You are on page 1of 15

Fil 02 Northern Christian College

Filipino sa Iba’t ibang Disiplina


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

Marso 15 hanggang 26
1Kinuha mula sa ADM Module ng Grade 12. Filipino sa Piling Larang at https://www.shutterstock.com/search/hand+holding+mouse

Bb. JOANNA ALIPIO AGUSTIN


Guro
Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 1
Fil 02 Northern Christian College
Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

NCC’s Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons for


our students during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of Northern Christian
College (NCC) included some copyrighted material, the use of which were not always
specifically authorized by their copyright owners. NCC used such material in good faith,
believing that they were made accessible online to help advance understanding of
topics and issues necessary for the education of readers worldwide. NCC believes that,
because such material is being used strictly for research, educational, and non-
commercial purposes, this constitutes fair use of any such material as provided for in
Section 185 of the Copyright Law of the Philippines and Section 177 of the US Copyright
Law.

No work in its entirety (or substantial portions thereof) was copied; only isolated
articles and brief portions were copied/provided links in the modules and online lessons.
Also, all our students are informed of proper attribution and citation procedures when
using words ideas that are not their own.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 2


Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
Fil 02
Northern Christian College
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

Talaan ng Nilalaman
NCC’s Fair Use Disclaimer 2
Talaan ng Nilalaman 3
Deskripsyon at Introduksyon 4
Layunin at Patnubay 5
Balikan 6
Rebyu sa mga Batayang Kasanayan sa Pananaliksik
Pagpili ng Paksa ng Pananaliksik 8
Pansariling Pagtataya #1(SAQ) 9
Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa 9
Pansariling Pagtataya #2(SAQ) 10
Mga Elemento ng Pamagat ng Pananaliksik 11
Masaklaw vs. Limitadong Paksa 11
Pansariling Pagtataya #3(SAQ) 13
Pagtataya 14
Talasanggunian 15

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 3


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
Northern Christian College
The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

Deskripsyon ng Kurso:

Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa


kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang
Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang
kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga
makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa ng
pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik
hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at
realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa
komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang
paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng pananaliksik sa
iba’t ibang porma at venue.

INTRODUKSYON

Pagbati sa inyong pagtatapos sa naunang modyul


kaibigan. Pagkatapos mong malaman ang pagbubuod ng
impormasyon, pagsasalin, at pagbabalangkas. ay maiging
ipagpatuloy natin ang iyong pagsagap ng kaalaman. Sa
modyul na ito, mapag-aaralan natin ang mga sumusunod:
pagpili ng paksa at mga konsiderasyon sa pagpili ng paksa ng
pananaliksik, mga element ng pamagat ng pananaliksik at
paglilimita sa paksa ng pananakliksik.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 4


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Layunin at Patnubay
Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag-aaral sa kolehiyo na kumukuha ng
asignaturang Fil 02 (Filipino sa Iba’t Ibang Asignatura). Sa pagtatapos ng modyul, ang
mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Malaman ang mga maaaring maging hanguan at
kosiderasyon sa pagpili ng paksa sa pananaliksik.
2. Maisa-isa ang mga batayan sa paglilimita ng paksa ng
pananaliksik.
3. Matukoy ang masaklaw at limitadong paksa sa pananaliksik
4. Makabuo ng makabuluhang paglilimita sa paksa ng
pananaliksik at makapagbigay ng paksa ayon sa pansariling interes.
5. Masagot nang buong husay at tapat ang mga naibigay na gawain.

Narito ang mga panuto sa dapat mong tandaan sa paggamit ng modyul


na ito:
Narito ang mga mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Huwag kalimutang sagutin ang Balikan Mo bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul. Masusukat rito ang mga
natutunan mo sa nakaraang modyul.
2. Basahing mabuti ang mga aralin pagkatapos ay sagutin ang
Pansariling pagtataya (SAQ) na kasunod nito.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng
mga gawain, huwag tingnan ang susi sa pagwawasto habang
sumasagot at huwag din ibahin ang sagot kapag nakita na ang
sagot.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
5. Kapag natapos na ang mga gawain, isumite ito sa guro sa kanyang
gmail (joannaagustin025@gmail.com) sa itinakdang araw ng
pagpapasa.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin guro sa kaniyang
gmail (joannaagustin025@gmail.com) o facebook account (Joanna
Alipio Agustin) kung may katanungan sa nakalaang oras ng klase.. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid o sinoman sa iyong mga kasama sa bahay na maaaring
makatulong sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Kaya mo ito!

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 5


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Balikan
I. Pagbubuod: Sa limang pangungusap, ibuod ang akdang ‘Mas
Makapangyarihan ang mga Lalaki’. Gawing gabay ang
pamantayan sa pagbibigay ng iskor sa ibaba sa inyong
pagbubuod.(10pts)

Mas Makapangyarihan ang mga Lalaki

Sa ilang dahilan, iginigiit ng mga lalaki ang kanilang kapangyarihan sa


maraming paraan.
Mas malalakas ang lalaki. Matagal silang mapagod. Pansinin lamang
kung paano sila magbasketbol, o maglipat ng saku-sakong bigas sa trak, o
kumayod bilang karpintero.
Mas matatapang ang lalaki. Hindi sila sumisigaw kapag nakakakita ng
daga, alam nila ang gagawin kapag nakaharap ang ahas, at hindi sila
natatakot
maglakad sa madidilim na lansangan kung gabi.
Mas matitipid ang lalaki. Iisang barong Tagalog ang maaari nilang isuot
sa bawat pagtitipon. Maaari rin iisa lamang ang kanilang kurbata at iisa rin
ang pares ng pantalon.
Higit na mapag-isip ang lalaki. Hindi sila padalus-dalos. Malinaw
nilang napaghihiwalay ang tama sa mali. Hindi napangingibabawan ng
damdamin ang kanilang mga pagpapasya.
Sumasang-ayon ka ba na mas makapangyarihan ang mga lalaki sa mga
babae? Marahil, papayag ka kung ikaw ay lalaki ngunit kung babae ang
magbabasa nito, lagot ako.

____________________________________________________________________________________
(Halaw sa Reader’s Digest, 1–79)
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

10- Ang buod ay may limang pangungusap at malinaw ang pagkakalahad ng ideya
mula sa orihinal na akda.
6-9- Ang buod ay may limang pangungusap pero hindi masyado naging malinaw ang
pagkakalahad ng ideya mula sa orihinal na akda.
5- Ang buod ay hindi umabot sa limang pangungusap at hindi nailahad ang diwa mula
sa orihinal na akda.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 6


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

II. Pagsasalin. Isalin ang sumusunod na teksto sa Filipino. Gawing


gabay ang pamantayan sa pagbibigay ng puntos sa ibaba sa
gagawing pagsasalin.

I pray you'll be our eyes ___________________________________________________


and watch us where we go ___________________________________________________
And help us to be wise
___________________________________________________
in times when we don't
know ___________________________________________________
Let this be our prayer ___________________________________________________
when we lose our way ___________________________________________________
Lead us to a place
___________________________________________________
guide us with your grace
To a place where we'll be ___________________________________________________
safe

6-10 - Napanatili ang mensahe at diwa ng orihinal na akda at angkop ang mga salitang
ginamit sa target language.

4-5- Hindi masyadong napanatili ang mensahe at diwa ng orihinal na akda at may ilang
salitang hindi angkop ang ginamit sa target language.

3- Hindi napanatili ang mensahe at diwa ng orihinal na akda.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 7


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Rebyu sa mga Batayang


Kasanayan
Pagpili ng Paksa
sa Pananaliksik ng Pananaliksik
Ang pamagat-pananaliksik ay isa sa mga unang hakbang sa pagsasagawa ng pag-
aaral. Ngunit pakatandaan na upang makabuo nang mahusay na pamagat ay kailangan
munang matukoy ang pangunahing paksa. Sa pangunahing paksa ng pag-aaral
nakasalalay ang magiging kabuoan ng pamagat.
Narito ang mga maaaring maging
hanguan o batayan sa pagpili ng paksa:
1. Media. Ito ay isang napakalawak
na industriya kung saan nailalahad ang iba't
ibang isyung panlipunan. Mapakikinggan sa
radyo, mababasa sa mga diyaryo,
mapapanood sa telebisyon at
iniaalingawngaw sa internet ang maaaring
mga suliraning pangkapaligiran na maaaring
maging batayan sa pag-iisip ng paksang
nais pag-aralan. Ang mga pinakikinggan sa
radyo ay maaaring maging lunsaran ng https://www.pngitem.com/middle/iTmbmmh_advertising-clipart-
pagpili ng paksa. download-news-media-microphone-advertising-clipart/

Halimbawa, ang pag-uusap ng disc


jockey o dj at ng kaniyang caller ay maaaring gawing pag-aaral sa pamamagitan ng
diskurso analisis. Samantala, sa telebisyon naman ay
mapapanood ang iba't ibang eksena sa larangan ng politika,
ekonomiya, entertainment, atbp.
2. Personal na Pananaliksik. May kalayaan ang isang man
analiksik na batayan sa pag-aaral. Kaugnay nito ay malaya
siyang magsaliksik sa mga silid-aklatan. Mula sa kaniyang
pagbabasa, uusbong sa kaniyang isipan kung paano
https://www.freepik.com/free-
mapauunlad ang isa nang pag-aaral o i-develop ang isang vector/worker-doing-research-
paksa. work_834596.htm

3. Pagtatanong sa mga Awtoridad. Maaaring


makakakalap ng impormasyon ang isang mananaliksik
mula sa pagtatanong sa mga maalam na indibidwal
hinggil sa pagsasagawa ng pag-aaral. Pasok dito ang
mga kakilalang guro, kaklase at mga kaibigan na
mayroong pag- unawa hinggil sa pagsasagawa ng
pananaliksik. Maaaring ihanay sito ang pagsasagawa ng
impormal na interbyu sa mga organisasyon, grupo,
http://clipart-library.com/clipart/392440.htm samahan at iba pang pangkat at maging sa mga
kakilalang nakapagsagawa na ng pag-aaral.

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 8


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Pansariling Pagtataya #1(SAQs)


Tukuyin ang salitang binibigyang-turing ng mga sumusunod na bilang.
1. Malaya ang mananaliksik na irebyu ang mga pag-aaral na nailathala o hindi
nailathala upang gawing batayan sa pag-aaral.
2. Ito ay isang napakalawak na industriya kung saan nailalahad ang iba't ibang
isyung panlipunan.
3. Pasok dito ang pagkuha sa opinyon ng kakilalang guro, kaklase at mga kaibigan
na mayroong pag-unawa hinggil sa pagsasagawa ng pananaliksik.
4. Mapakikinggan sa radyo, mababasa sa mga diyaryo, mapapanood sa
telebisyon at iniaalingawngaw sa internet ang maaaring mga suliraning
pangkapaligiran na maaaring maging batayan sa pag-iisip ng paksang nais
pag-aralan.
5. Tinutukoy nito ang pagtatanong sa mga maalam na indibidwal hinggil sa
pagsasagawa ng pag-aaral.

Tingnan natin kung tama ang iyong sagot…

Sagot: 1. Personal na pananaliksik 3. Pagtatanong sa Awtoridad


2. Media 4. Media 5. Pagtatanong sa Awtoridad

Kung nakuha mo lahat ng sagot, magaling! Kung may mga mali ay maaaring balikan at
mas pagbutihin pa ang pagbabasa.

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa


Sa pagpili ng paksa, isaalang-alang ang sumusunod na konsiderasyon:
kabuluhan ng paesa, kasapatan ng sanggunian, pinansyal na kakayahan,
saklaw na oras/ panahon at interes sa pag-aaralan.

Una: Kabuluhan ng paksa. Pinakamainam kung iyong


totoong mahalaga at kailangan ng/sa lipunan ang pag-aaralan.

Ikalawa: Kasapatan ng sanggunian. Kung may sapat na


referens kaugnay ng paksang pag-aaralan, magiging mas
episyente at mas madali ang pagsasagawa ng pananaliksik. http://clipart-
Bakit? Ito'y dahil magkakaroon ng mas malawak na kaalaman library.com/clipart/432716.htm
ang mananaliksik hinggil sa paksa. Kaya mainam na bumisita
muna sa library o mag-surf sa internet upang malaman ang kasapatan (kakaunti ba o
maraming marami) ng sorses kaugnay ng paksa

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 9


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Ikatlo: Pinansyal na kakayahan. Magastos ang


pagsasagawa ng pananaliksik kaya piliin lamang ang
paksang wika nga ay hindi masyadong mabigat sa bulsa.
Magtanong-tanong sa mga kakilalang mag-aaral na
https://favpng.com/png_view/bank-coins-of-the- dumaan na rito. Ang kanilang opinyon ay mahalaga
philippine-peso-clip-art-png/S0EuY0Xr upang mataya, humigit- kumulang, kung magkano ang
pagugulungin (budget) sa iniisip na paksa

Pang-apat: Saklaw na oras/panahon ng pagsasagawa ng


pananaliksik. Tandaan na ang Filipino 2/ Filipino 102 (Filipino sa Ibat
Ibang Disiplina), ang kurso kung saan pangunahing
pangangailangan ang pananaliksik, ay isang semestre lamang.
Kung gayon, piliin ang paksa na kayang tapusin sa loob ng isang
semestre. Sa aming karanasan, hindi na iilan lamang ang
nagkamali ng kalkulasyon hinggil sa bagay na ito. http://clipart-library.com/time-
management-clipart.html
Panglima: Interes ng mananaliksik. Magiging mas kasiya-
siya ang pagsasagawa ng pananaliksik kung ang paksang pag-
aaralan ay naayon sa iyong interes. Kung gayon, i-drop o huwag
tatangkaing pag-aralan ang paksang para sa iyo ay boring upang
maiwasan ang pagkabagot na siyang itinuturong salarin kaya ang
iba ay hindi nakakapagpasa on time ng kanilang pananaliksik.
https://www.dreamstime.com/beautiful-
young-woman-interested-hand-face-
pink-halftone-pop-art-background-

Pansariling Pagtataya #2 (SAQ)


woman-interested-looking-up-
image117229450

Tukuyin kung ano ang binabanggit na konsiderasyon sa pagpili ng paksa sa


bawat aytem.
1. Kinakailangang may sapat na impormasyon hinggil sa napiling paksa. Sapagkat kung
kakaunti ang datos na makakalap hinggil sa paksa ay maaring kapusin sa mga detalye
sa gagawing pag- aaral.
2. May mga paksang mabigat sa bulsa. Maaaring hindi matapos ang pananaliksik kung
magagahol sa budget.
3. Hindi sapat na ang napiling paksa ay napapanahon, tinitiyak ng konsiderasyong ito na
ang paksa ay kapaki-pakinabang sa lahat sa lipunan.
4. Huwag tatangkaing pag-aralan ang paksang para sa iyo ay boring upang maiwasan
ang pagkabagot.
5. Ang pananaliksik ay dapat na makatulong sa iba upang mas lalo pang mapayabong
at magpabuti ang mga umiiral na kaalaman.

Tingnan natin kung tama ang iyong sagot…

1. Kasapatan ng sanggunian 2. Pinansyal na kakayahan


3. Kabuluhan ng Paksa 4. Interes ng Mananaliksik 5. Kabuluhan ng Paksa

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 10


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Mga Elemento ng Pamagat ng Pananaliksik

Tandaan Ang pamagat ng papel-pananaliksik ay hindi dapa masining,


mabulaklak! at/o masaklaw. Ito ay dapat malinaw, tuwiran at tiyak: taglay ang sapat na
kaisipang naglalaman ng kabuoan ng pag-aaral. Ang pamagat ng isang pananaliksik
ay hindi dapat bababa sa sampung salita (10) ngunit hindi tataas sa dalawampu (20).
Ang pamagat ng pagsasaliksik ay may sumusunod na impormasyon:
1. Ang paksa aaralin. ("Ano?")
2. Ang lugar o lokasyon kung saan isasagawa ang pagsasaliksik. ("Saan?")
3. Ang populasyon na gagawing tagatugon. ("Sino"?)
4. Ang tagal ng panahon ng pag-aaral na gugugulin kolektahin ang data. ("Kailan"?)
Halimbawa:
Paksa: Epekto ng Paggamit ng Cellphone sa Pagkatuto
Populasyon: ng mga mag-aaral ng Senior High School
Lokasyon: sa Northern Christian College
Panahon ng oras: sa ikalawang semester ng taong 2018-2019

Masaklaw vs. Limitadong Paksa


Isang suliranin sa pagbuo ng pamagat ng pananaliksik ang masaklaw o general
na paglalahad ng paksa ng pag-aaral. Nagiging suliranin ito dahil hindi tiyak ang
kabuoan ng nais pag-aralan kung hindi espisipiko ang paksa. Kunin nating halimbawa ang
pamagat sa ibaba:

Persepyon ng mga Kabataan Hinggil sa Epekto ng Media

Suriin natin. Hindi malinaw ang pagkakagamit ng Kabataan, Media at Epekto kaya't
maituturing itong violation sa tuntunin ng pagpapamagat ng papel-pananaliksik. Narito
ang mga dahilan kung bakit hindi namin tinanggap ang naturang pamagat:

A. Ang paggamit ng terminong kabataan ay hindi angkop dahil hindi malinaw kung
sino at ano ang edad ng ispesipikong indibidwal na tinutukoy. Kabataan ba ang mga nasa
edad 6-13? Ang mga nasa edad 21- 30? Ang mga 30-pataas? O ang teenagers lamang?
Isa pa, lahat ba ng kabataan? Sa Filipinas? Sa buong mundo? Lahat ba ay kukuning
respondente? Huwag naman. Dahil ito'y magastos at gagahulin sa oras dahil ang
itinakdang panahon para sa pagsasagawa ng papel-pananaliksik ay isang semestre
lamang.

B. Ang media ay nakaangkla sa mga pagbabagong nagaganap sa lipunan.


Maraming paksa ang iniaalingawngaw ng media kung kaya't napaka- interesante itong
pag-aralan. Sa katunayan, maraming mananaliksik ang nagsasagawa ng pag-aaral
hinggil sa mga palabas (teleserye at pelikula), mga babasahin (tabloid at broadsheet) at

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 11


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
iba pang mga paksa na napapanood at/o nababasa sa internet. Gayunpaman, kung ang
media ay isasama sa pamagat ng pamanahong papel, lubhang malawak ang paksa para
sa isang semestre. Ito'y dahil ang media ay hindi lamang tungkol sa mga palabas. Marami
itong klasipikasyon: Broadcast Media (teleserye, pelikula at iba pang palabas sa
telebisyon); Print Media (magasin, diyaryo at mga polyeto); at Digital Media (mga website
sa internet). Kung hindi na iilan lamang ang nagkamali ng kalkulasyon hinggil sa bagay na
ito.

C. Ang pagkakagamit ng salitang epekto ay hindi rin malinaw dahil hindi tinukoy
kung anong uri ito ng epekto (sikolohikal ba? pinansyal? pisikal? maapektuhan nito
(akademik performans, pakikipag-kapwa, kultura, atbp.)

Kung irerebisa ang pamagat ng paksa, mas mainam kung papalitan


ang terminong kabataan ng terminong mag-aaral. Sa gayon ay mas limitado ang paksa.
Banggitin din ang uri ng media at kung sa anong perspective sa panig ng mga mag-aaral
ang epektong nais pag-aralan. Ang pamagat ay magiging:

.
Sikolohikal na Epekto ng mga Koreanovela sa Pasulat at
Pasalitang Performans ng mga Mag-aaral ng Kursong
Sikolohiya, Seksyon 1A at 1B sa Kolehiyo ng San Luis, sa Taong
Akademiko 2018-2019

Ang sumusunod ang mga batayan sa paglilimita ng paksa ayon kina Bernales, et al.
(2012): panahon, edad, kasarian, perspektibo, lugar, propesyon o grupong kinabibilangan,
anyo o uri, partikular na halimbawa o kaso, at kumbinasyon ng dalawa o higit pang paksa.

Batayan ng Pangkalahatang Paksa Nilimitang Paksa


Paglilimita
Panahon Kasuotan ng mga Kasuotan ng mga Kababaihang
Kababaihang Pilipino Pilipino sa Panahon ng Komonwelth
Edad Mga Mang-aawit na Mga Batang Mang-aawit na Pilipino
Pilipino at ang (Edad 13-17) at ang HInaharap ng
Hinaharap ng Musikang Musikang Popular sa Pilipinas
Popular sa Pilipinas
Kasarian Mga Suliranin ng mga Mga Suliranin ng mga Kababaihan ng
Katutubong Minorya mga Katutubong Minorya
Perspektibo Epekkto ng Epekto ng Globalisasyon sa Espiritwal
Globalisasyon sa na Pamumuhay ng mga Pilipino.
Lipunang Pilipino
Lugar Mga Naiibang Mga Naiibang Tradisyong
Tradisyong Pangkapistahan sa Malolos, Bulacan
Pangkapistahan sa
Katagalugan
Propesyon o Grupong Pag-aaral ng Wika ng Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang
Kinabibilangan mga Bakla Patriotista

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 12


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Anyo o Uri Persepsyon sa Persepsyon sa Kababaihan sa


Kababaihan sa Larangan ng Panulaang Ilokano
Larangan ng Panitikang
Ilokano
Partikular na Epektong Kultural ng Epektong Kultural ng Turismo sa
Halimbawa o Kaso Turismo sa Pilipinas Pilipinas: Kaso ng mga Ifugao sa
Turismo
Kumbinasyon Atityud ng mga a. Preperensya ng mga
a. Perspektibo Estudyante sa mga Estudyante
b. Uri Programang Kultura b. Preperensya ng mga
c. Lugar Estudyanteng nasa Unang
d. Anyo Taon
c. Preperensya ng mga
Estudyanteng nasa Unang
Taon sa The Nations Teacher’s
College
d. Preperensya ng mga
Estudyanteng nasa Unang
Taon sa The Nations Teacher’s
College sa mga Dulang
Panteatro sa Kampus
Kinuha sa:
https://www.slideshare.net/AngieAlmagro/paksang-pampananaliksik-89087103

Pansariling Pagtataya #3 (SAQ). Bakit kinakailangang maging limitado ang


paksa sa isang pananaliksik?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Tingnan natin kung tama ang iyong sagot…

Kung ang sagot mo ay: Dapat limitado ang paksa sapagkat nagiging suliranin ito
dahil hindi tiyak ang kabuoan ng nais pag-aralan kung hindi espisipiko ang paksa,
Tama ang iyong sagot, kung hindi ay basahin ulit ang araling limitado vs.
masaklaw na paksa ng pananaliksik.

Upang mas lalo pang maintindihan ang tungkol sa paksa ng pananaliksik ay pumunta
lang sa mga link sa ibaba.

https://www.youtube.com/watch?v=Qx_bEY2kuDU
https://www.youtube.com/watch?v=RKYeQPcw93Q
https://www.youtube.com/watch?v=wrT43GSjlMY
https://www.pinoynewbie.com/pagpili-ng-paksa-paggawa-ng-pamagat-pananaliksik/

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 13


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

Pagtataya

I. Panuto: Kompletuhin ang talahanayan sa pamamagitan ng pagbibigay


ng nilimitang paksa batay sa mga naibigay na batayan sa paglilimita ng
paksa.

Batayan ng Pangkalahatang Nilimitang Paksa


Paglilimita Paksa
Panahon Estratehiya ng mga Mag-
aaral

Edad Epekto ng Labis na


Paggamit ng Gadyet
Perspektibo Epekto ng Cyber Bullying
sa mga kabataang
biktima
Lugar Epekto ng Covid 19 sa mga
Mag-aaral
Propesyon o Grupong Mga Terminolohiyang
Kinabibilangan madalas na ginagamit sa
Komunikasyon
Anyo o Uri Paggamit ng mga Ilokano
ng teknolohiyang
pangkomunikasyon

Partikular na Epektong pangkaligirang


Halimbawa o Kaso turismo Pilipinas

Kumbinasyon Epekto ng Pandemya


e. Perspektibo
f. Uri
g. Lugar
h. Anyo

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 14


Fil 02 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina

II. Pagbuo. Umisip ng isang paksa na nais mong pag-aralan sa hinaharap at


bumuo ng isang pamagat ng pananaliksik ukol dito.

Paksa

Lugar o Lokasyon

Mga Tagatugo

Panahon

Pamagat na nabuo:

Talasanggunian

Mga Nailimbag

Austero, C. (1999). Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Valenzuela City: Mutya


Publishing House
Martinez, M.C., et. al. (2019). Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Bulacan: St. Andrew
Publishing House

Elektroniko

https://www.slideshare.net/AngieAlmagro/paksang-pampananaliksik-89087103

Northern Christian College- Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro| 15

You might also like