You are on page 1of 19

Fil 03 Northern Christian College

Dalumat sa Filipino
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

1https://web.facebook.com/dalumatapsafilipinocentrex/?_rdc=1&_rdr

Sept.6-Sept 17
Bb. JOANNA ALIPIO AGUSTIN
Guro

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 1


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

NCC’s Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons


for our students during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of Northern
Christian College (NCC) included some copyrighted material, the use of which were
not always specifically authorized by their copyright owners. NCC used such material
in good faith, believing that they were made accessible online to help advance
understanding of topics and issues necessary for the education of readers worldwide.
NCC believes that, because such material is being used strictly for research,
educational, and non-commercial purposes, this constitutes fair use of any
such material as provided for in Section 185 of the Copyright Law of the
Philippines and Section 177 of the US Copyright Law.

No work in its entirety (or substantial portions thereof) was copied; only
isolated articles and brief portions were copied/provided links in the modules and
online lessons. Also, all our students are informed of proper attribution and citation
procedures when using words ideas that are not their own.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 2


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ
Talaan ng Nilalaman
NCC’s Fair Use Disclaimer 2
Talaan ng Nilalaman 3
Deskripsyon at Introduksyon 4
Layunin at Patnubay 5
Balikan 6
Rebyu sa mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik
Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik 8
Pansariling Pagtataya #1(SAQ) 9
Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa 9
Pansariling Pagtataya #2(SAQ) 10
Mga Elemento ng Pamagat ng Pananaliksik 11
Masaklaw vs. Limitadong Paksa 11
Pansariling Pagtataya #3(SAQ) 13
Pagtataya 14
Talasanggunian 15

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 3


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ
Deskripsyon ng Kurso:
Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa
kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, atpananaliksik sa
wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino.
Partikular na nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat,
gamit ang mga makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagpapalawak at pagpapalalim sa kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga
estudyante na malikhain at mapanuring makapagdalumat o “makapag-teorya” sa
wikangFilipino, batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto at teorya na akma
sa konteksto ng komunidad at bansa. Pre-requisite sa kursong ito ang pagkuha ng
kursong Filipinosa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS).
Balangkas ng Kurso

I. Dalumat-Salita: ga Salita ng Taon/Sawikaan Taon/Sawikaan

Ang Kahulugan ng salitang “Pagdadalumat”

Sawikain

Konsepto Konsepto ng mga Salitang: Salitang: wang-wang, selfie,

fotobam, at tokhang

II. DALUMAT-SALITA: Ambagan, mga salitang susi at iba

Mga halimabawa ng lahok ng proyektong ambagan

a. HHinggil sa pagkain

b. Hinggil sa tao

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 4


Fil 03 Dalumat sa Filipino
c. Hinggil sa hanapbuhay

Ilang mga susing salita at iba pa:

A. Indie

B. Delubyo

III. Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing Sanggunian sa


Pagdadalumat o Pagteteorya sa Kontekstong Filipino
- Alternatibong Pagtingin sa Kasaysayan ng Pilipinas

- Tunggalian ang Lumilikha ng Kasaysayan

- Ang Nakaraan at Kasalukuyan sa Lenteng Panitikan

- Ang Wika Bilang mahalagang Salik sa Pagbabagong Panlipunan

IV. Masinsin at Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing \Sanggunian sa


Pagdadalumat Pagteteorya sa Kontekstong Filipino
- Pilosopiya at Sikolohiyang Pilipino

- Tungo sa Makabayan, Siyentipiko at Makabansang Edukasyon

- Pagkawala sa Kahon: Mga Pagsusuri sa Kasarian

V. Pagsasalin sa Piling Tekstong Makabuluhan sa Dalumat sa/ng Filipino


- Ang papel ngPagsasalin sa Pagdadalumat

- Pagsasalin at Pagdadalumat: Batayan sa Pagpili ay proseso ng Pagsasalin ng


PilingTekstong Makabuluhan

- Maka-Pilipinong Pagsasalin Tungong Pagdadalumat sa Lipunang Pilipino

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 5


Fil 03 Dalumat sa Filipino

INTRODUKSYON

Sa patuloy na pag bago ng bansa ay hindi mawari na nagbabago


rin ang daloy ng kultura lalo sa pang-araw-araw na ginagawi
natin. Kabilang narito ang wika na siyang pinaka midyum ng
ating pakikipagtalastasan. Sa bawat panahon na nagdaan ay
patuloy ang pagbabago at pag- unlad ng wika kaya isa sa mga
katangian nito na ang wika ay daynamiko. Sa yunit na ito ay
tatalakayin ang sawikaan at mga bagong salita sa bawat taon.
Pokus nito ang pagtalakay sa mga kumperensya/aktibidad na
lumilinang sa pagdadalumat gamit ang mga salita sa Filipino at
iba pang wika ng bansa. Tatalakayin din kung paano umuunlad
ang wika sa bansa at paano naaapektuhan ng globalisasyon ang
wika sa bansa. Layunin ng yunit na ito na matukoy ang mga
dahilan ng pagbabago ng wika, mapahalagahan ang wika at
makabuo ng sariling opinyon hinggil sa epekto ng pagbabago ng
panahon sa wika..

Layunin at Patnubay
Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag-aaral sa kolehiyo na
kumukuha ng asignaturang Fil 03 (Dalumat sa Filipino). Sa
pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:

1. Maipaliwanag ang kahulugan at kahalagahan ng wikang


Filipino sa pagdadalumat o pagteteorya.
2. Malaman ang Kahulugan ng Sawikain at kahalagahan nito.
3. Matukoy ang mga Kahulugan ng mga halimbawa ng sawikain.
4. Makabuo ng sariling sawikain at bigyan ng sariling Kahulugan

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 6


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Narito ang mga panuto sa dapat mong tandaan sa paggamit ng


modyul na ito:
Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Huwag kalimutang sagutin ang Paunang Pagtataya bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
Masusukat rito ang mga natutunan mo sa nakaraang modyul.
2. Basahing mabuti ang mga aralin pagkatapos ay sagutin ang
Pansariling pagtataya (SAQ) na kasunod nito.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain, huwag tingnan ang susi sa pagwawasto habang
sumasagot at huwag din ibahin ang sagot kapag nakita na ang
sagot.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Kapag natapos na ang mga gawain, isumite ito sa guro sa
kanyang gmail (joannaagustin025@gmail.com) sa itinakdang
araw ng pagpapasa.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin guro sa
kaniyang gmail (joannaagustin025@gmail.com) o facebook account
(Joanna Alipio Agustin) kung may katanungan sa nakalaang oras
ng klase.. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang,
sa nakatatanda mong kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa
bahay na maaaring makatulong sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Kaya mo ito!

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 7


Fil 03 Dalumat sa Filipino

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Piliin at bilugan ang tamang sagot.

1. Ito ang pagsasalin ng buong teksto, maging napakahabang siyentipikong ulat o


mailing abstrak, ng salita sa salita at walang anumang intensyonal na paglalaktaw.

a. Complete Translation c. Condensed Translation

b. Selective Translation d. Summary Translation

2. Pagsasalin na kung saan posibleng makumpleto ng dalawa o higit pang tagasalin


kung ang teksto sa orihinal na wika ay naisulat sa dalawa o higit pang mga wika.

a. Condensed Translation c.Summary Translation

b. Composite Translation d. Complete Translation

3. Dito ang tagasalin ay nanghahawakan sa kalayaan, hindi lamang para lumihis sa


mga salita at ibig sabihin, kundi maging para talikdan kapuwa ang mga ito kung
makita niyang hinihingi ng pagkakataon.

a. Dagdag bawas c. Paraphrase

b. Itanghal ang awtor d. Imitasyon

4. Dapat palitawin ng tagasalin ang kaniyang awtor na kaakit-akit hanggang


makakaya niya, hangga’t napapanatili niya ang kaniyang karakter at naitatanghal
niya itong hindi katulad nito.

a. Muling pagbuhay sa luma c. Itanghal ang awtor

b. Laban sa literal na salin d. Metaphase

5. Kailangang isang ganap na paggagap sa wika ng isinasalin niya at sa wikang


pinagsasalinan niya.

a. Paraphrase c. Huwarang Tagasalin

b. Dalubhasa sa dalawang wika d. Dagdag bawas

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 8


Fil 03 Dalumat sa Filipino
6. Ang naiibang kagandahan ay nasa kaniyang pagpili ng mga salita.

a. Problema sa modernong wika c. Paraphrase

b. Imitasyon d. Dagdag bawas

7. Ayon sa kanya, tinutukoy na teknikal na wika ang “isang varayti ng


pangkalahatang lengguwahe na nagtataglay ng tiyak at partikular na mga katangian
ng bokubularyo at sa higit na limitadong saklaw ng gramatika.”

a. Pinchuck c. Panchuck

b. Punchuck d. Penchuck

8. Ito ang nagsabi namay mga katangian na kinakailangan upang maging tagasalin
ng mga dokumentong siyentipiko at teknikal.

a. London Institute of Language c. London Institute of Linguistics

b. London Institute of Linguist d. London Institute of Lingua

9. Ayon sa kanya “Lahat ng pagsasalin, sa tingin ko, ay maaaring ipaloob sa tatlong


pangalang sumusunod: metaphrase, paraphrase at imitasyon.”

a. John Dryden c. John Dewey

b. John Dizon d. John Dalton

10. Ito ay sinasabing brainwashing o paghuhugas isipan.

a. Saling hiram c. Saling-angkat

b. Saling paimbabaw d. Saling-panggramatika

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 9


Fil 03 Dalumat sa Filipino

“Pagdadalumat” at konsepto ng mga


Modyul 1
salitang itinanghal na salita ng taon
Panimula:

Ang paksa at mga gawaing inilahad sa modyul na ito ay magsisilbing susi upang iyong

ganap na mabigyang kahalagahan at kahulugan ang salitang “Pagdadalumat” at kaunayan

nito sa proseso ng pag-iisip at pag-urirat sa mga salitang nakaugnay sa salita o paksang

dinadalumat. Ito ang gagabay sa iyo upang lubos pang mapayabong ang iyong talasalitaan

na dulot ng katangian ng wika na buhay at nagbabago ay nagbubunga ito ng mga bagong

salita na ganap na itinanghal at kinilala bilang salita ng taon.

Aralin 1

Kahulugan at Katuturan

Ayon kay Panganiban

(1973), ang salitang "dalumat"

ay kasingkahulugan ng

"paglilirip" at "panghihiraya". Sa

Ingles na kahulugan, ganito


https://www.chronicle.com/article/beyond-critical-thinking/
ang ibig sabihin: very deep

thought, abstract conception. Ang dinadalumat ay salita na may implikasyong

abstrakto at pilosopikal. Ginagamit ang salita hindi sa payak na paraan bagkus sa

mataas na antas ng pag-iisip. Sa ganitong paliwanag, samakatuwid, ginagamit ang

salita bilang konsepto sa larangan ng pagteteorya. Humihiwalay sa lexical o

diksyunaryong kahulugan lamang ang salita at nililirip ito sa antas ng

interpretasyon.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 10


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Ito ang gumagabay sa mananaliksik na unawain, ipaliwanag at i-interpret ang isang

pangyayari (phenomenon), teksto at diskurso na saklaw ng kanyang pag-aaral.

Ang PAGDADALUMAT ay isang maagwat na prosesong nagpapalawak at

nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at

pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng

kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga

mamamayang Pilipino

Suriing mabuti at bigyan ng malalim na pagpapakaulugan ang mga sumusunod na


larawan. (5 puntos kada larawan)

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

______________________________________________

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 11


Fil 03 Dalumat sa Filipino
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 12


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Modyul 1 SAWIKAIN o IDYOMA


Aralin 2

2https://www.istockphoto.com/search/2/image?mediatype=illustration&phrase=communication+clipart

Ang pagpapahayag ng damdamin, kaisipan at mga naisin sa buhay ay

lubhang mahalaga sa bawat tao. Sa pamamagitan nito, nauunawaan natin

ang iba at gayon din sila sa atin. Alisin mo ang pagpapahayag at para mo na

ring kinitlan ng buhay ang isang tao.

Ang sawikain o idyoma ay isang uri ng pagpapahayag na kusang nalinang at

nabuo sa ating wika. Sa ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan, pagsasalita

at pagsusulat, gumagamit tayo nito. Kaya nga’t maging ang mga mamamahayag sa

radyo, telebisyon at pahayagan ay gumagamit din nito upang bigyang diin at

gawing kaakit-akit ang kanilang pagsasalita at pagsusulat.

Katulad ng sawikain, ang salawikain ay may ibang kahulugan bukod sa literal na

ibig sabihin ng mga salitang pinagkabit-kabit upang mabuo ito. Ito ay ginagamit din

sa pagpapahayag ng damdamin, ideya at kagustuhan sa paraang kaayaaya sa

pandinig at pagbasa.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 13


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Inaasahang Matutuhan:

1. Malaman ang kahulugan ng sawikain at kahalagahan nito.

2. Matukoy ang mga kahulugan ng mga halimbawa ng sawikain.

3. Makapagbigay ng mga halimbawa ng sawikain at kung paano ito

gagamitin.

4. Makabuo ng sariling sawikain at bigyan ng sariling kahulugan.

Ano ang Sawikain?

Ang sawikain o idiom sa wikang Ingles ay salita o grupo ng

mga salitang patalinghaga na nagsasaad ng hindi tuwirang

paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari. Ito

ay may dalang aral at kadalasan ay nagpapahiwatig ng sentimyento ng isa o

grupo ng mga tao. Malalalim na salita ang ginagamit sa sawikain at pinapalitan ang

pangkaraniwang tawag kung kaya ito ay nagiging matatalinghagang pahayag.

Ang salawikain at sawikain ay

napakalaking bahagi ng

kasaysayan at kultura sa lahat ng

bansa sa mundo. Ito ang mga

panitikang sumasalamin sa

magkapareho at magkasalungat

na paniniwala ng iba’t ibang

bansa. Sa mga panitikang ito naipapahayag ang mga saloobin ng mga mamamayan

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 14


Fil 03 Dalumat sa Filipino
ng mas malaya at hindi nila kailangang magpaliwanag sa kahit sino.

Ang idyoma ay isang pagpapahayag na kusang nalinang at nabuo sa

lingguwaheng Filipino. Ito’y may kahulugan na hindi maaaring makuha o

maunawaan sa literal na kahulugan nito. May naiiba itong kahulugan sa literal o

tahasang pahayag. Kadalasa’y taglay nito ang maraming pangkulturang bagay:

malarawan, mapagbiro at mapagpatawa. Nagtataglay din ito ng pansosyal at

panliteral na pagpapahiwatig ng kahulugan. Bunga nito, mahalagang malaman mo

na kinakailangang maisaulo ang mga salitang bumubuo ng idyoma gayundin ang

ayos nito. Kung sakaling ang idyoma ay ginagamitan ng pandiwa, ang bahaging

pandiwa ay kailangang sumunod sa tatlong panahunan ng pandiwa na gaya ng

sumusunod:

Mga Halimbawa ng Sawikain

1. Abot-tanaw

Kahulugan: Naaabot ng tingin

Halimbawa: Aking napagtanto

na tayo pala ay abot-tanaw ng

Panginoon.

3https://pixabay.com/photos/maiden-blue-sky-girl-white-return-1858565/

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 15


Fil 03 Dalumat sa Filipino
2. Agaw-dilim

Kahulugan: Malapit nang gumabi

Halimbawa: Agaw-dilim nang umuwi

si Ben sa kanilang bahay.

3. Alilang-kanin 4https://www.youtube.com/watch?v=ITKsdx9OGaQ

Kahulugan: Utusang walang bayad, pakain lang,

pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

Halimbawa: Si Rowena ay alilang kanin ng

kanyang Tiya Ising.

5https://pinoycollection.com/ang-inapi/

4. Amoy pinipig

Kahulugan: Mabango, nagdadalaga

Halimbawa: Amoy pinipig si Julie.

5. Amoy tsiko

Kahulugan: Lango sa alak, lasing

Halimbawa: Amoy tsiko ng umuwi si Alex sa bahay.

66http://www.clipartpanda.com/categories/drun
k-clipart

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 16


Fil 03 Dalumat sa Filipino
6. Ikurus sa noo

Kahulugan: Tandaan

Halimbawa ng Gamit: Ang mga aralin sa eskwela ay dapat ikurus sa noo.

7. Butas ang bulsa

Kahulugan: walang pera

Halimbawa ng Gamit: Nagsusugal si Juan kaya

palaging butas ang bulsa.

8. Ilaw ng tahanan
8http://zarmines.weebly.com/home/but
as-na-bulsa
Kahulugan: Ina

Halimbawa ng Gamit: Mahal na mahal namin ang

aming ilaw ng tahanan.

9. Bahag ang buntot

Kahulugan: Duwag

Halimbawa ng Gamit: Palibhasa bahag ang buntot mo


kaya takot ka sa dilim.

78https://www.goodsalt.com/search/protection

10. Ibaon sa hukay

Kahulugan:Kalimutan

Halimbawa ng Gamit: Ibaon mo na sa hukay ang


nakaraan.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 17


Fil 03 Dalumat sa Filipino

Pansariling Pagtataya(SAQs). Tuwiran bang inilalahad sa


sawikain ang kahulugan na nais nitong iparating?
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Kung ang sagot mo ay ,”Hindi, hindi tuwirang sinasabi sa sawikain ang

kahulugan nan ais iparating nito bagkus gumagamit ito ng mga bagay na

nagsisilbing simbolo upang ipabatid ang nais iparating.” Tama ang iyong sagot

kaibigan!

Gawain #2
Magsalisik ng 10 sawikain/salawikain sa Filipino. Ibigay ang
kahulugan nito at gamitin sa pangungusap.

Gawain #3
Lumikha ng tatlong (3)sariling sawikain o idyoma pagkatapos ay
ilahad ang kahulugan nito at gamitin sa pangungusap.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 18


Fil 03 Dalumat sa Filipino
Upang mas lalo pang maintindihan ang tungkol sa pagdadalumat ay pumunta lang
sa mga link sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=JFCBimy6aZQ

Talasanggunian

Mga Nailimbag

Austero, C. (1999). Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Valenzuela City: Mutya


Publishing House
Martinez, M.C., et. al. (2019). Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Bulacan: St.
Andrew Publishing House

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 19

You might also like