You are on page 1of 19

Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

Modyul 4
1Kinuha mula sa ADM Module ng Grade 12. Filipino sa Piling Larang at https://www.shutterstock.com/search/hand+holding+mouse

Bb. JOANNA ALIPIO AGUSTIN


Guro

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 1


Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
Fil 126 Northern Christian College
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

NCC’s Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons

for our students during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of Northern

Christian College (NCC) included some copyrighted material, the use of which were not

always specifically authorized by their copyright owners. NCC used such material in

good faith, believing that they were made accessible online to help advance

understanding of topics and issues necessary for the education of readers worldwide.

NCC believes that, because such material is being used strictly for research,

educational, and non-commercial purposes, this constitutes fair use of any such

material as provided for in Section 185 of the Copyright Law of the Philippines

and Section 177 of the US Copyright Law.

No work in its entirety (or substantial portions thereof) was copied; only isolated

articles and brief portions were copied/provided links in the modules and online

lessons. Also, all our students are informed of proper attribution and citation

procedures when using words ideas that are not their own.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 2


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
Northern Christian College
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

Talaan ng Nilalaman
NCC’s Fair Use Disclaimer 2
Talaan ng Nilalaman 3
Deskripsyon at Nilalaman ng Modyul 4
Layunin at Patnubay 5
Paunang Pagsubok 6
Uri ng Pananaliksik at Pagkakaiba-iba ng mga Ito
Mga Ilan Pang Uri ng Pananaliksik at Klasipikasyon ng mga Ito 9

Pagtataya 18
Talasanggunian 21

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 3


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
Northern Christian College
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ
Deskripsyon ng Kurso:

Sumasaklaw sa mga batayang kaalaman sa mga lawak, uri at metodo ng


pananaliksik sa wika at panitikan, na maglulundo sa paghahanda at paghahanap
ng isang sulating pananaliksik (research report)

Ano ang Nilalaman ng Modyul?

Tatalakayin sa ikatlong modyul ang mga sumusunod.

1. PROSESO O MGA HAKBANGIN NG PANANALIKSIK

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 4


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)

Layunin at Patnubay
Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng
asignaturang Fil 126. Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1.) Naiisa-isa ang mga hakbang na sinusunod sa


pananaliksik.
2) Nasusuri ang nilalaman ng bawat hakbang ng
pananaliksik.
3) Nakasusunod sa iba’t ibang hakbang sa pananaliksik.
4) Nakabubuo ng paksang pananaliksik batay sa mga hakbang.

Narito ang mga panuto sa dapat mong tandaan sa paggamit ng modyul


na ito:
Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Huwag kalimutang sagutin ang Balikan Mo bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul. Masusukat rito ang mga
natutunan mo sa nakaraang modyul.
2. Basahing mabuti ang mga aralin pagkatapos ay sagutin ang
Pansariling pagtataya (SAQ) na kasunod nito.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain, huwag tingnan ang susi sa pagwawasto habang
sumasagot at huwag din ibahin ang sagot kapag nakita na ang
sagot.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Kapag natapos na ang mga gawain, isumite ito sa guro sa
kanyang gmail (joannaagustin025@gmail.com) sa itinakdang
araw ng pagpapasa.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin guro sa kaniyang
gmail (joannaagustin025@gmail.com) o facebook account (Joanna
Alipio Agustin) kung may katanungan sa nakalaang oras ng klase..

Kaya mo ito!

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 5


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)

Paunang Pagsubok
Punan ang Patlang
Panuto: Punan ng mga titik ang mga patlang upang mabuo ang mga salitang
binibigyan ng kahulugan na matatagpuan sa proseso ng pananaliksik. (20
puntos)
1) p ___ k ___ a = bagay na pinag-uusapan o tinatalakay
2) p ___ n ___ ___ o n = oras na inilalaan sa pag-aaral
3) l i ___ i t ___ ___ y o n = ito ang saklaw ng pag-aaral o pagbibigay hangganan
4) ___ a l a ___ ___ k a s = banghay ng pag-aaral
5) d i ___ ___ k ___ ___ o n = patnubay o saklaw ng paksa
6) l a ___ ___ n ___ ___ = anumang ninanais o adhikain na makuhang mga kasagutan
7) ___ a ___ o ___ = kalipunan ng mga talang ginagamit na batayan sa pagtiyak ng
katotohanan sa anumang isusulat
8) m a n ___ ___ l ___ ____ = magtipon o mangolekta ng mga datos para sa pananaliksik
9) ___ a ___ a = maikling rekord o sulat ng mga katibayan, paksa, mga naisip at iba pa
bilang tulong sa memorya na ginamit sa pagsusulat
10) k o n ___ ___ ___ t o = panlahat na kaalaman o ideya
11) e ___ i ___ e n s i ___ a = saligan ng paniniwala o katibayan ng pag-aaral
12) b o ___ ___ ___ o r = balangkas ng akdang maaari pang mapalitan
13) r e ___ ___ ___ a = `pagbabagong kailangan para muling maisaayos ang sulating
pananaliksik
14) ___ i ___ i = anumang kinopya mula sa ibang akda na may karampatang pagkilala
sa awtor o itinala ayon sa sinabi ng ibang tao
15) s u ___ ___ i n = masusing pag-aanalisa
16) i d e ___ ___ = bagay na binuo o inilarawan sa isip lamang
17) p a g ___ ___ p a l a ___ ___ g = pagpapahaba ng talakay upang mas maintindihan
ng mambabasa tulad ng pagbibigay ng depinisyon
18) b a ___ t a ___ = panandang ginagamit sa pagpapangkat ng salita
19) t o ___ o = koleksyon o kalipunan ng mga isinulat o inilimbag na polyetong
pinagsama-sama at bumubuo ng isang aklat
20) i ___ t r u ___ ___ u ___ a = pagkakaayos ng mga bahagi o elemento ng isang kabuuan

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 6


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)

Modyul 5 Uri ng Pananaliksik at


Pagkakaiba-iba ng mga Ito

Mga hakbangsa pananaliksik

6.Gumamit ng Dokumentasyon
Anumang siniping mga pananalita ng mga akda
na nakalap bilang mga talang gagamitin sa sulatin
ay kailangan ang pangalan ng awtor at taon sa
talaan ng sanggunian.

5 .Bumuo ng Konseptong Papel . Katulad nito ang


pagbuo ng konseptong papel. Kapag nakasisiguro ka
na sa paksa ng pananaliksik, maaari nang
pagpasyahan ang paraan o estilong gagamitin. wastong
gamit ng mga salita.

4.Mangalap ng Datos.
Hindi kinakailangang kuhanin o kopyahin ang kompletong
laman ng binasang teksto kundi ang mahalagang ideya lamang

3. Magtala ng mga Sanggunian o Bibliograpiya


Huwag limitahan ang bilang ng sanggunian sapagkat ang
hindi mo inaakalang hindi mahalagang aklat ay naglalaman pala ng
mas mahahalaga pang impormasyon.

2. Magsagawa ng Pansamantalang Balangkas


Planuhing mabuti kung aling bahagi ang bibigyan ng diin
sa pananaliksik nang magkaroon ng direksyon ang pananaliksik.

1. Pumili at Maglimita ng Paksa

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 7


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
Ang una mong dapat pinag-uukulan ng panahon bilang isang nagsisimula sa
pananaliksik ay ang pagpapasya kung ano ang paksang iyong sasaliksikin at
kung hanggang saan ang magiging sakop nito. Kung ang paksa at limitasyon ng iyong
gagawing pananaliksik ay hindi malinaw para sa iyo, lalabas na mahina at magulo
ang iyong sulatin.

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

Sa pagpili ng paksa, isaalang-alang ang sumusunod na konsiderasyon:


kabuluhan ng paesa, kasapatan ng sanggunian, pinansyal na kakayahan, saklaw na
oras/ panahon at interes sa pag-aaralan.

Una: Kabuluhan ng paksa. Pinakamainam kung iyong


totoong mahalaga at kailangan ng/sa lipunan ang pag-
aaralan.

Ikalawa: Kasapatan ng sanggunian. Kung may sapat http://clipart-


library.com/clipart/432716.htm
na referens kaugnay ng paksang pag-aaralan, magiging mas
episyente at mas madali ang pagsasagawa ng pananaliksik. Bakit? Ito'y dahil
magkakaroon ng mas malawak na kaalaman ang mananaliksik hinggil sa paksa. Kaya
mainam na bumisita muna sa library o mag-surf sa internet upang malaman ang
kasapatan (kakaunti ba o maraming marami) ng sorses kaugnay ng paksa

Ikatlo: Pinansyal na kakayahan. Magastos ang


pagsasagawa ng pananaliksik kaya piliin lamang ang
paksang wika nga ay hindi masyadong mabigat sa bulsa.

https://favpng.com/png_view/bank-coins-of-the- Magtanong-tanong sa mga kakilalang mag-aaral na


philippine-peso-clip-art-png/S0EuY0Xr
dumaan na rito. Ang kanilang opinyon ay mahalaga
upang mataya, humigit- kumulang, kung magkano ang pagugulungin (budget) sa
iniisip na paksa

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 8


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
Pang-apat: Saklaw na oras/panahon ng pagsasagawa ng
pananaliksik. Tandaan na ang Filipino 2/ Filipino 102 (Filipino
sa Ibat Ibang Disiplina), ang kurso kung saan pangunahing
pangangailangan ang pananaliksik, ay isang semestre lamang.
Kung gayon, piliin ang paksa na kayang tapusin sa loob ng
http://clipart-library.com/time-
isang semestre. Sa aming karanasan, hindi na iilan lamang ang management-clipart.html
nagkamali ng kalkulasyon hinggil sa bagay na ito.

Panglima: Interes ng mananaliksik. Magiging mas kasiya-siya


ang pagsasagawa ng pananaliksik kung ang paksang pag-
aaralan ay naayon sa iyong interes. Kung gayon, i-drop o huwag
tatangkaing pag-aralan ang paksang para sa iyo ay boring
upang maiwasan ang pagkabagot na siyang itinuturong salarin
https://www.dreamstime.com/beautiful-
young-woman-interested-hand-face- kaya ang iba a y hindi nakakapagpasa on time ng kanilang
pink-halftone-pop-art-background-
pananaliksik.
woman-interested-looking-up-
image117229450

Ang sumusunod ang mga batayan sa paglilimita ng paksa ayon kina Bernales,
et al. (2012): panahon, edad, kasarian, perspektibo, lugar, propesyon o grupong
kinabibilangan, anyo o uri, partikular na halimbawa o kaso, at kumbinasyon ng dalawa
o higit pang paksa.

Batayan ng Pangkalahatang Nilimitang Paksa


Paglilimita Paksa
Panahon Kasuotan ng mga Kasuotan ng mga Kababaihang
Kababaihang Pilipino Pilipino sa Panahon ng
Komonwelth
Edad Mga Mang-aawit na Mga Batang Mang-aawit na Pilipino
Pilipino at ang (Edad 13-17) at ang HInaharap ng
Hinaharap ng Musikang Popular sa Pilipinas
Musikang Popular sa
Pilipinas
Kasarian Mga Suliranin ng mga Mga Suliranin ng mga Kababaihan
Katutubong Minorya ng mga Katutubong Minorya
Perspektibo Epekkto ng Epekto ng Globalisasyon sa
Globalisasyon sa Espiritwal na Pamumuhay ng mga
Lipunang Pilipino Pilipino.
Lugar Mga Naiibang Mga Naiibang Tradisyong
Tradisyong Pangkapistahan sa Malolos,
Pangkapistahan sa Bulacan
Katagalugan

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 9


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
Propesyon o Pag-aaral ng Wika ng Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang
Grupong mga Bakla Patriotista
Kinabibilangan
Anyo o Uri Persepsyon sa Persepsyon sa Kababaihan sa
Kababaihan sa Larangan ng Panulaang Ilokano
Larangan ng
Panitikang Ilokano
Partikular na Epektong Kultural ng Epektong Kultural ng Turismo sa
Halimbawa o Kaso Turismo sa Pilipinas Pilipinas: Kaso ng mga Ifugao sa
Turismo
Kumbinasyon Atityud ng mga a. Preperensya ng mga
a. Perspektibo Estudyante sa mga Estudyante
b. Uri Programang Kultura b. Preperensya ng mga
c. Lugar Estudyanteng nasa Unang
d. Anyo Taon
c. Preperensya ng mga
Estudyanteng nasa Unang
Taon sa The Nations
Teacher’s College
d. Preperensya ng mga
Estudyanteng nasa Unang
Taon sa The Nations
Teacher’s College sa mga
Dulang Panteatro sa
Kampus
Kinuha sa: https://www.slideshare.net/AngieAlmagro/paksang-pampananaliksik-
89087103

Pansariling Pagtataya (SAQ). Bakit kinakailangang maging limitado ang


paksa sa isang pananaliksik?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Tingnan natin kung tama ang iyong sagot…

Kung ang sagot mo ay: Dapat limitado ang paksa sapagkat nagiging suliranin ito
dahil hindi tiyak ang kabuoan ng nais pag-aralan kung hindi espisipiko ang
paksa, Tama ang iyong sagot, kung hindi ay basahin ulit ang aralin.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 10


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)

Gawain 1:

Panuto: Magtala ng mga napapanahong isyu o paksa na makukuha mula sa


sumusunod:

Internet/Soci Telebisyon Diyaryo/ Mga Sariling


al Media Magasin pangyayari sa Interes
paligid

Mula sa naitalang mga paksa, pumili ng isa at ano sa tingin mo ang mga
dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksang pananaliksik.

Gawain 2:

Panuto:Pumili ng isang paksa mula sa Gawain 1. Isulat ang paksa sa


ibaba at ilahad kung ano-ano ang layunin mo sa napiling paksa.

Paksa:____________________________________
1.______________________________________________________________________________
2._____________________________________________________________________________
3._______________________________________________________________________________

Magsagawa ng Pansamantalang Balangkas

Kapag tiyak mo na ang paksang tatalakayin, kailangang linawin at planuhin


mong mabuti kung aling bahagi ang bibigyan ng diin ng pananaliksik nang sa ganoon
ay magkaroon ng direksiyon ang pagbabasa patungo sa pagsulat. Matapos ito,
magsagawa ka na ng pansamantalang balangkas. Makatutulong ang mga sumusunod
sa pagsasagawa ng pansamantalang balangkas.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 11


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
1. Ilahad sa isang pahayag o pangungusap ang nais pag-aralan hinggil sa paksa.

2. Ilahad ang layunin ng pananaliksik.

3. Itala o ilista ang mga tanong ukol sa paksa.

4. Pangatwiranan ang importansya ng paksa

Magtala ng mga sanggunian o bibliograpiya

https://www.weforum.org/agenda/2019/12/innovative-community-libraries/

Sa paghahanda mo ng mga sanggunian o mga batayan ng ideya sa

pananaliksik, ang silid-aklatan ay pinakamabuting lugar upang pagsaliksikan.

Dito matatagpuan ang lahat ng uri ng babasahing kailangan mo sa pagbibigay ng

impormasyon at sa paghahanda ng sanggunian tulad ng mga aklat, iba’t ibang

uri ng magasin, pahayagan, pamphlet, manuskrito, artikulo, at Internet.

Mabuting itala moa ng lahat ng sangguniang may kaugnayan sa paksa. Huwag

takdaan ang bilang ng magiging sanggunian sapagkat makaminsan inaakala

mong hindi mahalaga ang iba pang aklat na naglalaman ng makabuluhang

impormasyon tungkol sa isusulat na pananaliksik.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 12


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)

Mangalap ng Datos

Sa pangongolekta mo ng mga tala o datos, kailangang magamit ang mga dating


kaalaman sa pagbasa. Hindi kailangang kuhanin o kopyahin ang kompletong
laman ng binasang teksto kundi ang mga mahalagang ideya lamang na nabanggit
sa binabasa at makatutulong sa pagsasagawa ng sulatin. Itala ang mga
impormasyong mahalaga sa pananaliksik. Malaki ang maitutulong ng mga ito sa
binubuong sulatin.

Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon

Ayon kina Bernales, et al (2012) na ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga
hanguang primarya (primary sources) ay:
— Mga individwal awtoridad,
— Mga grupo o organisasyon tulad ng pamilya,
asosasyon, unyon, fraternity, katutubo o mga minorya,
bisnes, samahan, simbahan at gobyerno,
— Mga kinagawiang kaugalian tulad ng relihiyon at pag-
aasawa, sistemang legal at ekonomik at iba pa, at
— Mga pampublikong kasulatan o dokumento tulad ng
konstitusyon, batas-kautusan, treaty o kontrata at ang lahat ng orihinal na tala,
katitikan sa korte, sulat, jornal at taalarawan o dayari.
Ang mga hanguang sekondarya (secondary sources) naman ay:

a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensaklopidya, taunang-ulat


o yearbook, almanac at atlas,
b. Mga nalathalang artikulo sa jornal, magazin, pahayagan, at
newsletter,
c. Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti, nailathala
man ang mga ito o hindi, at
d. Mga monograf, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 13


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
Hanguang Elektroniko o Internet

Maituturing ang internet ngayon bilang isa sa pinakamalawak at


pinakamabilis na hanguan ng mga inpormasyon o datos. Kung
ang internet ay maaaring pagkunan ng impormasyon o datos,
nangangahulugan lamang na malaking tulong ito sa
pananaliksik.

Narito ang mga ilang sa mga websites na maaaring mapagkunan ng tamang


impormasyon.

1. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) na nagtatapos sa .edu ay mula
sa institusyon ng edukasyon o akademiko.
Halimbawa: http://www.university_of_makati.edu/
2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula
sa komersyo o bisnes.
Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org
www.yahoo.com
3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalahaan.
Halimbawa: www.makaticity.gov
http://www.tourism.gov

Gawain 3:
I. TAMA O MALI. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag. Isulat naman ang MALI
kung hindi wasto. (5pts.)

___________1. Ang impormasyon ay mga bagong kaalaman na natanggap mula sa mga


nababasa, naririnig at napapanood na napoproseso ayon sa sariling karanasan.
___________2. Sa pagpili ng impormasyon ay kailangang isaalang-alang ang masusing
pagpili ng mga makabuluhang datos at kaalaman.
___________3. Ang batis ng impormasyon ay nahati sa tatlong hanguan: ang hanguang
primarya, hanguang sekondarya, at hanguang elektroniko.
___________4. Ayon kina Bernales, et al (2012) na ayon kina Mosura, et al. (1999) ang
hanguang primarya ay ang mga indibidwal o awtoridad.
___________5. Ang tinaguriang Ama ng Pagbasa ay si Wilhem Gray.
II. TUKUYIN. Tukuyin kung anong uri ng hanguan ang kinabibilangan ng mga
sumusunod.(5pts.)

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 14


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
1. journal
2. almanac
3. katitikan sa korte
4. google
5. konstitusyon

Bumuo ng Konseptong Papel

https://www.inc.com/wanda-thibodeaux/you-should-be-writing-every-day-heres-why-and-how-to-do-it.html

Tulad ng pagbabalak na makapagkarera para sa magandang kinabukasan,

pinipili ang pinakamainam na paaralang tutugon sa pangangailangang kaunlaran.

Kapag nasiguro na ang paaralang papasukan gayundin ang kursong kukunin, maaari

nang simulang ayusin ang iba pang mga kakailanganin.

Katulad nito ang pagbuo ng konseptong papel. Kapag nakasisiguro ka na sa

paksang pananaliksik, maaari nang pagpasyahan ang paraan o estilong gagamitin.

Gayundin ang paraang gagawin sa pagbuo ng saliksik hanggang sa inaakalang resulta

ng pananaliksik.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 15


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
Kaakibat ng konseptong papel ang balangkas o framework na nagsilbing

estruktura ng daloy ng laman ng pananaliksik upang mabigyang linaw at kabuluhan

ang paksa.

May mga elementong bumubuo ng konseptong papel:

1. Saligang katwiran

Tumatalakay ito sa pagpapaliwanag tungkol sa paksa at kung bakit ito’y

napagtuunan ng pansin na gawing sentro ng pag-aaral. Dito’y sinasagot ang

tanong na ano at bakit tungkol sa paksa.

2. Layunin

Inilalahad dito ang kaukulang mga tanong na nagsisilbing suliranin ng pag-aaral.

Ang layuning ito’y maaaring inilalahad sa anyong patanong.

3. Metodolohiya

Dito ipinaalam ang paraang gagamitin sa kabuuan ng tala. Mababatid din dito

ang mga taong tutugon sa gawaing pananaliksik na magsisilbing hanguan ng

impormasyon o mga datos na bubuo sa pananaliksik.

4. Output o Resulta

Dito inaasahan ang bunga ng pananaliksik. Ilalarawan ang maaaring kalalabasan

ng gagawing pananaliksik.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 16


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)

Gumamit ng Dokumentasyon

Ang mga ideya, at mga kaalaman ay mahalaga sa isang iskolar. Ang mga taong

lumikha nito ay may karapatang makatanggap ng pagkilala para sa mga ideyang ito.

Kung ang isang tao ay inaangkin ang isang ideya o teksto ng ibang tao at pinapalabas

na ito ay sa kaniya, ito ay pagnanakaw. Ang teknikal na salita para rito ay plagiarism.

Bakit ng aba kailangan natin ang dokumentasyon sa pananaliksik? Bukod sa mga

nabanggit sa itaas, narito pa ang ibang gamit ng dokumentasyon ayon kina Alejo et

al., (2005):

Pagkilala sa pinagkunan ng datos o impormasyon.

Paglalatag ng katotohanan ng ebidensiya

Pagbibigay ng cross-reference sa loob ng papel.

Pagpapalawig ng ideya.

Mga Alituntunin sa Paggamit ng Parentetikal na Sanggunian (Ayon kina Alejo et

al.,

2005):

1. Pahina lamang ang banggitin kung nabanggit na ang awtor sa mismong teksto.

2. Kung higit sa isa ang awtor (ngunit hindi sobra sa tatlo), banggitin ang pangalan ng

lahat ng may akda.

3. Kung may apat o higit pang may akda, banggitin na lamang ang apelyido ng unang

may akda at sundan ng “et al.” at pahina.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 17


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)
4. Kung may babanggiting dalawa o higt pang may akda na pareho ang huling

pangalan, banggitin ang mga pangalan.

5. Kung pamagat lamang ang naibigay, banggitin ang pinaikling bersiyon ng pamagat

at sundan ng pahina.

6. Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang tomo, banggitin ang

tomo, at tutuldok ang maghihiwalay sa bilang ng tomo at pahina.

Halimbawa: Antonio 2004, 200:65

7. Kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banggitin na

lamang ang akda. Paikliin kung kailangan.

Pagtataya

Isagawa ang hinihingi ng mga sumusunod:

a. Bilang paghahanda sa iyong gagawing


pananaliksik, magtala ng limang (5) paksang may
kaugnayan sa iyong kurso o interes.
b. Pagkatapos mong itala ang limang paksa, magbasa
ka ng mga impormasyong kaugnay ng iyong inilista
at subuking gumawa ng pansamantalang
balangkas.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 18


Fil 126 Introduksyon sa Pananaliksik (Wika at Panitikan)

Talasanggunian
Nailimbag

Austero, C. (1999). Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Valenzuela City: Mutya Publishing House

Martinez, M.C., et. al. (2019). Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Bulacan: St. Andrew Publishing

House

Lartec, J., et.al. (2011). Instruksiyong Modyular sa Pananaliksik. Mandaluyong City: Anvil

Publishing, Inc.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 19

You might also like