You are on page 1of 1

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matuklasan ang Epekto ng Pagpupuyat sa Kalusugang

Pangkaisipin ng mga Piling Mag-aaral ng Ika-11 Baitang ng Humanities and Social Sciences ng
Garcia College of Technology Inc. Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay nanggaling sa ika-
11 baitang sa strand na HUMSS sa akadimikong taon 2022-2023. Batay sa kinabuuang
populasyon na pitompu’t pitong (77) mag-aaral sa strand na HUMSS, ang nakuhang sample size
ay animnapu’t lima (64). Ang ginamit na paraan ng mga mananaliksik ay deskriptibo sa
paglalahad ng mga datos at gumamit ng sarbey o talatanungan upang mabilisang makalap ang
mga impormasyon at datos na kinakailngan sa mga tagatugon.
Ang mga tagatugon ay napili sa pamamagitn ng multi-stage sampling na binubuo ng Stratified
Random Sampling at Systematic Random Sampling. Ang mga datos na nakalap ay
pinapangalagaan ng mga mananaliksik at isinalin sa Microscope Word upang ipagpatuloy ang
interpretasyon gamit ang laptop.
Ipinapakita sa pag-aaral na mas marami ang mga tagatugon na ang kasarian ay babae mula sa
lahat ng seksiyon ng strand na HUMSS. Makikita din sa pag-aaral na karamihan halos sa mga
tagatugon ay apektado ng pagpupuyat sa kanilang pag-aaral. Karamihan sa mga problemang
kanilang nararanasan ay dahil sa paglalaan ng oras sa mga bagay-bagay na di gaanong
importante at ipinagliban ang kanilng importanting gawain. Ang pangunahing solusyon naman
ng mga ika-11 baitang ay time management o paglalaan ng oras sa mga gawain at laging bigyan
ng oras ang mga bagay na pinakaimportante sa kanilang mga sitwasyon. Kahit pa karamihan ss
epekto ng pagpupuyat ay negatibo at nakakahadlang sa pagtulog at pag-aaral ng mga mag-aaral
ay maari rin itong magkaroon ng positibong epekto katulad nalang ng motibasyon upang
maitama nila ang paggamit ng kanilang oras at maisaayos ang kanilang iskedyul ng oras upang
mabilis nilang matapos ang kanilang mga gawain at makapagpahinga at maiwasan ang
pagpupuyat.

You might also like