisasyon
8-10 Mga Katutubong pangkat, kontraktuwal, magsasaka, tindero’t tindera, kabataang manggagawa,
migrasyon at iba pa
22 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
Fil 01
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Modyul 5
PANGALAN: ISKOR:
SEKSYON:
I. MAY PAMIMILIAN: Basahin at unawaing Mabuti ang oahayag sa bawat aytem. Piliin at bilugan
ang pinakaangkop na sagot sa tanong. (10 pts.)
II. PAGKILALA: Ibigay ang hinihingi at inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang inyong sagot
bago ang bilang. (10 pts.)
8.Ano ang nawawala sa mga kabataan sa kanilang maagang pagsabak sa trabaho ayon
24 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
III. TAMA O MALI: Isulat ang TAMA bago ang bilang kung ang pahayag ay tumpak. Sa kabilang
banda, kung mali ang pahayag, isulat ang MALI.
11. May ilang kabataang babae na dahil sa kahirapan ay napipilitang magbenta ng laman.
12. Lubos na natutugunan ng mga nagdaang administrasyon ang usapin sa Child Labor
14. Ang Social Migration ay pagtungo sa ibang bansa para sa mas magandang kalidad ng
buhay.
17. Ang Environmental Migration ay tumutukoy sa paglipat tungo sa isang lugar dahil sa
20. Ang Political Migration ay paglipat patungo sa ibang lugar dahil sa pagkakaroon ng baha
25 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 5
Maraming Salamat.
SANGGUNIAN:
Binwag, Alicia M. et. al, Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. St. Andrew Publishing House
https://www.slideserve.com/jamar/pagbasa
https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-71363858
https://www.slideshare.net/JosephCemena/mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-pilipino
https://clarissefernandezwordpresscom.wordpress.com/2016/01/29/buhay-tinderot-tindera/
https://makasaysayan.wordpress.com/2016/11/29/manggagawa-ka-ba-regular-ka-ba-o-kontraktwal-
usapang-manggagawa-sa-araw-ni-gat-andres-bonifacio/
26 | P a h i n a