You are on page 1of 21

Fil 03 Northern Christian College

Dalumat sa Filipino
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

1https://web.facebook.com/dalumatapsafilipinocentrex/?_rdc=1&_rdr

Module 2
Bb. JOANNA ALIPIO AGUSTIN
Guro

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 1


Fil 03 Northern Christian College
Dalumat sa Filipino
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

NCC’s Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons


for our students during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of Northern
Christian College (NCC) included some copyrighted material, the use of which were
not always specifically authorized by their copyright owners. NCC used such material
in good faith, believing that they were made accessible online to help advance
understanding of topics and issues necessary for the education of readers worldwide.
NCC believes that, because such material is being used strictly for research,
educational, and non-commercial purposes, this constitutes fair use of any
such material as provided for in Section 185 of the Copyright Law of the
Philippines and Section 177 of the US Copyright Law.

No work in its entirety (or substantial portions thereof) was copied; only
isolated articles and brief portions were copied/provided links in the modules and
online lessons. Also, all our students are informed of proper attribution and citation
procedures when using words ideas that are not their own.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 2


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Northern Christian College
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ
Deskripsyon ng Kurso:
Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa
kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, atpananaliksik sa
wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.
Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat,
gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga
estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa
wikangFilipino, batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma
sa konteksto ng komunidad at bansa. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng
kursong Filipinosa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS).

INTRODUKSYON

Sa patuloy na pag bago ng bansa ay hindi mawari na nagbabago


rin ang daloy ng kultura lalo sa pang-araw-araw na ginagawi
natin. Kabilang narito ang wika na siyang pinaka midyum ng
ating pakikipagtalastasan. Sa bawat panahon na nagdaan ay
patuloy ang pagbabago at pag- unlad ng wika kaya isa sa mga
katangian nito na ang wika ay daynamiko. Sa yunit na ito ay
tatalakayin ang sawikaan at mga bagong salita sa bawat taon.
Pokus nito ang pagtalakay sa mga kumperensya/aktibidad na
lumilinang sa pagdadalumat gamit ang mga salita sa Filipino at
iba pang wika ng bansa. Tatalakayin din kung paano umuunlad
ang wika sa bansa at paano naaapektuhan ng globalisasyon ang
wika sa bansa. Layunin ng yunit na ito na matukoy ang mga
dahilan ng pagbabago ng wika, mapahalagahan ang wika at
makabuo ng sariling opinyon hinggil sa epekto ng pagbabago ng
panahon sa wika..

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 3


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Layunin at Patnubay
Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng
asignaturang Fil 03 (Dalumat sa Filipino). Sa pagtatapos ng modyul, ang mga
mag-aaral ay inaasahang:

1. Makapagbigay ng mga halimbawa ng makabagong salita

kung paano ito gagamitin

2. Maunawaan kung bakit nagkaroon ng paglawak at pag-unlad sa wika.

3. Makapag-iisa-isa ng mga salitang itinanghal na salita ng taon.

4. Magagamit ang mga salitang itinanghal na salita ng taon sa pagbuo ng

sariling pangungusap tungo sa pakikipagkomunikasyon.

Narito ang mga panuto sa dapat mong tandaan sa paggamit ng modyul na


ito:
Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Huwag kalimutang sagutin ang Paunang Pagtataya bago lumipat sa
iba pang gawaing napapaloob sa modyul. Masusukat rito ang mga
natutunan mo sa nakaraang modyul.
2. Basahing mabuti ang mga aralin pagkatapos ay sagutin ang
Pansariling pagtataya (SAQ) na kasunod nito.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain, huwag tingnan ang susi sa pagwawasto habang sumasagot at
huwag din ibahin ang sagot kapag nakita na ang sagot.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Kapag natapos na ang mga gawain, isumite ito sa guro sa kanyang
gmail (joannaagustin025@gmail.com) sa itinakdang araw ng
pagpapasa.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin guro sa kaniyang
gmail (joannaagustin025@gmail.com) o facebook account (Joanna Alipio
Agustin) kung may katanungan sa nakalaang oras ng klase.. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na maaaring makatulong sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Kaya mo ito!

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 4


Fil 03 Dalumat sa Filipino

PAUNANG GAWAIN

Panuto: Sa iyong palagay, bakit may mga bagong salita na umuusbong sa


kasalukuyang panahon? Kinakailangan bang kilalanin at tanggapin ang mga ito?
Ilahad ang iyong kaisipan sa 20 pangungusap.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 5


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Dalumat-Salita: Mga Salita ng


Modyul 2
Taon/Sawikaan Taon/Sawikaan
Panimula:

Mayaman sa kultura ang Pilipinas. Ang kultura na sumasalamin sa makulay at masalimuot nating

kasaysayan. Sa ilalim ng ating kultura ay ang ating sariling wika. Ang wika na tumutukoy sa

pagkakakilanlan ng ating lahi, tayo bilang mga Pilipino. Isa ang ating bansa sa mga may

pinakamaraming pinakamaraming wika sa buong daigdig. Maliban sa pambansang

wikang Filipino, ay kasama ay kasama pa ang mahigit sa isandaang katutubong wika. Sa pagdaan ng

maraming taon ay unti-unting nagkaroon ng mga pagbabago sa ating wika at sa larangan ng paggamit

nito at tila ay naging bahagi na rin ng ating kultura at tradisyon. Sa kasalukuyang panahon ay nauuso

ang mga salita ng taon o sawikaan. Maraming mga katanungan ngayon ang nauugnay tungkol dito

ngunit upang mas maunawaan ay nararapat lamang na ating alamin ang mga bagay-bagay patungkol

dito.

Aralin 1. ANG SALITA NG TAON O SAWIKAAN

Ano ang Sawikaan?

https://www.pinclipart.com/pindetail/ibiix
Isa itong masusi
Rm_kid-asking-question-clipart-png- at masinsinang talakayan patungkol sa mga pinakanatatanging
download/
salita na namayani sa diskurso ng sambayanang Pilipino sa nakalipas na taon.

Ang Sawikaan ay isang mahalagang proyektong nagtatampok sa pamimili ng

pinakamahahalagang salita na namayani sa diskurso ng mga Filipino sa nakalipas

na taon

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 6


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Mga salita itong dulot ng nauusong laro at teknolohiya; naging laman ng

telebisyon, mga social network, at balita; o iniluwal ng sumabog na kontrobersiya sa

politika at matinding kalamidad.

Ang Sawikaan:Salita ng Taon ay taunang kumperensya sa wika, timpalak at

aklat na itinataguyod ng Filipinas Institute of Translation Inc. (FIT), isang NGO na

nagsusulong sa pagsasalin at pagpapaunlad ng modernong Filipino.

SAAN AT KAILAN NAGSIMULA ANG SALITA NG TAON

2https://www.pincli
Itinataguyod ng Filipinas Institute of Translation, Inc. part.com/pindetail/i
biixRm_kid-asking-
question-clipart-
(FIT) ang Sawikaan png-download/

Nagsimula ito noong 2004 upang subaybayan ang pag Nagsimula ito noong

2004 upang subaybayan ang pag-unlad ng wikang Filipino unlad ng wikang Filipino

batay sa umiiral na gamit ng mga salita sa diskurso ng lipunan.

Sinundan ito noong 2005, 2006, 2007, 2010, 2012, 2014, at 2016.

Sa mga panahong walang Sawikaan, idinaos ng FIT ang Ambagan — ito ang

kumperensiyang nakatuon naman sa mga ambag na salita ng iba’t ibang wika sa

Filipinas para sa pag-unlad ng wikang pambansa.

Ngunit, BINIBIGYAN NG DIIN NG FIT na ang lahat ng itinampok sa

kumperensiya ng Sawikaan ay mga Salita ng Taon dahil naging laman ito ng dikurso

ng lipunang Filipino sa nakalipas na dalawang taon dahil sa mga kontrobersiya at

mahahalagang usapin sa politika, teknolohiya, trapiko, kultura, sosyolohiya,

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 7


Fil 03 Dalumat sa Filipino
kulturang popular, at iba pa. At ang pagtititulo sa Top 3 o yaong mga nakatanggap

ng una, ikalawa, at ikatlong puwesto ay pagkilala sa husay ng saliksik, at bigat ng

patunay at katwiran sa isinumiteng papel; at husay ng presentasyon at pagsagot sa

mga tanong sa mismong araw ng kumperensiya (kumbaga, para silang nahaharap sa

isang depensa sa kanilang tesis). Hindi ito pagdidikta sa isang salitang dapat

gamitin. Mas nais ng Sawikaan na mamulat ang madla sa mahahalagang isyu sa

lipunan na kinakailangan ng pagkilos na binubuksan ng mga salitang natatampok

sa Sawikaan.

ANG MGA SALITANG MAAARING ITURING NA SALITA NG TAON

Anu-ano ang mga salitang maaaring mailahok bilang Salita ng

Taon?

Ang lahat ng salitang napipiling nominado sa Sawikaan ay karapat-dapat na

sa puwesto ng Salita ng Taon dahil taglay nito ang alinman sa sumusunod na

katangian:

1) bagong imbento

2) bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika

3) luma ngunit may bagong kahulugan

4) patay na salitang muling binuhay

Samakatwid, bago man o lumang salita ay posibleng manomina kung

pinukaw nito ang pambansang pambansang kamalayan kamalayan at kung ito ay

may malaking malaking impak sa mahahalagang mahahalagang usaping usaping

pambansa at pambansa at iba pang iba pang aspekto ng aspekto ng buhay sa

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 8


Fil 03 Dalumat sa Filipino
lipunang Filipino sa loob ng isa o dalawang taon. Mga salita itong makabuluhang

ginagamit ng mamamayan sa iba’t ibang antas ng pagtukoy at pag-unawa sa

kanilang mga pansarili at panlipunang karanasan.

MGA PANGUNAHING BATAYAN SA PAGPILI


NG SALITA NG TAON

Ano ang pamantayan sa Pagpili ng Salita ng Taon?

Pipiliin ng pamunuan ng FIT ang ang tatanghaling Salita ng Taon

lita ng Taon sang-ayon sa sumusunod sang-ayon sa sumusunod na pamantayan:

1) kabuluhan ng salita sa buhay nating mga Filipino at/o pagsalamin nito ng

katotohanan o bagong pangyayari sa ating lipunan

2) lawak at lalim ng saliksik sa salita, gayundin ang lawak at lalim ng saliksik

sa salita, gayundin ang retorika o ganda ng paliwanag, at retorika o ganda ng

paliwanag, at paraan ng pagkumbinsi sa mga tagapakinig

3) paraan ng presentasyon

MGA SALITA NG TAON MULA 2004-2018

Anu-ano ang mga katangian ng mga nangingibabaw na mga

Salita ng Taon?

Ang mga salitang nangibabaw sa Sawikaan sa bawat taon ay:

1. Naglalarawan ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng isang

partikular na taon na kadalasan ay politikal.

2. Nagtatampok sa mgga kontrobersiyal na isyu sa lipunan

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 9


Fil 03 Dalumat sa Filipino
3. Gumigising sa damdamin tungo sa pagbabago o paghahanap ng solusyon sa

isang problema sa lipunan.

Pansariling Pagtataya(SAQs). Sino ang nagtataguyod ng


Sawikaan?
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Kung ang sagot mo ay ,”Ang nagtataguyon ng Sawikaan: Salita ng Taon

ay ang Filipinas Institute of Translation, Inc.” Tama ang iyong sagot

kaibigan!

Pansariling Pagtataya(SAQs). Kinakailangan ba na ang mga


hinihirang na salita ng taon ay bago ?
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Kung ang sagot mo ay ,”Hindi, ang mga hinihirang na salita ng taon ay

hindi lamang mga bagong salita bagkus maaari ring itanghal na salita

ng taon ang mga salitang patay na pero muling binuhay.” Tama ang iyong

sagot kaibigan!

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 10


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Gawain #1.

Magtala ng limang mga salita na hindi pa istandardisado o

kasalukuyang ginagamit lamang ng mga tao sa kanto at bigyang pagpapaliwanag

kung bakit ito dapat na itanghal bilang salita ng taon batay sa kung papaano ito

lumalaganap at ginagamit sa pakikipagkomunikasyon.

1.

2.

3.

4.

5.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 11


Fil 03 Dalumat sa Filipino

MGA NAHIRANG NA SALITA


Modyul 1
NG TAON AT MGA
Aralin 2
PINAGPILIAN

Sawikaan 2004:

Bago nagkaroon ng automated elections, ang

resulta ng halalan ay dumaraan sa mga

manomanong “canvassing” o ang pag-tally ng

electionreturns. Itinuturing na isa sa

pinakakontrobersyal ang bansa ang halalan noong

halalan noong 2004 dahil sa dium ano’y dayaan.

Humigit kumulang 1M ang lamang ng boto ni Gloria

Macapagal Arroyo sa kanyang kalaban sa pagka-


https://pngtree.com/freepng/cartoon-american-
election-box-banner-illustration_5525982.html
pangulo na si Fernando si Fernando Poe Jr. Ayon kay Prof. Randy David na

nagnomina nito, dahil sa canvassing, maaari ka raw manalo sa botohan at matalo sa

canvassing.

Pinagpilian/Nominado: ukay-ukay, tsika, dagdag-bawas, dating, dagdag-

bawas, fashionista, jologs, kinse anyos, otso-otso, salbakuta, tapsilog, terorista at

terorismo, text

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 12


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Sawikaan 2005:

3https://metromanila.politics.com.ph/2020/01/28/qcpd-launches-crackdown-on-illegal-gambling/

Ayon kay Galileo Zafra, nagwagi ang “huweteng” dahil sa malaking epekto nito

sa pamumuhay ng mga Filipino sa aspektong pampolitika, pang-ekonomiya, at

pangkultura:. Napatunayan ni Roberto Roberto T. Añonuevona mahalaga mahalaga

ang salita hindi lamang dahil sa popularidad ng sugal sa buong kapuluan kundi

dahil sa pagpasok ng huweteng sa larangan ng buhay ng mga Filipino.

Pinagpilian/Nominado: pasaway, tibak/t-back, blog, call center, caregiver, e-vat,

gandara, networking, tsunami, wiretapping

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 13


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Sawikaan 2006:

Ito ang itinuturing na unang pagpaparamdam ng epekto sa wikang Filipino ng

umuunlad na mobile technology.

Sa panahon ring ito dumami ang

gumagamit ng cellpho ng

gumagamit ng cellphone sa

bansa. Mula sa Ingles na “low

battery,” kalaunan ding ginamit

ang “lobat” upang ilarawan ang

matinding pagod o pagkawala ng

gana.

Pinagpilian/Nominado: 4https://www.f reepik.com/premium-vector/low-battery-concept-smartphone-


needs-charging-hand-touching-screen-phone-flat-design-
illustration_7373829.htm
botox, toxic, bird flu, chacha,

karir, kudkod, mall, meningo, orocan, payreted, spa

Sawikaan 2007:

“I- miskol mo nga ako.” Kadalasang sinasabi

ito upang mai-save ang number ng kausap,

mahanap ang nawawalang cellphone, o

ipagmayabang ang bagong ring tone. Ngunit

5https://www.123rf.com/clipart-
Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 14
vector/missed_call.html?sti=nfo1pwltdinesg86sj|
Fil 03 Dalumat sa Filipino
naging paraan din ang pag-miskol upang magparamdam sa isang mahal sa buhay

nang hindi kailangang mabawasan ang load.

Pinagpilian/Nominado: roro, Friendster, abrodista, makeover, oragon, party

list, safety, sutukil, telenobela, videoke

Sawikaan 2010:

“Musta na u? D2 na me.”

Kapag ganito ka mag-text, isa kang

“Jejemon” at kalaban mo ang mga ang

mga “jejebuster” at “grammar Nazi.” Ang

“Jejemon” ay bagong-buong salita noong

panahong iyon na kumakatawan sa

6https://www.gmanetwork.com/news/newstv/bawalangpasaway/2 bagong umuusbong na kultura na dala


69174/speaking-in-tongues-how-bekimon-and-jejemon-fit-into-
the-filipino-language/story/
ng cellphone. Isa itong paraan ng

kakaibang pakikipag-usap sa text dahil sa limitasyon na 160 characters, ayon sa

nagnomina ng salita na si Prof. Roland Tolentino ng UP.

Pinagpilian/Nominado: ondoy, korkor, tarpo, Ampatuan, emo, load,

namumutbol, solb, spam, unli

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 15


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Sawikaan 2012:

“Walang wangwang, walang

counterflow, walang tong. Panahon

na upang tayo ay muling

magkawanggawa.” Luma na ang

“wangwang” pero nauso uli ito nang

7https://www.philstar.com/opinion/2018/05/10/1813750/editorial-still-no-wang-
gamitin ni Pnoy sa kanyang inaugural speech para patamaan ang mga abusadong
wang

opisyal. Naging simbolo ang “wangwang” ng “Tuwid na Daan” na kampanya ng

kanyang administrasyon. Ngunit nang lumaon, ang salita ring ito ang ginamit ng

mga kritiko laban sa diumano’y kakulangan ng pamahalaan na labanan ang

katiwalian. Pinagpilian/Nominado: level-up, pagpag, android, fi level-up, pagpag,

android, fish kill, pik-ap, sh kill, pik-ap, impeachment, palusot, impeachment,

palusot, trending, wagas, wifi

Sawikaan 2014:

Ang pagkuha ng

sariling larawan at

pag-post sa social

media. Ayon sa isa sa

mga nagnomina ng

salitang ito na si

8https://www.dreamstime.com/illustration/selfie.html
Direktor Jose Javier Reyes at publicist na si Noel Ferrer, nakikita sa pagkahilig ng

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 16


Fil 03 Dalumat sa Filipino
mga Pilipino sa “selfie” at pagkahumaling sa social media ang kultura ng

pagkamakasarili at konsumerismo.. Pero nagagamit rin daw ang pagse-selfie upang

maipakita ang pagkakawanggawa. Ang salitang “selfie” ay napili ring “Word of the

Year” noong taon 2013 ng Oxford English Dictionary. Pinagpilian/Nominado: endo,

Filipinas

Sawikaan 2016:

Hango sa salitang Ingles na “photobomb,” ginamit ni Michael Charleston Chua ang

salitang “fotobam” (upang maihiwalay sa orihinal nitong Ingles, bukod sa ito rin ang

ginamit sa isang dokumentaryo ng kaniyang mga estudyante noong 2014) upang

ilarawan ang isyu ng pagsira ng isang gaya ng Torre de Manila sa isang pambansang

simbolo na ang tinutukoy ay ang monumento ni Jose Rizal na nabansagan pa ngang

“pambansang photobomber.” Noong Abril 2017, pinayagan ng Korte ang patuloy na

pagtatayo ng Torre de Manila.

Pinagpilian/Nominado: hugot, milenyal, bully, foundling, lumad, meme,

netizen, tukod, viral

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 17


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Sawikaan 2018:

Ito ay halaw sa pinagtiyap

na mga salitang Binisaya na

toktok (katok) at hangyo

(pakiusap) na ibinansag sa giyera

kontra-droga ng administrasyon

ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Naging matunog ang salitang

“tokhang” noong ginamit ito ni 9https://www.philstar.com/opinion/2018/02/03/1783999/editorial-less-bloody-


campaign

Ronald “Bato” dela sa “Oplan

Tokhang” habang nagsisilbi bilang pinuno ng Davao City Police Office mula Enero

2012 hanggang Hunyo 2016. Lumawak ang saklaw nito nang maupo siya bilang

hepe ng Philippine National Police (PNP).

Pinagpilian/Nominado: dengvaxia, fake news, foodie, quo warranto, federalism,

dilawan, train, DDS, troll, resibo

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 18


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Gawain #2.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Saliksikin at ilista ang mga salitang nakalaban ng Selfie(2014), Fotobam(2016)


at Tokhang(2018) sa Sawikaan:Pagpili ng salita ng taon.
2. Ano-anong mga salik ang nakapagpanalo sa mga salitang nasa ibaba upang
tanghaling salita ng taon?
a. Selfie (2014):
b. Fotobam(2016)
c. Tokhang(2018)
3. Ano ang kahalagahan ng mga salitang Selfie, Fotobam at Tokhang sa mga
sumusunod:
a. Mamamayang Pilipino
b. Lipunan
c. Wikang Filipino

Upang mas lalo pang maintindihan ang tungkol sa pagdadalumat ay pumunta lang
sa mga link sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=efsQlyUsyco

https://www.youtube.com/watch?v=JFCBimy6aZQ&t=249s

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 19


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Pagtataya
Panuto: Panoorin ang video na ISKOnaryo

(https://www.youtube.com/watch?v=qElkfyru0Pckung) saan

pinaliwanag ni Alkalde Francisco "Isko" Moreno Domagoso ang mga bagong salitang

kaniyang pinasikat. Mula sa napanood ay sumulat ng maikling sanaysay hinggil sa

kung paano binigyan ng kahulugan ang mga bagong salita.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 20


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Talasanggunian

https://upd.edu.ph/sawikaan-salita-ng-taon-2018-call-for-entries/
https://www.slideshare.net/Jcnitafan/salita-ng-taon
https://www.coursehero.com/file/50926584/sawikaanpdf/

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 21

You might also like