You are on page 1of 625

*MCB2* Chasing my Contract Girlfriend

by longlostwriter

All Rights Reserved 2013 {longlostwriter} I'll chase you even if forever comes if
that's what it takes to be with you again.

=================

*MCB2* Chasing my Contract Girlfriend

Watch the movie trailer at the right side---->

Story Started: 09/23/13

Story Ended :12/08/14

Prologue:

Choosing is not easy. It's either you'll be happy or not.

I was given a chance to choose. Choose between the girl I wanted and the girl I
liked. I chose to live with the girl I want and leave the girl I like.

I thought choosing her would be a great idea. Could make my life complete but I was
wrong. I feel incomplete whenever she's not with me.

Those memories we've shared that I really want to bring back, but can I?

I left her like a shirt that I don't want to wear anymore.

Our relationship is like a phone that I ended up and leave her hanging.

I didn't think what will happen to me. With us. I never thought that someday, I'd
realized, that the one I gave up is the one that my heart really desires.

She once said to me that she wants me to listen to my heart. To what my heart
speaking. I became a deaf. I didn't heard that she is the one my heart's screaming.
How can I be so numb?

Now that I am awake. I want her back. Now that I can see the truth between lies,
I'll make her mine again. I'll make sure that I will be the man she will love
again.
I know there are lots of people who are mad because of what I did but I can’t blame
them. I really made a wrong decision.

So I’m here. I’m back again. I’ll make her mine again.

But how can I do that, if she's happy with someone else? Damn, I don't care. I just
want her back. I need her really bad.

1 year being away from you is enough to realize all things I've done and wasted.
Magbabalik na ko. Babalik ako para sa'yo.

Eliza, I'll be the man you will love forever. I can't be wrong this time. Not this
time again. You will be my girl, for real.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Hope you enjoyed reading the prologue and watching the video trailer :)

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB (click external link for
you to be able to see it) --->

Follow me in twitter and tweet me @longlostwriter

INFINITE

Ms. Kim

=================

[1] One Year.

[1] One Year

Lumabas ako ng kwarto at bumaba agad ng hagdan dahil sa kapatid kong walang
tigil sa pagtawag sa akin. Kamuntik pa kong madulas dahil sa 3 inches na heels na
ipinasuot sa akin.

"Ate!"inalalayan ako ng kapatid kong bumaba ng hagdan nang makita niya ko.
Tinanong koi to kung nasaan ang date ko.

"Nasa labas na, Ate. Naiinip na nga ata maghintay sa'yo. Iiwan ka na daw niya."

"As if he can, kidding. Ano, maiwan ka na namin?"tumango ang kapatid ko at


niyakap ako.

"Nasabi ko na bang ang ganda mo ngayon?"I smiled.

"Thank you, bunso. Gwapo ng kapatid ko. Sige na, see you later. Puntahan ko na
'yung halimaw baka iwan ako."kinindatan ko ang kapatid ko at lumabas na ng bahay.

Napansin ko kaagad ang kulay asul niyang sasakyan. Nakasandal siya doon at
nakapamulsa ang isang kamay. Tumayo ito ng mabuti nang makita ako. Agad itong
ngumiti at ganoon din naman ako.

"Pinaghintay mo ko."sabi nito habang pinagbubuksan ako ng pintuan ng sasakyan.


Hinintay ko siyang makapasok bago ako sumagot.

"I'm sorry. Pinag-isipan ko pa kasi kung itutuloy ko pa ang pagsusuot nitong


dress na gusto nilang suotin ko."tumingin ako sa kanya pero nakita ko lang na giliw
na giliw siyang mag-text.

"KL, who are you texting?"I asked him.


"A girl I've just met."sagot nito. Hahampasin ko sana siya kaso biglang nag-
vibrate ang phone ko. Nakasimangot kong tinignan ang phone ko.

From: KL

Hi JL, nice to meet you my beautiful date for tonight. ;)

Hinampas ko pa din siya kahit hindi mawala ang ngiti ko sa nabasa ko.

"Para saan iyon?"sabi nito habang nakahawak sa brasong hinampas ko.

"For making me jealous."

"Para namang kaya kong gawin sa iyo ang naiisip mo."hinawakan niya ang kamay ko
at pinisil ito.

Pagkadating namin sa Morgan ay nakita agad namin ang barkada.

Morgan College is celebrating its 23rd founding anniversary. Kaninang umaga, we


had an outreach program pero ngayong gabi, parang mini ball para sa mga students
dahil sa pag-participate sa program.

"So you are with Kiejan again huh?"rinig kong sabi ni Zac. Ngumiti na lang ako.
Lagi namang si Kiejan ang kasama ko, di pa ba sila sanay?
Almost one year na kaming magkasama hindi pa din ba sila makapaniwala?

"We're here!"lahat kami tumingin sa dalawang tao na kararating lang at lumapit


sa amin.

"Mukhang bati na ah."napahawak sa batok si Kuya Jop at si Yhanna naman parang


kinikilig pa. 'Tong dalawa na ito parang mga bata.

Umupo sa tabi ko si Yhanna at sa tabi naman niya si Kuya.

"I've heard there were new students."sabi ni Mich. Pwede pa bang magkaroon ng
bago?

"September na ah. Pwede ba 'yun sa MC na tumanggap ng late enrollees?"tanong ni


Kiejan. Daldal ng mga 'to. Gusto ko ng kumain.

"Pwede naman basta mapasa nila yung exams."

"Guys, kuha lang akong pagkain. Nagugutom na talaga ako."tumayo na ako. Tumayo
din si Kiejan dahil sasamahan daw niya ko. Sasamahan daw pero nagugutom din siya
panigurado.
Kumuha kami ng plate at nanguha ng kanya-kanyang pagkain. Hindi pa kami kumakain
simula kaninang 2pm dahil sa napakadaming inaasikaso.

Teka, nasaan 'yung chocolate? Pinagmasdan ko ang kabuuan ng table pero wala
akong makita. Gusto ko pa naman ng chocolate.

Aalis na sana ako ngunit may nakaharang sa harap ko. Nakamaskara ito na tanging
mata at bibig lang nakikita ko at nakatingin siya sa akin. Makahulugan itong
nakatingin sa akin. Sigurado akong nakatingin siya sa akin dahil ako lang naman ang
malapit sa kanya.

Ikinagulat ko nang inabot niya sa akin ang hawak niyang plate na may mga
chocolates. Hindi ko sana aabutin ito kung hindi lang niya kinuha ang kamay ko at
ipinahawak ang plate.

"Thank you."ngumiti lang siya sa akin. Ba't ganun, biglang bumilis tibok ng puso
ko nung ngumiti siya? Parang...

"Jan!"parang may maingay. Humarap naman ako sa tumawag sa akin kaya nasa likod
ko na yung nakamaskara.

"Oh bakit na naman?"humarap ako sa kanya.

"Pangit ka din. Joke. Sino bang kausap mo dyan?"yung sinabi kong bakit ginawa
niyang pangit? Ang epal promise.

"Ha? Si hindi ko alam."tumingin ulit ako sa likod at tatanungin sana yung


pangalan ang kaso,"Nasaan na 'yun?"

"Sino? Don't tell me kumuha lang tayo ng pagkain pinagpalit mo na ko?"nagpout pa


siya. Parang bata 'tong si Kiejan.

"Shut up. Tara na nga lalo lang akong nagugutom sa'yo! Hahaha!"tumango siya at
bumalik na kami sa table. Kumain lang kami ng kumain na parang bata. Ang kulit ba
naman. Kinakain ko yung chocolate tapos inagaw? Bastos na bata. Hahaha!

xx

Good evening to you all. Thank you for celebrating with us the 23rd Founding
Anniversary of Morgan College. And also we would like to thank you again for
helping us to raise our funds for our charity. Enjoy the party and have a great
night everyone."speech ng Mommy ni Mich. Lahat kami nakikinig lang sa speech ng
mommy niya. Syempre naman may-ari ng MC 'yan kaya dapat respetuhin.

"And before anything else, someone will sing a song for as tonight. Let's give
him a round of applause."sabi naman ni Mr. Morgan. Nagpalakpakan kami at kasabay
nito ang pagpatay ng ilaw. May spotlight na bumukas at nakafocus lang sa lalaking
nasa stage na may hawak na gitara. Naka-mask siya. Siya yung nagbigay ng chocolate
sa akin.

"Nice one..."rinig kong sabi ni Zac.

I'm all alone

Holding on to memories while you're moving on

Let me take you back to when we first said goodbye


Cuz I need you~

That voice. It seems familiar. Kilalang singer ba ito na napakinggan ko na dati?

Why do I feel so tense?

I try because all that I can do is hope that loves enough

To pull you close enough to hold you, I'll close my eyes

And I see you~

Sa direksyon namin nakapaling ang ulo niya. Ramdam ko din ang mga mata niya na
nakatingin sa kung saan ako nakaupo. Hindi, nakatingin siya sa akin. Oo, tama sa
akin siya nakatingin. Kitang-kita ko lalo na't malapit kami sa stage kung saan siya
nag-peperform.

Pero, bakit sa akin siya nakatingin?

Even when the sky falls and I've lost it all I know I will find you there

Even when my heart stops I'll keep looking 'cause I know I will find you there~

Bakit ganito? Hindi mawala-wala ang titig niya rito. At bakit ganito ang
nararamdaman ko? Bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko? Bakit kinikilabutan ako sa
bawat mensahe ng kanta? Bakit ang pakiramdam ko ay inaalay niya sa akin ang kanta?
It feels like this song haunts the inside of me.
You know I will find you I'll find you I will find you there

You know I will find you I'll find you I will find you there~

Nang tumitig ako sa mata niya, naramdaman ko. Nakilala ko. Naalala ko.

So tell me why

Why you want a world between us

Let me try I know you know this time I mean it

Say you still care and you need me~

For a year, pinilit kong kalimutan ang pakiramdam na ito. That feeling of pain
and regrets at the same time.

So where'd you go

Something in your voice that says you're not alone

Do you remember when I said I'd always be there

Believe me~

Yung mensahe ng kanta ang nagbalik ng lahat ng sakit. Dahil lang sa kantang ito
at sa naririnig ko, naibalik lahat ng pait ng nakaraan.
Even when the sky falls and I've lost it all I know I will find you there

Even when my heart stops I'll keep looking cuz I know I will find you there~

For a year, I've decided to move on. Kalimutan ang nangyari dati. Ang magsimula
ulit kasama ng mga taong nanatili sa tabi ko.

You know I will find you I'll find you I will find you there

You know I will find you I'll find you I will find you there~

I closed my eyes and wished that I will forget this feeling.

We're timeless, we're fearless, we're always gone, we're brilliant, we're broken

We're burned and on~

Naramdaman ko ang kamay ni Kiejan sa kamay ko. Tinignan ko siya. He is also


looking at me with a worried face. I mouthed the words "I'm okay."

Even when the sky falls and I've lost it all I know I will find you there

Even when my heart stops I'll keep looking cuz I know I will find you there~
Inilipat ko ulit ang tingin ko sa lalaking kumakanta. Nakatingin pa rin siya sa
akin. Bakit nakakaramdam na din ako ng lungkot?

You know I will find you I'll find you I will find you there

You know I will find you I'll find you I will find you there~

Mga ilang segundo ay natapos na ang kanta pero hindi pa rin naaalis ang tingin
niya sa akin.

"I'm still trapped and I want you to know that I'm back and will make
everything right."my heart skipped a beat. Now I know.

That voice. Those eyes. That man.

He's back after a year.

=================

[2] The reason why he's back.

[2] The reason why he's back.

Ang mga bagay na ayaw mong makaharap o maalala kahit anong gawin mo,babalik at
babalik para guluhin ka.

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Kiejan sa kamay ko. I can't take my eyes off
from the man looking at me from afar.
I should stop looking at him but my eyes are glued in his eyes. It feels like
I'm hypnotize by him.

"Jan, ayos ka lang ba?"pinisil ni Kiejan ang kamay ko. Pinilit kong tumingin kay
Kiejan. Nginitian ko siya.

"I'm okay." I have nothing to worry about because I know that Kiejan will never
leave me. He will stay by my side. And I can rely on him. I can because I know he
will never leave me.

"D'you want to take a walk for a minute?"halata sa mukha ni Kiejan ang labis na
pag-aalala sa akin.

"Don't worry too much, KL. I told you I'm okay. Just... just stay here with
me."tumango ito at ngumiti sa akin.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. He's still wearing his mask. A part of me
wanted to see his face. Marami na ding nagsisigawan na alisin na ang maskara niya.
Nagbigay lamang ito ng isang ngiti at unti-unting tinanggal ang kanyang maskara.

"Do you still remember, Nathan Nui Lee?"sabi ni Mrs. Morgan. Maraming naghiyawan
ng oo.

Do I still remember him? Of course. Hindi ko naman siya malilimutan. Hindi siya
madaling kalimutan.

"Thank you for that wonderful song, Mr. Lee. Now, let's start this party!"

"Jan, isasayaw ko muna si Mich. Maiwan muna namin kayo."ngumiti ako at tumango.
Nililigawan ni Marco si Mich. Hindi namin naisip na nasa ganitong stage pala ang
dalawa. Masyado kasi silang malihim sa isa't isa.

There are no signs of him. Mula nang matapos ang performance niya at magsimula
na ang sayawan ng lahat, nawala na din agad siya. Inaya din akong sumayaw ni
Kiejan at hindi naman ako tumanggi. Pagkatapos akong isayaw ni Kiejan, isinayaw din
ako ni Jin, Kuya Jop, at nila Ren.

Nakaramdam na ko ng sakit ng paa nang pangatlong ulit na namin ng sayaw ni


Kiejan kaya nag-aya na kong umupo. Nagkwentuhan na lang kaming dalawa tungkol sa
mga pinagkaabalahan naming noong mga nakaraang araw.

"Kami na mauna ni Marco ha? Ibinigay ko na kay Yhanna 'yung susi ng apartment.
Sa bahay ako matutulog ngayon dahil request ni Mommy."tumango ako at nagpaalam na
sa kanila.

Pinagbuksan na ko ni Kiejan ng pintuan ng kotse dahil kami na lang ang natitira


ditto. Nauna na ang lahat ng kaibigan namin.

"KL, restroom lang ako saglit. Di ko na 'to kayang tiisin hanggang bahay."tumawa
si Kiejan sa akin. Hinampas ko siya ng pouch ko na lalong naging dahilan para
matawa pa siya lalo.

"Samahan kita gusto mo?"hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o seryoso talaga
siya sa sinasabi niya.

"Nagpapatawa ka ba, KL."nakataas pa ang kilay ko habang sinasabi koi to sa


kanya. Itinaboy naman niya ako. Inirapan ko na lang siya at sinabing hindi naman
ako magtatagal.

Pumunta ako sa pinakamalapit na comfort room sa parking lot. Pagkatapos kong


mag-ayos ng sarili lumabas na din naman ako ng cr at naglakad pabalik sa parking
lot.

Habang naglalakad ako, naalala ko ang tissue ko na ginamit ko kanina. Nalimutan


ko atang ibalik sa pouch 'yung tissue na hindi ko ginamit. Kinalkal ko ang pouch
habang naglalakad.

"AY!"dahil may nabunggo ako, nahulog ang mga laman ng pouch ko. Kinuha ko agad
ang phone ko at tiningnan kung hindi nabasag o nasira. Nakahinga ako ng maluwag
nang makitang nasa ayos pa naman ang phone ko.

"I'm sorry, hindi ako tumitingin sa daan."hindi ako tumingin sa lalaking


nakabungguan ko. Yumuko ako at kinuha ang mga nahulog kong gamit at inilagay sa
pouch ko. Hindi kasi ako nag-iingat.

Yumuko din ang lalaki at tinulungan ako sa pagkuha. Nang tingnan ko siya,
napahinto ako sa pagpupulot ng mga gamit ko. Ni hindi ko alam kung anong gagawin
ko.

Kapag nga naman minamalas ka! Siya pa ang binunggo!

Tumayo na agad ako nang maayos ko na ang mga gamit ko.

"S-Sorry ulit."hindi ito sumagot at nakatingin lang siya sa akin na parang


hanggang ngayon ay gulat sa mga nangyayari. Naglakad na ako at nilagpasan na siya.

N A T H A N
She is still the same person I've loved before. And it's funny that she's
craving for chocolates until now.

But hell to earth, Nathan Nui. You had all the chances in the world but still
you can't confront her. Where are your balls, man? It's 11pm and I think she
already went home with that bastard. Maybe this is not the right time.

Or maybe this is really the right time.

"AY!"I was so shocked na hindi ko nagawang makapagreact sa nangyari.

Hindi niya ako napansin dahil busy siya sa pagtingin sa phone niya kung nasa
ayos pa ba. God, I really miss her.

"I'm sorry, hindi ako tumitingin sa daan."hindi pa din siya tumitingin sa akin.
Yumuko siya at kinuha ang mga gamit niya. Tinulungan ko siya sa pagkuha kahit na sa
kanya ako nakatingin. I want to hug her. Nagulat ako nang tumingin siya sa akin.
Gulat na gulat siya sa pagkakakita sa akin. Inayos niya agad ang gamit niya at
tumayo na.

"S-Sorry ulit."naglakad na siya at nilagpasan ako.

Man, speak up!

"Hey."hinawakan ko ang kamay niya para huminto siya sa paglalakad. Humarap siya
sa akin. I was stunned by her reaction. She's smiling at me.

"Sorry, Nathan. Nagmamadali kasi ako."pero hindi ko pa din binitawan ang kamay
niya.

"Eliza, can we talk for a minute?"tumingin siya sa may parking lot at ibinalik
sa akin ang tingin.

"Okay. Tungkol ba saan?"

"Uhhh. I'm sorry."kumunot ang noo nito at saglit na tumawa.

"Don't be. Ano ka ba, ako ang may kasalanan. May hinahanap kasi ako sa pouch
kaya nagkabungguan tayo."

"No, it's not about that, Eliza. I'm sorry about what happened before."hindi
siya nagsalita kaya ako na lang ang nagsalita.
"Look, I'm sorry that I left you. I'm sorry for being an asshole back then. But
please, Eliza. Please give me another chance to prove myself to you."inalis niya
ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Disbelief is written in her face.

"Nathan stop. Baka may makarinig sa sinasabi mo at sabihin pa kay Sofia." I


brushed my hair. This is really hard.

"We're over. Sofia and I are over, okay? Tha day she left Morgan College, we're
already done. She's out of the picture." Umiwas siya ng tingin sa akin.

"Nathan, you had your chance but you waste it. The moment you became my contract
boyfriend, I already gave you the chance. But I'm not mad. I already find my
happiness. Masaya na ko ngayon kahit wala ka na." Damn, how can she say those words
worse than I thought?

"You're happy but I'm trapped. Eliza you'll be happier if you let me love you
again." umiling siya at ngumiti.

"Move on, Nathan. Do it and you'll see."

"No! That's not true. Eliza..." I was about to tell her that I love her when
someone grabbed me by my collar. It was that bastard.

"Jan, ayos ka lang ba? May ginawa ba siya sa'yo?"

"YOU!" he was about to hit me but Eliza grabbed his hand.

"Stop it Kiejan. Nag-uusap lang kami."he again faced me with his dark aura.

"Bakit ka pa ba bumalik?" he said. I smirked and faced him also with same
intensity.

"Why?" tinignan ko si Eliza and continued what I'm saying. "Coz I'm madly inlove
with her."

=================

[3] Late Enrollees.

[3] Late Enrollees.


"Kiejan?"tumingin siya sa akin. Kitang-kita ko ang dark aura niya. Simula nang
sunduin niyo sa apartment kanina, wala na siyang kibo. Pansin ko din na para siyang
hindi nakatulog dahil sa eyebags na halos tabunan na ang mata niya.

"Hmm?"

"Ayos ka lang ba talaga?" tumango siya at ngumiti sa akin. Huminto ako sa


paglalakad ditto sa hallway. Hinawakan ko ang braso niya at pilit pinapatingin sa
akin.

"May mali talaga sa'yo. Tara muna doon sa bench. Mag-usap tayo." hinila ko siya
papunta sa pinakamalapit na bench. Umupo kaming dalawa doon. 30 minutes pa naman
bago magsimula ang klase kaya may oras pa kami para mag-usap.

"Ano ba talagang problema mo? Galit ka ba sa akin?" umiling siya.

"Hindi ako galit sa'yo. Inaantok lang ako kaya ganito." Pero hindi ako naniniwala
sa sinabi niya.

"Tungkol ba 'to kagabi?" bumuntong-hininga siya. Sabi na nga ba. Iniisip pa din
niya ang tungkol doon.

"Hindi ba napag-usapan na natin ito kagabi? Ayos na ko." Sabi ko sa kanya.


Tumingin siya sa akin.
"Alam ko pero ako hindi ayos sa pagbabalik niya. Dapat hindi na siya bumalik.
Dapat tumira na lang siya kung saang lupalop man siya pumunta. Masaya na tayong
wala siya. Masaya n asana kaya dapat hindi siya bumalik." Halata sa kanya na
naiirita siya. Pinitik ko ang ilong niya kaya napahawak siya doon.

"Masaya na nga tayo, Kiejan. Masaya na tayo kaya hayaan mo na siya. Alam ko
namang babalik talaga siya. You just have to accept it. Hindi naman ako tatakbo at
babalik sa kanya na parang walang nangyari." Napangiti naman siya sa sinabi ko.
Nagflying kiss siya then tumakbo na sa room namin. Napakaloko talaga. Nalimutan ata
niya na magkaklase kami. Sinundan ko na lang siya.

Everyday kaming sabay pumasok at maglakad sa room dahil iisa lang ang building
ng accountancy at engineering at syempre dahil—

"Jan!" tumingin ako sa gilid ko at nakita si Zac na sumasabay na sa paglakad.

"Good morning."

"Good morning din Jan. Kamusta pag-uusap niyo ni Nate kahapon?"napakunot ang noo
ko. Napahinto pa ko sa paglalakad.

"Bakit alam mo?"nginitian niya lang ako at kumindat.

"Basta. Masaya ako na nagkausap na ko. Magkabati na sana ang paborito kong
couple. Bye!" hindi na ako nakapagsalita dahil tumakbo na agad siya sa room niya.

Hindi ko na inintindi pa ang sinabi ni Zac at pumasok na lang ako sa room ko.
"Jan good morning! Bakit naunang pumasok si Kiejan sa room?" pambungad ni Luke
pagkaupo ko sa upuan ko.

"Nako, inunahan ako. Bwiset 'yan eh. And nakasalubong ko kasi si Zac sa
labas."sabi ko. Agad naming sumulpot ang katabi kong si Kiejan.

"Anong sabi sa'yo?" tanong nito.

"Naggood morning lang." I lied. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na tungkol


kagabi ang pinag-usapan namin dahil kung anu-ano na naman ang iisipin niya.

"Ahhh. Mamaya daw pala walang klase dahil ipamimigay na nila yung perang nalikom
ng bawat students sa charity ng MC." kapag talaga free time si Kiejan ang nauuna.

"Eh bakit pa tayo pinapasok? Naman oh! Sana nakipagdate na lang ako!" binatukan
ni Luke si Ren. Nangangamoy playboy dito.

"Kaya tayo pinapasok para daw maiwasan mo ang pakikipagdate kung kani-kanino.
Hahaha!" binatukan din ni Ren si Luke. Magsakitan daw ba?

"Makapagsalita 'to akala mo naman siya hindi!"


"Bakit, sinabi ko bang hindi? Bopols ka din ano?" at ayun, nagsapakan ang
dalawa. Nasanay na talaga ako sa dalawang ito kaya hindi na namin sila pinigilan sa
pag-aaway. Hihinto din naman sila kapag napagod na.

"JL, ako hindi babaero." bulong sa akin ng katabi ko. Tumawa ako ng mahina.

"So what?" sabi ko gamit ang pang-asar na tono. Nagpout siya at kunwari
nagtatampo.

Dumating si Mrs. Dizon na nakangiti. Umayos ang mga kaklase ko at bumalik sa


kanya-kanyang upuan.

"Good morning, class! I will introduce to you our late enrollees." Tumingin siya
sa pintuan at may pinapasok.

Pumasok ang dalawang lalake at isang babae. Wait, why is he here?

"I'm Nate Lee." After he introduced himself, mga kinikilig ang mga kaklase ko.
May mga titig na titig pa nga sa kanya. Mukhang nawala na naman ang saya sa mukha
ni Kiejan.

"Hi there guys! I'm Janella Gonzaga call me Ella." boys are staring at her. No
wonder boys are looking at her. Sa ganda ba naman niya at sexy na katawan.

"Hello everyone especially those beautiful ladies in front of me. I'm Vancy Ron
Rosales also known as Van." mas lalong kinilig ang mga babae kong mga kaklase.
"JL, kinikilig ka ba?" bulong sa akin ng katabi ko. Sino pa nga ba?

"Why would I?" sagot ko. Lumapad naman ang ngiti ng loko.

"You may seat wherever you want transferees." naghanap sila ng pwedeng upuan. Si
Ella hinila si Nathan sa may likod. Si Van naman umupo sa kaliwa ko.

Van smiled at me. Grrr, creepy.

This will be a lot differ than last year.

=================

[4] Relationship Status.

[4] Relationship Status.

Sumakay na kami sa kotse ni Kiejan. Sumabay sa amin sina Mich at Marco.


Pupunta kasi kami sa bar ngayon pero dahil biglaan ang pagpunta namin, hindi
nagdala ng kotse si Marco.

Nang makadating na kami, kakaunti pa lang ang mga tao. 3:27 pa lang naman kasi.
Hindi pa talaga uwian. Maaga lang kaming pinauwi dahil wala naman kaming gagawin na
sa campus. After kasi ng second subject, wala ng klase.
"Nandito na sila." napunta sa amin ang tingin ng barkada. Umupo ako sa tabi ni
Yhanna. Si Kiejan naman umupo sa kabila ko.

"May hihintayin lang tayo bago tayo umorder." sabi ni Zac. Sino naman ang
hinihintay namin? Kumpleto na kami ah?

"Sino naman?" tanong ni Charles. Ngumiti lang si Zac at ibinaling ang tingin sa
akin. What was that? Parang kinabahan ako bigla sa pagtingin niya sa akin.

"Jan, kaklase mo daw si Nate?" tanong sa akin ni Mich. Tumango ako. Naikwento
siguro nila Ren.

"Nagulat nga ako. Business ad. ang course niya tapos napunta siya sa deparment
namin. Dapat ay kaklase niyo siya, right?"

"Oo nga. Nagulat nga din daw sila Marco. Wala naman daw kasi silang naging
balita kay Nate. Nagulat na nga lang daw sila na bumalik na siya."

"Hindi nila nakakausap?"tanong ko. Akala ko kasi tinatago lang nila sa akin para
maiwasan ko dati.

"Hindi nga din ako naniniwala dati eh. Kaso talagang wala daw silang alam. Ewan
ko lang kay Zac." Tama si Mich. Kahit ako nagtataka kay Zac kasi kung nawala si
Nathan dati, siya naman ang pilit na hindi pinapalimot sa akin si Nathan.

"Alam mo, nagtataka talaga ako kay Zac. Minsan kasi napakamisteryoso ng sinasabi
niya na para bang may alam siya."

"Alam saan?"

"Sa pagbalik ni Nathan."

"They're here!" umayos ako ng upo at tinignan ang mga paparating.

"Nathan!" nagsitayuan ang mga boys maliban kay Kiejan at lumapit kay Nathan. Iba
sa kanila nagmanly hug at yung iba naman nakipagbro fist.

"Care to introduce this beautiful lady?" sabi ni Charles. Gagawa pa ata ng moves
itong si Charles.

"Ella."

Ganoon pa din si Nathan. Cold as ever. Poker face.

"Sissy si Ex oh."ngumiti na lang ako. Hanggang ngayon ex pa rin talaga ang tawag
ni Yhanna kay Nathan tuwing pag-uusapan namin siya.

Umupo na ulit ang mga boys pati ang dalawang bagong dating. Nakaupo si Nathan sa
harap ko katabi yung Ella.
It's too awkward in my position. Nathan keeps on staring at me and it is kinda
awkward because even Ella is doing the same thing.

Bakit ba nakatingin sila sa akin?

Marco and Mich are hitting the dance floor with Yhanna and Kuya Jop while Ren,
Jin, Luke and Charles are looking for a chic. Nagiging playboy na din ata kapatid
ko ah.

Zac, Nathan, Ella, Kiejan at ako ay nakaupo pa din. Seriously, gusto ko ng


makawala dito.

"JL, sayaw tayo?" bulong ni Kiejan sa akin. Thank God! Makakaalis na din ako
dito. Tumango agad ako at tatayo sana kami kaso pinigilan kami ni Zac.

"San kayo pupunta?"

"Where are you going?" tanong din ni Nathan.

"Paki mo ba?" sagot naman ni Kiejan. Nakayukom na ang kamay ni Kiejan.


Nagpipigil na lang siya.

"I care for her not for you bastard. Where will you bring her?" sabi ni niya.
"Magsasayaw lang kami." Sabi ko.

"Jan, sayaw muna kayo ni Nate. Marami pa naman kayong time ni Kiejan magsayaw
mamaya." Sabi ni Zac sa akin. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak sa akin ni
Kiejan. Hindi siya payag sa sinasabi ni Zac.

"Ayoko eh." sumama ang tingin ni Nathan kay Kiejan. Halatang hindi niya
nagustuhan ang sinabi ni Kiejan.

"Woah, guys take it easy." sabi ni Marco. Nagsilapitan sila ng makitang nag-iiba
na ang aura sa pagitan naming dalawa. Guys, help me.

"Nate calm down." sabi ni Ella.

"Kiejan bakit ba buntot ka ng buntot kay Jan?" sabi ni Zac. Lalo lang pinapalala
ni Zac ang mga nangyayari. Lalo lamang humihigpit ang hawak sa akin ni Kiejan.
Kailangan kong mailayo si Kiejan dahil baka kapag nagtagal pa kami dito, baka
magkagulo.

"Zac, tama na." pagpipigil ni Mich.

"What? I'm just a curious friend." Pa-cool na sabi pa ni Zac. Nilagay ko ang
kanang kamay ko sa magkahawak naming kamay. Hudyat ito na pinapahinahon ko si
Kiejan.

"Jan bakit pinigilan mo siya? Alam ko naming galit na siya dahil sa pagtutulak
ko sa inyo ni Nate na magkabalikan." sabi ni Zac
"Tama na Zac." Sabi ko. Hindi makapaniwala si Zac sa akin.

"Bakit ba pinoprotektahan mo siya? Nandito na si Nate para sa'yo, Jan.


Pinagsisisihan na niya ang mga nagawa niya. Kayo ni Nate ang dapat Jan. Kaibigan mo
lang naman si Kiejan so please accept Nate again. Mahl na mahal ka niya." Pinigilan
ko si Kiejan nang maramdaman kong tatayo siya.

"Pre, tama na. 'Wag na tayong makigulo pa sa kanila."pag-aawat ni Marco. Kung


alam ko lang na may mangyayari ganito, sana hindi na kami sumama pa dito. Matagal
kong inayos ang buhay ko at ayoko na ng gulo. Sawang-sawa na ko sa gulo. Siguro ito
na ang tamang oras para malaman nila ang totoo.

"Kiejan is my boyfriend not my friend."

=================

[5] It's not a secret anymore.

Follow me in twitter and tweet me @longlostwriter

[5] It's not a secret anymore.

Lumabas kami ni Kiejan at pumunta sa kotse niya. Hinihingal akong umupo sa likod
ng kotse niya. Mabuti na lang talaga medyo tago ang pinagparadahan niya kaya wala
masyadong dumadaan dito.

Naramdaman ko ang kamay ni Kiejan na hinawakan ang kamay ko. Hinalikan niya ito.
Napangiti ako sa simpleng galaw na ginawa niya. Kahit papaano ay alam kong nawala
ang galit na nananalaytay ngayon sa isip niya. Alam ko na ang ginawa ko kanina ay
tama. Dapat nga matagal ko ng sinabi sa kanila na may relasyon kami ni Kiejan.
Dapat talaga hindi ko tinago.
"Sobrang saya ko, JL. Hindi ko inaasahan na sasabihin mo sa kanila."halata sa
boses niya na hindi niya mapigilan ang sayang nararamdaman niya. Naramdaman ko na
naman ang kakaibang sayang ibinibigay sa akin ni Kiejan.

"Sorry na pinili ko pang itago ang tungkol sa atin kahit na wala naman dapat
tayong ikatakot. Napa-lame lang na pinilit kitang itago natin ito dahil lang sa
takot ko na baka hindi nila matanggap." Inakbayan ako ni Kiejan at pinagpahinga ang
ulo ko sa balikat niya Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kamay niyang hindi
nakaakbay sa akin.

"Grabe, hindi ako makapaniwalang ginagawa natin ito ngayon."

"Ang alin?"

"Eto. Lahat 'to. Ang tagal kong pinangarap na hindi na natin itatago ito. Hirap
na hirap akong pigilan ang nararamdaman ko sa'yo. Hindi ko maitago sa sarili ko na
gusting-gusto kong ipagkalat na tayo na. Gustong-gusto kong malaman nila na
binigyan mo na ko ng pag-asa na maipakita ko sa'yo na kaya kong pasayahin
ka."pinisil ko ang kamay niya. Nagi-guilty ako sa paghihirap na ginawa ko kay sa
kanya. Kahit na hirap na hirap si Kiejan na itago ang relasyon namin ay ginawa pa
din niya dahil sinabi ko sa kanya.

"Alam mo, kanina napag-isip isip ko na kahit naman tumutol sila sa ating dalawa,
wala din naman silang mapapala dahil tayo din naman ang magdedesisyon para sa ating
dalawa. Masyado lang akong natakot. Natakot sa mga iisipin ng iba na hindi ko
naisip ang mararamdaman mo."hinalikan ako sa noo ni Kiejan at hindi na siya
nagsalita. Ito ang pinakagusto ko sa aming dalawa ni Kiejan. Nagagawa niyang mag-
provide ng nakaka-relax na katahimikan.

Napatakip ako sa mukha ko nang may maisip ako.


"Gosh, nakakahiya!" pagsigaw ko.

"Ang alin?"

"Grabe, ako ang nagsabi sa kanilang lahat! Sinigaw ko pa KL! Nakakahiya. Paano
na lang tayo babalik doon?"pinagtawanan naman ako ni Kiejan. Ngayon ko lang naisip
lahat ng mga pinaggagawa ko. IH7 nga pala ang kausap ko at nandoon din sila Yhanna
at Mich at nandoon din ang kapatid ko. Ano na lang ang sasabihin nila sa akin.

"Sige lang tawanan mo lang ako."lalo naman siyang tumawa na dahilan para lalo
kong itago ang mukha ko sa mga palad ko.

"Nakakatuwa ka kasi. Ang cute-cute mo kapag nahihiya ka." Inirapan ko siya na


hindi ko alam kung napansin ba niya dahil nakatakip ang mukha ko.

"Inaantok ako KL." mahinang saad ko.

"Sleep my JL. Akong bahala sa'yo. Babantayan kita." and with that, nakatulog na
ko.

"JL, JL, gising na sleepy head."minulat ko na ang mga mata ko. Anong oras na?
Bakit madilim na?

"Grabe ka matulog! 7 pm na! Nilipat na nga kita dito sa loob ng sasakyan tapos
ang himbing pa din ng tulog mo. Lumabas na ko ng sasakyan at ganoon din siya.
Hinampas ko siya sa braso niya habang naglalakad kami pabalik sa bar. Napahinto
kami sa may entrance ng bar. Bigla na lang niya kong niyakap. Ang PDA naman namin!
Ano ba naman 'yan!

"Love na love na talaga kita JL." yakap yakap niya pa rin ako. Ang daming
nakatingin sa amin. Nasa harap kaya kami ng bar!

"KL, nahihiya na ko. Bitaw na! Ang dami ng tao."mas lalo niyang hinigpitan ang
pagkakayakap sa akin. Nag-eenjoy siya na nahihiya ako! Bwiset 'tong lalaking ito!

"Inggit lang sila. Tagal kong hinintay mayakap ka in public kaya pagbigyan mo
na ko!"napailing na lang ako. Bwiset, kinonsenya pa ko. Hinayaan ko na lang siyang
yakapin niya ko. Tinago ko na lang ang mukha ko sa isang kamay ko sa tuwing may
dumadaan. Naririnig ko naman ang mahihina niyang tawa. Natutuwa talaga siya sa
nangyayari!

"Tara punta na tayo sa loob. Masyado na tayong nagsosolo."hinawakan niya ang


kamay ko at bumalik na kami sa loob.

It feels good that we don't need to hide our relationship. Wala na kaming dapat
pang itago. Hindi na kailangan pang maghirap ni Kiejan sa pagtatago.

Pero mamaya nasa hot seat kaming dalawa dahil sa barkada. Paniguradong gigisain
kaming dalawa sa mga tanong.

=================

[6] JanJan couple and moving on.

[6] JanJan couple and moving on.


(WHO WANTS A DEDICATION? LONGEST COMMENT WINS!)

Follow me in twitter and tweet me @longlostwriter

Nathan:

"Sht, sht, sht, sht!! Really piece of a sht!"can't stop my mouth 'coz I can't
accept that she's in a relationsh-t with that bastard! How come? Zac didn't
mentioned it to me. I thought she's still single. Zac didn't know about this also.
They've been hiding this? For how long?

Many things are keep on popping in my head.

Is she already in love with him?

Is she really moved on?

What happenned for a year that I was gone? The real one.

I want to know everything! Every little things about her! About them!

"Nate calm down!"Ella said.

"How can I calm down? Tell me! How can I calm down if she's with him!"

"Hay nako, why don't you just give up already? She's done with you!"I'm about to
slap the table but Zac stopped me.
"Talk to your friend! He's getting to my nerves! Ugh!"she left me with Zac. He sits
beside me and patted my back.

"Sorry dude, hindi ko alam na sila na pala. No one knows I think."

"Even Mich and Yhanna?"I asked.

"Yeah even them based on what I've seen on their reactions."he take a sipped from
his bottle."Are you giving up?"

I smirked and take a sipped on my bottle also.

"Giving up? Not really. Simula pa lang ito."

"That's my bro. Oops, they're here. Anong balak mo?"hindi ko na sinagot pa ang
tanong ni Zac. Pumunta na lang ako sa vip room kung saan nandoon ang barkada and
especially her.

They're looking at me as I sit at the same chair I've seated awhile ago.

Zac sitted beside me. I looked at Eliza. She's talking to that bastard.
Jan:

"Sissy may sikreto ka na! Madaya ka!"nagpout pa si Yhanna sa akin pagkaupo namin ni
Kiejan. Pinalibutan pa kami kahit si Nathan. Nandito kami ngayon sa VIP room para
hindi masyadong maingay.

"Ate! Noona bakit hindi niyo sinabi sa akin? Si Kuya Jop alam ba?"sabi din ni Jin.
Halatang nagtatampo din siya.

"Hindi ko din alam! Ganyanan eh! Nalilimutan ang kapatid kapag nagdadalaga!"tumawa
naman 'tong si Kiejan. Sige lang tawa ka lang.

"Jan bakit ba tinago niyo?"sabi naman ni Mich. Eto na ba ang hot seat?

"Ako talaga ang dahilan kung bakit tinago namin ang tungkol sa amin. Gusto ko
kasing ma-enjoy namin ang 2 months na kami lang ang nakakaalam. Quiet type ng
relationship. Less worries and less rumors." bigla naman sumigaw si Yhanna ng
"Whaaaaaat?!" buti na lang nasa VIP room kami kundi nagsitinginan na lahat ng tao
sa lakas ng sigaw ni Yhanna.

"2 months ng kayo? It means na kayo na nung July? July or August?"sabi ni Luke.

"August 1 to be exact."si Kiejan na ang sumagot. Akala ko mananahimik na lang siya


at paglalaruan ang kamay ko.
"August 1? Tss. Unlucky day."rinig kong sabi ni Nathan. Napahinto sa paglalaro ng
kamay ko si Kiejan.

"Uuuhhh..... so August 1 pala? Paano naging kayo? At paano kayo nagcecelebrate ng


monthsary niyo?"tanong ni Mich. Buti na lang nagtanong siya. Natanggal tuloy ang
tensyon kay Kiejan at Nathan.

Paano naging kami? Paano nga ba?

Flashback:

July 31

I hate it! It's been a year pero ang sakit pa din.

Bakit ba nasasaktan pa din ako? Jan be happy naman!

Pinunasan ko ang mga luha na patuloy sa pagpatak mula sa mga mata ko pero para
atang gripo, hindi maubos-ubos.

"Jan, uwi na tayo?"hindi ako nagresponse sa sinabi ng katabi ko. Nandito kami sa
dagat kung saan dinala niya ko dati.

Natatanaw ko mula dito yung lugar kung saan sinabi sa akin ng taong mahal ko na
gusto niya ako. Pero dahil nga gusto lang niya ako at mahal niya ang ibang babae,
iniwan niya ako.
Nathan nasaan ka kaya? Bakit bigla kang nawala? Kahit ang IH7 hindi alam kung
nasaan ka. O alam nila?

Masaya ka kaya sa piling ni Sofia? Haay, of course you are. You're in love with
her.

Sumasakit na naman ang puso ko. Nadurog na naman ata.

"Jan, please naman kausapin mo ko. Jan please lang."hinawakan ni Kiejan ang
magkabilang balikat ko at marahan akong pinaharap sa kanya. Pilit niyang
pinupunasan ang pisngi ko na basang-basa nang dahil sa pag-iyak ko.

Ngayon ko lang napansin, bakit mugto ang mata ni Kiejan? Umiyak ba siya?

"U-umiyak ka?"tinanong ko sa kanya pero umiwas lang siya ng tingin."B-bakit ka


umiyak?"

"Kasi nasasaktan pa rin ang babaeng mahal ko. Umiiyak nga siya ngayon eh."natulala
ako sa sinabi niya. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman at mahalata na ako
ang babaeng 'yun.

Bakit ba hindi na lang siya ang mahalin ko? Siya ang nakasama ko mula nang araw na
nasasaktan ako. Kahit pinagtutulakan ko na siya palayo, lapit parin siya ng lapit
at tinutulungan akong maging masaya.
Kahit sinasabihan ko na siya ng mga masasakit na salita, hindi pa rin siya
tumitigil sa pagtulong sa akin para magmove on. Kahit nga sinasabi ko sa kanya na
si Nathan ang mahal ko at hindi siya, pilit pa rin niyang sinasabi na matututunan
ko din siyang mahalin. Pero 1 year na ang nakakalipas, si Nathan pa din ang mahal
ko.

"Jan gusto kitang tulungan makalimot."

"Pero tinutulungan mo na ako."umiling siya at tinignan akong mabuti sa mga mata ko.

"Hindi pa. Pwede bang maging tayo? Baka sa ganoon na paraan makalimutan mo
siya."nagkaroon ng mahabang katahimikan sa pagitan namin.

Solusyon nga ba ang maging kami para sumaya ako at tuluyang makalimot?

Maibabaling ko ba talaga sa kanya ang buong atensyon ko?

"Yes."nanlaki ang mata niya.

"A-anong yes?"

"Pumapayag na ko. Siguro nga in that way makakapagmove on ako."may tubig na tumulo
mula sa mga mata niya. Umiiyak siya! Tatanungin ko na sana siya pero bigla niya
akong niyakap.
"Jan hindi mo alam kung gaano mo ko pinasaya dahil lang sa simpleng pagsagot mo ng
oo. Pangako tutulungan kitang sumaya. Tutulungan kita at hindi ako mawawala sa tabi
mo. Hayaan mo lang akong mahalin ka."hindi na ako nagsalita pa at hinayaan kong
yakapin niya ako.

Ewan ko pero nakaramdam ako ng saya ng yakapin ako ni Kiejan at parang sobra kong
naramdaman ang pagmamahal niya sa akin.

And that's how our relationship starts.

-Flashback ends-

Naalala ko na naman 'yun. Sabi pa nga ni Kiejan nung hinatid niya ko pauwi, wag na
daw July 31. Ang official date na daw namin ay August 1. Medyo natawa pa ko dun.
Pagplanuhan daw ba?

"Hellooooo! Nasa earth pa ba kayong dalawa? Magreminisce daw ba?!"nagising ako sa


realidad ng biglang sumigaw si Mich at kumaway-kaway sa akin at pati rin kay
Kiejan.

Napatingin ako kay Kiejan. Nakatingin din pala siya sa akin. Napakamot siya sa ulo
niya. Napangiti na lang ako.

"We're here, okay?"sabi ni Nathan.


"Ah I'm sorry."sabi ko na lang.

"Bilis na, ikwento niyo na!"sabi ni Yhanna.

"Secret na namin yung love story namin! Hahaha! Basta yung first monthsary namin ay
one hell of a monthsary!- Aray!"hinampas ko lang naman. Yung tipong damang-dama
niya.

"Makapanlait naman 'to! Pero sige mag-aagree na ko!"sabi ko.

"Ang daya naman! Ayaw pang ikwento!"sabi naman ni Luke. Tumango-tango naman si Ren
at Charles.

"Bakit one hell of a monthsary? Anong nangyari?"sabi ni Kuya Jop.

"Kahit man lang iyon, ikwento niyo na! Share-share din pag may time!"sabi ni Jin.

Mga kapatid ko talaga. Kakukulit! Ganoon din ba ako kakulit? Di naman di ba?

Tumingin ako kay Kiejan at sinabing siya na ang magkwento. Nahihiya kasi ako.

"Ganito kasi iyoooooon."pag-uumpisa ni Kiejan.


Flashback:

September 1

*beep beep*

Kinuha ko ang cellphone ko at binasa kung sinong nagtext at kung ano ang tinext.

From: KL <3

JL today's our monthsary! Happy Monthsary! 1st month natin 'to kaya dapat
memorable! Date tayo mamaya ha? :) :**

Napangiti ako sa tinext ni Kiejan. Ang sweet talaga ng boyfriend ko! Umagang-umaga
nagpapakilig!

To: KL <3

Happy 1st Month! 'Yoko nga makipagdate sa'yo! Magdate ka with yourself! Bleeeeh :PP

Tignan ko kung effective ang pang-aasar ko sa kanya! Hahaha.

*beep beep*
Aba! Ang bilis magreply ah!

From: KL <3

Bad girlfriend! Bad JL! Bad ka talaga! Tatampo na ko! :(

Ayuuun oh, effective. Nagtampo agad!

To: KL <3

Joke lang naman. :) Sige na, maliligo na ko! Baka malate pa ko, ikaw din!

Kinuha ko yung towel ko at uniform. Papasok na sana ako sa shower room nang magring
ang cellphone ko. Tumawag ang loko!

[Happy Monthsary JL!] nailayo ko pa yung cellphone ko sa tenga ko dahil sa lakas ng


pagsigaw ni Kiejan mula sa kabilang linya.

"Makasigaw naman! Happy Monthsary din!"mahina kong sabi. Baka kasi marinig nina
Yhanna at Mich na nasa kabilang kwarto lang.

[Sige na ligo ka na. Gusto ko lang marinig boses mo. Love you.]namula ako. Kiejan
naman. Maliligo na nga lang ako, magpapakilig pa.
"Sus, ewan ko sa'yo! Love you too."

[Kilig. Hahaha! Bye JL.]

"Bye KL."

-Flashback ends-

"Kilig namaaaaan!"sabi ni Yhanna with matching sundot tagiliran pa.

Ito naman kasing si Kiejan, pabitin magkwento.

"Wait, naguguluhan ako. Ano yung JL at KL churva?"sabi ni Mich.

"J and K stands for our names."pagsisimula ko.

"L naman ay Love."pagtapos ni Kiejan.

"Jlove and Klove? Kayo na! Napaka-unique mag-isip ah! Sino nag-isip?"sabi ni Luke.

"Ako pre!"proud na sabi ni Kiejan. Tinaas pa yung kanang kamay niya na hindi
nakahawak sa kamay ko.
"Kaya naman pala corny!"sabi ni Ren.

"Kiejan 'yan eh!"sabi naman ni Jin.

"Oh, back to the story, kinikilig talaga ako!"sabi ni Yhanna.

Napangisi ako. Kapag nalaman nila ang kasunod ng kwento, kiligin pa kaya sila?

"Hintay lang mga dude, wala pa tayo sa climax."sabi ni Kiejan.

"Ay ganon? Oh sige tuloy mo na kwento mo."bago pa man ituloy ni Kiejan ang kwento
niya, tumayo si Nathan. Nakatingin siya sa akin na para bang may sinasabi ang mga
mata niya.

"Nate saan ka pupunta?"sabi ni Zac.

"Outside. I need some fresh air."at tuluyan na nga siyang umalis. Sinundan siya ni
Zac. Hinila pa ni Zac si Marco kaya nasama si Marco sa kanya.

"Oh tuloy niyo na nga kwento niyo! Yaan niyo na 'yun magpapahangin lang dahil
nagseselos. Hahaha!"sabi ni Ren.
"*pak* Baliw ka ba? Kita mong nandito boyfriend eh!"hinimas ni Ren ang parte ng ulo
niyang nabatukan.

"So ayun na nga, nung hinihintay ko si JL sa waiting shed para sana sabay kami
pumasok, nagtext siya na malelate daw siya pumasok dahil nagpapasama si Mich sa
bookstore. After lunch na sila nakabalik 'nun. Sabay kami nakapaglunch ni Jan kaso
nagmamadali siya dahil may quiz pa daw sila at hindi pa siya nakapagreview. Nung
break naman, pinapunta si Jan sa dean's office dahil may pinaasikaso sa kanya. Nung
time na 'yun, okay pa sa akin dahil uwian pa naman kami magdedate pero the fudge!
Nung uwian sinundo siya ni Kuya Jop niya at may pinuntahan silang important meeting
kasama ang parents nila. Saklap diba?"napangisi ako dahil palakas ng palakas boses
niya. Di pa rin siya makaget-over dun sa masaklap na first month namin.

"Eh yung monthsary niyo ngayon, happy na ba?"tanong ulit ni Mich. Naging interesado
ata mga tao dito.

"Sakto lang. Nakapagdate na kami! At naging masaya naman kaso nga lang sikreto pa
din nun kaya hindi sagad ang pagiging masaya."sagot ni Kiejan. Sige, lalo akong
nakokonsensya.

"Okay lang 'yan! May October pa naman. And this time, hindi na lihim 'yang relasyon
niyo."Sabi ni Kuya Jop. Ngumiti ako kay Kuya Jop at naggood sign lang si Kuya.

"Tama, eto na talaga ang simula ng pagiging kami, legally."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:
So much JanJan moments, sino kinilig? Sino nainis? Sino naawa kay Nathan? May
lumipat bang loveteam?

TEAM NUIZA PA DIN O TEAM JANJAN NA?

Share your thoughts! :)

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[7] Janella Gonzaga.

[7] Janella Gonzaga.

Follow me in twitter and tweet me @longlostwriter

(WHO WANTS A DEDICATION? LONGEST COMMENT WINS!)

Nathan:

"C'mon Ella, don't act like a kid. Hindi bagay sa'yo. You're not a kid anymore."I
said dryly. She walked towards me and started to pout.

"Stop it, will you?"I'm already pissed off.

"Look who's talking. I'm just stating the fact here. She is now inlove with your
step brother and you should now moving on."she crossed arms and being a spoiled
girl again.
"You're saying that I should give up, huh?"I asked even if I already know what her
answer is.

"Uh-huh..."she stand up and make her way to the kitchen. She came back with a two
soda in her hands. She gave me one and I drink it.

"You're still a kid, Ella. And that's for sure."She glared at me.

"Hindi na nga eh! I'm 17 already! 'Wag ka nga, kita mong naiintindihan ko ang
nangyayari sa'yo e. Tinutulungan kitang hindi masaktan."I smirked.

"No you didn't. Telling me to give up is not the right advice I need right now. If
I'm just an ordinary man, I'll give up but I'm not. Hindi ko kayang mawala ang
taong gusto kong makasama."tinulak niya ko ng mahina.

"Geez, you're so cheesy. Bakit ba lahat ng tao nagiging tanga pagdating sa love?"

"Stupid is not the right term for those people in love. Happiness can be."I said.

"Err. Ganoon ba 'yun?"she asked.

"Yeah. Are you inlove or not?" I asked also.


"I'm inlove. But-- Argh! Let's go!"tumayo siya at naglakad papuntang pintuan ng
condo.

"Hurry up, we're almost late. We have some cathing up to do in class."and she left.

--+

"Mauna ka na. I have some business to do."

"What is it now?"I didn't tell her and let her go to class. She's not following my
order but I insist so she can't argue with me.

I get in the car and make my way at Zac's condo.

We'll have some catching up also.

After some minutes, I already arrived. Naabutan ko ang buong barkada sa sala.

"Hey sit here."I followed Zac.


"Nate namiss ka namin!"Ren hugged me but I quickly let go of that.

"Same Nathan Nui Lee, huh?"We chuckled.

"Pre, hindi ba talaga kayo ni Ella?"Marco asked.

"No. She's my childhood friend, why you say so?"

"You're so close at hindi ka mahilig sa mga babaeng bumubuntot sa'yo di ba?"Charles


said.

"I got used to it. She's always like that."I said while smirking.

"Don't you like her?"Jin said.

"I like her."I paused. I saw their shocking face. I chuckled and continued
speaking."I like her as my baby sister."

They all sighed and smiled at me.

"Daming chics ah!"Ren said.


"Ikaw kasi wala!"Zac said w/ a teasing tone.

"Utot mo! Ako pa mawawalan? Asa ka pa! Gwapo kong 'to!"Ren said proudly.

"Yeah yeah, tell that in your hand."Zac said. We all laughed.

"So should we start this meeting?"sabi ni Marco.

We all nodded and talked about everything.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

SORRY NAPATAGAL YUNG UPDATE. NAGPUNTA KASI KAMI NG FAMILY KO SA BAGUIO FOR 4
DAYS. :D Daming koreano. Hahahaha :D

What do you think about Janella? How 'bout the reunion of the Handsome boys? Ano
kaya pag-uusapan nila?

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

Share your thoughts!


INFINITE

Ms. Kim

=================

[8] Meeting and Planning.

[8] Meeting and Planning.

(WHO WANTS A DEDICATION? LONGEST COMMENT WINS!)

Zac:

"Saan ka ba talaga galing?"tanong agad ni Marco pagkatapos naming magbatian sa


isa't isa.

"Japan."matipid na sagot ni Nate.

"Bakit hindi namin alam? At bakit doon ka pumunta?"tanong naman ni Ren.

"Just making myself busy. You know, we do have a branch there. I also thought of
some things that I should fix after."sagot ni Nate. Kumuha ako ng maiinom sa ref at
inabot sa kanila.

Binuksan ko yung sa akin at bago ako uminom ay napahinto ako at nakatingin lang kay
Jin dahil sa tanong niya.
"With Ate Jan?"sabi ni Jin with a serious tone. This is not the usual Jin we all
knew.

"Yeah. Jin are you still mad at me? D'you want to punch me again?"Nate asked.
Tahimik lang kami at hinahayaan silang dalawa na mag-usap. This is a thing they
need to fix first before anything else. Jin's not just anyone else. He's Jan's
brother afterall.

"Hindi ako galit sa'yo, galit ako sa ginawa mo."kalmadong sabi ni Jin. Napabuntong-
hininga si Nate at humarap ulit kay Jin.

"That's what I'm currently feeling."

"Mahal mo ba talaga si Ate?"tanong ulit ni Jin.

"Yes, and I need her again Jin but I can't have her if you're not helping me."agad
na sagot ni Nate. Mahal na mahal na talaga niya si Jan. Grabe, sobra kung magmahal
ang tropa namin. Hanep ang pag-ibig kung sinu-sino kinakapitan.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa aming lahat bago sumagot si Jin.

"Honestly speaking, I don't want you anymore for my sister. Sinaktan mo siya.
Ginamit mo siya at iniwan. Hindi ko nga alam kung bakit hinayaan ko pa ang kontrata
eh. Siguro masyado akong nakuntento na may gusto ka na din kay Ate."napayuko si
Nate at napasabunot sa ulo. "Pero Nate, kaibigan kita. Alam kong kung anong gusto
mo, gagawin mo ang lahat makuha lang ito. Hindi ko hahadlangan ang kagustuhan mong
makuha si Ate pero sana kapag nangyari 'yun, 'wag mo na sana siyang iwan pa."
Whew. Akala ko against na ang loko. Pa-suspense lang pala.

Napangiti si Nate sa sinabi ni Jin.

"Wait nga lang.. aminin niyo nga, nagsuntukan ba kayo dati?"tanong ni Marco.

"Oo nga. Bakit hindi ko alam 'yan? Leader ako dapat nandoon ako."sabi ko. Ang mga
loko hindi man lang ako pinapanuod ng bakbakan.

"Eh biglaan lang 'yon!"sabi ni Jin.

"Yeah and correction. HE is the only one who hit me in the face a several times."
Nate said with a teasing tone.

"Tss. Kasalanan mo naman kasi! Sinak--"hindi pinatapos ni Nate ang sinasabi ni Jin.

"Yes, you're right. I did hurt your sister and that's the reason why I didn't fight
back the time you hit me."Nate said without looking on us.

"Sayang hindi namin nasaksihan."sabi ni Ren.


"Matinding bakbakan pa naman 'yun."sabi ni Charles.

"Ang mabuti pa, ikwento niyo na lang ang nangyari."salamat naman at may magandang
nasabi din si Luke.

"Okay." sabi ni Jin. Hindi na siya tumanggi dahil alam niyang masasapok lang namin
siya kapag nilihim pa nila.

3rd person's POV

Flaskback:

Sunod-sunod na katok ang naarinig ni Nate sa kanyang condo. 'What the hell?'inis na
sabi sa sarili. Inis na binuksan niya ang pinto.

Tumambad sa kanya ay isang malutong at puno ng galit na suntok mula sa isang


lalaking malapit sa kanya.

Kaibigan niya.

Si Jin.

"Walang hiya ka Nate! Kung hindi ko pa narinig si Ate Jan at ikaw na nag-uusap sa
may garden hindi ko malalaman na sinaktan mo pala siya!"nagpakawala ulit ito ng
malakas na suntok na dahilan para mapaupo si Nate sa sahig. Kinwelyuhan siya nito
at puno ng galit na tinignan.

"TANG INA KA PRE! KAPATID KO 'YUN! AKALA KO PA MAN DIN MAHAL MO NA SIYA! SASAKTAN
MO LANG DIN PALA SIYA GAGO!"sinuntok niya ulit ito pero nakahawak pa rin siya sa
kwelyo nito.
"Masaya ka na ba sa ginawa mo sa kanya? Ha?"nakatingin lang sa kanya si Nate na mas
lalo pa niyang ikinagalit kaya sinuntok siya ulit nito."PWEDE BA MAGSALITA KA!
SAGUTIN MO ANG TANONG KO!"

"Jin mahal ko siya."sinuntok siya ulit nito. Pumutok na ang labi nito at
nararamdaman na niya ang tumutulong dugo malapit sa kanyang kilay.

"MAHAL? MAHAL MO SIYA? EH SINAKTAN MO SIYA? GANOON KA NA BA MAGMAHAL HA? GAGO KA


PALA EH!"sinuntok niya ulit ito at binitawan na ulit siya dahilan para humalundusay
muli ito sa sahig. Binuksan ni Jin ang pintuan at bago umalis, may sinabi muna siya
nang hindi man lang hinaharap ito.

"Huwag na huwag mong lalapitan si Ate Jan. Kapag sinaktan mo ulit siya, hindi ko na
alam kung anong magagawa ko sa'yo. Baka makalimutan ko na din ang pagiging
magkaibigan natin."

-END OF FLASHBACK-

Zac:

"Grabe Jin! Lakas ah! HAHAHA!"matawa-tawang sabi ni Luke. Hindi ko na din


mapigilang matawa. Namumula na din kasi si Jin.

"Hindi naming alam na may tinatago ka pa lang katapangan!"sabi ko. nagsusuntok pa


ko sa hangin.

"Lakas maka-action star!"sabi ni Charles.


"Minsan nga turuan mo ko! Sparring tayo coach Jin!"sabi ni Ren at nagtawanan naman
kami.

"Kaya pala nung last time nating nakita si Nate noon, ang dami niyang band aid.
Dahil pala sayo! Hahaha!"

"Manahimik nga kayo!"sigaw na sabi ni Jin.

"Manahimik na tayo! Baka magaya tayo kay Nate!"sabi ko sabay takip sa bibig ko.
Nagpout naman si Jin at natawa na naman kami.

"Stop it."pagpapahinto ni Nate.

"Asus, may nagpapagood shot sa future brother-in-law!"sabi ni Marco. Dahil sa


sinabi niya, nakatanggap tuloy siya ng famous death glare ni Nate. Napangisi tuloy
ako.

"Ehem....Oh anong plano?"sabat ko.

"Plans for what?"sabi ni Marco.

"Kelan ka pa naging slow poke?"sabi ko.


"G*go. Hahaha!"namura pa ko ah.

"I should think of something to have Jan again."si Nate na ang sumagot ng matino.
Narinig ko pa si Marco na mahinang sinabi na 'Ay, iyon pala yun?'

Laughtrip 'tong lalaki na ito.

"Hahabulin mo siya?"sabi ni Luke.

"I think so? If that's what it takes to have her again."proud na sagot ni Nate.
Pursigido talaga ang mokong.

"Let's call this,"may nagform na ngiti sa labi ko."Chasing Nate's Contract


Girlfriend."

Napangiti silang lahat at mga nagnod maliban kay Nate.

"Chasing my Contract Girlfriend."napailing na lang siya at napangisi."Sounds


great."

"Yeah, sounds great but we're late."sabi ni Charles sabay tayo.


Oo nga pala! May pasok pa!

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Ooooooh... Kamusta ang pag-uusap nina Jin at Nate? Kamusta naman ang plano nila?

Nagsuntukan pala sila? O_o?

Share your thoughts guys! What do you think the next chapter would be?

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[9] Facing and Talking.

[9] Facing and Talking.

(WHO WANTS A DEDICATION? LONGEST COMMENT WINS!)

READ, VOTE AND COMMENT IN MY NEW STORY PLEASE!! "Mysterious Roses"

GUYS, I-SHARE NIYO SANA SA MGA FRIENDS NIYO ANG STORY NA 'TO. SANA MAGING
SUCCESSFUL ITO KATULAD NG BOOK 1 (Capslock para intense) Pero kidding aside, sana
talaga maipromote niyo ito. Vote na din sila at comment. I will love you forever if
you did! :***

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Nathan:
From: IH7_Z

Pre, L room. Barkada time.

Zac texted me this and I just replied with a yes. Sinabi niya sa akin na ang L room
ang usual na tambayan ng barkada ever since na umalis ako.

Time check four fifteen pm. Early dismissal. I am with Ella. She's arranging her
books in her locker.

"Nate, I'll go ahead. Some girls invited me to hang out with them."she said.

"Take care of yourself."I informed her."And please just please control spending so
much money. Try controlling."

She hit me with her bag but I just chuckled. Childish as ever.

She kissed my cheek and bid goodbye.

Umalis na din ako at pumunta sa L room. This room is not bad at all. In fact, it's
very comfy and really worth having fun here.

I checked the room. There's no signs of anyone. Where are they? Am I too early?
Tss. Whatever, I'll just take a nap. I guess they'll be here any minute from now.
Jan:

From: KL <3

J-love... L room daw, after class, love you :**

Iyan ang text sa akin ni Kiejan kaninang 4.

Five twenty na at papunta na kong L room. Late na ba ako? Hindi pa naman siguro.
Nag-ayos pa kasi ako ng locker ko at binalik ang librong hiniram ko sa library.

*beep beep*

Huminto muna ako sa paglalakad at kinuha ang phone ko. Baka importante eh.

From: KL <3

JL, sorry hindi ako makakapunta sa tambayan. Pinatawag kasi ako ni Papa. Urgent
daw. Sorry.

Nagreply naman ako sa kanya.


To: KL <3

Okay lang, text mo ko kapag nakauwi ka na. Ingat ka. Sabihin ko na lang sa
kanila. :)

Naglakad na ulit ako at ngayon nasa harapan na ako ng L room. Nandito na siguro
sila. Nakabukas na yung pintuan nang makarating ako eh. Pumasok na ako at sinarado
ang pintuan.

Teka, bakit walang tao? Wala ang mga girls at ang IH7.

Nasaan na sila? Is this a prank?

"Hello! Mich? Yhanna? Where are you guys? Swear I'll kill you guys if you're having
a prank on me."pero wala man lang nagsalita. Nag-echo lang ang sinabi ko.

Masyado ba kong maaga? O may pinuntahan lang sila saglit?

Nako, hintayin ko na nga lang sila sa labas. Ang init dito sa loob. At nakakatakot
dahil ako lang nasa loob.

Pinihit ko na ang door knob pero hindi ko mabuksan. Bakit hindi ko mabuksan?

"You've got to be kidding me."pinihit ko ulit pero nakalock talaga. Nako naman,
ngayon pa ko nalock. Ang malas ko naman ata. Hindi makakapunta si KL tapos wala pa
ang barkada at ngayon nalock pa ko?
"Eliza?"nahinto ako sa pagbukas ng pintuan at napatingin sa lalaking nakasalampak
pala sa ilalim ng teacher's table.

"Ahh... Nathan, bakit nandito ka? Sorry ang ingay ko ba?"tumayo siya at inayos ang
damit niya. Halatang nakatulog siya dito. Of all people, si Nathan pa talaga ang
nandito sa harapan. Wow, just wow,

"No it's okay. In fact, I'm glad you're here."ngumiti na lang ako dahil hindi ko
alam ang sasabihin ko sa kanya. Tinry ko ulit buksan ang pintuan.

"Did you closed it?"tanong niya. I nodded.

"Guess we're stuck with each other."sabi niya. Nanlaki ang mata ko at pilit na
binubuksan ulit ang pintuan. Pero parang tanga lang din ako dahil kahit ano naman
talagang gawin ko hindi ito mabubuksan.

"Hindi pwedeng malock ako dito! May quiz pa bukas!"

"Eliza stop trying to open the door. Sira yung doorknob kaya hindi ko na sinara
kanina."at sinara ko. Bakit kasi sinara ko?

"Nga pala, nasaan sila? Akala ko ba tatambay?"tanong ko sa kanya.


"Did you check your phone?"kumunot ang noo ko sa tanong niya. Kinuha ko ulit ang
phone ko at tinignan ito.

May 4 messages pala ako. Hindi ko siguro napansin dahil busy ako sa pagsigaw
kanina.

Una kong binasa ang text ni Mich.

From: Katherina

Jan, di kami makakapunta ni Yhanna dahil may project pa pala kaming gagawin.
Deadline na pala bukas.

Naman, bakit ngayon lang sinabi. Eto talagang dalawa na ito, kung kelan malapit na
deadline doon gagawa ng project.

Sunod ko naman binasa yung text ni Jin.

From: Baby Jin

Noona, nandyan na ba kayong lahat? Di ako makakapunta pati si Luke. May date kasi
ang loko, nagpasama sa mall. Bibili ng damit.

Aba ang loko, sinali pa ang kapatid ko sa kalokohan. Baka next time, hindi na
pagbili ang ipapasama ni Luke kay Jin. Baka pati paghahanap ng dating place.

Yung remaining texts kay Kiejan na. I love you at magtext daw ako kapag nakauwi na
ko. Magrereply na sana ako pero biglang nalowbat ang phone ko. Bakit ngayon pa?!

"Uuuuuuhm, Nathan, can I borrow your phone? Lowbat na kasi ako."he nodded. Lumapit
ako sa kanya at umupo sa harap may pader na malapit sa kanya. Inabot niya sa akin
yung phone niya.

Katulad pa din ng dati, walang kaarte-arte yung phone.

Nagreply ako kay Kiejan. Buti na lang saulado ko ang number nun kung hindi paano
na? Sinend ko na ang message ko pero...

"WATDAHEL?"napasigaw ako out of frustration. Ilang beses ko ng pilit sine-send ang


text ko pero walang signal.

"You okay?"

"Hindi ko masend text ko."dahil wala pa din signal, binalik ko na lang sa kanya.

"Let's wait until someone will come to check on us."I nodded.

Nakasandal lang ako sa pader na kaharap niya habang siya naman ay nakasandal sa
ilalim ng teacher's table na kaharap ko din.
Nathan:

Silence. Silence. Silence

"Are you hungry? / Gutom ka na ba?"we both chuckled.

"Hindi pa naman."sabi niya.

"Same here."

"Nathan, grabe ka ata mag-english. Lalo kang naging english speaking ngayon."I
smirked.

"Guess I'd been interacting with a lot of English people in Japan."I answered.

"Galing ka palang Japan." I just nodded. Again, silence passed in this room.

I think, this is my time to ask a few questions.

"Eliza how are you for the past year?"she didn't answer my question for a couple of
seconds.
"Kinda busy for college works, 'bout you?"

"D'you really wanna know?"she raised her right eyebrow.

"Why? Di ba pwede?"she asked.

"Not really."I smiled at her."That year is a worst year 'coz you're not with me."

She looked surprised by the expression on her whole face.

"Uhhhh, anyway, are you with your family when you're in Japan?"

"Dad's with me."I answered straight-forwardly.

"Hindi mo kasama mommy mo?"I avoided her eyes. Mom...

"She's already gone."I can see in my peripheral vision that she's shock. We never
talked about it. I never let her know about this because everytime I remember every
little details about my Mom's cause of death, I'm feeling sick and alone/\.
"I'm sorry, hindi ko alam na wala na pala siya! Sorry talaga!"

"No it's okay. Don't be sorry."

"Can I ask the reason for her death?"I don't know what to answer. I don't want to
talk about that.

*grrrr grrrr*

I look at her and I saw her avoiding eye contact with me. She felt embarrassed. I
just smirked.

"Let's eat."I stood up and look for something to eat. Luckily, there's a mini
fridge in here.

"Buti na lang nagsuggest si Zac na maglagay ng ganito. Kundi wala tayong


makakain."she get all foods she want and we take our seats in the armchair.

Binuksan ko na din ang ilaw dahil madilim na din.

"Chocolate's biggest fan."she glared at me but I just chuckled.

A long moment of silence came up but after a while, I finally broke it.
"Eliza, we're still friends right?"I asked her while eating.

"Yes, wh-"I immediately cuts her sentence.

"How 'bout lovers?"she stopped eating. She's not looking at me. She is only facing
the floor.

"Alam mo naman kung anong sagot sa tanong mo Nathan."sabi niya without even looking
at me.

"Do you love him?"

"Yes."F-ck. It hurts. Why do I even asked her about that? Crap.

"I don't think so."she was shocked.

"Why do you say so?"she asked with an irritating in her voice.

"I don't feel it." I said. It's true, I can't feel it. I don't know if I just felt
it because I want to think that she's still in love with me. That she still cares
for me like how I care for her.
"W-what?! Nathan ano bang sinasabi mo?!"she's now shouting. I can sense through her
voice and eyes how angry she is right now.

"Let's not talk about this. This is not the right topic to talked to. We should
think of something else. I don't want us to go on a fight." I faced her closely and
smiled. I whispered in her right ear.

"It's been a year since I talked with you privately, wifey. Damn, I've missed you
so much."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Ooooh... Nastuck sila. What do you think will happen next? Hindi naniniwala si Nate
na mahal ni Jan si Kiejan? Naguguluhan na ba kayo kung sino?

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[10] What's going on?

[10] What's going on?


Jan:

After that scene, nagpaalam ako na pupunta sa cr. Buti na lang ay cr din dito. Buti
na lang may extrang room sina Mich na napagawa dito kaya nagkatambayan kami.

Kainis! Bakit ba ganoon siya? Kung anu-ano lumalabas sa bibig niya!

Can't he just moved on? And... Paano niya nasasabi na hindi ko mahal si Kiejan?
Wala siyang alam ok? Wala! Nawala siya for a year tapos ngayon papakielaman niya
ko?

Argh! Hindi naman siya palasalita dati ah? Lagi lang siyang poker face at laging
silent treatment natatanggap ko.

Humarap ako sa salamin at pilit pinapakalma ang sarili.

"Jan, 'wag mong intindihin ang sinasabi ni Nathan. Trip ka lang talaga ni
Kupido."mahinang sabi ko sa sarili ko. Kupido bakit ka ganyan? Nagtatampo na ko
sa'yo!

Lumabas na ko ng cr at bumalik sa may teacher's table. Nakita ko siya na nakaupo


ulit sa ilalim ng teacher's table at naka-ub-ob ang ulo sa kanyang tuhod.

Nakatayo lang ako dun at parang timang na pinaglalaruan ang daliri ko. Ang dilim-
dilim na sa labas. Wala man lang ba makakakita sa amin dito?
Sumilip ako sa bintana at tinignan ko kung may tao ba. Gusto ko na talagang umuwi.

"Hey.."

"Ah!"napahawak ako sa noo ko. Ang sakit! Para akong mababaliw sa sakit.

"Are you okay?! God, I'm sorry!"hinawakan niya yung noo ko pero napaaray ako dahil
masakit. Halata sa mukha ni Nathan na hindi siya mapakali. Gusto ko sanang tumawa
pero hindi ko magawa dahil ang sakit talaga.

Inalalayan niya akong umupo.

"Ah, w-what do you need? W-what? Do you want to drink? What?!"napapakali na si


Nathan. In-eexamine niyang mabuti ang ulo ko. Tatayo siya tapos uupo tapos titignan
yung noo ko tapos magbebreakdown na naman siya.

"Nathan noo ko yung nauntog tsaka ano ka ba hindi naman masyadong malakas yung
pagkakatama ko sa bakal ng bintana. Kuha mo na lang ako ng yelo na ilalagay ko sa
noo ko."agad naman siyang pumunta sa Fridge at kumuha ng yelo. Kinuha niya yung
scarf niya sa bulsa at binalot ang yelo doon. Bumalik siya sa lugar ko ng
nagmamadali. Para naman akong mamamatay nito. Nauntog lang po ako. Pero ang totoo
talaga napakasakit pero hindi ko na sinabi sa kanya dahil baka lalo siyang
maghysterical.

"Here you go."aabutin ko na sana pero inilayo niya.


"Wait! I'll do it for you."inilagay niya sa parte ng noo ko na nauntog. Nung una
masakit at sobrang lamig pero dahil alalay lang naman siya, okay na.

"Masakit pa ba?"umiling ako."Sorry, it's my fault. I should've not surprised you."

"Don't blame yourself, you silly."

"*I did hurt you again. Tsk*"kahit narinig ko yung sinabi niya, hindi na ako
nagreact pa. Baka mailang na naman kasi ako. Ilang minuto din niyang pinupunasan ng
scarf na may yelo yung noo ko. Nagtatawanan kami at inaasar niya ko. Akala ko pa
naman concern talaga, tinawanan pa ko eh. Ang babaeng may third eye daw. Kung si
Rudolph daw may red nose, ako naman daw ay may red forehead. KAINIS!

*Booogsh*

Nagulat kaming dalawa ni Nathan dahil sa kumalampag mula sa pinto.

"What's going on?"oh, great.

Kiejan:

"Wala pa din si Jan?"


[Wala pa din. Nag-aalala na nga kami sa kanya. Kiejan, baka naman nasa MC pa
din.]sabi ni Mich sa kabilang linya. Bakit naman siya mag-iistay sa campus ng
ganitong oras? Masyado ng delikado! Paano na lang kung may mangyari sa kanya?

"Okay sige. Ichecheck ko kung nandoon siya. Tawagan mo ko in case na nandyaan na


siya or nagtext siya."sabi ko kay Mich.

[Sige. Ingat na lang.] in-end call ko na at sumakay na agad sa kotse ko at


pinaandar ito.

Sht, kinakabahan ako. Bakit parang may mangyayari na hindi ko ata magugustuhan? O
may nangyari na pero hindi ko pa alam. Fck.

Sana ayos lang si Jan.

Pati IH7 tinext ko na din pero wala silang alam. Ang sabi nila hindi rin daw sila
nakapunta sa L room dahil may mga ginawa sila. Bakit ba nagkasabay-sabay ata ang
pagiging busy namin ngayon?

"Kuya Guard, pwede po ba akong pumasok?"sabi ko dun sa guard ng MC. Dahil kilala
naman niya ako at valid ang reason ko, pinapasok niya ako at sinamahan sa L room.

Nakabukas ang ilaw sa loob ng L room. Nandito nga kaya siya? Sana nandito siya.

Pilit namin binubuksan ang pintuan ng L room pero kahit anong pilit namin, hindi
talaga siya mabuksan gamit ang susi.
"Iho, kailangan na atang sirain ang pintuan. Mukhang hindi natin siya mabubuksan
gamit lang ang susi."sabi ni Kuya John.

Nagtulungan kaming buksan ang pintuan. Kumuha ng malaking bato si Kuya John at
ipinukpok sa doorknob. Nasira ito kaya naging dahilan para makapasok kami pero
hindi ko inaasahan ang makikita ko.

Ang babaing mahal ko.....

kasama ang lalaking minahal niyang lubos dati.

"What's going on?"pareho silang napatingin sa akin. Gulat na gulat pa ang reaksyon
nila. Langya, ang lapit pa ng mga mukha nila sa isa't isa.

"Kiejan? Kiejan!"lumapit sa akin si Jan pero hindi pa din mawala ang tingin ko kay
Nate. Et ba ang dahilan kung bakit kinakabahan ako?

"Pinagplanuhan mo ba 'to?!"tumayo lang siya at pa-cool na kinuha ang bag niya.

"KL, ako ang dahilan kung bakit nastuck kami dito kaya 'wag kang magalit sa
kanya."sabi ni Jan. Nalipat na ang atensyon ko sa kanya. Tahimik lang ako. Hindi ko
alam kung anong iisipin ko.
"Nasarado ko kasi yung pinto, eh sira na pala kaya ayun, nalock
kami."pagpapaliwanag ni Jan.

"Eh anong nangyari diyan?"sabi ko sabay turo doon sa noo niya na nakatakip sa kamay
niyang may scarf.

"Ah w-wala 'to. Nauntog lang. Nothing to worry about. Tara na?"kinuha ni Jan yung
bag niya at hinila ako palabas pero huminto muna si Jan at hinarap si Nate na
kasalukuyang nakatingin sa kanya.

"Nathan, thank you nga pala dito."inabot niya kay Nate yung panyo pero nung
pagkaabot ni Jan. Kinuha ulit ni Nate yung kamay ni Jan at ibinigay ulit yung
panyo.

"You need this more than I."hawak pa din niya ang kamay ni Jan. Fck.

"JL let's go."kinuha ko ang kabilang kamay niya at iniwan na namin si Nate.

Naglalakad kami papuntang parking lot. Tahimik lang. Nagpapakiramdaman. Hawak ko


lang ang kamay niya at nakatingin ng diretso. Nasasaktan ako. Nahihirapan.

"KL, sorry. Sorry na. Alam kong galit ka. Hindi rin kasi kita ma-text. Lowbat ako.
Makikitext sana ako sa kanya pero wala namang signal. Sorry na KL."sabi niya.
Nandito na kami sa parking lot.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya. Nakatingin na din pala siya sa akin.
Teary eye na nga siya eh.

Bumuntong hininga ako at niyakap siya.

"JL, okay na. Hindi na ko galit. Alam mo namang kahit anong gawin mo o kahit anong
mangyari hindi ko magawang magalit sa'yo. Masyado kaya kitang mahal."nararamdaman
kong umiiyak na siya. Hinimas ko ang likod niya at hinalikan ang ulo niya.

"Tahan na mahal ko, ayoko pa namang nakikita kang umiyak."kumalas siya sa yakap at
pinunasan ang pisngi niya na basang-basa na dahil sa kakaiyak niya.

"Hala ka, papangit ka niyan."hinampas niya ako pero hindi naman kalakasan.
Napangisi ako. Ang totoo niyan, ang ganda pa rin niya kahit umiiyak pa siya.

"Halika nga dito! Namiss kita!"hinila ko siya at niyakap ulit. Niyakap din niya
ako.

"Namiss din kita. Sorry ulit."hinalikan ko ang kamay niya at pumunta na kami sa
kotse.

Nathan:
"Where did you go? It's 10 pm for Pete's sake! Nag-alala ako sa'yo!"I sat on my
chair and trying hard to hide my smile. Everything is just great. It's nice to be
with her.

"Hey! Pakinggan mo nga ako! Saan ka ba galing?"tanong niya. Ella sitted beside me
and looked at me irritated. This girl is like a mother.

"L room."

"What did you do there?!"this time, I can't hide my smile. Just remembering those
things, makes me smile foolishly.

"Is that how you greet your childhood friend in his special day?"I asked her. She
stood up and left me.

I closed my eyes and when I opened it again, Ella is in front of me with a vanilla
cake.

"Happy Birthday Poker face!"I smiled at her. Ginulo ko ang buhok niya. She always
make sure that she will always have a birthday gift for me. Last time, her gift is
a guitar.

"Wish before blowing the candle."

"God knows what my only wish is."I said.


Eliza is enough for a forever gift then I blew the candle.

Nilapag niya yung cake sa table at tumabi ulit sa akin. She hugged me so tight.

"Bakit ka ba talaga nasa L room. Akala ko ba tatambay lang kayo? Nauna pa kong
nakauwi. Kanina sa condo ko tinatawagan kita pero hindi naman kita macontact.
Pinuntahan na kita dito sa condo mo wala ka pa din?"I pinched her nose and smiled
widely.

"An unexpected gift was given to me. A very special one."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Guys, greet niyo naman si Nate! Bday niya pala! :D

Kawawa naman si Kiejan! Ano na kayang mangyayari? Ano na? Hahaha!

Si Nathan habang iniinis si Jan ---------------->

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE

Ms. Kim

=================
[11] The Shoes and The Ringtone.

[11] The Shoes and The Ringtone

Jan:

"Your project for this quarter is all about how math can have an impact in every
experiences or task that people do or did."explain ni Mrs. Dizon. Project project
project. Parang alam ko na kung ano papagawa ah.

"You need to interview atleast 5 persons. And after that, have a written essay
wherein math is occurred in that situation. Pass that maybe next week." Nextweek na
agad? Ay naman! Tinatamad pa naman ako. Interview pa. Pssh.

"Mrs. Dizon, wala ba kaming partner?"sabi ni Hans.

Yeah, kilala ko na mga kaklase ko. Lakas ng virus ni Kiejan e. Kapag may bago
siyang kakilala, pinapakilala niya sa akin. Kaya dumadami friends ko.

"Meron syempre! Ayokong mahirapan kayo at syempre, hirap hirapan naman ako kung
isa-isa kayo na magbibigay sa akin ng written essay."astig talaga ni Mrs. Dizon.
Hindi siya terror na teacher in fact sobrang bait niya at cool pa.

"Speaking of that, nakaisip ako ng bagong way para mahanap niyo ang partner niyo."

Kinuha niya yung white box at black box.


"Ang mga girls bubunot dito sa white box ng isang papel. Yung boys naman sa black
box. May nakasulat na word doon sa papel na 'yun. Hahanapin niyo sa mga boys or
girls, ang partner niyo. Ang partner niyo ay ang kapareho niyong word. Gets?"

"Yes Mrs. Dizon."sagot namin. Hala bunutan pala. Sayang naman, edi sana si Kiejan
ang partner ko.

"Let's start."bumunot kami isa-isa sa box.

Nang makabunot na ang lahat, sabay-sabay naming binuksan ang hawak naming papel.

Shoes.

"Para hindi kayo magkagulo at para nasa ayos tayo, isa-isang sasabihin ng mga boys
ang word na nasa kanila. Girls, kapag yung word na binasa ng mga boys ay tulad ng
sa inyo, just raise your hand then tabi kayo sa partner niyo."tumayo na si Rod.
Siya kasi yung boy na nasa harap kaya sa kanya na nagsimula.

"Infinity."sabi ni Rod. Nagtaas ng kamay si Carla. Maraming naghiyawan at kinilig


dahil may gusto si Rod kay Carla. Si Carla naman hindi pa umaamin na may gusto siya
pero halata naman. At infinity pa talaga ang word na napunta sa kanila.

Sumunod na ang iba pang mga boys hanggang sa umabot na kay Kiejan.
"Chocolate."sabi niya. Tumingin pa siya sa akin after niyang sabihin iyon. Umaasa
na ako ang kapartner niya. Umiling ako.

Hinanap ko ang nakataas ng kamay.

Si Ella.

Lumapit na'to kay Kiejan at umupo sa tabi niya.

Nagpout pa sa akin si Kiejan. Ngumisi na lang ako. Okay lang 'yan Kiejan. Project
lang naman.

Lumipas na naman ang iba pang boys.

Si Luke ka-partner yung crush niya dito sa room kaya ayun kakwentuhan na yung
babae.

Si Ren naman yung kinaiinisan niyang babae. Kaya ayun nagbabangayan sila nung girl.

"Shoes."shoes? Teka shoes yung word na nasa papel ko.


Tinignan ko kung sino nagsabi 'nun.

Siya? Eto na naman po! Hala ka!

"Girlssss, shoes daw. May shoes ba na word sa papel niyo? Raise your hand."

Nagtaas na ko ng kamay.

Maraming nagulat. Lalo na si Kiejan. Seselos na naman 'to.

Tumayo na ako at umupo sa tabi ni Nathan. Tumingin lang ako sa harap habang
nilalaro ang kamay ko.

"Do you know the story about the shoes?"bigla akong napatingin sa kanya dahil sa
sinasabi niya.

"Huh?"

"There is this girl and a boy having fun at the bar. The girl told the boy to have
some game. If someone entered the bar wearing a flat shoes, the boy wins but if
it's a rubber shoes then the girl wins. At first the boy refused but he end up
playing with the girl. Unbelievable but the girl won. As a price, she can wish
anything atleast three wish and the boy will grant those wish. That's how their
story started. A story that the boy will never forget. The end." napapangit pa siya
habang nagkukwento.
Wait. Parang alam ko 'yun?

Parang alam ko yung story na 'yun?

Story ba talaga 'yun o niloloko ako ng lalaki na 'to?

Bakit umiiwas siya ng tingin? Namumula pa siya! Ang cute hahahaha!

"Ba't namumula ka?"tanong ko habang pinipigilan kong tumawa.

"No I'm not."hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Di daw."

Mahabang katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa.

"Ah Nathan, anong plano?"pagsisimula ko ng topic.

"Plans to have you*ehem* What I mean is plan to have you as an interviewer and I'll
do the essay."sabi niya.
"Sige, kelan tayo mag-iinterview?"

"Tomorrow? After lunch? I'll wait for you at the garden/park where we used to be
hanging out."sabi niya. Umiwas ako ng tingin at tumango na lang.

Binigyan kami ni Mrs. Dizon ng free time pero dapat pag-usapan daw ang mga plano
para sa project.

Wala na kaming pag-uusapan ni Nathan e. Natanong ko na siya sa dapat naming gawin.

"Hubby.. Hubby... I love you my--"nagulat ako and at the same time napatingin kay
Nathan. Hindi na pinatapos ni Nathan ang ringtone at sinagot agad ang tumatawag.

Yumuko siya at kinausap yung tumawag.

"Zac, you idiot."after that, nilagay na niya sa bulsa niya yung phone.

"Mr. Lee, how sweet of your girlfriend! Cute couple! Ang sweet ng ringtone kaso
hindi mo pinarinig ng buo!"sabi ni Mrs. Dizon. Napangiti na lang si Nathan.

Hiyang-hiya na ko dito sa upuan ko. Pwede bang mabaon na ko dito sa kinauupuan ko?
Bakit kasi ringtone niya parin hanggang ngayon 'yun?
"Ms. Montenegro are you okay? Your face turned all red."

"A-ah I-I'm okay Mrs. Dizon."nabubulol ko pang sabi. Nahahalata na pati ni Mrs.
Dizon ang pamumula ko.

"Oh baka naman kinikilig ka lang?"sabi ni Mrs. Dizon. Umiling ako as in todo iling
talaga.

"H-hindi po Mrs. Dizon!"defend ko. Natawa tuloy si Ma'am sa reaksyon ko.

"By the way, Mr. Lee who's the lucky girl?"Ma'am bakit ngayon pa kayo naging
chismosa!

"My wifey. My lovely wifey."he answered with a playful smile. Lalo ata akong namula
sa sinabi niya.

"Awwww. Nice endearment you have there. You should introduce her in class."sabi ni
Mrs. Dizon.

"In right time Mrs. In right time."

Tama na! Ano ba 'yan! Hiyang-hiya na ko dito! Nakita ko si Luke at Ren. Parehong
nakatingin sa akin ng nakakaloko. Napatingin ako sa gilid nila.

Patay! Nandito nga din pala si Kiejan!

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

ALAM NIYO BA YUNG STORY NG SHOES? HAHAHA! EH NAMISS NIYO BA YUNG RINGTONE? :""">

INFINITE

Ms. Kim

=================

[12] Math Project or Love Project?

An:

Guys napakasaya ko! Nafeatured ang MCB dito sa wattpad! Lalo tuloy dumadami ang
readers and I'm really happy! :"""> Sana dumami pa kayo ng dumami! :) Thank you sa
mga nagbabasa. Gagawin ko ang lahat para mapaganda ang story na ito! :) <3

PS: COMMENT NAMAN KAYO! KUNG SINO PINAKAMAHABA AT MAGANDANG COMMENT, IDE-DEDIC KO
YUNG NEXT CHAPTER :)

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
[12] Math Project or Love Project?

Jan:

Nagdiscuss si Mrs. Dizon after ng pag-uusap tungkol sa project. Bumalik na rin kami
sa proper seats namin. Ano ba 'yaaaaaan. Hindi pa rin ako mapakali. Ang tahimik
kasi ni Kiejan at nagsusulat lang siya. Nagselos ba siya kanina? Nagagalit ba siya?
Nako, ayokong magalit sa akin si Kiejan. Dahil lutang ako, nagpilas ako ng isang
page sa notebook ko. Susulatan ko si Kiejan.

KL, galit ka ba? Ang tahimik mo :'(

Dahil katabi ko naman siya, hindi na ko nahirapan pang iabot yung papel. Nilagay ko
sa armchair niya habang diretsong nakatingin lang ako sa whiteboard. Ramdam ko
naman na kinuha niya ito.

Maya-maya din inabot niya ulit sa akin.

KL, galit ka ba? :'(

Hindi, masakit lang ulo ko. Punta akong clinic ha? :)

Bumalik ang tingin ko sa kanya. Nakatingin pala siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
Ngumiti din naman siya sa akin pero parang pilit lang. Tumayo siya at nagpaalam na
pupunta siyang clinic. Masakit ba talaga ulo niya? o masakit puso niya? Hay, ewan.

Zac:
"What is that Zac? You called me in the middle of our class!"galit na galit na
sigaw ni Nate. Habang nagagalit siya, hindi ko maiwasang tumawa ng tumawa. Tinanong
naman niya ako kung bakit ako tawa ng tawa.

"You're blushing! Ang pangit mo hahaha!"Natigil ako sa pagtawa dahil nagdeath glare
siya pati ang barkada natigil sa pagtawa.

"Eto naman. 'Wag ka nga magalit dyan! Kasama 'yun sa plano!"pagpapaliwanag ko. Baka
kasi kung anong gawin sa akin nito. Grabe kasi magalit eh.

"Really? Tss. For plan or for fun?"umupo siya at tinignan lang ako ng nakakunot ang
noo. Nakakatawa talaga si Nate kapag napagtitripan. Hindi nagiging epic fail eh.
Kung maging epic fail man, nakakatawa pa din.

"Both? joke lang!"Ang totoo niyan, napagtripan lang namin siya nina Ren. Masyado
kasing seryoso at hindi alam kung paano lalapit kay Jan kaya kami na ang dumiskarte
para sa kanya.

Hiniram ko kasi cellphone niya. Sinabi kasi sa akin ni Charles na nung minsan daw
na kasama niya si Nate at saktong may tumawag sa kanya, yun pa din daw ang ringtone
at hindi pa rin pinapalitan kaya naisip naming tatawagin ko si Nate kapag binigyan
na ko ng signal nina Luke na pwede na. Ang nakakatawa pa, perfect timing pala yung
pagtawag ko dahil magkatabi pala sila.

"Laughtrip nga 'yun eh! Ayaw mo 'yon, lelevel up ka na! Dagdag pogi points!"sabi ni
Luke. Nag-apir pa kaming dalawa sabay tawa ulit.
"Kung makita mo lang ang mukha kanina ni Jan! Priceless! "sabi ni Ren.

"Daya di ko nakita!"nagpout pa si Jin at nangalumbaba.

"Hindi ka na mawawala niyan sa isip niya!"sabi ni Charles. Napaisip naman ang loko
sa sinabi ni Charles. Mapapangiti na sana ito pero naudlot dahil sa sinabi
ko,"Maiisip ka nga lang niya na patayin."

Nagtatawanan na naman kami at halos nakahawak na sa tiyan namin. Hindi na


maipaliwag yung mukha ni Nate. Ang sama-sama na ng tingin sa amin. Pero hindi namin
mapigilan ang pagtawa. Nakakatawa naman kasi!

"Shut up!"

--+

Pagkatapos naming pagtawanan si Nate, kumain muna kami ng dinner. At dahil sobrang
kapal ng mga kasama ko, dito sila kumain sa bahay ko.

Nandito na kami sa sala at nanonood ng movie.

"Pare, may progreso na ba maliban sa ringtone?"tanong ko. Nagkibit-balikat lang ito


sa tanong ko. Aba ang loko, ang bagal kumilos!
"Ano bang ginagawa mong moves para mapalapit ulit si Jan sa'yo?"tanong naman ni
Luke. Sumandal ito sa sofa at sinagot ang tanong namin.

"Nothing."matipid na sabi nito. Ang cool pa ng pagkakasabi niya.

"Ay, g*go."iyan lang ang nasagot ko. Gusto ba niya talagang bumalik sa kanya si
Jan? Sa tingin ba niya babalik sa kanya ito kung wala man lang siyang ka-effort-
effort?

Nagulat ako ng bigla akong kaladkarin, ay OA, hinila lang. Hinila ako ni Marco sa
kusina.

"Bakit? Bigla-bigla 'tong nanghihila. Bagong bili ko pa naman ang tshirt kong suot.
Pagnasira to! Babayaran mo 'to ng triple!"tinignan ko pa yung damit ko kung hindi
ba nasira.

"Kahit kelan ka talaga Tandang Zac! May plano kasi ako!"binatukan na nga ako,
tinawag pa kong Tandang Zac! Ay hanep talaga!

Pero tama ba yung narinig ko? Plano? Ano na naman plano? Nauuso ata ngayon ang mga
plano-plano. Mag-isip din kayo ako ng plano? Plano para mabigyan ko ang sarili ko
ng girlfriend.

"Ano?"binulong ni Marco sa akin yung mga naiisip niya. Ewan ko ba dito! Bakit
kailangan pang ibulong, kami lang naman ang nandito sa kusina. Wala talagang utak!
Hahaha!
Nang matapos kaming mag-usap, bumalik na din kami sa sala. Nagdala pa kami ng chips
at soda para hindi sila magtaka kung bakit umalis kami.

Pagkaupo namin, sinimulan na naming sabihin ang kalokohang naisip ni Marco.

Jan:

Next Day

"Manang alis na po ako. Pakisabi na lang doon sa dalawa na hindi mapirme sa bahay
na umalis na ko."sabi ko habang hinahatid ako ni manang sa gate.

"Ingat ka Hija."

"Sige po. Tawagan ko na lang si Mich kapag uuwi na ko. Bye po!"sumakay na ko ng
tricycle at nagpahatid doon sa garden na sinasabi ni Nathan.

Maya-maya huminto na ang tricycle. Bumaba na ako at nagbayad.

Tinignan ko ang buong garden.

Wow, ang dami ng nagbago. Mas dumami na ang mga bulaklak at mas lumaki na yung puno
sa gitna. Mas lalong gumanda.

For a year akong hindi dumadaan dito. At masasabi kong kahit papaano, namiss ko
pala ito. Namiss kong magstar gazing dito.

Sa may damuhan may nakita akong bulto ng lalaki. Nakaupo siya at parang ang lalim
ng iniisip. Lumapit ako sa kanya pero hindi niya ako napapansin.

"Hi."bati ko. Umupo ako sa tabi niya at tumingin sa kanya.

Ngumiti siya pero nag-iwas siya ng tingin pagkatapos. Ehh? Anong meron?

Para hindi maging awkward, nagtanong na lang ako kung saan kami mag-iinterview para
sa project.

"In your heart-I mean- ay este, sa park sa may mall."sabi niya at umiwas na naman
ng tingin.

"Hmmm. Tara?"nagnod siya at tumayo na. Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko.
Ilang seconds akong nakatingin lang sa kamay niya na nasa harapan ko.

"Bilis na."inabot na lang niya ang kamay ko at inalalayan akong tumayo.


Pinagbuksan niya ko ng pinto ng sasakyan niya at inalalayang umupo.

--+

Nawiweirduhan na ko sa kanya.

Napaka-gentleman, ang bait, masyadong concern at guess what, ngayon ko lang


napansin, nagtatagalog na ulit siya katulad ng dati!

Ano bang nakain nito at kakaiba ata siya?

Nandito kami ngayon sa loob ng restaurant dito sa mall. Katatapos lang namin mag-
interview. Nakakapagod nga eh. Lima ba naman ang na-interview namin tapos lakad pa
kami ng lakad.

"Eliza anong gusto mo?"sabi niya habang nakatingin sa menu.

"Hmm.. Carbonara and Strawberry smoothie."sabi ko sabay balik ng menu sa waiter.


Nag-order naman siya ng Carbonara at Mango smoothie.

Hintay lang daw kami ng 15 minutes at maseserve na ang pagkain namin.

"Napagod ka ba?"tanong niya.


"Sakto lang."

"Gusto mo bang water? Tubig pala?"umiling na lang ako. Ang weird nya talaga. Water?
Tubig? Eh iisa lang 'yun.

"Eliza.."tawag niya. Titig na titig pa siya sa akin.

"Bakit?"

"Eliza.."tumaas na ang kanang kilay ko. Hindi pa rin niya inaalis ang pagkakatitig
niya sa akin.

"Bakit?"inulit ko na lang ang pagsabi ko ng bakit.

"Eliza.."ulit na naman niya. Magrereact na sana ako dahil paulit-ulit niya kong
tinatawag kaya paulit-ulit akong bakit ng bakit pero naunahan niya ko."Ang sarap
talagang ulit-ulitin ang pangalan ng mapapangasawa ko."

"Here's your order Ma'am and Sir."naiwang nakabukas pa rin ang bibig ko. Hindi
dahil sa pagkain na ibinigay ng waiter kundi sa sinabi ng lalaki na ito.

Parang lahat ng dugo ko umakyat sa ulo ko. Namumula na ata ako.


--+

"Bakit bigla-bigla kang nagtatagalog?"tanong ko sa kanya habang kumakain.

"Huh?"nagtataka niyang tanong. Nakunot pa ang noo.

"Ang weird kasi. English version ka ni Kiejan eh. Tapos ngayon nagtatagalog ka na
ulit. Tapos ang weird mo pa. Ano ba talagang meron?"nginitian lang niya ako at
pinagpatuloy ang pagkain niya. Pangiti-ngiti pa siya habang kumakain.

Nathan:

I smiled as an answer in her question.

What I did awhile ago is really not me. Weird really.

Totoo ba talaga ang mga sinabi nila Marco at Zac sa akin?

They told me that if I want Eliza to fall in love again with me, I need to be a man
that every girls dream to have.
They even gave me clues to be the 'ideal' one.

They told me to be a gentleman, nice, lover and whatever things that are very ideal
for girls, I think so?

I even search for stuffs in net. Pick-up lines. Sweet lines.

They even told me to speak in Tagalog.

I never thought that I will do this for a girl. Love is really unpredictable. You
will never know what will happen next.

Geez, I'll blame Ella for this. She always talked to me in English.

"Saan mo gustong pumunta?"I asked while we were heading out from the restaurant.

"Hindi pa ba tayo uuwi?"tanong niya. "Hindi naman sa ayaw kitang kasama,


nagtatanong lang."

"Eliza, p-pwede bang mamasyal muna tayo? Yung tayo lang, kahit ngayon lang.
Ihahatid na lang kita."I said. Man, you even stutter saying those words. Medyo nag-
isip siya saglit pero napapayag ko na din siya.
"Hahaha! Ano ka ba! Bakit ba nagtatagalog ka? Nawiweirduhan ako promise! Nasanay na
akong nag-eenglish ka eh!"tumawa siya. Tawa na namiss ko rin sa kanya.

"But I'm speaking in Tagalog the first time we met each other."Tss. Nag-english na
naman ako. I'll practice to speak in Tagalog more often. I'm a Filipino so I need
to speak my own language.

"Oo nga pero after some days, grabe ka na kung mag-english."

"Yeah, that's because of my Dad. He always bring me at our company and I end up
talking with english speaking persons in that company--Woah!"hinila niya ako bigla.
Okay, that made me shock.

Tinignan ko ang tinitignan niya. Why are we here?

"Tignan mo Nathan! Ang cute nung pillow!"she said while I can see in her eyes how
she really like that pillow. The pillow is great but..

"Eliza you like that?"I said habang natatawa. She looked at me with a pout then she
then looked at the pillow. The pillow she's interested with is a white pillow with
a Death-note symbol "L" designed on it. Really, how did I fell inlove with a
boyish girl?

We entered the shop and I bought her the pillow. At first, she didn't want me to
buy it for her. Palagi ko na lang daw kasi siya ibinibili kaya hayaan ko naman daw
na siya na ang mamili but I insist.
"Nathan para quits tayo, kung bibilhin mo 'yan. Bibilhin ko naman ito para sa'yo."
inabot niya yung black pillow na katulad din ng design ng sa kanya. Hindi na ko
tumanggi. For sure, she will insist.

After that, we even played at our usual spot when we're together. Arcade. I
remembered when I want a bet that if I got the highest score in the mini
basketball, she need to call me hubby. God, how I miss those times.

--+

"Thank you for this day. Nag-enjoy ako."sabi ni Eliza w/ a smile.

"Don't worry. This will not be the last time. I assure you."nagulat siguro siya. I
saw her blushed but she just turned around and started to walk for her to hide her
red face.

"I missed you."sabi ko ng huminto kami sa may gate nila.

"I've also missed you really."sabi niya. Mukhang nagulat siya. Maybe she never
thought that those words will come out from her mouth. How cute it is.

"That really made my day. Ingat ka bye!"I entered my car and left her there looking
all shocked.
I can't help but to smile like an idiot.

I'm moving closer in my plan having her back. Winning her heart again.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Namiss niya din si Nate? Jan naguguluhan na ko sayo ha! Susumbong kita kay Kiejan!
Hahaha.

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[13] Rosales Family.

Follow me on twitter @longlostwriter

[13] Vancy Ron Rosales.

Jan:

"I missed you."

"I've also missed you really."


Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nasabi ko sa kanya 'yon. Two days
na ang nakakalipas Jan! Move on! I miss you lang din naman ang sinabi mo! I miss
you lang.

Tuesday na ngayon at ipapasa na ang project namin. Sa Friday pa naman ang deadline
pero tinext kasi ako ni Nathan kanina nang paalis na ko sa apartment na natapos na
daw niya yung written essay. At seriously, hindi ko alam kung sino ang nagbigay ng
number ko sa kanya. Nagpalit na kasi ako ng number. Ang alam ko lang. IH7 ang may
sala. Sila lang naman at sina Mich, Kiejan, Yhanna at family ko ang nakakaalam ng
new number ko.

Pumasok na ko sa room. Wala pa si Kiejan. Napaaga din kasi ako ng pagpasok eh.
Nilapag ko na yung bag ko at umupo sa usual seat ko.

"Jan, may papakilala kami sa'yo!"lumapit sa akin sina Ren at Luke kasama yung isa
sa mga transferee. Si Vancy. Siya yung playboy look. Hindi ko na nakalimutan yung
name niya dahil na rin simula nung lumipat siya, palagi na siyang pinagbubulungan
ng mga kaklase namin. Ang gwapo daw kasi.

"Jan-Jan!"wow hanep close kami? Maka-Janjan! Ngumiti na lang ako. Ang awkward naman
kausap ng lalaki na ito.

Maya-maya dumating din naman si Kiejan. Niyakap pa ko mula sa likod sabay sabing,
"Namiss kita JL. Di kita natetext kasi naggawa din kami ni Ella ng project." Oo nga
pala. Si Ella. Kababata pala siya nina Nathan at Kiejan. Medyo close nga sila ni
Kiejan eh. Mabait din naman pala si Ella. Di ko nga lang talaga kasundo.

"Okay lang. Libre mo na lang ako mamayang uwian."pumayag siya. Date daw namin.
"Eliza, here's the written essay."nahinto kami sa pag-uusap ni Kiejan dahil kay
Nathan. Inabot niya sa akin yung naka-folder. Bakit parang ang sabog niya ngayon? I
mean, ang itim ng aura niya. Parang puyat.

Napuyat ba siya sa paggawa ng written essay?

"Ahhh. Sige ipasa na lang natin mamaya." tumango siya at pumunta na siya sa usual
seat niya. Sa likod. Lumapit din si Ella sa amin nasa likod lang pala siya ni
Nathan. Ibinigay na din niya yung isa pang folder kay Kiejan."Oh! It's so hard but
I did best in it! Pssh."

"Yeah yeah. Ichecheck ko muna baka may errors!"pang-aasar ni Kiejan. Inirapan naman
siya nito at umupo na sa tabi ni Nathan.

Nagulat ako dahil nasa harap ko na naman si Nathan. Nakakagulat naman 'tong isang
ito. Bigla-biglang sumusulpot.

"Let's pass it right now?"sabi niya sa akin. Tumango na lang ako at sinabi kay
Kiejan na ipapasa lang namin. Nagkatinginan muna sila bago siya tumango.

Naglalakad na kami papuntang teacher's office. Tahimik lang. Ang awkward nga eh.
Ang tahimik niya kasi , napuyat nga siguro.

"Arrrgh. I really hate number 1."napatingin ako sa kanya nang may pagtataka. Hindi
naman siya nakatingin sa akin eh. Hindi ko na lang siya tinanong pero bigla siyang
nagsalita."1 is your couple number. Tss."
--+

Dumating na ang lunch break. Si Kiejan lang ang kasabay kong kumain dahil gusto
niya daw ako masolo. Namiss daw niya ako eh.

Weird niya swear. Ang sweet niya masyado. Sweet din naman siya dati pero
nakakapanibago masyado. Napasobra kasing sweet.

"JL, JL, JL namiss kita! Pakiss!" hinampas ko nga. Ang PDA ne'to! "Wow, ang sarap
naman ng kiss mo!"

"Shut up. Akalain nila totoo."sabi ko pa kay Kiejan. At talagang nang-asar pa. "JL!
KISSSSSS~"

Natawa na lang ako sa kanya. Nagtinginan pa nga sa amin yung mga ibang estudyante
na nasa cafeteria eh. Mga nangingiti sa aming dalawa.

"I love you JL."naramdaman ko ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko.

"KL, bakit ba ang sweet-sweet mo masyado? Anong meron? Hindi naman natin monthsary
ngayon. Bukas pa KL, bukas pa. Hahaha!"ngumiti lang siya at hinalikan ang kamay ko.

Nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko at binasa ang text.


From: Kuya Jop :3

Pangit kong kapatid, punta daw tayo sa bahay mamaya sabi ni Dad may bisita ata.

"Mukhang di tayo makakapagdate ah."sinabi ko na lang sa kanya na bukas kahit anong


mangyari, kakain kami sa labas. Aba, wala pa kali kaming matinong celebration ng
monthsary.

--+

"Kapatiiiid! Bukas na maglandian. Iinggitin niyo pa ako eh. Bakit kasi ang aga
umuwi ni Yhanna ko."sabi ni Kuya. Tinawanan lang siya ni Kiejan at sinabing,
"Mainggit ka!"

"Manahimik!"

"Sige na, alis na kayo baka hindi ko pa pasamahin si JL ko. Baka iuwi ko pa. Kuya
ingatan mo ha?"sabi ni Kiejan. Tumango si Kuya at pumasok na kami sa kotse niya.
Nagbabye na ako kay Kiejan.

Tinanong ko si Kuya kung nasaan si Jin. Nauna na daw sa bahay. Bakit ba kami
pinapapunta sa bahay? Anong meron? Kahit pala si Kuya hindi niya alam.

--+
"Binata't dalaga na kayo. Mabuti naman at nakita niyo na ang bunsong kapatid
ninyo"sabi ng isang may katandaan babae. Kadarating lang namin ni Kuya. Kasama na
din namin si Jin."Hindi niyo na ba kami nakikilala? I'm sure, Jop still remember
me."

Medyo nag-isip saglit si Kuya tapos bigla siyang ngumiti at nagmano."Tita Veronica,
how are you?"ngumiti naman ito at sinabing ayos lang siya.

Pamilyar ang itsura niya pero hindi ko talaga matandaan. Lalo naman siguro si Jin.

"Jan, Jin, this is our Tita Veronica. Jan remember her? Yung laging nagbibigay
sa'yo ng dress na sexy tapos ayaw mo." sabi ni Kuya.

Ah naaalala ko na! Siya yung long time family friend ng family namin na napakahilig
bigyan ako ng sexy dress nung bata ako tapos lagi kong hindi pinapansin dahil hindi
naman ako mahilig sa ganun.

Nagmano na din kami sa kanya. Nagkwentuhan kami. Si Jin dahil friendly naman, hindi
siya nailang. In fact, siya pa ang nakikipagkwentuhan.

"By the way Tita, where's Vancy?"oo nga pala meron siyang nag-iisang anak na
lalaki. My childhood bestfriend. Kaso, sa sobrang tagal na nang huli naming
pagkikita at komunikasyon, hindi ko na siya mamumukhaan ngayon. Ang natatandaan ko
na lang eh, yung itsura niya nung bata pa kami.

Tumira na kasi sila sa Japan nung Grade 4 kami at ngayon na lang ulit sila umuwi
kaya hindi ko na sila makilala.
"Speaking of my son."tumayo ito at naglakad. Sinundan naman namin siya ng tingin at
nakita naming siyang lumapit sa lalaking kadadating lang. Siya? Siya ang anak ni
Tita Veronica?

Lumapit sila sa amin. Hindi ko ma-imagine na siya yung kalaro ko nung bata pa ako.

"Guys, this is my son, Vancy."tumingin siya sa akin at kumindat. Siya nga!

"Van-Van uhuging bata na napakahilig sa ampalaya? I-Ikaw 'yan?"napatakip pa ko ng


bibig. Ang ingay ko! Nandito si Tita tapos kung makapanlait ako sobra.

"Yeah yeah. Jan-Jan prinsesang tabaching-ching."nagdeath glare ako. Ang sama!

--+

After magdinner, naisipan namin ni Van-Van na magpahangin sa garden. Umupo kami


doon sa mga damuhan.

Grabe ang laki na ng pinagbago ng itsura niya. Pero ang tangkad pa rin niya. Mas
lalong tumangkad.

"Oy, makatitig naman. Naiinlove ka na naman sa akin no? Hahaha"binatukan ko nga.


Yung ugali niya ang hindi nagbago. Mayabang pa din.
"Nakakapanibago ka lang. Dati yang buhok mo laging Jose Rizal look. Sipunin, amoy-
pawis, negrito, at maingay."sumama naman yung tingin niya sa akin. Eh sa iyon
talaga siya dati eh. Anong magagawa ko? Pero gwapo na nga siya ngayon!

"Makapanlait ka ah! Kanina ka pa. Syempre naman dapat nagpapapogi din paminsan-
minsan."nagpogi sign pa siya. Sinapak ko nga. Ang kapal kapal kapal kapal kapal
kapal kapal ng mukha!

"Teka lang, bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw na pala si Van-Van?"ilang weeks
na siyang nagtransfer sa university na pinapasukan ko tapos magkaklase pa kami,
hindi man lang niya nabigyan ng time na sabihin sa akin na siya na yung long time
childhood best buddy ko. Kaya pala kanina sa room tinawag niya kong Jan-Jan.

"Eh gusto ko ikaw ang makapansin ng kapogian ko. Kaso, masyadong kang pa-hard to
get, pa-maria clara. Gustong-gusto na kong lapitan pero pinipigilan pa.
Hahaha!"sinapak ko nga ulit. Ako pa talaga ang ganun? Nakakainis! Feeler!

"Kahit kelan ang yabang-yabang."nasabi ko na lang. Sumagot na siya ng, "Pogi naman!
Hahaha."

"Para kang si Kiejan."sabi ko. Magkatulad silang maraming hangin sa katawan.

"Kiejan? Your boyfriend?"tumango na lang ako. "Akalain mo 'yun may nagtatiyaga


sa'yo?"

"Ay hanep! Sa sarili mo 'yang sabihin! Hindi ako makapaniwalang ang daming
nagkakandarapa sa'yo sa MC. Halos hubaran ka na ng mga tingin nila eh."
"Asus, for all I know, ikaw din pinagnanasaan mo na ko nung nakita mo ko."sasapakin
ko sana ulit siya pero naunahan niya ko. Yes, ang lalaki pong ito ay
sadista."Nakaka-ilan ka na ah. Masyado mong sinasaktan ang handsome head ko."

Ilang oras din kaming nagkasatan bago naisipang pumasok na sa loob. Sakto naman na
uuwi na sila.

"Bukas na lang ulit, Jan-Jan."tumango ako at nagpaalam na kami sa kanila.

Umuwi na din naman kami after nun. Sila Kuya nandito ngayon sa apartment namin.
Namimiss na daw ni Kuya Jop si Yhanna. Si Kuya talaga. Duty na naman.

Nagulat ako ng madatnan ko si Nathan sa sofa natutulog. Bakit nandito 'to? Iniwan
ako ni Kuya at ni Jin sa sala kung saan natutulog si Nathan. Pupuntahan na daw nila
sina Yhanna sa kwarto.

Biglang nagring yung phone ko. Tumatawag si Kiejan.

"Hello?"

[JL, nakauwi na kayo?]

"Yes captain! Hahaha. Miss me?"pang-aasar ko. Narinig ko naman siyang napatawa.
[Feeler ka na. Joke. I love you! Bye hahaha!]at binaba nga, Loko-lokong bata.

Binalik ko na yung phone ko sa bulsa ko. Lalapitan ko sana si Nathan pero mukhang
hindi na kailangan, nasa harap ko na kasi.

"So this is how it feels?"kumunot ang noo ko. Anong pinagsasabi nito?

"To see someone you love having a great smile with someone else. That smile used to
be mine."nagkatitigan lang kami. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

"Nakikita kita ng malapitan, nakakausap at napagmamasdan but still, you're so far."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

SORRY NGAYON LANG ULIT NAKAPAG-UPDATE. SOBRANG NAGING BUSY LANG KASI AKO. TRY KONG
MAG-UPDATE ULIT BUKAS. ANG DAMING MGA BAGONG READERS! ^___^

Natutuwa ako sa mga message niyo! Salamat salamat salamat! :)

Comment kayo ha? Yung sobrang haba. Hahaha!


KAMUSTA NAMAN PARA SA INYO SI VAN? GWAPO NO? HAHAHA PERO MAS GWAPO SI LKIM KO <3

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[14] The Mess I Made.

Follow me on twitter @longlostwriter

Nathan:

I want to hug her right now but I can't. She's with that bastard again.

After our short talk (if ever I can call it OUR talk because I'm the only one who
talked), that bastard had a great timing showing his creepy face in front of us.

"Nate ayaw mo bang kumain? Sabay ka na kina Kiejan."I smirked. Paano ko magagawang
kumain kasama 'yan? Tss.

Tumayo ako at sinabing uuwi na ko. Tumingin ako saglit sa kanya. Eliza please...
please love me again. Tumingin siya sa akin pero umiwas din. F-ck this life.

"Teka! Bar na lang kali? Miss ko na bar ko!"umakbay sa akin si Jin. Because of
that, hindi na ko nakaalis. Everyone agreed. I'm thankful Jin's here. Jin is my
longest friend among all the members of IH7. Kilalang-kilala na niya ako. And I'm
thankful na hindi niya ako iniwan even though I did something wrong to her sister.
He knows that I need some calming treat.

--+

"Oh, why so sudden? Pero namiss ko magbar!"Zac said as he entered the bar. As Jin
announced it by texting them, they made their way here as soon as they could.

The bastard can't come. He need to go somewhere I heard. And that's better.

Nag-order kami ng drinks. Nasa tapat ko si Eliza. She is quiet. Beautiful even if
she's only wearing a muscle tee and short. She looked at me with that eyes I was
desperate to look at closely.

"Nate, tara kanta! Tagal na nating hindi kumakanta dito."aya ni Zac. I nod.

After preparing for our individual song, we hurried to the mini stage. Jin
announced that we will sing one by one. Every girls, shout our names and I can see
that they are all excited maybe because it's been 2 weeks since our last gig.

Zac sung first. I'm just sitting in my chair staring at Eliza. I can live everyday
just looking at her. I so love this girl.
It's been 30 minutes and Jin's calling out my name."Nate, ikaw na! Bilis chupi na
dyan, naghihintay na sila sa'yo."

Pumunta na ako dun sa DJ at sinabi kung ano ang kakantahin ko. Nagthumbs up siya,
sign that he knew the song. Umakyat na ako sa stage at kinuha ang Mic.

"This song is for you, sorry for the mess I made."tumingin ako sa kanya. Nakatingin
lang din siya sa akin. By the look on her face, I know that she knows that the
message was for her.

♫ Should've kissed you there I should've held your face I should've watched those
eyes Instead of run in place ♫

You were there when I needed someone the most. You were there when no one else want
to.

♫ I should've called you out I should've said your name I should've turned around I
should've looked again ♫

Dahil sa'yo nakita ko ang babaeng nararapat talaga para sa akin. Ang babaeng
handang tulungan ako kahit nasasaktan na pala siya.

♫ But oh, I'm staring at the mess I made I 'm staring at the mess I made I 'm
staring at the mess I made As you turn, you take your heart and walk away ♫
Bakit ba hindi ko agad napansin? That what my heart's screaming is the girl in
front of me. The girl I'm chasing right now. The girl I want to win back.

♫ Should've held my ground I could've been redeemed For every second chance That
changed its mind on me I should've spoken up I should've proudly claimed That oh my
head's to blame For all my heart's mistakes ♫

So many mistakes that I've committed. So many mess I made. For every wrong action I
took, now I'm suffering losing you.

♫ But oh, I'm staring at the mess I made I 'm staring at the mess I made I 'm
staring at the mess I made As you turn, you take your heart and walk away ♫

Now, I'm at pain. I can see you being happy with him. He's lucky. He can love you
freely, he can take care of you, he can say to everyone how lucky he is to be yours
and to his. I want to be in that position. I want to be with you.

♫ And it's you, and it's you And it's you, and it's you And it's falling down, as
you walk away And it's on me now, as you go ♫

Eliza... How can I be so desperate to have you? Last time I check, I'm a man that
can control everything but now, I can't control my feelings. I can't control loving
her. I love her so much.

♫ But oh, I'm staring at the mess I made I 'm staring at the mess I made I 'm
staring at the mess I made As you turn, you take your heart and walk away ♫
Nakatingin lang ako sa kanya. Pinagmamasdan siya. How did I leave this amazing
girl? How could this be? Paano ko nagawang saktan ang babaing ito?

♫ And it's falling down, as you walk away And it's on me now, as you go ♫

Aayusin ko ang lahat. Aayusin ko ang sa atin. Aayusin ko ang lahat. Gagawin ko ang
lahat maibalik lang ang puso mo sa akin.

♫ But oh, I'm staring at the mess I made I 'm staring at the mess I made I 'm
staring at the mess I made As you turn, you take your heart and walk away ♫

Hindi ako si Nathan Nui Lee kung hindi ko magagawang mapa-inlove ang isang babae
pinapangarap ko.

Jan:

Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng pagkanta ni Nathan. Mula simula ng kanta


niya, alam ko sa akin lang siya nakatingin. Hindi ko na alam kung anong dapat kong
gawin. Hindi ko na alam kung anong dapat kong gawin para itigil na niya ito.

"Eliza can we talk?" lumapit siya sa akin after niyang kumanta. Papayag ba ako?
Tumango na lang ako. Dinala niya ako sa VIP Room para siguro magkaroon kami ng
private talk. Para makapag-usap kami ng mabuti.

Pagpunta namin sa VIP Room nakatingin lang siya sa akin. Titig na titig siya sa
akin.
"Eliza... sorry sa mga ginawa ko."hinawakan niya yung dalawang kamay ko. Nakatingin
lang ako sa kanya."Sorry sa pagkakamali ko."

"N-Nathan w-wala na iyon. Wala na sa akin iyon."bumuntong hininga siya at umupo sa


upuan doon.

"Eliza.. nasasaktan na ako. Nasasaktan ako sa bagay na ginawa ko sa'yo. Eliza sa


akin ka na lang."sabi niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.

"Nathan, mahal ko si Kiejan. Hindi ko siya kayang saktan."sabi ko sa kanya. Tumayo


siya at tumalikod sa akin. Nakita ko naman na parang pinunasan niya ang mukha niya.
Umiiyak ba siya? Umiiyak ba siya dahil sa akin?

Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap at sabay sabing "I will never give up,
Eliza. Kahit anong mangyari, hindi ako susuko."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

I knooooooooooooow bitin na naman! Sorry guys! Babawi ako, baka mag-update ulit ako
bukas. 'Wag kayong mag-alala, malapit na

.
Malapit na ang Pasko! Merry Christmas Guys! :"""> HAHAHA.

Thank you nga pala ulit sa mga messages, comments, votes and supports! Binabasa ko
lahat and I'm so Happy! :"> Pabasa din nung isa ko pang story ha? Yung "Mysterious
Roses"

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[15] What he thinks.

Follow me on twitter @longlostwriter and please Read 'Mysterious Roses'

Jan:

Papasok na naman. Parang ayoko na ata. Tuwing pumapasok ako sa MC, ang gulo. Ang
gulo-gulo ng buhay ko. 1 week ng magulo.

Si Kiejan na tinatamaan ng selos sa dalawang lalaki. Si Nathan na isa sa mga


dahilan ng matinding pagseselos ni Kiejan. Magkapatid nga sila parehong sakit sa
ulo. Wala ng ginawa kundi magbangayan sa harap ko. May isa lang silang
pinagkapareho.

Pareho silang nagseselos kay Van-Van. Katulad ngayon, magkausap kami ni Van-Van.

Hindi ko kasi makausap ng maayos sina Kiejan, tuwing kakausapin ko kasi ang isa sa
kanila, sasabat yung isa kaya mas mabuti nang si Van na lang ang kausapin ko.
Magselos man, hindi naman nila maaway si Van, mahiya naman diba?

"Jan-Jan baka magalit na naman itong mga lovers mo."sabi ni Van-Van habang
minamasahe niya ko sa likod. Bale yung upuan tinalikod ko para yung likod ko
nakaharap sa kanya.

"Nako bayaan mo sila, wala ng ginawa kundi mag-away."sabi ko sa kanya. "Hindi ka


naman nila pinapatulan eh. Nahihiya ata.

"Natakot sa kapogian ko. Hahaha!"ohmy. Ang kapal. Nagfake laugh ako. Loko-loko
talaga.

Nagkwentuhan lang kami dun. Naikwento ko din sakanya yung nangyari sa recent
monthsary namin ni Kiejan. Guess what? Naudlot na naman ang date namin. After kasi
naming magdinner, tumawag na yung daddy niya. Kailangan daw siya sa company nila.
Nung una ayaw niyang umalis pero sabi ko sa kanya, pumunta na siya. Baka emergency
eh. Siya lang kasi ang aasahan ng StepDad niya. Siya lang kasi ang nag-iisang anak
ng totoong mommy niya at walang naging anak ang StepDad niya at ang Mommy niya. Si
Nathan at Kiejan kasi based from what Kiejan said, sa daddy nila sila related.

"Kamalas-malas niyo naman."sabi nito. Tumango na lang ako. Totoo naman eh.
Everytime na magmamonthsary na lang kami, ganun ang kalalabasan. Palaging palpak.
Tinanong ko siya kung nagkagirlfriend na ba siya. Never ko pa kasi siyang
natatanong tungkol sa lovelife niya eh.

"Ah girlfriend? I can't say if they can be called 'girlfriends'."napatingin ako sa


kanya. Inaayos ko na din ang upuan ko. Hindi ko maintindihan yung sinasabi
niya."Paki-explain ng mabuti."Nagsmirk siya at pinisil ang ilong ko.

"Ganito kasi 'yan. Never pa kong nanligaw ng babae-"


"What? Are you gay?"binatukan niya ako kaya napa-aray tuloy ako. "Are you kidding
me? Ako bakla? Hindi ko sasayangin ang kagwapuhan ko!"

"Patapusin mo muna kasi akong magsalita."tumango na lang ako."Never pa kong


nanligaw dahil sila ang nag-aapproach sa akin. Pumapayag ako kapag sinabi nila na
gusto nila akong maging boyfriend. Pero ang pinakamatagal na relationship ko ay 1
week pa lang. Kaso kaya lang naman kami umabot ng week dahil 3 days ata nawalan ng
pasok nun."

Tumango na lang ako. Wow. Napaka-desperada naman ng mga babae na iyon. Sila pa
talaga ang nag-aaya kay Van-Van? Mabatukan nga itong lalaki na 'to. "Hey, para saan
'yun?"nagulat siya sa biglaan kong pagbatok sa kanya. Napahawak pa siya sa ulo
niya. Napalakas ata.

"Bakit ka naman pumapayag? Sira ulo ka talaga Van-Van!"hinampas-hampas ko ulit


siya."Bakit ba? Eh boring buhay ko kapag walang babae kaya paminsan-minsan
pagbibigyan ang mga nagmamakaawa tsaka bakit ba? Nagseselos ka ano?"

"Pwe! Asa ka naman. Naaawa lang ako sa kanila. Hindi man lang nila nalaman na ang
lalaking kinahuhumalingan nila ay negrito dati."tinakpan niya yung bibig ko at
sinabihan na magbehave naman daw ako. Baka daw may makarinig. Inirapan ko na lang
siya at inalis ang kamay niya sa bibig ko.

"Eheeeeeeem." natigil kami dahil sa lalaking nasa harap naming dalawa. Ngumiti siya
sa akin. "Pwede ko bang SOLOHIN ang GIRLFRIEND KO?"pag-eemphasize niya sa word na
'solohin' at 'girlfriend ko'. Tumango naman si Van-Van. Hinawakan ni Kiejan ang
kamay ko at hinila palabas ng room. Buti na lang wala yung Subject teacher namin.

Huminto kami doon sa hagdanan. Pinaupo niya ko doon sa first step. Siya naman
bumaba ng mga 3 steps tapos humarap sa akin ng naka-crossed arms at naka-pout.
Nangangamoy pagseselos na naman dito ah.
"JL, nakakainis ka! Selos na selos na ko kay Van-Van na ahhhh basta yung Rosales na
'yun! Masyado kayong close! Tsaka nakakainis naman may endearment din kayo! Jan-Jan
at Van-Van? Nakakainis naman! Dapat tayo lang ang meron dahil tayo pero pati ba
naman kayo?"ngumiti na lang ako. Confirmed. Nagseselos nga.

"Huwag na magselos, KL. Van-Van is only my best buddy and you are my best
boyfriend." napangiti siya sa sinabi ko pero nagtampo face na naman siya."Hindi!
Nagtatampo pa din ako! Ayoko. AYOKO. Tsaka please lang ayokong marinig sa'yo ang
Va- Argh! Ayoko ngang marinig tapos sinasabi ko? Tss! Basta, 'wag mong sasabihin
yung tawagan niyo."

"Van-Van. Van-Van. Hahaha!"napatakip naman siya ng tenga. Ang sarap niyang asarin.
Ang bilis kasi mapikon eh. Ang cute pa kapag nagseselos. "Wag sabi! JL naman, kay
Nate pa nga lang nagseselos na ko dadagdag pa ba si Rosales? Buti nga meron tayong
subject na wala siya eh. Eh si Nate halos lahat kaklase natin siya!"

Tama siya, nagulat nga ako nung mapansin ko na kaklase namin siya sa halos lahat ng
subject. Isipin mo 'yun, pareho kaming tatlo ng sched? Si Ella din pero may isa o
dalawang subject ata na hindi namin siya kaklase.

"KL, kaibigan ko nga lang siya kaya 'wag ka na magselos. Itutulak kita dyan!"sabi
ko sa kanya. Umupo naman siya sa tabi ko."Hindi mo na ko kailangan pang itulak
dahil dati pa lang natulak mo na ang puso ko sa puso mo, iyan tuloy na-magnet na ko
sa iyo."Hinawakan niya yung kanang kamay ko at mabilis na hinalikan. Nakadali na
naman oh. Pinisil ko na lang ang ilong niya at sinabing ang corny niya.

"JL, naisip ko lang, bakit kaya laging hindi maayos ang monthsary date natin? I
mean, hindi na tayo nakapagdate na walang istorbo. Laging may tumatawag o kaya man
may busy sa ating dalawa."oo nga naman.
"Nagkataon lang siguro na ang 1 ay busy day."sabi ko sa kanya. Kasi naman 1 ba
naman daw ang piliin na date?

"Sana nga. Sana iyan lang ang dahilan." naging seryoso bigla ang mukha niya at
nakatingin lang sa magkahawak naming kamay. Tumayo ako kaya napatayo din siya.

"Tara na nga, doon na tayo sa classroom. Nagdadrama ka na naman KL."ngumiti siya sa


akin at pinisil ang pisngi ko. Nang maka-upo na kami sa upuan namin. Nakita naming
nagququestion and answer ang iba naming mga girls na kaklase at kasama doon si
Ella.

"Ella, ikaw naman ang tatanungin namin."sabi nung kaklase naming isa. Nasa harap
sila kaya hindi namin maiwasan na hindi manuod at makinig. At nakakatawa din naman
sila eh.

"What is it?"sabi ni Ella. Nagbulungan naman yung mga girls at ngumiti sa


kanya."Who do you love, Ella?"

Halata sa mukha ni Ella ang pagkagulat sa tanong. Parang nag-isip muna siya.
Napansin kong tumingin siya sa likod. Alam kong kay Nathan siya nakatingin.
Tumingin ako sa likod at hindi nga ako nagkakamali. Kay Nathan nga siya nakatingin
at si Nathan ay nakatingin din sa kanya. Kung papansinin mabuti, para bang nag-
uusap ang mga titig nila sa isa't-isa. Nung bumalik ang tingin ko kay Ella, hindi
na siya nakatingin kay Nathan. Ngumiti siya sa nagtanong sa kanya at sumagot,

"Love? Ofcourse it's Nate."

Kiejan:
"Jan, gusto mo bang pumunta na sa classroom?"sabi ko. Naglunch na kasi kami at nag-
aya siya na dito muna kami sa cafeteria. Mahaba-haba pa naman ang free time namin
before ng next subject kaya pwede pa kaming magstay dito. Nag-usap lang kaming
dalawa at nag-asaran. Actually, ako lang ang nang-aasar. Siya kasi, after niyang
tumawa sa joke ko or hampasin ako kapag napaka-corny ko na, tatahimik lang siya
bigla.

"Dito muna tayo, KL. Ayaw mo na ba akong kasama?"sabi niya at nagpout. Pinisil ko
ang ilong niya at inakbayan siya. Sinabi kong hindi naman sa ayaw ko, nagtataka
lang talaga ako kung bakit gusto niya dito sa cafeteria eh dati lang ayaw niyang
matagal nag-iistay dito dahil dumidikit daw yung amoy ng sari-saring ulam sa
katawan namin. Ngumiti lang siya sa akin at sinabing, "Hindi ba pwedeng magbago ng
lugar na pagbabondingan natin?"

Tumango na lang ako. Sabagay, alone time din namin ito, Hinawakan ko yung kamay
niya. Nagulat naman siya pero ngumiti lang din sa akin. Bakit ba parang biglang
nag-iba yung mood ni Jan? Kanina lang ang saya pa niya at pinagtitripan pa niya ako
kanina pero bigla siyang naging ganyan. Biglang mag-ispace out. Parang bigla siya
nawala sa sarili niya.

"Nate! Ella! Come here guys!"nabaling ang tingin ko sa dalawang taong pumasok sa
cafeteria. Si Ella na nakahawak sa kanang braso ni Nate at nakangiti. Sumama sila
sa table nina Ren at Luke. Malayo ang table nila sa amin. Ang table kasi namin
malapit sa exit door ang table naman nila malapit sa pilahan ng mga girls na
umoorder. Kaya siguro hindi nila kami napapansin, madami din kasing tao dito eh.

Tumingin ako kay Jan, bigla kasing humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
Nakatingin siya doon. Kanino siya nakatingin? Kay Ren? Kay Luke? Kay Ella? o Kay
Nate?

Hay, lolokohin ko pa ba sarili ko? Malamang si Nate ang tinitignan niya. "JL!
NAWAWALA YUNG ANO KO!"nagulat si Jan sa bigla kong pagsigaw. Masyado atang
napalakas ang pagsigaw ko. Napatingin kasi sa amin yung mga katabi naming tables
eh.
"Bakit? Anong nawawala?"tumingin sa baba si Jan. Tinignan niya yung ilalim ng table
at yung likod ko. Hinahanap siguro yung sinasabi kong nawawala.

"Nawawala yung puso ko."napahinto naman siya sa paghahanap at tumingin sa akin ng


nakakunot ang noo. Nanlaki naman ang mata ko at tinuro ang parte kung nasaan ang
puso niya."Ayun, nasa puso mo pala! Hala, ninakaw mo yung puso ko JL! Ayan tuloy
nag-istay na siya dyan sa tabi ng puso mo."

Narinig ko namang mga nagsisi'Ayiiee' yung mga nakarinig. Nakita kong namula si Jan
pero hinampas niya ako at yumuko. Sigurado ako tinatago na naman niya ang pagblush
niya.

"KL sira ka talaga!"sabi niya. Nakatingin na siya sa akin at hinahampas pa rin ako.
Kinuha ko ang dalawang kamay niya para huminto na siya sa paghampas sa akin.
Tinitigan ko siyang mabuti at sinabing, "Nagkakamali ka JL, hindi na ako sira dahil
binuo mo ko. Dahil sa'yo nabuo ako. I feel complete dahil nandito ka na. Parte ka
na ng buhay ko. JL, binuo mo ko."

Niyakap ko siya. Niyakap din naman niya ako pabalik. "Masaya na ako. Napasaya na
kita ulit. Space out ka kanina JL. Nalulungkot tuloy ako kanina."

Kumalas siya sa pagkakayakap namin. "Sorry KL, sorry talaga. Kung anu-ano lang
talaga ang naiisip ko kaya siguro nagspaced out ako."

"Popcorn nga please!"nabaling ang atensyon namin kay Luke na lumapit sa amin."Kayo
ha, masyadong nagsosolo. Tara sa table namin para mas lalong masaya."

Wala na kaming nagawa ni Jan dahil hinila na kami ni Luke sa table nila. Kasabay
namin sina Nate na umupo. Kaka-order lang nila ni Ella. Nakita ko si Nate na
nakatingin lang kay Jan.

Napailing na lang ako. Kiejan, magpakalalaki ka nga. 'Wag kang kakainin ng selos
mo. Kayo na ni Jan. Kayo na kaya tama na. Ngumiti ka. Ngumiti ka para kay Jan. Para
sa inyong dalawa. Mahal mo siya diba? Mahal mo siya kaya dapat kumalma ka lang.

"Nate, I don't like this fish. Do you want it?"sabi ni Ella.

"You brat. You're wasting your food again."kinuha ni Nate yung fish na nasa plate
ni Ella at nilagay sa plato niya. Nagpout naman si Ella. Tumingin sa akin si Ella
at binigyan ako ng 'why-are-you-looking-at-me-like-that?' look. Nagsmirk na lang
ako. Kilala ko na si Ella dati pa at alam kong ganyan siya kung kumain laging hindi
inuubos at paniguradong sayo ang bagsak ng pagkain niya. Umirap siya at kumain na
lang ulit.

"Ella mahal mo pala si Nate ah! Ikaw ha!"sabi ni Luke.

"A-ah y-yeah? Haha!"sabi ni Ella. Nagkatinginan silang dalawa ni Nate at


nagngitian.

"Alam mo na ba dati pa Nate?"sabi ni Ren. Nagsmirk si Nate at sinabing, "I didn't


know. And right now, feeling ko matagal na kong pinagnanasahan ni Ella-Ow!"

Hinampas siya ni Ella. Nagglare pa ito kay Nate pero naggrin lang naman sa kanya
ito.

"KL, balik na tayo sa classroom."nagulat ako sa biglang pagsalita ni Jan. Biglaan


siyang nag-aayang umalis na. Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kanila.
Napansin kong magkatinginan si Nate at Jan. Hinawakan ko na ang kamay ni Jan kaya
napatingin siya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at lumabas na kami sa
cafeteria.

"Tara lakad-lakad muna tayo. 20 minutes pa naman eh."sabi ko sa kanya.

"Huh? Wag na. Balik na tayo sa classroom."huminto ako sa paglalakad. Napansin naman
ata ni Jan ang paghinto ko kaya napahinto din siya at tumingin sa akin."Bakit?"

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya. "Bakit nung lumipat tayo sa table nina
Luke, nag-aya ka ng lumabas?"umiwas siya ng tingin sa akin."H-Ha? Nagkataon lang na
gusto ko ng bumalik sa classroom."

"Yun nga ba ang dahilan Jan?"tumingin siya sa akin at tinanong kung ano bang
pinagsasabi ko.

"Baka naman naiilang ka na magkasama si Nate at Ella dahil sa narinig mo kanina na


mahal ni Ella si Nate?"Umiwas siya ng tingin sa akin at naglakad na ulit.

"Kiejan, bakit naman ako maiilang? Ikaw talaga!"sinundan ko siya at hinawakan siya
sa wrist niya dahilan para huminto siya sa paglalakad.

"Bakit nga ba Jan? Nagseselos ka ba? Nagseselos ka ba kay Ella?"

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
AN:

Kiejan------>

Mahaba na ba? Hahaha! Atlast nakapag-update ako! Ang sweet ni Kiejan! :D Si Ella
may gusto kay Nate? Hala lagot na! Ang dami ko ng karibal kay L <//3 Joke. Sakanila
si NATE, akin si L.

Again guuuuys salamat sa mga nagbabasa, nagvovote ang nagcocomment! :) Yung MCB
300k+ na! Ishare niyo sa mga classmates, friends, family, neighbors and kahit
kanino pa yung story ha? Thankyou Thankyou Thankyou! :""">

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[16] Celebration.

Follow me on twitter @longlostwriter and please Read 'Mysterious Roses'

Jan:

"Bakit nga ba Jan? Nagseselos ka ba? Nagseselos ka ba kay Ella?"

Ako nagseselos kay Ella? Nagseselos ba ako? Pero bakit naman ako magseselos? Hindi
naman kami ni Nathan.

"Hindi. Kiejan.... hindi."hinawakan niya ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa


paglalakas.
"Hahaha! Jinojoke lang kita! JL talaga! Bakit ka naman magseselos diba? Ha-Ha-
Ha!"ngumiti na lang akong pilit. Alam kong hindi totoo ang tawa na iyan. Alam kong
nasasaktan siya. Iniisip niya sigurong nagseselos ako. Eto na naman, lumabas na ang
totoong way ng pagseselos ni Kiejan.

Yung mga pagseselos niya nitong mga nakaraan at ngayon, alam kong hindi malalim na
pagseselos 'yun, pero etong ngayon, alam kong nagseselos talaga siya. Halata mo sa
mga mata niya at sa way ng pagtawa niya. Fake na Fake.

Hay, Kiejan...bakit ba kailangan mo akong mahalin ng ganito?

Umupo na kami sa upuan namin. Sinabi niyang magccr muna daw siya.

Yumuko ako at napailing. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit naaapektuhan
ako sa pag-amin ni Ella na mahal niya si Nathan?

Hindi ito tama. Kaya ko lang siguro naiisip iyon dahil nabigla ako. Hindi ko siguro
inexpect na mahal niya si Nate. Tama iyon nga lang.

Hindi ako nagseselos. Si Kiejan ang boyfriend ko. Nababahala lang siguro ako sa
existence ni Nathan.

Bumalik na si Kiejan. Nagpaturo siya sa lesson na iququiz namin ngayon. Dumating na


lahat ng mga classmates namin pati ang teacher.
--+

"Ate Noona!"tumingin ako sa direksyon ng taong tumatawag sa akin. Alam ko namang si


Jin iyon. Lumapit ako sa kanila ni Kuya Jop.

"Bakit kayo nandito? May kailangan kayo no?"sabi ko. Binatukan ako ni Kuya aba loko
'to! Pasalamat siya kuya ko siya!

"Noona, sina mommy nakauwi na! Nasa bahay na sila!"

"Kelan niyo pa nalaman na uuwi sila?" tanong ko kina Jin. Nung isang araw pa daw
nila nalaman. Tingnan mo nga naman. Hindi man lang nag-abala ang mga kapatid kong
sabihin sa akin.

"Sabay ka na kay Kiejan ha, Baby?" Gusto nina mommy magdinner kasama sina Yhanna at
Kiejan."tumango ako. Umalis na din naman agad sila. Lumapit ako kay Kiejan na
mukhang may kausap sa phone.

"But Dad kailangan ba talaga?"

"Ok... I'll be there in 20 minutes. Bye."nilagay na ni Kiejan yung phone sa bulsa


niya. Niyakap niya ako at binaon pa niya ang ulo niya sa may leeg ko. "I'm sorry,
hindi kita mahahatid."

"Okay lang, KL. Almost everyday na din naman tayong magkasama. Ibigay mo naman ang
time mo sa family mo for now." kiniss niya ako sa cheeks at lumabas na kami ng MC
at pumunta sa parking lot.
"Ihatid na kaya kita?"pagpupumilit niya. Umiling ako at sinabing kaya ko na ang
sarili ko. Pumasok na siya sa kotse niya at umalis.

Naglakad-lakad na muna ako dito sa parking lot. Tinext ko siya kung mahahatid niya
ko sa bahay pero hindi daw dahil naghahanap daw siya ng damit nya. Ha? Para saan?
Masyado naman atang naghahanda si Kuya?

Si Jin naman kasama ang IH7 pati si Mich. Pumunta sila sa Bar para kunin yung bayad
sa pagkanta nila. Tapos, may pupuntahan pa daw sila.

Ano ba 'yan! Ayoko pa naman magcommute. Nakakatamad.

"Bye Ella take care."napahinto ako sa paglalakad at nagtago sa may pader doon. Kung
hindi ako nagkakamali, si Nathan 'yun. Sumilip ako ng kaunti, kausap niya si Ella
sa phone. Ella kasi yung narinig ko kanina. Naglakad siya at binubuksan ang kotse
niya.

Bigla naman nagring yung phone ko. Aish! Kung minamalas nga naman! Kung kelan
nagtatago ako doon naman nagring ang phone ko.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at sinagot ang tawag,

"H-Hello?"
[JL, nakauwi ka na ba?]tanong ni Kiejan. Napatingin ako kay Nathan. Gosh,
nakatingin siya sa akin at nakacrossed arms habang naka-evil smile.

"H-ha? Ah h-hindi pa pero pauwi na din."sabi ko habang nakatingin pa din kay


Nathan.

[JL bakit parang kinakabahan ka? Ayos ka lang ba?]halata sa boses ni Kiejan na nag-
aalala siya para sa akin.

"Okay lang ako, KL. Ikaw talaga. Sige na bye na nagdadrive ka pa. Take
care."nagpaalam na din siya at nag-end call. Bakit ganun? Feeling ko nagchicheat
ako sa malayo kong asawa at nakikipagkita ako sa kabet ko. Ganun yung nafifeel ko
ngayon. Nakita ko naman na nawala yung ngiti ni Nathan nung narinig niya na si
Kiejan pala yung kausap ko.

"Why do I always need to hear you and that bastard talking on the phone. It makes
me- urgh."ginulo niya ang buhok niya at lumapit sa akin. Hindi na niya tinapos pa
ang sasabihin niya.

"Why're you still here? Where's the bastard?"

"Umalis na siya. Urgent. 'Wag mo ngang tawaging ganyan si Kiejan."sabi ko.

"Whatever. Tss. Hatid kita?"umiling ako at sinabing 'wag na. "Are you sure? It's
too late, Eliza. And I know you're in a hurry because Jin told me you guys have
dinner with Mommy and Daddy."napalunok ako ng sobra. Mommy at Daddy? Nalimutan na
ba niya na wala na kami?
Hindi na ko tumanggi kaya eto ako nasa kotse ni Nathan. Baka malate na din ako sa
dinner namin sa bahay. For sure nandun na sina Kuya.

"Eliza."tumingin ako sa kanya na kasalukuyan naman na diretso lang ang tingin sa


harap at nagdadrive."Bakit iniiwasan mo ko?"

"Ha? Do you know that I will not accept you to drive for me if I'm ignoring
you?"sabi ko.

"Do you know also that you ignore one person if you don't want to come closer to
him? You've been ignoring me since Ella confessed. Are you kinda jealous?"halatang
nang-aasar siya.

"H-hindi ah! Ang k-kapal ng mukha nito!"mabilis kong sagot.

Hindi na ako tumingin sa kanya. Sa bintana na lang ako titingin. Mas okay pa 'tong
tignan kesa sa kanya.Geez, pareho silang nagtanong sa akin kung nagseselos ba ako.
Magkapatid talaga sila.

"That was fast. Defensive as ever. Great Pretender."umirap na lang ako kahit alam
kong hindi naman niya makikita dahil sa bintana ako nakatingin. Narinig ko naman na
nagsmirk siya.

Nagvibrate ang phone. May nagtext. Pantanggal awkwardness.


From: Yhans :)

Sissy you are super late na! Punta ka na dito! Wala si Mich sa apartment kasama
siya ni Marco at ang IH7 sa bar. Leggo na here Sissy! You and Kiejan.

Hmmp. Kung alam mo lang Yhanna. Ang kasama ko ay member din ng IH7 at Yhans, si
Nathan ang kasama ko hindi si Kiejan.

"Nathan sa bahay na. Ako na lang pala kulang doon."tumango na lang siya at nag-iba
na ng way.

--+

"Jaaaaaaaaan my baby! I miss you my one and only beautiful daughter!"sinalubong


agad ako ni mommy ng isang napakahigpit na yakap pagkababa ko palang ng kotse.

"Mom please stop calling me baby! I'm not a baby, ok? I miss you too mommy."kumalas
si Mommy sa yakap at nagpout.

"I miss you, my daughter."kiniss ko si Dad sa cheeks.

"Sissy bakit ang tagal niyo ni Kiejan?"sabi ni Yhanna na nasa tabi ni Kuya.

"Baby is that Kiejan?"tanong ni Mommy habang nakatingin sa lalaking nasa loob ng


kotse. Sakto naman na pagkasabi ni mommy nun, lumabas si Nathan sa kotse.
"Ohhh."tanging nasabi ni Mommy. Halata naman na hindi nila inexpect na makita kami
na magkasama.

"Mommy ganito kasi 'yan-"

"Omo.. Sissy! What's the meaning of this?"sabi ni Yhanna habang nanlalaki ang mata.

"Kas-"hindi ako nakapagsalita dahil nagsalita si Kuya.

"Baby, you're cheating! Baby's cheating!"sabi ni Kuya may pailing-iling pa.

"Argh! I'M NOT CHEATING! HINATID LANG NIYA AKO FOR PETE'S SAKE!"natigil sila dahil
sa lakas ng sigaw ko. Kasi naman kung anu-anong iniisip nila. Sa tingin ba nila
ganoon akong babae?

"Teens stop it. Let's just start this Suprise Party. Nate iho, you can come if you
want. Invited naman lahat."

--+

"Mom! Dad! W-What is this?"nanlalaki ang mata ni Jin habang lumalapit sa amin.
"Jin bunso, sorry for this super late party for you."sabi ni mommy sabay yakap kay
Jin. May malaking suprise party pala na magaganap ngayon.

Dahil umuwi sina mommy, naisipan na din nilang ngayon na ganapin ang pagpapakilala
kay Jin sa mga relatives and social friends ng family lalo na sa mga tao na
namamahala sa business namin.Simula nang dumating kami dito sa bahay, nagdadatingan
na rin ang mga bisita pero syempre hindi muna kami lumalabas nina Kuya sa kanya-
kanya naming kwarto. Si Yhanna at ako sa kwarto ko nagstay para mag-ayos ng sarili.
Si Nathan naman sa kwarto ni Kuya. Papahiramin na lang daw niya ito ng susuotin.

Si Jin naman tinulungan ng IH7 sa paghahanap ng maayos na damit sa mall kaya wala
pa sila hanggang ngayon. Kinun-chaba pala nina mommy ang IH7.

At eto na nga, pagkapunta ni Jin sa Garden namin kasama ang IH7 at si Mich,
bumungad sa kanya ang iba-ibang flash ng camera at iba't-ibang mararangal na tao at
syempre kami.

"I want to introduce to you my long lost son, Macky Jino."sabi ni Daddy.
Nagpalakpakan ang lahat. Si Jin naman nagbow at halatang teary eye na siya.

"Noona...."niyakap niya ako at nagpasalamat dahil mahal na mahal ko daw siya.

"Jin you know that ever since I didn't know it, I like you. Diba nga ate mo na ko
una pa lang?"Yumakap din siya kay Kuya Jop.

"Ngayon na alam na ng lahat na may bunsong anak na lalaki pa sina mommy, alam na
din nila na hindi na lang ako ang gwapo."nagtawanan kaming lahat sa sinabi niya. Si
Kuya talaga. For sure naiiyak 'yan kaya ganyan. Huminto pa siya sa pag-aaral para
lang tulungan sina mommy sa paghahanap kay Jin.

"Jin..."napatingin kami sa mag-asawang nasa harapan namin. Si Tita Gina pala at ang
asawa niya. Niyakap sila ni Jin at nagpasalamat rito.

Umupo na kami sa kanya-kanyang table. Syempre magkakasama pa din kami. Kahit sina
Tita Gina kasama din namin sa table. Katabi ko sa kanan si Nathan. Sa kaliwa naman
si Yhanna.Habang kumakain, hindi naiwasan ni mommy ang magpasalamat.

"Gina thank you for loving and for taking of my son until now. He will always be
OUR son no matter what."

"Salamat din Ingrid dahil hindi mo ipinagkait sa amin si Jin."sabi ni Tita Gina.

Nagkwentuhan pa kaming lahat. Maya-maya binigyan kami ng waiter ng vegetable salad.


Napansin kong may olive. May allergy si Nathan dun ah.

"Nathan baka makain mo yung mga olive."kinuha ko lahat ng olive at nilagay sa plate
ko. Nagulat naman siya sa ginawa ko at napansin kong nakatingin lang siya sa akin.
Nagtanong naman ako kung bakit pero umiling lang siya at ngumiti.

"You remembered."

"Of course who wouldn't?"tanda ko pa kaya 'yun. Si Sofia ba naman ang nagsabi nun!
Argh... I still hate that girl!
"Eliza.... Can we dance?"nahinto ako sa pagkain dahil sa sinabi niya.

Napansin kong nagpupuntahan na rin pala ang mga bisita sa dance floor. Kahit sina
Yhanna, wala na rin pala sa table. Nagsasayaw na pala sila.

"I don't take no for an answer and please give me this time to be with you."ngumiti
at tumango na lang ako. Pumunta kami sa medyo gitna ng sayawan. Sakto naman na
pagpunta namin doon patapos na ang kanta. Inilagay niya yung dalawang kamay ko sa
leeg niya samantalang ang dalawang kamay niya ay nasa waist ko.

Nagsimula na ang susunod na kanta.

Play the music while reading------>

♫Close your eyes Give me your hand, darlin♫

"Wow.. Eternal Flame."sabi ko. Hindi man lang niya inaalis ang mga tingin niya sa
akin. Nakakailang tuloy.

♫Do you feel my heart beating Do you understand♫

"Do you like this song?"tumango ako at sinabing theme song ito nina mommy. "Aww.
Mommy and Daddy are such a great couple."
"Hey stop calling mommy and daddy to my parents. Baka marinig ka ni Kiejan."

"I don't like. Wala naman sinabi sina mommy and daddy na itigil ko na ang pagtawag
sa kanila ng ganun."napailing na lang ako. Kahit kelan hindi pa rin talaga
magpapaawat.

♫Do you feel the same Am I only dreaming Is this burning an eternal flame♫

"Eliza... I have something to tell you."sabi nya. Bigla naman bumilis ang tibok ng
puso ko. Ano naman kaya ang sasabihin niya at napakaseryoso niya?

Hinawakan niya ang chin ko at pinatingin ako sa mga mata niya. Ewan ko ba, para
akong nahypnotize sa mga tingin niya kaya hindi na rin nawala ang pagtingin ko sa
mga mata niya.

"Namimiss kita araw-araw. "sabi niya. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. "Do
you know why?"

Parang namang nagsasalita ang mga mata niya na pinipilit akong sumagot sa tanong
niya. Umiling ako pero hindi pa rin nawawala ang tingin ko sa kanya.

♫I believe its meant to be, darlin I watch you when you are sleeping You belong to
me♫

"Because my heart always scream the words 'I miss you' Namimiss na ng puso ko 'yang
puso mo."

"Nathan.."

"Eliza right now, my heart is party-ing like crazy."sabi niya sabay ngiti.
Nagtanong ako kung bakit.

Lumapit pa siya ng kaunti sa akin kaya halos ilang inches na lang ang pagitan
namin.

"Dahil nararamdaman niya ang tibok ng puso mo ngayon. Pero alam mo, pinipigilan pa
rin niya ang pagsasaya dahil alam niya that this is only temporary."sabi niya.
Bakit parang naging malungkot din ako sa sinabi niya?

♫Do you feel the same Am I only dreaming Or is this burning an eternal flame♫

"Nathan alam mo namang hindi pwede di ba?"sabi ko sa kanya.

"It can be if you allowed me."sabi niya. Ang gulo. Bakit ba ganito? Bakit gusto
kong um-oo?

"Mahal ko si Kiejan at ayokong masaktan siya."


"Do you really love him? or you are just afraid that you might hurt him?"takot nga
lang ba ako na baka masaktan si Kiejan? Mahal ko ba si Kiejan? Ang alam ko oo.
Natutunan ko siyang mahalin ng mawala si Nathan. Natutunan ko siyang mahalin dahil
siya ang nandyan para sa akin. Hindi niya ako iniwan.

♫Say my name Sun shines through the rain A whole life so lonely Now come and ease
the pain I don't want to lose this feeling, ohhh..♫

"Mahal mo ba siya Eliza?" hindi na ako nakasagot dahil sa isang boses na narinig
ko.

"JL.."nawala ang atensyon ko kay Nathan at lumayo ako sa kanya.

♫Say my name Sun shines through the rain A whole life so lonely Now come and ease
the pain I don't want to lose this feeling, ohhh.♫

Si Kiejan. Si Kiejan nandito. Nasa harap namin siya. Nakatingin sa akin. Halatang
hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

"Kiejan a-ano.."umiling si Kiejan at tumalikod sa akin at tumakbo. "Kiejan w-


wait!"hahabulin ko sana siya pero hinawakan ni Nathan ang kanang kamay ko.

"Bitawan mo nga ako!"pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak ni Nathan sa kamay ko


pero hindi niya ito tinatanggal.

"Eliza hayaan mo na siya!"


"No! Nathan he's my boyfriend! Kaya bitawan mo ko!"natanggal ko ang pagkakahawak sa
akin ni Nathan.

Hahabulin ko si Kiejan.

KL, please...

♫Close your eyes Give me your hand, darlin Do you feel my heart beating Do you
understand Do you feel the same Am I only dreaming Or is this burning an eternal
flame♫

Nakaalis na ko sa may dance floor. Medyo malayo-layo na kami sa mga bisita nang
naramdaman kong may yumakap sa akin.

"Eliza please... Just stay by my side."pilit kong tinatanggal ang pagkakayakap niya
sa akin. Ayaw ng tumigil sa pagtulo ng luha ko.

"Nathan bitawan mo ko kailangan ako ni Kiejan."mas lalo niyang hinigpitan ang


pagyakap sa akin.

"I also need you."

"Nathan sinabing bitawan mo ko!"palakas na ng palakas ang boses ko.


"Mahal kita Eliza. I love you! I need you Eliza. Please.. Please tayo na
lang."buong pwersa kong tinanggal ang pagkakayakap niya sa akin at humarap sa
kanya.

"Nathan sorry pero hindi pwede."ngayon ko lang napansin na umiiyak na rin pala
siya. Nasasaktan akong makita siyang umiiyak pero nasasaktan din akong nakikita si
Kiejan na nasasaktan.

"Anong bang ginawa niya at mas mahal mo siya! Ha?! What do you want with that
fvcking bastard! What!"sinampal ko siya. Ikinagulat ko 'yun at parang mas kinagulat
niya.

"Hindi niya ako iniwan. Si Kiejan minahal niya ako mula una. Nathan minahal niya
ako hindi tulad mo, nasaktan muna ako bago mo ko matutunan mahalin. Kiejan never
gave up. Puro rejection ang natatamo niya when all this time he deserves his
happiness. Kaya wala kang karapatan na sabihan siya ng kung anu-ano dahil minahal
niya ako ng totoo."hindi ko alam kung may nakakarinig sa amin pero ang tanging alam
ko ngayon, gusto kong habulin si Kiejan. Gusto ko siyang hanapin.

♫Give me your hand, darlin Do you feel my heart beating Do you understand Am I only
dreaming

Or is this burning an eternal flame♫

"Eliza please give me a chance. Please I'll do anything... Please."pagmamakaawa


niya sa akin. Pilit niyang inaabot ang kamay ko pero inilalayo ko sa kanya. Umiling
ako.

"Nathan... All you can do is just leave us alone."and with that iniwan ko siyang
nag-iisa.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
AN:

Oh... NAKAPAG-UPDATE NA KO HAHAHA! :D HUMANDA KAYO SA NEXT CHAPTER BWAHAHAHA XD

Readers, sorry kung matagal akong mag-update. Nahihirapan kasi ako sa story. Dapat
mabigyan ng justice bawat scenes so please understand me ayaw ko naman ng puchu-chu
lang XD

WAG NIYO KONG IPRESSURE! :D Nakaka-pressure kasi kapag ang nababasa kong comments,
'Update please..' 'Nasaan yung next' 'Nabitin ako'

KAILANGAN KO NG INSPIRASYON. Yung mga messages na masarap basahin :)

Anyway, salamat sa mga nagpaprivate message, dedications, votes, comments, at


patuloy na naghihintay sa next update! I LOVE YOU ALL :**

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[17] Give each other Space.

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story (click external link) ---
> https://www.facebook.com/groups/195632193973859/

Ipost niyo naman yung masasabi niyo sa chapter na ito dyan sa group :) Hehe! :D

Kiejan:

"Thank you Dad! Nandito na ko sa bahay nina Jan... Bye." Salamat at mukhang
nakahabol pa ako sa party na magaganap.
Alam kong magkakaparty. Nasabi na sa akin ni Kuya Jop ang tungkol rito. Hindi ko
lang talaga nasabi kay Jan. Gusto ko kasing masuprise din siya. Buti na lang
maagang natapos yung meeting kaya mukhang makakahabol pa ako sa party. Gusto pa
naman akong makita ng mommy ni JL.

Pinapasok naman ako ng guard nila. Kilala na kaya ako dito. Ako pa. Pumunta ako sa
garden at nakita sina Tita Ingrid. Nagmano ako at tinanong kung nasaan si Jan.
Sinabi naman nilang hindi nila alam at itanong ko na lang daw sa mga kaibigan niya.
Pinuntahan ko si Marco at Mich na umalis sa dance floor at umupo sa kanilang table.

"K-Kiejan n-nandito ka na pala."mukhang nagulat silang dalawa na makita ako. Bakit


naman kaya?

"Buti nga nakahabol eh. Nasaan si Jan?"tanong ko.Ngiting-ngiti pa ako dahil


isusuprise ko sana si JL. Magugulat 'yun na nandito ako.

"Sumasayaw sila pare."sabi ni Marco. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.


Sumasayaw nino?

"Nino?"nagkatinginan silang dalawa na para bang nag-uusap ang mga mata nila kung
sasabihin ba sa akin o hindi. Parang ang sama ng kutob ko. Hindi ko na hinintay pa
ang sagot nila. Hindi naman siguro. Baka si Van-Van lang yung kasama niyang
nagsasayaw. Tama si Van- pwe! Bakit ba ko nakiki-Van-Van? Tss.

Huminga ako ng malalim at ngumiti na lang. Laging sinasabi sa akin ni JL na ngumiti


lang lagi tuwing may tao sa paligid, katulad na lang nang ginagawa niyang pagngiti.
Pero hindi ko inakalang mawawala din pala agad ang ngiti na ito.

Naglahong tuluyan ang ngiti ko at pumalit ang luha.

"Mahal mo ba siya Eliza?" sabi nito.

"JL.."nawala ang atensyon niya kay Nate at gulat na gulat na napaharap sa akin.

Para palang sinasaksak ng paulit-ulit ang sira mo nang puso kapag nakita mo ang
babae mong minamahal na may ibang taong mahal.

"Kiejan a-ano.."umiling ako at tumalikod sa kanila at tumakbo. "Kiejan w-wait!"

Ang sakit sakit pala sa puso.

Ganito din ba ang naramdaman ni mama nung mga panahong iniwan din siya ng totoo
kong tatay? Tumakbo ako. Lumayo ako sa kanila.

Alam kong tinatawag niya ako pero tumakbo ako. Nasasaktan akong sobra. Shit. Ano
bang nangyayari sa akin? Dati kapag nakikita ko siyang kasama siya, ang gusto ko
lang gawin ay ang ilayo siya pero ngayon ako ang lumalayo. Boyfriend niya ako pero
ako ang tumatalikod ngayon.
Gusto kong suntukin si Nate pero bakit parang nanghihina na ako? Parang ang gusto
ko lang gawin ngayon ay ang lumayo.

"Oh, Kiejan himala nandito ka ata?"sabi ni Zac dahilan para mapahinto ako sa
pagtakbo. Nandito na pala ako sa may gate nila hindi ko man lang namalayan.
Pinunasan ko ang mata ko at tumingin sa kanya.

"Umiiyak ka?"sabi nito. Hinigit ko siya sa may kwelyuhan.

"Masaya ka ba na nakikita na akong ganito? Masaya ka na ba?"sabi ko. Wala na akong


pakielam kung may makakarinig sa akin pero sa tingin ko naman wala dahil halos nasa
garden ang lahat.

"Pre pasensya ka na. Hindi ko naman kagustuhan na masaktan ka. Warning ko lang sa
iyo iyon na masasaktan ka lang din."mas lalo ko siyang hinigit. Tang*na. Bakit
pakiramdam ko totoo ang sinasabi niya. Pero hindi eh. Sino siya para sabihin iyan?

"Wala kang karapatan sabihin iyan. Mahal ko si Jan at alam kong mahal niya ko."

"Kiejan pare, 'wag na tayong maglokohan, alam kong nararamdaman mo din."

"Manahimik ka na lang, Zac. Wala kang alam sa aming dalawa ni Jan at mas lalong
wala kang alam sa pinagdadaanan niya."binitawan ko at nilagpasan siya.
Hindi pa man ako sobrang nakakalayo ay nagsalita si Zac at napahinto ako sa sinabi
niya.

"Siguro wala nga akong alam sa inyo, pero alam ko ang pinagdadaanan ni
Jan."napayukom ako ng kamao. Gusto kong manuntok pero alam kong walang mabuting
mapapala kung dadagdagan ko pa ng isa pang gulo kaya tuluyan na akong umalis at
sumakay sa kotse.

Habang nagdadrive, wala na atang katapusan 'tong luha na'to. Siguro dahil ngayon ko
lang nagawang ibuhos ang lahat ng sakit mula nang masaktan ako. Gusto ko kasing
maging matatag para kay Jan. Para sa taong mahal ko.

Pinaandar ko yung kotse ko pero hindi pa man ako masyadong nakakalayo, nabangga na
ang kotse ko sa may poste. Nasubsob ako sa may manibela dahil sa lakas ng
pagkakabunggo . Ang sakit ng ulo ko. Parang umiikot na lahat ng nakikita ko.

Lumabas ako ng kotse pero natumba ako sa daan dahil sa sobrang pagkasakit ng ulo
ko.

Parang may kung anong tubig ang dumadaloy mula sa noo ko na sumasabay sa pag-agos
ng tubig mula sa mata ko.

"K-Kiejan?"may babaeng lumapit sa pwesto ko. Tinignan ko siya pero hindi ko siya
maaninagan dahil sa nagbiblurred na ang paningin ko.

"Ohmygod K-kiejan! Ang daming dugo! K-kiejan naririnig mo ba a-ako?!"nakatingin


lang ako sa babae na ngayon ay nakasalampak na din dito sa daan at nakahawak sa
magkabilang pisngi ko.
"K-Kiejan! I'll call for help! Stay awake! P-Please!"tatayo na siya nun.

Ang tanging nasabi ko lang ay,

"Jan mahal kita."

and all went black.

--+

Nagising akong nasa isang hindi pamilyar na kwarto. Uupo sana ako pero naramdaman
kong kumirot ang parte ng ulo ko. Parang sumakit bigla ang ulo ko.

"KL, 'wag ka munang umupo. Magpahinga ka muna dyan. Mamaya ka na umupo." sabi niya
na nakaupo pala sa gilid ko. Nasa ospital pala ako.

"S-sino ka?"sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko. Parang paiyak na siya. Namumula na
din ang mukha niya.

"KL naman. Ako 'to si Jan. Nakakainis ka naman."sabi niya habang hinahampas ang
braso ko.
"Huh? Anong pinagsasabi mo Miss?"napayuko siya at humihikbi na. Umiiyak na talaga
siya."K-kiejan naman. H-Hindi ko alam gagawin ko kapag nagka-amnesia ka."nakayuko
pa din siya at nanginginig na.

Tama na nga, nasasaktan ko na siya. Kahit naman nasasaktan niya ako, hindi ko
magagawang saktan siya.

"JL nagbibiro lang ako. Kahit naman anong gawin ko hindi kita malilimutan."kahit na
gustuhin ko pang malimutan siya, hindi ko magagawa dahil kahit anong gawin ko siya
pa din talaga ang mahal ko. Mahal ko siya pero ang sakit.

Tumingin na siya sa akin. Nakatingin siya sa akin na patuloy pa din sa pagtulo ang
mga luha niya. Nagulat ako dahil bigla siyang yumakap sa akin. Yung mukha niya nasa
dibdib ko. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya o hindi. Nasasaktan ulit ako.
Lumalabo na din paningin ko. Maiiyak na din ata ako.

Hindi pwede.

Ayokong makita niya akong umiiyak.

"I'm sorry KL. Hindi ka maaaksidente kung hindi dahil sa akin." tahimik lang akong
pinapakinggan siya.

"Kiejan sorry. Sorry sa pagiging careless. Sorry. Buti na lang may nakakita sa'yo
doon kung hindi baka kung ano na ang nangyari sa'yo. Sorry KL."inilayo ko siya at
pinaupo ulit.
"JL, 'wag ka nga. Sorry ka ng sorry, feeling ko tuloy nalalayo ka na
sakin."pinunasan niya ang mga mata niya at sinabing hindi daw niya maintindihan ang
sinasabi ko. Umiling na lang ako at sinabing nagugutom na ako. Nagpaalam siya na
bibili daw ng makakain ko sa labas. Sinabi kong kakainin ko muna ang pagkain na
galing dito sa hospital at umuwi muna siya para makapag-ayos siya ng sarili niya at
makapagpahinga. Mukha kasing binantayan niya ako mula kagabi. Halatang hindi siya
nakatulog.

"Ha? Eh paano ka? Dito na lang ako."sabi niya. Sinabi kong ayos lang ako at
magagalit talaga ako sa kanya kapag hindi siya umuwi muna sa apartment nila.
Pumayag na din naman siya pero kukuha daw siya ng mga damit ko sa bahay. Pumayag na
lang din ako.

"Babalik din ako agad. Hintayin mo ko."hinalikan niya ako sa pisngi at tuluyan ng
umalis.

Paalam aking mahal. Hanggang sa muli.

--+

Jan:

"Jan! Kamusta na si Keijan?" / "Sissy ayos na ba si Kiejan?" salubong sa akin nila


Mich at Yhanna. Nagdirediretso lang ako sa kwarto ko at dumapa sa kama.

"Okay na siya. Kailangan na lang niyang magstay ngayon sa hospital dahil ineexamine
pa kung hindi ba siya nabaliaan."umupo sa kama ko sina Mich at sinabing sila na
lang daw ang pupunta sa bahay ni Kiejan para kumuha ng damit niya. Magpahinga muna
daw ako.
Pagkalabas nila ng kwarto ko, tumulo na ang mga luha ko. Umiiyak na naman ako.
Kelan ba mamatapos ang pag-iyak ko? Lagi na lang ba akong iiyak? Nahihirapan na
naman ako.

Kiejan... sorry. Masyado kitang nasasaktan. Wala na akong ginawa kundi dumepende
sa'yo. Ako ba may nagawa na para sa'yo?

--+

"Jan, bibisitahin na din namin si Kiejan para may kasama kayo doon."tumango na lang
ako. Nakatulog ako at nakaligo na pagkagising ko. Mga 30 minutes din akong
nakatulog.

Ang bigat bigat pa din ng pakiramdam ko.

Si Marco ang naghatid sa amin sa hospital. Tinawagan pala siya ni Mich para hindi
na kami magcommute.

Habang nasa byahe pumikit na lang ako. Pero akala ata nina Mich natutulog ako kaya
nag-usap-usap silang tatlo.

"M, kaninang umaga kinwento sa amin ni Manang na habang nagdidilig daw siya sa
garden ng apartment, may lalaki daw na nakaupo dun sa gilid ng gate sa labas."sabi
ni Mich.
"Ha? Sino naman M? Baka may binabalak sa inyo 'yun ha! Ireport kaya natin!"sabi ni
Marco na medyo napalakas.

"Huy manahimik ka nga! Baka magising si Jan!"sabi ni Mich. Hindi pa rin ako
dumidilat.

"Eh sorry naman. Sino ba kasi 'yun? Manliligaw mo na ayaw kang tigilan?"sabi ni
Marco.

"Hindi! Eto naman, kung ano-anong sinasabi! Yung lalaki si Nate. Siya yung
naghihintay doon."si Nathan. Naghihintay siya sa labas ng apartment? Dahil ba sa
akin kaya siya nandoon? Sinabi ko na sa kanya na lumayo na siya. Kailangan niyang
lumayo para hindi na magkagulo pa.

"Nakausap namin iyon kagabi. Pumunta kasi kami sa condo niya. Tulala siya at halata
mong napakalalim ng iniisip. Tinanong namin siya kung bakit. Pinapalayo na daw siya
ni Jan. Tinanong siya ni Zac kung lalayo ba siya at ang sinabi niya napagdesisyunan
niyang bigyan ng panahon si Jan para makapag-isip."

"Kawawa nga siya eh. Kaso hindi natin masisi si Sissy kung hindi niya magawang iwan
si Kiejan para kay Nate. Tsaka baka mahal niya na talaga si Kiejan. Hindi rin naman
mahirap mahalin si Kiejan."sabi ni Yhanna. Biglang sumikip ang dibdib ko.
Nararamdaman ko ang pagtubig ng mga mata ko pero pinigilan ko at nanatiling
nagtutulog-tulugan.

"Pero aminin niyo, hindi rin madaling kalimutan si Nate."sabi ni Marco.

--+
Nandito na kami sa tapat ng kwarto ni Kiejan. Naiwan si Marco dahil ipapark na daw
muna niya ang kotse at susunod na lang siya.

Pagkabukas namin ng pinto, isang bakanteng kama ang nadatnan namin. Walang tao,
walang ni anong gamit maliban sa mga gamit ng ospital.

"Nasaan si Kiejan?" Tumakbo ako sa cr ng kwarto niya at kumatok. Baka nagcr lang.
Pero pagkakatok ko, bumukas ito at bumalandra sa akin ang cr na walang tao. Kiejan
nasaan ka ba? Nasaan ka? Paano kung may mangyari sayo? Kiejan naman 'wag mo kong
iwan.

"Sissy may letter oh."mabilis akong nagpunta sa lugar ni Yhanna at kinuha ang papel
na hawak niya. Binuksan ko ito at nakita ang sulat mula kay Kiejan.

JLOVE,

JL, ayos lang ako. 'Wag kang mag-alala hindi naman nabagok ang ulo ko o malubha ang
mga sugat ko maliban sa isang sugat na hindi ko alam kung magagamot pa ba ng mga
doktor. Alam mo kung ano?

Sugat dito sa puso ko.

'Wag ka ulit mag-alala, baka kailangan lang ng puso ko ng pahinga. Bibigyan ko


muna siya ng break sa mga gulong nasasangkutan niya. Mag-eescape muna kami sa
lahat, sa iyo.

Space.
Dati hindi ako naniniwala na kailangan ng dalawag tao ng space, eh pwede naman
nilang ayusin 'yun pero siguro mali ako. Hindi ko inisip na baka kailangan nga iyon
lalo na sa isang taong sugatan na ang puso at sa isang taong nagdadalawang-isip.
Kailangan nga siguro natin nyan.

Yung puso ko kinuha ko muna, ha? Sugatan pa kasi. Baka nagiging pabigat na siya
dyan sa puso mo. Mahal na mahal kita, JL.

Mahal na mahal.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

SO IYAN NA! AYAN NA PO! HAHAHA! XD

EVERY WEEKENDS NA PO ANG PAG-UPDATE KO AGAIN, WEEKEND NA PO!

Graduating po kasi ako so focus sa pag-aaral. (focus nga ba? HAHAHA!)

Nagpapabati nga pala si Marie D.! Ang legal wife ni Jonghoon! :D Ayan na Marie
binati na kita! XD

MAY FACEBOOK NA PO SI NATE, JAN, YHANNA, AT MICH! :D Hanapin niyo na lang sa


friends ko sa fb. Tinatamad na kong maglink eh. HAHAHA! Sa next update ko na
ililink pa-isa-isa.

OMG OMG OMG! (OA ka na Kim. hahaha!) Malapit ng mag-1 million ang readers ng MCB!!
Thankyou! Thankyou! Salamat! Salamat! :D

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE
Ms. Kim

=================

[18] The Talk.

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

Jan:

1 month na ang nakalilipas, hindi pa din bumabalik si Kiejan.

Saktong 4 days before christmas vacation siya nawala. Kaya 4 days lang ang absent
niya. Hanggang ngayon na katatapos lang ng pasko. 26. Yung ibang mga bata natanggap
na ang mga hiling nila. Ako kaya, kelan ko matatanggap ang wish ko?

Ako ba, anong ginawa ko?

Nagbabakasyon kami ng pamilya ko sa Baguio. Special ang pagcelebrate namin ng pasko


dahil kompleto kami at madami. Kasama kasi naming nagbabakasyon sina Tita Gina.
Kahit sina Van-Van.

Masaya din naman ang naging pasko ko. Kahit papaano natulungan ako nina Jin, Kuya
Jop at lalo na si Van-Van na pansamantalang makalimutan muna ang problema. Kahit
papaano, alam kong nakakangiti pa ako, kahit pilit.
Nagpaparamdam naman si Kiejan. Lagi siyang nagtetext sa akin ng Good morning,
Ingat, or Iloveyou pero tuwing magrereply ako, wala akong natatanggap na reply
ulit.

Nagdecember 1 nga pero hindi man lang kami nagdate. Binati lang niya ako sa text ng
simpleng It's our monthsary, I love you. Hindi man lang Happy Monthsary. Sabagay
hindi naman talaga Happy. And to make it worst, wala siya dito sa tabi ko for us to
celebrate it.

Nagbirthday din siya pero what happen? Wala. Binati ko siya sa text. Sinubukan kong
tawagan siya pero hindi niya sinasagot. May time naman na tinawagan ko siya at
sinagot niya pero hindi siya nagsasalita. After kong sabihin na, 'KL, nasaan ka?
Namimiss na kita."end call na. Nasaktan ko siya at hindi ko alam kung napatawad ba
niya talaga ako.

"Jan-Jan, tulala ka na naman. Baka mapagkamalan kang baliw dito sa Baguio."ngumiti


ako ng pilit kay Van. Nandito kaming dalawa sa isang tagong park na malapit lang sa
hotel na tinutuluyan naming lahat.

Napagdesisyunan kasi naming dalawa na dito muna kaming dalawa. Lahat kasi sila nasa
hotel at nag-aayos pa ng mga gamit. Uuwi na kasi kami mamaya.

"Jan-Jan 'wag ka ngang ngumiti, kinikilabutan ako."

"Manahimik ka nga Van-Van."sabi ko. Wala naman palang masasabing matino.

"Sungit. Yung ngiti mo naman kasi hindi ko alam kung ngiti ba 'yan ng namatayan ng
aso o nakatapak ng tae at pilit ngumingiti. Sobrang pilit naman kasi."bumuntong
hininga ako at pinagmasdan ang mga batang naglalaro sa harapan namin.
"Buti pa sila peaceful ang utak. Walang kumplikadong problema."

"Kasi iyan ang stage kung saan inihahanda palang tayo sa haharapin nating
kumplikadong sitwasyon."tumingin ako sa kanya. Nakatingin din pala siya sa mga
batang naglalaro. Napatingin siya sa akin at pinitik ang noo ko.

"Ang drama, bumalik na nga tayo sa hotel baka tayo na lang hinihintay."kahit talaga
kelan panira 'to.Tuwing magseseryoso na kami, bigla siyang mag-iiba ng topic.

Ayaw niya ng senti. Ang gusto niya masaya lang. Happy go lucky. Ayaw niya ng drama
sa buhay.

--+

"Jan, kay Vancy ka na sumabay, ha? Para naman may kasama siya sa kotse
niya."tumango naman ako kay Tita Veronica.Kinuha ni Van ang hawak kong maleta at
nilagay sa likod ng kotse niya.

"Mag-iingat kayong dalawa. Van ingatan mo anak namin."sabi ni Daddy habang


nilalagay din sa likod ng sasakyan nila ang nga maleta nila.

"Opo iingatan ko po. Takot ko lang po sa kanya Hahaha!"nagdeath glare ako sa kanya.
Ang sama-sama niya. Pumasok na lang ako sa kotse habang naka-crossed arms. Narinig
ko naman siya na sinabi sa kanila na mauuna na kami.
Pagkapasok niya sa kotse, sinipa ko agad siya. "Aray! Jan-Jan tama na! Nasasaktan
ang mala-adonis kong katawan."mas lalo ko siyang sinipa.

Nahinto naman kami nang kumatok sa bintana si Tita Veronica. Binuksan iyon ni Van.
"Kayong dalawa ha, 'wag kayong gumawa ng milagro dito. Di pa kayo kasal."

"YUCK!"malakas na sigaw ni Van. Hinampas ko agad siya ng pagkalakas-lakas.

"Ang kapal mo! Hoy ang swerte mo kaya kung nagkataon."inirapan ko na lang siya.
Sinarado na niya ang bintana at nagsimula ng magdrive.

Nang huminto ang sasakyan dahil may dumaan sa kalsada, napalingon ako sa gilid ng
kotse at nakita ang isang taxi. Hindi ito katulad ng ibang taxi, dahil ang taxi na
nasa tabi namin ay ang taxi na sakay ang taong matagal ko ng namimiss.

"K-Kiejan?"pagkatawag ko sa pangalan niya, doon naman umandar ang sasakyan.

"Van-Van naman!"sigaw ko. Napahinto naman siya sa pagdrive buti na lang walang
sasakyan sa likod kaya okay lang.

"Jusko Jan-Jan. Papatayin mo ba ang pogi na ito dahil lang sa gulat?"sabi niya
habang nagtuloy-tuloy sa pagdrive.

"Van ihinto mo ang sasakyan! S-si... S-si Kiejan!"tinuro ko yung taxi na nalagpasan
na namin.
"Hindi si Kiejan 'yun! Namamalikmata ka lang!"sabi nito pero hindi! Alam kong si
Kiejan 'yun! Nakita ko siya na nakatingin sa akin habang nakasakay sa taxi na iyon.

"Jan-Jan..."nagmakaawa ako na tingnan namin. Pumayag na din naman siya at nag-U


turn. Tinignan ko ang bawat taxi na nadadaanan namin pero wala siya.

"Nasaan siya?"pilit kong tinitignan pa din ang bawat taxi at hinihiling na sana
makita ko siya

"Jan-Jan baka hindi siya iyon. Kakaisip mo siguro sa kanya, naghahallucinate ka


na."Umayos ako ng upo at yumuko. Iniliko na niya ulit ang sasakyan.

"Sa tingin mo?"

"Oo, ihuhulog na kita dyan kapag inulit mo pa ang panggugulat sa akin."sabi nito.
Sumandal na lang ako at ipinikit ang mga mata ko.

--+

Pagdilat ng mga mata ko, nakahinto ang sasakyan sa isang tindahan.

Lumabas ako ng sasakyan at nakita si Van na nakaupo sa likod ng kotse.


Tumabi ako sa kanya at kinuha ang isang tinapay na kinakain niya. Nagulat naman
siya pero hindi na umangal.

"Nasaan na tayo?"tanong ko.

"Nasa earth pa din. 'Wag kang mag-alala hindi pa kita dinadala sa aking
kadiliman."kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Kadiri ka! Bastos!"sigaw ko. Tinakpan naman niya ang bibig ko at sinabing
manahimik ako baka daw may makarinig.

"Napaka-green minded mo. ikaw nga dyan ang bastos eh. Feeling mo naman may gagawin
ako sa'yo. Ikaw ang nag-iisip ng malisyoso sa akin eh."sabi niya. Bumelat ako at
kumain na lang.

Nakita ko naman ang sign board sa gilid ng daan na makapagsasabi kung nasaan kami
ngayon. Malayo-layo pa.

Kinuha ko ang cellphone ko at may 6 messages ako. 2 hours din pala akong natulog.
Binuksan ko na ang mga messages.

From: Jin

Otw. Had fun with my 2 lovely families :)


From: Kuya Jop

Namimiss ko na ang Baby Yhanna ko. <3

From: Mich

Jan! Bar tayo kapag nakauwi ka na. Miss ka na namin ni Yhans. :)

From: Zac

Jan kamusta? Miss ka na namin. Jan sana makapag-isip ka na ng mabuti :)

From: KL <3

Space doesn't matter as long as my heart is still longing for you. I love you.

From: 0907-------

Jan, it's Ella. Can we talk? Just some private stuffs. Call me if you're at home.

Hindi na ako nagreply sa text ni Kiejan dahil hindi rin naman niya rereplyan.

Bakit naman kaya ako gustong makausap ni Ella? ANong pag-uusapan namin? Tinawagan
ko si Ella. Agad din naman niyang sinagot.

"Hello, si Ja-"

[I know. Home?]
"Byahe pa rin. Ma-"hindi na naman niya ako pinatapos magsalita.

[Argh, why did you call me if you're not at home? Call me again BUT when you're at
home, okay? Pssssh. Safe trip.]napangisi na lang ako. Ang brat niya magsalita pero
may safe trip pa din sa dulo ng sinabi niya.

"Pasok na tayo sa kotse, mukhang may naghihintay sa'yo."tumango ako at ikinuwento


ang pinag-usapan namin ni Ella.

"Close kayo?"

"Sa tingin mo ba close kami?"tanong ko sa kanya. Nakataas pa ang kanang kilay ko.

"The way you two talk, I can say you're not close."sabi niya. Napailing na lang
ako. Nagtanong pa alam naman pala.

Nagkwentuhan lang kami at nagpatugtog and as usual hindi pa rin siya magaling
kumanta. Todo birit pa sa mga high notes.Lumipas ang limang oras at kararating lang
namin dito sa apartment. Dito na ko tumuloy dahil sa New Year, napag-usapan namin
nina Mich na kami naman ang magkakasama.

"Van-Van thank you. Umuwi ka na sa inyo, magpahinga ka muna."sabi ko habang


binababa niya yung maleta ko.

"Hindi man lang tinanong kung gusto kong pumasok."sabi niya sabay pout.
"Kapag inaya kita, sasabihin mo na 'wag na dahil may naghihintay sa'yong
chics."sabi ko. This time daw wala daw naghihintay sa kanyang chics kaya tanungin
ko na daw siya. Tinanong ko na nga lang siya kung gusto niyang pumasok muna.

"Wag na. May naghihintay na chics sa akin! Hahaha! Bye Jan-Jan! Advance Happy New
Year!"at pumasok na siya sa kotse niya at pinaharurot ito. Loko-loko.

"Siiiiiiiiiiiiiiissy!"niyakap ako ni Yhanna ng sobrang higpit. Pati si Mich


nakiyakap din. Namiss ko din ang dalawa na ito.

Pumasok na kami sa bahay at nagkwentuhan.

"Ano ba 'yan Jan. Ang boring mo naman! Wala ka man lang ginawa doon kundi kumain,
magsoundtrip at makinig sa kwento nila? Goodness, hindi ka man lang nagsaya
doon."sabi ni Mich. Tumango-tango naman si Yhanna.

Tumayo ako at sinabing maliligo lang ako at inaantok na din ako. "Dress up for
tomorrow, we will rock Jin's bar. For now, let's sleep we are tired."

"Goodnight Sissy!"

--+
"M!"lumapit si Marco sa amin at yumakap kay Mich. Okay, sila na ang couple. Psssh.
Porket sila na. Tss.

"Wala pa yung iba?"tanong ni Mich kay Marco.

"Si Zac naggala kung saan dyan. For sure naghagilap ng babae. Yung iba nasa
backstage. Si Nate nagtext, malelate daw hinihintay ata si Ella."Si Ella nga pala.
Hindi ko pa siya natatawagan. Nalimutan ko kahapon. Tutal pupunta naman sila dito,
makikita na niya ako. Hindi na rin naman kami makakapag-usap ngayon dahil gabi na
rin naman.

Ano kaya sasabihin niya sa akin? Biglaan naman ata. Isa lang ang naiisip ko na
pwede sabihin niya sa akin. Is it about Nathan? Siguro gusto niya akong lumayo kay
Nathan.

--+

"They're here."umupo sila sa tapat ko. Napatingin ako kay Nathan pero umiwas siya
ng tingin sa akin.

"Hey, why didn't you call me?"sabi ni Ella.

"Sorry, I forgot."umirap si Ella.

"Whatever. Tomorrow, I'll just text you the details."tumango ako. Hindi naman
nagsalita si Nathan. Siguro umiiwas na nga siya talaga. Hmmm. Mukhang sinunod niya
ang sinabi ko.

Umupo sa tabi ko si Zac. Si Ella nagsayaw samantalang si Nathan nagrestroom ata.


Kami lang dalawa ni Zac dito. Wala kasi ako sa mood magpakasaya. Eh sina Mich at
Yhanna nandoon na sa dance floor at nagsasayaw with IH7. Si Kuya Jop dumating din.
Ako dito lang sa table namin.

I'm just tired of everything.

"Jan alam mo na ba kung nasaan si Kiejan?"sabi nito pagka-upo niya.

"Hindi, and I hate it. Zac if you'll just tell me to pick Nathan please don't."

"Hindi. Don't worry I'll let you decide for yourself. 'Wag mo sanang masamain ang
pagkontra ko sa relasyon niyo ni Kiejan. Jan, alamin mo na sana kung sino talaga
ang gusto mo."pinat niya ako sa balikat then nagsmile.

Umalis na siya at naiwan ako dun na nagtataka sa mga sinabi niya.

"Hey."napatingin ako sa lalaking umupo sa tapat ko.

"Nathan, please-"hindi niya ako pinatapos pa sa pagsasalita.


"Don't worry I just want to tell you to not drink. I'll go ahead. Ella's
waiting."umalis na siya at iniwan na rin ako.

If Kiejan's here, maybe I'm not alone and thinking of all of this. I hate it.

I just don't know what to do and what I feel.

I hate to see Nathan's cold treatment and Kiejan's absence.

I feel so empty.

--+

From: Ella

**** Coffee Shop. Right now. Don't make me wait.

Nandito na ako sa harap ng coffee shop na tinext sa akin ni Ella.

Pagkapasok ko, nakita ko agad si Ella kaya lumapit ako. Pagkaupo ko, nakatingin
lang siya sa akin. Nag-order na din pala siya para sa amin.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Jan."pagsisimula niya."I hate you a lot and I
know you already feel that."

"Bakit mo sinasabi sa akin 'yan all of a sudden?"tanong ko. Nakatingin lang siya sa
akin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Ang alam ko lang may nararamdaman siyang
inis sa akin.

"Jan mahal mo ba si Nate?"napatitig ako sa biglaan niyang tanong.

"Ella what are you saying?"sabi ko. Uh yeah, I forgot. This conversation is about
him. "If you are worried if I'll get Nathan from you, please don't because I
won't."napatakip siya ng mukha na halatang naiirita siya at sabay sabing,"Damn it.
It's not about that. Argh. Tell you what, I really don't love Nate as what you
think. I love him as a brother not more than that."nagtaka na ako sa mga sinasabi
niya. Hindi niya mahal si Nathan as a lover? Brother lang? Huh?

"Ella hindi kita maintindihan."napangisi siya at uminom sa coffee na inorder niya


bago sumagot.

"Wala akong balak pang sabihin sa iyo 'to cause I just don't care anymore. I gave
up already."sabi niya.

"I love Kiejan."nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mahal niya si Kiejan? Si Kiejan
ang mahal niya hindi si Nathan?

"A-Ano?"baka namali lang ako ng rinig.


"You heard it, Jan. I love Kiejan."sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. "I'm
inlove with the man I can never have."

"P-paano?"iyan lang ang tangi kong nasabi sa kanya. Hindi maprocess ng mabuti ng
utak ko ang sinabi niya.

"I loved him even before you two met. You know, Kiejan, Nate and I we're childhood
buddies. We share the same childhood memories. But time goes by, Kiejan told me
when we're in highschool that he want to court his bestfriend. I thought that it
was me but then again I heard your name and I saw your picture. It really did break
my heart because that was the time when I really want to confess my feelings for
him. After that I didn't have the courage to tell him what I truly feel so I just
gave up." sabi niya.

Siguro ito ang dahilan kung bakit hindi namin magawang maging close. Dahil may
lihim siyang galit sa akin. Dahil hindi niya kayang makausap ang taong dahilan kung
bakit hindi magawang suklian ni Kiejan ang pagmamahal niya.

"That's the reason why I studied abroad and just came here with Nate because he
plead. He wants to have you again."pagpapatuloy niya. Halata sa mukha niya na
nasasaktan siya. Hindi pa rin siguro siya nakakapagmove on. Mahal niya pa si
Kiejan."Mahal mo pa siya?."

"It doesn't matter anymore. Hindi ako pumunta dito at nakikipag-usap sa'yo para
agawin siya. I just want you to please, be true to what you feel. I don't want to
see Kiejan suffering. I sacrifice for him to be happy not for him to be hurt. I
don't want that sacrifice to be wasted. I don't want to see him hurt."sabi niya.
Hindi na siya makatingin sa akin. Natatakpan na din ng buhok niya ang mga mata
niya. Parang sinasadya niya ito para hindi ko makita ang mga mata niya.

"Ella, ikaw ba yung naghatid kay Kiejan sa ospital?"tanong ko na ikinagulat niya.


Napatingin siya sa akin at nakita ko ang mga mata niya na medyo namumula. Parang
pinipigilan niyang umiyak.
"Y-Yes. I saw him lying on the middle of the road. I was so scared back then. I
hate that scene."sabi niya. Ella maybe tough outside but now, as she confess her
true feelings, I know she was just hiding her true self.

"Thank you Ella. Thank you for being there when I can't."umiwas ng tingin si Ella.
Huminga siya ng malalim and trying to become tough again.

"Stop it will you? Can you just tell me if you love Nate?"magkatinginan lang kaming
dalawa. Parang inoobserbahan niya ako. Mga ilang segundo din kaming ganoon hanggang
sa sumagot na ako.

"Hindi ko siya mahal."sagot ko. Ngumisi naman siya sa sagot ko sabay tingin ulit sa
akin.

"Denying will never be helpful. It will just make the situation worse than what you
think."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

1 MILLION READERS OMG! HINDI PA RIN AKO MAKAPANIWALA! DAEBAK! SOBRANG THANK YOU!
GOD THANK YOU!

Sorry for the long wait. Every Saturday lang talaga ang kaya kong pag-update.
AND GUYS PLEASE DON'T ASK ME IF THE STORY IS DONE. HANGGA'T WALA KAYONG NABABASANG
THE END, ON-GOING PA DIN SIYA :) WALA PA TAYO SA CLIMAX! :D

Pabati Section:

Deang26 and kay Elaiza Filosopo (twin ko daw) :D Hello Hello Guys! :D

Message niyo ko sa fb if gusto niyong magpabati! :D Willing akong batiin kayo


bilang sukli sa pagbasa ng story na ito :)

Thank you everyone. Sana mas dumami pa kayo! :D Saranghaeyo!

VOTE AND COMMENT! AND PLEASE LIKE THE FACEBOOK PAGE OF MCB!

INFINITE

Ms. Kim

=================

FAN ART GAME!

MY CONTRACT BOYFRIEND FANART GAME <3

PRICES:

ONE LUCKY FAN ART WINNER:

~FANSIGN FROM ALL THE ADMINS


~ONE SHOT FROM ME (IKAW YUNG BIDA)

~A Suprise Price from NATHAN NUI LEE :)

1ST PLACE: ~50 PESOS LOAD~FANSIGN FROM ME (LONGLOSTWRITER)~A REQUESTED FANSIGN FROM
ONE OF THE CHARACTERS

2ND PLACE & 3RD PLACE:~FANSIGN FROM ONE OF THE CHARACTERS~A SHOUTOUT FROM ME AND A
DEDICATIONYung lucky winner, ang mga admins at operators ang mamimili at syempre
ako! Pero yung 1st-3rd, paramihan ng likes! :)

HOW TO JOIN?:*Dapat maganda ang fan art syempre and dapat unique.*Dapat maraming
maglike ng gawa mo. Yes, PARAMIHAN NG LIKES SA FB~!*Ang fan art picture ay i-
memessage lang sa akin, sa fb ko po, (https://www.facebook.com/longlostwriter23)
WAG PONG IPOPOST KAHIT SAAN.*Sabay-sabay ko silang ipopost dito sa page then doon
magsisimula ang game. *Deadline ng submission: January 24 (After my
birthday!)*Ipopost ko sila sa page January 25. So it means, January 25 magsisimula
ang pagpapalike. *January 25 hanggang January 31 po ang paramihan ng likes then Feb
1 niyo malalaman ang winners.*If you have questions, just message me.

Example ng fan arts (see external link) ------>PWEDE DIN NAMAN DRAWING OR KAHIT ANO
BASTA TRIP NIYO. DAPAT UNIQUE! Gift ko sa inyo dahil sa pagbabasa ng story na
ito. GOODLUCK GUYS! SANA MARAMING SUMALI! #1MLongLostCelebrationGame-Ms. Kim

=================

[19] New Year New Life. (Part 1)

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

Jan:

"SI ELLA LOVE SI KIEJAN?"lalo kong sinubsob ang mukha ko sa death note pillow ko.

Kailangan bang isigaw pa ni Yhanna? Mas lalo ko tuloy nadadama.

Hanggang ngayon na nakauwi na ko sa apartment, nagloloading pa rin sa utak ko


lahat.

Hindi kasi expected na kay Kiejan pala siya may gusto. Never naman kasi siyang
gumawa ng move para kunin sa akin si Kiejan na karaniwang ginagawa ng ibang tao.

At si Nathan pa ang sinabi niyang mahal niya kunwari.. Ang gulo-gulo.

Umupo ako ng maayos sa kama ko at matamlay na tumingin sa kanila.

"Jan, kaya mo pa ba?"sabi ni Mich sa akin. Halatang sobra siyang concern.

Nakakainis naman. Tuwing ganito si Mich hindi ko magawang magtago ng totoo kong
nararamdaman.

Agad nagsibalikan sa puso't isipan ko ang mga bagay na tinago ko na at pilit


ibinabaon sa limot.

Hindi ko na namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko.

"Hindi ko na alam gagawin ko. Ang gulo-gulo na ng isip ko."

"Jan alam mo, ikaw lang nagpapagulo. Huwag mo kasi agad itatago sa sulok yung bagay
na importante pa sa'yo."sabi ni Mich. Binato ko siya ng isang teddy bear na maliit.
"Nagbiro pa."binato naman niya ulit sa akin yung bear.

"Hindi ako nagbibiro. Jan simula palang gets na namin na kayo na ni Kiejan.
Kaibigan mo kami kaya alam namin."nagulat ako sa sinabi niya.

Alam nila pero never silang nagtanong? At ang akala ko hindi nila alam?

"Bakit hindi niyo sinabi?"sabi ko.

"Hinihintay kasi namin na ikaw ang kusang magsabi Sissy."sabi ni Yhanna. Lalo akong
naiyak. Nilihim ko sa kanila.

"Tsaka narinig kasi namin yung pag-uusap niyo ni Kiejan dati. Yung gagawin niyong
April 1."sabi ni Mich. Natawa pa siya. Isinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko.

"Sorry.. Sorry dahil hindi ko pinaalam sa inyo."

"Shhh. Okay lang sa amin 'yun. Naiintindihan namin."niyakap nila akong dalawa na
lalong nagpahagulgol sa akin.

"Basta lagi mong tatandaan na kapag handa kana na sabihin ang totoo mong
nararamdaman, nandito lang kami."

"Salamat dahil kahit anong gulo ng buhay ko, nandito pa din kayong dalawa na
handang magstay sa buhay ko."kumalas sila sa pagkakayakap at hinawakan ni Mich ang
kanang kamay ko sabay tingin sa akin ng mataimtim.

"Jan, hindi buhay mo ang magulo. Puso. Yung puso at isip mo lang. Nagtatalo kung
sino ba talaga ang susundin mo."

"Si Zac.. Si Zac kausapin mo. Sa tingin ko, may alam siya na makakapagpaayos sa
kaisipan mo."nagtaka ako sa sinabi niya.

Paano namang si Zac ang makakapagpaayos ng lahat?

"Sissy, concern sa'yo si Zac. Alam naming matutulungan ka niya."

--+

1 Day.

1 Day akong nakatunganga dito sa apartment.

Si Yhanna umalis kasama si Kuya Jop. Si Mich naman ipapakilala na ata ni Marco sa
magulang niya.

Buti pa sila kasasaya sa mga buhay pag-ibig nila.

Kahit nga si Manang wala ngayon eh. May pag-ibig na din siya. Kababata kasi ni
Manang tapos nagkita sila kaya ayun, mahal na pala nila yung isa't isa dati pa ang
kaso, umalis si Manang sa probinsya nila kaya nawalan sila ng komunikasyon.

Gusto ko sanang umalis ng bahay kaso hindi ko talaga kaya. Nanghihina ako.

Day after tomorrow, mag-aayos kami ng bahay dahil naisipan ng IH7 kasama si Kuya
Jop, na sabay-sabay kaming magcountdown for New Year.

Si Kiejan kaya makakasama ko ngayong New Year? Sana oo.

Sina mommy, pinuntahan sina lolo sa Macau kaya hindi ko magawang pasyalan sila sa
bahay dahil wala sila.

Ang boring boring naman.

Maya-maya narinig kong nagring ang cellphone ko.

Si Nathan 'to ah. Bakit niya ako tinatawagan? Akala ko ba lumalayo na siya?

(Hello, where are you? I'm hungry!)

"...."
(Damn, answer me Ella!)

"Ahh. N-Nathan.."

(E-Eliza? H-how?)

"Huh?"

(Are you with Ella?)

"H-Hindi b-bakit?"

(This is her number.)

"Ha? Number ko 'to, namali ka ata."

(What? Damn that old Zac! Sorry for this fvcking mess that those shit friends did.)

In-end call na niya.


Ahhhhhhhhhhhh...

Anong nangyari?

Makapagdilig na nga lang muna. May magawa man lang.

Lumabas ako sa garden at kinuha yung host at pinaandar.

Pagkatapos kong magdilig pumasok na ulit ako.

"AHHHHH!"Wala na naman akong magawa. Nakakainis naman. Ang boring boring kong tao.
Makapag-aral na nga lang. Midterm na din namin sa January.

--+

"SISSY!"nagising ako dahil sa maingay na sigaw ng sigaw sa labas ng kwarto ko.

"Maligo ka na at lumabas ka na dito!"Matamlay akong naligo at nagbihis. Lumabas na


ako ng kwarto at nadatnan sina Zac at Marco sa sofa habang nanunuod ng basketball.
Si Kuya Jop kasama naman si Yhanna sa dining table.
"Kuya si Jin?"tanong ko habang kumukuha ng plato ko.

"Ay nako, susunod na lang daw siya. Inaantok pa."sabi ni Kuya.

Pagkatapos kong kumain, hindi na ako nagdalawang isip pang pag-aksayahin ang oras
ko sa pagtunganga dito sa bahay.

"Zac, pwede ka bang makausap?"tanong ko. Tumango si Zac. Seryoso yung mukha niya at
parang binabasa niya ang nasa isip ko. Tumayo siya at sinabing maglakad-lakad na
muna kami sa labas.

--+

"Zac..."naglalakad-lakad na kami dito sa labas ng apartment. Ang tahimik namin kaya


tinawag ko siya.

Huminto kami doon sa may park malapit sa apartment.

Sa park kung saan nagkabati kami dati ni Nathan.

Umupo kami sa bench. Iilan pa lang ang mga nandito. Maaga pa naman kasi.
"Jan, alam ko ang mga pinagdadaanan mo."sabi ni Zac. Pinagdadaanan?

Bakit parang kinabahan ako? Anong ibig sabihin niya?

Tumingin siya sa akin. Parang naaawa ang mukha niya sa akin.

"Z-Zac... A-ano?"sabi ko.

"Jan, dati nung nafifeel ko na parang something's fishy about you and Kiejan,
pinuntahan kita sa apartment niyo. Dati pa 'yun, wala pa dito si Nate."bakit hindi
ko matandaan na pinuntahan niya ako?

"Magdodoorbell na sana ako kaso narinig ko kayo ni Kiejan. Nag-uusap kayo sa may
garden. Umiiyak ka nun. Ang buong akala namin, ayos ka na. Na nalimutan mo na ang
kaibigan namin, pero hindi pala. Nakita kita kung gaano ka nasasaktan sa bawat araw
na hindi mo siya nakikita."umiwas ako ng tingin kay Zac. Yumuko ako. Hindi ko man
lang alam na may nakikinig na pala sa amin noon.

"Nung araw na din iyon, may tumawag sa akin. Si Nate. Sinabi niya sa akin ang
nararamdaman niya sa'yo. Mahal na mahal ka niya Jan. Kaya napagpasyahan kong
tulungan si Nate. Jan palagi ko kayong sinusundan ni Kiejan. Minsan kasama ko ang
isa sa mga IH7. Sinunsundan namin kayo."napatingin ako sa kanya. Napakunot noo ako.
All this time, sinusundan nila ako? Bakit?
"Siguro ang weird, todo kami sa pagtulong kay Nate pero Jan kapatid na din ang
turingan naming pito. Simula nang maging magkakaibigan kami, sa isa't isa na kami
dumedepende. At Jan, dumating sa point na dapat susuko na si Nate pero pinigilan ko
siya."

"Alam kong si Nate ang happiness mo. Jan may mga gabing palihim kaming napapadaan
sa apartment niyo. Nakita kita, umiiyak ka habang yakap-yakap si Kiejan. Alam kong
alam mo at ni Kiejan na you're still not over with him."bumuntong hininga siya.
"Jan ibang-iba ang nakikita naming masayahin na ikaw kapag kaharap mo kami. You
really is a great pretender indeed."

"Z-Zac ayoko na. Gusto kong makalimutan na si Nathan."sabi ko habang tumutulo ang
mga luha ko.

"Actions never lie, no matter how good you pretend or deny, it will always truth
that will be seen."sabi niya. Napatakip ako ng mukha.

"Huwag mong hayaan na takot at awa ang bumalot sa pagkatao mo. Never kang magiging
masaya sa piling ng taong alam mong nakasanayan mo lang."

"A-anong gagawin ko?"sabi ko. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Mas lalo
akong naguguluhan. Ayokong masaktan si Kiejan at oo aaminin ko, ayoko ding
kalimutan na lang si Nathan.

"Don't let us decide for your own happiness."sabi niya."If you're pretending
everything's okay, you'll end up hurting yourself all over again."
Tama siya. Mas masasaktan ako kung palagi lang akong magpapanggap.

"You should talk with Kiejan."pinat niya ang shoulder ko. Inaya na niya akong
bumalik sa apartment dahil baka hinahanap na daw nila kami. Mag-aayos na daw ng
bahay at magluluto para sa pagkain namin mamayang New Year.

Kiejan nasaan ka ba?

--+

Kiejan:

"Huwag mong hayaan na takot at awa ang bumalot sa pagkatao mo. Never kang magiging
masaya sa piling ng taong alam mong nakasanayan mo lang."isa sa nga narinig kong
sinabi ni Zac na tumatak ata sa isip ko.

Nagising ata ako sa panaginip ko.

Kung saan si Jan ang prinsesa ko.

Nagising na ako.
Mahal na mahal ko si Jan. Mahal na mahal ko siya.

Pagkapark ko ng sasakyan, pumunta na din agad ako lalaking hindi ko inakalang


kakausapin ko pa. Nagdoorbell ako at agad din naman niyang binuksan ang pintuan.

"What do you want?"pambungad niya sa akin pagkabukas niya ng pintuan. Hindi pa rin
siya nagbabago. Pero ano ba nga bang ineexpect ko? Talagang galit siya sa akin.

"We need to talk..... Kuya."

--+

Jan:

Pagkabalik namin sa apartment, kumpleto na ang IH7 ay mali, hindi pa pala, wala pa
si Nathan.

Lahat sila nakatingin sa amin. Sa akin. Lahat sila seryoso ang mga mukha. Parang
huminto lahat ng ginagawa nila nang dumating kami.

"T-Tara na mag-ayos na tayo. Anong tinutunganga niyo dyan? M, ikaw magwalis! Ako
susupport sayo!"sabi ni Mich kay Marco. Nagpout naman si Marco kay Mich.
Maya-maya may nagdoorbell, dahil nandito ako sa garden at nagdidilig, ako na ang
nagbukas ng gate.

Pagkabukas ko ng gate, parang huminto saglit ang hininga ko. Hindi ako makagalaw.

Nandito siya.

N-nandito na siya.

"JL ko. Namiss kita JL kooooo!"yumakap siya sa akin. Niyakap ko din siya. Namiss ko
siyang sobra. Bumalik na siya. Bumalik na ang taong naging importante sa akin.

"JL, 'wag ka namang umiyak."sabi nito sa akin. Kumalas siya sa pagkakayakap sa


akin. Lumabas si Mich.

"K-Kiejan?"gulat na sabi ni Mich. Lumabas naman ang lahat ng tao dito sa apartment
malibang kay Manang. Lahat sila gulat.

"Hello? Hahaha!"ngumiti silang lahat.

"Pare gwapo ah!"sabi ni Ren."Nagpagwapo ka lang ata eh!"


"Nako, hindi na kailangan! Matagal ng gwapo 'to no!"sabi naman ni Kiejan.

Nagtanong si Mich kung dito na din ba siya magnuNew Year. Umiling ito.

"Gusto ko sanang makasama si Jan. Pwede ko bang masolo ang girlfriend ko?"ilang
segundo bago tumango si Mich.

Pumasok muna ako sa kwarto ko at nagbihis habang si Kiejan, hinihintay ako sa sala.

"Si Kiejan?"tanong ko pagkalabas ko ng kwarto.

"Hinihintay ka sa labas. Ganda ah! "sabi ni Luke. Inirapan ko siya pero nagpout
siya. Grabe, uso ba sa mga lalaki ang nagpapout?

"Ate, ingat kayo. Advance Happy New Year na lang!"yumakap sa akin si Jin at kiniss
ako sa cheeks.

"Ihhh, naiinggit ako! Baby Advance Happy New Year!"yumakap din si Kuya sa akin.
Kahit kelan seloso.

Nagpaalam na ako sa kanila at sinabing mag-enjoy na lang sila.


Lumabas na ako at nadatnan doon si Kiejan at Nathan. Magkatinginan sila. Parang may
sinasabi ang mga tingin nila.

Napatingin sa akin si Nathan. Ang akala ko, kakausapin niya ako pero hindi, umiwas
siya ng tingin at nilagpasan ako.

"JL ko tara na. Nakatunganga ka pa diyaan. Time's tickin' y'know."napangiti ako.


Namiss ko 'to. Namiss ko siya.

Numalik na nga talaga siya. Mukhang pinagpahinga niya nga ata ang puso niya.

Pero ano na nga ba ang dapat kong gawin?

Siya na nga ba ang mahal ko?

Pero bakit parang nagwawala ang puso ko at sinasabing,

Si Nathan.....

Si Nathan ang mahal mo....

Si Nathan ang mahal ko.


∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Part 1 palang ito, try kong ipost ang part 2 ngayon or tomorrow.

Ang Part 2 ng chapter na ito ang simula nang kakaibang buhay nila. New Year. and
New life for them. For everyone.

Sinong masasaktan? Sinong iiwanan? Ano ang totoo? Anong mangyayari?

Team JanJan or Team Nuiza?

--

Friends! Extended po ang fan art contest! Sana sumali kayo! *puppy eyes*

Salamat din sa mga bumati sa akin nung birthday ko!

Pabati Section (half din XD):


Joshua Tadaya (Moo!^^), Alyssa Faith Subido Baptista, Pudots, Laila
Crystel, @colleynicanor

Hello sa inyooooo! :) God Bless!

Sa mga gusto magpabati, message niyo ko sa Fb. Pwede din ninyong batiin ang mga
barkada niyo, family, teachers, classmates, crush, boyfriend, kaaway, manlalaba,
hardinero, mangingisda o kahit ano pa 'yan! Hahaha XD

Comment niyo yung mga reactions niyo!

Thankyou! Iloveyouall! :*

INFINITE

Ms. Kim

=================

[19] New Year New Life. (Part 2)

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

19: New Year New Life (Part2)

Jan:

"Maglalakad lang tayo JL, ha? Gusto ko sanang wala tayong oras na masayang ngayong
araw na ito. Last day na natin ito."sabi niya. Last day? Anong last day pinagsasabi
nito?

"Last day?"hinawakan niya yung kamay ko at pinisil ito.

"Last day ng last year. Di ba?"tumango na lang ako. Di ko 'yun nagets. Akala ko...

"JL, hindi pa ko nakakakain dito. Gusto mo? Chocolate!"pinisil niya yung pisngi ko
sabay turo doon sa sweets shop.

Ang sweets shop na nahuli ako ni Nathan na nagtatago ako sa kanya.

Ang sweets shop na napikon sa akin si Nathan dahil tinawanan ko siya nung umupong
siyang nakasimangot dahil tinapakan ko yung paa niya ang yabang kasi.(xMCB 26x)

Bumabalik-balik ako dito nung mga araw na wala na kami. Na sana makita ko ulit siya
dito. Na sana kasama ko siyang kumakain dito at nag-aasaran kami.

"Ayiiieee! Si JL napangiti..... Teka, bakit naiiyak ka din? Ayos ka lang


ba?!"nagulat ako sa biglang sigaw ni Kiejan. Hindi ko namalayan na napangiti na
pala ako and at the same time, naiiyak.

"Chocolate eh. Tears of joy."pumasok na kami at nag-order.

"Ma'am Jan?"ngumiti ako. Nakilala pa ako ng babae sa counter. Palagi ba naman akong
pumupunta dito dati. At dahil na rin siguro nung minsang pumunta kami nina Yhanna
at Mich dito. Sobrang ingay kasi ni Yhanna 'nun eh.
"Hello!"ngumiti ako sa kanya at kinamusta siya.

"Hindi napo ba kayo ni Sir pogi? Pinalitan niyo na po ba siya ng pogi din?"nanlaki
ang mata ko. Ohmygod. Ang ingay kahit kelan ng babae na'to.

"Ah he-he."napatingin ako kay Kiejan. Nakatingin lang siya doon sa menu at animo'y
walang narinig.

"Mocha cake and Hazelnut Ice cream for me. JL you?"inabot niya sa akin yung menu.

"Double Chocolate Cake and Ferrero Ice Cream."binigay na sa amin yung number namin
kaya umupo na kami.

Mga ilang minuto din, na-serve na ang orders namin.

Kumain kami ng matiwasay de joke, puro kalokohan. Paano pinapahidan ako ng icing sa
mukha. Ang epal. Nagpipicturan din kami. Ewan ko ba sa kanya. Todo picture.

"Saan naman tayo ngayon pupunta KL?"tanong ko. Katatapos lang kasi naming kumain at
nandito na kami naglalakad sa lugar na hindi ko na alam.

"JL tignan mo oh, may amusement park. Tara punta tayo."sabi niya. Tumango ako. Para
na rin siguro makapagbonding kami kaya gusto niyang masaya kami ngayon.

Hindi ko dapat sirain ang plano niya. Ayaw niya sigurong malungkot kami.

Gustong-gusto ko na siyang tanungin kung saan siya galing, sino kasama niya doon,
bakit umalis siya, at bakit ngayon lang siya bumalik.

Pero hindi ko magawang itanong dahil ayokong masira ang gusto niyang maging
masayang araw kasama ako.

Ayokong sabihin niyang selfish ako. Na hindi ko magawang ibigay sa kanya ang araw
na ito.

Hahayaan kong siya ang unang mag-open up ng mga bagay na iyon at doon ko sasabihin
ang mga napagtanto ko.
Ang mga bagay na naisip ko noong nawala siya. Mga bagay na dapat noon palang naisip
ko na para hindi ko na siya nasaktan pa.

"JL sakay tayo sa ferris wheel."

Pagkakuha niya ng ticket, sumakay na agad kami.

Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Bakit pakiramdam ko may mali sa araw na
ito.

Tahimik lang kasi siya at nakatingin sa mga kamay naming magkahawak.

Parang ang lungkot-lungkot niya kahit masaya naman kami ngayon.

"Kiejan ayos ka lang ba?"tanong ko habang nasa ferris wheel kami. Tumingin siya sa
akin at ngumiti. Bakit parang kumirot ang puso ko?

Bakit nasasaktan ako kapag tinitignan ko ang mga mata niya?

"JL, mahal ko, may ibibigay ako sa'yo mamaya."sabi niya sa akin. Itinanong ko kung
ano pero sabi niya mamaya na lang daw.

"Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita. Kahit mawala ka sa tabi ko, mamahalin
pa din kita."sabi niya bago huminto ang ferris wheel.

Mga dalawang oras din kaming ngstay sa amusement park. Sumasakay sa iba't ibang
rides at nagkukwentuhan.

After namin doon, napagpasyahan naming maglakad-lakad ulit.

Sabi niya may pupuntahan daw kaming dalawa. After nun, hindi na siya nagsalita.
Tahimik na lang kaming naglalakad.

Parang ang lalim lalim ng iniisip niya.

Kiejan, bakit ako pa ang minahal mo?

"Nandito na tayo."nakatulala lang ako. Hindi makapaniwala sa nakikita ko.

Sa dagat kung saan nagsimula ang relasyon namin. Sa dagat kung saan inoffer niya
ang sarili niya para tulungan akong maging masaya. Dinala niya ako dito.
May mga red rose petals sa dinadaanan namin. Naghanda siya ng isang candlelight
dinner.

Ginawa niya ito para sa akin?

Tinulungan niya akong umupo habang ako ay tulala lang. Hindi ako makapaniwalang
gagawin niya ito para sa akin.

Kiejan bakit mo ko minamahal ng sobra-sobra kahit alam mong masasaktan lang kita?
Nasasaktan ako dahil alam kong masasaktan din kita.

"Nagustuhan mo ba ang suprise ko?"ngumiti ako at tumango.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa gilid ng table at taimtim na tumingin sa mga
mata ko.

"Gusto ko, wala kang iisipin na kahit ano ngayon. Ang isipin mo lang, ikaw at ako
ang nasa mundong ito. 'Wag mo munang isipin ang iba, tayo muna."Kiejan
pinapahirapan mo ko. Kiejan nahihirapan akong iwan ka.

Ayoko pero eto ang dapat.

Kumain kami ng tahimik. Tanging dagat lang ang nag-iingay.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Napakunot ang noo ko.

Inilahad niya ang kamay niya.

"Can we dance?"nung una nagdadalawang-isip ako dahil nakakahiyang magsayaw lalo na


kapag may makakita sa amin dito pero ayokong madisappoint sa akin si Kiejan kaya
inabot ko ang kamay niya.

Para kaming magkayakap na nag-isway. Ang mga kamay ko na nakayakap sa leeg niya at
ang mga kamay niya na nasa waist ko.

(Play the music)


"Somebody told me you were leavin’ I didn’t know Somebody told me you’re
unhappy But it doesn’t show"

Naluha na lang ako bigla. Kinakantahan niya ako.

Yung kanta niya, alam kong nasasaktan siya. Ramdam ko sa kinakanta niya.

"Somebody told me that you don’t want me no more So you’re walkin’ out the
door Nobody told me you’ve been cryin’ Every night"

Palagi siyang nasa tabi ko tuwing nasasaktan ako. Kahit nasasaktan siya, hindi niya
nagawang pabayaan ako.

''Nobody told me you’d been dyin’ But didn’t want to fight Nobody told me that you
fell out of love from me So I’m s-settin’ you free''

Nararamdaman kong medyo nanginginig na siya. Umiiyak siya. Dahil sa akin umiiyak
siya. Nahihirapan na siya.

"L-Let me be the one to break it up S-So you won’t have to make excuses W-We don’t
need to find a set up where S-Someone wins and someone loses"
Bakit ba hinayaan kong mangyari ito? Hinayaan ko lang na tulungan niya ako at hindi
ko man lang tinanong kung ayos lang ba siya.

"W-we just have to say our love was true But has now become a lie So I’m tellin’
you I love you one last time And g-goodb-bye"

Niyakap ko na siya ng tuluyan. Huminto na siya sa pagkanta. Iyak siya ng iyak.

"Shhh... Kiejan please..."kumalas siya sa pagkakayakap namin. Hinawakan niya ang


magkabilang pisngi ko. Patuloy na dumadaloy sa pisngi niya ang tubig na nagmumula
sa pisngi niya.

Ang sakit. Ang sakit-sakit lalo na alam kong dahil sa akin kaya siya nagkakaganito.

"Jan, alam kong mahihirapan ako. Alam kong hindi ko kakayanin pero kailangan.
Kailangan kitang p-pakawalan."sabi niya,

"Jan alam kong hindi mo ko iniiwan dahil ayaw mong masaktan ako at isipin kong
ginamit mo lang ako."pinunasan niya ang pisngi ko na basang-basa dahil sa mga luha
ko.
Nasasaktan ako dahil alam kong totoo ang sinasabi niya. Nasasaktan ako dahil
nagiguilty ako. Totoo kasi ang mga sinasabi niya.

"Hindi ko hahayaang masaktan ka araw-araw dahil lang ako ang pinili mo."

"Akin ka nga, hindi ka naman masaya. Anong use?"sabi niya. Tumutulo pa din ang luha
niya.

"Kiejan s-sorry. Sorry dahil sa katangahan ko, nasasaktan ka. Sorry K-Kiejan."sabi
ko. Humahagulgol na siya sa pag-iyak.

"Shhh, stop it. Don't be sorry mas nararamdaman kong mawawala ka na sa akin
eh."niyakap niya ako. "Please, let's stay like this for a while. Maramdaman ko man
lang na sa akin ka kahit ngayong gabi lang."

Mahigpit ang pagyakap niya sa akin. Ramdam kong ayaw niya akong iwan. Ramdam kong
mahal na mahal niya ako.

"Ang sakit pa rin kahit alam kong darating din naman ang araw na kailangan mo nang
mawala sa akin dahil mas masaya ka sa kanya."sabi niya.
Paano ko nagawang saktan ang taong walang ibang ginawa kundi pasayahin ako.

"Sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka niya ha? Bubugbugin ko siya! Ha-ha-


ha!"pinipilit niyang tumawa pero nag-eend up na malungkot pa rin ang pagtawa niya.

"Siguro kaya palaging fail ang pagcecelebrate natin ng monthsary natin dahil hindi
naman dapat ako ang kasama mo. Pati si Kupido pinapalayo na ko sa'yo."sabi niya.

Kiejan, I'm sorry. Sorry Kiejan. Sana natutunan kitang mahalin. Sana ikaw na lang
ang minahal ko edi sana wala ng gulo. Edi sana hindi ka na nasasaktan.

"Exactly January 1, exactly 12 am, dito kung saan tayo nagsimula. JL,
pinapawakawalan na kita. Paalam na mahal ko."

"This is the end of my beautiful dream. I need to say goodbye to the woman of my
dreams. I'll let go of you but that does not mean I'll stop loving you."hinalikan
niya ako sa noo.

Sa bagong taon na ito. Alam kong bagong buhay din ang naghihintay sa amin. Bagong
pagsubok at bagong sakit pero kailangan kong magpakatatag.
Marami na ang nasaktan.

Kaya tama na ang pagpapanggap.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Ahuhuhu, kawawa si Kiejan. Kiejan my loves sorry! Sorry Team JanJan!

Ano na kayang mangyayari sa kanila? Magkakabalikan na kaya ang Team Nuiza?

Pabati Section (Second half XD):

Dheyn Louise, AiramRedimano, Princess Alyssa Co, CamilleMarie DM Embodo, Bella


Leal, Donna Teodoso, Judith Veranda, Monic Ventoso, sa sweetbreakers of Nueva
Vizcaya Institute, at sa boyfriend ni Tholen.

Boyfriend ni Tholen, may pinapasabi nga pala si Gf! XD Eto oh, iyan na iyan ang
pinapasabi niya. Hahaha!

"Bebedeyl, Advance happy 4yrs( 020510) sten. Mahal na mahal kita ket lagi tayong
nag aaway na alam naman nten normal lang sa relasyon. Bsta stay strong. Ket minsan
sumusuko kna sken. Papakabait nko para mabalik na yung dati nteng labidabitimes.
(harutanpala:) --frm: Bebetholen(Shirlynferrermayo)"

Thankyou sa pagbabasa Guys! :D Love you all! :)


Hindi ko na naedit masyado yung chapter na ito. Sorry!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[20] Real Story.

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

Kiejan:

"We need to talk..... Kuya."

Matagal kaming nagtinginan.

Siguro nagulat siya dahil nandito ako gustong makipag-usap sa kanya.


Kahit naman ako, gulat na gulat sa ginagawa ko. Kahit kelan hindi ko inakalang
gagawin ko 'to.

Hindi ko inakalang kakausapin ko ang lalaking mahal ng mahal ko at ang lalaking


malaki ang parte sa buhay ko.

Makakausap ko ang Kuya ko.

Imbes na sa condo niya kami mag-usap, sa rooftop siya nag-aya.

Tahimik lang, walang nagsasalita. Nagpapakiramdaman lang kami.

Siguro inaalala ang nakaraan. Yung mga panahong mga bata palang kami at wala pang
problema.

Mga panahong hindi pa namin alam ang katotohanan. Wala pang nakakaalam ng
katotohanan sa aming dalawa.

Nagulat ako ng bigla niyang inabot sa akin ang isang beer.

Binuksan niya yung sa kanya at unang uminom.

"It's been so many years after we talked privately."sabi niya. Hindi siya
nakatingin sa akin. Nakatingin lang siyang diretso habang umiinom ng beer niya.

Tama, it's been 7? 8 years? Napakatagal na din pala.

Napakatagal na din nang maramdaman kong may kapatid ako.

"Siguro hindi talaga nating mahahayaang ibaon sa limot ang mga bagay na hindi natin
nagawang pag-usapan."sabi ko sabay inom ng alak ko.
Flashback:

7 years agooo...

"Kuya Nate, buti na lang talaga hindi tayo natalo no? Hahaha!"sabi ko kay Kuya
pagkauwi namin sa bahay.

Nakipagpustahan kasi kami ng basketball sa dalawang magkaibigan na bagong lipat


dito sa subdivision namin.

Akala namin matatalo kami kina Zac at Marco, pero nagawa naming mashoot ang bola
within 20 seconds kaya lamang kami ng tatlong puntos.

"No one can defeat us, bro."nagbro fist pa kami.

Sobrang close namin ni Kuya. Walang araw na hindi kami naglalaro ng basketball.
Naging bonding time na ata namin iyon.
Kapag may kaaway ako, siya ang back up ko. Siya ang kasama kong rumesbak. Ganyan
kami kaclose ng utol ko.

Pero dahil lang sa nangyari na iyon, nagbago ang pakikitungo naming dalawa.

---

"Norman! Itigil mo na!"nagising ako dahil sa maingay na naririnig ko mula sa labas


ng kwarto.

Lumabas ako ng kwarto at nadatnan si Kuya na tahimik na nagmamasid sa ibaba.

Ang kanyang mga kamao ay nanginginig na nakasarado.


Anong nangyayari?

Lumapit ako kung saan nandoon si Kuya at tumingin sa ibaba.

Doon, nakita ko ay mga maleta, bihis na bihis na si daddy at umiiyak na si mommy.

"Norman! Kawawa ang anak mo! Bakit kailangan niyo pang umalis ni Nate dito? Pumayag
naman akong ampunin natin siya ah? N-Norman 'w-wag mo itong g-gawin sa amin ng anak
mo!"nagmamakaawa si Mommy kay Daddy.

Tinanggal ni Daddy ang pagkakahawak ni Mommy sa kanyang braso at tumingin dito.

"Karmina, stop this. Aalis ako, oo. But that doesn't mean mawawala ako bilang ama
ng anak ko."
Hindi ko sila maintindihan. Ampunin? Aalis?

"Kuya anong sinasabi nila?"tumingin siya sa akin. Isang malamig na tingin.

Hindi niya pinansin ang tanong. Nilagpasan niya ako at bumaba ng hagdanan.

Sumunod ako kay Kuya. Hindi siya nagsasalita at tuloy-tuloy lang siyang bumaba.

"Son, let's go."pagkababa namin ng hagdan, hinila ni daddy si Nate sa tabi niya.

Tumulo ang mga luha ko.

Bakit nagkakaganito? Wala na ba ang masasayang araw naming pamilya?


"K-Kuya.... D-daddy, s-saan kayo pupunta?"lumalapit ako sa kanila pero niyakap ako
ni mommy.

"Kiejan be a good boy. I'm sorry and goodbye son."sabi nito at umalis na sila ni
Kuya.

Pinipilit ko silang habulin pero mahigpit ang pagkakayakap sa akin ni mommy.


Nanghihina ako.

Iniwan ako. Hindi lang ng isang tao kundi dalawang tao. Dalawang taong parte ng
buhay ko.

Dalawang taong mahalaga sa buhay ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap ni mommy.


"Mommy, bakit pinigilan mo akong habulin sila? M-Mommy aalis sina Kuya! P-pigilian
natin."humahagulgol si mommy.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"A-anak, hindi ako mahal ni daddy mo. May m-mahal s-siyang iba-a."

"A-anong.... Pero bakit isinama niya si Kuya?"tanong ko. Tulo pa rin ng tulo ang
mga luha ko.

"Kiejan, anak siya ng babaeng pinakamamahal ni daddy mo."

At simula noon, isang panaginip na lang ang magkaroon ako ng isang buong pamilya.

Simula noon, pinangako ko na magpapakatatag ako para kay mommy.


---

"Bakit Kuya?"sabi ko.

Alam ko, napatingin siya sa akin.

Diretso lang ang tingin ko. Siguro nagtataka siya kung bakit ganito ang tanong ko.

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin? Bakit hinayaan mong ilayo ka ni
Daddy?"ako naman ngayon ang tumingin sa kanya.

Uminom siya ulit ng alak at ipinaling ulit ang tingin sa harap.

"I'm a mistress's child."sabi nito.

"What do you want me to do? I'm helpless that day. I feel like I'm nothing to
everyone."

"Kuya, maraming beses akong lumapit sa iyo dati para makipag-usap pero lagi kang
lumalayo."

"I'm a mistake. You know that right? We are different. I don't know what is the
right thing to do. I just can't talk to you."sabi niya. Uminom ulit siya ng alak.

"I want to say sorry but when I saw my mom lying in front of me, with blood
flowing, I just don't know."

"Nainggit ako at nagselos sa'yo dahil ikaw may pag-asa pang mabuo ang pamilya mo,
pero ako? There's no way that thing will happen."

"Siguro nga hindi na, pero Kuya... Ibigay mo lang sa akin ang araw na ito... Just
this day, I want Jan for me."sabi ko. Nagkatinginan kami.
Halata sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.

Tama ba? Tama bang gawin ko ang bagay na ayaw ko pero kailangan?

"Pagkatapos ng taon na ito, pakakawalan ko na siya."

--+

Malakas na mga paputok.

Nagsisigawang mga tao.

Masayang sinasalubong ang bagong taon.

Ako? Eto.. tinitignan ang mahal ko kasama ang lalaking totoong minamahal niya.
Sinabi ko kasi kay Kuya na pagpatak ng 12am, pumunta siya dito.

Nagpaalam na ako kay Jan. Pagkaalis ko sa harap ni Jan, siya naman ang pagdating ni
Kuya.

Nakakainis. Akala ko magiging ayos na.

Akala ko magagawa ko siyang paibigin. Pero hindi pala. Hindi pala talaga
madidiktahan ang puso.

May yumakap sa akin mula sa likod ko.

"Kiejan, what you did is the true meaning of love."sabi niya sa akin.

"Ang pakawalan ang taong mahal na mahal mo?"sabi ko.


"Love doesn't mean you should live your life with someone you love, it's about
setting her free if she wants to live with someone you're not."sabi nito.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at humarap sa kanya at doon niyakap ulit siya.
Nagulat siya pero niyakap na din niya ako.

"Salamat Ella."

Nung mga panahong kailangan ko ng makakasama, siya ang nandyan.

Siya ang nakasama ko.

Flashback:
Lalayo na ako kay Jan.

Umupo ako mula dito sa hospital bed. Paano kaya ako makakaalis dito?

As if on cue, may biglang pumasok dito sa room ko.

"Kiejan, saan ka pupunta? Magccr ka ba?"sabi ni Ella sabay lapit sa akin.

"Ella, tulungan mo ako, kailangan kong lumayo."naguguluhan man si Ella, gumawa siya
ng paraan para tulungan ako.

---

Pumunta kami sa resthouse nina Ella.


Mapayapa. Walang gulo. Tahimik

Tamang-tama para sa katulad kong gustong makapag-isa.

Araw-araw tinetext ko si Jan. Pero ni minsan hindi ako nagreply sa mga text niya.

Nung nasa baguio, sinundan ko sila. Gustong-gusto kong magpakita sa kanya noon pero
pinigilan ko.

Ngayon, eto si Ella. Kasama ko na naman. Nandito na naman siya sa tabi ko.

Ano na kayang mangyayari sa buhay ko?

Ngayong wala na ang nagbibigay ng ngiti sa buhay ko?

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
An:

'Wag kayong mainip, Guys! Malapit-lapit na ang hinihintay niyo! Isa lang ito sa mga
filler chapters :)

Pabati Section:

Angelica061011, Ayessa Arjenn Ramos Villa, Maria Shiela Lacanienta Gimena, Khen of
Ria, Danielle Duco, Nash Ville Llanos Toring, SmileyCupcake, Lianne Margareth
Nazareno Labesores's message for her honey: "thank you so much honey.. im so
blessed kc ikaw ang naging nate lee q.. i love you twitzy.."

Yiiiie, puso puso <3

INFINITE

Ms. Kim

=================

[21] After the break up.

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

Jan:

2 weeks na ang nakakalipas.

Marami na ang nagbago since THAT day.

Madalang na kong pansinin ni Kiejan. Palaging si Ella na ang kasama niya. Sila na
kaya?

Kahit naturingan na kaklase ko sila, hindi ko ramdam na nag-eexist ako para sa


kanila.
Kapag may activity kami at naging magkapartner kaming dalawa, gumagawa siya ng
paraan para makipagpalit sa iba.

Kapag nadadaanan ko siya sa hallway, lalagpasan niya lang ako.

Kapag nagkakatama ang mga mata namin. Siya ang unang umiiwas.

I hate it.

But maybe this is his ways to moved on in life without me.

Masakit din pala. Hindi man masakit na hindi na kami, masakit naman dahil nawala
ang long time bestfriend ko.

May mga bagay talaga na dapat hindi mo sinusubukan. Dapat steady lang. Hindi dapat
pinapasok ang isang bagay lalo na hindi mo alam kung tatagal ba o magwowork out man
lang ba.

"Eliza, are you okay?"umayos ako ng upo at tumingin sa paupo pa lang sa tapat ko na
si Nathan. Dala niya ang tray ng binili niyang pagkain para sa amin.

Tumango ako. Kasabay niya ding umupo sina Ren at Luke na nag-aaway pa kung saan
pupwesto.

"May sakit ka ba Eliza?"sabi ni Ren na hindi mo malaman kung concern ba o nang-


iinis lang talaga.

"Gusto mo ba ako este kumain Eliza?"sabi ni Luke na natatawa pa. Mga loko talaga.
Iniinis na naman nila si Nathan.

Pinagbabatukan sila ni Nathan.

"Say it again and I'll kill both of you. Jan not Eliza."pagbabanta ni Nathan sa
kanila with matching death glare pa.

"ELIZA! Hahaha!"sabay na sabi nila and I swear inis na inis na si Nathan. Kung
nakamamatay man ang death glare niya, for sure kanina pa nilalamayan sila Luke.

Tinupad ni Nathan ang sinabi niya. Tinupad ni Nathan ang mga bagay na dati
pinangarap ko mula sa kanya.

Pinatunayan niyang mahal niya ako.


---

Flashback:

Nagulat ako ng bigla akong iwan ni Kiejan after niya kong yakapin. Iniwan niya ako
dito sa dagat. Kahit nasasaktan siya, nahihirapan, at nanghihina nagawa niyang
magparaya.

Nagbreakdown na ako. Humahagulgol ako sa iyak. Ang sakit-sakit. Ngayon,


nararamdaman ko ang katangahang ginawa ko.

Kahit balibaliktarin ko ang sitwasyon, kahit hindi ko naman talaga intensyon,


parang ginamit ko lang siya. Ginamit ko siya para sa panandaliang saya. Ginamit ko
siya para lang malimutan ko ang taong parte ng nakaraan ko.

Ngayon na nagbalik ang nakaraan, naramdaman niyang napag-iwanan na siya.

Masakit man isipin o tanggapin, para sa ibang tao, ginamit ko lang siya.

Inabuso ko ang pagiging mabuti niya sa akin. Inabuso ko ang kaibigan ko. Inabuso ko
ang pagkakataon.

Mapapaupo na sana ako dahil nanglalambot na ang mga tuhod ko pero nagulat ako ng
biglang may yumakap sa akin dahilan para sa kanya ako makakuha ng lakas para
manatiling nakatayo.

Bakit nandito siya?

"Eliza I'm here. I'll be here. I'll never leave you again."sabi niya. Iyak ako ng
iyak habang nakasandal ako sa dibdib niya.

Nandito siya.

"Sinaktan ko siya. Dapat siguro hindi ako pumayag na iwan niya ako."humigpit ang
yakap niya sa akin. Nasasaktan na naman ako. Pero I deserve this. I deserve to
suffer because I used the person that no matter what I do, he will understand me.

"If you did that, nothing will change. He's still hurting."tama siya.

Mas lalo lang masasaktan si Kiejan.

Kapag pinagpatuloy namin itong relasyon namin, aasa lang siya sa bagay na hindi ko
magawang ibigay sa kanya dahil alam kong nakalaan ang puso ko sa iba.
"B-Bakit kasi ginawa ko pa iyun? D-Dahil lang sa'yo, nagawa kong saktan
siya."pinaghahampas ko si Nathan.

Napakatanga ko, hindi ako nag-iisip ng mabuti.

"Shhh. Eliza stop crying. Kiejan is a strong person and an ideal man. I know
there's one girl worth to have him."

Tama na naman siya, hindi nga siguro ako ang babaeng dapat para sa kanya.

Siguro may babaeng naghihintay na kay Kiejan. Baka naiinip na yung babaeng iyon
kakahintay sa kanya dahil huminto pa sa akin si Kiejan. Naging sagabal ako.

Siguro naging daan lang ako para mapalapit sila sa isa't isa.

Kung sino man siya, she's lucky to have him. She's lucky to be loved by him.

I know, who ever she is, she will never make what I did to him. She will treasure
him. She will not hurt him like what I did.

I know, someday, he will be loved.

"N-Nathan."kumalas ako sa yakap niya. "Hindi mo kailangan pumunta dito. Pinalayo na


kita diba?"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Tumingin ng mataimtim sa mga mata ko.

"I don't care about that anymore. Right now, all I care about is you."

"I will love you. I love you."

---

And like what Nathan said, he did love me. He did.

He never leave my side. Never leave my sight.

Nathan is doing everything to make sure he'll be the one.

"OMG! OMG!"nagulat kaming lahat sa biglaang pagsigaw ng isang babae.


Nasa may entrance siya at kung hindi ako nagkakamali, sa direksyon namin siya
nakatingin.

Napakalapad ng ngiti niya at parang naggegesture siya sa labas ng cafeteria.


Winewave niya ang kamay niya.

"GIRLS OVER HERE! Confirm! Si Nate at Jan naaaaaaaa!"nanlaki ang mata ko. Ano daw?
Don't tell me eto na naman?

"Fangirls! Hahaha!"nagtawanan naman sina Luke at Ren. Tuwing may mga kumakausap sa
amin ni Nathan, tawa lang ng tawa sina Luke. Gustong-gusto nila na may mga kasama
kaming mga girls, paano ba naman kagaganda.

Yes, after THAT day, bumalik ang mga Nathan-Eliza team.

Ewan ko ba, kahit sinasabi naming hindi kami, ayaw nilang maniwala.

For two weeks, pinagpipilitan nilang kami daw kaya hinayaan nalang namin. Tuwing
snack time or lunch break, palagi silang nandito. Nakikipagkwentuhan, nakikipag-
asaran at nakikipagkaibigan.

Iba-ibang girls ang nakikipag-usap sa amin at kino-congratulate kami.

Awkward man dahil hindi naman talaga kami, hinayaan ko na lang.

Namiss ko din naman ito.

--+

"Everyone! I have a good news!"masayang sabi ni Mrs. Dizon pagkapasok niya sa room.

Lahat ay naghihintay sa sasabihin ni Mrs. Dizon.

Hindi pala lahat.

Si Nathan kasi busy sa pagkalikot sa buhok niya. Hiniram pa yung phone ko at


ginawang salamin yung camera.

Si Nathan na ang katabi ko sa upuan. Sa harap kami nakaupo. Dito kasi kami pinaupo
nina Luke. Mga lokong 'yun, pinaupo pala kami dito para daw kapag may ginagawa
kaming dalawa ni Nathan na kalokohan, nakikita nila. Para daw makita nila ang
kacornyhan ni Nathan.
"Okay, halatang excited na kayo sa good news hahaha! The good news is in January
17, wednesday...... We will have our Morgan Founding Anniversary for 3 days! And
that means, we will sleep here! So much fun and adventure, isn't it?"lahat naman ay
nagsigawan at talaga namang excited.

Masaya naman talaga ang Foundation Day dito sa Morgan College. Madami kasing
masasayang program, suprises and games. At syempre mga kapana-panabik na mga
booths.

"So today, kailangan niyong mag-isip ng booth na masasabi niyong exciting at mag-
eenjoy ang mga co-students niyo."

"May naisip na ko!"tumayo si Ren at pumunta sa harap.

"What is it? Share it with us!"sabi ni Mrs. Dizon na halatang tuwang-tuwa kay Ren.
Mukhang pinaghandaan ni Ren eh.

"Bakit hindi na lang, Destiny Booth?"sabi ni Ren na pataas-baba pa yung kilay.

"Destiny Booth?"

"Yes. Destiny Booth. We will play as cupids pero imbes na papanain sila sa isa't
isa, itatali natin ang kanang kamay ng babae at ang kaliwang kamay ng lalaki then
dadalhin natin sa booth at doon magdedate sila for 1 hour and more. May live band,
mini resto, mini park, photobooth at kung anu-ano pa na ginagawa kapag nagdedate sa
loob ng ating booth."marami namang na-excite sa sinabi ni Ren. May pagka-lover
talaga eto eh.

Lumapit naman si Luke kay Ren at inakbayan eto.

"Pare, ako at si ano ha! Kahit magkano magbabayad ako sa booth natin."sabi ni Luke.
Hala, playboy alert!

"Sounds good. Are you all agree in Ren's proposal?"nagyes naman lahat maliban kay
Nathan na kinakalikot na ang phone ko.

After pag-usapan ang mga kakailangin for the booth, nagdismissal na.

Sabay kaming lumabas ni Nathan ng MC. Nakakatawa dahil habang naglalakad kami
papuntang parking lot, ang daming nagbubulungan. Bulong na rinig.

Kesyo nagkabalikan na daw ba kami at kung nagbreak na daw ba kami ni Kiejan. Yung
iba naman sinasabi na bagay daw kami. May mga negative comments pero sabi ni
Nathan, "Don't care about them. They are nothing compare to what you really feel
and they don't know what is real. They are just insecure."

Araw-araw ganito na ang bagong set up namin. Susunduin niya ako sa apartment then
sabay kaming papasok. Sabay kaming lalabas ng campus at ihahatid niya ako pauwi.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko. Nang lumiko kami, nalaman ko na ang sagot sa tanong
ko.

"Welcome to *******. What's your order Ma'am/Sir?"

Nag-order kami sa isang Drive Thru. Nagugutom na siguro siya.

After nun, pumunta kami sa usual place namin simula dati.

Ang Infinite Garden namin.

Pinangalanan niya, kasi daw kapag may nagtatanong kung nasaan kami ang sinasagot
namin lagi doon sa magandang garden or minsan doon sa may malaking puno. Oh diba?

Lumabas kami ng sasakyan. Mauna na daw ako sa garden dahil may kukuhanin pa siya sa
likod ng kotse niya.

Kinuha ko na lang ang tinake out naming pagkain at pumunta na doon sa malaking
puno.

Iba talaga ang sayang naibibigay sa akin ng lugar na ito. Nawawala ang pagod ko
kapag nandito ako. Nawawala ang bigat dito sa puso ko kapag nakikita ko ang lugar
na ito.

Maya-maya din naman ay nasa tabi ko na si Nathan dala-dala ang mga gagamitin namin
habang nagpipicnic. Picnic nga ba ito? Ganun na din yun.

--+

"Eliza, am I boring to be with?"sabi ni Nathan after namin kumain. Out of nowhere


naman ang tanong niya.

Nakahiga kami dito sa blanket at nakatingin lang sa mga stars. Parang dati.

"Boring? Not really. Snob, maybe."sabi ko. Kiniliti naman niya ako sa tagiliran ko.
Napaupo tuloy ako.

"N-Nathan! W-Wag! A-Ano ba!"hinawakan ko ang dalawang kamay niya para matigil siya
sa pagkiliti sa akin.

"Kainis 'to! Hahaha! Alam mo namang grabe kiliti ko ay!"sabi ko sa kanya. Tawa pa
ko ng tawa.

Bakit feeling ko ako lang tumatawa? Wala ba akong kasama dito?

Pagtingin ko kay Nathan, nakatitig lang siya sa akin. Hindi siya nagsasalita.

Kahit madilim dito at tanging buwan at mga bituin at ilaw lang sa poste ang
nagbibigay ng liwanag, alam ko na sa akin siya nakatingin.

"Nathan bakit?"sabi ko. Magkahawak lang ang kamay namin. Ano bang iniisip niya?

"The more I look at you, the more I want you for myself."sabi niya. Bumilis ang
tibok ng puso ko. Hindi ko na din maalis ang pagtingin ko sa mga mata niya.

Napangiti ako.

Dahil sa kanya nalilimutan ko na malungkot nga pala ako.

Sa simpleng effort niya nagiging masaya ako.

"Thank you Nathan. Thank you for proving yourself."

"I'm not proving myself to you, Eliza. I'm showing how regretful I am that I left
you."

And yes, this is what my life right now.

This is me right now after the break up.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Grabiii. Okay hinga-hinga. Hahaha! Dumadamoves na naman si Nate! February 8


ngayoooon! HAPPY BIRTHDAY WOOHYUN! Inspirit loves you!

Infinite Garden is <3


Pabati Section:

All of my fans (daw XD) sa Davao City especially Sofia, Yum, April and Mitch, Kay
Catherine Joy Garcia, Hannah from Vietnam, Jesrello and Michelle, Elgie Marie
Gumpal, sa friend ni Jade Judith Veranda na si Cherry Joy Malabanan from Batangas,
Sheryl Root, Wyna Win Rodrigo from Cebu City, Warrior Sarah, Allenjoykrizia Dela
Cruz from Quezon, at kay Niña Prancesca Tecson Caparas!!

Thank you sa pagbabasa! Nakakatuwa naman, sa iba-ibang lugar may mga readers ang
MCB AT CMCG!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[22] Destiny Booth.

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

Jan:

"Another couple arrested!"tinutulak ni Luke ang couple sa heart shape na upuan dito
sa Destiny Booth.

Infairness, lahat ng couple na nakukuha nila, mga bagay. Magaling na match maker
sina Ren at Luke.

Ako ang naka-assign sa live band at minsan sa mini resto.

Minsan kasi ako ang gustong pakantahin ng so called 'destiny couples'. Pero kapag
hindi ako kumakanta, tiga-bake naman ako ng cake.

Sina Marco at Mich nga nahuli din eh. Pero magkaaway sila kaya umabot lang sila ng
more or less 30 minutes. Napansin ko lang these past few days, sobrang mailap sila
sa isa't isa. Magkasama sila but they're not as sweet as back then. They are a
perfect example of so close yet so far.

Magkasama sila pero ramdam mong ang layo ng iniisip nilang dalawa.
Si Kuya Jop, tinext pa ko. Ipahuli daw silang dalawa ni Yhanna.

Nang mahuli naman sila akala mo napaka-inosenteng bata na hindi alam kung bakit
hinuhuli siya. Kung makayakap pa kay Yhanna nun akala mo paghihiwalayin sila. Eh
magdedate nga sila diba? Psssh. What would I expect? Knowing how childish he was
sometimes.

"Jan! Kayo naman ni Nathan ang naka-assign to find couples!"sabi nung isa naming
member.

Hinila ako ni Nathan mula sa pagkakaupo ko at hinila lang niya ako ng hinila.

Bwiset. Bigla-bigla na lang nanghihila. Sasama naman ako eh.

Naghanap kami ng pwedeng hulihin.

"Let's just choose anyone."Nathan said.

Ay, wala namang excitement doon.

"Nathan hindi dapat ganun. Cupids doesn't make that."umupo siya sa may bench sa
tapat namin. Nagpamewang ako sa kinilos niya.

"But I'm too lazy to be a cupid."

"Lazy lazy. Psssh. Lazy mo mukha mo."sabi ko. Naghanap na lang ako ng pwedeng
hulihin.

Sino naman dito? Dapat unique na couple ang kunin namin.

"Hey Eliza, come here."sabi ni Nathan. Nacurious naman ako kaya lumapit ako sa
kanya. Pinapalit niya ako sa kanya, may ibubulong ata.

Nilapit ako sa kanya at nagulat ako sa binulong niya. Namula ata ako.
"Wifey I love you."

Ahhhhhh.

Ang awkward na. Panira talaga. Ang okay na ng atmosphere e.

"Wag ka ngang makulit!"

"Ikaw dyan ang makulit! bwiset tong lalaki na 'to!"nabaling ang atensyon ko sa
isang babae at lalaki na nagsisigawan.

"Si Charles yun ah."turo ko. Tinignan naman ni Nathan pero wala lang siyang
reaksyon.

Pareho silang nakakunot ang noo at nakacrossed arms. Magkasama sila pero hindi
nagpapansinan.

Kapag naman nagpapansinan sila. Nagsisigawan lang tapos mag-iiwasan.

Si Charles kasi maloko din pero he's studious. Kapag pag-aaral na aayos na yan.
Yung girl hindi ko siya kilala but still she's cute.

Ang cute! They're cute together.

OMG! I have a better idea!

"Nathan!"inalog-alog ko siya.

"What?!"aba nakakunot na rin ang noo neto. Hahaha.

"May naisip ako!"

--+
"Nate naman! Ayoko!"kanina pa nagmamakaawa si Charles kay Nathan pero hindi naman
siya pinapansin nito.

"Miss, please wag. Ayokong makipagdate sa lalaking ubod ng sungit at nasobrahan sa


confidence."sabi ni Hazel, ang babaeng kasama ni Charles kanina.

"What the?! Mas ayoko sayo! Maldita at masungit na, nasobrahan pa sa pagkaarte sa
katawan!"sabi naman ni Charles.

Natatawa na lang ako sa kanila. Simula kanina, nagsisigawan na sila. Walang tigil
na pagsisigawan.

Iniwan na namin sila sa movie place ng booth namin. Sina Luke na daw ang bahala sa
kanila.

--+

"Jan!" umayos ako ng tayo. Hinihintay ko kasing mabake ang cake kaya medyo nakaupo
ako. After kasi naming mahuli sila Charles, na-assign naman ako dito sa mini resto.

Umupo sa may table si Luke na ngiting-ngiti. Aba, parang kinakabahan ako sa ngiti
nito a.

"Why?"sabi ko at ibinalik ang tuon ko sa oven kaya nakatalikod na ako sa kanya.


Magkahawak ang mga kamay ko sa likod ko habang naghihintay. Narinig ko ang table
parang may umalis dito na hudyat na umalis na sa pagkakaupo si Luke doon.

Pinagtitripan lang ata ako.

"Hey! Anong ginagawa mo?"nagulat ako ng biglang lagyan ng handcuff ang kanang kamay
ko. Para saan 'to? Don't tell me hinuhuli din nila ako?

"For us to be a perfect cupid, we should take note that you two need to be
arrested."tama nga ako. Bwiset pati ba naman kami? For sure huhulihin din nila si
Nathan. They're too obvious you know.

Sinabihan ako ni Luke na wag daw akong maingay or kahit magsalita dahil huhulihin
na daw nila si Nathan.
"Wag kang maingay Jan please."nagulat ako ng biglang sumulpot si Ren out of where?
I don't know.

May hawak siyang handcuff at eto siguro ang gagamitin para sa inosenteng si Nathan
na nakatalikod sa amin.

"Huli ka!"sabi ni Ren pero naiwas ni Nathan ang kamay niya kaya fail ang plano
niya.

"What are you doing?"sabi ni Nathan. Pilit namang inaabot ni Ren ang kamay nito
pero iniiwas ni Nathan.

"Pahuli kana!"sabi ni Ren habang inaabot ang kamay nito."Nahuli na namin si Jan!"

Napatingin s direksyon namin si Nathan. Nagulat siya na nakahandcuff na ko.

"We don't need this."sabi ni Nathan."We have our own ways to accompany each other."

"Hay nako naman Nate! Kapag di ka pumayag!"bumulong si Ren dito at nagulat ako sa
reaksyon ni Nathan. Lumapit kasi siya sa amin at kinuha ang kalahati ng handcuff ko
at sinabihan si Luke na ihandcuff na din siya.

Anong sinabi ni Ren?

"Wait, bakit handcuff sa amin? Tapos sa iba tali lang?"tanong ko habang dinadala
nila kami sa heart shape sofa.

"Eh kasi alam naming masyadong malakas si Nate at baka sirain niya yung tali kapag
ayaw niyo na. Alam mo naman. Hard type yan!"sabi ni Luke. Napalakas pa ang sinabi
niya kaya mga nagtawanan yung mga ibang nakarinig.

"W-wait!"napatingin lahat kami sa may pintuan.

May isang babaeng sinusundan ang isang lalaki.

Si Kiejan at Ella.
"Okay let's get this started!"sabi ni Nathan. Kahit nakahand cuff kami nagawa
niyang hawakan ang kamay ko. Parang magkaholding hands kami.

Hinila ako ni Nathan sa photobooth. Pumasok kami doon.

"Nathan, magpipicture tayo?"tanong ko. Aba himala, siya ang nag-aayang magpicture.

"We will eat Eliza. Tsss."nagpout ako. Nagtatanong pang naman eh. Ang bad nito.

"Are you ok?"tanong niya.

"Oo? Bakit?"sabi ko.

"About Kiejan. You know."ah yung eksena kanina na nagwalk out si Kiejan.

"Maybe?"

"Let's forget it. It's our date. No more Kiejan."sabi niya.

Umayos na kami ng upo at inayos ang sarili namin.

Limang shots ang kaya ng photobooth namin so, bahala na.

Sa unang shot nakangiti lang kami. Sa pangalawa, sabi ko sa kanya wacky. Sa


pangatlo naman pareho kaming seryoso. Sa pang-apat, nagulat ako dahil kiniss niya
ako sa cheeks. Kaya ang panglimang picture ko hindi ko na alam ang nangyari sa
itsura ko. May after shock pa ata ako. Hindi maprocess ng utak ko ang nangyari.

Mamaya pa namin makukuha iyon dahil ieedit muna daw nila yung design. Syempre hindi
libre yun, may bayad.

Pumunta naman kami sa mini movie theater dito sa booth namin. Puro maiikling movie
lang ang pinapalabas dito.

Umupo kami sa isang couch doon. May mga kasabay kaming destiny couple pero wala
kaming katabi. Nasa iba silang couch.

Hindi pa rin binibitawan ni Nathan ang kamay ko. Aba, chansing 'to ah.
Mga 40 minutes yung pinanuod namin. Tinignan ko si Nathan, nakasandal siya sa
balikat ko. Akala ko nanunuod siya, hindi pala. Tulog ito o nagtutulog-tulugan
lang?

Kanina yung pinapanuod namin meron akong isang nagustuhan na part na sinabing ng
lalaki sa babae.

'Nagkamali man ako nung una, asahan mong ngayong binigyan mo ko ng pangalawang
pagkakataon, we will make this relationship work.'

Katulad namin ni Nathan, nagsimula sila na hindi nila gusto ang isa't isa. Ang
lalaki may gusto sa ibang babae. Hanggang sa ang bidang babae nagkagusto sa lalaki.
Pero ang lalaki hindi niya ito minahal.

Umasa yung babae na magugustuhan siya nito kaya lang umabot sa oras na napagod na
siya. Katulad ko, nagparaya na lang. Mahal niya ito pero dahil mas masaya ang
lalaki sa ibang babae, pinakawalan na lang niya.

Sabi nga nung babae,'Umaasa ako sa kanya, pero siya umaasa sa iba.'

Dumating ang panahon na nakapagmove on na ang babae at dahil mapaglaro ang tadhana,
narealize na ng lalaki na siya pala ang mahal niya. Siya pala talaga ang gusto
niya.

Madaming paghihirap din ang natamo ng lalaki bago ulit siya bigyan ng pagkakataon
nito.

Kami kaya? Ano kayang mangyayari sa amin ni Nathan? Handa ba akong masaktan ulit?
Handa ko ba siyang mahalin at bigyan ng pangalawang pagkakataon?

Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.

"You're staring at me. Am I that good-looking?"napangiti ako. Kanina pa pala ako


nakatitig sa kanya.

Ano bang mangyayari sa aming dalawa?


∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Sorry Guys! Hapon na ako nakapag-update! Pero atleast, sabado pa din. HAHAHAHA!

Nag-entrance exam kasi e kaya late ang update.

Feb-ibig <3

Pero you know what? Para sa akin, ang hearts day ay everyday. Hindi naman kailangan
na every february 14 ka lang mag-eeffort at papasayahin ang taong mahal mo.

You should make her or him happy every step of the way :)

Pabati Section:

Xylahxande, Rhea Tan from bacolod, Vanessa Mae Gallego from manila, Anneroda from
Zamboanga, Jonhne Carmen, Rosemarie Munoz Rosel and Magic 10! :)

Thank you sa pagbabasa! Loveyouall! :*

INFINITE

Ms. Kim

=================

[23] Afraid but Accepted.

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

Jan:

"A success for our first day!"sigaw ni Luke.


Day 1 of our Foundation day is almost over.

Nagliligpit na kami ng mga gamit at nag-aayos na. Binigyan na lang ang bawat booth
ng 1hour to arrange everything at pagkatapos, dapat nasa gym na kami.

"And to tell you guys, si Charles at yung partner niya sobrang daming nagbayad para
magtagal sila sa loob ng booth. Isipin niyo yun, natalo nila ang mga fans nina Jan
at Nathan?"sabi ni Ren. Habang nililista sa isang maliit na notebook ang mga funds
na nalikom namin this day.

Totoo ang sinabi ni Ren. Madami din pala ang nagsasabing cute sila Charles
together. Yung mga pka-pareho nilang I.T, bet din daw silang dalawa.

--+

"Okay, so today, you need to find your partners."sabi ni Mrs. Dizon, siya pala ang
moderator ng foundation day namin ngayon.

"Sissy!"hinihingal na lumapit sa akin si Yhanna at Mich. Tinanong ko sila kung


bakit at kung saan sila galing.

"Jan, pinuntahan kasi namin si Mrs. Dizon. Nalaman kasi naming hindi tayo pwedeng
magsama sa tent dahil naiiba ang course mo sa aming dalawa ni Yhanna. Unfair daw sa
iba kung papayagan tayo."paano na ako? Sino makakasama ko sa tent? Nakakailang
naman kapag hindi mga kaibigan ko ang kasama ko. Kahit naman nakikipag-usap na ako
sa mga classmates ko, hindi pa rin ako ganoon ka-close sa kanila para matulog
katabi nila.

"Excuse me."tumingin ako sa babaeng nasa harapan namin.

"It's not that I like this but we can be partners."sabi ni Ella without looking in
my eyes.

"Okay lang sa akin."after kong pumayag, umalis na din siya agad. Ako daw ang mag-
ayos ng tent namin. Pumayag na ko dahil alam ko na napipilitan lang siyang maging
partner ko.

Pumunta na ako kung saang area ang tent namin ni Ella.

"Jan! Tawag ka nina Zac!"sabi ng classmate namin. Iniwan ko muna yung inaayos kong
tent at pumunta kina Zac na nasa L room daw.

"Jan, nandito kana pala."umayos ng upo ang mga boys. Sina Yhanna at Mich naman
ngiting-ngiti.
"Bakit anong meron?"lumapit sa akin si Zac at pinaupo ako sa isang arm chair.

"Jan mamaya, pupuntahan ka nina Marco at Mich."nagtaka ako. Bakit naman kaya?

"May pupuntahan tayo di ba Nate?"sabi ni Ren. Binigyan lang siya ng death glare ni
Nathan.

"Saan naman? At bakit dapat may susundo pa sa akin?"tanong ko. Nakakapagtaka naman
kasi.

"Basta 'wag ka na matanong! Bumalik ka na doon!"sabi ni Zac. Aba loko 'to ah!
Pinatawag ako tapos papalayasin na din ako. Bwiset.

"Ate! Mag-ayos ka ng sarili mo ha! Baka magmukha kang ewan. Hahaha!"inirapan ko nga
ang kapatid ko. Napagtitripan na naman nila ako.

"Wait for me."tumayo si Nathan at sumabay sa akin maglakad.

Kasama kong naglalakad si Nathan. Gusto daw niyang sumama sa akin eh.

"Eliza do you want to be my partner?"sabi ni Nathan. Napahinto ako sa paglalakad.


P-partner?

"P-Partner?"pag-uulit ko. Nagtaka naman siya kung bakit napahinto ako.

"Yes partner. Partner for this overnight."napakurap-kurap ako at binilisan ng


kaunti ang paglalakad. Partner para dito lang pala. Akala ko kung ano na.

"Hey Eliza!"kasabay ko na naman siyang naglalakad.

"Eliza I'm asking! You okay?"

"A-Ahh. May partner na ko."sabi ko.

"Wait.."hinawakan niya yung wrist ko at pilit pinahaharap sa kanya."From what I can


see, you misinterpret what I've said."

Namula ako at umiling. Nagsmirk siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"N-Nathan."iniiwas ko ang mga tingin ko sakanya. Ang init na ng mukha ko.

"What are you thinking of?"lalo niyang inilapit ang mukha niya. Only a few inches
and our lips will meet. "Are you thinking of us reunited?"

Inilalapit niya pa lalo ang mukha niya sa mukha ko. Hahalikan niya ba ako? Pumikit
ako. Oh lord, siya na naman ba ang second kiss ko?

*Click*

Binuksan ko ang mga mata ko. Wala na ang mukha ni Nathan sa harap ko. Umayos ako ng
upo.

"What was that?"nagulat ako sa nagsalita. Lumapit siya sa akin or should I say
lumapit sila sa akin.

"Jan, may nangyayari bang kababalaghan dito?"sabi ni Zac na natatawa pa.

"Oo narinig mo naman diba Tandang Zac? Maliban na lang kung nabibingi kana."sabi ni
Ren. Naghigh five naman sila ni Charles.

"Dahil sa katandaan."pagtutuloy ni Charles.

"Manahimik nga kayo."sabi ni Zac.

"D-Don't tell me kanina pa kayong nandyan sa likod namin?"kalalapad ng mga ngiti


nila. Nakakahiya 'to. Hindi ko man lang napansin na nasa likod pala sila.

"Mga 10 minutes na ang nakalilipas."sabi ni Marco natumingin pa sa relo niya.

"Where is Nathan?"tanong ko. Mula kasi nung dumilat ako wala na siya sa harapan ko.

"Ayun oh tumalikod na sa kahihiyan. Hahaha!"nagtawanan sina Ren. Nagpaalam ako na


aayusin ko pa ang tent kaya naglakad na ako ng mabilis.

"Sissy ingatan mo si partner!"rinig kong sigaw ni Yhanna.


"Wag isuko ang Bataan Ate!"sabi naman ni Jin.

"Kaming bahala sa picture niyo."sabi naman ni Mich.

Napahinto ako sa paglalakad. Picture?

PICTURE?

Lumingon ako sakanila at lalapitan sana sila pero wala na, tumakbo na sila.
Kabibilis.

Dumiretso na lang ako sa tent namin.

Teka, bakit buo na ang tent namin? Eh ang pagkakaalam ko binubuo ko lang ito ah?
Sinong naggawa nito? Si Nathan? Pero hindi alam ni Nathan kung saan ang tent namin.
Umalis nga siya diba?

Pabayaan na nga. Pumasok na ako sa loob at natulog muna.

--+

"Jan? Jan gising." Iminulat ko ang mga mata ko. Gabi na pala. Ang haba din ng
itinulog ko.

"Jan, tara na malelate na tayo."nakita ko si Mich na nasa side ko dito sa loob ng


tent.
"Saan tayo pupunta?"ngumiti lang si Mich at hindi pinansin ang tanong ko. May
binigay lang siyang paper bag sa akin at sinabing maligo na daw ako sa L room para
makapunta na kami at malaman ko na.

After 30 minutes, nakaligo na ako at nakapagbihis. Nadatnan kong nasa labas ng room
sina Mich at Marco. Mukhang okay na sila. Magkayakap kasi eh.

Mga 5 minutes siguro bago nila mapansin na tapos na ako. Medyo nahihiya pa nga sa
akin si Mich dahil nahuli ko sila. Wala pa din naman tatalo sa kahihiyan ko kanina.

Isang red tube dress ang pinasuot nila sa akin at black flat shoes. Nakalugay lang
ang buhok ko.

Pumunta kaming parking lot.

"Wait lang Mich. di ba bawal lumabas ng MC?"sabi ko kay Mich.

"Basta kami na ang bahala Jan."sabi ni Marco.

Pumasok na kami sa kotse niya at pumunta kung saan. Nanahim na lang ako sa likod ng
sasakyan.

Bakit may iba akong nararamdaman? Parang may mangyayari ngayon?

--+
"Nandito na tayo."lumabas na ako ng kotse. Madilim kaya hindi ko masyadong makita
kung nasaan kami.

"Have fun, Jan. And please, just the true feelings okay?"sinabi nina Marco na
maglakad-lakad daw ako kaya ginawa ko naman.

Nakita ko na lang ang sarili ko na naglalakad sa isang damuhan. Parang alam ko na


kung nasaan ako. Pero bakit ang dilim-dilim naman ata dito ngayon? Hindi nakabukas
ang mga ilaw sa poste.

Napahinto ako sa paglalakad nang biglang umilaw ang nag-iisa at napakalaking puno.
May nakapalibot ditong christmas lights.

Nasa Infinite Garden ako.

♫"Can't blame you for thinkingThat you never really knew me at allI tried to deny
youBut nothing ever made me feel so wrong."♫

Lumabas mula sa likod ng puno ang isang lalaking may hawak na gitara at kumakanta.
Kahit hindi ko makita ang mukha niya, sapat na ang boses niya para makilala ko kung
sino siya.

♫"I thought I was protecting youFrom everything that I go throughBut I know that we
got lost along the way"♫

Lumapit siya sa akin at habang papalapit siya ng papalapit, mas lalo kong
naaaninagan ang mukha niya.

"Nathan..."ngumiti siya ng bahagya sa akin.

♫"Here I am with all my heartI hope you understandI know I let you downBut I'm
never gonna makeThat mistake again"♫

Bumibilis ang tibok ng puso ko. Parang huminto ang mundo ko. Kung saan si Nathan,
ang boses niya, ako at ang mabilis na pagtibok ng puso ko ang tanging nararamdaman
at naririnig ko.
♫"You brought me closerTo who I really amCome take my handI want the world to
seeWhat you mean to meWhat you mean to me"♫

Kinakantahan na naman niya ako. Kinakantahan ako ng taong minsan, mali, madalas na
sinasaktan ako.

♫"Just know that I'm sorryI never wanted to make you feel so smallOur story is just
beginningBut let the truth break down these walls"♫

Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko na kahit sinasabing mahal ako ni Nathan, na ako
ang gusto niya, na nagsisisi na siya sa mga nagawa niya, sinaktan niya pa rin ako.

Hindi ako ang pinili niya.

♫"And every time I think of youI think of how you pushed me throughAnd show me how
much better I could be"♫

Tumingin siya sa gilid kaya tumingin na din ako. Umilaw bigla ang mga fences sa na
nasa gilid. May mga nakapost doon na mga pictures namin. Yung iba stolen shots.
Mayroong pictures na natutulog ako sa armchair, sa study table, sa kotse. Mayroon
ding kumakain ako ng chocolates, naglalakad, tumatakbo, tawa ng tawa, nakapout,
naiinis, at walang expression.

♫"Here I am with all my heartI hope you understandI know I let you downBut I'm
never gonna makeThat mistake again"♫

Mayroon ding pictures namin. Magkatitigan, nagtatawanan, nag-aaway, nagkikilitian,


kinakantahan niya ako, natutulog siya sa lap ko. Kahit yung naghahanap kami ng
huhulihin para sa destiny booth. At yung pictures namin nung nagphoto booth kami,
pati yung nakapatong yung ulo niya sa balikat ko habang nasa movie booth kami.

♫"You brought me closerTo who I really amCome take my handI want the world to
seeWhat you mean to me"♫
Napangiti ako at bumalik ang tingin ko sa kanya. Hindi pa rin niya inaalis ang
tingin niya sa akin.

♫"You make me feel like I'm myselfInstead of being someone elseI wanna live that
every dayYou say what no one else was sayingYou know exactly how to get to meYou
know it's what I needIt's what I need yeah"♫

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Dapat ba akong maging masaya o
dapat magalit ako. Magalit dahil bakit ngayon lang niya naisip ito? Bakit ngayon
lang niya ako nagawang mahalin kung kelan ang dami ng nangyari.

♫"Here I am with all my heartI hope you understandI know I let you downBut I'm
never gonna make that mistake again"♫

Naglakad ulit siya papalapit sa akin. Bumabalik na naman ang kaninang nararamdaman
ko. Bumibilis na naman ang mabilis na tibok ng puso ko.

♫"You brought me closerTo who I really amSo come take my handI want the world to
seeWhat you mean to meWhat you mean to me"♫

Nilapag niya ang gitara niya sa baba at may kinuha siya sa bulsa niya.

Isang Hyacinth flower.

"Someone told me that if you give her a flower like this it means you are sincerely
apologetic for what you did."

Ibinigay niya sa akin iyon. Maganda ito. Kinuha ulit ito ni Nathan at nilagay muna
sa may gitara niya.

Maya-maya ay nakarinig ulit ako ng pag-strum ng gitara. Tumingin ako sa likod ni


Nathan. Ngayon ko lang napansin, nasa likod pala ng puno ang IH7.
♫"It's quiet here today, where tearshave left a stainTime goes by still the room
doesn't make a sound"♫

Boses 'yun ni Zac. Kumakanta sila sa likod ng puno.

"Eliza I know you are not stupid to not know what I've been planning to say to
you."pagsisimula niya.

"I love you... I love you so much and now, I am regretting all that I did to you."

♫"I'm feeling out of place, I'm needing to explainI tried to fly, but my feet never
left the ground"♫

"Eliza can you give me another chance?"sabi niya. Naluha na ako.

"Nathan I don't know."napatakip ako ng mukha ko. Hindi ko talaga alam.

"What do you mean?"inalis niya ang dalawang kamay ko sa mukha ko at siya ang
humawak sa pisngi ko."Hindi mo na ba ako mahal?"

Umiling ako.
"Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa'yo. At kahit kelan hindi mangyayari iyon."

♫"I know everybody sees it, feels itWhen I look at youI know you really feel it, I
mean itWe cannot lose"♫

"Then what it is?"sabi niya. Umiiyak pa din ako. Pero bawat pagtulo ng mga luha ko,
pinupunasan niya ito.

"Mahal kita. Alam kong ikaw ang mahal ko pero alam din ng puso kong masasaktan lang
din ako."hindi ko inaasahan ang makikita ko. Umiiyak na din siya. Umiiyak si
Nathan.

"It may be hard to bring back the trust that you once gave to me but I'll do
everything."

"If only I could turn back time then I'll choose you not her."

"But you can't."


"That's why I'm asking for another chance Eliza."

♫"What do I have to do? (cause I'd do anything)To prove myself to you (and you mean
everything)I'm sorry girl for disappointing youI'm still in love, you know I'm
still in love with you"♫

"Nathan it's not that easy. You know it's never easy."

Kinuha niya ang isang kamay ko at inalagay sa dibdib niya sa may parte ng puso
niya. Rinig ko ang tibok ng puso niya.

"Do you remember what you've said to me before?"sabi niya. Nararamdaman ko pa rin
ang tibok ng puso niya."You told me that I should listen to my heart and to who's
keeping it beats fast. I'm doing it Eliza. I'm listening to my heart and do you
know what I'm hearing? I can hear my heart screaming your name."

♫"Now we can't go back (cause I'd do anything)I should have known that (and you
mean everything)I'm sorry girl. We need another chance(I'm still in love, you know
I'm still in love with you)"♫

Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hinalikan niya ito sabay hawak ulit sa
pisngi ko.

"Eliza please, please I need you. I want you and I love you. Please.. Give me
another chance."pagsusumamo niya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa pisngi ko at
hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sa mga mata niya.
♫"I'm feeling so afraid, can feelings go away?I tried to fly, but my feet never
left the ground"♫

"Ayokong bigyan ka pa ng pagkakataon. Ayokong umasang mahal mo talaga ako. Ayoko ng


umiyak balang araw dahil sa'yo."sabi ko sa kanya na dahilan para lalo siyang
umiyak. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang mga luha niya."Ayoko na pero
kahit anong gawin ko, gusto ka pa rin ng puso ko."

♫"I know everybody sees it, feels itWhen I look at youI know you really feel it, I
mean itWe cannot lose"♫

"E-Eliza so you.. Is it.. Eliza..."ngumiti ako sa kanya.

"It's a yes. Nathan I'm giving you another chance."tumulo na naman ang mga luha
niya and this time alam ko luha iyon ng kasiyahan. Alam ko dahil kahit ako umiiyak
na din.

♫"What do I have to do? (cause I'd do anything)To prove myself to you (and you mean
everything)I'm sorry girl for disappointing youI'm still in love, you know I'm
still in love with you"♫

Niyakap niya ako. Ang mukha niya ay nakabaon sa may balikat ko.

"Thank you Eliza. Thank you."


Tumingin ulit siya sa akin at hinalikan ako sa noo ko.

"This time it's for real. This time you and I will love each other without a
contract on it."

"Yes. And Nathan please try not to break my heart again or else-"hindi ko na
natapos pa ang sasabihin ko dahil niyakap na naman niya ako.

"Or else I will lose you and I don't want it to happen again."

♫"And now we can't go back (cause I'd do anything)I should have known that (and you
mean everything)I'm sorry girl. We need another chance(I'm still in love, you know
I'm still in love with you)"♫

"And I will punch you a lot. Not just me, but also them. I'll make sure of
that."napasmirk siya at pinisil ako sa ilong.

"If I break your heart, ako ang mismong magpapasuntok sa kanila."

♫"You know you're the oneYou know I was wrongYou know that I'd do anythingI'm still
in love with you"♫

"I love you Wifey."ngumiti ako.


Parang huminto ang lahat ng tao sa mga ginagawa nila. Pati ang puno parang
nakikinig. Ang IH7 naghihintay. Ang lahat naghihintay sa isasagot ko. Sa panahong
ito para sa akin, ang pagsabi ng I love you, dapat may kapalit. Dapat sinasagot.

"Mahal din kita, Hubby."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

WAAAAAAH! NUIZA IS REALLY BACK!

LOVE LOVE LOVE!

Akala niyo tapos na ang Feb-ibig pwes nagsisimula palang! Hahaha!

Ang bagal ko mag-update no? Sorry Guys! Sa bakasyon, tuloy-tuloy na ang pag-
aupdate!

Pabati Section:

Diana Jane Fernandez, Shiela Layang, Scarlette Mae Auguis, Jenalyn Campo,
Namickohikaru, Princess Arra Sayre, Jasline Isz KreizyChicc, Allyssa Marie Soriano,
Therese Celeste, Binabati ko nga din pala si Miel ni Princess Alyssa Co may message
sya for you: "Hello Miel! I will always love you! Infinity and beyond, to moon and
its back. Onelove! Punks not dead! \m/ #Happy&Hesher"
Thank you everyone! Loveyouall! :*

INFINITE

Ms. Kim

=================

[24] Happy but wait here comes the Ex.

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

Nathan:

I can't help myself but to smile like a fool.

No one can blame me. The girl that I wished for, hoped for, and chased for is my
girl now. She's mine now.

January 17. Wednesday. 9:43pm. She's mine. She already gave me the chance I'm
asking for.
I'm still holding her hand for like forever? I just can't let go of her hand after
she became my girlfriend. Actually, I can't let go of her.

"Nathan."I glared at her.

"What?"pagtataray niya.

"Wifey?"she calmed herself. I heard her breathe heavily. She knew what I wanted her
to understand.

"H-hubby."I giggled. That's what I wanna hear. "You are being childish. Hindi ako
sanay."

"Then you have to. After all, makakasama mo ko habang buhay."she smiled at me. I've
been waiting for this day to happen. Us sitting under this tree and just talking
about some random stuffs.

"H-Hubby, kanina pa tayong nakaupo lang dito. Wala ka bang balak kumain?"she asked.
I silently laughed. Medyo nahihiya pa din siyang tawagin ako in that endearment.

That's true. We've been sitting for almost two hours I think. We are just enjoying
the night. Staring at the stars that are claiming the night sky. Enjoying this
unexplainable feeling that we've been feeling.

"Wifey, I'm already full by just staring at you."nakita ko siyang yumuko. I can
sense she's blushing and that makes me smile wider.

"Stop it. It's not like bagay sa'yo ang pagiging sweet. Hahaha." I should be
irritated by what she said but it turns out that I am attracted. I can't help but
to stare while she's laughing. She's like an angel.

And that dress suites her. Even without makeup, she is still amazing for me.

"Okay we will eat. Wait for me here I'll just get our picnic basket that the IH7
prepared for us."I'm about to let go of her hand but I stopped.

"Bakit?"

"Sama ka na pala. Ayokong bitawan kamay mo."natulala siya sa sinabi ko but she
smiled at me.

"Too corny. Tara na kunin na natin."

--+

Jan:

"Ang mga fans ba ang nag-isip ng suprise na'to?"tanong ko sa kanya.

"My plan and with a help from IH7 and your friends."tumango ako."Why?"

"Kasi diba before, ang mga fans ang nag-isip ng suprise para sa fake monthsary
natin?"napahinto siya sa pagkain at tumingin sa akin. Pinisil niya ang kamay ko.
"I can't beg you to forget those things but things will be different from now
on."sabi niya. Tama siya. Hindi ko na dapat inuungkat ang mga nangyari dati.

"Let's keep those at the past forever and let's live in the present and plan for
our future."pinisil niya ulit ang kamay ko at hinalikan ito. Napangiti ako.

All of these are part of my dreams but look what's happening.

It's like I'm living my dreams in reality.

Pagkatapos naming kumain, magkahawak pa din ang kamay namin. Hindi ko alam pero
kahit nangangalay ako at nahihirapang gumalaw, gusto ko ang pakiramdam na hawak ko
ang kamay ng taong mahal ko.

"Nathan, ano nga pala yung binulong sa'yo ni Ren kanina?"tanong ko. Nacucurious pa
din kasi ako until now.

"Wifey I told you to call me hubby from now on."pagtatama niya sa akin.

"Okay okay, eto naman. Pwede na 'yun! Sagutin mo na!"

"Sabi niya tutulungan daw niya akong magplano for this if I agreed."natawa ako.
Naalala ko kasi naging reaksyon niya nun. Nagmadali siyang ilagay ang hand cuffs sa
kanya.
Tinignan ko ulit ang mga pictures na nakapalibot dito sa Infinite Garden.

"Hindi ko matandaan kung saan mo nahagilap ang mga iyan."tumingin siya sa mga
tinitignan ko. Pinagmasdan ko siya. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang mga
pictures namin.

"From IH7, fans, your friends, some pictures from our page and from me."nakangiti
niyang sambit.

"From you? Ano dyan?"nagtingin-tingin ako. Wala naman ata akong alam dyan na sa
tingin ko si Nathan ang nagpicture. Puro stolen 'to kaya ang hirap i-identify.

"That one and that, that and that and that."tinuro niya yung natutulog ako sa study
table, kumakain, naglalakad sa may hallway at isang tumatawa ako na sa akin lang
nakafocus ang camera at blurred ang mga katabi ko.

"Paano?"tanong ko. Ngumisi siya at nilapit ang mukha niya sa akin.

"Because of love?"

Nathan bakit kailangan mong maging sobrang sweet?

--+
"Can we sleep here? I don't want to be away from you."pagpupumilit ni Nathan.
Tumawag kasi si Mich at pinapabalik na kami sa school. Sabi daw kasi ni Mrs. Dizon
masyado na daw kaming nag-oovertime. Baka makahalata na yung iba na wala kami.
Ilang oras na kaming nandito? 4? 5 hours?

Madaling araw na pero etong kasama ko ayaw umuwi. Ano kami dito? Guard ng garden?
Grabe ah.

"Hubby, we need to go. Magkaiba lang tayo ng tent pero hindi ibig sabihin na hindi
na tayo magkikita. Hindi naman ako malalayo sa'yo. Pwede mo naman kaming puntahan
sa tent."ngumiti siya na sobrang pagkalapad-lapad. Mukhang mali ang opinyon ko. May
binabalak na ata.

Nahirapan kaming pumasok ng kotse. Paano ba naman ayaw pa niyang bitawan ang kamay
ko.

"No, even though its hard, I'll hold on no matter what."okay. Parang double
meaning.

Atlast nakasakay din kami ng kotse niya nang hindi nagbibitaw. Ewan ko kung anong
ginawa naming paraan basta ang alam ko nagdadrive na siya pabalik sa school.

Hanggang sa pagbaba namin ng kotse ganoon pa din, hindi pa din kami nagbibitaw.

"Hanggang ngayon magkahawak kamay pa din kayo?!"sabi ni Luke habang naglalakad


kami.
Aalisin ko na sana ang pagkakahawak ko sa kamay niya pero hinigpitan niya ang
pagkakahawak lalo sa kamay ko.

"Nakakahiya Nathan. You know that I don't like being PDA."nagpout siya. How can I
resist with such a damn good looking boyfriend like this? Tell me how?

"Wifey, you don't need to be shy as long as you are loyal with me and you can be
clingy with just me! Only me!"sabi niya. I giggled.

"I can be clingy with Zac, Marco, Ren, and the rest of IH7 and to--"hindi ko na
natapos pa ang sasabihin ko dahil bigla siyang sumigaw.

And through that gugustuhin kong kainin na lang ako ng lupa.

"HEY ALL OF YOU! THIS GIRL IS MINE, OKAY? FIND YOURS CAUSE I DON'T SHARE. AND YES I
WILL NEVER LET YOU TO SHARE WITH ME."

Juskopo. Ano ba naman si Nathan. Kasasabi ko lang na ayokong PDA, sinisimulan na


niya.

"Pare! Hahaha! Nakakatawa ka! Napakagago ay."sabi ni Luke.

"May nalalaman pang ganun! Pre ang IH7 mga gwapo hindi mga gago at mas lalong hindi
corny!"sabi naman ni Zac.

Lumapit naman sa akin si Yhanna at Mich.

"Sissy! The feeling is sooooo mutual!"sabay tusok sa tagiliran ko. Halatang


kinikilig.

"Dalagang-dalaga ka na talaga!"akala mo makapagsalita itong si Mich. Eh mas nauna


pa siyang magdalaga. Yakap pa Mich! Yakap pa!

"Ano ba iyaaaan! Kahit naman hindi mo ipagsigawan Nate alam na namin. Hahaha!"sabi
ni Charles.

"I just want all of you to not forget it."malokong sabi nito.

"Hindi na namin makakalimutan 'yun. Hahaha! Tuwing maaalala namin ang kacornyhan
mo, instant na naming maiisip yang sinabi mo!"sabi ni Ren. Nag-apiran naman sila ni
Marco at Charles.

"Nasan si Jin?"tanong ko. Napansin ko kasing may kulang sa IH7 at ang kapatid ko
pala ang wala dito.

"Nako, natutulog na siguro or katext na naman yung babaeng nangungulit sa kanya


from other university."sabi ni Marco. Aba, looks like my brother has a suitor.
"Goodnight na! Hoy kayong dalawa matulog na! Antok na antok na kami!"sabi ni Zac na
naghikab pa.

Iniwan na muna nila kami sa may malapit sa tent ko. Huminto kami at tumingin sa
isa't isa.

"Goodnight na. Inaantok na din ako eh."sabi ko kay Nathan. Ngayon ko nararamdaman
ang pagod nang maghapon kong paggawa ng kung anu-ano.

Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko.

"Nathan..."he mouthed the word please and I glared. I know what he is begging
about."Absolutely not Nathan. Absolutely not."

He wants to sleep in my tent.

"Okay, I know. Goodnight Wifey."niyakap niya ako.

"Goodnight Hubby."

Nakayakap pa rin ang kaliwang braso niya sa akin samantalang magkahawak kamay pa
din kami.

"God knows how much I am really thankful and he knew how much I love you."napangiti
ako kahit hindi naman niya nakikita.
"I love you too. Always know that but now let's sleep."ngumisi siya at kiniss ako
sa cheeks aba mga moves ni Nathan ah.

Kiniss niya ang dalawang kamay ko at parang baliw na kinakausap ang mga ito.

"Tomorrow I'll hold on again."kiniss niya ulit ito sabay kiss ulit sa forehead ko
then tumingin sa mga mata ko. Ang gwapo ng boyfriend ko.

"Can I kiss you?" Natatawa akong ewan. Ngayon pa talaga siya nagpaalam kung kelan
ilang beses na niya akong hinalikan. Mula kanina ninanakawan na niya ako ng halik.

Pero alam ko kung anong tinutukoy niya. Siguro ayaw niyang mangyari ulit kung anong
nangyari dati.

Umiling ako.

Napayuko siya at napahawak sa batok. Disappointed dahil hindi ako pumayag.

"Goodnight Wifey."inalis na niya ang pagkakahawak niya sa akin. Ang tamlay naman
niya. Ang drama-drama.

Hinila ko siya sa may kwelyuhan at nagulat siya sa ginawa ko. Nagulat din naman ako
sa ginawa ko pero hindi ko ito pinagsisisihan. Mas magsisisi ako kung palalagpasin
ko pa ang oras na'to.
Lumapat ang labi ko sa labi niya. Ang kaninang kamay ko na nakahawak sa may
kwelyuhan niya ay ngayong nakayakap sa leeg niya at siya naman ay nakayakap sa
likod ko.

It's a true magical sweet kiss. It's not wild kiss like others and it's not a kiss
because of lust. It's a kiss full of love.

Everything is worth it.

Pagbitaw namin sa isa't isa, pareho kaming nakangiti.

"I love you Wifey."sabi niya habang hawak niya ang pisngi ko at diretsong
nakatingin sa mga mata ko.

"I love you Hubby."nagulat ako dahil ninakawan na niya ako ng halik sa labi. Aba!
Nakadalawa ang loko!

"These lips are only mine."ngumiti ako.

Ano ba 'yan sabi ko inaantok na ko eh. Paano ako makakatulog kung ganyan siya ka-
sweet.

"Sige na goodnight na. Kanina pa ha. Bilis alis na!"


Bago siya umalis, hinatid niya muna ako sa pinakatent at pinapasok doon. Gusto daw
niya sure na sure siya na safe ako.

Nadatnan kong natutulog na si Ella. Dahil natutulog na din naman si Ella, pinatay
ko muna ang ilaw namin dito sa loob para makapagpalit ako ng damit.

After magpalit, hindi ko na binuksan ang ilaw at natulog na ko.

--+

Nagmulat ako ng mga mata.

Bakit may kayakap ako? Si Ella ba ito? Kapag nakita niyang magkayakap kami
mandidiri iyon. Knowing her, she hates me.

Pero hindi ito si Ella. Amoy lalaki at hindi naman nakablue shirt si Ella.

Tumingala ako para makita ko ang itsura ng kayakap ko.

"NATHAN?!"napakalakas ako sa pagkakayakap namin at umupo sa may dulo ng tent at


ipinalupot ko sa katawan ko ang kumot.

Nagkusot siya ng mata niya at naghikab.

"Goodmorning Wifey."sabi niya with a husky tone.


"B-Bakit n-nandito ka? N-Nasaan si E-Ella?"

"I want to sleep here."humiga ulit siya at pumikit. Hinila ko siya at inalog-alog.

"Gumising ka nga! Hindi ka dito! Baka kung anong isipin nila kapag nakita ka nila
dito!"sabi ko sa kanya.

"They already saw me Wifey."sabi niya habang nakapikit pa din. Nanlaki ang mata ko.
Anong nakita? Nakita na siya?

"Nathan!"inalog-alog ko ulit siya."Umayos ka nga! Anong oras ka ba pumunta dito?"

Hinila niya ako kaya na-out of balance ako at napahiga. Yumakap siya sa may tiyan
ko.

"Don't mind them. Let's mind us, Wifey." Namula ako. Swear, ang init ng mukha ko.

--+

"Buti naman at gumising pa kayo!"sabi ni Ren habang nagliligpit ng pinagkainan


nila.

Quarter to 1 na kami nakalabas ng tent. Ang himbing ng tulog ni Nathan at hindi


naman ako makaalis dahil nga nakayakap sa akin.

"Ate! Isinuko mo na ba agad?"sabi ni Jin at yumakap sa akin.


"Ha?"naguguluhan kong tanong.

"Sabi kasi nina Zac baka daw nagkasukuan na daw kayo ng perlas ng
silanganan."nanlaki ang mata ko at namula. Nagtawanan sila Zac pati sina Yhanna.
Kami na lang ang nandito sa may wood table. Ang IH7 at sina Mich.

"Damn Zac. Wifey let's eat."hinila ako ni Nathan at kumain na kami.

--+

Nauna na sina Luke sa booth namin. Si Nathan naman nagpaalam na maliligo lang daw.
Bumalik ako sa tent ko at habang papunta ako sa tent, nakita ko si VanVan.

"VanVan!"napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Nagwave siya at


patakbong lumapit sa akin.

"JanJan! Tagal nating di nakapag-usap! Sa ibang booth kasi ako nasama eh!"sabi
nito.

"Oh ano madami kasing babae no?"lumapad naman ang ngiti niya. Playboy talaga.

"Congrats nga pala! Iba kana! Nagboboyfriend kana!"panunukso niya. Ngumiti na lang
ako."Sige, mauna na ko. Pinapatawag kasi ako sa booth."
--+

Nandito kami ngayon sa booth. Actually parang hindi na siya destiny booth paano ba
naman, ang daming pumunta dito at nagpapapicture sa amin ni Nathan. Yung iba naman
kino-congrats kami.

Eto namang si Nathan ang tahimik lang. Kain lang ng kain ng cake na ginawa ko.

"Yesssss! Official na kayo!"sabi nung isang babae. Ngumiti na lang ako. Kinalabit
ko si Nathan ng patago pero hindi talaga ako pinapansin ng loko.

"Nate ang cute cute niyo!"hindi rin siya pinansin ni Nathan. Snob talaga!

"Nate mahal mo?"sabi nung isang babae. Hindi siya pinansin nito.

"No, he doesn't love me."sabi ko. Hindi kasi sumasagot eh.

"Wifey you're lying. You know how much I love you."at kumain na naman siya.
Naghiyawan naman ang mga babae at sobrang mga kinikilig.
"Sofia?!"napahinto kami sa pag-uusap. Ramdam kong napahinto din si Nathan sa pag-
kain.

Tumingin ako sa babaeng pumasok sa loob ng booth.

Si Kiejan ang tumawag na iyon.

Isang babaeng nakakulay yellow na dress at napakagandang babae. Nakatingin siya sa


amin, no, nakatingin siya sa lalaking katabi ko.

Siya nga. Siya nga ang babaeng hindi ko inakalang makikita ko pa.

Nagsisimula na ba?

Nagsisimula na naman ba ang problema sa akin, kay Sofia at kay Nathan?

Bakit bumalik siya?

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Hala bumalik si Sofia! Si Sofia nagbabalik! Ano na ang mangyayari? Ang


sweeeeeeeeeeet ni Nate!

Readers/Friends, kung magpapabati po kayo, sa group niyo na lang po imessage para


makita ko hahaha! Minsa kasi nalilimutan ko ang mga nagpapabati :D

BELATED HAPPY BIRTHDAY KAY KIM MYUNGSOO! I LOVE YOU TO THE MOON AND BACK :) <3

Pabati:

Eduard Paulo Libed, Vencent Cañete, Liezl Corpin, at Allainess Hikari Misaki :)

INFINITE

Ms. Kim

=================

[25] Assurance

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jan:

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at nagpaikot-ikot sa may mini resto ng Booth at


umupo ulit.
"Jan, umupo ka na nga lang. Nahihilo na kami sa'yo!"sabi ni Ren habang sineserve
yung cake sa another couple na naaresto.

"Hindi ka mapakali. Mag-uusap lang sila Jan."sabi naman ni Luke. Inub-ob ko na lang
ang ulo ko sa mesa.

Siguro nga mag-uusap lang sila pero hindi ko pa rin matanggal sa isipan ko na ang
kausap niyang iyon ay ang dahilan kung bakit nawala si Nathan dati at makakalimutan
ko bang si Sofia ang minahal niyang babae na kahit ano kaya niyang gawin para doon?

Bakit ba kasi inaya pa niya si Nathan makipag-usap sa kanya?

***Flashback:

"Nate."mahinang sambit niya nang makalapit siya sa amin. Parang hindi nga niya
ramdam ang presensya ko dahil kay Nathan lang siya nakaharap.

Si Nathan naman nakatingin lang sa kinakain niya kaninang cake.

"Why are you here?"malamig na sabi ni Nathan.

"C-Can we talk?"
"Aren't we talking already?"walang ekspresiyon pa din na tanong nito pero ngayon
nakatingin na siya kay Sofia.

Pinananatili ang poker face.

"I-I mean privately. Just the two of us please."pagsusumamo nito. Napataas ang
kilay ko. Pwede naman dito! Bakit kailangan pang silang dalawa lang?

Matagal silang nagtitigan and I swear gusto ko ng dukutin ang mga mata nila.

Umiwas na nang tingin si Nathan at ngayong nakatingin na sa akin.

"Wifey, I'll just talk to her I'll be back soon."sabi niya with a calm voice at
kiniss ako sa forehead.

***

Nako naman! Bakit kasi hindi ko na lang sila pinigilan mag-usap. Edi sana hindi ako
kinakabahan ngayon.

Nagpaalam ako kina Luke na magpapahangin lang.


"May hangin naman dito eh. Gusto mo tapat pa namin sa'yo yung aircon."sabi ni Ren.
Inirapan ko lang siya habang tinatanggal yung apron ko.

"Dito ka na lang baka kung anong gawin mo. Baka tumalon ka sa building."sabi naman
ni Luke. Oh please.. Mahal ko pa buhay ko.

Saan kaya sila nag-uusap? Gym? Canteen? Or worst baka lumabas pa sila ng campus at
pumunta sa talaga private na sila lang dalawa. Oh God.

Napailing ako nang marahan para mawala ang kung anu-anong tumatakbo sa isip ko.

Nang maglakad-lakad ako at makaalis sa building namin, nahagilap ko ang dalawang


tao na nag-uusap nang seryoso sa coffee booth ng mga Business Ad. Students.

Nagtago ako sa may poste. Baka makita nila ako at isipin nila sinusundan ko sila.

At kung nananadya nga naman ang panahon, may epal na nilalang ang tumawag sa
pangalan ko.

"JanJan!"sigaw niya kaya nahablot ko siya sa dulo ng damit niya at hinila kung
saan.

"B-Bakit ba? Huy yung damit ko mapupunit na!"wala akong pakialam sa pagsigaw niya
basta hila-hila ko pa din dulo ng tshirt niya at dinadala siya sa kung saan malayo
doon sa kinaroroonan nina Nathan.
Huminto kami sa may tapat ng room na walang tao.

"VanVan naman! Bakit mo ko tinawag?Ang ingay-ingay mo naman!"naiiritang sabi ko


habang siya hindi ako pinansin at hinahawakan lang niya yung shirt niya na sobrang
lukot na sa dulo at talagang hahabulin na ng plantsa ang damit niya.

"Baka narinig nila!"sumulyap-sulyap pa ko sa paligid at tiningnan kung nandyan sina


Nathan at nasundan kami pero wala.

"Sino ba?"

"Sina Nathan at Sofia."

"Tsk tsk. May ibang babae na agad siya?"humarap ako sa kanya at binigyan siya ng
matalim na tingin.

"EX-girlfriend."pagbigay-diin ko sa Ex para maintindihan niyang mabuti. Nagchuckle


lang naman siya.

Umupo ako doon sa may pader sa gilid ng pintuan ng room. Tumabi na din naman siya
sa akin.

"Okay ka lang?"tanong niya sa akin.


"Oo naman! Ex niya yun no! Wala na at alam kong mag-uusap lang sila."sabi ko sa
hindi naging kalmadong boses. Pinisil naman niya ang ilong ko.

"You sound like you are a wife and you wanted to kill your husband's
mistress."inirapan ko lang siya. Kung anu-ano pinagsasabi.

"Sino ba si Sofia? At parang hindi ka mapakali?"

"Ex nga niya."

"What I mean is sino ba siya sa buhay ni Nate ngayon?"sino na nga ba si Sofia sa


buhay ni Nathan? Ano na nga bang tingin niya kay Sofia? Simula nang bumalik si
Nathan never na naming napag-usapan si Sofia. Hindi na namin napag-usapan.

"Ewan ko. Seriously, hindi ko alam."napayakap na lang ako sa tuhod ko. Ano bang
nangyayari sa akin? Nag-uusap lang sila Jan. Usap lang.
"Confirmed."napatingin ako kay VanVan. Naguguluhan ako sa sinasabi niya. Confirmed
saan? Ha?

"Ano bang sinasabi mo dyan? Hindi kita maintindihan."sabi ko sa kanya. Napakamot


siya ng ulo niya na halatang naiirita sa akin at binigyan niya pa ako ng
'napakaslow poke mo naman JanJan!' look. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Confirmed ka nagseselos ka."mas lalo kong itinaas ang kilay ko at naiirita ako sa
sinasabi niya. Pero ang loko ngiting-ngiti pa.

"What the hell? Of course not!"napatayo pa ako. Ewan parang gumalaw na lahat ng
internal organs ko sa sinabi niya. Bwiset 'tong lalaking eto.

"Hey everyone! Someone's jealous here!"sinabunutan ko siya. Buti na lang bakante


ang lugar na ito. Walang masyadong dumadaan dahil dulo ito ng building ng Business
Ad.

"H-Hey! My amazing beautiful hair!"pagprotesta ne'to. Nakakainis! Kung kelan naman


wala ako sa mood doon pa nantitrip 'to.
Pinaupo niya ulit ako para kumalma daw ako sa sinabi niya. Ang OA ko daw kasi.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na inaayos niya ang nagulo niyang buhok. Kasi naman
siya din ang may kasalanan.

"Kaya ayoko ng commitment eh."suhestiyon nito."Puro drama. Ang daming limits. Ang
daming arte. Yung buhay mo parang nagiging pansit. Napakadaming dapat na putahe.
May putahe ng pagseselos, panlalambing, paghahanga, pagmamahal at kung anu-ano pa
na dapat sa isang tao lang."

Binatukan ko nga. Kahit kelan talaga 'to. Ayaw magseryoso.

"Baka magulat ka na lang isang araw nagmamahal ka na talaga."sabi ko na lang


sakanya. Binigyan niya lang ako nang isang makahulugang ngiti.

Tatanungin ko sana siya pero may nahagilap ang mata na nakapagpahinto sa akin.

Kiejan.
Huminto siya sa paglalakad nang mapansin niya din ako.

Ngumiti ako pero binigyan niya lang ako nang isang mapait na ngiti at tumalikod na
ito.

Gusto ko siyang habulin at humingi nang tawad pero alam kong hindi sapat iyon.
Hindi sapat sa nga nagawa ko sa kanya.

"Heeeeeeeeey! JanJan tabachoy!"bumalik ako sa wisyo dahil sa mga pinagggawa ni Van.


Ang kulit lang ng lahi ne'to!

"Tara nga't kumain. Nagugutom na ko lintek na problemang pag-ibig na 'yan ginugutom


ako."sabi nito at tumayo na. Inalalayan naman niya akong tumayo at inaya ako sa
booth nina Zac.

"Luto ni Tandang Zac?!"bulalas ni VanVan nang makita nito ang pangalan ng booth na
nasa harap namin.

Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Ilan taon na ba si Zac? 21? 22?

Kung makamatanda sila, akala mo 40 na.


"Jan?"bumaling ang atensyon ko kay Marco na nagseserve ng pagkain sa customer nila
na nasa table sa labas ng booth. Lumapit sa akin ito at tinanong kung anong
ginagawa ko doon.

"Kakain sana kami ni Van."nanlaki ang mata niya sabay tingin kay Van na busy sa
pagtingin-tingin ng pagkain sa loob ng booth. Nawala bigla sa tabi ko. Nako,
malamang hindi pagkain tinitignan sa loob ng lalakeng 'yun, malamang babae.

"Hala Jan. Ano ba 'yan. Booth pa namin ang napili mong lugar para magtaksil-
Aray!"binatukan siya ni Zac na kadarating lang mula sa loob ng booth?

"Kung anu-ano pinagsasabi mo. Ang daming customer oh! Hala double time!
Dali!"tinulak-tulak niya si Marco papunta sa loob. Ang kulit talaga nila.

"Jan pumasok ka na din. Mukhang nagugutom na talaga yung kasama mo sa loob. Kanina
pa nakatingin sa menu."napangiwi na lang ako.

"Zac bakit ganoon pangalan ng booth niyo?"at ngumuso pa ako doon sa karatula.

Napabusangot naman siya at tumingin sa akin nang may hindi mawaring


ekspresyon."Wala na napagawa na nila kahapon lang kaya ayan, wala na akong magawa
mga gagong 'yan. Pasimuno si Marcong lintek."

Natawa na lang ako at tuluyan na kaming pumasok sa loob. Puro pagkaing pinoy at ang
iba'y mga pagkaing nung sinaluma pa. Bagay na bagay sa pangalan ng booth.
Nakita kong nakaupo na si Van sa isang table na swear, hindi ko alam kung mauubos
pa namin ang mga pagkaing nakahain.

"Hoy! Mauubos ba natin 'yan?"tanong ko sa kanya nang umalis na si Zac at naiwan na


lang kaming dalawa. Parang hindi naman niya ako narinig dahil sa kain lang siya ng
kain.

"Aray ko! Ano ba 'yun? Istorbo sa pagkain ah!"sabi nito pero hindi man lang
tumitingin sa akin at tinutuloy pang ang pagkain niya kahit hinampas ko pa siya.

"Mauubos ba natin 'to?"pag-uulit ko. Tumango-tango lang siya.

Umorder ba naman ng kare-kare,sinigang, menudo, sisig, nilaga, fried chicken, at


adobo.

Konti lang ang nakain ko dahil kung sino man ang nasa kinalalagyan ko ay mabubusog
na kapag nakita itong kasama ko na sobrang takaw na para bang ikaw ang hadlang para
makain niya lahat.

"Ahhhh! Busog na busog ako!"sabi nia habang naglalakad kami dito sa may building ng
mga Engineering students.

"Sino ba naman hindi mabubusog kung maubos mo lahat 'yun? Helloooo! Sobrang dami ng
kinain mo kaya! Sana inisip mo man lang yung mga kasama mo sa booth ninyo. Baka
hindi pa kumakain ang mga 'yun."ngumiti lang siya ng pagkalapad-lapad.
Dalawa kasi ang destiny booth namin at si Van ay hindi namin kagrupo.

"Wifey!"napatingin ako sa tumawag sa akin. Kailangan pa bang alamin kung sinong


tumawag?

Pero hindi ko inakalang kasama pa rin niya si Sofia. Aish! Ba't kasama pa din niya
ang babaeng iyan?

"Hi Jan!"tumango lang ako bilang pagtugon sa akin ni Sofia.

"Si Van nga pala."pagpapakilala ko.

"Hi there beautiful lady."kinuha ni Van ang kamay ni Sofia at hinalikan ito. Talaga
nga naman ang lalaking ito. Hindi nagpapapigil.

"Let's go Wifey. Bro, can I?"tumango lang ito kay Nathan. Kinuha ni Nathan ang
kamay ko at nagpaalam na kami sa kanila.

"Jan, sorry for the things I did. I regret all of that. I'm sorry."nakikita ko
naman mula sa mga mata niya kung gaano siya ka-sincere sa mga sinasabi niya.
Humigot ako ng malalim na hininga.

Binitawan ko ang kamay ni Nathan at hinawakan ko ang dalawang kamay ni Sofia at


ngumiti sa kanya.
"It's okay. Let's forget about it."natulala siyang bigla sa akin pero ngumiti din
siya sa akin.

"A-Are you serious? P-Pinapatawad mo na agad ako?"hindi makapaniwalang tanong nito.

"Hindi ako marunong magmahal kung hindi ako marunong magpatawad."nagulat ako sa
biglaang pagyakap niya. Ginantihan ko din naman ito ng yakap.

"Nate 'wag mong pakakawalan ang babaeng ito. She deserved to be loved and be
loved."

--+

"Hubby anong pinag-usapan niyo?"tanong ko habang pabalik na kami sa booth.

"Nagsorry siya sa akin."matipid na sabi nito pero hindi ako kumbinsido sa sagot
niya.

"Ano pa?"
"Gusto daw niyang maging friends ulit kami at nagkwento siya na may boyfriend na
daw siya ngayon sa new university niya and her boyfriendwas the one who asked her
to say sorry to us."tumango ako. Mukhang nakahanap na siya ng lalaking tanggap siya
at dahilan para magbago siya. Tinulungan siya nitong maging isang mabuting tao and
I'm glad that she bacame better.

"I think you are convinced."sabi nito. Nagpout ako. Pinisil naman niya ang pisngi
ko."You are too damn cute when you are jealous."

"I'm not jealous!"

"Yes you are wifey."

"No I'm not!"

"Yes?"
"No!"

"Okay okay. If not then not. And I assure you wifey, there's no need to be jealous.
I love you and I will and will always."

--+

"Wifey?"

"Hmmm."nagluluto ako ng kakain namin ng IH7 at nina Yhanna at Mich for dinner.
Nandito kami sa L room. By Group kasi ang pagkain ngayon at kami ang mamimili ng
group so syempre sino pa ba ang magkakagrupo?

Buti na nga lang at may mga gamit kami dito sa L room na para sa pagluluto at yung
iba naman hiniram nina Jin sa mga Culinary Students.

Yung mga ingredients naman, namili na pala sina Marco kaninang umaga. Hindi ko alam
paano ba naman tanghali na kami nagising ni Nathan.
Naramdaman ko ang mga kamay ni Nathan na nakayakap sa akin. Nakayakap siya mula sa
likod ko. Nakabaon pa sa may leeg ko ang ulo niya.

"H-Hubby, mabaho ako. Ano ka ba puro pawis na ko at usok mula sa niluluto ko."sabi
ko sa kanya habang hinahalo ang ulam namin pero wala ata siyang narinig. Mas lalo
pa niyang binaon ang ulo niya sa may leeg ko at nararamdaman kong inaamoy niya ako.
Napangiwi naman ako.

"Hubby! Nakikiliti ako!"pero sadyang pinagtitripan niya ako at mas lalo pa niyang
binaon dahilan para mapangiwi na naman ako.

"Hubby!"napahinto ako sa paghalo ng niluluto ko. Baka matapon pa sa amin yung


niluluto ko kapag hinalo ko pa lalo na nangungulit itong kasama ko.

Niyakap niya akong mahigpit.

"Hubby wag sabi. Ang baho ko na!"

"I don't care. Kahit ikaw pa ang pinakamabaho, hindi ako magsasawang amuyin ka.
Your smell makes me want to be yours forever. It makes me crazy."napangiti ako.
Nanlalambing 'to. Kinurot ko ang ilong niya. Kinuha naman niya ang kamay ko at
iniyakap sa kanya. Magkayakap na kami.

"I miss you."bulong niya sa tenga ko. Nakakakiliti but at the same time ang sarap
pakinggan.
"Huh? Namiss mo ko?"tumingin siya sa akin at tumango.

"Ilang oras kitang hindi nakita at nakausap."sabi niya habang nakapout pa. Oh-em.
Those lips. Napakagat-labi ako.

"Wifey don't do that. It's tempting."pagtutukoy niya sa kagat kong labi. Nginitian
ko siya at tinigil na ang pagkagat sa labi ko.

Pero nagulat ako nang halikan niya ako.

Hinampas ko siya."Hindi ko na kin--"hinalikan niya ulit ako.

"Hub--"at hinalikan na naman.

Tinakpan ko na ang bibig ko nang tangkain na naman niyang halikan ako. Nakakarami
na siya ah! I'm not biting my lips!

"Wifey!"umiling ako at tinatakpan pa rin ang bibig ko. No no no!"Okay, hindi na.
Magluto ka na."

Saglit ko siyang binigyan ng matalim na tingin pero nakangiti lang siya. Tinanggal
ko na ang kamay ko sa bibig ko at kukuhanin na sana ang sandok pero nagulat ako ng
mabilis niya akong hinalikan. Naisahan niya ako!
Tumakbo siya nang mabilis sabay sabing,"I love you Wifey! Busog na ko!"

Such a playful boyfriend he is right now. But I love it. I love him no matter how
moody he is.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Sila na sweeeeeeeet! HAHAHAHA. Sorry late ang update ha? :) Sorry Sorry! Love niyo
pa din ba ako? HAHAHAHA! Kung oo, eto kiss oh! :** KADIRI SI AUTHOR. Pwe!

Next update? Hindi ko pa din alam. HAHAHAHA.

BTW, CONGRATUALIONS SA MGA FRESH GRADUATES OF SCHOOL YEAR 2013-2014! (Sa April pa
ko gagraduate -___-HAHAHAHA)

Pabati Section:

Donna Grace Aguirre Teodoso, Phamela Vizta, Angelica Alfonso, Vanessa Mae Gallego,
Charmaine Caranto Pastrana, Anne Dela Cruz, Christel Uy, Cathyrine Navarro, Sherlyn
Qian, Kathleen Ann Ramos(Her babies: Calix and Cassidy Reyes and ofcourse her
husband, Mark Reyes), Allainess Hikari Misaki, Cherry Joy Malabanan(Pabati din daw
sa fresh graduate na si Jade Veranda! Congraaaats!) and MICAELA CUENCO (HI MICAELA!
HAHAHAHA. I LOVE YOU DAW SABI NI NATE! AROOOOY KILEG! :""""">)

INFINITE

Ms. Kim
=================

[26] Our First Month.

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jan:

NAKAKAKAINIS.

'Yan lang ang masasabi ko sa chapter na ito. Bwiset! Nakakainis talaga!

Hinampas-hampas ko ang unan na binili namin dati. Yung Deathnote.

"Nakakainis yung nagbigay sa'yo! Swear sasakalin ko siya!"hinampas-hampas ko ulit


iyon pero napahinto ako."Joke lang pala! Kukurutin ko na lang pala. Baka kung anong
mangyari kapag sinakal ko."

"Sissy nababaliw kana no?"sabi ni Yhanna habang nag-aayos ng sarili sa mirror table
niya. May lakad ata sila ni Kuya.
Pumunta kasi ako dito sa kwarto nilang dalawa ni Mich. Yes, magkasama na silang
dalawa sa iisang kwarto. Ewan ko sa dalawang eto, ayaw atang maghiwalay.

Pumunta ako dahil sa sobrang bored at sobrang inis.

Sino ba naman hindi maiinis. FEBRUARY 17 ngayon. FEBRUARY 17! At dapat may date
kami na siya pa ang nag-aya pero ano? Kaninang umaga nakatanggap ako ng text sa
kanya saying that our date will be cancelled.

Ang date na 'yun ay date dapat namin for Valentines at Monthsary namin pero wala
hindi natuloy. Dahilan niya? May gagawin daw kasi siya. At ano? Hindi man lang ako
binati man lang! Wala man lang greet! Kahit nung Valentines hindi rin ako binati!

Ganoon ba kahalaga 'yung bwiset na gagawin niya kesa sa akin? Tell me!

And to tell him, that's our first real month and our first valentines as a couple!

Ipagpapalit lang niya sa gagawin niyang iyon?

"Jan ayos ka pa ba? Buti matibay 'yang unan mo kung hindi, kanina pa nagpunit-punit
iyan."natatawang sabi ni Mich. Hindi ko sila pinansin hinampas ko pa din yung unan
ko. Iniisip na si Nathan iyon. 'Wag lang siyang magpapakita sa akin! I swear, baka
mag-explode ako sa harap niya!

"Mga hija, nandito si Poging N."kung nang-iinis nga naman ang buhay ko. Sinabing
'wag magpakita eh!

"Talaga po? Girls mauuna na ko! Jan hintayin mo na lang ang explanation niya. Malay
mo valid."nagtataka ako. Akala ko ba susunduin siya ni Marco?

"Mich aalis ka na? Hindi mo na hihintayin si Marco?"tanong ko.

"Hindi ka ba nakikinig? Nandyan na daw si Poging M!"huh? Poging M? Diba Poging N


daw?

Lumapit saglit sa akin si Mich at tinapik ako sa likod ko.

"Masyado kasing iniisip."inirapan ko siya at humiga na lang sa kama niya. Bakit ko


naman siya iisipin. Kung siya busy dapat ako din!

"Darating din si Poging N Sissy!"natatawang sabi ni Yhanna nang maalis na si Mich.

Hindi kasi makabisado ni Manang yung mga pangalan ng mga lalaking pumupunta dito
kaya Initials na lang nila ang sinabi ng mga loko. Sino pa ba ang pasimula ng
kalokohan na ito? Syempre si Zac! Hindi lang Initials ang pinaalala nila kay
Manang! Dapat daw may Pogi pa kapag tinatawag. Eh si Kuya Jop nainggit kaya dapat
daw ang tawag sa kanya ni Manang ay Gwapong J! Kung si Jin daw Poging J siya naman
daw Gwapong J! Pssssh.

Mga loko-loko talaga!

"Sissy tulaley ka na naman. Mauna na ko ha? Nandyan na si Gwapong J!"nagtalukbong


na lang ako ng kumot na tinawanan pa ni Yhanna. Kailangan ba ipamukha pa sa akin na
sila may date ako wala? Sige goodluck sa kanila. Matutulog na lang ako.

Arghhhhhhhhh! Napabalikwas ako ng upo dahil sa panaginip ko. Pati ba naman sa


pagtulog ko, nandoon din siya? Pati yung naudlot naming date nandoon?

That's a worst nightmare.

Makapagbihis nga muna. Aalis na lang ako nang malibang ako sa araw na ito. 2:12 pm
pa lang naman. Pwede pa kong mamasyal kung saan.

"Oh Hija, saan ka pupunta? May lakad din ba kayo ni Poging Nathan ba 'yun o Nate?
Iba kasi yung tawag mo sa tawag nila eh."natatawang sabi ni Manang.

"Manang naman eh! Pati ba naman kayo siya din ang nababanggit?"nakabusangot na sabi
ko.

"Sorry, anak. Nagugutom ka ba?"pag-iiba ng topic ni Manang.


"Opo!"ipaghahain na sana ako ni Manang nang may kumatok. Binuksan muna ito ni
Manang bago ako ipaghain kaya dahil wala akong magawa, nagsight-seeing muna ako sa
ref.

Uy may bago kaming chocolate! Bigay siguro eto ni Kuya Jop kay Yhanna. Ang hilig
niya kasing bigyan si Yhanna ng mga sweets at flowers eh.

Kumuha ako ng isang bar ng chocolate bilang dessert ko mamaya kapag kumain na ako.
Muntik ko ng mahulog ang hawak kong chocolate nang biglang may yumakap mula sa
likod. Mabilis akong bumitaw sa yakap niya. Ugh! Bakit nandito siya?

"Wifey, I miss you."pilit siyang yumayakap sa akin pero inaalis ko ang kamay niya.
Di niya ako madadaan sa mga ganyan niya!

Kinuha ko ang bag ko sa sofa at pinuntahan ulit si Manang na nasa kusina at


pinaghahain ako ng pagkain. Sayang naman paborito ko pa naman ang ulam.

"Manang aalis na po ako. Kakain na lang po ako sa labas. Kayo na lang po kumain."

"Sigurado ka ba?"tanong nito.

"Opo! Bye Manang!"bubuksan ko na sana ang gate nang iharang niya ang kamay niya sa
may gate para hindi ko mabuksan.

"Nathan aalis ako."pilit kong binubuksan kahit alam kong wala naman silbi iyon
dahil malakas siya.

"Wifey where are you going?"tanong niya. For sure naka-death glare na siya sa akin.

"May pupuntahan lang ako."sabi ko.

"With?"tanong ulit nito.

"With..."kanino ba?"With Van! Oo! Pupunta ako kina VanVan mamamasyal lang kami."

"Who? Van? I saw him earlier in the mall with girls."at pumunta pala siyang mall!
Huh! Iyan pala ang ginawa niya ah! Bahala na talaga siya!

"Tumawag siya kanina sa akin at sabi niya kakain daw kami sa labas. Hindi ba
pwedeng kanina lang niya kasama yung mga babaeng iyon at ako na ang kasama niya
mamaya?"naiinis na sabi ko sa kanya.

Narinig ko siyang humugot ng malalim na hininga.

"Are you mad?"tanong niya sa akin. Isn't it obvious? Gosh!

"No I'm not."sabi ko.


"Wifey."

"Nathan!"

"Are you mad?"hindi ako sumagot at hindi ako tumitingin sa kanya."Wifey answer me."

"Bakit naman ako magagalit? Dahil hindi mo ko binati nung Valentines? Dahil hindi
natuloy ang date natin? Dahil hindi mo man lang ako nabati ngayon? Dahil ilang oras
kang hindi nagtext sa akin at nagpakita? Bakit naman ako magagalit sa mga ginawa
mo? Bakit di ba?!"hindi ko na napigilan ang bunganga ko sa pagsasalita. Sabi ko na
nga ba at mag-eexplode ako kapag nakita ko siya eh.

Nakakuha ako ng chance na mabuksan ang gate dahil nawala ang kamay niya doon.
Lumabas ako at naglakad.

"Nathan ano ba! Bitawan mo nga ako!"hinawakan niya ako sa kamay at hinila sa kotse
niya. Nagpupumiglas ako sa kanya pero huli na dahil naisakay na niya ako.

Buong byahe ay hindi ako nagsasalita. Nakakainis siya! Kung saan man kami pupunta
wala na kong pakielam. Wala na rin ako sa mood.

Hininto niya ang sasakyan niya. Akala ko nasa lugar na kami na pupuntahan namin
pero hindi nasa gilid lang kami ng daan.
"Wifey I can't take this anymore."hindi pa rin ako nagsasalita. Nakatingin lang ako
sa bintana.

"Wifey."wala akong naririnig. Hindi ko siya naririnig.

"Eliza."hala tinawag na niya ako sa pangalan ko. Pero hindi! Wala pa din akong
naririnig! Busy ako.

"N-Nathan! U-umayos ka nga! L-Lumayo ka sa akin!"bigla kasi siyang lumapit sa akin.


Nakasandal na tuloy ako sa may car window habang nakatingin sa seryoso niyang
mukha. Papalapit pa din ng papalapit ang mukha niya sa akin. Bakit parang
kinakabahan ako? Ano bang gagawin niya?

Nang sobrang lapit na ng mukha niya, ipinikit ko na lang ang mga mata ko at
hinintay na magkalapat ang mga labi namin pero wala akong natanggap na halik kundi
isang mahinang pagngisi mula sa kanya.

"Now, your attention is all mine."minulat ko ang mata ko at hinila siya palayo sa
akin pero hindi siya lumayo. Niyakap niya ako. Haaaaaay, alam niya talaga ang
kahinaan ko.

"Masyado kang matampuhin."nagpout ako pero it's a wrong move. He kissed me. Another
weakness.

"Wifey, do you think I will just let this day to be just an ordinary day?"nagpout
ulit ako. Aish! Hinalikan niya ulit ako! Eto talagang lalaki na'to!
"You really want me to kiss you, huh?"magpapout na naman sana ako pero pinigilan
ko. Baka manakawan na naman ako. Manakawan ng halik.

Hinalikan niya ako ng mabilis at nagdrive na ulit.

"Saan tayo pupunta?"

"Somewhere."

"Akala ko ba hindi tuloy ang date natin?"ngumiti lang siya at saglit na tumingin sa
akin at itinuon ulit ang tingin sa harap.

"Yes I cancelled it but that doesn't mean na wala tayong gagawin ngayon."hinawakan
niya ang kamay ko at pinisil ito.

"Couples do there special days by eating in a restaurant, strolling in mall,


talking in the park but not all couples are needed to do the same thing. We need to
make something memorable. Something surely worth our day especially our first
month."napangiti ako.

Bakit nga ba agad akong nagtampo at hindi man lang pinakinggan ang paliwanag niya?
Nakalimutan kong hindi ordinaryong boyfriend ang meron ako. Kakaiba siya sa lahat.
Nag-iisa lang siya.
Sa isang buwan naming pagiging magboyfriend, naging palaging espesyal ang araw-araw
ko. Walang araw o gabi siyang pinapalagpas na pakiligin ako. Walang araw na
naramdaman kong hindi ako mahalaga sa kanya.

Kung minsan nagkakatampuhan kami pero katulad ngayon, nagagawa naming ayusin agad.
Pareho naming hindi makayang tiisin ang isa't-isa.

Maikli pa nga siguro ang isang buwan pero sa isang buwan na ito, natutunan kong
marami pala akong bagay na dapat hindi pinapalagpas. Dapat hindi ko pakawalan ang
pag-ibig na ibinibigay sa akin.

Kung hinayaan kong maging simpleng tao lang ako. Hindi nagmamahal ng iba. Ayaw ng
mga commitment. Walang kilig sa katawan edi sana wala akong Nathan ngayon.

Thank God, I have Nathan. Thank God, I'm inlove. I'm inlove with someone who is
more inlove with me.

"We're here."sabi nito.

Masyado ata akong madrama at hindi ko na namalayan na nandito na kami sa pupuntahan


namin.

Lumingon ako sa bintana at bumungad sa akin ang isang malaking gate. Bumusina si
Nathan at may lumabas na gwardiya. Mukhang nakilala naman niya si Nathan kaya
binuksan nito ang malaking gate at pinasok na ni Nathan ang kotse niya.
I know this place. Dito namin iniuwi sina Baby Niel at Nadine dati nung nagbakasyon
sila sa condo ni Nathan.

"Hubby, bakit nandito tayo?"bungad ko sa kanya nang makababa na kami sa kotse niya.
Hindi kasi ako nakapaghanda. Maong pants at simpleng blue shirt lang ang suot ko.
Nakarubber shoes pa nga ako eh. Kung alam ko lang na dito kami pupunta edi sana
nakapaghanda sana ako. Nagsuot man lang sana ako ng desenteng damit.

"I want them to meet you. I want them to see my loving wife."namula ako sa sinabi
niya. Tinatanong ko lang naman kung bakit kami nandito tapos pinakilig pa ko.

"Pero..."napayuko ako at pinaglalaruan ang rubber shoes ko. Hinawakan niya ang baba
ko at itiningala ako para magkaharap kami.

"Alam kong gusto mo makita kang maayos nila so I bought you some stuffs."may kinuha
siyang paper bag sa backseat ng kotse niya at inabot sa akin. "They are still not
here, come with me, I'll show you the way for you to change your clothes."

Sinalubong kami ng mga maids nila. Pagkapasok ko pa lang sa bahay nila, bumulaga na
ang malaking hagdanan at malaking picture frame.

Pinagmasdan ko ang picture. Nakaupo ang sa tingin ko'y daddy ni Nathan at yung
katabi nito ay ang tingin ko'y nanay-nanayan niya at hagkan nito si Baby Niel at
nasa likod naman nila ay si Nathan, Nadine at Kiejan.

As usual, hindi man lang ngumiti sa picture ang boyfriend ko. Pokerface pa siya
that time. Si Kiejan naman ngiting pilit lang. Parang napunta lahat ng ngiti nila
kay Nadine. Sobrang lapad kasi ng ngiti nito.
"Wifey let's go upstairs."inabot ko ang kamay niya at umakyat kami. Halos white
lang ang pintura ng bahay nila. May part na red pero halos white lahat. Ang sarap
tuloy pagmasdan. Napakalinis tingnan.

Pumasok kami sa pangatlong pintuan. Pagkapasok na pagkapasok palang napakamanly na


ng atmosphere. White and Black ang motive. Puro albums at mga gitara. May king size
bed at may mga materials na para sa recording. Nagrerecord siguro siya ng mga
kanta.

"Change clothes. I'll wait here and change my clothes also."sabi niya. Pumasok na
ako sa restroom niya. Wow sa laki! Kung malaki ang shower room ko mas malaki ang sa
kanya.

Magshashower na nga ako para naman fresh ako kahit papaano. After kong magshower,
nagpatuyo ako ng katawan at tiningnan ang laman ng paperbag. White lacy dress at
blue dollshoes. Nagpalit na ako buti na lang pala nagdadala ako ng extra undies in
case of emergency.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin sa harap ko. Nang makuntento na


ako sa itsura ko, lumabas na ako.

Nakita ko si Nathan na nagpapatuyo ng buhok niya. Mukhang naligo siya sa kabilang


kwarto.

Tumayo siya sa kama niya at tumingin sa akin. Lumapit ako sa kanya.

"Okay lang ba? Bagay ba? Baka mamaya hindi bagay. Hindi ba ako mukhang ewan
dito?"hinawi niya ang buhok ko na natatakpan ang mukha ko. Hinawakan niya ang
magkabilang pisngi ko at tinignan niya ako nang mataimtim.
"You are always okay and always beautiful. In fact, hindi mo naman kailangan talaga
magganyan pa eh. Even with the simpliest clothes you will look good and
pretty."hinalikan niya ako sa pisngi."Sina Charles lang naman ang nagsabi sa akin
na ibili kita ng damit. They know that you will breakdown if you're not wearing a
nice clothes when I'm about to introduce you with them."

Ang IH7 talaga. They are really a great brother to him. Para silang magkakapatid sa
magkakaibang nanay.

Sinusuportahan nila ang kaibigan nila sa bagay na makapagpapasaya sa kanya. Alam ko


kahit hindi pinapakita ni Nathan o kahit kung anu-anong panlalait ang sinasabi ni
Nathan sa mga kaibigan niya, I know and I can feel how thankful he is to have a
friends like them. Maloloko pero magkakasangga sa kahit anong problema.

"Hubby bolero ka talaga. Pero ikaw din. Napakagwapo ng boyfriend ko!"sabay pisil sa
pisngi niya. He's wearing a blue polo shirt and pants.

May kumatok kaya binuksan ito ni Nathan. Pagkabukas ng pinto, isang magandang dilag
ang yumakap kay Nathan.

Siya na ba talaga ito? Ang laki ng pinagbago niya! 1 year lang naman kaming hindi
nagkita but look at her right now! She looks incredibly beautiful.

"Mommy? Oh my! Wait, mommy no more! I forgot I'm sorry! I should call you Sister,
Sis, or Ate."pero wala pa rin siyang pagbabago. Maingay pa din.
Niyakap niya ako at syempre niyakap ko din siya.

"I miss you big sis!"napangiti ako.

"Same here, little sis."she giggled.

"K-Kuya?"napunta ang atensyon naming lahat sa maliit at malumanay na boses mula sa


pintuan. Nakatayo ito at nakakapit sa may pintuan na parang nahihiyang lumapit sa
amin. Ohmy! He is so cute!

"Come here baby."paanyaya ni Nathan. Nahihiyang lumapit ito sa amin. Naglalakad na


siya! Ang cute cute niya!

Binuhat ito ni Nathan at agad naman siyang niyakap ni Baby.

"Kuya is that mommy?"at tumingin siya sa akin. Jusko, tuluyang naging english
speaking si Baby Niel. Yiee, naaalala niya pa rin ako!

"Not Mommy. She is your Ate. Kuya's wife."hahampasin ko sana si Nathan at susuwayin
sa pagtawag niya sa akin na asawa at baka maniwala ang mga ito pero syempre dahil
nadala ako ng sobrang cute na kapatid nito hindi ko na pinansin.

Nagpababa si Baby kay Nathan. Lumapit ito sa akin at kinuha ang kamay ko. Hinalikan
niya ito at ngumiti sa akin. Kahit bata ito, namula ako sa simpleng gesture niya.
"Hello Ate. Do you remember me?"he asked with an innocent and angelic face. Oh
baby, who wouldn't remember such a cute face like that!

"Of course I remember you baby."pagsagot ko sabay pisil sa pisngi niya.

"I'm not a baby, I'm a big boy!"pagtatama niya. He even pouted and I swear, any
minute mapipisil ko ulit ang pisngi niya sa sobrang cute niya!

"Big boy, go and change your clothes. You don't want her to see you wearing
pajamas, right?"sabi ni Nathan. Tumingin naman si Baby sa damit niya at parang
binata na tumakbong mabilis sa labas at nagsisigaw. Baka madapa iyon! Sayang ang
cute face!

"Yaya Win! Where is my coolest clothes? I need to change clothes Ya!"rinig naming
sabi niya.

Natawa na lang kami kay Baby. I really wish I will have a babies like that! Cutie!

--+

"Hi Mom! Dad!"bating pambungad ni Nadine sa kadarating na mga magulang niya.

Hindi ko maitagong kinakabahan ako. Kanina pa nanginginig ang mga kamay ko at ang
lakas ng tibok ng puso ko. Nakakatakot! Baka hindi nila ako magustuhan.

Naramdaman kong pumalupot ang kamay ni Nathan sa waist ko.

"Calm down. Don't panic. I'm here, wifey."ngumiti ako. Kahit papaano sa sinabi niya
napakalma ako.

"Tita, Dad, I'd like you to meet Eliza. Wifey, meet my Dad and Tita Nerin."ngumiti
ako at naggreet sa kanila. But to my surprise, niyakap ako ni Tita Nerin at
nagsalita,"So you are Mommy Jan of our kids, right? You are a beautiful girl! I'm
honored to meet you. You can call me Tita Nerin. I'm Nui's stepmom."
Bumitaw siya sa pagkakayap niya sa akin. Lumapit ang Daddy ni Nathan sa amin.

"Nice meeting you Jan. Call me Tito Norman, Nui's Dad."ngumiti ako.

"Nice meeting you rin po Tito Norman and Tita Nerin."

Niyaya na nila kaming kumain. Pagpunta namin sa dining area, nakaupo na doon si
Baby Niel with his Yaya.

Nang mapansin ang mga magulang, tumayo ito at tumakbo sa kanyang mommy.

"Hi Mommy and Daddy. Do you already talked to Ate Jan?"sabi nito. Binubuhat siya ni
Tita Nerin pero ayaw niya."Mommy don't. I'm a big boy. It's embarrassing if she saw
me carried by anyone."

Pero hindi nagpaawat ang mommy niya at pinilit siyang buhatin.

"Okay lang naman kay Ate Jan. Right Ate?"tumango ako.

"Wala ba si Kiejan?"tanong ni Tito Norman habang kumakain kami.

"Even if I invite him, he wouldn't come."sagot ni Nathan. Tama siya, hindi pupunta
dito si Kiejan lalo na kapag nalaman niyang nandito ako.
"Anyways, ilang years na ba kayo?"pag-iiba ng topic ni Tita Nerin.

"Ika-1 month po namin ngayon Tita."I answered.

"Really? Happy 1 month couple! More months and years and decades for you."galak na
sabi nito.

"Kaya ka pala pinakilala sa amin. We're so proud of you Nui Babe!"dagdag ni Tita at
ginulo pa ang buhok ni Nathan.

"Tita don't call me in that name!"natatawang tumingin si Tita Nerin kay Nathan.
Bumulong sa akin si Nadine na nakaupo sa left ko at sinabing panlalambing daw ni
mommy niya kay Kuya niya ang Nui Babe at asar na asar daw ang kuya niya kapag
tinatawag na ganun.

"Jan how are your parents? Its been a long time since we talked and we'd been so
busy that I didn't get a chance to meet them after the business meeting we
had."sabi ni Tito Norman.

"They are okay. Umuwi sila nung New Year but after some days, they need to go back
in Thailand to plan for our new branch there."

Nagkwentuhan lang kami nang tungkol sa kung anu-anong topic sa sofa nila after
naming kumain. Baby Niel showed his talent of singing. He sang,'Nasa iyo na ang
lahat' with an English Accent. He is so cute and adorable.
"You guys take care. Nui Babe drive safely."sabi ni Tita Nerin.

"Tita!"napabungisngis na lang ito.

"Son, try talking to your brother. I know it's not too late for the both of you to
settle things."pero nagsawalang kibo lang si Nathan at sumakay na kami sa kotse.
Hindi na rin nagawang magpaalam nina Baby Niel at Nadine sa amin dahil nakatulog na
sila. Late na din kasi.

Tahimik lang nagmamaneho si Nathan. Maybe he is thinking about what his father told
him.

Hinawakan ko ang kanang kamay niya at pinisil ito.

"Infinite Garden?"ngumiti lang siya at iniliko na ang sasakyan at nagtungo kami sa


nasabing garden.

"Are you alright?"nag-aalalang tanong ko.

Mula kasi nang makarating kami dito ay hindi na siya nagsasalita. Parang ang lalim
ng iniisip niya.

Hinigpitan lang niya ang yakap niya sa akin. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa
kanya habang nandito kami sa ilalim ng puno at magkayakap.

"Happy Valentines Wifey."bulong niya sa tenga ko that gives me shivers down to my


spines.
"Belated hubby."he giggled. Mang-inis ba naman. Wala man lang kaming ginawa nung
Valentines. Nag-aral lang tapos nung umuwi ako sa apartment na kasama siya, nanuod
lang ng tv.

"Happy 1st Month wifey. It's not belated."I smirked and he did the same.

"I love you hubby even though you annoyed me."

"I love you more even though you annoyed a lot and easily."hinampas ko siya ng
mahina. Hindi talaga papaawat eh.

At ayun na naman ang katahimikan na bumalot sa amin.

"Wifey, do you think I should talk to him first?"pagsisimula nito.

"I think so. You are the oldest and you should act like one. Walang magiging
progress kung maghihintayan lang kayo."bumuntong hininga siya. He didn't bother to
respond. Iniisip niya siguro ang mga sinabi ko at sinabi ng Daddy niya.

I know deep inside, gusto na niyang magkaayos sila ni Kiejan. Kahit hindi niya
sabihin alam kong mahal niya ang kapatid niya at miss na miss na niya ito. Siguro
nahihirapan lang siyang ipakita at iparamdam iyon lalo na ang tagal na nilang
walang closure.
Nag-aya na kong umuwi nang makaramdam ako ng antok pero hindi namin inaasahan ang
sumalubong sa tapat ng gate ng apartment namin.

"K-Kiejan?"

AN:

Kiejan! Kiejan! You're back after 87654323456789 years of being behave. HAHAHAHA.
Namiss ko si Kiejan sobra! Pero ano kayang mangyayari ngayon? Anong pag-uusapan
nila?

Pabati:

Janna Mae Areza, Marianne Dela Cruz Primavera, Kadiza Astali Mistal, Judyann
Rabina(pabati din daw sina Tita Mercy Abasolo at Tita Liezle Pajalla), Trisha May
Franche Sigue, Joan Marie Lineses(pabati din sila Louise Andrea Labuguin, Grazel
Tiel, Florence Criztie Cuevas, France Carlo Cuevas, Rochelle Macayayong at Ferchel
Anne Sanchez), Diana Mae Alvendo, Ella Cruz(pabati si Janajane A. Teneza), Rico
Romero, at Eloise Dy(Josh Iverson Red and Grade 6 Patience SY: 2013-2014)

INFINITE

Ms. Kim

=================

[27] Crash and Burn.


Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of
this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jan:

Nakaluhod siya sa harap ko. Umiiyak. Nagmamakaawa.

Tumulo na lang bigla ang mga luha ko. Parang may tumutusok sa puso ko.

"J-Jan... Please c-comeback."umiiyak siya habang nakaluhod sa harap ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kahit si Nathan na nasa gilid ko ay mukhang
nagugulat pa din sa mga nangyayari at mas piniling manahimik na lang.

"Kiejan please tumayo ka."pilit ko siyang pinapatayo pero nanatili lang siyang
nakaluhod sa harap ko. Sa tingin ko'y nasa impluwensya siya ng alak ngayon kaya
nagagawa niya ito.

"K-Kiejan!"napatingin ako sa babaeng kadarating lang. Lumapit siya kay Kiejan at


pilit pinatatayo ito.

"S-Stay away E-Ella!"pero hindi niya pinakinggan ang sinabi ng binata at pilit pa
rin niya itong pinatatayo.
"A-Akala ko kakayanin kong wala ka pero nagkamali ako. Sa bawat araw na hindi kita
nakakasama, sa bawat oras na siya ang hagkan mo at hindi ako, ang sakit-sakit."

"J-an ako na lang ulit. N-naging masaya naman tayo diba? G-gagawin ko naman lahat
eh. P-Please ako na lang."humahagulgol siya. Napapikit ako hindi ko na alam ang
gagawin ko. Nasasaktan akong makita na nasasaktan din siya.

"K-Kiejan, oo naging masaya ako pero hindi ko kayang magsinungaling sayo at


sabihing ikaw ang dahilan ng totoong pagiging masaya ko kung ang totoo ay si Nathan
ang magiging dahilan para maging ganap na masaya na ako."

"S-Sabi mo mahal mo ko. J-Jan kasinungalingan ba ang sinabi mo?"umiling ako.


Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya.

"No, no. Totoo ang sinabi ko sa'yo. Mahal kita Kiejan. Minahal kita pero mas mahal
ko siya."napapikit siya at nakikita ko ang mga luha niya na patuloy na lumalabas
mula sa mata niya.

Nanlulumo ako sa sarili ko. Kung hindi ko hinayaan si Kiejan na lalong lumalim ang
pagmamahal niya sa akin edi sana walang ganito ngayon. Sana hindi siya umasa.

"A-Akala ko wala ng mas sasakit pa sa paulit-ulit mong paghindi sa panliligaw ko


sa'yo. N-Na pinakamasakit ang paulit-ulit na pagbasted mo sa akin. Pero alam mo,
nagkakamali ako. M-Mas masakit pa din pala na makita kitang masayang-masaya sa
piling n-niya."

Nagawa na siyang itayo ni Ella. Napansin kong namumula na rin ang mukha ni Ella at
singhot na rin siya ng singhot. Alam kong nasasaktan din siya sa mga nangyayari.
Nasasaktan siya dahil nakikita niyang nasasaktan ang taong mahal na mahal niya.
Bakit kasi sadyang napakamapaglaro ng tadhana?

Mahal mo ang isang tao pero may mahal na siyang iba.

Nandyan na yung taong magmamahal sa iyo nang lubos pero anong ginawa mo? Lumihis ka
ng landas.

Hindi ko alam kung mga tao nga lang ba ang may kasalanan o si kupido na ang dami
atang pinapana at sa maling tao pa.

"A-anong nangyayari dito?"lumapit sa amin si Kuya Jop at pati din pala si Jin ay
kasama niya. Siguro'y narinig nila kami mula sa apartment nila.

"K-Kiejan?! Ano bang nangyayari dito?!"

"Jin get Kiejan inside. He's not in his ownself right now."tumango naman ang
kapatid ko at dinala si Kiejan sa loob kasama si Ella at Kuya.

Lalo akong napahagulgol ng iyak. Naramdaman ko ang mga bisig ni Nathan. Nakayakap
siya sa akin. Umiiyak ako sa may dibdib niya.

"Stop wifey. Nothing will happen if you just cry."pinunasan niya ang mga luha ko.
Pinaharap niya ako sa kanya.

"A-Anong gagawin ko? N-Nathan ayokong nagkakaganito si Kiejan."


"We will do the right thing. I'll talk to him and settle things."

--+

"Hubby? Ang tagal mo namang maligo!"sabi ko mula sa labas ng shower room ko.
Masyado na kasi siyang tumatagal sa pagligo.

Nasabi sa akin dati nina Zac na normal daw na ganyan katagal maligo si Nathan lalo
na kapag may problema o may malalim siyang iniisip. Para bang nakakaisip siya ng
matino at nailalabas niya ang totoo niyang nararamdaman kapag naliligo siya.

Siguro nga may mga taong ganoon. May mga bagay na kung sa kanila wala namang
nagagawang epekto pero sa iba may ibang kahulugan ito.

Napapitlag ako ng makalabas na si Nathan sa shower room. Nagdire-diretso lang siya


sa kama ko at umupo doon. Nananatiling malalim ang kanyang iniisip.

Umupo ako sa tabi niya para maramdaman niya ang presensya ko pero katulad kanina
nakatulala lang siya sa sahig at pinupunasan ng tuwalya ang basang buhok.

"Hubby?"nagulat siya at para bang bumalik siya sa mundo nang tawagin ko siya.
Napatingin siya sa akin na may gulat sa mukha.

"Kanina ka pa ba dyan?"tumango ako. Humugot siya ng isang malalim na buntong-


hininga.
"Hour?"sabi niya sa akin. Na-gets ko naman kung ano ang tinutukoy niya. 'Yung
pagligo niya nang matagal. Tumingin ako sa wall clock at tumingin ulit sa kaniya.

"Hour and a half."napailing siya at napangisi. This man is really unique.

"Let me."kinuha ko ang tuwalyang hawak niya at ako ang nagpunas ng buhok niya.

Yumakap siya sa akin. Bali nasa may tiyan ko ang mukha niya dahil habang
pinupunasan ko siya, nakatayo ako sa harap niya at nakaupo siya.

Nagulat ako sa biglaang pagyakap niya pero mas nagulat ako sa sinabi niya.

"I am afraid. Wifey I'm afraid that I might not control my emotions."

Ngayon lang ito nangyari. Mula nang makilala ko siya ngayon lang siya nagsabi na
natatakot siya.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Nararamdaman ko kung gaano siya nahihirapan ngayon.


Sabi ko na nga ba, ayaw lang niyang ipakita na gustong-gusto niyang kausapin ang
kapatid niya.

"Hubby please look at me."kanina ko pa kasi siya pilit na pinapatingin sa akin pero
hindi niya magawang tumingin.
"I don't want you to see me this weak."

"Please Hubby."mga ilang segundo bago siya nag-angat ng ulo at tumingin sa akin.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya.

"Don't be afraid. I'm not gonna leave you. I'm here."

"Ate okay na si Kie----ooops."bumitaw ako kay Nathan. Nakita kong nanlalaki ang
mata ni Jin na namumutla habang nakatingin sa amin ni Nathan. Pumasok kasi siya
bigla sa kwarto at nahuli niya kami ni Nathan na magkayakap."Sige ipagpatuloy niyo
lang iyan. Makakapaghintay naman kami! Nate you can do it!"

Loko talaga yung kapatid ko! Kung anu-anong pumapasok sa utak niya!

"T-Tara labas na tayo."tumalikod na ako sa kanya at lalabas na sana pero hinila


niya ako kaya nakaupo na ako sa kanya. Yakap yakap niya ako habang nakahiga ang ulo
niya sa likod ko.

"Wifey makakapaghintay daw sila!"tumayo ako bigla at kumaripas ng takbo. Narinig ko


pa siyang tumatawa. Ano bang trip niya! Kanina lang nag-eemote siya tapos ngayon!

Napahawak ako sa mukha ko. Bakit biglang uminit?

"Wifey!"nanlaki ang mata ko. Lumabas na din pala siya ng kwarto. Naglakad ako ng
naglakad para hindi niya ako maabutan.
"Sissy para kang baliw maglakad! Hahaha!"matalim na tingin ang ibinaling ko kay
Yhanna. Anong magagawa ko eh ayokong maabutan ako ni Nathan. Pero napahinto ako.

Bakit nga ba ako naglalakad ng mabilis?

Napatingin ako sa pintuan na katapat ko at doon, iniluwa ang isang bulto ng lalaki.

"Kiejan stay....here."napahinto si Ella nang makita niya ako na nasa harap ni


Kiejan.

Nasa tabi ko naman si Nathan.

Inalis ko ang tingin kay Kiejan at tumingin kay Nathan.

"Hubby."hinawakan ko ang kamay niya."I'll wait here. Control your emotions. Stay
calm please. I'll be here waiting outside."

Ibinaling ko naman ang tingin ko kay Ella na nakatingin lang kay Kiejan.

"Ella iwan muna natin sila. They need to talk."tumingin sa akin si Ella. Nakikita
ko sa mga mata niya ang lungkot, sakit, at takot.

Akala ko hindi susunod sa akin si Ella pero she did. Tuluyan siyang lumabas sa
kwarto.
Tumalikod na ako at sabay kami ni Ella na bumaba ng hagdan.

Hindi ako sigurado kung papasok ba sila sa loob ng kwarto o magiging kalmado ba ang
pag-uusap nila pero ang sigurado lang ako ay hindi hahayaan ni Nathan na hindi sila
magkaayos na magkapatid.

Nathan:

They left us here.

It's quiet and the only noise I can hear is my mind that keeps on asking what
should I do, what should I say, what should I act, what am I supposed to do in
here, should I go inside, should I run.

Pumasok siya sa kwarto. At syempre that's my cue to go inside also.

Umupo ako sa sofa katapat ng kama na inuupuan niya.

It's too funny how we end up like this. One day we're so close that no one can
separate us but now it seems like its the opposite of what's happening right now.

"Kiejan you know I don't do things like this but you know we need to talk."It takes
a lot of courage for me to speak up.

"Talk to him Kiejan. It's our father. You know he loves you. We all know that."I
said. He smirked and looked at me.
"Pero iniwan niya ako at hindi lang ako, pati si mommy."I sighed.

"Sometimes you need to let go of some people for them not to hurt continuosly."he
looked at me with a confused look.

"I know its hard to understand but tell you what, do you think if we didn't leave,
everything will be fine? Everything will be on place?"

Yumuko siya. I know he's not stupid. I know he can understand it. I just know that
it just hard to accept.

"Sometimes real things are hard to accept."

"Kuya..."yeah, I heard it right. I looked at him.

"Sh*t!"that shocked me. He punched me suprisingly. I'm not prepared for that.

"That's for avoiding me for years."he said after the punch."Pwede mo din gawin iyan
kung gusto mo."

I thought he's joking but he's not.


He punched me again."Too slow and yes, that's for leaving me."

I punched him."That's for being annoying for several years."I punched him
again."For being a bastard for so long."

He punched me again."Para sa pag-iwan mo kay Jan."

I punched him."That's for making me jealous."

And it goes on and on.

"Kinuha mo siya sa akin."

"That's for thinking I stole something that is really mine."

"Para iyan sa pagiging manhid."

"That's for punching me on my birthday before."

After several punches, we end up laughing with each other faces.


"Hindi ibig sabihin na kinakausap na kita, bati na tayo."he said. I smirked and
looked him with amused.

"And this doesn't mean we're in good terms."

"Are you kidding me, Kuya?"he asked playfully.

"No, it's a joke, bastard."

--+

Jan:

Muli akong lumingon sa pintuan kung saan sa loob nito ay naroon ang magkapatid.

"Ano na kayang nangyayari sa kanila?"sabi ni Marco habang nakaupo sa sofa.

Tinawagan kasi ni Jin ang buong IH7 para pumunta dito sa apartment. Hindi ko na
napigilan dahil gusto daw nilang maging updated sa mga nangyayari.

"Hindi ba natin sisilipin?"sabi naman ni Ren na tumingin a sa pintuan na tinitgnan


ko kanina.

"Baka mamaya isa na lang ang natitira sa dalawang iyon."sabi ni Luke.

"Do you think so? Hala! Icheck na nga natin!"sabi naman ng kapatid kong si Jin.
Tumayo si Ren, Jin at Luke at naglakad papuntang hagdanan.

"Aray ko!"

"Ouch!"

"Putcha masakit yun pare!"

Sunod-sunod na pag-angal nila. Pinaghahampas kasi ni Charles ang tatlo sa hawak


niyang walis. Ewan ko kung paano niya nakuha ang walis na 'yun.

"Ano ba naman kayo? Anong gagawin niyo doon?"sabi ni Charles sa mga ito.

"Oo nga anong gagawin natin doon?"tanong ni Ren.

"Edi awatin natin kung nag-aaway!"sabi ni Jin. Napailing naman si Charles.


"Oh eto unan. Pangdefense natin sa kanilang dalawa. Baka tamaan tayo eh."at
binigyan niya ng pillow ang tatlo. Pillow namin sa sofa.

"Hoy mga bopols talaga kayo."nilapitan ni Zac ang apat at pinabalik sa sofa.

"Akala ko pa naman aawatin mo itong tatlo. Sasama ka pa pala."sabi ni Zac kay


Charles. Napakamot na lang ito sa ulo niya sa kahihiyan.

"Pre ayos lang kaya yung dalawa doon? Kung anu-ano kasing weird sounds ang
naririnig natin mula dito."sabi ni Marco.

"Maayos nila iyan. Hindi hahayaan ni Nate na hindi maayos ang isang bagay na gusto
niyang maayos."

Tama si Zac. Nathan is a man of his own words. Kung anong sinabi niya, dapat
magawa. Kung anong nasabi niya, pinaninindigan niya.

"Ohmygod Kiejan!"nagtatakbo si Ella sa kalalabas lang na si Kiejan. May dugo ang


gilid ng labi niya.

Kasunod nito ay si Nathan.

Tumingin ito sa akin pero ang tanging nagawa ko lang ay ang mapatakip ng bibig.

Ganoon din ang itsura ni Nathan. Pumutok ang labi nito.


"ANONG NANGYARI SA INYONG DALAWA?"sigaw ko. Bakit kailangan pa nilang saktan ang
isa't isa?

"We played."sagot ni Nathan. Nagsmirked si Kiejan habang nakatingin sa Kuya niya.

Really. You can call it playing?

Magkapatid nga sila.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Sa tingin ko mahaba-haba ang aking author's note ngayon. HAHAHAHA!

Sa mga readers ng MCB/ CMCG! YES PO! IPAPAPUBLISH NA PO ANG MCB UNDER LIB! :) At
dahil iyon sa inyo na walang sawang binabasa ang story kong ito. Salamat!

Kelan marerelease ang book? Baka marelease po siya within June or July. No exact
date.

Under what publishing? LIB PUBLISHING COMPANY.

Sana ang MCB ay ma-share niyo sa mga kaibigan, kapamilya, kapuso, ka-wattpad, at
kung kani-kanino pa! Sana before marelease ang book ay magkaroon ito ng 3Million
reads! Please please please!
AND CAN YOU DO ME A FAVOR? SANA WAG KAYONG MAGSAWANG MAGVOTE AND COMMENT IN EVERY
CHAPTER. Parang kumokonti na kasi ang mga nagcocomment eh. :(

Anways, thank you talaga! I LOVE YOU EVERYONE! :)

Pabati:

Aubrey Deinla, Algen Delfin, Jessa Deala XD, Elaiza Filosopo(pabati daw kay Jin),
at kay Baby Ella Gonzaga(SERIOUSLY? XD)

INFINITE

Ms. Kim

=================

[28] Goodbyes with a little Hello.

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jan:

'Mga kampon ng kuya kong may lahing unggoy, sa bar ni Jin. 6pm. VIP 4. Despedida
ko.'
Text na natanggap ko pagkagising ko.

Tinuloy pala talaga ni Kiejan ang balak niyang pagpunta sa ibang bansa. Makakabuti
daw iyon para maayos niya ang sarili niya at makapagmove on.

It's almost 3 months after nilang magkabati ng Kuya niya. Nagkabati nga ba? Eh
halos tuwing nagkikita sila palaging nagpipikunan.

Siguro iyon ang naging way nila para hindi na sila maging awkward sa isa't isa.

Lumabas na ako ng kwarto ko pagkatapos kong mag-ayos ng sarili. Nadatnan kong


kumakain sina Yhanna at Mich pati sina Kuya at si Jin nandito din.

Knowing Kuya, sigurado hindi nagluto ito para dito kumain kasama ni Yhanna.

Wala si Manang. Siguro nililinis niya yung apartment nina Kuya. Boys are boys. At
napakalat nila. Pssh.

"Jan tara dito. Kain na."lumapit ako sa kanila at kumuha ng makakain ko.

"Ate Jan natanggap mo text ni Kiejan?"tanong ni Jin nang umupo ako sa tabi niya.
Tumango ako.

"Bakit kasi aalis pa siya? Magkasundo na rin naman sila ni Nate at nagkaayos na din
sila ng Papa niya."

Oo nagkaayos na nga sila ng Papa niya. Nagkausap silang tatlo. Nung una, hindi
talaga sila nagkakaintindihan pero mga ilang araw lang, nag-uusap na sila ng
mahinahon. Kahit si Tita Karmina(mommy ni Kiejan) at Tito Norman nakapag-usap na at
nagkaroon na ng closure.

"Kung iyon ang paraan para makapagmove on siya, hayaan na natin."sabi ko habang
kumakain.
"Kasi bakit pa siya nainlove sayo Baby? Hahaha! Maiinlove na lang siya sayo pa-
Aray!"hinimas-himas ni Kuya ang ulo niyang natamaan ko ng tsinelas ko.

"Sissy!"nginitian ko lang si Yhanna at kumain ulit.

"Tara pasok ka hijo."Nandito na pala si Manang. Sino kayang kausap niya? Boses lang
kasi ang narinig ko.

"Oh Kiejan! Mamaya pa naman diba? Bakit nandito ka?"napatingin ako sa pintuan at
nakita ko nga doon si Kiejan.

"Hindi pa ko umaalis, ayaw niyo na kong makita?"sabi ni Kiejan at umupo sa sofa.

"Hanep ang drama mo. Bakit ka nga ba talaga nandito? Hinahanap mo ba si Kuya mo?
Namiss mo agad?"sabi ni Jin. Nang-asar pa ang isang 'to.

"Asa naman! Ba't ko mamimiss 'yun? Nandito ako para sunduin sana si Jan."kumunot
naman ang noo ko sa sinabi niya. Anong susunduin sinasabi nito.
Tumayo naman bigla si Jin at lumapit kay Kiejan.

"Pre bati na kayo ni Nate! "Wag ka nang manggulo pa! Baka magka-world war na
naman!"

"Gusto ko lang kausapin si Jan bago ako umalis."sabi nito habang tumingin siya sa
akin at kumindat. Yuck Kiejan! Yuck!

Mukhang nabasa naman niya ang naisip ko at ngumisi na lang siya.

Umupo naman bigla si Jin at binuksan na lang ang tv.

"Okay. Ate Jan bihis na."sabi nito habang nakatutok ang mga mata sa tv.

Aba hanep 'to. Ang bilis atang pumayag?

"Jin bakit ka pumayag? Lagot ka kay Nathan!"kunwari'y sigaw ko. Pero biro ko lang
naman ito. Sasama naman ako kay Kiejan kahit ayaw ni Jin. Ayokong i-reject na naman
si Kiejan sa paraang gusto lang naman niya akong kausapin.

"Oo nga, ang bilis ipinamigay ng Ate."sabi ni Mich.

"Kung si Sissy ba naman ipamimigay mo, talaga namang gagawin mo! Hahaha!"sabi pa ni
Yhanna.
"Kahapon kasi nawalan ako ng load tapos pinaload niya ako ng 300! 300 yun Ate Jan!
Kaya sabi ko sa kanya papalitan ko na lang at iyan ang kapalit."sabi nito sa akin.
Kapatid ko ba talaga 'to? Ipinagkatiwala ako sa isang lalaki para sa 300 pesos na
load?!

"Eh bakit kanina parang against ka talaga sa pag-aya sa akin?"tanong ko. Kanina
naman kasi makasigaw pa siya kay Kiejan na baka mag-away na naman sila ng Kuya
niya, akala mo concern na concern talaga.

Tumayo ito at lumapit sa akin. Ipinulupot niya sa braso ko ang kamay niya.

"Ate pakunwari lang 'yun. Para kapag tinanong ako ni Nate kung may ginawa ako para
pigilan si Kiejan, sasabihin ko na pinigilan ko si Kiejan pero mapilit talaga."

"Nice one Bro! Talino mo talaga!"sabi ni Kuya Jop. Sige lang, kampihan pa.

"Dami kong natutunan sa'yo Kuya Jop!"binigyan ko ng matalim na tingin si Kuya. Kaya
naman pala kung anu-ano sinasabi ni Jin, kung anu-ano pala ang pinapasok ni Kuya sa
utak niya.

Sana pala hindi ako pumayag na magkasama sila sa iisang apartment. Maling-mali!

"Oh ano JL? Tutunganga ka na lang ba dyan?"inirapan ko na lang si Kiejan at pumunta


na sa kwarto ko para magbihis.

--+
"Dahan-dahan lang JL, baka hindi ka matunawan niyan."inabutan niya ako ng juice at
ininom ko naman iyon.

Ang hirap naman kasing hindi ubusin ang pagkaing nakahanda sa harap ko.

Bakit kasi dinala pa ko ni Kiejan sa isang restaurant na ang specialty nila ay


sisig. Now I can't resist this kind of food! Knowing it's my favorite!

"Bakit ko ba minahal ang babaeng ganyan katakaw?"napahinto tuloy ako.

"Hindi naman ako laging ganito, ngayon lang kapag sisig ang pagkain."ngumisi ito at
ginulo ang buhok ko.

"Nabusog ka ba?"tanong niya nang lumabas na kami sa restaurant."Mali pala yung


tanong ko sa'yo. Dapat pala, JL, hindi ka ba ma-iimpatso sa sobrang daming kinain
mo?"

Hinamapas ko nga. Ang sama-sama naman nito! Kanina pa siya ah.

"Joke lang naman. Hindi ka parin nagbabago. Matampuhin ka pa din."binelatan ko lang


siya at pumasok na sa kotse.

"Saan na tayo pupunta?"tanong ko.

"Sa palasyo natin-Aw!"kahit kelan talaga hindi ito nagbago.


Sinabi niyang sa bahay daw nila kami pupunta. Ewan ko kung bakit pero sige, para
maiba naman. Nung highschool kami lagi akong nandito at kakwentuhan ang mommy ni
Kiejan. Ang tagal na din nun kaya sige gusto kong pumunta sa kanila baka nandoon si
Tita Karmina.

Binuksan ng maid ang gate at ipinasok ni Kiejan ang kotse.

"Wait, parang may kamukha yung maid na nagbukas ng gate."sabi ko habang hindi
inaalis ang tingin sa maid na nagsasarado na ng gate ngayon.

"Anak ni Nanay Morie. Siya ang pumalit dahil tumatanda na ang nanay niya."tumango
ako. Kaya pala pamilyar.

Si Nanay Morie kasi katulong na nila Kiejan simula nung grade school pa ata. Sa
tuwing nagpupunta ako dito, si Nanay Morie ang nag-aasikaso sa amin. Mabait siya at
parang nanay na din ang turing ni Kiejan dahil kung minsan wala ang magulang niya
at busy sa trab

"Lorie pakidalhan mo na lang kami ng makakainin namin sa kwarto ko.


Salamat."tumango naman si Lorie, ang anak ni Nanay Morie at pumunta na sa tingin
ko'y kusina.

Pumunta kami sa kwarto niya. As usual wala pa din nagbago.

Plain Blue ang kulay ng kwarto niya. Napaka-calm and relax ng kwarto niya.

Magkatulad sila ni Nathan, ayaw nila ng kung anu-ano sa kwarto nila. Walang
posters, paintings or kung ano pang displays maliban sa mga pictures at gitara.

"JL, upo ka muna dyan may kukunin lang ako."tumango ako. Pumasok siya sa isang
pintuan dito sa kwarto niya. Ang natatandaan ko walk-in closet niya ata iyon.
Si Nathan may walk-in closet din sa bahay nila at sa condo niya. Naalala ko yung
araw na iyon nung tinignan ko ang walk-in closet niya sa condo niya. Puro black
shirts at halos mga plaid shirts at mga sweaters. May mga formal suits din at mga
pambahay niya. Maayos at organized iyon.

Nagulat pa nga ako dahil kung gaano kadami ang damit niya sa condo niya, mas madami
sa bahay nila.

Pumunta ako sa table na puro mga pictures.

Nakita ko doon ang pictures nila ni Nate, pictures niya kasama sina Tito Norman,
Tita Nerin, Nadine at Niel, pictures niya with Tita Karmina at yung stepdad niya.
May picture din siya doon with Ella. Napahinto ako sa pagtingin ng mga pictures ng
may mahagilap ang mga mata kong picture sa pinakalikod.

Apat na frame iyon. Yung unang frame, picture ko na kinunan niya nung nasa dagat
kami. Yung pangalawa, picture naming dalawa nung nandoon siya sa apartment namin.
Yung pangatlo naman, nung nasa beach kami ni Marco(Birthday ni Nathan) at yung
pang-apat, hindi ko alam na may picture pala akong ganoon. Nung nasa amusement park
kami at sumakay sa ferris wheel, pinicturan niya pala ako habang nakatingin ako sa
baba. 'Yun yung araw na pinakawalan niya ko.

Biglang nagvibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at binasa ang message.

From: Hubbybaby

Wifey, where are you?

Hala ka po! Nagtanong na ang prinsipe kung nasaan ako! Excuse his name in my phone.
Ang IH7 ang may dahilan kung bakit ganyan ang pangalan ni Nathan sa phone ko at
'wag na kayong magtaka kung anong pangalan ko sa phone ni Nathan.

"JL, si Kuya ba ang nagtext?"tumango ako. Ngumisi siya at nilagay sa ibabaw ng kama
yung maleta niya.

"Wag kang magreply. Hayaan mo siyang magtext ng magtext! Hahaha!"umiling na lang


ako. Sila talagang magkapatid napakaloko.

Pero sige hindi ko na rereplyan. Mamaya din naman sigurado ako magtetext 'yan dahil
nalaman niya kina Mich na kasama ko si Kiejan.

"KL, gusto mo bang tulungan kitang mag-ayos ng dadalhin mo kaya mo ko pinapunta


dito?"sabi ko at umupo sa tabi ng maleta niya na nasa kama.

"Hindi naman talaga ang pag-aayos ng damit ang dahilan ko kaya kita pinapunta dito.
Gusto ko lang makasama ka. Kwentuhan lang. Asaran. Kahit eto lang ginagawa natin
masaya na ko. Atleast sa pag-alis ko, hindi ako magsisi na hindi ko nagawang
kausapin ka ng tayong dalawa lang."sabi niya sa akin. Ngumiti na lang ako. Hanggang
ngayon hindi ko maisip kung bakit hindi ko nagawang mahalin si Kiejan katulad ng
pagmamahal niya sa akin. Kung bakit hindi ako kinikilig sa ginagawa niyang
pagpapahalaga sa akin.

"Kamusta na kayo ni Kuya?"pagtatanong niya habang kumukuha siya ng damit sa closet


niya at ibinibigay sa akin para ako naman ang maglagay sa maleta niya.

"Ayos lang. Magulo, palaging nagpipikunan at kung minsan ay hindi madalas pala.
Madalas na snob pa din Kuya mo. Minsan nagsasalita ako tahimik lang siya.
Nakakabwiset kausap."ngumisi siya.

"Para namang hindi mo kilala ang isang 'yun. Lahat ata ng pasan ng mga tao nasa
kanya. Palaging walang ekspresyon. Kung magkakaroon man sobrang OA."sabi niya.
Natawa ako. Ganun na ganun kasi si Nathan! Dati kaya napagkamalan ko pa siyang
gangster dahil sobrang seryoso ng itsura!
"Sinabi mo pa! Lalo ngayon lumalala na ang mood swings niya! Una, napakaseryoso
tapos mamaya-maya biglang mag-iingay at mangungulit tapos magiging masungit na
naman."swear tawa na ako ng tawa. Naiisip ko kasi yung itsura ni Nathan kapag
ganoon siya.

Kahit anong ekspresyon ng mukha niya hinding-hindi ko maitatanggi na gwapo siya.


Kaya nga ang dami ding nahuhumaling sa kanya eh.

Nagvibrate na naman ang phone ko. Nagpaparamdam ata si Nathan. Mukhang nararamdaman
niyang may nagkukwento tungkol sa ugali niyang hindi namin maintindihan.

From: Hubbybaby

Wifey, are you still with that bastard? Where are you now?

"For sure hindi na mapakali iyang lokong 'yan."sabi ni Kiejan habang inaabot sa
akin yung mga pants niya."Wag mo ng isama ito sa maletang iyan. Kukunin ko yung
kulay red kong maleta doon mo na lang ilagay yung mga pants."tumango ako at
itininabi ang pants na binigay niya sa gilid ko.

"Para ko na ring nakikita ang itsura ni Nathan habang tinetext iyan."napangiti ako.
Pokerface for sure.

Hay, namiss ko bigla ang hubby ko. Namiss ko bigla siya. Okay, masyado na kong OA.
Parang kagabi hindi kami nagkita.

Napatingin kaming dalawa sa pintuan nang may kumatok. Pinapasok ito ni Kiejan. Si
Lorie lang pala.
"Ma'am and Kuya Kiejan sorry po ngayon ko lang nadala ang pagkain niyo. Dumating po
kasi ang mommy at daddy niyo Kuya kaya pinaghain ko muna sila."kinuha ni Kiejan ang
mga pagkain na nasa tray at nilagay sa kama.

"Nako, Lorie ate na lang."ngumiti naman ito sa akin at nagpaalam na.

Pagkatapos naming kumain, inaya ko si Kiejan lumabas ng kwarto para puntahan sila
Tita Karmina.

"Jan?"sabi ni Tita Karmina nang makita niya akong bumababa ng hagdan.

"Hi Tita Karm!"niyakap ko siya at nakipagbeso. Namiss ko itong si Tita. Huli naming
pagkikita ay nung naging kami ni Kiejan.

"Jan I would like you to meet my husband, Erik. And Pa meet Jan. bestfriend and you
know, Kiejan's ehem."ngumisi si Kiejan na nasa gilid ko. Nakipaghandshake ako kay
Tito Erik.

Ngayon lang kasi kami nagmeet. Everytime na pupunta kasi ako dito sa bahay nila,
hindi ko nadadatnan ang stepdad niya. Kung magkikita man kami, hindi nagkakaroon ng
chance na makapag-usap kami or makapagkilala.

"Jan, ang ganda mo nga talaga. Kaya pala nagustuhan ka nitong mokong na ito."sabi
ni Tito Erik.

"Pa!"nagtawanan kami at nagkwentuhan ng ilang minuto lang. Umuwi lang pala sila
dahil may kinuha silang mga paperworks.

'Wifey, your handsome, sweet and attractive hubby is calling. Answer me. Kapag di
mo sinagot, pakakasalan kita. Kapag sinagot mo, pakakasalan mo ko. Now, you choose.
Hey, I've been talking and talking right here. Answer the phone wifey. Iloveyou.'

Hinablot ko sa kamay ni Kiejan ang kanina pang nag-aalburotong phone ko.

NAKAKAINIS!

Nung bumalik kami dito sa kwarto niya, narinig niyang nagriring ang phone ko na
nasa kama niya kaya nakipag unahan siya sa akin kuhanin ito at syempre nanalo siya.
Nakuha niya ito at tinapos ang ringtone.

Kami na corny. Eh kasi naman yung ringtone ko dati ayaw ni Nathan kaya sabi niya
siya daw magseset up ng ringtone ko. Buong araw na nasa kanya yung phone ko at yung
phone niya nasa akin din. Palitan ko din daw ang ringtone at iyan ang gusto niyang
ringtone. A message ringtone again. Gusto pa yung mahaba.

"Grabeng ringtone! Ang tamis!"inirapan ko lang si Kiejan at sinabing manahimik siya


dahil nagriring na naman ang phone ko and this time hindi ko na tinapos ang
ringtone.

"H-Hello?"nagdadalawang-isip ako kung anong sasabihin ko sa kanya. Alam ko na kung


anong reaksyon niya kapag ganitong senaryo na pinaabot ko pa sa pangalawang tawag
ang pagsagot ko.

"Eliza you didn't answer my first call. You didn't answer my two messages
also."sabi na eh. Ang kalma ng boses niya pero ramdam ko yung intense ng boses
niya.
"A-Ah.. Ano kasi.. Ganito iyon Hubby."hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil
nagsalita ulit siya.

"Okay Wifey, forget that. I'm not mad kaya wag ka ngang mautal dyan. Just please
tell me, where are you right now?"sobrang maintindihin na naman siya. Agad na naman
niya akong pinatawad. Minsan iniisip ko masyado na atang naging dependent sa akin
si Nathan. Is it a right thing or not?

Nagulat na lang ako ng biglang agawin ni Kiejan ang phone ko. May kung ano siyang
pinindot sa phone ko at nagsalita siya.

"Kasama niya ko Kuya. Hahahaha."ni-loudspeaker niya pala.

"Bastard I don't have time for you. Give the phone back to her."kalmado pero ma-
awtoridad na tono ng boses.

"Easy. Nandito kami sa bahay ko. Sa kwarto ko. Na---"hindi na natapos ni Kiejan ang
sasabihin niya dahil nagsalita na si Nathan.

"You Bastard! I'll kill you don't touch or go near my wifey."at nag-end call na.
Hindi ko alam kung matatawa ako o dapat ba akong kabahan sa sinabi ni Nathan. Kahit
kelan talaga ang init ng ulo ng lalaking iyon!

"Any minute nandito na iyon panigurado."umupo kami sa kama niya at pinagpatuloy ang
pag-aayos ng gamit niya. Nang matapos na kami, hinawakan niya bigla ang kamay ko.

"JL, mag-iingat ka ha? Sabihin mo sa akin kapag sinaktan ka niya. Sasapakin ko


talaga 'yun. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita."tumayo siya bigla at
tumalikod sa akin.

"Ang drama naman lintek."

"Wifey! Bakit ganyan siya? What did you do?"naramdaman kong may humawak ulit sa
kamay ko.

"Natulala ata sa kagwapuhan ko."

"Wifey are you okay?"napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Ngayon ko lang
napagtanto na nandito na pala si Nathan.

"Hubby?"nanlaki ang mata ko dahil nasa harapan ko siya.

"Wifey are you okay?"he asked.

"Oo naman, napagod lang siguro."napakunot naman siya at napatingin ng masama kay
Kiejan. Hinampas ko nga!

"Hey Wifey!"hinawakan niya ang likod niya na nahampas ko.

"Stop it Nathan. Kung anu-ano iniisip mo. Napagod ako sa pag-aayos ng gamit niya."
--+

"KL alis na kami. Baka mabaliw na itong kapatid mo kapag hindi pa kami umalis."sabi
ko habang pasakay na sa kotse ni Nathan.

"KL? No more KL!"sabi ni Nathan. Inirapan ko lang ito at pumasok na ko sa kotse.

"Bye JL! I love you Jlove!"at parang nang-asar pa ito at nagflying kiss pa.

Nang makapasok si Nathan sa kotse, kunwari'y sasagasaan pa niya si Kiejan. Loko-


loko talaga.

"Wifey!"napatigil naman ako sa pagtawa.

"What?"pagpipigil ko.

Kung makikita niyo lang ang mukha ni Nathan habang nagdadrive sigurado matatawa
kayo.

Nakakunot ang noo niya habang namumula ang tenga.


"Tss."

"Uyyyyyy, nagseselos ang Hubby ko."tinusok-tusok ko pa siya sa tagiliran niya kahit


alam kong wala namang epekto.

"Stop it Wifey."hindi pa rin siya tumitingin sa akin."I'm not jealous."

"Hindi pala ah. Alam mo kanina, pumunta kami sa isang restaurant. Kumain kaming
dalawa tapos pumunta kami sa--"nagulat ako nang bigla niyang ihinto ang sasakyan sa
gilid ng daan. Tumingin siya sa akin at inilapit ang sarili.

"Okay I'm jealous. And damn, I missed you so much so just come close and kiss
me."sabi niya. Akala ko ba ako ang lalapit sa kanya eh bakit parang siya ang
lumalapit sa akin?

Nang sobrang lapit na niya sa akin, bigla kong tinakpan ang bibig ko.

"Wifey."umiling ako. Manigas ka dyan.

"Wifey please."umiling ulit ako.

"Damn!"bumalik siya sa posisyon niya at nagdrive ulit. Hindi na siya nagsasalita


pero nakakunot pa din ang noo niya.

"Uuwi na ba tayo?"hindi siya sumasagot. Nagalit na ata.

Gusto ko lang naman siyang asarin eh.

Lumabas siya ng kotse kaya lumabas na din ako. Nasa harap pala kami ng bahay.

"Bakit nandito tayo?"pagbaling ko sa kanya, wala na pala sa tabi ko. Ayun


naglalakad na.

"Nathan hintayin mo nga ako!"nasa harap na kami ng pintuan at nadatnan ko na siya.

Lumapit ako sa kanya at tinignan siya.

"Hub-"

HE KISSED ME!

"I need that."ngumisi siya at nagwink. Oh boy, how did I get a boyfriend that is so
naughty?

"And I want this."he kissed me again. Much longer than the first one.
"What the hell guys? In front of me?"lumayo naman ako kay Nathan at nahihiyang
napatingin sa harapan namin. Nakita ako ni Van-Van na nakikipaghalikan!

"Masanay ka na sakanila Brad!"sumulpot kung saan si Zac."Kung saan-saan naghahasik


ng langgam ang dalawang iyan."

"Kaya kung ako sa'yo, lagi kang magdadala ng panyo para kapag naglalampungan sila,
matatakpan mo ang bibig mo kapag nasusuka ka."sabi naman ni Ren. Kumuha pa nito ang
panyo niya at tinapat sa bibig na parang nasusuka.

"At panyo para takpan ang ilong. Nakakanosebleed kasi minsan ang couple na
iyan."sabi naman ni Charles.

"May pagkacorny kasing taglay itong si Nate. Manang-mana sa mga banat ni Luke!"sabi
naman ni Jin.

"Hoy bata, sinasabi mo bang corny ako?"sabi ni Luke.

"You heard it Luke."sabat naman ni Nathan na nakahawak na pala sa kamay ko.


Chansing din 'to eh.

"Buti pa kami ni M, hindi corny."pagmamalaki naman ni Marco.


"Ang daming segway. Pumasok na nga kayong dalawa."sabi ni Van na natatawa pa.
Pumasok naman kaming dalawa.

"Hubby bakit nandito ang mga asungot na iyan?"sabi ko kay Nathan pabulong.

"Your Mom and Dad invited us."tumango ako. Kakauwi lang nina Mommy kahapon. Bakit
kaya kami pinapunta dito?

"Jan!"tumingin ako sa pababa ng hagdan.

"Mommy!"lumapit ako kay Mommy at yumakap. Ganoon din kay Daddy na kasunod ni Mommy.

"Good Afternoon Mom and Dad."nagmano si Nathan sa mga magulang ko.

--+

"I invited you here because Van's father is here. This serves as his welcome back
party."
In a snap, someone knocked the door.

"He's here."sabi ni Mommy na nakangiti.

Tumayo si Van mula sa pagkakaupo sa sofa at binuksan ang pinto.

Iniluwa ng pintuan ang isang lalaking mid 40's. He has this strong personality I
must say.

"Jasper!"lumapit yung Daddy ata ni Van at nakipaghandshake kay Daddy.

"Ingrid long time no see."nakipagbeso si Tita Veronica kay Mommy.

"Ronaldo, I would like you to meet my children."pinalapit kami ni Daddy sa kanya


kaya sumunod kami.

"Panganay ko, si Jop. My one and only daughter, Jan and my youngest son,
Jin."nagmano kami sa kanila.

"Ang gwapo at ganda naman pala ng mga anak mo! Kaliliit palang nila nang huli ko
silang nakita. Etong si Jin, siya iyong nawala diba?"tumango naman si Daddy.

--+

Mga ilang oras lang din ay nagyayaan na kaming mag-uwian dahil may party pa kaming
pupuntahan mamayang 6.

Despedida Party ni Kiejan.


At nag-uusap din naman sila Daddy eh. Namiss ata ang Bestfriend niyang si Tito
Ronaldo.

"I'll fetch you Wifey around 5:30. Wait for me."tumango ako at hinalikan ko siya sa
pisngi. Tumalikod na ako at papasok na sana sa apartment pero hinila niya ako.

"Not so fast girlfriend."kiniss niya ako sa lips! Ngumisi pa siya at iniwan niya
akong namumula. Lintek na. Kahit kelan talaga hindi na ako nasanay sa mga sweet
gestures ng lalaking iyon.

--+

"Alam niyo bang ang hilig-hilig ni Kuya magskate dati? Kaso nga lang ayaw ng skate
sa kanya." Kanina pa kami tawa ng tawa sa mga sinasabi ni Kiejan.

Yung totoo? Kanino ba talagang pamamaalam ito? Kay Kiejan o Kay Nathan?

"You are laughing too hard."sabi ni Nathan na kanina pa inis na inis sa kapatid
niya. Mas lalo akong natawa sa itsura niyang hindi maintindihan.

"Tss."

Kanina pa nagtatawan ang buong IH7 at pati kami nina Yhanna at Mich even Kuya Jop
and Van are having fun. But there's one girl who I think is not happy at all.
Mukhang ang lalim-lalim ng iniisip ni Ella.

Matagal na rin ang huling pag-uusap namin ng seryoso. Palaging laitan at asaran
lang ang pag-uusap namin.

Gusto kong malaman kung anong nararamdaman niya sa pag-alis ni Kiejan.

Tumayo siya at lumabas ng VIP room. Ako lang ata ang nakapansin dahil lahat sila
nakikinig lang sa mga kwelang sinasabi ni Kiejan.

"Hubby, punta lang ako sa labas."pagpapaalam ko kay Nathan.

"Why? I'll go with you. There are so many crocodiles out there and they might bite
you."natawa naman ako.

"Kung anu-ano sinasabi mo! Pupuntahan ko lang si Ella."mukhang naintindihan naman


niya ang gusto kong iparating kay binitawan niya ang kamay ko.

"I'm warning you. Ella is a brat. She's talking harsh words but she's harmless.
She's nice in her own way."ngumisi pa ito. Lumabas na ako ng room. Si Nathan na daw
ang bahalang magpaliwanag sa kanila kung saan ako pupunta.

Nasaan kaya si Ella?


Hinanap ko siya dito sa loob ng bar pero hindi ko siya makita. Siguro lumabas siya.

Tama nga ang hinala ko. Nakaupo sa isang bench si Ella.

"Can I sit beside you?"tanong ko. Nagulat ata siya sa biglaan kong pagsulpot. Hindi
siya tumitingin sa akin at itinatago niya ang mukha niya.

"Mind your own business, Jan. I'm not in the mood."

Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya. Umupo pa rin ako sa tabi niya at pinagmasdan
siya.

"Kamusta ka?"mukha mang tanga at tanong ko eh tinanong ko pa din.

"As if you care."sabi niya pero hindi parin siya tumitingin sa akin.

"Ella I'm not here to be your enemy or anything. I just want you to voice out your
feelings."hindi pa rin siya tumitingin sa akin."Alam ko si Nathan hindi mahilig
makinig or mag-advice or what but he's concern with you. He told me you were so
different and you never voice out what you really feel. Ella I'm here. Trust me."

Nararamdaman kong nanginginig siya. Now I know, she's crying.

Niyakap ko siya.

"J-Jan I hate myself. I hate myself for being this weak. I hate being numb."yumakap
na siya sa akin. Hinahagod ko lang ang likod niya habang umiiyak siya.

"H-Hinayaan kong mahalin siya ng lubos. I hate being this pathetic. I love him so
much that I'm feeling crazy about it. I thought I can do everything for him to love
me but no, he loves you Jan."

Hinayaan ko siyang i-voice out lahat ng nararamdaman niya. Kumalas siya sa


pagkakayakap sa akin at tumingin sa akin.

"Jan what should I do? Dad called me. He wanted me to go back in Japan. My flight
is also tomorrow. I don't want to leave Kiejan."nagulat ako. Hindi ko alam na
ganito pala ang nararanasan ni Ella. Walang nakwento si Nathan na aalis si Ella.
Siguro hindi rin niya alam. Mukhang sa akin palang niya sinabi.

"Ella give yourself some time. You did a lot of things for Kiejan. You never leave
him. You already gave him love and give now yourself space. Space for everything."

"Ella someone wants to talk to you."napatingin kaming dalawa sa taong nasa harapan
namin. Si Nathan kasama si Kiejan. Narinig ba nila ang pinag-uusapan namin?

Niyakap kong saglit si Ella."Do what you think is the right thing to do."

Tumayo na ako at lumapit kay Nathan. Nakita kong tulala lang si Kiejan kay Ella.

--+
"Sa tingin mo ba tama na hinayaan natin silang mag-usap?"sabi ko habang naglalakad
na kami pabalik sa VIP room.

"It depends with them. If they let everything went wrong then its not the right
thing."bigla akong niyakap ni Nathan. Nasa gitna pala kami ng dance floor.

"What are you doing?"pagtatanong ko.

"Dancing."

"Ang ibig kong sabihin anong ginagawa natin dito? Bakit nagsasayaw tayo?"

"I want to be alone with you."kahit kelan talaga, may problema na pero hindi pa rin
makalimutan ng lalaking ito maging loverboy.

"I like the idea."at yumakap na rin ako sa kanya.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Bye Kiejan! Mamimiss kita- T^T Yung climax, Chapter 35 siguro. HAHAHAHA :D
ATTENTION:

SA MGA GUSTONG MAGING FB OPERATORS NINA KIEJAN, CHARLES, MARCO, REN, AT JOP,
imessage niyo lang po ako and I'll tell you how.

Pabati:

Broccoli, Nichole Valerio, Vanessa Mae Gallego, Karen Eslana, Vencent


Cañete, Lalaine Kei DeLo Santos, Jade Judith Veranda(pinapabati niya sina Cherry
Joy Malabanan, Aira Joy Mondandido, Sarah Dorado at ang Team Perrie, sa section
ni Janna Mae Areza na Acacia Batch 2009, Diane Sinlao Maloloy-on, Dian Corpin, 사천,
Marie Dilig(pabati daw yung PORJAN at ang KLMN, balita ko maganda daw yung friend
nila si K. HAHAHAHA), RegiNe SaLvador Brua , Jesica Mariano Lorete, Catherine Joy
Pornea, Angela Cuachon, Bhec Delizo, Steph Preza, Mark Torres, at Niña Prancesca
Tecson Caparas.

INFINITE

Ms. Kim

=================

[29] What's the Problem?

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
Jan:

Isinarado ko ang pintuan at umupo sa sofa.

Hayyy nakakapagod ang araw na ito!

Tinanggal ko ang sapatos ko at nahiga sa sofa.

Pumunta kami sa farm nina Ren. Hindi ko akalain na ganoon pala talaga kahirap
magtrabaho sa isang farm.

"Sissy matutulog muna ako."antok na antok na umakyat si Yhanna sa hagdan.

"Jan ako din. Hangover pa din. Ang aga kasi nating pumunta sa farm ni Ren eh."sabi
ni Mich na sumunod kay Yhanna.

Hindi ko alam kung bakit bigla kaming napunta sa farm ni Ren. Nagkayayaan ata dahil
hindi pa nakakapunta si Charles.

Kung tutuusin dapat nagpahinga na lang kami sa bahay eh! Lalo na anong oras na din
kaming nakauwi kagabi dahil sa Despedida ni Kiejan.

Kung bakit naman kasi naakit kaming lahat na kumain nung iluluto ng isa sa mga
taga-luto nina Ren. Mailuluto lang daw ang cassava cake kung mangunguha kami ng
kamotengkahoy sa farm nina Ren. Kaya ayun napasabak kami! Wala namang nakakaalam sa
amin na ang hirap pala kumuha nun.

Hindi na sana kami kukuha ang kaso nakita na kami ng magulang ni Ren. Baka sabihin
pagkuha lang ng kamotengkahoy hindi pa namin kaya.

Hindi naman kami nahirapang tatlo nina Mich sa pagkuha nun, napagod kami sa
pagtulong sa pagkayod. Sampo kaming kakain and God knows kung gaano kadami ang
kinayod namin.

Pero in the end kahit naman pagod na pagod kami sulit naman. Ang sarap ng cassava!

Pumunta na din ako sa kwarto ko at nahiga sa kama ko.

Ughh, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Ni hindi na nga nagawang magstay ni Nathan
dito dahil sa sobrang pagod niya. Nagpayabangan pa kasi sa pagkuha ng
kamotengkahoy.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising lang ako dahil sa nag-
aalburotong cellphone ko.

'Don't answer it, it might harm you. Haha! Just kidding wifey. Love you. Kinikilig
ka ano?'

Sinadya kong patapusin ang ringtone ko. Napangiwi na lang ako. Hindi ko
maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinikilig ba ako o natatawa sa mga pinagsasabi ni
Nathan?

Iyan ang ringtone sa lahat ng nasa contacts ko maliban kay Nathan. Maarte yung
lalaking iyon. Gusto daw niya naiiba ang ringtone niya. And hell yes, naiiba nga
ang sa kanya. Ang haba pa nga diba?

Muling nagring ang phone at sinagot ko na agad.

"JL! Bakit ngayon mo lang sinagot?"sabi ni Kiejan. I rolled my eyes.

"Ang OA. Bakit ba?"

"Aalis na ko ngayon. Take care of yourself, okay?"nagulat ako at talagang napaupo


ako.

"KL naman! Bakit ngayon mo lang sinabi? Dapat kanina mo pa ko tinext para hinatid
kita! Where are you now? Nasa airport kana?"napangisi siya. May mga narinig akong
ingay mukhang nasa airport na nga siya.

"JL wag na. Stay where you are. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako sumakay
sa eroplano."sabi niya.
"Sigurado ka?"iyan na lang nagawa kong sabihin alam ko namang hindi na siya
papapigil. Buo na ang desisyon niya.

"Yes. Baka kapag pumunta ka pa dito hindi na ko tumuloy kaya wag na."may narinig na
ako na parang tinatawag na ang mga passengers.

"JL kailangan na naming pumasok sa eroplano. Ingat ka na lang ha? Tandaan mo na


kahit hindi tayo. Kahit hindi na magiging tayo, hindi magbabago ang nararamdaman ko
sayo. You will always have the big part in my life. Mahal na mahal kita. I will
miss you. See you."ewan ko pero tumulo bigla ang mga luha ko. Buti na din pala
hindi ako pumunta sa airport. Makikita pa niya akong umiiyak.

"Take care of yourself, KL. I will never forget all the love, care and sacrifices
you did for me. Kiejan, I may not loved you the way you loved me but I'll be here
for you. Hindi man sa paraan ng pagiging tayo pero nandito ako bilang kaibigan. I
will miss you too. See you."pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko.
Ngumiti ako kahit hindi naman nakikita ng kausap ko. Parang gumaan ang pakiramdam
ko dahil alam kong nagiging matatag si Kiejan kahit wala ako sa piling niya. Alam
kong magpapakatatag siya.

Sa pagbalik ni Kiejan, alam ko, he will be a much better person. Someone will heal
his broken heart. Someone who deserves him.

Bumalik ako sa pagkakahiga. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.

Nagring na naman ang phone ko. Sinagot ko ito without even looking kung sino ang
tumatawag.

"Hello?"

"A-Ah. I just want to say goodbye."muli na naman akong napaupo.

"Ella?"

"Pssh. Yeah. The one and only."ngumiti ako. Pareho talaga sila ni Kiejan. Magaling
magtago ng nararamdaman. Great Pretender. Oh wow, nagsalita ang hindi belong.

"Kamusta kayo ni Kiejan?"tanong ko. Naalala ko bigla yung pag-uusap namin kagabi.

Hindi kasi sila sumabay umuwi sa amin kagabi. Hindi na nga namin sila nahagilap
after namin silang iwan na dalawa.

"We settled things. I told him about my flight. Gusto niyang sumama ako sa kanya sa
kung saan man siya pupunta but I disagreed. I think that's the right thing to do.
We need space and we can't earn it if we are together."mga ilang segundo ang
pagiging tahimik namin.

"Ngayon ka na din ba aalis?"pagtatanong ko.


"Yes, actually nandito na ako sa airport at pagkalipad ng eroplanong ito, susunod
na ang eroplanong sasakyan ko."hindi niya ata alam na ang papaalis na eroplano ay
ang eroplanong sinasakyan ni Kiejan ngayon.

"Ella I'm sorry."napangisi naman siya.

"Don't. Nate will kick me if she saw you saying sorry to me. Jan, honestly thank
you. Thank you for listening with my stupid dramas. I'm such a drama
queen."napangiti ako.

"Take care Ella. Don't hesistate to call or text me if you need something."

"Yeah yeah. Stop acting like you are my mother."napatawa ako. This girl. Magugulat
ka na lang biglang magmamaldita.

"I need to go. Bye. Take care of that snob boyfriend of yours. Tell him my
apologize for not saying goodbye to him."

"I will tell."i-eend call ko na sana pero bigla siyang may pinahabol.

"Thank you for caring, Jan. We're not friends and we're not enemies, think so?
Anyways, I'll go na really. Bye!"at hindi na niya ako hinayaang magsalita.

"Tumawag si Kiejan at tumawag din si Ella. Magkasunod ang flight nila. Guess they
are meant for each other even if they don't know about it."nasabi ko na lang sa
sarili ko. Tumayo na akong tuluyan dahil alam kong kahit anong gawin ko hindi na
ako makakatulog pa. Dumiretso ako sa shower room at naligo muna.
--+

"Jan, may pupuntahan ka ba?"nagulat ako dahil pagkalabas ko ng kwarto siyang


pagpasok naman ni Kuya Jop sa apartment namin. Mukhang seryoso siya. Kasama niya si
Jin.

"Wala naman Kuya, bakit?"lumapit ako sa kanila. Tumingin ako kay Yhanna. Umiling
siya it means hindi din niya alam kung bakit seryoso si Kuya.

"Pinapapunta tayo ni Mommy sa bahay. Kakausapin daw tayo ni Daddy."sabi naman ni


Jin.

--+

"Kuya ano bang nangyayari? Can you guys tell me? Ang tahimik niyong dalawa at hindi
ako sanay! Jin!"lumingon sa akin si Jin. Ako lang kasi ang nasa back seat. Silang
dalawa ni Kuya ang nasa driver's seat.

"Ate sorry hindi ko din alam eh. Hindi kinwento ni Kuya. Basta kanina tumawag si
Mommy sa kanya tapos ayun, sabi niya sa akin magbihis daw ako, pupunta tayo kina
Mommy."

"Jan, Jin, sabi ni Mommy may problema daw. M's having a problem and still I don't
know what it is. Ang sabi lang sa akin ni Mommy pag-uusapan natin."

Ang M's may problema? How? And this is the first time na pinatawag kami ni Daddy
for this. Is it serious? Kasi dati kahit naman may problema, nagagawa pa ding
ayusin nina Daddy kahit hindi niya kami ipatawag or minsan kahit si Kuya lang okay
na but now, kaming tatlo pinatawag niya.

Bumaba kami ng kotse at dumiretso sa office room ni Daddy. Sinabi kasi ng isang
maid namin na nandoon daw ang mommy at daddy namin with some visitors.

Kumatok si Kuya at binuksan niya. Doon nakita namin sina Tito Ronaldo, Tita
Veronica at si Van.

"You're just in time. Take a sit."sabi ni Daddy sa amin.

Ewan ko pero bakit parang kinakabahan ako. Parang may kakaiba.

Umupo ako sa tabi ni Van. Nakatingin siya sa akin. Seryoso siya pero nang makita
niya akong nakatingin, nag-iwas siya agad.
"I will go straight to the point. M's suffering from financial problem."nagulat
ako. Kelan pa nagkaproblema ang M's sa pera? Eh ang pagakakaalam ko malaki ang
pondo ng M's and we are one of the biggest company here in Asia.

"What? Paano nangyari iyon Jasper?"sabi ni Tito Ronaldo.

"Ang sabi ng accountant natin, may mga nawawalang pera daw and its not just a small
amount. We lost 6.5 million."ang laking halaga. Saan napunta iyon? At sino naman
ang gagawa nito?

"Who did it? Hindi kaya may nakapasok sa kumpanya natin at ninakaw ang mga
pera?"sabi ulit ni Tito.

"But Tito, M's money is secured by a lot of securities and surveillance


camera."sabi ni Kuya Jop. Tama naman siya.

Kung meron man isa sa mga kinaganda ang M's, iyon ay dahil secured ito. Puno ng
Cctv ang bawat sulok ng Company at mga well-trained ang mga guards.
"Then who did it?"sabi ni Tito Ronaldo. Sandaling natahimik ang bawat isa sa amin.

"Baka nasa kumpanya?"napatingin kaming lahat kay Jin. Kung tutuusin may point siya.
Siguro isang worker sa company ang nagnakaw at sigurado alam niya ang pasikot-sikot
sa kumpanya.

"Let's hire someone to investigate this."utos ni Daddy.

"I know someone. I'll handle it. For now let's talk about how to solve this
problem."sabi ni Tito Ronaldo. Inayos niya ang salamin niya at uminom ng kape.

"If only we can get back the money we lost!"seryosong sabi ni Daddy. Hinagod ni
Mommy ang likod ni Daddy para pakalmahin ito.

"I can lend some money for M's you know that and even merge with you but you know
the condition, Jasper. Kahit business partners tayo, I can't lend a lot of money if
there's no assurance. It's a must."tumingin si Daddy sa aming tatlo. Bakit parang
kinakabahan ako sa pagtingin ni Daddy sa aming tatlo?

May kinalaman ba sa amin ang rules na iyon?

"Mukhang iyan na lang talaga ang solusyon lalo na't hindi pwedeng malaman ng
publiko ang nangyari. Magbaback out ang mga investors kapag hindi natin nagawang
maibalik ang nawalang pera."Dad said. Sumandal siya sa swivel chair niya at malalim
ang iniisip.

Hindi ko na kaya ito. Gusto kong malaman ang kondisyon na sinasabi nila.

"Pero Dad you know we can't do that. It may affect our relationship with our
kids."sabi ni Mommy. Bakit? Ano ba iyon?

"But that's what I can think of!"

"Ano ba ang kondisyon Dad?"tanong ko.

Nakatingin si Dad sa akin. Seryoso. Parang nagbibigay motibo. Nakakatakot. Parang


hindi ko magugustuhan ang isasagot niya.

Nang magsalita si Daddy. Kinilabutan ako.

Ayoko. Hindi pwede.

Hindi ako papayag sa sinasabi nilang kondisyon.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
AN:

FILLER CHAPTER!

It's better late than never. Hahahaha. Saturday pa din naman kaso gabi nga lang.
Masyado kasing busy-busyhan ang peg ko ngayon.

Ano kaya ang kondisyon na sinasabi ng Tito Ronaldo at Daddy ni Jan?

Papalapit ng papalapit ang climax!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[30] Solution to the Problem.

Follow me on twitter @longlostwriter and join in the fb group if you're a fan of


this story : longlostwriter's stories

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
Jan:

"Ikaw at si Van. You need to get married."

Hindi. Hindi ito maari.

"No!"tanging naisagot ko.

Si Nathan lang ang nasa isip ko habang nandito ako.

Mahal ko si Nathan at siya lang ang tanging nakikita kong lalaki na naghihintay sa
akin habang naglalakad ako sa aisle. Siya lang ang para sa akin.

"Van and I we're just friends."

"But Jan, this is for your family. For the company. At hindi naman naiiba si Van
para sayo. In fact, he's your childhood friend."umiling ako. Tumayo ako at lalabas
na sana.

"Jan! Where are you going?"tumingin ako sa kanila.

"I'll find solution. Kahit ano wag lang ang pagpapakasal ko sa ibang lalaki. I'm
sorry."at tuluyan na kong lumabas sa office ni Daddy.

Sumakay ako ng taxi at tinext ko siya.


Just by thinking of it makes my heart split into pieces.

Kung kelan ayos na ang lahat tsaka naman magkakaroon ulit ng panibagong problema.

Siguro kung hindi ko pa kilala si Nathan papayag ako. Si Van naman ang ipapakasal
sa akin. Katulad ng sinabi ni Daddy, hindi siya naiiba. Alam kong aalagaan niya ko
pero hindi sa panahon na ito. Si Nathan na ang nagmamay-ari sa puso ko. Hindi ko na
kayang ibigay 'to sa iba.

I will fight for us no matter what.

Huminto na ang taxi. Nagbayad ako at bumaba na.

As I expected, nakaupo na siya sa isang table na malapit sa may bintana.

Agad siyang tumingin sa akin at ngumiti.

Eto ba? Etong lalaking ito ang iiwan ko? Eto bang lalaking ito pakakawalan ko?
Hindi. Hinding-hindi.

"Wifey, why?"pagkaupo ko pa lang iyan na ang tinanong niya.

"Let's order. Nagugutom ako Hubby!"pumunta ako sa may counter at nagtingin-tingin


ng bibilhin.
"Ano bang masarap dito?"sabi ko habang nagtitingin sa menu.

"You."This man. Oorder lang magpapakilig pa.

"I want Buffalo wings and Dark Choco Caramel."sabi ko. Tumingin ako sa kanya.
Nagtaas ako ng kanang kilay. Bakit hindi siya nag-oorder?

"Hubby, order na. Anong bang gusto mo?"

"Ikaw. I want you."pinamulahan ako ng pisngi. Nagpout ako at tumingin na lang ulit
sa menu. Alam kong nakatingin sa akin ang cashier at nakakahiya na.

"You're blushing and I like that."nilapit niya ang mukha niya. Nasa may tenga ko na
at ramdam ko ang hininga niya. "Don't pout. Do you want me to kiss you infront of
them?"

Agad kong inayos ang bibig ko. I told you Jan! Don't pout ever again! This man
don't know what he's saying!

"Good. One Onion Rings and Coffee Jelly."

--+
Nakatitig lang sa akin si Nathan habang kumakain.

"Bakit?"tanong ko. Alam kong wala akong dumi sa mukha.

"Are you done eating, Wifey?"tumango ako. Tumayo siya at hinila ako papuntang kotse
niya. Nagtataka ako. Magtatanong sana ako pero hinayaan ko na lang siyang hilahin
ako.

Pinapasok niya ako sa loob ng kotse at ginawa ko naman.

Mga ilang minuto lang din ay nasa Infinite Garden na kami.

"Wifey if there's a problem you can always tell me. Stop goofing around it doesn't
suits you really."umupo ako sa ilalim ng puno. Nakakainis naman. Hindi na ata ako
makapagtago sa kanya.

"Hubby pikit ka."he gave me a weird look."Dali na!"

Bumuntong hininga siya at sumunod na lang sa sinabi ko.

Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. Magkaharap na kaming dalawa ngayon habang
nakaupo dito sa ilalim ng puno.
Ang gwapo niya. Makinis ang mukha. Mapupulang labi.

"Don't tell me you're staring at me."umiling ako.

"I'm not!"pagsisinungaling ko. He smirked. Alam na alam niya na kapag pinapapikit


ko siya, gusto kong titigan siya o gusto ko lang pagmasdan ang mukha niya. Palagi
kong ginagawa ito sa kanya lalo na kapag nabobored ako o kaya man kapag natutulog
siya.

Ewan ko ba pero tuwing pinagmamasdan ko ang mukha niya nagiging masaya ako. Parang
lahat ng problema nagiging magaan para sa akin.

"Wifey?"bubuksan na sana niya ang mata niya pero tinakpan ko ito gamit ang mga
kamay ko.

Ang drama ko naman. Hindi naman ganoon ka big deal ang sasabihin ko dahil hindi pa
naman kumpirmado ang lahat. Dahil hangga't hindi ako pumapayag, wala silang
magagawa.

At wala na silang magagawa dahil kahit kelan hindi ako papayag. Hindi naman
palaging pagpapakasal sa lalaking hindi mo gusto ang palaging dapat na sagot sa
lahat ng problemang ganito diba?

"Nathan, imagine this is your special day you are---"

"What are you doing?"sabi niya.


"Patapusin mo muna kasi ako. Panira ka talaga Hubby!"sabi ko. Bumelat siya sa akin.

"Uulitin ko ha?"kinuha niya ang kamay ko na nakatakip sa mata niya at hinawakan na


lang niya

"Imagine this is your special day, you are wearing a very beautiful black suit and
waiting with you is your best buddy. You are waiting for this girl of your life.
Tell me hubby, sino ang nakikita mong naglalakad sa aisle at ang babaeng hinihintay
mo?"

"Do you need to ask that?"rinig ko ang iritasyon sa tono ng pananalita niya.

"Just answer it."

"You know the answer."

"I want you to tell it personally."minulat niya ang mga mata niya. Hindi ko na siya
pinigilan. Gusto ko din namang marinig ang sasabihin niya straight from his eyes.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"You are the only one I can imagine that I will marry. I want to wake up each
morning with you by my side sleeping in my arms. I want us to have mini Nathan and
Eliza. I want to be with you for the rest of our lives. I can't wait to see us
someday still holding each other hands."

Ito lang ang tanging sagot na hinihintay ko para manatili pa rin akong lumaban.

"Wifey why did you asked that kind of question? Ano bang napag-usapan niyo sa bahay
niyo?"mukhang pumunta na siya sa apartment kanina nung wala ako. Naikwento na
siguro ni Yhanna ang tungkol sa pagpunta namin sa bahay.

"M's lost a lot of money."shock was written all over his face. Katulad ko, hindi
rin siya makapaniwala.

"How did that happenned?"

"Hindi din namin alam. Wala pang nakakaalam."nagulat ako ng biglaan nanlaki ang
mata niya at napayuko.

"Wifey are you the answer to the problem?"mukhang alam na niya ang gusto kong
iparating. Hindi na ko sumagot. Alam ko namang alam na niya talaga.

"To whom?"

"It doesn't matter Nathan. I don't want to be married to anyone else except
you."umayos siya ng upo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"I know. I know. We will fight our love. We will survive this. Money can't win over
us. Our love is stronger than money. I love you, Wifey. We will find other solution
to the problem. I won't let anyone to be with you unless it's me."niyakap ko siya.
"Mahal na mahal kita. I want to be with you. I don't want them because I want you.
I need you Hubby."

"Let's get married."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

OHMYNATHANNUILEE! KASALAN NA BA? HAHAHAHAHAHA. MADAMING NAGREREACT SA INYO NA, HALA


IKAKASAL SI JAN SA IBA? WAAAAAAAAH I'M GONNA DIE! CHAROT HAHAHA. SA TINGIN NIYO BA
HAHAYAANG MANGYARI IYON NI NATHAN?

Masosolve na ba talaga ang problema? O nagsisimula pa lang ang lahat?

Napaaga ang pag-update ko. HAHAHA. Naexcite ako sa kwento eh. XD


INFINITE

Ms. Kim

=================

[31] God brought Us Together.

Ask me anything: ask.fm/MskimWP

Jan:

8 months later

Nag-aalburoto na naman ang phone ko. Kanina pa paulit-ulit ang sinasabi ni Nathan
sa ringtone ko. Kinuha ko ang phone ko kahit nakapikit pa ako.

"Wifey, don't tell me you're late for our day?"

Napabalikwas ako ng bangon. Anong oras na ba?

Omg. 10:34 a.m. na. Malelate na ko! 11 magsisimula ang--

"Wifey kagigising mo lang ba?"halata sa boses niyang naiinip na siya. Nako naman
bakit ngayon pa ko nalate ng gising.

"Ah h-hubby. Papunta na ko! J-Just give me 30-- no make it one hour! I'll be
there."sabi ko sa kanya habang natatarantang kinuha ang towel ko.

Bakit walang nanggising sa akin?

Seriously hinayaan ba nilang malate ako?

"Okay Wifey. I'm waiting for you here. Don't panic everything will be okay. I love
you."nag-end call na.

"Jan? Tapos ka na ba? Jaaaaaaaaaan!"binuksan ko ng natataranta ang pintuan.


"Sissy hindi ka pa din bihis? Omygosh we're so late! Maligo kana!"nakita ko si Mich
at Yhanna na nakabihis na. Ayos na ayos na sila.

"Bakit hindi niyo ko ginising?"sabi ko habang kinukuha ang aking espesyal na


susuotin para sa espesyal na araw namin.

"Di ba nga napagdesisyunan mo na ikaw na lang ang magmemake up kaya akala namin
habang nagpapamake up kami sa labas eh tapos ka ng magmake up t
magbihis."pagdadahilan ni Mich. Natuto na kasi akong magmake up and I love how I
fix my face. Simple but with Elegance.

"Pero malelate na ko! Nandyan pa ba ang make up artist?"tumango sila. Sinabi kong
maliligo lang ako at magpapamake up na ko. No choice kailangan ko ng mabilis
magmake up at hindi ako iyon. I'm not a professional.

Mga ilang minuto din ang inabot bago ako matapos ayusan.

We need to go there in just 20 minutes.

"Jan dahan-dahan ka lang baka matapakan mo ang gown mo!"tinulungan nila akong
dalhin ang gown ko papasok ng kotse. Knowing I'm not into this gowns.

"Bakit ngayon lang kayo?"nakasuot na din si Marco ng black tux. Gwapong-gwapo


ngayon.

"I'll share it later, M. But right now please let's be there faster."

--+

Naghihintay si Nathan.

He's so handsome wearing his black tuxedo. I mouthed sorry and he smiled. I smiled
back.

Tumutunog na ang musika ng simbahan.

Kinakabahan ako. Paano kung matapilok ako? What if I make a scene? What if pangit
pala ang ayos ko?

"Jan just wear your nice smile and be confident. You are so beautiful."ngumiti ako
sa sinabi ni Luke at ng kapartner niya na si Yhanna.
I breathed heavily and started walking.

It's so magical. All throughout the walk I've been glued by the stares of him.
Ohgeez, habang papalapit siya ng papalapit mas lalo siyang gumagwapo.

I stopped in front of him.

"You look really beautiful my lady."ngumiti ako at alam ko pinamulahan ako ng


pisngi.

Umupo na kami katulad ng inutos ng pari.

I take a peek on him and oh, he's peeking on me too.

Bakit ba kasi ang mga abay na babae nakahiwalay sa mga lalaki?

Gustong-gusto kong tumabi sa kanya. But I can't. Nakakahiya kung lalapit ako sa
kanya.

Ikakasal si Kisha(yung nag-interview sa amin dati. President of our funny fans club
thing.) with a boy named Michael. Michael and the IH7 are friends before Michael
studied abroad. Nakasama daw kasi nila ito dati sa isang Basketball Game hanggang
sa palagi na silang naglalaro ng basketball.

Kaya naman naging Best Man si Nathan ni Michael ay dahil si Nathan ang naging way
para makapagpropose ito kay Kisha. Siya ang kumanta nung nagkaroon ng biglaang
proposal si Michael sa bar ni Jin. It was very unexpected.

Nagpunta kasi kami nung minsan sa bar ni Jin at nakita namin doon si Michael with
Kisha.

Nagcr si Kisha with Yhanna kaya nagkaroon ng chance ang IH7 na usisain si Michael
about him and her Kisha.

Nakwento nito na balak na niyang magpropose pero hindi alam kung kelan. May mga
reasons siya kung bakit 21 palang sila, inaaya na niya si Kisha and it is something
private that we can't invade. Sakto naman na dala niya ang singsing kaya sinabi ng
IH7 na that time na siya magpropose and everthing happenned. At yes, napilit nila
na si Nathan ang kumanta ng theme song nina Michael for them even though it turned
out na after kumanta ni Nathan eh para sa akin niya denedicate. But still, Kisha
and Michael will get married now.
And look how playful Cupid is. Kasabay pa ng kasal ang Anniversary namin ni Nathan.

Napangiti ako unconsciously.

1 year na kami. 1 year but still nagbago man ang nararamdaman ko sa kanya, nagbago
ito in a way na mas lalo ko siyang minahal.

Kahit nakakainis siya dahil talagang hindi pa siya pumayag na may kapartner ako
ngayon. Ako lang ata ang walang kapartner sa amin. Nakakainis talaga yun.

"You may now kiss the bride."nagulat ako dahil kissing scene na pala. Ilang oras
akong tulala?

Pinatawag na kaming mga abay to take a picture with the newly wed couple.

"Pare nakatali ka na!"sabi ni Ren dito at pakunwari'y sinasakal pa ito.

"Kung sa kanya naman ayos lang."ngiting-ngiti na sabi nito.

Influence of Love nga naman.

"Wifey, we're in a church right now."he said while hugging me from the back. "We
can ask the priest to make you Mrs. Lee right now."

Kinurot ko siya sa tagiliran niya.

Simula nung araw na sinabi niya na magpakasal kami hindi na niya ako tinigilan sa
panunukso na magpakasal na kami. Nagugustuhan daw niya ang reaksyon ko sa tuwing
sinasabi niya ang tungkol sa kasal.

"Sinong gustong sumunod?"sabi naman ni Kisha. Nasa reception na kami at ihahagis na


ang bouquet.

Nang ibinato niya ito sa isang babaeng hindi ko kilala tumungo ang bulaklak.
Namilog talaga ang mata nito at hindi makapaniwalang sa kanya napunta. Hindi naman
kasi siya kasama sa mga nag-aagawan ng bulaklak at napadaan lang naman siya sa
kumpol namin pero sa kanya napunta ito.

Mukhang pinapunta siya ng butihing kapatid ko dito ah.


"Alyzza ikaw nakakuha ng bulaklak?"sabi ni Jin na hindi rin makapaniwala.

"Macky Jino siya ba?"sabi naman ni Luke habang ngiting-ngiti na nakaakbay sa


kapatid ko.

Napalapit na din kami nina Yhanna sa kanila dahil ang mga lalaki na ang susunod
kaya umalis na din si Luke at nakigulo sa pagkuha ng garter.

"Ate kayo muna ang bahala sa kanya. Mamaya ko na siya ipapakilala sa inyo."sabi
nito habang nakigulo na din sa pagkuha.

Mukhang determinado siya na dapat siya ang makuha ng garter.

"Ang swerte mo naman ikaw ang nakakuha ng flower!"sabi ni Yhanna dito. Ngumiti ng
pilit ang babae.

"G-Gusto niyo po ba sa inyo na lang?"sabi nito at inaabot pa kay Yhanna.

"Nako hindi! Ikaw ang nakakuha kaya ikaw ang dapat talaga dyan!"

"Yes! Ako ang nakakuha ng garter!"napatingin kami sa mga boys.

Si Jin ang nakakuha.

"Aba mukhang match made in heaven ah!"sabi ni Michael at natatawa pa dahil sa


reaksyon ni Jin.

"Kilig na kilig ah!"sabi naman ni Zac.

"H-Ha? H-Hindi ah! Natutuwa lang ako dahil ako ang nakakuha. May p-pustahan kasi
kami ni Ren na dapat isa sa amin makakuha nitong garter."pagdadahilan ng kapatid ko
kahit halata namang namumula na siya.

"Pre meron ba?"sabi naman ni Ren. Inakbayan na lang ito ni Jin at medyo sinasakal
pa sa pagkakaakbay.

"Oo meron. Nakalimutan mo lang."napakamot nalang ito sa ulo sa sinabi ni Jin.


"Pakilala mo na boy!"pagkaupo namin sa malaking round table, sila Jin na ang
pinagkakaguluhan.

"Alyzza Mayrel, kaibigan ko from St. Claire College."ngumiti naman sa amin yung
babae. Maganda siya at kung titignan silang dalawa ng kapatid ko, bagay sila.

"Kaibigan o Ka-ibigan? Ang slow naman ng progress!"sabi naman ni Luke.

"Matanda ka na Jin! Nagkakalovelife na."panunukso naman ni Charles.

"Na-impluwensyahan na din ng pag-ibig ang ating pinakabata!"sabi namin ni Zac at


inapiran pa niya si Marco.

"Bro! Siya pala yung dahilan kung bakit lagi kang nagpapaload!"sabi naman ni Kuya
na sumama dito sa kasal dahil lang kay Yhanna. Naging photographer siya ni Yhanna.

St. Claire College is a girl school only. Paano kaya sila nagkakilala ng kapatid
ko? I think I need to talk to him later.

"Wala akong gusto sa kanya no!"sabi nito habang namumula ang mukha ng kapatid ko.
Ang hilig ata niyang pamulahan ng mukha? Someone's inlove.
"Makapagsalita 'to! Tanungin mo muna ako kung gusto kita!"sabi naman nung Alyzza.

"LQ agad?"natatawang sabi ni Marco. Binalingan naman nilang dalawa si Marco.

"HINDI KAMI LQ!"sabi nilang dalawa rito. Sabay na sabay pa.

"Easy! Kalma lang."nakataas pa ang kamay ni Marco habang sinasabi iyan. Napailing
na lang ako.

"Hubby bakit hindi ka sumama sa mga nag-agawan ng garter kanina?"sabi ko sa kanya


habang nanunuod kami kina Jin na naglalagay na ng garter sa babaeng si Alyzza
Mayrel.

"Why would I? Alam ko namang hindi ikaw ang kapartner ko doon."ang sweet-sweet
talaga ng boyfriend ko.

"Let's go?"kinuha niya ang kamay ko at pinipilit akong tumayo. Kami na lang kasi
ang nakaupo dito sa table namin dahil halos lahat sila nakikigulo doon kina Jin.

"Saan tayo pupunta?"tanong ko sa kanya.

"Too much question, wifey. Don't you want to celebrate?"sabi niya. Napangiti ako at
tumayo ng tuluyan.
After kasi ng first month namin, hindi na kami nagcecelebrate ng monthsary. For us,
first month and anniversaries our the important days. Iyon ang mga nararapat na
icelebrate.

Sumakay kami sa kotse niya. Hindi na kami nagpaalam sa mga kaibigan namin. Baka daw
sumama pa sa amin kapag nagpaalam pa kami.

"Where are we going? Saan tayo magcecelebrate?"magkahawak pa din kami ng kamay.


Saglit siyang tumingin sa akin at ngumiti.

"Where God brought us together."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Readers, si Kisha siya yung nag-interview dati kina Jan(MCB:SPECIAL UPDATE) Kim ang
pangalan dati pero iniiba ko na. HAHAHA.

HAPPY ANNIVERSARY MCB! GRABE ONE YEAR NA DIN ANG MCB AT 3MILLION NA DIN ANG
READERS! WOW *O*

Oh ano? Hahahaha. Disappointed ba kayo dahil hindi ang Nuiza ang kinasal? SARREH.
Minsan kung anong hindi mo inaasahan, iyon pa ang mangyayari.

1 year na sila. How great it is! Naka-survive si Jan sa kasungitan ni Nate!

GUSTO NIYO BANG MAKAUSAP ANG MGA CHARACTERS? ITWEET NIYO LANG SILA! MABABAIT YAN
(except Nathan Nui Lee! HAHAHAHA)

Here's our twitter usernames:


Me: @longlostwriterNathan: @NathanTheAlphaEliza: @JanasaurusMCBRen:
@renrenpogi143Ella: @AllestrwbrryJin: @jinosaurousCharles: @CharlessimplymeLuke:
@LukeIntoMyEyeJop: @cutiejopZac: @zaczacan_NgPogi

INFINITE

Ms. Kim

=================

[32] Gift a Nathan Nui Lee could Give

ATTENTION:

Kung hanggang 'hugging' part lang yung nabasa niyo sa last chapter, balik ulit kayo
doon. Kasi kung hanggang doon lang ang nabasa ninyo, ibig sabihin hindi kumpleto
ang nabasa niyo. but don't worry naedit ko na siya. Nabura kasi. Anyways, kung
hanggang Author's Note ang nabasa ninyo, you can proceed. Enjoy!

Ask me anything: ask.fm/MskimWP

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jan:

"So this is where God brought us together?"nakangiting sabi ko. Hinawakan naman
niya ang kamay ko at dinala sa ilalim ng puno.
"Yup. Why? Isn't it? This is where we became official and I know that's because of
Him."naglatag siya ng blanket at yung basket na puno ng mga pagkain namin.

Pinaghandaan niya ang anniversary namin.

It's too flattering when you're boyfriend never fails you to amuse. It's like he's
courting me everyday.

This is a simple effort, yes. It's just a picnic but who cares? That's not really
important. What important is we're together. We're sharing this relationship.

Love is not about material things, it's about the effort. It's about love that
never fails. It's magical and wonderful.

Nilabas niya ang mga tupperware na nasa picnic basket.


"Pork Steak, Adobo and Chicken Curry?"tanong ko. Tumango naman siya at binuksan ang
tupperware.

"I'm glad you recognized it."natatawang sabi niya.

"Ikaw ba nagluto nito Hubby?"tumango siya. Natulala na lang ako bigla sa kanya.

"Don't expect too much. I'm not a pro in cooking. I don't know if it's pretty
delicious or not but I want to cook for you because everytime I'm in your apartment
or you're in my condo, you always cooked for me."napangiti ako at hinawakan ang
kamay niya.

"Everything you cook will always be delicious for me. Hindi ko in-expect ito,
hubby. I never thought you will cook for me. I know how frustrated you are when I'm
teaching you how to cook and now you even cooked a lot."makakapagluto na naman pala
siya. Bakit nung tinuturuan ko siya hindi man lang magbigay ng interes ang lagi
niyang dahilan kapag naman daw bumuo na kami ng pamilya, siguradong ako lang ang
magluluto dahil hindi daw niya gustong matikan ng magiging anak namin ang luto nya.
Ang sabihin niya tamad lang siya. Pssh
"If it's not delicious you will always have the second choice."napakunot noo ako at
napatigil sa pagkuha ng pagkain. Second choice?

Nilapit niya ang mukha niya sa akin akala ko hahalikan na naman niya ako pero hindi
nagstop lang siya sa harap ng mukha ko.

"You can eat me instead."nanlaki ang mata ko at muntik ko pang mabato sa kanya ang
plato na hawak ko. Nilayo ko siya sa akin gamit ang kanang kamay ko.

"Kadiri ka!"natatawa siyang tinulungan akong manguha ng ulam. Kahit kelan hindi na
nawala ang pagiging naughty niya!

Nagsimula na akong kumain. Una kong tinikman ang Chicken Curry, knowing it's my
favorite after Sisig.

"What does it taste? Is it salty? Wifey you can just eat the sisig that Zac and her
Mother gave me. If you want I--"sinubuan ko siya ng chicken curry at ng kanin.

"Calm down, Hubby. You're too harsh in yourself. It tastes good."ngumuya siya ng
ngumuya at mukhang kumalma na siya dahil natikman na niya ang luto niya. Masarap
naman kasi talaga. It's not that very delicious but it's a very nice starting for a
beginner like him.

"But it will taste even more better if I eat it like this."tumingin ako sa kanya at
nagulat sa ginawa niya. He kissed me!

Napatakip tuloy ako ng bibig. I didn't expect that!

"Hubby!"
"What? It's better to eat it using your lips. It's delicious. Do you want to try it
with mine."ngumuso pa siya sa akin para ako naman ang humalik sa kanya.

It's very tempting but Jan, get a hold of yourself! He's teasing you and if you let
him do that, for sure hindi ka na niya titigilan! Forever ka na niyang tutuksuhin
tungkol doon.

"Sarap naman ng niluto mo lalo na itong Adobo!"sabi ko habang itinutuon na lang sa


kinakain ko ang kamalayan ko.

"But I'm even more delicious than th-!"hinampas ko siya at swear, hiyang-hiya na ko
sa sinasabi niya.

"Kumain ka na nga lang ng kumain dyan!"he chuckled. Nagegets niya siguro na


naiilang na ko sa ginagawa niya. Sadyang mapang-inis talaga. Kung anu-ano pa ang
sinabi hindi na nahiya.
"Where do you think we can set our honeymoon?"sabi niya habang kumakain."Boracay?
New York? Paris? Or in my bed?"

Hinampas ko ulit siya. Tawa naman siya ng tawa sa itsura ko.

He's in his playful side again. Hindi naman sa ayaw ko pero masyado akong nalulunod
sa pagiging sweet niya plus having him as my boyfriend is still processing in my
mind. Oo, one year na kami pero hindi ko pa rin maiwasan na matulala minsan at
mapaisip na 'Wow! Kami na talaga.'

Nagligpit na kami ng pinagkainan. Halos naubos din namin ang hinanda niya dahil
kanina pa kami nagugutom lalo na ako hindi ako nag-almusal at hindi rin namin
nagawang kumain sa reception.

"Happy Anniversary."hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin mula sa likod.

"Happy Anniversary Hubby. Thank you sa gift mo. Ay teka lang may gift din ako
sa'yo."tumayo ako at pumunta sa kotse niya. Kanina ko pa tinatago doon yung regalo
ko sa kanya.
"How did you hide it in my car?"ngumiti ako sa kanya at inabot ang paper bag.

"I have my ways and I have IH7."nagsmirk siya at pinabalik ako sa usual position
ko. Sa harap niya at kayakap ulit ako. Yung dalawang kamay niya nasa harap ko
habang nakayakap sa akin. Kaya binubuksan niya ang gift ko sa harap ko.

"Wow."tuluyan na niyang tinanggal sa paperbag ang regalo ko sa kanya. It's a mini


sculpture of us. Parang mini-standee. Yung body hindi talaga kagaya ng body namin.
Syempre maliit lang at parang pinacute. Nakared dress ang standee ko at may hawak
na flower. Yung standee naman ni Nathan ay naka-black polo shirt at may gitarang
hawak.

"This is our--"

"Yes."mukhang nalaman niya kung anong meron sa standee na ibinigay ko sa kanya.


Yung suot namin, yung hawak kong bulaklak at ang gitarang hawak niya. Iyun ang ilan
sa mga bagay na nakasaksi sa pagkakabalikan namin. Iyon agad ang naisip kong itsura
ng magiging standee namin.
"Thank you, wifey."hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin.

"Wifey can you turn around."nagtataka man ako ay humarap ako sa kanya.

"Can you close your eyes?"sabi nito.

"Bakit? Anong gagawin mo? Ikaw umayos ka Nathan!"nagsmirk siya at siya na mismo ang
nagsarado ng mga mata ko.

"Don't open your eyes unless your feelings tell you to do so."hinayaan ko na lang
sarado ang mga mata ko. Naramdaman ko ang mga kamay ni Nathan na hinawakan ang
dalawang kamay ko.

Matagal na katahimikan ang bumalot sa amin.


"Hubby, don't tell me pati ikaw ginagaya na ang style ko?"natatawang sabi ko. Diba
ako ang nagpauso ng papapikitin siya tapos pagmamasdan ang mukha niya. Mukhang
ginagawa din niya eh.

Pero mukhang wala siyang narinig. Tinanggal niya yung kamay niya sa isang kamay ko.
Bali ang kaliwang kamay ko at sa tingin ko'y kanang kamay na lang niya ang
magkahawak.

"Eliza, imagine this is your special day you are---"

"Teka, I think what you're saying sounds familiar. Di ba sinabi ko na 'yan dati?"

"Yeah and hey, I did that also. Nagsalita ka then I interrupt. How wonderful is
that. Oh wait, don't interrupt me!"kung nakatingin lang ako sa kanya ngayon,
paniguradong nairapan ko na siya.

"So like what I've said, imagine that this is your special day, well probably this
is really your special day, us to be exactly but more than special where you wear a
gown, uhh, yeah, you're really wearing a gown."hindi ko na kaya. Iinterrupt na
talaga ako.
"My wedding day. I got it Nathan. You want me to imagine this as my wedding
day."nagsmirk siya.

"Good. You really is a smart woman. And I love that. I love you."napangiti ako.

"Anyways, did you already imagined it?"tumango na lang ako.

"Can you see me waiting for you?"

"Tinatanong mo ba talaga 'yan?"tonong naiirita ako.

"Answer it."
"Yes I can see you. Just you. No one else."naramdaman kong pinisil niya ang kamay
ko.

"But I can't see it. I can't see myself waiting for you there."nawala bigla ang
ngiti ko. Anong sinasabi niya? "I can't be there unless you say so."

Alam ko eto na ang time para buksan ko ang mga mata ko. Ewan ko pero nararamdaman
kong eto ang sinasabi ni Nathan na feeling.

At hindi nga ako nagkakamali.

Hawak niya sa kaliwang kamay niya ang isang bagay na magpapabago sa buhay naming
dalawa.

"You know I can give you choices. I'm not that selfish to just give you two
answers, yes or no. We're not normal couple. We're different. We're special so I
just don't wanna ask the same question that almost all men are asking."
"This is my choices for you. Three choices."ngumiti siya saglit at hinagkan ang
kamay ko.

"You will be my wife or I will be your husband but you can choose the third one, we
will create a happy family. You choose."

"Tatawa na ba ko Hubby? Eh halos magkakaparehas ang kakahinatnan ko sa mga choices


e! Ikakasal pa din ako sayo!"he giggled.

"Because I will not let you to say no. Now choose, wifey. I'm in my calming self
but tell you what, I'm so nervous even though you will not say no."

Kinakabahan pa din pala siya? Akala ko kalmadong-kalmado siya na papayag talaga


ako.

"What if hindi ako pipili sa choices na binigay mo?"


"What if there's no what ifs?"napangisi ako.

Alam na alam niyang wala na itong atrasan. Alam niyang sa kanya ako magpapakasal.
Mabuti na lang hindi ako nagpadala sa problema dati ng pamilya ko.

Ang pagkakaalam ko, after kong magwalk-out nung sinabi nilang magpapakasal kami ni
Van, napagdesisyunan ni Dad na hindi niya dapat ako ipasok sa problema ng kumpanya.
Nagdesisyon si Dad na humanap pa ng ibang paraan para maibalik ang perang nawala sa
M's and right now, I still don't know kung kamusta na ang kumpanya. Last time I
asked Kuya Jop about it, sinabi lang niya na makakaahon din ang M's mula sa nawala
nito at gumagawa na sila ng paraan.

"Wow, where can you see a woman spacing out while her boyfriend is
proposing?"inirapan ko na lang siya. Kakayanin ko bang magpakasal sa lalaking
napakasungit na kahit sa pagpopropose, nagsusungit pa din. Guess opposites do
attract.

"And where can you see a man PMS-ing while his girlfriend is spacing out?"he just
gave me a straight look.
We really are special. This proposal is weird but still.....full of love.

"Okay, just please choose wifey."ngumiti ako. Siguro nga kinakabahan siya. Masyado
kasi siyang atat sa isasagot ko. Masyadong excited. Nagpapanic na siya ng hindi
halata.

"I want all of the choices. I want it all. Happy?"isinuot niya ang singsing sa
daliri ko at niyakap ako.

"Beyond happy. Thank you and I love you."he kissed me in my forehead, and in the
tip of my nose.

Lastly, he kissed my lips. As if there is a magic. Parang may mga fireworks.

"I love you so much hubby, you know that. Thank you for this wonderful gift. This
will be the most unforgettable anniversary for us."
"And still there are more anniversaries for us."he kissed me again. Longer than the
first. He held my hand at nakatingin lang siya sa singsing na nakalagay sa daliri
ko. It's an infinity ring with diamonds spreading all over the infinity sign.

"It is perfectly fit to your finger."pinagmasdan ko ang kamay ko. Oo nga, para bang
sinukat ko ito.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya ang pisngi ko. Hindi ko
namalayan na umiiyak na pala ako. Masyado lang siguro akong na-overwhelmed sa lahat
ng nangyayari.

"We are infinite. I love you future Mrs. Nathan Nui Lee."he said. I unconsciouly
smiled at the thought of me being the future wife of him.

"Infinite, future Husband of Joanna Eliza Montenegro."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

OKAY HIHINGA MUNA AKO. HAHAHA.


For sure nagdidiwang na ang mga Nuiza fans dyan. Relax, proposal palang 'yan paano
pa kapag kasalan na? Hahaha. Makapagsalita ako akala mo naman hindi ako nagdeday
dream(kahit madaling araw ko 'to tinatype) na nagpopropose si L sa akin. Haha.
Myungsoo baby. Be mine plizzzz.

Para naman ramdam kong kinilig kayo sa chapter na ito, comment kayo kung anong
masasabi niyo sa chapter na ito. Yung mahaba-haba at yung matutuwa akong basahin.
Okay na yun for inspiration. Hahaha!

So ayan na, papalapit na ng papalapit.

Ilang kembot na lang malapit na din palang mag2M ang readers ng CMCG. Mangyayari
iyon di ba? Kayo pa! Readers can do it :)

Sige na babayush. Hintay ulit kayo sa update, huh? Wag kayong magsasawang
maghintay. Loveyouall!

INFINITE

Ms. Kim

=================

[33] Plans to be Mrs. Lee.

Ask me anything: ask.fm/MskimWP

- - - - - - - -
Jan:

"Omg! Sissy you are engaged?! OMG OMG OMG! Kailangan ko ng i-tweet yan!"kinuha ni
Yhanna ang phone niya at akmang itutweet na nga.

"Oy Yhanna. Wag muna baka magkagulo! Alam mo na, Nuiza fans!"sabi ni Mich. nagpout
naman si Yhanna pero sinunod ang sinabi ni Mich.

"Pare magpapatali ka na din? Anong meron sa pagpapakasal ngayon? Uso ba?"sabi ni


Ren kay Nathan.

Binatukan naman ito ni Zac.

"Pre hindi porket ikakasal na, pagpapatali na agad nasa isip mo. That means na
mahal mo talaga ang babaeng 'yun at magagawa mong magsettle with her at gumawa ng
pamilya. Kung ako ang nasa posisyon ni Nate, gagawin ko din iyon lalo na kung alam
kong siya na talaga ang babaeng mamahalin ko. Bakit pa papatagalin kung doon naman
ang kakahinatnan niyo? Life is short. Kung papatagalin mo pa, baka makaligtaaan mo
lang ang tamang pagkakataon."sabi ni Zac. Natahimik naman kaming lahat sa sinabi ni
Zac.

"Pre anong nakain mo?"sabi ni Luke dito.


"You're too weird to be our leader."sabi ni Nathan. Pati ata siya nadala sa sinabi
ni Zac.

"May pinaghuhugutan ata."sabi ni Charles.

"Eto kasing si Ren lumalabas na naman pagiging hopeless romantic ayan tuloy
lumalabas na din pagiging love expert ko."natatawang sabi na lang ni Zac.

"Utot mo Zac. May nalalaman ka pang love expert dyan akala mo naman may babaeng
pumapatol sa'yo."sabi ni Marco na katabi ni Mich.

"Sabagay, ganyan ang mga love expert. Ang galing-galing mag-advice pero sa sarili
nila minsan hindi ma-apply. At nalimutan niyo na ba? Tandang Zac speaking!"muntik
nang batukan ulit ni Zac si Ren pero nakailag ito.

"Uy anong nangyayari? Share naman!"sabi nang kadadating na si Jin. Ikinwento sa


amin nina Charles na nagpaalam daw si Jin na ihahatid lang daw niya si Alyzza.
Gentleman pala kapatid ko.

"Etong si Zac nagpapakalove expert."sabi ni Ren habang may hawak ng unan mula sa
sofa para ipangharang kay Zac na any minute na lang mababato na niya si Ren ng kung
anu-ano sa mga pinagsasabi nito.
"Love expert? Hahaha. Matanda ka na nga!"sabi ni Jin dito. Makikisali pa ang
kapatid ko. Kelan ba nonormal ang IH7 kapag magkakasama?

"Let's go somewhere. They are too noisy."sabi ni Nathan sa akin.

"Hep hep! Saan kayo pupunta ha?"sabi ni Jin nang makita niyang tumayo kami ni
Nathan.

"Ikaw Nate ha! Kaka-propose mo palang sinosolo mo na agad si Jan. Hoy Jan! Tiis-
tiis din 'pag may time. Hahaha."hinampas ko nga si Mich. Loko 'tong babaeng 'to
kung anu-ano sinasabi.

"Propose? Sinong ikakasal?"napatingin kaming lahat sa lalaking kapapasok lang sa


bahay.

"Honey ko!"lumapit si Yhanna kay Kuya."Bakit dumiretso ka sa apartment niyo?"

"Kinausap ko lang si Dad about M's."nakatingin lang sa akin si Kuya. Bakit ganito
naman makatingin 'to? May problema ba si Kuya?"Sinong ikakasal?"

"Ah Kuya si Ate Jan at Nate ikakasal."si Jin na ang sumagot para sa akin.

"Magkakaroon ka na ng brother-in-law Joppy!"masayang sabi ni Yhanna kay Kuya. I


don't think Kuya is happy about this. Bakit naman kaya?

"Oh..."

Nagkaroon ng konting pagsasalo sa apartment namin. Nagluto ng makakain si Manang.

"Kelan niyo pala balak magpakasal?"tanong ni Charles. Tinignan ko si Nathan. Hindi


ko alam ang isasagot ko dahil wala pa naman kaming napag-uusapan tungkol sa kasal
na mangyayari.

"We haven't talked about it."sabi ni Nathan.

"Grabe naunahan mo pa si Tandang Zac. Kawawang tanda."sabi ni Marco kay Zac.

"Kawawang Tanda. Forever na lang matanda. Magiging matandang binata."sabi ni Luke.

"Hindi naman dahil na-"tinakpan na ni Ren ang bibig ni Zac bago pa niya matapos ang
sinasabi niya.
"Tama na tanda. Kung anu-ano na nanaman ang sasabihing mong word of wisdom."

Nagtatawanan at nagkakaasaran kami dito pero hindi ko maalis ang tingin kay Kuya na
nasa Terrace mag-isa.

Dahil busy naman ang lahat sa pang-aasar kay Zac at papanunuod ng movie, tumayo
muna ako at nagbabalak puntahan si Kuya.

Nagulat ako ng hawakan ni Nathan ang kamay ko at nakatayo na din siya.

"Where are you going, wifey?"naramdaman niya palang aalis ako.

"Puntahan ko lang si Kuya."tumingin siya sa terrace at nakita si Kuyang nakasandal


sa may pader habang umiinom ng juice.

"Do you want me to come with you? I'm your fiancé. I should be the one to explain
this to him."nginitian ko si Nathan at hinawakan ang pisngi niya.

"It's okay, hubby. I can handle this. Mas maganda siguro kung ako muna ang kumausap
kay Kuya. Na-shock lang siguro siya sa mga pangyayari."mabilis niya akong hinalikan
sa forehead ko at binitawan na ang kamay ko.
"Call me if you ever need my help."tumango ako.

Ewan ko pero kinakabahan ako habang papunta akong terrace. Ngayon lang kami nag-
usap ni Kuya about sa mga ganito.

Pagkadating ko agad sa terrace, naramdaman na ni Kuya ang presensya ko.

"Kuya?"

"Yes baby?"

"Kuya! Hindi na ko baby."nagsmirk si Kuya at napatingin sa malayo.

"Oh I forgot you're no longer my baby."nakangiting banggit niya pero parang may
mali.

"Kuya galit ka ba?"lumapit ako sa kanya. Tumingin siya sa akin at inakbayan ako.
"I'm not, baby. Baby pa din kita 'wag na umangal. Hahaha!"yumakap ako kay Kuya
habang nakaakbay siya.

"Kuya sigurado ka ba?"bumuntong hininga si Kuya.

"I don't know, baby. Siguro mixed emotions lang ang nararamdaman ko. Knowing na
syempre kapatid kita at malaman lang na malapit ka ng ikasal nakakalungkot na
masaya. Malungkot dahil alam kong iba na ang tatahakin mong mundo. Hindi na lang
kaming tatlo ni Dad at Jin ang lalaki sa buhay mo. Madadagdagan na kami. Masaya
naman dahil alam ko na ang lalaking papakasalan mo ay ang taong mahal na mahal mo."

"Oh God, baby don't cry! Baka masuntok ako ni Nate!"pinipigilan ko pero wala.
Nakakaiyak naman kasi si Kuya eh.

"Sigurado ka na ba Jan? Do you really want to get married with him?"

Sigurado na nga ba ako? Sigurado na ba akong magpapakasal ako sa taong mahal na


mahal ko?

"Of course Kuya. I'm more than willing to be his wife. Alam mo namang siya na
talaga ang mahal ko diba Kuya?"hinigpitan ni Kuya ang pagkakaabay niya sa akin.

"Oo naman. Alam na alam ko. Hindi naman kita pipigilan."inalis ni Kuya Jop ang mga
tingin niya sa akin at nasa malayo na ulit ito.
Bakit kahit may blessings na ko from Kuya, parang may mali pa din?

"Kuya kamusta na ang M's?"muling bumalik ang tingin niya sa akin. He gave me a weak
smile.

"It's in the process of recovering. Don't worry too much. Kakayanin naman namin
ito....sana."

--+

"See you guys tomorrow!"nagsisakayan na sila sa mga kotse nila. Ewan ko ba sa mga
ito, ang lakas ng trip at pumunta dito sa apartment dala ang kanya-kanyang kotse.

Sumakay na ang lahat maliban kay Nathan.

"Wifey, do you want to go with me? Sleepover in my condo."napabungisngis naman ako


sa sinabi ni Nathan. Kanina pa niya gustong sumama ako sa kanya.

For pete's sake, kanina lang siya nagpropose sa akin!


"Sleepover or honeymoon?"sabi ni Yhanna at halatang kinikilig pa.

"You can say that-Ow!"sabayan ba naman ang pang-aasar ni Yhanna ayan tuloy nahampas
ko.

"Nathan, uwi na. Ano ka ba! Magkikita din tayo tomorrow."he kissed my forehead and
waved goodbye.

"Jan magkwento ka dali! Solo na natin ang apartment!"hinila-hila naman nila ako sa
kwarto ko at naupo kami sa kama.

Nahihiya man akong sabihin pero gustong-gusto kong sabihin sa kanila ang bawat
details ng proposal ni Nathan. I'm so proud that I want to tell everyone about it.

--+

Uwian na. Ang pagkakaalam ko, 30 minutes pa bago matapos ang last class ni Nathan
for this day.

May mga ibang schedule na din kami ni Nathan pero mas marami pa din ang magkaklase
pa din kami.

Hay, busy school days. Ilang weeks na din after kong maging officially engaged.
Alam na ng both parents namin ang tungkol sa balak naming pagpapakasal.
Pumunta muna ako sa cafeteria to buy some sweets. Kanina pa kasi ako nagcecrave.

Buti na lang at wala masyadong nakapila kaya agad akong nakabili ng chocolates at
mineral water. Tinext ko na lang si Nathan na in case na tapos na ang class niya,
dito niya lang ako matatagpuan.

"Jan Jan!"dumako ang atensyon ko kay Van. Nginitian ko siya at umupo sa tabi niya.

"Hi. Kamusta ka?"

"Eto gwapong-gwapo pa din."inirapan ko lang siya. Hindi nagbabago.

"Jan-Jan?"

"Hmm?"

"Yung tungkol sa... Yung marriage."napahinto ako sa pagkain. After kong sabihin kay
Nathan at sa mga kaibigan namin ang tungkol sa pagpapakasal ko kay Van, hindi na
namin pinag-usapan pa ulit ang tungkol doon. At mas lalong hindi din naman namin
pinag-usapan ni Van ang tungkol doon.
Hindi narin kasi kami nakapag-usap ng matagal. Kung mag-uusap man kami dito sa MC,
palaging tungkol sa class lang.

"Van-Van it's okay. Kung sa tingin mo lalayo ako dahil doon, hindi. Never
okay?"napangiti naman siya dahil doon.

"Buti naman. Jan-Jan kahit anong mangyari, sana tatandaan mo na kung ano ang
nararamdaman mo, nararamdaman ko din. Mayroon nga lang iilang bagay na pinagkaiba
natin."

"A-Anong?"he pinched my cheeks and left.

Anong trip ng lalaking ito? Siguro isa sa mga pakulo niya ito sa mga girls.

"Wifey!"nawala ang atensyon ko kay Van na nakaalis na.

Lumapit si Nathan sa akin at kiniss ako sa cheeks.

"Hubby, manahimik ka nga. Kung makasigaw ka naman."bulong ko sa kanya ng makaupo na


siya sa tabi ko.

"Why? I have my rights to do that."


"Rights rights ka pang nalalaman dyan. Nagugutom ka na ba?"

"I'm craving for something."sabi nito habang nakahawak sa parte ng tiyan niya.

"Craving for?"sinenyasan niya akong lumapit sa kanya kaya ginawa ko na. Inilapit
niya ang bibig niya sa tenga ko at nagsalita.

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Tinulak ko agad siya papalayo sa akin. Namumula na
ko.

"I'm craving for you."ano na naman bang nangyayari sa lalaking ito? Kanina lang
nung last class namin na magkaklase kami, ang sungit niya at napaka-isnabero tapos
ngayong after ng class niya, ang playful na naman?

Lord, bakit binigyan niyo ko ng lalaking dinaig pa ang babaeng magmood swings at
lalaking araw-araw PMS?

"Nako, gutom ka na nga. Tara na't kumain sa labas! Wala naman tayong pasok
bukas."hinila ko na siya papuntang parking lot. Kinuha niya yung librong hawak ko
at inakbayan ako.
"I missed you Future Mrs. Lee."bulong nito sa tenga ko. Kinurot ko naman siya sa
tagiliran niya.

"Tigil-tigilan mo ko Mr. Lee."he pinched my cheeks and smiled. Siya na gwapo.


Inaamin ko naman eh.

"Pareng Nate! Jan!"huminto kami sa paglalakad. Lumapit sa amin si Ren na hinihingal


pa.

"Do not disturb."sabi ni Nathan dito. Inirapan ko na lang siya at tinanong kung
bakit niya kami tinatawag.

"Kakain sa labas ang barkada kasama sila Yhans. Sama kayo?"sabi ni Ren sa amin.
Parang gusto kong sumama ah?

"Sam-"

"No."

"Nathan!"

"I said no. Ren tell them we're not coming."tumango na lang si Ren at umalis na.
"Bossy as ever."nauna na kong maglakad sa kanya papuntang parking lot.

Oo mahal ko siya pero minsan nakakapikon pa din siya! Hindi na nawala ang pagiging
bossy niya. Kung hindi bossy, snob naman! Nakakainis!

"Hi Jan!"may lalaking tumawag sa akin. Si Migo pala. Varsity player ng MC. Tourism
Student. Nakilala ko siya dahil pareho kaming may position sa student council.
Naelect ako bilang Secretary. President naman siya. Si Nathan naman Treasurer.

"Hi Migo!"lumapit siya sa akin. Pawisan siya dahil nagkaroon ata ng practice. Pero
kahit ganoon hindi mo maitatanggi na gwapo siya.

"Uwi na?"tanong nito.

"Ah hindi. Kakain sa labas."sabi ko sa kanya at naalalang nasa likod ko nga pala si
Nathan. Hindi seloso si Nathan pero ayaw niyang lumalapit si Migo sa akin. Ewan ko
ba doon sa lalaking 'yon. Ayaw daw niya sa ugali ni Migo. Masyado daw kasing
mapagmataas. Nakaaway kasi siya dati ni Charles dahil Vice President si Charles.
Hindi sila magkasundo ng mga program para sa mga event sa MC.
"Hey Nate nandyan ka pala."tumingin ito sa likod ko.

"Yeah I'm here and I'm with her."sabi nito at lumapit sa akin sabay akbay.

"Woaw! Kakain pala kayo sa labas. Ingat na lang. Bye!"tumakbo na ito at sumabay sa
mga kapwa varsity players niya.

Inalis ko ang kamay ni Nate sa akin.

"Ano ba Nathan!"hawak pa din niya ang dalawang libro ko sa kanang kamay niya
samantalang nasa bulsa naman niya ang kaliwang kamay niya.

"Nathan will you please stop doing that!"


"What am I doing?"inosenteng tanong niya.

"Ewan ko sa'yo!"

"Wifey!"binilisan ko lang lalo ang lakad ko hanggang sa marating ko na ang kotse


niya. Binuksan ko na ito at hindi ko na siya hinintay pang pagbuksan ako.

Wala na din naman siyang nagawa kaya pumasok na din siya sa kotse.

"Are you mad?"

"No I'm not."hindi pa din ako tumitingin sa kanya.

"I just want to be alone with you."he said while driving.


"But I want to be with them also."sabi ko. Hindi na siya sumagot after nun. Hindi
ko na rin siya tinignan pa. Buong byahe sa bintana lang ako nakatingin.

Nahurt ko ata siya. Namiss ko lang naman ang mga kaibigan namin. Knowing that we
have our different schedules, hindi na kami nagkakasama-sama lalo na sina Mich. One
week na kasi akong hindi sa apartment nag-istay. Bumalik kasi sina Dad from Korea
kaya sinusulit namin ang time ng magkakasama. And because of that at pagiging busy
sa school, madalang na lang kaming magkita-kita. Namimiss ko din naman ang mga
kaibigan ko.

At ayoko kapag masyado na siyang nagiging selfish.

Huminto na ang sasakyan sa isang resto. Umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto.

"I'm sorry."bungad niya nang makalabas na ako ng kotse. Hindi na ako nakapagsalita
dahil tinawag ako bigla nina Yhanna.

"Sissy!"niyakap ko silang dalawa.

"Bakit kayo nandito?"tanong ko sa kanila. Nagkatingin naman silang dalawa bago


sumagot.
"Dito tayo kakain. Hindi ba nasabi sa'yo ni Nate?"napakunot noo ako. Diba hindi
pumayag si Nathan? Bakit nandito kami? Baka naman nagkataon lang?

Tatanungin ko sana si Nathan pero pumasok na siya sa loob ng resto. Inaya ko na din
pumasok sina Yhanna at nadatnan namin doon ang buong IH7.

"Hi Jan!"

"Hi Zac."

"Buti naman at naisipan niyong sumama na talaga ni Nate. Sabi nitong si Ren gusto
ka daw masolo ni Nate kanina eh."sabi ni Zac sa akin. Tumingin ako kay Nathan.
Nakayuko lang siya at nakasalpak ang earphones niya.

"Ahhh. Order na tayo guys. Nagugutom na ko."

Umorder na kami ng kanya-kanyang kakainin. Katabi ko si Nathan pero hindi ko siya


maramdaman. Nagtatampo 'to sigurado ako.

Kapag kasi napipikon ko siya o nag-aaway kami, nakatahimik lang siyang ganyan lalo
na kung kasalanan ko.

Hindi man halata pero nag-aaway din kami ni Nathan. Madalas. Hindi kami
nagkakaunawaan paminsan. Nagkakapikunan. May mga oras na nagseselos ako tapos
magagalit ako sa kanya dahil siya hindi siya nagseselos kapag may kasama akong
ibang lalaki. Kapag hindi agad nagrereply at kapag hindi sinasagot ang phone. At
ngayon eto, nag-aaway kami. Kasalanan ko pa.
Bakit kasi ganito kapag may period ang babae? PMS? Psssssh.

"Hindi ko na kaya!"nahinto kami sa pagkain ng biglang sumigaw si Marco.

"Bakit pangit?"sabi ni Charles.

"Gags. Pangit ka dyan gwapo kong 'to."sabi ni Marco. Hinampas naman siya ni
Charlesz

"Mahiya ka nga sa sinasabi mo!"

"Bakit naman ako mahihiya? Dapat nga maging proud pa ako eh! Itong mukhang ito ang
dahilan kung bakit nahuhumaling si M sa akin-Ow! Joke lang M! Joke lang
talaga!"kinurot kasi siya agad ni Mich.

"Uy bantot ano na? Anong hindi mo na kaya?"sabi ni Luke.

"Ay sorry. Eto kasing si Charles ang gulo! Nainvolve pa kagwapuhan ko."sabi ni
Marco at hinawakan pa pisngi niya.
"Yung mukha mo ang magulo hindi ako."sabi naman ni Charles at sumubo na ulit ng
pagkain niya.

"Itigil niyo na nga 'yan. Makapag-away eh pareho lang naman kayo. Parehong pangit!
Hahaha."tawang sabi ni Zac.

"Hay nako nawala na naman sa totoong topic. Kung tinanggap niyo na lang sa mga
sarili niyo na ako ang gwapo edi sana wala na kayong pinoproblema dyan."pagsingit
ng kapatid ko. Aba, bumabanat na din.

"Tumigil na nga kayo! Ano ba kasing sinasabi mo Marco? Mamaya na natin pag-usapan
ang kagwapuhan ko."sabi naman ni Ren.

"Kapal mo. Ganito kasi 'yan. Naninibago ako sa araw na 'to. Jan, Nate, nag-away ba
kayo?"

"Oo nga. Anong problema? May nangyari ba?"sabi naman ni Zac.

"Ate nag-away kayo ni Kuya soon-to-be?"yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang


pagkain.
"Siguro naman oo na yan based on this awkward silence na kanina pa natin
nararamdaman."sabi naman ni Luke.

Kanina pa kami tahimik na kumakain ni Nathan. Dati-rati kapag kumakain kami sa


labas kasama sina Mich at ang IH7, nakikisali kami sa kalokohan nila. Kung minsan
pa nga naiinis sina Luke dahil ang sweet-sweet daw namin sa harap nila kaya daw
tuloy natutukso siyang maghanap ng chix ulit. Playboy talaga. Sigurado magkakasundo
si Van at si Luke.

"Nate anong nangyari? LQ ang magfiancé? Uso pa ba yan?"sabi ni Ren kay Nathan.
Tinanggal pa nito ang earphone ni Nathan para marinig siya.

"Shut up."binalik din ni Nathan ang earphones niya.

"Guys busog na kayo diba?"sigaw ni Zac sa barkada.

"A-Ahh oo busog na nga ako! Napadami ang kinain ko! Tara labas muna tayo
dali!"mukhang napagtitripan kami ng barkada ah.

Sumunod naman ang lahat maliban kay Ren na kain pa ng kain.

"Hoy takaw kanina ka pa lamon ng lamon dyan. Tara sa labas magpahangin


tayo."hinihila-hila pa ito ni Zac.

"T-Teka! Mas mahangin dito tsaka kumakain pa ko!"hindi pa rin binibitawan ni Ren
ang plato niya.
"Ang slow-slow mo talaga! Bitawan mo na 'yan!"binitawan na ng tuluyan ni Ren ang
plato niya at padabog na lumabas ng resto.

"Maiwan muna namin kayo ha?"sabi sa amin ni Zac. Bago umalis, may binulong muna si
Zac sa akin.

"Walang away na nasosolve kung pareho kayong magpapataasan ng pride. Sabon lang ang
pride, hindi ginagawang panira ng relasyon. Ayusin niyo nga 'yan. Itong soon-to-be
Mrs. Lee na ito ay."at lumabas na sila ng resto.

Naka-pwesto kami sa may dulo kaya wala masyadong kumakain doon. Halos nasa may
harapan ang mga customers kaya kami lang ni Nathan ang nandito sa may dulo.

Tama si Zac. Dapat ayusin namin ni Nathan ang dapat ayusin. Lalo na hindi rin kami
masyaong nakakapag-usap dahil sa mga school works.

Naalala ko yung sinabi ko sa kanya kanina. Ang totoo naman niyan gusto ko talaga
siyang makasama. Gustong-gusto ko pero dahil siguro sa excitement ko na
magkakasama-sama kaming kumain sa labas after ng ilang linggong hindi magkakasabay
eh hindi ko na napigil ang bibig ko kanina. At nainis lang ako sa inasal niya
kanina sa harap ni Migo at siguro dala na rin ng pagkakaroon ko ngayon.

Kakausapin ko na siya.
"Hubby/Wifey."

"HAHAHAHAHAHAHA!"natawa kaming dalawa. Maya-maya nanahimik na naman kami.

"Hubby I'm sorry."tumingin ako sa kanya. Nakatingin na din pala siya sa akin.

"No, I am sorry. I let you be with me even though you want to be with them. I'm
sorry I did that even though you will be happy with them."niyakap ko siya.

"Hubby, hindi sa ganoon. I'm happy to be with you. That's my wish. To be with you.
To be beside you. It's just that hindi tayo mabubuhay ng tayong dalawa lang lagi.
Ayokong magkasawaan tayo."

"You know I will never be."hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.

"I know Hubby. I know. Kaya nga magpapakasal tayo diba? Kaya nga gusto nating
tayong dalawa ang magkasama habangbuhay diba?"tumango siya.

"Hubby don't be selfish. But don't be too selfless also. Hindi pwedeng sarilihin mo
ko at hindi rin pwedeng ipamigay mo ko o hayaan mo lang ako. Dapat isipin rin natin
ang ibang tao. Naiintindihan mo ba?"kinuha niya ang dalawang kamay ko at hinalikan
ito. Hinalikan din niya ang noo ko at niyakap ako ng mahigpit.

"I understand. Sorry for being too selfish, Wifey."


"I love you hubby."

"Can you repeat it again?"he's teasing me again.

"I don't like."he pouted.

"Don't pout."

"Why? You will kiss me?"bumalik na naman ang pagiging playful niya.

"No. Your ugly when you are doing that."natatawang sabi ko.

"What?!"
"Haha. Joke lang, Hubby."

"Wifey where do you wanna live?"tanong niya habang nakayakap pa rin siya sa
akin."You know if we're already married."

"Oh"napangiti ako in that thought."I wanna live in a peaceful house. Gusto ko may
tree house. Di ba ang cute kapag nagpapahinga tayo sa isang tree house? Haha."

"I like that idea. I want our house to have a sports area. We will play with our
kids and I want to have a basement. That will serve us a bandroom. We, IH7, will
teach our kids to play instruments."sabi niya. Hindi ko pa rin maalis ang ngiti.
Parang naiimagine ko na ang magiging buhay ko kasama siya.

Yung dadalhan ko sila ng pagkain ng mga anak namin sa basement kung nasaan ang
bandroom nila at makikita silang masayang tumutugtog magkasama ng anak naming
lalaki. Samantalang ang anak naming babae ay tumutulong sa akin sa gawaing bahay at
sa paghanda ng meryende.

"How many kids do you want?"tanong niya sa akin.


"Ikaw ba?"nag-isip siya saglit at kung umiinom lang ako ng tubig sigurado nabulunan
na ko.

"I want hundreds of us."

"Nagbibiro ka ba? Napakahirap kayang manganak!"

"Hahaha! Ofcourse I'm just kidding, you silly woman. I'm okay with 5 kids."

"Five? Four only. Just four, Nathan."

"Okay if that's what you want. First will be boy then girl then boy again then
girl."natawa naman ako sa kanya."What?"
"It's impossible for us to decide whether our eldest will be boy or girl."hindi
niya pinansin ang sinabi ko.

"Anong gusto mong name of our children?"name? Hmmm.

"Ano ba? Hmmm."

"I want our eldest to be my junior."

Nathan Nui Lee Jr. sounds great.

"Nathaniel Josh Lee naman sa isa pang lalaki."

"Emerald Nuilyn Lee and Jandy Nuilane Lee."


"Sana mangyari ang lahat ng mga gusto natin, Hubby."

"It will. But first we need to graduate for us to get married."hinawakan niya ang
baba ko at hinaharap sa kanya. Palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. Pumikit
ako at hinihintay ang mga labi namin na maglapat.

"Time's up!"nagulat ako at napaayos ng upo sa biglaang sumigaw.

"Sira ka talaga Ren! Magkikiss palang sila ay!"sabi ni Zac kay Ren.

"Eh sabi mo tanda sumigaw ako ng time's up!"

"Ang sabi ko sumigaw ka habang nagkikiss hindi bago magkiss! Ayan tuloy di
natuloy!"
"You guys are wrong timing but no one can stop me."nagtaka ako sa sinabi niya pero
it's too late to ask what is it because he already kissed me infront of them.

He kissed me at the restaurant with a lot of people watching us!

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

HAPPY 2M READS CMCG! NGAYON KO LANG NAPANSIN NA 2MILLION NA PALA ANG CMCG!

Tagal ng update? Sorrrrrrry! Nahirapan kasi ako sa chapter na ito. Wala akong
maisip. Pagtiyagan niyo na 'yan ha? Wala na kong mapiga pa. Hahaha.

READ BETWEEN THE LINES. MARAMING CLUE NA NAGKALAT. NAKATAGO SA BAWAT SALITA.

Bye na guys. May pupuntahan pa ko. Hahaha. Okay gala na talaga ako. XD
INFINITE

Ms. Kim

=================

[34] Goodbye Nathan.

Ask me anything: ask.fm/MskimWP

Twitter- @longlostwriter

Kindly read my other story-----> Summertime of our Lives

Thankyou!

Jan:

Ang bilis ng panahon. Akalain mong nakagraduate na kami?

Yes. It's been a year nang magpropose sa akin si Nathan. One year na kong engaged.
Pinunasan ko ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. Bakit ba ang sakit-sakit?

"Jan sabi ko naman sa'yo si Zac na lang eh. Alam mo namang expert 'yun pagdating sa
paghiwa ng sibuyas."sabi ni Mich. Hinugasan ko na ang kamay ko at mata ko.

"Nahiwa niyo na ba yung mga ibang putahe?"tumango si Yhanna at pinakita sa akin


yung mga pinahiwa ko sa kanila.

"Jan may tumatawag sa telepono niyo. Ako muna dyan sagutin mo muna 'yun baka
importante."tinanggal ko muna ang apron ko at ibinigay kay Zac.

Pumunta ako sa sala at sinagot ang phone.

"Jan's speaking."

"Wifey!"umupo ako sa couch at napangiti.

"Hubby, where are you? Papunta ka na ba dito?"

"On the way na. Are they already there? Ako na lang ba ang kulang?"sabi ni Nathan.
He's driving I can hear the sound of his car.
And yes, medyo nagtatagalog na din si Nathan. Marunong naman kasi talaga siyang
magtagalog. Sinanay lang ang sarili sa pag-ienglish. Pero englishero pa din talaga.

"Nandito na si Zac and Marco. They're helping us. Si Ren malelate daw ng mga 20
minutes may biglaang meeting. Si Luke may ka-date lang saglit pero papunta na din
siya. Si Jin at Charles nasa kabilang apartment lang."

"Good. I'll be there in less than 10 minutes. I love you."

"Drive carefully. Wag kang magmamadali. I love you too."binaba ko na ang phone at
medyo nag-inat.

Napagod ata ako kakaluto.

Wala na kasi si Manang pinasama na namin siya doon sa napangasawa niya. Tumatanda
na din kasi si Manang at kailangan na niyang mabigyang oras ang sarili at mga taong
nagmamahal sa kanya.

Mga ilang months after ng graduation, may mga nakahanap na ng trabaho sa amin.

Si Mich being a Business Ad. graduate, nakapagpatayo siya ng isang fashion


boutique. Si Yhanna naman same course as Mich, isang pastry shop naman ang
naipagawa. While I'm working as the new accountant of our company, M's.

And syempre, papatalo pa ba ang IH7?


Nathan is now busy working on their company. His Dad let him to manage their
company. Ang kapatid ko naman na si Jin, while managing his bar, nagpatayo na din
ito ng coffee shop sa mga M's Hotel and Restaurant. Si Ren at Luke naman parehong
nagtatrabaho sa isang successful bank. Charles is an IT graduate. A successful one.
Akalain mo ba namang kahit sa trabaho magkasama pa din sila nung Hazel?

Si Zac at Marco naman currently na naghihintay ng sideline hangga't hindi pa nila


sinisimulan ang gagawing buildings.

Who would've thought that these crazy people will graduate?

"Hello Hello! Luke Pogi is here!"

"Manahimik ka nga! Puro kasinungalingan sinasabi mo."

"Hahaha! Napakasungit mong RenRen ka!"

"Hi Ren! Luke!"bumaling ang atensyon nila sa akin o sa pagkain na hinahapag ko sa


lamesa?

"Wow mukhang masarap yang niluto mo ah!"umupo na sila sa upuan at titikim na sana
pero pinaghahampas ko ang mga kamay nila.

"Mamaya na! Wala pa sina Nathan."sumimangot naman silang dalawa nung sinabi ko
iyon. Pero kabibilis kaya ayun ang alam ko na lang ay nakakuha sila ng tig-isang
shanghai at tumakbo papuntang sala.

Mga nagtatrabaho na pero mas lalong nadagdagan ang kakulitan. Napailing na lang
ako.

"Jan tabi mainit 'to!"tumabi naman ako sa may gilid ng mesa. Nilapag ni Marco ang
Kare-Kare sa mesa."Grabe, buti pala hindi ko naisipan magChef. Hassle."

"M! Luto na din yung Friend Chicken!"

"Hay, hirap ng may girlfriend."pagrereklamo ni Marco."Kung hindi ko lang talaga


mahal e."

"Kaso mahal mo."nagulat siya na narinig ko pala ang sinasabi niya.

"Oo nga e."tumalikod na ito at papunta na sa kusina."Sa sobrang mahal ko,


magpopropose na ko."

"OMG!"lumapit bigla sa akin si Marco at dinala ako sa sala kung saan busy sina Luke
at Ren sa pagtingin sa laptop nila. Naghahanap na naman siguro sila ng mga model na
magaganda.

"Please 'wag kang maingay Jan. Wala pa kong alam na suprise para sa proposal ko."
"For real Marco? Mabuti naman at magpopropose ka na! I'm happy for the both
you!"hindi ko mapigilan. Grabe magpoprose na si Marco kay Mich! Ang pinakahihintay
ng kaibigan ko mangyayari na.

"Ah oo. Alam niyo naman kung gaano ko kamahal si Mich diba? Alam niyo din ang mga
bagay na nangyari sa relationship namin before ang lahat ng ito."

Tama. Sinubok din ng tadhana ang relationship nila. And here they are, proposal
time na ni Marco.

"M?"bago tumingin kay Mich binigyan muna ako ni Marco ng Please-quiet-ka-lang-


hindi-pa-ko-handa look.

Napangisi na lang ako.

"Hindi kailangan engrande, ang kailangan lang maramdaman niyang mahal mo


siya."nginitian ko siya at inunahan siya kay Mich.

"Mich where's Yhanna? Luto na lahat di ba? Let the boys do it! Maligo na
tayo!"nagtataka man si Mich sa pagiging alive ko, naki-ride on na lang siya.
Nagtatanong siya kung anong pinag-usapan namin ni Marco pero nginingitian ko na
lang siya.

Natapos na kong maligo at magbihis. Pagkalabas ko ng shower room, nadatnan ko doon


si Mich at Yhanna sa kama ko at nagkukwentuhan.
"You look great girls!"tumayo silang dalawa at lumapit sa akin.

"May natututo ng magdress! Hahaha!"sabi naman ni Mich sa akin. Inirapan ko na lang


siya at tumawa.

"Sissy you're so beautiful."sabi naman sa akin ni Yhanna.

"Okay stop it na guys. Haha! Let's go downstairs."pag-aaya ni Mich.

"Una na kayo. I'll fix my hair for a minute."

"Masyadong nagpapaganda para kay Papa Nate. Hahaha! Sige na iwan ka na namin dyan.
Bilisan mo ha? Alam mo namang hindi na makapagtimpi ang mga boys. Kakainin na nila
yung mga handa."napangisi na lang ako. Those boys.

"Nako Mich tara na't bumaba. Nararamdaman ko na 'yang sinasabi mo. Baka kinakain na
nga nila."naiwan akong mag-isa sa kwarto. Tumingin ako sa salamin at inayos ang
buhok ko. Mga ilang minuto din ng pag-aayos, tumayo na ako at lalabas na sana ng
kwarto nang tumunog ang phone ko.

Napangiti ako bigla. 2 years na kami but still, iyan pa din ang ringtone ko.
Sinagot ko agad ito nang makita ko ang caller's name sa screen ng phone ko.

"Hello?"

------------------------------------------

Nathan:

Ohgreat. Traffic.

30 minutes bago ako nakarating sa apartment.

Yes, I'm speaking in Tagalog, people. So what's about that?

"Oy nandito na din ang late sa wakas!"they gave me a manly hug.

Hey, I missed these crazy men here. This month naging busy kami that we didn't even
got the chance to hang out for a month. A month! Who would've thought we can
survive not seeing each other gross faces?(except my face, ofcourse)
Eliza is an exception. I can't stand not seeing her. So before or after our work we
make sure na magkikita kami. It's either pupunta ako dito or she will visit me at
my condo or at times she will go at my office or vice versa.

"Am I super late or what?"sabi ko habang niluluwagan ng kaunti ang necktie ko.
Where is Eliza?

"Super duper. Pare naman gutom na gutom na kami pero yung wifey mo ayaw kaming
pakainin hangga't hindi ka dumarating."Ren complained. I smiled.

"Where is she?"lumitaw bigla from the kitchen sina Yhanna and Mich.

"Nako Nate nandoon sa kwarto niya, fixing her hair daw pero mga 20 minutes na ang
nakakaraan."said by Mich who is not believing that Eliza's taking a lot of time
fixing her hair.

"Nako Nate puntahan mo na si Sissy! Baka wala ng buhok iyon!"

Napailing na lang ako and go upstairs to check her.


I didn't bother knocking. Ganoon naman kaming dalawa. There is no secrets allowed
with us. If there is nothing to be afraid of, hindi ka matatakot if someone enters
your room. Sinabihan ko na siya dati that if she's changing clothes or you know
something a girl thing, lock the door.

As expected she didn't lock her room. I guess I can come in.

"H-Hubby."she looks so suprisingly to see me infront of her.

I walked closer to her. I kissed her quickly in the lips and gave her a back hug
while she is sitting infront of the mirror.

"Sorry I'm late. Traffic eh. Are you okay? You look pale. Something wrong, wifey?"

"Nothing... Stress from work I guess?"

"Why are you taking too much time staying here in your room while they are
outside?"I asked her while staring at her reflection in the mirror.

"J-Just fixing my hair and I got a call f-from work."

It bothers me. Why is she acting all weird?


She stand up and told me that we will take our lunch na then a minute she told me
again to stay here in her room for a minute or so.

"Wifey, are you really okay? Tell me please."I looked at her in the eyes. Something
bothering her I know. What I don't know is what bothers her.

"Sa work lang. Sorry I look stress in front of you. I'm giving you concerns. I'm
okay. I-I can handle this. Gutom lang ako at sumabay pa sa work, tara kain na
tayo?"she was about to go outside but I stop her.

"Kiss first please?"she smiled at me then kissed me quickly as in very quick.

"That's it? After a long tiring day, I just got a very quick kiss?"she gave me a
glare but she's no better than me.

"You stupid."she kissed me. Wrapping her arms around my neck while my arms are also
wrapped in her waist. A long romantic kiss a fiancé could give.

Then after the kiss, I kissed her again.

"What was that?"she asked. I smirked and hugged her.


"That's for calling me stupid."

"Then should I try calling you stupid again?"she teased.

"Then let's not stop kissing each other. I'm in favor of that idea. Stupid then
Kiss."she blushed. I knew it.

"You're so naughty."

"Atleast I'm naughty with you and not with other girls."

"Should I be thankful about that?"


"Maybe?"she rolled her eyes. She's very cute when she does that.

"Tara na nagugutom na ko."she said in defeat.

"Still feeling empty after our kissing scene?"she blushed and gave me a hit in my
arm.

------------------------------------------

"What the?! Dapat pala hindi ka na namin pinapunta sa kwarto ni Jan pre!"Ren said.

"Took so long guys! We're hungry for God knows how we keep ourselves for not even
stealing a piece of those foods."we laughed with that over-acting complain by Luke.

"Sana man lang hinayaan niyo na kaming kumain bago kayo nag-all lovey dovey."Mich
said.
"Gutom na gutom na kaya kami!"Charles said.

"No one can control two people who are so inlove with each other."Zac said.

"What's with you?"I asked.

"We're hungry."he answered.

This old man. His saying those things that will make you think of something. He
have those words of wisdom that we don't know where he got.

"Matanda ka na nga talaga!"Jin said. I agree. His getting old. No, just kidding.
Hahaha. Not that old really.

We started eating those foods they prepared. Luke and Ren are ofcourse, eating like
there is no tomorrow.

"Yhanna nasaan si Jop? Tagal na rin naming hindi nakikita yung lalaking iyon.
Kamusta kayo? Kasalan na ba?"Charles said with a teasing tone.
"Kami? Hahaha. Guys wala na kami. 1 month na."we all did stop eating except with
Yhanna who is eating there like there's nothing to be cared for and surprised for.

"Are you kidding? Yhanna wala na kayo?"Mich said. So I think hindi rin alam ni Mich
ang tungkol dito.

May nakakaalam ba sa amin na wala na sila?

"Totoo ba 'yan or you guys are just playing with us?"sabi ni Marco.

"Baka naman bukas magulat na lang kami nagbibigay na ng wedding invitation."Ren


said then continued eating his food. Takaw lang.

"Walang sinabi sa akin si Kuya about that."Jin said.

"Yhanna bakit hindi mo sinasabi sa akin or kay Jan?"Mich said looking worried for
Yhanna.

"You're not asking and ano ba! It's been a month."Yhanna said while eating.

"Pero parang wala naman nangyari eh. You're still the Yhanna we all knew. Funny,
jolly and all smile Yhanna."
"Smile can hide so many tears."Zac said.

How can she handle such problem without telling anyone of us? I know, she will not
tell me about this. She's too shy to approach me and it will be awkward if she
tells me about it. I don't know a thing about this. Zac can help but most of all,
she can tell this to her bestfriends, Mich and Eliza.

I looked at Eliza who is looking down and playing with her food and very quiet.

"Wifey."

"H-Huh? Are you saying something?"she is really weird today.

Trabaho lang daw. Maybe it is really just work.

"Do you know about Kuya Jop and Yhanna's break up?"umiling siya.

------------------------------------
"Okay. I'll be ready. Yes, bye."I ended up the call.

"Who is that?"

"My secretary."she pouted. Ugh... Those lips.

"Callmates?"she asked a little bit pissed.

"Kinda-Ow!"she punched me. This girl! Doesn't she know that I'm just joking?

"Kidding, wifey. I'm just kidding."

"Nakakainis 'to. Bakit daw tumawag?"I hugged her. Selosa.

We're lying next to each other. It's not like where doing anything wrong. We're
just talking and then afterwards we will sleep. Just that.

We're having a sleepover here. IH7 are downstairs.

"I'll have a business trip tomorrow. Singapore. Dad wants me to go there with him."

"Kelan balik mo?"she asked a bit serious.

"Maybe after a week."after that mga ilang sandali din ng katahimikan.

Silence.

Then silence again.

"Pwede ka bang 'wag na sumama?"I looked at her confusingly. She's very serious but
then again she smiled."Joke lang! Ingat ka doon ha? Don't skip meals. I know you,
Hubby. Kapag nabalitaan kong inuna mo pa ang trabaho kesa sa pagkain nako, lagot ka
talaga sa akin! No girls, understand? I will miss you."

I laughed. He hit me in my chest so I stopped laughing.


"What so funny, Mister?"

"Nothing. You're talking like I'm about to go away for about a year."she just
smiled.

"Hubby can I have a favor?"she said. Back to her serious thing again.

"Anything for you, Mrs. Lee."she looked at me. Straight into my eyes.

"Can I kiss you?"

Okay.

This is a first.

Did she just asked a permission to kiss me?

What's happenning?
"Hubby..."

"H-Huh? C-Can you repeat it?"she rolled her eyes.

"I'm asking if I can kiss you."I blinked twice and nodded.

She kissed me. Passionately and full of love. It's like she didn't kiss me for
almost hundred years well in fact we kissed awhile ago.

We are both panting after we free ourselves in that long kiss. I saw her crying.

"E-Eliza what's wrong?"umiling lang siya. Sh-t she's crying! What did I do?

"Mamimiss lang kita Hubby kaya naiyak ako. Sorry nafifeel kong magdrama ngayon. Ha-
Ha-Ha."I hugged her.

"Hindi na ko sasama if you want. Don't cry please. It's killing me."
"Ano ka ba! Wala lang 'to. And that's what your Dad's favor. Go with him. He needs
you."

"You sure?"she nodded.

"Always remember that I love you okay? Always keep that in mind."

Jan:

Today is Nathan's flight.

Hindi ko na siya hinatid sa airport. I just can't stand seeing him go.

I can't, even though I'm here meters away from here trying my best na hindi niya ko
makita.

Nakaupo siya doon sa isa sa mga benches at naghihintay sa eroplanong sasakyan niya
samantalang nakatayo naman ako sa hindi kalayuan habang pinagmamasdan siya.
Mga ilang minuto lang din, tinatawag na ang mga pasahero na sasakay sa eroplano
papuntang Singapore. Tumayo na si Nathan at tumingin pa sa likod. Nagtago agad ako
sa may pader. He can sense me I think.

Pagtingin ko, nakatalikod na siya at papunta na sa eroplanong sasakyan niya.

Goodbye Nathan.

And I Love You.

Never forget that no matter what happens.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Next update---> The Climax, lol.

INFINITE

Ms. Kim

=================
[35] No Sign of Her

Ask me anything: ask.fm/MskimWP

Twitter- @longlostwriter

Nathan:

This is my last day here at Singapore.

I'll be back home alone. Maiiwan si Dad for some reasons.

We're having lunch at the hotel.

"Son how are you and Jan?"Dad asked.

"We're cool. Madly inlove."I said. That made him laugh.

"Oh son, that's too cheesy."I smirked.

"Indeed really cheesy."


I became closer to my Dad. I don't know how and I don't know when. I just wake up
one day and everything changed.

I became better person. I'm more open to others. Still snob but not too much. Can't
blame myself for being snob. Come on, some people are too full of themselves that
for you to not say anything harsh, you'll just shut your mouth and not care at all.

And I'm too lazy to talk a lot. That's not my forte. I'm into thinking than
talking.

But hell no, I've been into talking than thinking before. I made mistakes because
of this stupid mouth who won't stop telling things that we're not approved by my
heart. Another cheesy line, sh-t.

But atleast after my regretful decisions, I pursued her again. I cleaned up the
mess I made.

And now, we're still together. She's not the one who changed me into a better
person. She's the one who helped me to be a better one.

No one can change you because they are here to help you, to encourage you and to
inspire you to be a better person. It's up to you if you will change for the
better.

---------------------
"Take care son. Call me if something happen."I nodded and bid my goodbye to my Dad.

Before shutting down my phone, I dialled Eliza's number. It took three minutes
before she answered her phone.

"Eliza why you're so slow in answering your phone? Are you that busy?"I asked.
There's a slight irritation in my voice.

"I-I'm sorry. Pumunta kasi akong cr. Ngayon ka na uuwi, right?"I looked at my
watch. I still have 5 minutes to talk to her.

"Yes. I really miss you. Kapag nakauwi na ko, I'll see you at the apartment,
okay?"silence. She didn't answer."Wifey, are you still there?"

"Uhh... Y-yes. Nasa airport ka na ba? We're taking too much time baka kailangan ng
i-end call ito."after she said that, they announced that we need to close our
gadgets."So I guess time's up na?"

"See you soon, Mrs. Lee. Can't wait for our wedding! I love you."I heard her sobs.
Is she crying?

"Wifey, why are you crying? Please don't. I'm not there to hug you or to be with
you. Please don't."I can't calm myself now. She's crying and I'm not there for
pete's sake!
"I-I just miss you. W-Wag na mag-alala."

"Stop crying if you want me to calm."I heard again the announcement of taking off
the phones.

"Bye Hubby. I love you so much. I-I really do."she said.

"Don't say goodbye as if I'll be away for a long well in fact I'll be there. See
you soon Wifey. Stop crying."trying to comfort her.

"S-See you soon. See you soon Nathan. I love you."she said. Why am I getting
goosebumps while she is saying that?

"See you soon Wifey! Stop the drama, okay? I love you I love you I love you! I love
you so much. Need to hang up. See you!"

--------------------

I woke up. I heard that we're about to take off.


This is it! I'm back.

Pagkalabas ko ng airport, I don't know but I have this feeling of I don't know,
nervous? Panic? I just don't know.

I decided to go straight at the apartment. I badly want to see Eliza. I really miss
her. And I want to check her if she's okay and I'm expecting her to be really okay.

I tried calling but after 3 times of calling her, her phone is out of reach.

Sumakay na ako ng taxi. There are some text from Zac, and Marco. And even calls
from them. But I'm too lazy to answer the calls and read those messages.
Nangangamusta lang siguro.

After an hour, bumaba na ako ng taxi. I'm already in the apartment. Hindi ko na
dala ang mga gamit ko. I left it in the airport. Pinakuha ko na lang sa secretary
ko.

I'm about to knock but there's something bad I'm feeling.

Jetlag? Ugh... Hope it's just like that.

I heaved a sigh. This is so not me. Why am I too nervous? I'm about to see the
woman I've been wanted to be with. I'm too preoccupied na hindi ko napansin that
Mich already in front me. She's too surprised to see me. Hindi ba nasabi ni Eliza
that I'll be home today?

"N-Nate!"

"Hi."she's not smiling. Is she that surprising to see me here?

"A-Ahhh. B-Bakit nandito ka?"kunot-noong tinignan ko siya.

"N-Nate?"tinignan ko ang tumawag sa akin. It's Marco with Zac. They are also
surprised to see me. What's with these people?

"P-Pare nakauwi ka na pala."I nodded. Nagtinginan silang tatlo. I'm not in the mood
for this. I already want to see my girl. Where is she?

"Where's Eliza?"I asked. They are starting to freak the hell out of me with those
stares they are giving me.

"N-Nate p-pumasok ka muna."Marco said. What the hell? Can't they say if Eliza's
here or not?

We entered and I'm busy looking for Eliza. I entered her room but there is no sign
of her. Nasa work ba siya? But she knew that I'll be here.
I dialled her phone but still it's out of reach. Where is she? I'm starting to get
this bad feeling.

Bumaba ako ng hagdan and I saw Marco, Mich and Zac. Nakaupo sila and they look
somewhat worried? Ughh.

"Where is she?"they are not answering. I can't take this! Sh-t!

I checked almost all sides of there apartment. I'm about to check the kitchen when
Zac spoke up. Finally.

"Pare wala siya dito."

"Then tell me where is she? Is it so hard for the three of you to tell me where is
she?!"I'm starting to get annoyed. What's up with them? I'm busy looking for her
expecting that she's just here in some side of this f-cking apartment but then
again they'll tell me she's not here?
"Calm down Nate."Marco said. Mich starting to get panic and I can see her trying to
compose herself. She's about to cry.

"That's bullsh-t."I said. How can I calm down when they're messing with me.

"Didn't you checked your phone?"I stared blankly at him. Can't he just say infront
of me. But now that I'm reading his texts it's like I don't what to hear or even
read it.

From: Zac

Pre si Jan. She left.

From: Marco

Nate sinabi ba sa'yo ni Jan kung saan siya pumunta? Hindi pa daw siya umuuwi since
nung umalis ka.

"Mich and Yhanna thought she's at there house(Montenegro's) but Jin said she's not
there and everyone here starting to get worried."Zac said. I laughed and that makes
them confused.

"Are you joking? If you're messing up with me, I'm telling you, it's working. Cause
I'm really messed up here! So now tell me, WHERE THE F-CKING PLACE DID SHE GO?!"I
don't care if someone can hear me. I want them to stop pissing me. If they're not
my friend, my fist might be at there face by now.

"Nate hindi namin alam at hindi ka namin pinagtitripan. Kahapon lang namin nalaman
kina Mich na hindi mahanap si Jan."Marco said.
"Nung umalis ka papuntang Singapore, nagpaalam siya na pupunta lang siya sa work at
baka may puntahan din daw siya after nun kaya wag na namin siyang hintayin pa."Mich
said. Worried was written all over her face.

--------------------------

Zac:

"Give me your car keys."sabi ni Nate.

Sh-t ibibigay ko ba? Paano kung ibangga niya? Hindi naman sa inaalala ko yung
sasakyan ko, syempre kaibigan o kapatid ko na din si Nate at kapag may nangyari sa
kanya, magagalit sa akin sina Tito! Ako ang leader at ako ang tinuturing na Kuya
nila(kahit tanda ang tawag nila) kaya responsibilidad ko sila.

"I'll drive. 'Wag kana umangal pa, pre. Hindi kita hahayaan magdrive."halata sa
mukha niya na gusto niyang siya ang magdrive at mag-isang maghanap pero hindi ko
siya hahayaan. I know he can't control his feelings at siguradong wala na siya sa
katinuan ngayon. We can't leave him like this.

"Fine."lumabas na siya ng apartment at dumiretso sa kotse ko na nakaparada sa


labas.

"Marco maiwan kana muna dyan. Sabihan niyo na ang iba tungkol dito. Try niyo din
siyang hanapin."tumango lang si Marco at sumunod na ako kay Nate.
Hinanap namin kung saan-saan si Jan. Pumunta kami sa bahay nila pero ang nadatnan
lang namin ay ang mga maids nila. Pumunta din kami sa company nila pero isang
linggo na daw hindi pumapasok si Jan. Nagkaroon muna daw siya ng temporary na
kapalit sa company nila habang wala siya.

Ang pinakanapapansin ko, sa buong byahe at paghahanap namin kay Jan, hindi kumikibo
si Nate. Tahimik lang siya at ang lalim ng iniisip.

Hindi man niya pinapakita, alam naming kinakabahan na siya.

Tinapik ko siya sa balikat niya habang nakahinto ang sasakyan. Nakatingin lang siya
sa bintana. Halatang malalim ang iniisip.

"Nate mahahanap din natin siya. Alam kong hindi siya aalis nang wala siyang
dahilan. Baka may pinuntahan lang talaga."this time tumingin na siya sa akin. Kung
nakakatusok lang yung matatalim niyang tingin siguro napakadami ko ng holes.

"Damn those reasons."iyon lang ang sinabi niya at bumalik sa pagtingin sa labas.
Nagdrive na ulit ako. Hindi ko na siya kinausap pa. Hinayaan ko na lang muna siya
na pakalmahin ang sarili niya pero alam kong hindi siya kakalma hangga't hindi niya
nakikita o nalalaman man lang kung nasaan si Jan.

Kung kami nga nag-aalala kay Jan lalo na siguro siya.

Bakit siya umalis? Business trip?

Pero kung business trip iyon, sigurado magsasabi iyon kay Nate or kahit man lang
isa sa aming mga kaibigan niya.

Pero may pumapasok sa isip kong dahilan ng pag-alis niya. Pero ayokong magconclude.
I should wait for Jan's reason. Kung ano man iyon, sana valid.

Dumiretso kami sa infinite garden na laging pinupuntahan nila Jan at Nate. Hindi
magawang tingnan ni Nate ang lugar pero alam ko nagbabakasakali siya na sana
nandtio lang si Jan.
Bumaba ako at chineck ang buong garden pero no sign of Jan. Saan kaya siya
nagpunta? Kung may pupuntahan man siya, bakit umabot ng isang linggo? At walang
nakakaalam sa kanya?

Halos lahat na ng alam naming lugar na pwedeng puntahan ni Jan pinuntahan na namin
pero wala talaga siya.

Nagpahatid na si Nate sa condo niya. Nung una ayaw ko pa siyang iwan sa condo niya
dahil knowing this boy, panigurado magmumukha ng jungle ang condo niya pagbalik ko.
Pero pinagtatabuyan ako ng loko kaya wala na akong magawa. Siguro nga kailangan ko
muna siyang iwan. Hahayaan ko muna siyang mapag-isa. Kailangan ko din puntahan ang
ibang IH7. Kailangan naming hanapin si Jan. mas masakit kung kasama si Nate sa
paghahanap. Baka hindi kayanan ng lalaking 'to kapag sa lahat ng lugar na
pupuntahan namin palaging walang Jan na makikita.

Pagkasakay ko ng kotse ko, tinawagan ko agad si Marco.

"Pre san kayo?"

[Jin's Bar. VIP2. Nandito buong IH7 maliban sainyo ni Nate. Kasama mo ba si Nate?
Nahanap niyo?]

"Ako lang mag-isa. Nagpaiwan siya sa condo niya. Wala si Jan. Papunta na ko."

------------------
Mga ilang minutes lang din nakapunta na ako sa bar. Dumiretso na agad ako sa VIP
room na sinasabi ni Marco. As expected nandoon nga sila. Tahimik lang silang lahat.
Nang pumasok ako, all eyes on me. Parang mga namatayan ang mga gagong 'to. Kung si
Nate ang kalma ng itsura at hindi halatang kinakabahan at nag-aalala pero ang mga
'to halatang-halata sa mga mukha.

Makapagsalita ako parang ako hindi din kinakabahan. Syempre kinakabahan din ako.
Kinakabahan ako para sa kaibigan namin lalo na at mahal na mahal niya si Jan at
wala siyang kaalam-alam na nawawala pala ito.

"Kamusta?"sabi ni Charles pagkaupo.

"Pinuntahan na namin ni Nate lahat ng lugar na naiisip naming dalawa na pwedeng


puntahan ni Jan pero wala talaga eh."

"Bakit kahit sa akin hindi sinabi ni Ate kung nasaan siya? Kahit si Kuya Jop hindi
niya alam."nag-aalalang sabi ni Jin. Lalong may nabubuong dahilan sa isip ko.

"Sina Daddy mo ba alam na ang tungkol sa pagkawala- hindi mali yung term. Pag-alis.
Pag-alis dapat. Alam ba nila?"

"Wala sina Dad nasa business trip. Hindi pa namin nasasabi sa kanila."

"Paano kung alam nila?"sabi ko.


"Paano nila malalaman?"takang tanong ni Luke.

"Sinabi ni Jan?"sabi ni Ren.

"O sinabi nila kay Jan na umalis?"sabi naman ni Ren.

"Bakit naman nila sasabihin na umalis si Jan? Tsaka kung aalis si Jan dahil may
business trip for sure magpapaalam iyon sa atin. Kilala niyo si Jan at Nate, hindi
sila naglilihim sa isa't isa."sabi naman ni Marco. May punto siya. Ang dalawang
iyon hindi nila hinahayaang magkaroon ng pagdududa sa pagsasama nila kaya dapat
walang sikreto.

"Pero minsan may mga bagay na kahit gustong-gusto mong sabihin, hindi mo masabi o
hindi mo ma-voice out. Ganoon kahirap lalo na kung naiipit ka sa isang
bagay."naguluhan sila sa sinabi. Napabuntong-hininga ako at uminom muna ng alak na
nakita ko.

"Ibig mo bang sabihin may tinatago si Ate?"

"Wag tayong magconclude. Hula ko lang naman. Wala pa tayong ebidensya."

"Ano ng gagawin natin? Sasabihin ba natin kay Nate na may nililihim si Jan at dapat
natin malaman kung ano?"tanong ni Charles.
"Habang wala pa tayong totoong nalalaman, huwag natin munang sasabihin kay Nate.
Alam niyo ang kaibigan natin. He can't control his feelings."

"Tama si Zac. Hanapin natin si Jan kasabay ng paghahanap ng dahilan ng pag-alis


niya."sabi ni Ren habang lumalamon pa din doon ng pulutan. Katakawan talaga kahit
kelan hindi matigil.

"Sana bumalik na si Jan."sabi ni Charles.

"Kinakabahan ako kay Nate. Kung kelan nagiging matino at medyo socialize na ang
kaibigan natin babalik na naman ba siya sa dati? Tahimik at palaging may sariling
mundo?"sabi ni Luke.

Ang tagal din namin hinintay na maging ganto si Nate. Yung nakikisali na siya sa
mga kasiyahan instead na katabi mo nga feeling mo naman invisible dahil sa sobrang
tahimik.

Kaya nga nung dumating si Jan sa buhay niya laking tuwa namin. Aba! Nakita at
nasaksihan namin ang pagbabago ni Nate.

"Naaawa ako kay Nate. Kung alam ko lang sana kung nasaan si Ate."malungkot na sabi
ni Jin sabay inom ng alak.

"Hindi niya kailangan ng awa. Ang kailangan niya tayo. Ang tulong natin, ang
presensya natin at lalong-lalo na, ang malaman niyang handa tayong tumulong sa
kanya."
"IH7 will always be a family no matter what. No one can seperate us."dahil sa
sinabi ni Jin, nagcheers kaming lahat.

Sana matulungan nga namin si Nate. Hay buhay parang life! Tsk tsk!

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Isang part palang ito ng climax. Not really the whole climax.

INFINITE

Ms. Kim

=================

[36] He's Chasing Her Again.

AN:

New cover for CMCG! Thank you @ayseyya for this awesome cover! Tatlo ginawa niya at
seriously ang hirap-hirap mamili sa tatlong cover na iyon. HAHAHAHAHA!

Ask me anything: ask.fm/MskimWP

Twitter- @longlostwriter

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞
Ren:

Ayun, nagPOV din ako. Sayang kagwapuhan ko kung hindi ko naman magagawang
makapagpoint of view!

Oo, gwapo ako, aangal ka pa ba? Hahaha.

Nandito ako ngayon sa office. Hanep wala na kong magawa. Nakakabored na dito. Kung
kelan nagkaroon ako ng chance na makapagPOV doon naman ako walang magawa. Lugi mga
brad.

Pupuntahan ko sana si Luke sa office niya na katabi lang naman ng office ko kaso
delikado, baka mahagisan na naman ako ng sapatos niya dahil tuwing pumapasok ako sa
office niya, laging wrong timing. Nasasaktuhan kong may kausap siyang Eva.-
magagandang dalaga.

Aba malay ko ba. Baka kaya nagkakataon dahil sa akin talaga naka-tadhana na mapunta
ang mga girls na iyon. Ay sh-t ako nga pala ay good boy.

Okay, minsan playboy. Pero madalas matakaw. Hahaha.

Sino ba naman ang makakatiis sa mga babaeng nasa mga harapan mo na diba? Pero mas
hindi ko matitiis kung wala akong gagawin sa pagkain na nasa harapan ko na.
Pero iba pa din talaga ang karisma ng mga babae.

Tsk, nagmumukha akong si Luke sa mga pinagsasabi ko. Hayahay ang buhay! Haha.

Speaking of buhay, ano na kayang nangyari sa buhay ni Nate?

Dalawang linggo na din ang nakalipas simula nang malaman niyang umalis si Jan. At
dalawang linggo na din kaming naghahanap kay Jan.

Sa dalawang linggo ding iyon madami ng nagbago kay Nate. Mailap na siya sa aming
lahat. Pumapasok daw sa opisina nila pero tahimik lang at palaging mainit ang ulo
kaya nga yung secretary niya na dati ay napakasaya sa posisyon niya dahil isang
gwapo daw at hindi masyadong strict ay nagbago na.

Palaging office-bar-condo ang routine ng buhay niya. Sa dalawang linggo diyan


umikot ang buhay niya. Ni hindi na rin namin siya nakakausap ng matino. Kapag
kinakausap namin, akala mo nagmomonologue ka lang. Tahimik lang siya at parang
walang pakielam sa mundo.

Nagvibrate ang phone ko. Pagtingin ko sa phone ko, pangalan ni Zac Tanda ang
nandoon.

"Tanda!"

[Gago]
"Hahaha. Anong kailangan mo? Namiss mo ata ako Tanda?"

[Umasa ka Ren. Oy, pumunta ka dito sa bar. Tulungan niyo ko. Si Nate lasing na
lasing. Dalian niyo.]

"Lahat kami? Ganyan ka na ba katanda at hindi mo na mabuhat si Nate mag-isa?"

[Isa pang tanda ang sabihin mo, magiging IH6 nalang kami-I s-saw h-her-'wag kang
magulo Nate.]

"Si Nate ba iyon? Sino daw nakita niya?"

[Baka ikaw. Tss. Dalian niyo na lang dito para malaman niyo na. Nasa VIP2 kami.
Tawagan mo na sila at papuntahin dito.]

At nag-endcall na. Tinawagan ko na ang mga brad ko.

Maski si Luke tinawagan ko na lang din. Tinatamad na akong pumunta sa office niya.

Pagkalabas ko ng office, kinausap ko muna yung secretary ko.


"Jean, may mga appointment ba ako ngayon?"

"Wala po Sir. You're free today. May pupuntahan po ba kayo?"I nodded.

"Alis na ko. Kung may papapirmahan man sa akin, pakidala mo na lang sa bahay."

"Ren!"umakbay sa akin si Luke.

"Oy pre! Tara na."

"Sige, Bye Miss Beautiful."pinamulahan naman ng pisngi yung secretary ko. Napaka-
playboy talaga ng lalaking ito.

Ginamit namin ang car ni Luke papunta sa bar. Nakakatamad kasing magdrive.

30 minutes lang naman ang lumipas at nakarating na kami.

"Buhay pa ba 'yan?"sabi ni Luke habang titig na titig kay Nate. Halos nakahiga na
siya sa couch dito sa VIP Room. He is a mess. Sobrang gulo ng buong pagkatao niya.
At halatang walang tulog ang kaibigan namin. Nahiya naman yung eyebags ng mga
college students sa eyebags na meron siya.
"Anong meron? 2:34pm palang oh. Nandito na agad kayo at naglalasing?"tanong ko kay
Zac.

Kami pa lang apat ang nandito. Hindi makaalis sa mga trabaho nila ang iba kaya wala
sila dito. Si Marco naman kahit gusto makapunta, hindi magawa dahil sinabihan siya
ni Zac na habang nandito siya, si Marco muna ang mag-asikaso sa trabaho na naka-
assign sa kanilang dalawa.

"Kanina kasi pinuntahan ko si Nate sa condo niya pero wala siya doon eh naisip kong
baka pumunta dito dahil alam niyo na. May problema. At ayan nga, nadatnan ko doon
sa may table na malapit sa bartender at nagpapakalasing."

"Grabe, lumalala na si Nate. Kawawa kaibigan natin- Oops, hindi pala kawawa. Aish!
Balik Nate na naman ba ulit?"naiinis na sabi ni Luke at sumandal sa couch.

Bigla ko naman naalala yung narinig kong sinabi ni Nate kanina nung magkausap kami
sa phone ni Zac.

"Tanda, si Jan ba yung sinasabi niyang nakita niya kanina?"tanong ko.

"Nakita niya si Jan?"tanong din ni Luke.

Napatingin lang si Zac kay Nate na nakahiga pa din sa couch at natutulog ang
lalaking 'to.
"Paulit-ulit niyang sinasabi 'yan habang dinadala ko siya dito sa VIP room. Nakita
daw niya si Jan pero hindi daw siya nilapitan nito. Nasa malayo lang daw."

"But he's drunk."sabi ni Luke.

"At bakit naman hindi niya nilapitan si Nate? Seriously, nilalayuan ba niya talaga
si Nate? Mahal niya pero nilalayuan niya?"sabi ko. Okay, sumeryoso ata ako dun?
Pero kasi naguguluhan ako sa mga nangyayari.

"Hindi ko din alam. At hindi din natin alam kung si Jan ba talaga iyon o dala lang
ng alak kaya kung sinu-sinong nakikita nitong si Nate."sabi ni Zac.

"That's her."muntik na kong mapasigaw sa sobrang gulat. Akala ko may multong


biglang nagsalita. Nakakagulat 'tong si Nate! Gising na pala bigla ba naman
nanggugulat na magsalita. Nagpakita man lang sana siya na gising na siya edi sana
hindi ako ganoon nagulat.

"But Nate-"hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin ni Zac dahil bigla 'tong tumayo
at umalis ng room. Sinundan naman ito ni Zac at naiwan kaming dalawa ni Luke dito.

Napasandal kaming dalawa sa couch.

"Si Jan kaya 'yung nakita ni Nate?"si Jan nga ba? Hay buhay talaga!
Napakakomplikado ng mga taong nakatira sa mundong 'to.
"Hindi ko alam Luke."

"Kelan ka ba may nalaman?"

"Shut up. Nag-iisip ako ng plano."natawa naman ang loko.

"Anong nakakatawa? Nakakatawa na ba ang tulungan ang kaibigan natin na hopeless sa


paghahanap sa nawawalang fiancé niya?"lalo lang siyang natawa sa sinasabi ko. Gago
ata 'to ah. Tawanan daw ba ako? Minsan na nga lang magseryoso umeeksana pa 'to.

"Tunog tanda 'yang sinasabi mo. Zac ikaw ba 'yan?"binatukan ko. Walang hiya!

Oo nga ano? Kung anu-ano sinasabi ko baka mag-end up akong katulad ni Zac! Hahaha!

--------------------

Zac:

Hinatid ko si Nate sa condo niya. Nalaman ko din naman na wala siyang dalang kotse
dahil pinauwi daw niya sa driver nila.
Pagkabukas ng condo niya, what the ef? Condo ba talaga 'to? Seryoso, nagagawa pa
bang makatulog dito ni Nate?

May mga basag na vase at mga bote ng alak. Yung kama niya napakagulo din.
Nakasarado lahat ng kurtina. Yung mini walk in closet niya nakabukas at nakikita ko
mula dito sa pintuan niya ang mga nakakalat na mga damit doon.

Napailing ako. Eto na nga ba ang sinasabi ko. Naging jungle na ang condo!

Nakahiga na si Nate sa magulong kama niya. Wala kayang ahas doon?

"Nate dito ako matutulog ngayon ah? Nakakatamad umuwi eh."ang totoo niyan, ayaw ko
lang talagang iwan itong isang 'to. Baka mamaya magulat na lang ako hindi ko na
makilala ang isang Nate Lee. Baka nakaupo na lang siya sa gilid ng kama niya at
nagsasalita mag-isa. Creepy sh-t. Nakakatakot.

Madudungisan ang IH7. Magkakaroon na kaming baliw na kaibigan.

Hindi man lang nagawang magreply sa sinabi ko. Pumasok siya sa shower room niya at
iniwan ako dito. Makakain na nga lang! Sigurado naman ako na hindi pa ko natatapos
kumain, hindi pa din siya tapos maligo. Lalo na ngayon!

Dumiretso ako sa ref. Ay letse naman talaga! Gutom na gutom na ko tapos alak at
chocolate ang madadatnan ko?
Pero ang pagkakatanda ko ito yung mga chocolates na iniimbak ni Nate dito sa condo
niya para incase na pumupunta si Jan dito, may makakain siya. Yung babaeng 'yun na
ang hilig hilig sa chocolates!

Kumuha na lang akong isang chocolate bar at naupo sa couch niya.

Tinext ko si Marco kung ano na ang nangyari sa building na tinatrabaho namin. Baka
mamaya nagpapakarelax lang ang lalaking iyon at hindi naka-focus sa trabaho. Nako
kung pumayag lang si Marco na siya ang magchecheck kay Nate edi sana ako na lang
ang nandoon at siya ang nandito sa Jungle condo na ito.

Pero wala eh, mas gugustuhin daw niyang magpakapagod doon kesa sa mapanisan ng
laway sa walang kibong Nate na ito.

Nagring ang phone ni Nate na nasa side table sa may kama niya.

'Hubby someone's calling you. Ugh. This is too lame. Nagrerecord na naman ako ng
voice ringtone. Anyways, answer it Hubby. Are you enjoying hearing your pretty
girlfriend's voice? Hahaha. Answer na Hubby! Uyyyyyyyy. Mahal na mahal kong
Nathan!'napailing na lang ako.

Nung unang rinig ko sa ringtone nila wala akong ginawa kung hindi ang humagalpak sa
tawa. Kaming IH7 maliban kay Nate, tawa ng tawa. Ang weird kasi nilang dalawa. Ang
hilig sa mga ganyang pakulo!

Tumunog na naman ang phone niya. Sinagot ko na lang para matapos na.

Si Charles pala.
[Nate!]

"Zac speaking."

[T-Tanda? Bakit nasa iyo phone ni Nate? May affair kayo?]

"Gago. Dito lang ako matutulog sa condo niya para mabantayan ang loko."

[Hahaha. Ma-imagine ko lang na kayong dalawa ni Nate may affair sukang-suka na ko.
Kadiri! Ba't ko ba nasabi 'yun? Yuck, bro.]

"Bakit ka ba tumawag?"

[Kakamustahin ko sana si Nate. Hindi kasi ako nakapunta sa bar. Buti naman naiuwi
na si Nate.]

"Ayun nasa thinking room na naman niya. Kamusta paghahanap?"

Naghahanap kasi kaming lahat kay Jan. may sari-sarili kaming diskarte sa
paghahanap. In my case, wala akong nahahanap.
[Wala eh. No progress. Na-try ko na ngang kausapin 'yung mga co-employee ni Jan
pero wala silang kaalam-alam kung nasaan si Jan.]

Sinabihan ko lang siya na ipagpatuloy lang ang paghahanap at ibinalik na ang phone
niya sa side table.

Nakatalikod na ako doon at babalik na sana sa couch pero nagvibrate bigla ang phone
niya. Message naman ngayon.

Hindi ko na sana titignan! Hindi ako chismoso no! Gwapo ako oo! Pero being chismoso
is not my thing pero hindi naman masama kung ngayon itatry kong basahin ang
message.

Naeexcite pa akong basahin dahil ineexpect ko na baka si Jan na ang nagtext.

Pero unregistered number. Hay, expectations really lead you into disappointments.
It sucks expecting really. Huh! I'm over-reacting.

Paulit-ulit kong binasa ang nasa phone ni Nate.

Totoo ba ito? Baka naman nang-gugood time lang?

From: 09xx-xxx-xxxx
I know where Jan Montenegro is. She's at the airport right now. She's on her way to
Italy.

Hindi ko matanggal ang tingin sa screen ng phone ni Nate. Anong gagawin ko sa


message na ito? Sasabihin ko ba 'to sa lalaking 'yun o wag na lang? Baka hindi
totoo! Kawawa naman ang lalaking ito kapag nabigyan ng maling akala.

Pero bago pa ko makapag-isip, lumabas na si Nate sa cr at nakuha na ang phone niya.

Katulad ko kanina, hindi na naalis ang tingin niya sa screen ng phone niya.

Tumalikod siya sa akin at kinuha ang car keys niya sa side table.

Dahil tamad akong magdrive at ayoko namang magdalawang sasakyan pa kami, sumakay na
din ako sa sasakyan ni Nate. Ayaw niya akong isama pero hindi na niya nagawa pang
pigilan ako. Alam niyang hindi ako aalis at hindi ako natatakot sa kanya.

Okay, aaminin ko medyo takot ako. For God's sake, who wouldn't? He is Nate. Nate!

Baka mamaya sa sobrang pagmamadali niya, mabangga kami at magasgasan ang gwapo kong
mukha. Hay hindi iyan!

"Pre paano kung hindi naman pala totoo ang info na sinabi niyan? What if niloloko
lang tayo nyan?"
"I don't care."

"Pero--"

"Damn! I f-cking don't care if this will lead me to nothing! I just want to see
her! I f-cking badly want to have her back!"sigaw niya.

Kung iba lang ang sinabihan niyan ni Nate for sure tumalon na ko palabas ng
sasakyan. Napakalakas ng loob ng lalaking ito na sigawan ang gwapo kong mukha!

Nakarating kami ng airport after 1 hour and 10 minutes. Bumaba agad siya sa
sasakyan. Buti na lang at kilala si Nate at syempre ako, kaya pinapasok kami.

"Nate!"hindi ako pinansin nung mokong. Hinanap niya si Jan.

Napabuntong-hininga na lang ako. Pati ako nahihirapan sa nangyayari sa kaibigan ko.

Dumiretso na lang ako doon sa isang staff at tinanong kung may Jan Montenegro ba na
naka-booked papuntang Italy. Nung una ayaw niyang sabihin pero anong silbi ng
charms ko kung hindi ko naman gagamitin diba?

"Miss please we need to know kung may flight ba talaga siya papuntang Italy.
Nakikita mo ba yung kaibigan ko?"tinuro ko si Nate sa kanya. Si Nate na konti na
lang umikot ng dire-diretso ang ulo niya kakatingin sa iba't ibang side ng
airport."Hinahanap niya ang pinakamamahal niyang babae. Hahayaan mo bang hindi na
magtagpo ang landas nila?"
Binalik ko ulit ang tingin ko sa babae at tinitigan siya.

"Miss beautiful, please?"Pinamulahan naman agad siya ng mukha. Jackpot!


Irresistable Charisma of the Leader!

"O-Okay sir-"hindi ko na siya pinatapos pa.

"Zac na lang, beautiful."I winked.

"A-Ahhh. Z-Zac s-sige wait lang."namumula pa rin siya and I can say that she's
really beautiful. Hahaha! Stop Zac. Unahin mo muna problema ng kaibigan mo, mamaya
ka na lumandi. Sh-t hindi ako malandi! Hindi ko lang pinapalampas ang mga Eva sa
mundong ito. That's our Motto(Luke, Ren, Charles and Me)

Motto:

'Wag papalampasin ang bawat babaeng mapapadaan sa mga mata mo.

"Zac wala e. Walang Jan Montenegro na may flight papuntang Italy."

I knew it. Hindi nga totoo.


Nagthankyou ako sa girl at tumakbo papunta kay Nate.

"Pre hindi totoo ang info na nalaman natin. Walang Jan Montenegro ang pupunta sa
Italy."tumingin lang sa akin si Nate. Lungkot, sakit at inis ang nakikita ko sa mga
mata niya.

Mas okay sana kung nalaman naming pupunta ngang Italy si Jan. Kahit papano may clue
kami kung saan siya hahanapin. Atleast kahit katiting na pag-asa na makita na siya
ni Nate, magkakaroon but then again, so many complications that keeps on throwing
complicated scenarios sa buhay ng kaibigan namin.

Lumipas ang linggo, dalawang linggo hanggang sa dalawang buwan na. Dalawang buwan
na at hindi pa rin nagpapakita si Jan sa amin. Kahit magtext man lang sa isa sa
amin wala. Even Mich and Yhanna walang kaalam-alam kung nasaan ang kaibigan nila.
Kahit ang kapatid nilang si Jin at Jop wala din alam. Tumutulong na din sa
paghahanap si Jop.

Eto kami nina Charles, Luke at Marco nakaupo dito sa loob ng airport. Hinihintay
namin sina Nate, Jin at Ren dahil galing sila sa Dubai.

"Hindi ba natin pipigilan si Nate?"tanong ni Charles.

"You know we already did that pero may napala ba tayo? Wala di ba? Umaasa pa rin si
Nate."sabi ni Luke.

"Charles, Luke, let him. Matanda na si Nate, alam niya kung ano ang ginagawa niya.
Wala tayong karapatan na magdesisyon para sa kanya. Nandito tayo para maging
kaibigan. Para makatulong. That's all we can give him."sabi ko sa kanilang dalawa.
Tulong. 'Yan ang kailangan ng mga taong umaasa.

Hindi mo sila mapapatigil na umasa sa iba. Hoping for someone is a choice and no
one can stop you for hoping except you yourself stopped you from doing it.

Masakit umasa lalo na kung hindi mo na alam kung saan ka aasa. Nate is suffering.
Alam ko 'yan. Alam namin 'yan.

Madaming bansa na ang pinuntahan namin para lang hanapin si Jan na wala naman
kaming kasiguraduhan kung nandoon siya.

Italy. Japan. Korea. America. Dubai

Nakakatanggap palagi si Nate ng mga text na nagsasabi na nandoong bansa daw si Jan,
pumunta daw doon si Jan. Lahat ng text pinatulan ni Nate. Sa lahat ng bansang
pinuntahan ni Nate, hindi namin siya hinahayaan na maghanap mag-isa. Minsan kaming
dalawa ni Marco ang sumasama sa kanya. Minsan naman si Charles at Luke or katulad
ngayon si Ren at Jin. Ganyan na siya kadesperadong mahanap si Jan.

That's how much he loves her. Even if we all knew that all the infos we received
were all false hopes, he believed on it. He just can't give up. He loves her and if
he loves someone, he can't let go of it.

Mahal na mahal niya si Jan na kahit maubos na ang pera niya kakapunta sa iba't
ibang bansa, wala siyang pakielam. Na kahit hindi na siya makatulog o makakain,
mahanap lang si Jan gagawin niya.
It's not healthy. Nalulungkot kaming makita ang kaibigan naming nagkakaganito.

"Guys!"tumayo kami nang makita sila Ren, Nate at Jin na nasa harap namin. Lumapit
kami sa kanila.

"Kamusta?"tanong ko. Umiling lang sa akin si Ren. Ibig sabihin wala silang nakitang
Jan sa Dubai. Tumungo ang atensyon ko kay Nate. Nakatingin lang siya ng diretso.
Parang walang pakielam. Parang ang tapang-tapang pero syempre alam naming hindi
totoo ang katapangan na pinapakita niya. Kaibigan namin siya at alam naming
nasasaktan siya. Napapagod. Nag-aalala.

God knows how much he miss her.

Dumiretso kami sa bar. Doon kasi gustong pumunta ni Nate ngayon. Everytime na
ganito ang set up. Tuwing hindi namin nakita si Jan, sa bar pumupunta si Nate.

Pumunta kami sa VIP1. Umorder si Jin ng maraming alak. Kahit man lang papaano
makapagrelax si Nate kahit alam naming kahit kelan hindi siya makakapagrelax
hangga't wala si Jan.

Umiinom lang si Nate. Hindi siya nagsasalita. Nakayuko lang at tuloy-tuloy na


umiinom. Ilang beses pinilit nila Luke na pigilan si Nate sa pag-inom ng sobrang
daming alak pero sinabi ko sa kanilang hayaan lang nila.

That's what he needs right now. Something to ease the pain even for the short
period of time.
Napagpasyahan nila Marco na umuwi na. May mga trabaho pa sila bukas. Naiwan kami ni
Jin dito kasama si Nate. Buti na lang dahil kailangan kong kausapin si Jin pero
mamaya na kapag wala si Nate.

"Nate hahatid ka na namin. Pre ang dami mo ng ininom."pilit kong kinukuha ang bote
na hawak niya pero inilalayo niya lang ito at iinumin lang ulit.

"S-Stay away. J-Just s-stay away."

"Nate kung nandito si Ate sigurado ayaw niyang nakikita kang ganyan." Sabi ni Jin.
Wrong move.

Nate smirked. Uminom ulit siya ng alak at nagsmirked na naman.

"B-But she's not here. S-She f-cking leave. She left."hindi kami kumibo. Totoo
naman. Wala dito si Jan. At hindi namin alam kung babalik pa ba.

"Your sister is really good in hiding. Hide and seek. Sh-t that game. F-ck this
life. F-ck."uminom na naman siya ng alak.

"Nate tama na."

"It sounds like a double meaning. Stop. Should I-I stop?"nakayuko lang siya. He
smirked again.
"D-Do you know that this room was where I told her that I-I will never give up?"he
said while examining the whole room. Basag ang boses niya. If I'm right, that's
when he's doing everything to bring Jan back when she's with Kiejan.

"Don't give up if you don't want to. We're helping you to find Jan. We will help
you. Alam naming mahal mo siya at alam naming mahal ka din niya. It's just so
happen that nothing can be perfect."

"Then damn that word perfect."

----------------

Naihatid na namin si Nate. After ng sinabi niya kanina, nakatulog na lang siyang
bigla. Siguro dahil sa pagod at sakit at syempre dahil lasing na lasing.

Nakahiga na si Nate sa kama niya at tulog na tulog pa rin. Napagpasyahan namin ni


Jin na doon muna kami sa may sala ni Nate at kumuha kami ng mga alak sa ref niya.
Medyo okay pa naman kasi sa sala niya. Magulo pero atleast may mauupuan pa kami.

"Jin, you're crying. It's too annoying to cry in front of me. Awkward pre."sabi ko
sa kanya sabay inom ng alak ko.

"Gago. Hindi ko na kinaya pre. Namimiss ko na kapatid ko. Ni hindi ko man lang siya
nakausap ng matagal bago siya umalis."sabi nito. Pinahid niya ang luhang kumawala
sa mata niya at uminom."Birthday ko na sa susunod na linggo pero wala pa din
kapatid ko. Saklap. Paano kung may nangyari pala sa kanya?"
"Sigurado ka bang wala ang kapatid mo sa birthday party mo?"sabi ko.

"Anong ibig mong sabihin?"eto na ang tamang oras para mapag-usapan ito.

"Jin paano kung may kinalaman ang magulang niyo sa mga nangyayari ngayon?"tanong
ko. Napaisip naman si Jin. Sumandal siya sa couch at binigyan ako ng matanong na
tingin.

"Imposible."

"Paano mo nasabing imposible? Nagawa mo na bang obserbahan ang kinikilos nila?"sabi


ko. Pinaglaruan lang niya ang boteng hawak niya.

"Hindi man lang nagpapanic ang mga magulang niyo kahit na ilang buwan na ang
nakakalipas nang umalis si Jan. Parang hindi naman nila hinahanap si Jan."sabi ko
sa kanya.

"Pero bakit naman nila itatago sa akin at kay Kuya?"

"Siguro dahil sa fact na kaibigan niyo si Nate at kapag nalaman niyo, siguradong
masasabi niyo sa kanya."
"Pero bakit naman ilalayo nila si Jan?"

"Hindi natin alam kung bakit umalis si Jan nang hindi man lang nagpapaalam. Hindi
natin alam kung biglaan lang ba o sinadya niya na hindi magpaalam."

"Paano natin malalaman? Kailangan ko na bang i-confront ang mga magulang


namin?"sabi ni Jin.

"No need Jin. Hindi rin nila sasabihin. Ang kailangan natin para malaman natin ang
totoo ay si Jan. We really need to find her before everything will be late for
them."

"I am very sorry for Nate. All he can do is to chase for Ate Jan all over again
without even knowing where to chase her. He chose to chase her everywhere. He's not
tired in chasing her."sabi nito sabay inom ulit ng alak niya.

"Kung nasaan man si Jan, alam kong may rason siya sa lahat ng nangyayaring ito.
Whatever it is, I hope they can fix this. Hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na
makita si Nate without Jan."

Bumalik na naman si Nate sa ugali niya katulad nung wala pa si Jan sa buhay niya.
No care at all. Cold. Snob. Arrogant.

At katulad nung wala pa si Jan sa buhay, Nate feels like empty. Kahit nandito kami,
ang family niya, he always feel emptiness.
"Sino naman kaya mga nagpapadala ng message kay Nate? Sa tingin mo iisa lang
sila?"tanong ni Jin.

Lahat kasi ng message na natatanggap ni Nate puro unregistered number at iba-iba ng


number lahat. Everytime na susubukan naming itrack or tawagan, hindi na namin
macontact at hindi din matrack.

"Iisa lang lahat ng nagtetext Jin. At alam kong ang intensyon lang ng sender ay ang
bigyan ng maling akala si Nate."

Para bang ang gusto lang ng sender ay ang paglaruan si Nate.

"Sino naman kaya siya?"

"Hindi ko alam Jin. Ang alam ko lang, sigurado ako na kung sino man siya, may
posibilidad na may alam siya sa pag-alis ni Jan."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

INFINITE

Ms. Kim

=================
[37] She Let Him Go.

Ask me anything: ask.fm/MskimWP

Twitter- @longlostwriter

AFTER READING THIS CHAPTER, YOU CAN PLAY THE VIDEO TRAILER AT THE SIDE. AFTER GUYS,
OKAY? AGAIN, AFTEEEEER. HAHAHA.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Jin:

It's my birthday today.

"Happy Birthday, baby!"niyakap ako ni Mommy.

It's my birthday but it's not happy.

How can I be happy if Ate Jan's not around?

And how can I be happy if we're not in good terms? She's not picking up her phone.
She doesn't want to see me. Alyzza you're so complicated.

Why are girls so complicated? If love's complicated and so are they.

One day they are happy then the other day they will have a complicated life.

Nakaka-emo naman itong birthday ko.

"Son, are you sure you don't want to have a birthday party?"sabi ni Daddy habang
nakayakap ako kay Mommy.

Medyo natawa ako. Tumayo ako at umakbay naman kay Dad.

"Dad ang tanda ko na. Okay na kong matreat ang mga kaibigan ko. And I know that
busy kayo sa trabaho."

"But no one is too old for a party."


Bakit ba pinipilit nina Mommy na magparty ako? Oo alam nila na mahilig akong
magparty kaya nga ang pinatayo kong business ay bar pero alam ko naman kung saan
ako lulugar. Knowing that someone's missing and take note that that someone is not
just someone. Ate ko siya!

Sa ginagawa at inaakto nila mas lalo akong naniniwala na alam nga nila ang
pagkawala ni Ate.

"Mom and Dad, can I ask you one thing? Please tell me the truth."pinaupo ako ni
Mommy sa tabi niya.

"What is it, anak?"bumuntong hininga ako at humarap kay mommy.

"No offense pero bakit po parang hindi kayo ganoon na nag-aalala sa pagkawala ni
Ate?"nagkatinginan si Mom and Dad. Whatever answer na makukuha ko sa kanila, I'll
take the risk. Alam ko na dapat hindi ko na tinanong. Katulad ng sabi ni Zac,
useless din kung tatanungin ko, may possibility kasing itanggi.

"We're sorry for keeping a secret from you."hinawakan ni mommy ang dalawang kamay
ko."We know where is your Ate. Today, makikita niyo siya. Darating sila ngayon."

Should I be happy or what?

--------------------

Nathan:

2 months, huh?

This is really b-llsht.

I don't know if I'm mad or what. All I can say is that I really miss her a lot. But
does she feel the same way?

I don't want to give up. I never let myself to give up. I will never give up on us.
But it's been 2 months. I badly wanted to see her.

These past years, I've been connected to her and I can't stand a day not seeing
her.

I'm glad that I did survived 2 months away from her.

I stared blankly again in the message I received awhile ago. It was from Jin.
From: Jin

Nate be ready. Darating si Ate mamayang dinner. I hope everything will be okay for
the both of you.

I should be happy, right? I should be thankful that tonight, I'll see her. But I
can't erase in my mind the fact that she leaves. The fact that tonight, I will know
the reason behind all of this.

3 hours had passed and I am here in M's Hotel and Restau.

Jin's dinner party will be held here. I don't want to go here as much as possible
knowing that she was working here and this hotel reminds me of her. My first time
here was when she introduced me with her family.

"Pre ayos ka lang?"Zac asked me. I nodded at him.

Maybe if they are not the one with me, I may not have anymore friends. I'm rude,
selfish and arrogant but they are still here to help. We are IH7 afterall. No one
can break us. No one can stop us from helping each other. I'm not showy with them
but I treasure them a lot.

"Makikita na natin si Jan. Kasabay niya kayang darating si Jinnyboy?"Luke said.

"Napakainipin mo naman Luke, hintay ka lang saglit. Nandyan na 'yun. Gusto mo lang
mamasyal na dito sa restaurant eh."Ren said.

"Manahimik nga kayong dalawa. Pareho lang kayong gustong makahanap ng chix eh!
Katatanda na babaero pa din!"Charles said.

"Porket may Hazel ka na gumaganyan ka na ah! May pakipot-kipot ka pang nalalaman


dati, bibigay ka din pala."

"Melizza is a good friend, okay?"Charles defended.

"Who's Melizza? You one of the playboys!"Ren said teasing Charles about Melizza
girl.

"Hazelline Melizza Go or Hazel or Melizza."

"Ahhh so Nate-Jan lang ang style niyo Charles? Kung Melizza ang tawag mo sa kanya,
Louie naman ang tawag niya sa'yo?"Marco said. Charles Louie is his true name.
"Oo- Ano ba mga pare! Napaka-big deal ba nun? Kamustahin niyo na lang si Tanda! Ang
pagkakaalam ko may nakilalang chix si Zac nung mga panahong nasa Dubai kayo
Ren!"Charles said, avoiding Marco's teasing.

"Hoy tanda, bakit wala kang nakikwento sa amin? Damutan sa chix ganun? Unfair!"Ren
protested.

"What? She's a friend of mine and I don't want her to see you guys. Baka macorrupt
pa utak niya dahil sa inyo."Zac said.

"So who's the unlucky girl? Maganda ba? O matanda din katulad mo?"Luke asked. This
playboy.

"Mga brad, maganda siya! Mabait pa! At katulad ni Zac, ang lalim kung magsalita.
Saktong-sakto kay leader!"Marco said. Marco and Charles teased Zac about it.

"What's her name? What? Come one Zachary! Tell us."Ren asked.

"Secret."Zac said in a teasing tone. He knows how to tease us. He really is our
leader.

"Mga pangit!"they stopped laughing their ass off when someone called.

"Uy leader ng mga pangit nandito ka na pala!"Luke said then he hurriedly went to
Jin's side.

"Happy Birthday Jin! Pare tumanda ka na naman ng isang taon! Hahahaha."Charles


said. Luke and Jin sitted and we ordered our foods. I didn't order any heavy meals.
I just ordered a wine.

I'm preoccupied with my wine and my thoughts when a voice caught my attention.

"Happy Birthday, Bunso."

She's at my back. Everyone's in shock. Who wouldn't, right? She's here. Damn, she's
really here.

I'm about to face her when Zac spoke up,

"Jan bakit kasama mo si Van?"it's too late. There is turning back. I already saw
her with a boy standing beside her. She's with Van.

I stood up and I looked at her. She's not looking at me. She's smiling while
looking at them.
It feels like someone just stabbed me.

"Wifey.."I called out but it's like she didn't even hear it.

They exchanged greetings while I was dumbfounded standing here.

"Pre."Zac reaching out. I came back to my seat and started staring at her.

"I'm glad you still remember Van-Van."she said."But still I want him to introduced
to you, guys."

She looked at Van and smiled. Sh-t. Why do I need to see that? That smile is for me
only.

"Guys, this is Vancy Ron Rosales, my fiancé."

"F-CK!"I slapped the table and stood up. I looked at her.

"Fiancé? Are you kidding? Eliza we're engaged!"I said through gritted teeth. I
couldn't process it by myself. I don't care if everyone's looking at me.

She looked at me and smiled.

"Yes, his my fiancé. And no, we're no longer engaged."she said.

"You are unbelievable."I walked out. I can't stand staying in that f-cking table
with her and that f-ckingsh-t fiancé of her.

Another stabbed I got.

Why did she do that?

I was expecting her to follow me here outside and tell me that everything she said
was just a joke. A prank. But who am I kidding?

I'm all alone here.

I rest my back at the wall. I didn't imagined this night to be happy but I never
imagined it as bad as it can be.
"Nate."I didn't dare to look back. I might kill him if I did.

"What do you want?"I asked blankly.

"Can we talk?"I smirked.

"Will you back off?!"

"Alam kong galit ka sa akin. I couldn't blame you. Fiancé ba naman ako ng babaeng
mahal mo."

"Will you stop messing with me?!"I might kill him if he continued doing this.

"Nate nandito ako hindi para makipag-away."he said calmly.

"Then f-ck you. Just your presence near me makes me want to hit you too bad."

"Wait her at the garden. I'll bring her there. If you want to talk to her, then go
and wait."he then leave after that.

I automatically hit the wall at my back.

This life was really f-cked up.

----------------

I was not sure if he was telling the truth or what but damn him if he was fooling
on me.

I'm here at the garden where he told me to go. I'm waiting for her.

30 minutes had passed and I already hear voices. I can hear it more and more
clearly and it's like they are coming in my way.

"Just go inside the garden, okay? Babalikan kita Jan-Jan. CR lang ako then
pupuntahan kita dito. Pahangin ka muna dyan sa garden."

"Okay hintayin na lang kita dito."she said.

By just hearing them talking makes my heart even broken. It's like I've been
stabbed badly and continuously. It hurts.
I can see her silhoutte from here. I moved closer to her.

She stand still. She was so suprised to see me here infront of her. Just us alone.

How I want to hug her, to own her, to be with her. I could but she couldn't.

"E-Eliza..."I held her hands. She pulled it away.

"N-Nathan... W-what are you doing here?"while she is moving backward, I am moving
forward.

"Eliza what's happening?"we stopped walking. I looked at her with a curious,


desperate look. She's quiet and it makes me crazy to see her like this.

"We are engaged, Nathan. We are about to get married."she said while looking back
at me.

"About to get what? Y-You will marry other man? Are you kidding me?!"I don't care
if someone might hear me because of shouting. I don't care! All I care is her. All
I care is us. This relationship that I'm still fighting for.

"N-Nathan please understand me. I-I'm sorry."she said fighting her tears to not
fall.

"Understand what? That the woman I am engaged to was the same woman who announced
that she was engaged with other man?! Do you want me to understand that? It's like
you want me to die without hurting myself!"I'm crying and I can't f-cking control
it.

"I-I'm sorry."now she's also crying. I held her hand while my other hand caressing
her face.

"Stop apologizing. J-Just come with me. Please let's fight together again. I love
you."I begged her.

"N-No... Nathan I can't. We can't be together. W-We can't do this."I repeatedly


shook my head.

"E-Eliza we can. I can make this happen just please....please don't leave me. I
need you, Wifey. Stay with me."I begged again. No, I don't want to be apart with
her.

"They need me. K-Kailangan ako ng pamilya ko, Nathan. Kung hindi ko ito gagawin,
paano na sila? Paano na kami? A-Ayokong madisappoint sila."she's holding my hands
that caressing her face.

"Eliza I need you also. Can you just take me also to what you're calling your
family? What about us? What about me? D-Don't you need me?"

"I'm letting you go."and by that, all my plans and dreams for us just fade away.
"Don't you think it's fate that is keeping us away from each other?"

"No....no... Neither fate nor destiny can decide for us."

"No Nathan. I need to do this. Van is the man for me. Find someone who can fight
with you. Who will never leave you."

I shook my head and distant myself from her.

"Damnit! Why are you saying this? Stop this! Eliza I know you still want to be with
me. Don't lie cause I still know you still love me. I love you, please wifey don't
leave me again please. We will fight. I'll fight for you just please don't tell me
we're not for each other."I begged again and again. I'll never get tired begging if
this what it takes for her to choose me.

"I-I love you. I really do. But sometimes love isn't enough."

"Why did you hide this from me? You can simply tell me if something's wrong. Just
please, please Eliza, don't leave me."

"I-I'm sorry, I am really s-sorry."I shook my head again.

"Eliza, this is killing me."

This is really happening?

If this was some kind of a nightmare, I hope I'll be awake. I want to get out of
here.

I moved closer again. I never imagined myself doing this but if I need to do this
for her to come back, then I will.

I kneel down and hugged her knees. Begging her to choose me. To be with me. To
fight with me.

"Please, d-don't let me go. I'll be everything you need if you want. If your
company was your problem, I can lend all my company's money just please... Please
let me be with you. P-Please..."
"P-Please don't do this. Tumayo ka, Nathan. I-I'm sorry. Nakapagdesisyon na ako."

Because of what she said, I was awakened.

I stood up and walked forward. I stopped when I pass over her.

"So this is really a goodbye?"I laughed, a bitter one."Then wish you happiness and
I hope you won't regret this and I hope this night will be the last time we will
talk. I don't wanna see you again."

And I started walking away from her but before I eventually leave, she spoke,

"Don't forget that I will always love you. Even though I will leave you, my heart
will always stay with you. I love you Nathan."

"Yeah, love. F-ck that Love."and I finally leave her there.

Now, I'll be living in a world without that stupid thing called love. I'll get over
with this. I'll be over with her.

I don't know if I should stop or still chase for her.

I don't know anything and I don't want to know anything.

All I know is that I want to forget everything. I want to ease this pain I'm
suffering.

I feel empty. And I want to feel nothing.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

I MADE A VIDEO TRAILER FOR THIS CHAPTER! PLAY THE TRAILER AT THE SIDE(MULTI. SEC.)

INFINITE

Ms. Kim
=================

[38] What did they find out?

HASHTAG: #LLWCMCG

PARA PO MABASA KO ANG MGA FEEDBACKS NIYO :)

Dedicated kay @janjaneyy ito dahil sa mahaba at mala-telenovela niyang comment sa


previous chap. Thankyou! :*

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Charles:

"Mga pare bakit tayo na lang naiwan dito?"sabi ni Zac. Napatingin naman kaming
lahat sa mga bakanteng upuan.

"Oo nga ano?"sabi ko.

Wala sila Van at Jan. Si Nate naman kanina pa nagwalkout. Nagwalkout din ba sina
Van?

"Sinamahan lang ni Van si Ate."sabi ni Jin habang abala sa pagkain.


"Saan naman?"sabi ni Zac.

"Sa CR."sabi naman ni Ren na abala din sa pagkain. Tatakaw talaga.

"Pati ba naman sa CR, sasamahan?"sabi ko. Hanep na lalaking iyon. Akala mo naman
kikidnapin namin si Jan sa kanya(which is partly true dahil binabalak namin 'yan ng
IH7 pero syempre di namin tinuloy. Gwapong Kidnapper naman namin)

"Ganoon talaga. Akala niya siguro si Jan at Nate may balak mag-runaway."sabi naman
ni Luke na abala makipagtitigan sa isang girl. Aba ayos 'tong lalaking 'to ah.
Mukhang makakakuha pa ng babae ngayong gabi.(Huwag madumi ang isip. Inosente pa
naman kahit papaano 'yang si Luke. Takot siyang magka-AIDS no.)

"Pre ayos ka lang? Birthday mo pa naman tapos may nagaganap na ganito."sabi ni


Marco sa katabing si Jin.

"Expected ko na din naman ito. Balak ko na ngang umuwi at kausapin si Kuya Jop.
Pinauwi ko na kasi siya dahil hinanap niya si Ate sa isang company namin. Baka nasa
bahay na iyon."

Ang gulo-gulo nga naman talaga.

"Uy Jan!"tumingin kaming lahat kay Jan at Van na bumalik na.


"Uwi na kami. Masama daw pakiramdam ni Jan. Happy Birthday na lang Jin."tumango
naman si Jin kay Van.

Napansin ko lang namumugto ang mata ni Jan. Hindi kaya nagkausap si Jan at Nate sa
labas?

"Jin Happy Birthday. I-I'm sorry."niyakap niya ang kapatid niya.

"Yeah sure. Uwi kana Ate, kung saan ka man umuuwi."

Medyo natahimik kami. Ngayon lang namin napansin si Jin na ganito. Mukhang
nagtatampo siya kay Ate niya. Hindi naman namin siya masisisi. Kahit kami
nakakaramdam din ng inis sa kanya. Nawala siyang biglaan, iniwan ang kaibigan namin
at syempre babalik siya na may kasamang ibang lalaki. Fiancé pa niya!

"Uwi na tayo mga brad?"tanong ni Marco. Maniwala akong uuwi na'to. Pupuntahan lang
niya si Mich eh.

"Hanapin muna natin si Nate."pumayag naman ang lahat maliban kay Jin, Luke at Ren."

"Bakit?"tanong ko.

"Balitaan niyo na lang ako. Uuwi na ko sa bahay. Baka nasa bahay na si Kuya
eh."tumango ako. Tumingin naman kami kay Ren na busy pa din sa pagkain.

"Hindi pa ko tapos kumain mga brad! Mauna na kayo!"binatukan ko nga. Buti na lang
hindi nabilaukan.

"Uunahin mo pa ba ang pagkain kaysa sa kaibigan nating si Nate?"sabi ni Luke.

"Eh ikaw nga dyan ayaw mo din! Inuuna mo pa ang babae kaysa sa kaibigan
natin!"pagdepensa naman ni Ren.

"Oo nga. Sige mauna na nga kayo. Susunod na lang kami. Hassle maghanap kapag madami
tayo."sabi ni Luke sabay balik na naman ang tingin sa babaeng katitigan na naman
niya.

Lumapit ako sa kanila at sabay silang piningutan at dinala sa labas ng M's.


Pagkalabas namin doon ko lang binitawan ang dalawa.

"Ano ba 'yan Cha! Ang sarap nung pagkain doon ay!"sabi ni Ren.

"KJ ne'to! Ganda nun ay brad! Dati naman hindi ka ganyan. Porket may Hazel ka na
dyan eh."sabi ni Luke.

"Gago talaga kayo. Tara na nang makauwi na tayo pagkatapos nito."

Tatlong kotse lang ang dala namin. Dahil wala na si Nate dito, dalawa na lang. Mga
tamad kasing magdala yung iba eh.
Sa sasakyan ko sumakay sina Zac at Marco. Si Luke naman at si Ren sa kabilang
kotse.

Hindi na namin hahanapin si Nate sa bar dahil kanina tinawagan ni Jin ang mga
bartender sa bar niya, wala daw doon si Nate. Sa condo namin siya pupuntahan.

--------------

Wala kaming nakitang Nate sa condo. May susi na kasi kami sa condo niya. Hindi niya
alam na kinuha namin dati yung duplicate key niya.

Dahil hindi namin siya nakita sa condo, napadpad kami sa bahay nila.

"Uy mga Kuya kong pogi! Bakit nandito kayo? Si Kuya?"salubong sa amin ni
Nadine(kapatid ni Nate) nang makaupo kami sa sala.

"Hinahanap namin si Kuya mong masungit pero mukhang wala siya dito based sa
paghahanap mo din sa amin kay Kuya mo."sabi ni Zac.

"Kami lang ni Niel ang nandito with the maids. Wala kasi parents namin eh nasa
bakasyon sila. Nahanap niyo na ba si Ate Jan?"tanong ni Nadine sa amin.
"Paano mo nalaman?"tanong ni Marco.

"Nung isang gabi kasi, nakita kong nakabukas yung pinto ni Kuya kaya isasarado ko
sana pero nandoon pala si Kuya. Nakaupo siya sa sahig at nakasandal sa gilid ng
kama niya habang umiinom. Nilapitan ko siya tapos paulit-ulit niyang sinasabi na
hahanapin daw niya si Ate at sigurado siya na babalik si Ate Jan. Nakakatakot nga
si Kuya noon eh. Sobrang creepy niya. Nakatulala lang siya habang umiinom."kwento
ni Nads sa amin.

Saglit kaming natahimik sa kwento niya. Hindi naman kasi ganoon si Nate nung
nakikita namin siya kapag nalalasing eh. It's either sobrang init ng ulo or
napakatahimik naman na nakayuko lang.

"Hindi niyo pa ba nakikita si Ate?"kinuwento ko na lang kay Nads ang mga nangyari
kanina. Yung tungkol sa pagdating ni Jan, sa fiancé ni Jan at sa pagwalkout ni
Nate.

"Iyan ang dahilan kung bakit nandito kami."pagsabat ni Ren.

"Bakit naman kaya nagawa ni Ate Jan iyon? Eh ang pagkakaalam ko, engaged na sila at
sobrang mahal na mahal nila ang isa't isa. Paanong nangyari na eto sila ngayon at
nasasaktan sila?"sabi ni Nadine na halatang pinaprocess pa ng utak niya ang mga
nalaman niya.

"Maybe that's the reason. Masyado nilang mahal ang isa't isa kaya hindi nila alam
na dahil sa sobrang pagmamahal nila, ito din ang dahilan kung bakit nasasaktan
sila."sabi ni Zac.

"Masyado silang naging kampante sa kung anong nararamdaman nila na nakalimutan


nilang may posibilidad pala na mangyari ito. Na masaktan sila at may isang susuko
pala."pagpapangalawa ko.

Masyado kaming nag-expect na sila na talaga. Hindi naman nawawala ang sureness
namin na hindi pa ito ang ending nila, siguradong hindi pa ito yun. Pero nasa
kanila kung itutuloy pa ba nila ang kwento nila o hahayaan na lang nilang maiwang
bitin ang story nila.

"You too creeps me out."sabi ni Luke sabay yakap pa sa pillow dito sa sofa. Kumuha
nga ako ng isa at binato sa kanya. Panira kahit kelan sa pag-eemote eh. Minsan na
nga lang ako makapagword of wisdom eh. Hahaha!

"Wag ka nga, nag-eemote pa sila. Hayaan mo lang sila."sabi naman ni Ren. Kelan ba
titino dalawang ito? Hay nako!

"Mga unggoy, si Nate oh."mahinang sabi ni Marco. Lahat kami napatingin sa pintuan
na nagluwa ng isang napakalamig na simoy ng hangin-este isang tao pala.
"Nararamdaman niyo ba nararamdaman ko?"sabi ni Marco.

"Ramdam na ramdam namin."sabi naman ni Ren.

Yumakap sa akin si Zac at Ren.

"ANG LAMIG!"kumalas nga ako sa yakap nila. Mga bwiset na'to.

"Lalapitan ba natin?"tanong ko sa kanila.

Tumingin ulit kami kay Nate na papunta na sa hagdan. Mukhang hindi niya kami
napapansin.

Grabe parang may naglalakad na snowman. Ang lamig-lamig ng paligid kapag naglalakad
siya.

"Lapitan natin."sabi ni Zac.

"So scary, kayo na lang."sabi naman ni Nadine.


Tumayo na kami at pinuntahan si Nate na umaakyat na.

"Nate pre! Saan ka nagpunta?"tanong ni Luke habang nasa gilid kami ni Nate at
sumasabay sa pag-akyat ng hagdan.

Walang natanggap na sagot si Luke.

Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Nate at diretso lang ang tingin.

"Uy Nate! Yoohoo, we're here! Nabulag at nabingi ka na ba?"sabi ni Ren habang
nilagay pa niya sa harap ng mukha ni Nate ang kamay niya at winave. Sinaway naman
ni Zac ang kamay ni Ren.

Nakaakyat na kami ng hagdan at papunta na siya sa kwarto niya.

Humarang si Marco sa dinaraanan ni Nate kaya gumaya na din kami. Nakapalibot na


kami sa kanya ngayon.

Huminto siya sa paglalakad pero hindi siya nakatingin sa amin.

Para bang yung tingin niya napakalayo.

"Nate kausapin mo naman kami. Ayos ka lang ba?"sabi ni Zac.


"Bakit iniwan mo kami?"sabi ko naman. Nagulat ako dahil tumingin siya sa akin. P*ta
nagtaasan balahibo ko bigla! Yung tingin ni Nate lakas makamulto.

"Leave, huh?"nagsmirked siya then inalis na ulit ang tingin niya. Sh-t, parang
multo. Yung boses ni Nate para bang tatatak sa kalamnan mo. Ang lamig and at the
same time ang lakas ng epekto sa sinabihan niya. Dalawang words lang naman ang
sinabi niya pero mararamdaman mong ang lamig-lamig ng boses niya. Ayoko na ngang
magtanong!

"Nate, where did you go?"sabi ni Luke.

"Pre, kung gusto mo mag-oovernight na lang kami dito. Wala naman kaming gagawin
masyado bukas eh."sabi ni Ren.

Tumingin naman si Nate kay Ren. Dahil katabi ko si Ren, naramdaman ko bigla yung
parang nanigas siya sa kinatatayuan niya. Ganoon din ata itsura ko nung tumingin si
Nate sa akin. Pero syempre mas gwapo pa din ako.

"Back-off."nagtuloy-tuloy sa paglalakad si Nate dahilan para mabangga niya si Zac


at Marco na nasa harapan niya.

"Na-"tatawagin ko pa sana pero pinigil ako ni Zac.

"Ang lamig ni Nate."sabi ni Marco.


"Patay na si Nate?"napahawak pa si Ren sa katawan niya. Natakot pa ang loko.

"Tanga. Hindi. Ramdam ko pre. Huwag mong sabihing hindi mo naramdaman?"

"Sabagay, nung tumingin siya akala ko si Medusa pero imbes na magiging bato ka, kay
Nate kapag tumingin siya, yelo ang abot mo!"

Tama naman si Ren. Ang cold ni Nate.

"Something happened. At sigurado ako na kung ano mang nangyari, iyon ang dahilan
kung bakit naging ganyan si Nate."sabi ni Zac. Natahimik kaming lahat.

Paano na namin tutulungan si Nate kung ganito na kagrabe ang pakikitungo niya?

"Diba si Jan kanina namumugto yung mata? Baka naman nagkausap sila?"sabi ko.

"Posible. Hindi kaya..."tumingin sa akin si Zac.

Si Nate at Jan ay...


"Naghiwalay na?"sabi ni Luke. Tumingin naman kaming lahat sa kanya.

"Tama, mukhang iyon na nga."

"Anong gagawin natin? Iseset up ba natin sila para magkabati?"suhestiyon ni Marco.

"Ilalagay ba natin sila sa isamg kwarto at hindi sila pagbubuksan hangga't hindi
nagkakabati?"sabat naman ni Luke.

"Wala. Wala tayong gagawin. Hayaan muna natin na sila ang magtuklas ng kung anong
dapat nilang gawin. Wala tayong kaalam-alam sa mga nangyayari. Hayaan muna natin na
ang tadhana nila ang gumawa ng paraan para sa kanilang dalawa."sabi ni Zac.

Destiny will work for them.

-----------------

Jin:

Bago ako umuwi sa bahay, dumaan muna ako sa unang bahay ko.
Pinapasok naman agad ako sa loob. Nadatnan ko si Mama Gina sa sala at taimtim na
nanunuod.

"Hi Ma."tumabi ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Nakita ko ang ngiti sa
labi niya at niyakap din ako.

"Anak ko! Happy Birthday! Tapos na agad ang dinner party niyo? Samantalang dati
kapag nagcecelebrate kayo, umaabot kayo ng umaga."

"Kasi Ma..."paano ko ba sisimulan 'to?

"Ano mang bumabagabag sa kalooban mo, nandito lang si Mama. Anong problema ng
birthday boy ko?"eto ang isa sa mga minahal ko kay Mama eh. Sobrang kilala niya
ako. At kapag may problema ako, nasasabi ko sa kanya. Nakakagaan ng loob kausap si
Mama.

"Ma, di ba nakwento ko sa'yo na makikita namin si Ate Jan ngayong gabi?"

"Dumating ba?"tumango ako."Oh kamusta? Kamusta na sila ni Nate?"

"Iyon nga po eh. Dumating po si Ate. Ang buong akala namin, magkakaayos na sila
pero wala, nag-end up na mas lalong gumulo ang lahat. Imbes na masagot ang mga
katanungan namin, mas lalo pang dumami."kinuha ni Mama ang dalawang kamay ko.

"Jino, mabuti kang anak at alam naming mabuting kaibigan at kapatid ka din.
Pinalaki ka naming handang ipaglaban ang mga taong mahal mo. Jin gawin mo kung
anong sa tingin mong dapat mong gawin. Kausapin mo ang mga magulang mo."niyakap ko
si Mama ulit after nun.

Nagpaalam na din ako agad dahil kailangan kong umuwi na. Baka tulog na sina Mommy.
May flight pa naman sila bukas.

-------------

Nang makauwi ako sa bahay, nadatnan ko si Kuya at sina Mommy na palabas ng terrace.
Mukhang on time akong nakauwi ah. Nakapang-alis pa si Kuya mukhang kauuwi lang
niya.

"Jin bro, Happy Birthday!"pambungad ni Kuya sa akin. Tumango ako at yumakap kay
Kuya. Niyakap ko din sina Mommy at Daddy syempre binati din nila ako pero halata sa
mga kinikilos nila na nararamdaman nilang alam ko na ang tungkol kay Ate at kay
Van.

"Son, how's your dinner with them?"tanong ni Dad pero hindi ko pinansin ang tanong
niya.

"Nagkita na po kami ni Ate."


"Talaga? Kamusta daw siya? Saan siya galing?"hindi ko din pinansin ang tanong ni
Kuya. Palipat-lipat lang ang tingin ko kay Mommy at Daddy.

"She's with Van. Engaged na daw sila, tama po ba Mom and Dad?"nagkatinginan silang
dalawa.

"Jin and Jop, matatanda na kayo and I guess we can't take this secretly from the
two of you."sabi ni Mommy.

"Siguro it shocked you when your Ate told you about that and even you Jop,
siguradong hindi mo inakala na magiging engaged si Jan with Van. But believe us or
not, kahit kami nagulat nang malaman namin ang tungkol kay Van at Jan."sabi naman
ni Daddy.

"Ha? Paano nangyari iyon Mom?"gulat na sabi ni Kuya.

Mas lalo akong naguguluhan sa sinasabi ngayon nina Mommy.

"Nasa business trip kami ni Dad niyo nung tumawag si Jan sa akin. She told me about
that matter. At first nagulat ako and I actually asked her about Nate and her.
Sinabi ko sa kanya, if nag-away sila ni Nate, they can settle it then at wag siyang
magdesisyon lalo na kasal ang pinag-uusapan but then again she told me that they're
good but she wanted to get married with Van."

"Si Ate ang may gustong matuloy ang tungkol sa fixed marriage na iyan?"tanong ko.
Hindi ako makapaniwala! Si Ate Jan papayag na magpakasal kay Van? Ang pagkakatanda
ko, si Nate ang mahal niya at nung unang beses na sinabi nila Dad ang tungkol dyan,
she's against with that idea. How come she decided to just approved it? Ang tagal
na nang issue na iyan!
"Yes. Hindi namin alam kung bakit at kung ano ang dahilan kung bakit suddenly, she
did that. We even told her na kami na ang gagawa ng paraan para sa company."sabi ni
Dad.

"But Dad, diba naka-earn na tayo ng pera na nanakaw sa atin? Diba okay na ang
company at back to normal na nga diba?"sabi ni Kuya.

"No son, tinago sa amin ni Ate Jan mo ang tungkol sa pagkawala na naman ng another
18 million sa budget ng company. That's why she decided about that marriage
proposal but then again we doubt it. Hindi basta-basta magdedesisyon si Jan lalo na
kung tungkol na sa seryosong bagay."sabi ni Mommy.

"Unless, she have a deeper reason."Dad said.

Dahil sa mga nalalaman ko ngayon, mas lalo akong naguguluhan sa mga nalaman ko.

"Saan tumutuloy si Jan ngayon?"

"She's with Van. Magkasama sila for these few months."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Agaaaaaaain. Kung magtutweet kayo, gamitin ang hashtag: #LLWCMCG, para makita ko
ang mga feedbacks niyo sa twitter at ma-retweet or favorite ko :)
INFINITE

Ms. Kim

=================

[39] Not so Happy Wedding.

HASHTAG: #LLWCMCG

PARA PO MABASA KO ANG MGA FEEDBACKS NIYO :)

Dedicated kay @moodyserious thank you din sa mahabang comment or pagvoice out ng
nararamdaman mo sa Chapter 37. Thanks! Ang haba din eh. Hahahaha.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Mich:

Rosales & Montenegro Nuptial

You will witness the wedding of Vancy Ron Rosales & Joanna Eliza Montenegro,
Saturday, 10 a.m

Reception: M's Hotel/ Restaurant (12pm)

OMG. Tama ba 'tong nababasa ko?


"Rose, punta ka muna saglit dito."

Iniwan niya muna yung inaayos niyang mga dress at lumapit sa akin ang baklang
assistant ko dito sa boutique ko.

"Bakit po Madam?"

"Pakibasa mo nga ito."inabot ko sa kanya yung invitation. Nagtataka naman niyang


inabot.

"Madam hindi ba kayo marunong magbasa?"sabi nito.

"Echosera 'tong bakla na'to. Basahin mo na lang."sabi ko sa kanya.

"Rosales and Montenegr-"kinuha ko na lang bigla yung invitation card.

"Waitlalu Madam! Why you kuha? Binabasa ko pa."kinuha ko na ang bag ko at ang car
keys ko.

"Madam saan ka pupunta? Iiwan mo ang maganda kong feslak?"


"Rose ikaw muna bahala dyan! May pupuntahan lang ako. Babayu!"

Hindi ko na siya hinintay na magreply. Pumasok na agad ako sa kotse at pinaandar


ito. Pupuntahan ko si Yhanna sa Shop niya.

Nagring ang phone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello?"

[Miiiiiiiiiiich!]inilayo ko agad ang phone sa tenga ko at binalik ko din naman


agad.

"Natanggap mo na din?"

[Oo! Mygod, nababaliw na ba si Sissy?! Magpapakasal ba talaga siya dun kay Van? Oo
I know gwapo si Van pero mas bet ko si Nate no! Nuiza fan ata ako!]

"Kapag nakita ko yung babaeng 'yun nako!"

[Oy girl, nagdadrive ka no? Pupunta ka sa shop ko?]

"Oo, nandoon ka ba?"


[Iyan ang dahilan kung bakit ako tumawag. Wala ako sa shop, nasa airport ako.]

"Anong ginagawa mo dyan? Don't tell me susundin mo ang yapak ng nababaliw nating
kaibigan? Magfafly away ka na din ba?"

[Baliw! Di ko gagawin 'yon. I'm not bitter, okay? In fact, hindi naman kami bitter
isa't isa.]

I rolled my eyes. Yeah, hindi bitter. Pssh. Nakakainis. Hanggang ngayon hindi ko
alam ang dahilan ng break up nila. Ang lagi lang niyang sinasabi sa akin. 'Maybe
that's what we need.'

Gasgas na masyado yung palusot niya.

"Ewan ko sa'yo. Bakit ka nga nandyan?"

[Darating si Ella baby ngayon! Alam na din niya yung tungkol kay Jan!]

"I'm on my way na. Wait niyo ko."nag-end call na ako.

---------------
"Girls!"tumayo kami at lumapit kay Ella.

"Ella you're so beautiful!"sabi ni Yhanna sabay yakap dito.

Humaba na ang buhok niya that makes her even more beautiful and her fashion sense I
can say she has her taste.

"How are you and Kiejan?"I asked habang nagbebeso kami. Ngumiti lang siya sa akin.
In love pa din kay Kiejan ah.

"Speaking of Kiejan! He will be here tomorrow!"Ella said.

"Oh gosh, let's talk about this. Punta tayo sa coffee shop ni Jin."

Pumunta kami sa coffee shop ni Jin. Nakita naman namin doon ang IH7 maliban kay
Nate.

Hay kawawang Nate. Isang buwan na ang nakakalipas at talagang nagbago na siya. Lagi
lang siyang nasa bahay nila. Sabi ni Nadine lumalabas lang daw ang Kuya niya kapag
kukuha ng tubig o kaya man, bibili ng alak. Kapag naman daw bumabalik sa bahay,
magugulat ka na lang may sugat sa mukha or nagdudugo ang kamao.
At kapag naman daw tinanong ni Nadine o ng magulang nila kung anong nangyayari sa
kanya, binibigyan lang daw sila ng isang malalim at malamig na tingin.

Sheez, kwento pa lang ni Nadine, nakakakilabot na.

"Meeting with the IH7, huh?"sabi ni Ella. Napatingin naman sa amin ang IH7 lalo na
kay Ella.

"Ella? Is that you? Ang gandang babae nga naman oh!"sabi ni Luke. Tinaasan lang
siya ng kilay ni Ella at yumakap dito.

"Hoy Luke, I'm pretty even before so don't give me that amusing look."

"Much prettier, Ella."sabi naman ni Zac.

"Handsome oldie we have here! Kidding!"

Nagyakapan at nagkamustahan sila.

"M, how are you baby?"lumapit si Marco sa akin at niyakap ako.


"Not good."he caressed my cheek and gave me a very quick kiss.

"Hoy kayong dalawa itigil niyo 'yan! Next time na kayo maglovey-dovey kapag kasal
na!"sabi ni Ren. Binatukan siya ni Marco.

"Inggit ka lang eh!"inakbayan ako ni Marco at nilagay ang ulo niya sa balikat ko
nang makaupo na kami.

How lucky I am to have a boyfriend like him, oops, boyfriend no more! Fiancé na nga
pala.

"Okay tama na. Balik na tayo sa topic natin talaga."

Nakaupo kami sa isang malaking table at malayo sa mga customer.

"Lahat naman siguro tayo nakatanggap ng invitation, right?"panimula ni Charles.


Tumango naman ang lahat.

"Jin anong nangyayari sa kapatid mo? Hindi na ba siya papapigil?"sabi ni Marco.

"Ewan ko. Hindi ko alam. Nung isang beses na pumunta siya sa bahay, napakamailap
niya. Ni hindi man lang siya nagkukwento sa mga nangyayari sa kanya."
"What's with Jan really? Nawala lang ako ng ilang taon, they are having this
problem that they might just regret after!"sabi ni Ella. Halatang-halata siya na
nagagalit kay Jan. Bestfriend niya nga pala si Nate."How's Nate by now? That as-
hole is very prone in this kind of drama."

"Nalaman ko kay Nadine na nasuntok daw ni Tito Norman si Nate dahil sa pagiging
basagulero niya this past weeks. Tipong mabangga mo lang daw siya o mapatingin ka
lang sa kanya ng matagal, masusuntok ka na. May muntik pa nga daw mapuruhan si Nate
buti na lang daw nadala agad sa ospital."sabi ni Zac. Hindi namin magawang
pahintuin si Nate sa ginagawa niya dahil alam naming siya ang pinaka nasasaktan sa
amin. Walang-wala sa nararamdaman namin ang sakit na nararamdaman niya. He loves
Jan that he forgot people around him are worried for him.

"Ughhhh. I can't take this anymore! What's the plan? We need to push Nate to stop
that goddamn wedding!"sabi ni Ella almost shouting.

"Pero paano natin gagawin iyon kung ultimo IH7 hindi magawang mapilit si
Nate."tanong ni Yhanna.

"We can. Gagawin namin ang lahat para makagawa ng paraan para madala si Nate sa
church kung saan ikakasal si Jan. Baka sa ganoong paraan, Nate will be back to his
senses at mahinto niya ang kasal na iyon."

"Basta walang aattend sa kasal. Iparamdam natin kay Jan na mali ang ginagawa niya.
She can't be married with a man she doesn't love. It's wrong!" I said. I can't
understand Jan at all. We're her friends but she can't give us even a hint of
what's happening!

"Ella ikaw ang pag-asa namin. Nagawa na namin ang part namin and I think mapipilit
mo si Nate about this. Ikaw dapat ang kumausap sa kanya."sabi ni Zac kay Ella.
"May point si Tanda, Ella. New face naman. Baka sawang-sawa na si Nate sa
pagmumukha namin. Puro na lang kagwapuhan namin ang nakikita niya. It's time na
kagandahan naman makita niya."binatukan ni Jin si Ren. Kung anu-ano kasi
pinagsasabi eh.

"I will try but I can't promise. Alam niyo kung gaano katigas ang ulo ng isang
'yun."

"Wait, kung nakatanggap tayo ng invitation, hindi kaya...."hindi na natapos pa ni


Luke ang sasabihin niya.

"Nakatanggap din kaya si Nate?"sabi ni Charles.

"Ate why are you doing this?"Jin said almost whispering. Napasabunot pa siya sa
buhok niya.

Jan why are you really doing this?

-------------

Ella:
My head hurts.

I'm in front of Nate who's pretending that I'm not here and I really want to kick
his ass off. He knows that Jan will get married right now and what is he doing?
Nakahilata lang sa kama niya!

"Nate stop doing this! Come with me pupuntahan natin si Jan. Look at yourself! You
look like a monster!"

May sugat siya sa may taas ng kilay niya at sobrang tamlay ng mukha. He is like a
man leaving in a dead body! Yung sa labi niya may sugat din. Pumutok ang labi niya
siguro sa isang away. He is really insane!

Hinila ko siya mula sa kama niya pero umalis lang siya sa pagkakahawak ko sa kamay
niya. Kahit kamao niya may mga sugat.

"Nate!"I'm already shouting and I don't care if everyone can hear me.

"F-ck."

"F-ck you too, Nate. She needs you."

"She doesn't."
So cold yet very intense ng mga sinasabi niya. Ramdam na ramdam mo sa boses niya na
nasasaktan siya pero pigil na pigil na halatang ayaw niyang may makaalam.

"Nate just come with me-with us. Gagawin natin ang lahat mabalik lang siya. Please.
You two are amazing. I never told you that I am thinking that you two are belong to
each other."he didn't speak.

"There will be no Nathan if there is no Eliza. Your names symbolizes how in love
and how happy you are when you're with each other."

"Nate if you don't want to talk to her, just let her see you. Maybe if she sees
you, she might change her mind. Just let her see you. Just that."I said in a
calming way. He's not answering but I know, deep inside, he is processing
everything I told him.

"I don't know."

"You can do this Nate. You are brave."

"No. You know I'm not strong enough when it comes to her."

"Nate you need to be strong if you want to have her. Get up or I'll kick you real
hard."

--------------------
Sumama naman si Nate sa amin. It's a little bit awkward because I'm stuck here at
the backseat. I'm in the middle. Nakauwi na si Kiejan. Kasama siya ni Zac na
sumundo sa amin ni Nate.

Wala namang issue sa kanila. They're good na. Let's just say na awkward lang dahil
ang tahimik nilang dalawa. God! Hindi naman ako dapat nandito eh! I should be in my
office and enjoying my life there. Ugh... Sasampalin ko ang babaeng 'yon kapag
hindi pa niya inayos ang lahat ng ito. I really hate Jan!

"Zac malayo pa ba? We can't be late!"I said.

Dapat pala ako nalang nagdrive.

"Not now Ella. Manahimik ka na lang dyan!"Zac said.

"We're here!"

Thank goodness. Tumingin ako sa labas. There are few people waiting. There is still
no sign of Jan. I guess we're not yet late.

"Get out quickly!"sinunod naman agad ako ni Nate. He went out of the car and stood
there looking up in the church. Hindi siya nagsasalita pero alam kong nasasaktan
'yan. Kung hindi ko lang kailangan magpakabait ngayon baka nahampas ko na 'to. This
man is really into dramas.
I'm too tired for damn dramas like this.

"Ella!"Yhanna called out. She's with Ren, Marco and Mich. Nandoon pala sila sa may
garden na malapit dito.

"Any minute isasarado nila ang pintuan ng simbahan. Bubuksan nalang nila ito kapag
papasok na si Jan. Habang nakasarado ito, doon natin ipapakita si Nate sa kanya.
Sigurado akong walang maiiwan sa kanya sa labas kundi ang mga magulang ni Jan."sabi
ni Ren. I'm about to ask Ren about Jan's parents. You know, they might ruin our
plan. I'm not against them pero kailangan mag-ingat.

"Don't worry about Jan's parent. Nakausap na namin sila. Sila na daw ang bahala sa
mga magbubukas ng pintuan ng simbahan."Mich said. Lumapit ito kay Nate."Nate alam
mo namang Nuiza fan kami diba? Dati palang ikaw na ang gusto namin para sa kaibigan
namin. Don't let her to do that."

He didn't answer, he's just listening to what Mich was saying.

"Uy sinarado na nila!"we all looked at the church's door. Nakasarado na. Kasabay ng
pagsarado nito ay ang paghinto ng kotse sa tapat namin. Is this the car of Jan?
Medyo malayo pa ang church dito sa pinagparkingan ni Zac but why did the car
stopped infront of us?

I looked at Nate. Nakatingin lang siya sa kotseng nasa harap namin. Sobrang
nakakaawa si Nate. If I'm in his position, maybe I run away. Away from this stupid
pain in front of me. Hindi ko kakayanin makita na ang taong mahal ko, ikakasal na
sa iba. That is too b-llsht

Lumabas sa car ang isang mid 50's man. Maybe this is Jan's Dad.
"Wait why did we stopped Dad? Lalakarin ko ba mula dito?"I heard someone speaking
inside the car. That's Jan! Kung wala lang ang daddy ni Jan baka kinaladkad ko na
si Jan dito sa tabi ni Nate. I'm really pissed.

"Jan labas ka muna."sabi ng daddy ni Jan.

I heard Zac telling something.

"Nate nandito lang kami. Hindi kami aalis. Kasama mo kami dito."

Slowly I can see someone getting out of the car. When she finally leaves the car,
nagulat siya nang makita niya kami. Umiwas siya agad ng tingin sa amin. Hinarap
niya ang daddy niya.

"Dad, tara na. Baka naghihintay na sila sa loob ng simbahan."tinry ni Jan na


pumasok na sa kotse but her Dad stopped her.

"Jan, anak. I don't want you to marry Van na alam naman namin na hindi mo mahal.
Ako na ang bahala sa kanila. You can go back to him kay Nate."

"No Dad. I can't."Jan said.


"Damn, Eliza! Sh-t those words 'I can't' you're always saying that when in fact you
have all the rights to be with me!"Nate shouted. I didn't see that coming. I never
thought that he will shout at her. I thought he will just beg her with a calming
voice. Maybe he is too tired of begging for something that is now impossible to
have.

"Nathan please stop. I'm sorry for all of this."Jan said. She is avoiding our
stares.

"Sorry? Really you are sorry? If you are sorry, you should stop this! Eliza I love
you. Please.... Please don't do this. Please... Please let's go back to what we are
before."Nate plead. Hawak-hawak na niya ang dalawang kamay ni Jan. This was the
first time I saw him plead for someone. And this is the first time I saw him hurt
that much. His voice was too painful, lonely and broken. Konti na lang iiyak na
siya. But he is controlling it.

Jan looked at Nate. I saw a tear left her eyes.

"Nathan hindi na natin mababalik ang dati."inalis na ni Jan ang mga kamay ni Nate
na nakahawak sa mga kamay niya. Pumasok na siya sa kotse. He was left there.

"Everyone I'm sorry. Kakausapin ko si Jan. Sumunod kayo sa simbahan. Help me to


stop this."sabi ng Daddy ni Jan. He entered the car also. They are on the way to
the church.

"Nate let's go. May time pa. Kung gusto mo itakas na lang natin si Jan."sabi ni
Mich.
"Nate let's go. Don't let her do this."Zac said.

"Kuya let's go! Hahayaan mo bang makasal si Jan sa iba?"Kiejan asked. Halatang
galit na siya. Who wouldn't? Pasalamat si Jan hindi ko siya pinagsasampal para
kanina habang kausap niya si Nate.

Lahat kami pupunta na sa simbahan pero Nate stay still. Hindi siya gumagalaw sa
pwesto niya. Binalik ko ang tingin sa simbahan. Sh-t! The car is right there!

"Kuya stop her!"Kiejan shouted.

"F-ck! I already f-cking stopped her! I already do that! So don't you dare tell me
to do something I already f-cking did for a million f-cking times!"Nate shouted
back. Naglakad na siya at nilagpasan kami.

Tumakbo ako at pumunta sa harapan niya.

"Nate look at me. Are you really sure of this? Titigil ka na ba?"
Tumingin lang siya sa simbahan ulit. Wala akong nakikitang sakit at kalungkutan sa
mga mata niya. There's no expression at all. Geez, he's back with his cold self
again.

"I was too blind that I never thought that she might not love me as much as I do."

Binalik niya ang tingin niya sa akin. God, I want to cry! Parang in instant, nag-
iba bigla ang taong nasa harapan ko. It feels like the man in front of me was not
the same person I had known for so long.

"Nate naglalakad na siya papasok ng simbahan."Marco said. I don't think Nate will
stop her again.

"Let her. I don't care anymore."pumasok na siya sa kotse at pinaandar ito.

This is so heartbreaking.

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

#LLWCMCG

INFINITE

Ms. Kim

=================
[40] Twist in their Story.

Hala. Papalapit na ng papalapit ang ending. WAAAAAAAAAAAAAAH! TT^TT

May mga paborito ba kayong lines from different chapter ng CMCG? Tweet niyo sa akin
para malaman ko basta don't forget our official hastag: #LLWCMCG

EXAMPLE:

"I'm inlove with the man I can never have." -Ella (CHAPTER 18) #LLWCMCG

I'll favorite or retweet your tweets :)

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

Mich:

"Nako kung hindi lang talaga broken hearted ang loko-lokong 'yon baka binugbog ko
na. Ang walang hiya yung kotse ko pa ang dinala!"inis na inis na sabi ni Zac.

Dito na siya sa van na gamit ni Marco siya sumakay dahil nga ang kotse niya ang
ginamit ni Nate kanina.

"Kapag talaga nagasgasan 'yon o kaya nadumog papalitan niya 'yon!"sigaw na naman ni
Zac.

"Hoy tanda 'wag ka na magalit pa kay Nate. Intindihin mo na lang."sabi ni Ren dito.

"Manahimik ka dyan."

"Guys, tignan niyo itong picture!"sabi ni Yhanna dahilan para mapukaw ang atensyon
naming lahat.
Ako ang unang tumingin ng phone ni Yhanna na may picture from internet. Nakaupo ako
sa harap katabi ni Marco na nagdadrive.

Nakita ko ang isang wedding picture. Picture ni Jan at Van.

"Tinuloy pa din ni Jan ang kasal."I said in dismay.

"We need to separate ways."Ella butted in."Mich and Yhanna, let's go to the
reception. We'll talk to Jan."

"Sasama ako."tumingin kami kay Kiejan. Tumango na lang si Ella. Sabagay, si Kiejan
makakatulong din kung sasama siya. Kahit naman kasal na sila Jan at Van mapipigilan
pa din namin. Kaya nga may annulment diba?

"Kami na ang bahala sa paghahanap kay Nate. Mag-iingat kayo and control your
angers. Kiejan ikaw na bahala."pagpapayo ni Zac.

Magagawa kaya naming pigilan ang nararamdaman namin kapag nakita na namin si Jan?

Kung nagkataon, ito ang unang beses na makakausap namin siya after ng mga nangyari.

Mga ilang minuto lang din nakarating na kami sa M's, kung saan gaganapin ang
wedding reception.

Nagawa naming makapasok sa hotel dahil may mga invitation kaming dala. Agad kaming
pumunta sa 2nd floor(floor na ginaganapan ng iba't ibang party) kung saan nandoon
ang mga bisita at ang bagong kasal.

Pagkapasok namin, nakita agad namin ang mga piling bisita. Halos mga business
people ang mga nandoon.

Nakita namin si Van sa mini stage na para sa mga newly wed.

"Nandoon si Jan."sinundan namin ang tingin ni Kiejan. Kausap pala ni Jan ang mga
magulang niya. Hindi rin pala umattend sina Jop at Jin.

Ako na ang nagvolunteer na lalapitan si Jan. Sinabihan ako ni Kiejan na sa rooftop


ko dalhin si Jan para doon kami makapag-usap.

Humugot ako ng maraming lakas ng loob para malapitan si Jan at yayain sa rooftop.

Hindi ko inakalang darating pala talaga ang araw na kailangan ko pa ng lakas ng


loob para lang makausap si Jan. Parang hindi ko na siya kaibigan. Kakaiba na ang
pakiramdam kapag kakausapin siya.
"Excuse me po Tita and Tito."huminto sila sa pag-uusap at napatingin sa akin.
Katulad kanina, seryoso parin ang mukha nila.

"Oh, Mich buti dumating ka. Kasama mo ba si Nate?"tanong ni Tita. Umiling ako.

"Tita, pwede ko po bang makausap si Jan?"lumipat ang tingin nila kay Jan.

"Oo naman Mich."ngumiti sa akin si Jan. Paano niya nagagawa ang ngitian ako sa
kabila ng mga nangyayari ngayon?

"Doon tayo sa rooftop nandoon sila Yhanna, pwede?"nawala na ang ngiti niya. Alam
kong nararamdaman na niya kung ano ang papatunguhan ng pag-uusapan namin. Mukhang
nag-aalinlangan pa siya."Wag kang mag-alala, hindi namin kasama si Nate dahil hindi
namin alam kung nasaan siya."

Tumalikod na ako at nagsimula na sa paglalakad.

Pumasok na ako sa elevator ay sumunod din naman siya. Walang nag-iimikan sa amin.
Nakakailang dahil hindi naman kami ganito dati. Kapag magkakasama kami, walang kang
katahimikan na mararanasan sa amin. Pero iba ngayon. Para isang estranghero ang
kasama ko.

Malapit na kami sa rooftop nang magsalita siya.

"K-Kamusta si Nathan?"napailing na lang ako.

"Seriously Jan? Answer your question."lumabas na ako ng elevator dahil sakto na


huminto na ito at nasa rooftop na kami.

Pagkalabas pa lang niya ng elevator, nilapitan na agad siya ni Ella at binigyan ng


isang malutong at puno ng inis na sampal.

"Ella!"lumapit si Kiejan kay Ella at hinawakan ang makabilang braso nito para
mapigilan ito kung may balak man siyang ulitin ang ginawa niya.

"That's for waking you up from this stupidity you're doing."sabi ni Ella at inalis
ang pagkakahawak ni Kiejan sa kanya.

"Jan are you okay?"tumango lang si Jan sa akin. Kahit papaano kaibigan pa din naman
namin siya. Galit ako sa ginawa niya pero hindi ibig sabihin nun na mawawala na ang
pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan.

"Alam ko galit kayo sa akin."pagsisimula ni Jan nang mahimasmasan na ang lahat sa


naganap kanina.

"Ofcourse you know. Ikaw kaya lumugar sa posisyon namin."inis na sabi ni Ella.
Napayuko na lang si Jan."You've been playing as a b-tch for pete's sake Jan!
Nagpakasal ka for what?"

"Ella tama na."pilit pinapatigil ni Kiejan si Ella pero wala siyang nagawa.

"This woman needs to shake her mind! Nagpakasal siya para sa kumpanya! She's
hurting Nate and almost everyone! Even you!"

"Wala kang a-alam.............. H-hindi niyo alam! It's not my intention to hurt
all of you but this is the only way. I-I'm s-sorry."

"Jan diba mahal mo si Nate?"this is the first time na hindi tinawag ni Yhanna si
Jan ng Sissy. Kahit siguro siya nararamdaman niya na ang babaeng nasa harapan
namin, ay hindi ang Jan na kaibigan namin.

"Mahal ko siya. Mahal na mahal ko si Nathan. But I need to start teaching my heart
to fall in love with Van."napailing na lang ako. Hindi makapaniwala sa mga sinasabi
ni Jan.

"Are you for real? Jan naririnig mo ba ang sarili mo?"sabi ko sa kanya.

"We're married and sooner or later, makakahanap na din si Nathan ng babaeng hindi
katulad ko. T-Tanggapin na lang natin........ D-Dahil ako, pinipilit kong
tanggapin."

"Accept it yourself before you tell us to do so."sabi ni Ella. Umiiyak na si Jan.


Or should I say, umiiyak na kami ni Jan at Yhanna.

"Nagbago ka na Jan. Nasaan na ang babaeng ayaw sa mga taong manloloko? Ikaw mismo
manloloko at alam mo kung sinong pinakaniloloko mo?"hindi siya nagsalita sa sinabi
ko. Nananatili lang siyang nakayuko at umiiyak.

"Niloloko mo 'yang sarili mo. Pinapaniwala mo ang sarili mo sa isang bagay na alam
mong kahit anong gawin mo, hinding-hindi mo magagawang paniwalaan."masakit mang
pagsalitaan siya ng mga masasakit na salita pero wala akong magawa. Siya ang nag-
uudyok sa akin na sabihin sa kanya ito. Dapat niyang malaman ang mga bagay na ito.

"Jan tama si Mich. Kaibigan mo kami diba? Super friends pa nga. Tutulungan ka namin
pero please, tulungan mo naman ang sarili mo."sabi ni Yhanna.

"Hindi ko kaya........H-Hindi pwede. P-Patawarin niyo ko."humahagulgol na siya sa


pag-iyak. Hawak-hawak na rin niya ang dalawang kamay ko habang halos nakaupo na
siya dahil siguro sa panghihina sa sobrang pag-iyak.
"JanJan!"may lumabas bigla sa elevator at inalalayan si Jan tumayo.

"Woah... Her husband to the rescue!"

"Jan ayos ka lang ba?"tinitignan mabuti ni Van kung may nangyari kay Jan.

"Look, alam ko nagagalit kayo sa kanya pero sana naman intindihin niyo ang
kalagayan niya. Hindi niya ginusto ito."pagtatanggol ni Van kay Jan.

"Ikaw! Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!"susuntukin na sana ni Kiejan si Van
pero napigilan namin siya bago pa niya magawa iyon.

"Nagparaya ako hindi para sa Kuya ko. Nagparaya ako dahil alam kong hindi ako ang
makakapagpasaya sa kanya pero kung sa'yo lang siya mapupunta, sana pala naging
makasarili na lang ako."sabi ni Kiejan kay Van. Gustong-gusto na niyang suntukin si
Van pero pinipigilan siya ni Ella.

"Kiejan please tama na. Walang kasalanan si Van. Ako ang nagdesisyon."

"Ano ba Jan!"hindi ko na napigilan ang masigawan siya."Huwag mong ilagay ang sarili
mo sa lugar na alam mong masasaktan ka!"

"I'm s-sorry."iyak pa din siya ng iyak. Pilit siyang pinapatahan ni Van pero hindi
pa rin siya humihinto.

"Jan pati ba naman kami, hindi ka na namin mapipigilan?"pagtatanong ni Yhanna kay


Jan.

"A-Alis na kami next week. Sana mapatawad niyo ako."

Lumapit si Ella kay Jan pero nasa likod ito ni Van.

"Aalis? Ano ganoon na lang? Wow! Nice move, huh? You deserve another slap for
that!"sasampalin na sana ni Ella ulit si Jan pero hinawakan ni Van ang wrist ni
Ella para mapigilan ito.

At sinabi nito ang mga salitang hindi namin inaasahan. Salitang nagbigay ng
maraming katanungan at kaguluhan sa amin. At alam ko dahil sa mga salitang binuga
ng bibig ni Van, iisa lang kami ng naiisip. Paano kapag nalaman ito ni Nate?

"Wag mo siyang sasaktan! She's pregnant!"


∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Sorry kung ang dami kong napapaiyak. Trabaho lang po(HAHAHAHAHA) Last na'to.
(MALAKING WEH?) Malapit nang matapos ang CMCG! Nalulungkot na ba kayo? Ako din eh.
HUHUHUHUHU TT___TT

INFINITE

Ms. Kim

=================

[41] Art of Letting Go.

#LLWCMCG

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

[41] Art of Letting Go

5 years later...

Jan:

"Are you ready?"tumingin lang ako sa kanya at nagpilit ng ngiti.

Kailangan kong kayanin. Hindi tama kung palagi na lang ako lumalayo at nagtatago sa
bagay na kinatatakutan ko.
"Mommy....."tumingin ako sa isang napakagwapong anghel na kagigising lang sa tabi
ko.

"Yes baby?"umayos siya ng upo at kinusot ang mga mata.

"Where are we Mommy?"ngumiti ako sa kanya at pinakandong sa akin.

"We're still in our way. Nagugutom ka na ba? You want me to buy you some foods?"

"I'm okay, Mom. Tell me if we're at Grandma's House. I'm craving for her
specialties."yumakap siya sa akin at ipinikit na naman ang mga mata niyang hawig sa
kanya ama.

Kung hindi sa anak ko, hindi ko na kakayanin pang mabuhay. Dahil sa kanya pinipilit
kong lagpasan lahat ng nangyayari sa buhay ko. Sa limang taong nabuhay ako sa
malayo, siya ang kasama ko. Sa limang taon, siya na ang ginawang buhay ko.

"Are you really, okay?"

"VanVan, okay lang ako. Don't think of me too much. I deserved this."pinunasan niya
ang mga luhang kumawala na naman sa mga mata ko. Hindi na ata ako naubusan ng mga
luha. Tuwing naaalala ko ang pagtalikod niya, pagmamakaawa niya, at pag-iyak niya,
wala akong magawa kundi ang maiyak na lang.

"Hindi mo deserve ang mga nangyayaring ito. I'm sorry if only I can help
you."hinawakan ko ang kamay.

"It's not your fault. Stop saying that."

"Mommy... Mommy wake up we're here na po."minulat ko ang mga mata ko at mukha agad
ng angel ko ang nakita ko. Nginitian ko siya at inayos na ang sarili ko. Nakatulog
pala ako sa byahe namin.

"Baby Brad, baba kana para makababa na din si Mommy mo."ngumiti ang anak ko at
sinunod ang utos ni Van. Pagkababa ng anak ko sa sasakyan, pumikit muna ako at
huminang malalim. Nandito na ulit ako sa Pilipinas. Ang lugar kung saan marami
nakasaksi sa mga alaala namin. Nakasaksi sa buhay ko. Kung paano mula sa pagiging
masaya ay naging sobrang saya hanggang sa madapa ako at hirap bumangon.

"Mommy let's go na po! I wanna see them!"hinila-hila ako ng anak ko kaya bumaba na
ako.

"Excited masyado si Than."suhestiyon ni Van.


Siguro excited ang anak ko dahil ito ang unang pagkakataon na umuwi kami sa
Pilipinas. Ipinanganak ko kasi siya sa States at sa buong 5 years na magkakasama
kami, hindi ko pa siya naiuuwi dito. Ang totoo niyan, wala akong balak dalhin siya
dito. Alam kong maraming mga matang mapanghusga at baka maging dahilan 'to para
masaktan ang anak ko.

Pero kahit anong pagtatago ang gawin ko, hahanap-hanapin pa din ako ng nakaraan ko.
Ang nakaraang hindi ako makaalis dahil wala akong balak umalis. Masakit man ang
nangyari sa nakaraan, eto din naman ang nagdulot sa akin para maging masaya at
magmahal ng todo.

"Gwapo kong apo!"napangiti ako at nagwave kay mommy. Binuhat ko ang anak ko at
lumapit sa kanila na naghihintay sa may terrace namin.

Binaba ko ang anak ko nang nasa terrace na kami. Tumakbo ito sa lola niya at
magiliw na niyakap.

"Grandma!"

"Oh bakit si Grandma lang ang may hug? How about your Paps?"sabi ni Daddy na nasa
tabi ni Mommy at nakaspread ang mga kamay na naghihintay sa yakap ng anak ko.
Kumalas ang anak ko sa pagkakayakap sa lola niya.

"Paps I missed you also!"niyakap niya ang lolo niya. Binuhat siya nito at pinisil
ang pisngi ng anak ko pero agad din niya itong binaba dahil hindi na niya gaanoong
kayang magbuhat ng mabibigat dahil tumatanda na si Daddy."You're a very cute young
man."

"I'm not cute Paps. I'm handsome that's what Papa Brad told me. Cute is for
dogs."napatawa naman kami sa anak ko lalo na ang katabi ko.

"Hoy VanVan kung anu-ano sinasabi mo kay Than."


"Bakit ba? Totoo naman kaya."napailing na lang ako. Lumapit na din kami kina Mommy.
Niyakap ako ni Mommy ganoon din si Van.

"Then if cute is for dog then you are a very cute dog!"nagpout ang anak ko. Aww..
He is really a cute living angel if mine. I'm very lucky to have a baby like him.

"Where's my hug?"napatingin kaming lahat sa lalaking nagsalita. Nasa likod siya


with her wife and his daughter.

"Tito Pogi!"ibinaba siya ni Daddy at tumakbo ito kay Tito niya.

"Jin kung anu-ano talaga tinuturo niyo sa anak ko."binelatan lang ako ng kapatid ko
at niyakap ang anak ko.

"Aba, mas lalo atang gumagwapo ang pamangkin ko ah."

"Ohmy! That's Jelay?"nilapitan ko ang batang mahimbing na natutulog sa stroller na


nasa gilid ni Jin.

"Jelay my cousin?"

"Yes. She's very precious, right?"pinagmasdan ng anak ko ang pinsan niya tumango-
tango ito habang nakangiti. 1 year old palang ang anak ni Jin. A very cute baby
girl. She's like her mother. Mas cute pala siya sa personal. Nakikita ko lang kasi
ang pamangkin ko sa webcam at pictures.

"Where's your wife, son?"tanong ni Dad.

"Nako hindi siya nakasama dahil yung kapatid niya nasa ospital ngayon dahil
nanganak na. She's taking care of her sister."

Inaya na kami ni Mommy na pumasok na sa loob para naman makakain na dahil ang anak
ko hindi na makapaghintay sa mga hinanda ng lola niya.
"Mom I want this and also that and that one!"magiliw na sabi ng anak ko habang
hawak-hawak ang kutsara at tinidor sabay turo sa mga ulam na gusto niyang ilagay ko
sa plato niya.

"Baby Brad, baka lumobo ka na nyan bahala ka, girls will be scared of you because
you will be a fat big monster!"pananakot ni Van.

"But I want everything that Grandma cooked for us! And btw, if they don't like me,
then that's their lost not mine."pagdepensa ni ThanThan habang busy na sa pagkain.

"That's the spirit, Baby Brad! Sige kumain ka na ng kumain. Tutulungan na lang kita
magpa-macho."nag-apir pa sila ng anak ko at kumain na silang dalawa.

"Van kayo talagang dalawa nitong apo ko napakulit. Hala, sige kain lang ng kain
marami pa doon."

"Ate Jan, nag-aaral na ba itong pamangkin ko?"

"Home schooled siya at medyo advance siya. Grade 1 na siya this upcoming school
year."

"Dito mo ba siya pag-aaralin?"

"We haven't talked about it. Baka kasi bumalik pa kami sa States eh."tumango si
Jin. Narinig niyang umiiyak ang anak niya kaya kinuha niya muna ito at pinaghele.

---------------

"Ate magkakaroon ng Grand Alumni party next week pupunta ka ba?"nawala ang ngiti
ko. Pupunta ba ako? Paano kung nandoon siya? Paano kung makita niya ako? Paano kung
makita niya ang anak ko?

Napabuntong-hininga na lang ako. Ilang taon nang nakatatak sa utak ko ang mga
tanong na iyan pero ni minsan hindi ko alam ang mga sagot.

"Paano si Than?"nandito kami sa likod ng bahay. Sa garden. Nakaupo kami ni Jin sa


swing. Natutulog na ang anak ko kasama ang anak ni Jin sa kwarto. Napagod ang anak
ko sa pakikipaglaro kay Van. Gabi na din naman kaya kailangan na din niyang
matulog.
"Wag kang masyadong mag-alala. Hindi naman kayang saktan ni Nate ang isang
napakagwapong bata. At Ate naman, alam mo namang kahit ganoon si Nate, hindi niya
magagawang saktan ang mga taong mahalaga sa kanya."

"Hindi naman iyon ang ipinag-aalala ko. Alam mong ni minsan hindi ko naisip na
sasaktan o may gagawing masama si Nathan sa anak ko. Pero Jin, paano ko siya
haharapin lalo na ngayon?"sumisikip na naman ang dibdib ko. Tuwing siya ang pinag-
uusapan, ang sakit sakit. Tuwing naaalala ko siya, naaalala ko ang mga panahon na
ang saya pa namin. Mga panahon na para sa amin maliit na bagay lang ang problema
kung ikukumpara sa pagmamahalan namin pero dahil sa akin, naglaho ang lahat.
Naglaho ang mga pangarap namin. Nawala na siya sa akin.

"I'm not sure kung pupunta siya."napayuko ako para hindi niya mapansin ang mga luha
na pilit kong pinipigilang tumulo. Dahil sa malakas na simoy ng hangin, mas lalong
lumulungkot ang paligid.

"K-Kamusta na siya Jin?"nagkaroon ng mahabang katahimikan. Ramdam na ramdam ko ang


bilis ng tibok ng puso ko.

Sa limang taong umalis ako, hindi ko ginawang magtanong tungkol sa kanya. Pinigilan
ko ang sarili kong magtanong kung kamusta na siya, galit ba siya, anong ginagawa
niya o masaya na ba siya. Sobrang sakit. Sobrang sakit kung nasa malayong lugar ako
at makakaalam ako ng mga bagay tungkol sa kanya. Masakit dahil alam kong kahit
gusto kong bumalik sa kanya at sabihing siya talaga ang mahal ko at siya lang
talaga ang gusto kong makasama, hindi ko na magagawa. Masyado ko na siyang
nasaktan. Sinaktan ko siya ng paulit-ulit.

"Hindi namin alam. Walang nakakaalam sa amin. Natatandaan mo ba nung kinasal


ka?"hindi ako kumibo. Paano ko malilimutan ang araw na iyon. Ang pangalawang beses
na binigo ko siya at ang pangalawang beses na pinakawalan siya. Kahit ata kalimutan
ko ito, mismong ang mga alaalang iyon ang babalik sa isip ko.

"Nung kasal mo, nawala siya Ate. Ang sabi nina Marco, nagmakaawa daw siya sa'yo
pero tinuloy mo pa din daw ang kasal kaya after daw nun, sumakay siya sa sasakyan
ni Zac at siya lang ang mag-isa sa sasakyan na iyon."sandaling tumahik si Jin.
"Lahat kami nagtulong-tulong na sa paghahanap dahil gabi na at baka kung nasaan na
si Nate. Naghiwa-hiwalay na nga kami para makita namin siya. Pati sa iba't ibang
bar nagbakasakali kaming makita siya pero wala siya. Tinext ni Zac ang IH7 dahil
nakita nito ang sasakyan niya sa gilid ng daan pero kotse lang niya ang nandoon
wala si Nate."tumulo nang tuluyan ang mga luha ko. Nasasaktan akong malaman ang mga
iyan pero hindi ko na nga siguro magagawa pang makatakas."Pinagtanong-tanong namin
siya sa mga taong dumadaan sa lugar kung saan nakaparada yung sasakyan ni Zac
hanggang sa mapunta kami sa daan kung saan maraming nagkakagulong tao. Nagtanong
kami kung anong nangyayari. May lalaki daw na naglalakad na parang walang alam sa
mundo. Tulala daw ito habang naglalakad. Ang dami daw tumatawag sa lalaking iyon
dahil nga madaming dumadaan na mga sasakyan pero palakad-lakad lang daw ito
hanggang sa nahagip siya ng isang kotse."

Nanigas ako. Wala nang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Hindi.. Ayoko.... Hindi
siya iyon diba?

"Kahit ayaw naming isiping siya iyon, tinignan namin ang itsura ng lalaking
ipinapasok na nila sa ambulansya. Halos lahat kami hindi makagalaw nung makita
namin. Halos lahat kami walang gustong lumapit at maniwala sa nakita namin. Duguan
yung lalaki. Hindi mo na masyadong maaninagan ang mukha niya dahil sa sobrang
daming dugo ang dumadaloy sa mukha niya pero dahil sa damit na suot niya, nakilala
namin siya. Naaksidente si Nate."napatakip ako ng bibig. Naninikip na ang dibdib
ko. Tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng mga luha ko. Naaksidente siya. Dahil sa akin
naaksidente siya.

"Ate okay na siya. Kung iniisip mo kung may nangyari bang masama sa kanya, huli
naming kita sa kanya, may mga sugat at hindi pa siya makalakad at nagrerecover pa
siya sa trauma."

"N-Nasaan.... S-Si.... N-Nathan.... N-Nasaan?"ang sakit. Bakit kailangan pang


mangyari ito? Wala ako sa tabi niya sa mga panahong nahihirapan siya at ang
pinakamasakit pa, ako ang dahilan kung bakit nahihirapan siya.

If only I can go there.

"Umalis siya ng bansa. Hindi namin alam kung saan at paano siya nakaalis sa kabila
ng sitwasyon niya pero may nagsabing nurse niya na nagpasabi daw ito na magiging
ayos din daw siya at babalik siya kapag ayos na siya. Hanggang ngayon hindi pa din
siya bumabalik at wala pa din kaming balita pero alam naming babalik din siya kapag
kaya na niya."

"J-Jin napakasama kong tao..... S-Sinaktan ko s-siya."humahagulgol na ako sa pag-


iyak. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang mga bagay na nalaman ko.

"Ate, bakit ginawa mo ang lahat ng iyon? Bakit hiniwalayan mo siya nang biglaan?
Masaya naman kayo diba?"tumingin ako sa kanya. Tumulo ang mga luha ko pero hindi ko
inaalis ang tingin sa kapatid ko.
--------------------------------

Pumasok ako sa kwarto at pilit pinapakalma ang sarili ko. Hindi ako pwedeng
magdulot ng kahit anong ingay dahil baka magising ang anak ko at si Van.

Umupo ako sa may gilid ng kama at sa tabi ng natutulog na anak ko.

Hinimas-himas ko ang buhok niya.

Ayokong lumaki siya na puro sakit ang mararanasan niya. Ayokong magdusa ang anak ko
at maranasan ang mga kasamaan at kalupitan. If only I know how to fight, I'm sure
everything I did will fade away.

Pero hindi ko alam. Hindi ko alam kung paano umalis sa dilim na iyon. Hindi ko alam
kung paano iligtas ang sarili ko.

Inayos ko ang kumot ng anak ko at hinalikan ito.

Kahit hindi ako maligtas basta ang anak ko ayokong mapahamak siya. Kailangan ko
siyang iligtas.

Tumayo ako at lumabas sa may balkonahe. Hindi ko na kaya. Sumisikip na naman ang
dibdib ko. Walang tigil sa pagpatak ng mga luha ko. Para bang gustong-gusto na nila
makawala dahil sa mapait kong kalagayan.

I want to get out. I need to get out for my son. For our son.

--------------------------------

"Mommy where are we going? To a playground? Mall? Park?"sabi ng anak ko na


nakatingin sa daan.

"Baby do you remember my friends I left here?"

"Ninang Mich and Ninang Yhanna?"

"Yes baby."

"What about them, Mommy?"

"We will meet them today. I heard they have kids so you better play with them,
okay?"
"Of course, Mommy! I want some friends."ginulo ko ang buhok niya at niyakap siya ng
mahigpit.

"Sa apartment diba?"sabi ni Van. Siya ang nagvolunteer na magdrive sa amin.

"Oo, sabi ni Jin doon pa din daw nakatira si Mich at ang asawa niya pero iba na daw
ang pintura. White and brown."

"Eto? This is not an apartment, this is a mansion!"he giggled. Itinabi niya ang
kotse sa may gilid ng malaking bahay.

"Text me kung papasundo kayo."

"Sige magbihis ka ng maayos at maligo ka na VanVan! Mamasyal tayo!"natawa naman ang


anak ko at binelatan pa ang Papa niya.

"Aba kahit hindi ako naligo, mabango pa din ako no! Habulin pa din 'to."pagmamalaki
niya. Kung wala lang anak ko dito nasapok ko na ito.

"Oo habulin talaga."ang lapad ng ngiti niya nung sinabi ko iyon. Binuksan ko na ang
pintuan ng kotse pero bago kami lumabas, dinugtungan ko ang sinabi ko."Habulin ng
shower."

"Mommy got you Papa Brad! Hahaha! Drive safely Papa. See you later."nagbrofist
sila.

"Bye VanVan. Maligo na!"he chuckled and waved goodbye.

Nagdoorbell ako. Kinakabahan ako na baka ipagtabuyan ako ng mga kaibigan ko. Dapat
pala hindi ko muna sinama ang anak ko pero hindi. Alam kong hindi ganoong tao ang
mga kaibigan ko.

"Who is it?"unti-unti nang nabubuksan ang gate na nasa harap ko.

Nang tuluyang mabuksan, isang babae ang naka-apron ang bumulaga sa amin.

"J-Jan?"gulat siya nang makita ako. Napatingin siya sa batang hawak-hawak ko.

Nagulat ako dahil bigla niya akong niyakap. Hindi ko inaakala na yayakapin niya ako
sa kabila ng mga nangyari.

"M-Mich sorry."kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin.


"Eto na ba ang anak mo?"lumuhod ng kaunti si Mich para magkapantay sila ni Than.

Ngumuti ang anak ko at nagmano."Hello po Ninang Mich."

"Ay ang bait naman na bata nito. Do you want some cupcakes, liitle boy?"

"Cupcakes?"tumingin ang anak ko sa akin."Mommy can I?"

"Ofcourse baby. Pero don't too much. Kakain pa tayo mamaya."tumango ang anak ko.

Pumasok na kami sa loob ng bahay. Maganda ang bahay nila Mich. mukhang siya ang
nasunod sa kung anong itsura ng bahay nila. Ganitong-ganito ang gusto niyang bahay.

Pagkapasok namin, nakita ko na agad ang mga pictures nilang pamilya. Ang cute ng
mga anak nila. Hawig nilang dalawa ang kambal nilang anak. Nakita ko din yung kasal
nila Mich. Nakita ko na ito. Kahit hindi ako nakapunta, updated ako sa mga kinasal
sa mga barkada ko. Siya lang ang hindi ko alam.

"Baby Than, kain ka na dito."tumakbo na ang anak ko sa dining area at tinulungan


siyang makaupo ni Mich.

"Love, luto na ba ang mga cupcakes ng kambal?"tumungin ako sa 2nd floor. Nakita ko
doon ang asawa ni Mich na hawak sa magkabilang kamay ang kambal.

"J-Jan?"nagulat ito ng makita ako. Nginitian ko siya.

"Punta kayo dito. May kalaro ang kambal."ngumiti naman ang mga anak nila.

Bumaba sila ng hagdan at lumapit sa amin.

"Mama nashaan?"ang cute! Hindi pa ganoon kadiretso magsalita pero ang cute cute.
"Babies, meet your Ninang Jan."

Lumapit silang dalawa sa akin at nagmano.

"Min po."sabi ni Min, ang babae sa kambal.

"Hi Min, your eyes are similar to your Mama."

"Tsalamat po."pinisil ko ang cheeks niya.

"Mak po, Ninang."wow! Diretso na magsalita at malinaw. Hindi bulol.

"Hi Mak. Magkatulad kayo ng smiles ni Papa mo."lalo siyang ngumiti sa sinabi ko.

"Kids, my son is a little older than you. Nandoon siya sa dining area, kumakain na.
You can call him Kuya Than."tumango sila at nag-uunahang pumunta sa dining area.

"I'll go first!"

"Kuya!"

"Kambal, dahan-dahan lang."


"Tara upo muna tayo."umupo kami sa katapat naming sofa.

"Kamusta ka na?"ngumiti ako kay Mich at sa asawa niya.

"Okay naman. Focus sa nag-iisa kong anak. Kahapon lang kami umuwi galing States.
Kayo? Kamusta naman kayong dalawa ni Marco sa pag-aalaga sa cute na kambal
niyo?"inakbayan ni Marco si Mich.

"Makukulit sila sobra! Lagi pang nag-aaway at inis na inis minsan sa pagmumukha ng
isa't isa knowing na magkamuha sila. Pero kaya naman, nagtutulungan kaming
dalawa."kung hindi ko kaya siya pinakawalan, ganito din kaya kami katulad nila?
Naging masaya din kaya kami?

"Mich and Marco, I'm sorry. Sorry sa lahat. I'm sorry for leaving for almost 5
years."hinawakan ni Mich ang magkabilang kamay ko.

"Jan, don't be sorry. Alam naming ginagawa mo lang iyan dahil may mga rason ka.
Huwag ka sa aming magsorry, sa kanya. Sa kanya ka magpaliwanag."

Paano ako magpapaliwanag? Siguradong hindi na niya ako papansinin. At hindi ko rin
naman maipapaliwanag sa kanya.

"H-Hindi ko alam kung nasaan siya."


"Kung nasaan man si Nate, sigurado kaming ginagawa niya ang lahat para maging ayos
siya. Kakayanin niya, Jan."nagpilit akong ngiti sa sinabi ni Marco.

Naninikip na naman ang dibdib ko. Kakayanin niya. Kakayanin niya kahit wala ako.

"Nasaan nga pala si Yhanna?"

"Nako ayun! Sumama sa asawa niya. Mamimiss daw niya asawa niya kaya ayun. Naglilihi
ata sa asawa."medyo natawa ako. Nakwento sa akin ni Mich na dalawang buwang buntis
si Yhanna sa pangatlong anak nila.

"Sipag sipag nila. Hahaha. Eto kasing kaibigan mo, ayaw pang sundan ang kambal-
Aray! Joke lang naman. Di ka na mabiro, siguro gusto mo din no?"

"Manahimik ka dyan ah! Sasamain ka sa akin!"nakakatuwa silang tingnan. Masaya ako


para sa kanila. Sana maging masaya din ako para sa akin.

--------------------------------

Nasa mall na kami nila Van at Than. At ayun, nalimutan na ata nilang kasama ako.
Tumakbo na agad ang dalawa sa Arcade. Nagpaalam ako sa kanilang dalawa na hahanap
lang ako ng restau na kakainan namin. Tumango lang sila at hindi man lang ako
nilingon.

Naglakad-lakad lang ako dito mall habang nagtitingin-tingin sa mga kainan. Nadaan
ko yung isang Seafood Restaurant. Napangiti ako. Ito ang restaurant na kinainan
namin dati. Medyo nag-iba na ang style ng restau.

Naglakad-lakad pa ulit ako. Nang madaanan ko yung Album Store, may kanta silang
pineplay na ewan ko ba, napapasok tuloy ako sa store at pinakinggan ang kanta.
Medyo nasa kalagitnaan na ito nang marinig ko.

"And I'll pray for things to get better,And I'll stay to write you this letter, so
you'll know that I need you here, and you'll know of my greatest fear.And I'll pray
that we'll be together.And I'll stay, I'll stay here forever, so you'll know that I
need you here, and you'll know of my greatest fear."

Pinunasa ko ang luha ko. Nagulat ako nang biglang may nag-abot sa akin ng panyo.

Tinignan ko ito. Mas matangkad siya sa akin at maputi. Mga kasing edad ko lang ata.

"Hi Jan."kumunot ang noo ko. Kilala niya ko?

"Nakakapagtampo ka naman. Hindi mo na kilala ang President mo dati?"pinagmasdan ko


pa siya lalo. Medyo pamilyar nga ang mukha niya. Sino bang president ng MC dati?

"Ah Migo! Sorry di kita nakilala! Ang tagal na kasi nating hindi nagkita eh."
"Hahaha! Okay lang. Gumaganda ka lalo ah. Dahil ba iyan kay Nate?"ngumiti na lang
ako ng pilit. Narinig ko na naman ang pangalan niya.

"Nakita kitang naiyak ah. Nakakatouch yung kanta no?"tumango ako. Yung kanta parang
pinapatama sa akin.

"Sinong kumanta?"

"Ang album name kasi nila, Art of Letting Go tapos may name sa baba na Jess. Duo
sila. Napakamysterious nga ng kumanta nito eh. Isipin mo, 4 years na silang nasa
music industry pero napakailap nila sa media. Ni hindi pa nga sila nakikita kahit
saan. Walang nakakaalam ng true identity nila. Tanging manager lang nila ang
nagpapainterview."

"Talaga? Maybe they don't want their lives to be in public."

"Siguro nga tsaka ang alam ko uuwi daw sila dito sa Pilipinas. Akalain mong mga
Pilipino pala sila at mukhang makikita na natin sila dahil magpeperform sila sa
Grand Alumni! Nagulat nga ako nung kinontact namin sila at pumayag na kumanta sa
Party natin. Wait alam mo na ba ang tungkol doon?"

"Ah oo, sinabi na sa akin ni Jin."tumango ito.

"Punta ka ah? Wait dahil mukhang nagustuhan mo ang kanta nila, bibigyan kita ng
album nila hayaan mo, libre lang iyan para sa'yo."
"Ha? Bakit? Ikaw magbabayad?"

"Ay hindi! This store is mine. Sa aming dalawa ng asawa ko."kinuha ko na ang album
at nagpaalam na ako sa kanya dahil baka hinahanap na ako ng anak ko.

Nagvibrate ang phone ko.

"Hello?"

[Mommy, where are you? I'm hungry! Let's eat!]

Sinabi kong ibigay na muna niya ang phone kay Papa niya para masabi ko kung saan
kami kakain. Doon na nila ako pupuntahan.

Naglakad na ako at pumunta sa restau na kakainan namin. Humanap ako ng table at


umupo na.

Habang naghihintay, kinuha ko muna yung album na binigay sa akin Migo.

Kulay puti ang cover ng album. May sketch ng puno sa gilid ng cover at parang unti-
unting nahuhulong ang mga dahon niya pero yung mga dahon na nahuhulog, heartshaped.
Sa pinakacenter ng album nakalagay ang album title. Art of Letting Go tapos sa baba
nito ay Jess ang nakalagay na ang font ay parang Handwritten.

Mamaya pag-uuwi papakinggan ko lahat ng kanta nito. Parang may kakaiba sa kanta na
hindi ko maipaliwanag. At ang nagpapabagabag pa sa akin, the singer sounds like
him. May pagkakapareho silang boses. Umiling ako. Nag-iimagine lang siguro ako.
Kung anu-anong iniisip ko.

--------------------------------

"For a while we pretendedThat we never had to end itBut we knew we'd have to say
goodbye."

Pinunasan ko ang mga luhang kumawala na naman sa mga mata ko.

"You were crying at the airportWhen they finally closed the plane doorI could
barely hold it all inside."

Kakasimula palang ng kanta naiiyak na ako. Yung mga kanta, masyadong nakakaiyak o
naiiyak lang ako dahil masyado akong apektado? Itong unang kantang pinapatugtog ko,
una palang naiiyak na ako. Matatapos ko kaya ang song list nang hindi ako iiyak?

"Torn in twoAnd I know I shouldn't tell youBut I just can't stop thinking of
youWherever You AreYouWherever You AreEverynight I alsmost call youJust to say it
always will be youWherever You Are"

Nakaupo ako ngayon sa balkonahe ng kwarto namin nila Than. Niyakap ko ang tuhod ko
habang nakasubsob ang ulo ko doon. Nilagay ko muna ang laptop sa may gilid ng
inuupuan ko habang nakaheadset ako.

"I could fly a thousand oceansBut there's nothing that compares toWhat we had and
so I walk aloneI wish I didn't have to be goneMaybe you've already moved onBut the
truth is I don't want to know"

Babae na yung kumakanta. Maganda din ang boses niya. Tumulo na naman ang mga luha
ko. Hindi ko na pinunasan ang mga luha ko. There is no use. Tutulo at tutulo din
naman.

Kamusta na kaya siya? Napatawad na kaya niya ako?

"Torn in twoAnd I know I shouldn't tell youBut I just can't stop thinking of
youWherever You AreYouWherever You AreEverynight I alsmost call youJust to say it
always will be youWherever You Are"

Anong ineexpect mo Jan? Papatawarin ka niya agad? Na hahabulin ka niya at hindi


siya susuko?
Sinong hindi susuko sa ginawa mo?

Nawala kang biglaan at nang bumalik ka, may bagong fiancé ka na at ano? Ipinamukha
mo pa sa kanya! At ano pang mas malala? Hindi mo ulit tinanggap ang pagmamahal niya
at nagpakasal ka pa rin sa iba. At ano? Nalaman din nilang buntis ka.

"You can say we'll be togetherSomedayNothing lasts foreverNothing stays the sameSo
why can't I stop feeling this way."

Hindi ko masisisi ang iba kung nagagalit sila sa akin dahil mismong ako
kinasusuklaman ko ang sarili ko. Nagagalit ako sa sarili ko na nangyari pa ito.
Bakit sa akin pa binigay ang problemang ito.

"Torn in twoAnd I know I shouldn't tell youBut I just can't stop thinking of
youWherever You AreYouWherever You AreEverynight I almost call youJust to say it
will always be youWherever You Are."

Sinarado ko na ang laptop at tinanggal ang headset. Hindi ko na kayang marinig pa


ang mga susunod na kanta.

Lalo lang akong nahihirapan sa mga nangyayari. Lalo lang sumasampal sa mukha ko ang
alaala namin na tinalukaran ko.

I love him. I will always be. Mahal ko siya na naging dahilan para iwan ko siya. I
love him so much that I did this for me to still love him. Kailangan ko itong gawin
hindi lang para sa sarili ko, kung hindi para sa kanya.

Kelan ko kaya masasabi sa kanya ang katotohanan?

Kelan ko kaya siya muling makikita?

At kelan ko ulit siya makakasama?

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Madaming nagtatanong ng mga titles ng mga kantang ginamit ko from Book 1-2 kaya
kapag natapos na ang book 2, ilalagay ko sa Epilogue ang lahat ng song titles :)

And for Jan, malalaman niyo din ang dahilan niya sa lahat ng mga ginawa niya. Let's
wait for that. Don't judge her so fast. :)

Every decisions people make or made, there will always have a reason behind it.

#LLWCMCG

INFINITE

Ms. Kim

=================

[42] The Grand Alumni Revelation

[42] The Grand Alumni Revelation

#LLWCMCG

----------------------

"Mommy you look like a zombie again. You are scary!"tumingin ako sa anak ko.

"Really? Zombie?"unti-unti akong lumalapit sa kanya. Mukhang nararamdaman niyang


may balak akong kilitiin siya kaya umaatras siya sa kama.

"Mommy no! You're creepy!"sabi niya habang nagmamadaling makaalis sa kama.

"Kanina zombie ngayon naman creepy?"mabagal akong naglalakad sa kanya. Halata sa


mukha niya ang takot na baka makiliti ko siya. Malakas kasi ang kiliti niya sa
tagiliran niya. Isa sa mga namana niya sa akin.

"No I'm just joking!--Mommy!"napahiga siya sa carpet nang mahuli ko siya at


nakiliti. Pagulong-gulong kami doon habang gumagawa siya ng paraan para maalis niya
ang kamay ko.
"Mommy ko stop na po. I can't take it."huminto na ako at tawa ako ng tawa dahil
namumula na ang anak ko at naghahabol ng hininga pero natatawa din siya.

Niyakap niya ako bigla at kiniss sa cheek.

"Mommy kahit you look like a zombie or a creepy mommy, you will always be a very
beautiful mother in my eyes."hinigpitan ko pa lalo ang yakap ko sa kanya. Siya
talaga ang nakapagpapagaan sa akin kapag nararamdaman kong ang bigat-bigat ng
pakiramdam ko. Na sa paggising ko sa umaga, makita ko lang ang anak ko, napapawi
panandalian ang sakit na nararamdaman ko.

Nakakatuwa lang na sa araw-araw na gigising siya at makikita niya ang mga mata kong
namamaga, hindi niya nararamdaman ang sakit. Kapag kasi nakikita niyang ganito ang
mga mata ko, ang dinadahilan ko na lang ay kulang ako sa tulog.

Alam ko darating ang araw na malalaman niyang hindi sa kulang sa pagtulog ang
dahilan sa pagiging ganito ng mga mata ko kundi ang sobrang pagluha ko. Pero sa
ngayon, ayokong may alalahanin muna ang anak ko. Ayokong habang lumalaki siya at
nagkakaroon na ng kamalayan sa mga nangyayari, puro masasamang bagay ang alam niya
at nakikita niya.

I want him to grow up with happy memories that will give him something to hold on
in life. Something happy that he can tell his friends.

Lumabas na kami ng kwarto. Dito na kami nakatira ngayon sa bahay na ipinagawa namin
habang nasa States kami para in case na babalik na kami dito sa Pilipinas, may
matitirahan kami.

Nadatnan namin si Van na inilalapag ang niluto niya. Lumapit siya sa amin.
Nakipagbro fist ito sa anak ko at binuhat siya. Hinalikan naman niya ako sa pisngi
at inaya nang kumain.

Pagkatapos naming kumain, nagpaalam ang anak ko na maglalaro lang daw siya sa play
room niya kaya naiwan kami ni Van sa sala.

"Umiyak ka na naman. Sabi ko naman sa'yo, 'wag mo nang pigilang gawin ang dapat."

"Hindi ko kayang i-risk ang lahat para sa kasiyahan ko."

"Hindi mo lang kasiyahan iyon, JanJan. Kasiyahan ng lahat lalo na ang kalayaan
diyan sa puso mo."

"Nakakatakot, Van. Paano kung handa na ako pero huli na ang lahat?"hinawakan ni Van
ang dalawang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.
"Atleast nagtry ka. Mas mahirap kung sumuko ka nang hindi man lang nalalaman kung
may pag-asa pa."

"Paano ka?"nag-aalalang tanong ko.

"Daming babae diyan sa labas. Kahit hindi ako maghanap, mahahanap nila ako."

"Yung seryoso."bumuntong hininga siya at binitawan na ang mga kamay ko at sumandal


sa couch.

"Alam mong masaya akong maging masaya ka at alam mong hindi iyan ang iniisip ko
ngayon. Ang focus ko ngayon sa buhay ko ay ikaw at anak nating si Than."niyakap ko
siya.

"Ano ba 'yan. Kahit kelan talaga ang drama mo. Nadadamay tuloy ako sa kadramahan mo
sa buhay. Hala, sige na mauna na kayong maligo ni Than para makaalis na tayo."muli
akong nagpasalamat sa kanya at pinuntahan na si Than.

Kung wala si Van, hindi ko na alam ang gagawin ko. Nandyan siya at iniwan niya ang
buhay niya para pumunta sa akin at tulungan akong paganahin ang buhay ko.

Inalagaan niya ako noong ipinagbubuntis ko ang anak ko. Naging mabuti siyang tatay
dito. Sa mga panahong hinuhusgahan ako nasa tabi ko siya at patuloy pa ring
naniniwala sa akin.

Pagkatapos naming mag-ayos, pumunta na kami sa mall kung saan nandoon ang shop ni
Mich. Saglit na kamustahan at pagkayari'y kinuha ko na ang mga damit na pinagawa
namin sa kanya para sa Grand Alumni mamaya.

----------------------

"You're so beautiful, Mommy."ngumiti ako sa anak ko at inayos ang bow tie niya.
Inabot niya sa akin ang isang red rose na nakatago sa likod niya. Nagthank you ako
at hinalikan sa pisngi ang anak ko.

"My prince is very handsome tonight."lumapad naman ang ngiti ng anak ko.

"Ako ba?"tumingin ako sa lalaking nakablack suit at nakasandal sa may pader sa


gilid ng hagdan.

"Bagay sa'yo, VanVan. Gwapo natin ah."inayos ko din ang tie niya.

"Ikaw din. You look very beautiful."inabot niya sa akin ang bouquet of red roses na
itinatago niya rin sa likod niya."Sorry dyan sa mga flowers. May bawas na."
Pinagmasdan kong mabuti ang bouquet at oo nga may parte sa gilid na parang kulang
ng bulaklak.

"That's not my fault PapaBrad! Hindi ka namili for me to be able to give flowers
for Mommy."lumapit ang anak ko kay Van at nakapamulsa pa. Ang gwapo ng anak ko
kahit namumula pa siya dahil nahihiya.

"That's your fault."

"No!"

----------------------------

Bumaba na kaming sasakyan. Madami-dami na din ang mga tao. Pinagmasdan ko ang
kabuuang lugar.

Ang laki na din pala ng pinagbago ng Morgan College. Mas lalong gumanda at mas
lalong lumaki.

Hinawakan ko ang kanang kamay nang anak ko.

"Baby, huwag lalayo kay Mommy and do you remember what your Papa Brad told you
before?"

"Don't talk to strangers they might get your heart."nanlaki ang mata ko. Tumingin
ako kay Van na nasa tabi ni Than at nakahawak sa kaliwang kamay naman nito.

"Bakit? Hahahaha!"napailing na lang ako. Huminto muna ako sa paglalakad at dahil


hawak ko ang kamay ni Than at hawak din ni Van ang kamay ni Than, napahinto din
sila.

"Yung mga ipapakilala sa iyo ni Mommy and Papa, iyon ang mga pinagkakatiwalaan
namin kaya hindi na sila stranger, okay baby? and 'wag hihiwalay sa amin. You might
lost and I don't know what will happen to us kung mangyayari 'yun."tumango ang anak
ko sa akin.

"Mommy I'm a big boy na. I know what's wrong and what's not."kiniss ko din ang anak
ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Jan?"tumingin ako sa babaeng nasa gilid ko.

"Kisha!"nakipagbeso ako. Ang ganda-ganda niya! Bagay sa kanya ang medyo chubby
niyang katawan pero still matatawag mong sexy.
"Where's your husband?"

"Nandoon sa table namin naglalaro sila ng mga anak namin. May tatlo na kaming anak.
All boys."

"Happy for you. Grabe, ang tagal na nating hindi nagkita."binuhat ko ang anak
ko."This is my son, Than. And my husband, Van."

"Oh.."hindi mawala-wala ang tingin niya sa akin at tingin niya kay Van.

"Sige Jan balik na ko doon sa mag-ama ko baka hinihintay na ko. Enjoy the
night."nagpaalam na sa amin si Kisha. Pumasok na kami sa isang room. Sa loob ng
room na ito ang Grand Alumni.

"Sissy!"

"Don't shout too much!"

"Why?"

"Baka mahulog na si Baby!"binatukan siya ni Yhanna. Natutuwa akong makita silang


masaya. Mabuti naman at nagkabalikan na si Kuya at si Yhanna.

Lumapit kami sa kanilang lahat. Kami na lang pala ang kulang at syempre, siya.

Isang napakalaking round table ang inuupuan nila. Halatang ayaw magkahiwa-hiwalay.

"Jan gumaganda tayo ah."hinalikan ako sa pisngi ni Luke at pinakilala sa akin ang
asawa at anak niya. Aba, mukhang nagquit na ito sa pagiging playboy.

"Jaaaaaaaaan!"binatukan ito ng asawa niya na medyo natatawa pa. Pinakilala din ni


Ren ang asawa at anak niya sa akin.

"Jan! Gwapong Zac here! Gwapo pa din ako no?"natawa ako sa kanya. Hindi pa rin
nagbabago. Pinakilala din ni Zac ang asawa at anak niya sa akin. "Your baby?"

Tumango ako at pinakilala sa kanila ang anak ko.

"Wait, hindi ko napansin si Baby!"nag-uunahan si Luke at Ren na makapunta ulit sa


tabi namin. Kaya pala hindi nila napansin ang anak ko dahil nagtatago sa likod ni
Van.
Binuhat ito ni Van para makita nilang lahat.

"Guys, this is Nathaniel Jaevan Rosales."walang kumibo nang ipakilala ko ang anak
ko. Lahat halatang gulat.

"Ang gwapong bata naman nito! Mana sa tito!"sabi ng kapatid kong si Jin.

"Anong mana sa'yo? Sa akin kaya!"sabi naman ni Kuya Jop.

"Nako nag-away pa yung dalawa. Alam niyo naman kung sino talaga kamukha nung
bata."sabi ni Charles sabay lapit sa akin at kiniss ako sa cheeks at pinakilala din
ang asawa at anak."Kamusta?"

"Ayos naman ako. Kayo ba?"

"Eto tinamaan sa asawa ko."napailing na lang ako at napangiti habang pinagmamasdan


si Charles at ang asawa niya. They're really inlove with each other.

"Hi Jan! Kilala mo na ba yung sobrang gandang asawa ko? 'Wag mo nang kilalanin.-
Aray! Joke lang naman. Eto namang baby ko."inakbayan ni Marco si Mich."First baby
ko nga pala Jan. My forever legal and illegal wife, Mich."

"Pre bakit illegal din?"tanong ni Luke dito.

"Eh bakit ba pinapakielaman niyo ko? Gusto ko kasi siya ang legal, siya ang
girlfriend at siya din ang kabet. Gusto ko sa kanya lang ako babagsak."

"BOOM DAMOVES!"sigaw naman ni Ren at nakatanggap ng iba't ibang tukso mula sa mga
kaibigan niya.

"Dahil pinakilala din si Mich, ipapakilala ko na din ang asawa kong dinadala ang
pangatlong magiging sobrang cute na anak namin! Yhannamyloves! Ganda ng buntis kong
asawa."imbes na kiligin ang IH7, mga natulala kay Kuya at napailing pero ilang
segundo lang din ay pinagtawanan nang mga ito si Kuya.

Umupo na kami after magkamustahan. Katabi ko sa kanan si Mich samantalang nasa


kaliwa ko naman si Van at nakakandong sa kanya si Than.

"Nasan sila Ella?"tanong ko. Hindi ko kasi siya napapansin dito pati ang asawa
niya.

"Nako, hindi sila nakauwi dahil sa conflict sa trabaho. Baka next week pa sila
makauwi."sabi ni Yhanna sa akin nang umalis si Than at Van para manguha ng pagkain.
"Sissy dito na ba mag-aaral si Than?"

"Napag-usapan namin na hahanap kami ng magandang school dito na pwedeng mag-aral si


Than."

"Really? Why don't you enroll him here?"

"Meron na bang grade school ang MC?"tumango sa akin si Mich.

"Meron na last year lang. I-enroll mo na si Than dito. Isa ako sa mga nagscreening
sa mga magiging teachers ng mga bata kaya I'm sure na matuturuan nilang mabuti ang
mga ito."

Nabitin ang pag-uusap namin nang dumating na ulit ang anak ko at si Van.

"Mommy look at this oh."pinakita ng anak ko ang maraming marshmallow with chocolate
syrup sa plate niya."Mommy I'll go with them and I will share it."

Tinuro niya yung mga anak nila Yhanna at Mich na kumakain sa kabilang table kasama
ang IH7 babies din. Malapit lang yung table nila sa akin dahil syempre mga baby pa
sila at mahirap kung malalayo sila masyado sa amin dahil baka kung saan sila
magpunta.

"Okay sige. Take care at 'wag lalayo masyado."

Pinagmasdan ko ang anak ko na naglalakad. Dahan-dahan siyang naglalakad para hindi


matapon ang mga marshmallow na nasa plato niya. Lumapit siya kay Min at Mac na busy
sa kinakain nila. Maya-maya lang din ay nagkakagulo na silang lahat sa dala ni
Than.

Being the oldest, sinabihan niya ang mga kasama niya na umupo nang maayos at
bibigyan niya silang lahat ng dala niyang marshmallow. Nang makita niyang nakaupo
na ang lahat, isa-isa na niya itong binigyan ng mga marshmallows. Napangiti ako sa
nakikita ko ngayon. Tuwing nakikita ko ang anak ko na gumagawa ng mga simple good
acts, sobrang nagiging proud ako na para bang gusto kong i-video ang anak ko at
ishare sa lahat ng tao.

"You're a great mother,Jan despite of everything. We're so proud of you


sis."niyakap ko si Mich and Yhanna. I missed my girls.

"Helloooooooooo!"tumingin kami sa mini stage. Nakatayo doon si Ren at Luke. Sila


pala ang napiling magMC for tonight's grand alumni.

"Wow it's been a lot of years pero ang dami paring napapatingin sa tuwing naririnig
boses ko. Hahaha!"proud na proud na sabi ni Ren. Nagtawanan naman ang crowd.
Nakatanggap naman ng batok si Ren mula kay Luke.
"Feeler ka Ren ah. Sino ba naman hindi mapapatingin sa'yo? Bigla ka kayang nag-
ingay!"mas lalong nagtawanan nang sabihin iyon ni Luke.

"Inggit ka lang eh!"

"Nagbago na ko tol! Para sa asawa ko na lang ang Luke na ito."kumindat pa si Luke


sa may gawi namin at alam kong sa asawa niya ang kindat na iyon. Narinig ko naman
ang iba't ibang hiyawan sa ginawang iyon ni Luke.

"Cheesy pre. Simulan na nga natin. Yung asawa ko baka mabugbog ako kung anu-ano na
naman ang ginagawa ko. I love you Sasa! Hahaha!"yung asawa ni Ren hindi na alam
kung paano magtatago sa likod ng anak niya para lang hindi makita ng mga tao dahil
sa kung anu-anong ginagawa ni Ren sa stage.

"So first of all, how's the party guys? Are you enjoying it?"maraming sumigaw ng
yes at mga naghihiyawan.

"Mukhang nagsasaya nga kayo ah? Hahaha! I'm very glad to see almost all of us to
reach this day. Grabe mga 'tol! Successful ang batch natin!"sabi ni Ren habang
tinatapat ang mic sa crowd para mas lalong marinig ang hiyawan.

"Bago natin palabasin ang pinakahihintay nating duo, syempre we need to hear
something from our president who patiently organize this event. Pangulong Migo
punta na dito dali!"nagpalakpakan ang lahat at naggive way kay Migo. Binigay na ni
Luke yung extrang mic kay Migo.

"Yow! Hahaha! Okay hindi ko na papahabain ang speech ko. Di na uso 'yon lalo na at
gustong-gusto ko ng makita ang sobrang sikat na Jess! Pero before that, kailangan
namin ng inyong cooperation. After ninyong makita ang duo, kindly please 'wag
niyong sasabihin sa iba na pumunta dito ang Jess or kung sino man sila behind their
name Jess. They want their privacy to still be private. Can we do that?"pumayag ang
crowd sa favor ni Migo. Bakit naman kaya gustong-gusto ng privacy ng Duo na iyon?
Are they hiding something? Pangit ba sila? Sobrang yaman ba nila na baka nakawan
sila? Kriminal ba o trip lang talaga nilang magtago sa media?

"Please let's have a round of applause to the duo, Jess!"bumaba na sila sa stage.
Tumakbo sila Ren at Luke sa table namin.

Dumilim ang paligid. Mga ilang segundo, sa mini stage na lang ang nagsisilbing
liwanag ng buong room. Nakafocus ang spotlight sa dalawang tao na nakatayo sa gitna
ng stage.

Same mask, same person, and same love

--------------------
Zac:

"Baby...."abala ako sa pagpapatahan sa anak ko na natakot ata sa biglaang pagkawala


ng ilaw nang bigla akong tawagin ng asawa ko.

"Bakit?"tumingin ako sa kanya na nakatingin sa stage.

"Tumingin ka na dito sa kakanta. Diba gusto mong makita ito? Bigay mo na sa akin si
Baby ako na bahala sa kanya."kinuha sa akin ng asawa ko ang baby namin at sinabing
mag-enjoy daw ako sa alumni at 'wag masyadong magpaka-daddy ngayon. Pero syempre
hindi ko maiiwasan na alagaan sila. Asawa at anak ko ito kaya dapat kong ingatan.

Tinignan ko ang nasa stage. Naka-mask silang dalawa. Nang mapunta ang atensyon ko
sa lalaking naka-mask, awtomatikong nalipat ang atensyon ko kay Jan.

Mataimtim lang siyang nakatingin sa nasa stage. Mukhang napansin din niya ang
napansin ko pero ang mga taong kasama namin dito sa table parang clueless pa sa mga
nakikita.

Maya-maya lang nang may tumutugtog na, tinanggal nung lalaki ang mask ng kasama
niyang babae. Isang maganda babae ang bumungad sa harap namin. Hindi nawawala ang
ngiti sa mga mata niya. Ang babae naman ang nag-alis ng mask ng lalaking nasa tabi
niya.

Lahat nanahimik. Lahat gulat. Lahat ay hindi makapaniwala sa nakikita nila sa harap
nila. Who wouldn't, right?

-----------------

Jan:

"I dream a lot, I know you say

You've got to get away

The world is not yours for the taking

Is all you ever say"

He's in front of me with another girl. How painful this view is. Gusto kong umalis
sa kinauupuan ko pero magmumukha lang akong kaawa-awa kapag ginawa ko iyon.

"I know I'm not the best for you


But promise that you'll stay

'Cause if I watch you go, you'll see me wasting

You'll see me wasting away"

Ramdam ko ang mga titig nila sa akin. Mga titig na ma gustong iparating sa akin.
Pinaparamdam kung gaano ako katanga at kasamang tao. Nasasaktan ako dahil sa ginawa
ko. Nasasaktan ako dahil nilayo ko siya sa akin.

"Cause today you walked out of my life

'Cause today your words felt like a knife

I'm not living this life"

Siya lang ang kumakanta. Nananatiling nasa tabi lang niya ang babae. Tumingin ako
sa gitna nilang dalawa. Magkahawak kamay sila. Isang sobrang sakit na sampal sa
akin.

"Jan gusto mo na bang umuwi?"hindi ko pinansin ang sinabi ni Van. Gusto kong
pumayag sa kanya. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Gusto kong alisin ang
tingin ko sa mga mata niya na nakatingin din sa akin pero hindi ko kaya. Hindi ako
makagalaw.

"Goodbyes are meant for lonely people

Standing in the rain

And no matter where I go

It's always pouring all the same"

Eto naman ang sinabi ko sa kanya diba? Sabi ko humanap siya ng babaeng para sa
kanya. Pero ang sakit. Ang sakit-sakit na nagawa nga niyang maghanap. Ako ang
nanakit diba? Pero bakit ako ang nasasaktan? Bakit ako ang nakakaramdam ng sakit?

"These streets are filled with memories

Both perfect and in pain


And all I wanna do is love you

But I'm the only one to blame"

Pero yung kanta niya. Ramdam kong para sa akin 'yun. May pag-asa pa bang maging
ayos? May pag-asa pa bang bumalik ang dati?

"Cause today you walked out of my life

Cause today your words felt like a knife"

Sana mapatawad niya ako. Limang taon akong nangulila sa kanya. Limang taon na
hiniling kong bumalik kami sa kung ano kami dati.

"(But what do I know if you're leaving?)

All you did was stop bleeding

But these scars will stay forever

These scars will stay forever"

Pinunasan ko ang kumawalang luha sa mata ko. Kung nakakapagsalita lang ang puso ko
baka kanina pa niya ako sinisigawan na ang tanga-tanga ko. Na kasalan ko kung bakit
nagkakaganito siya.

"And these words they have no meaning

If we cannot find the feeling

That we held on to together

Try your hardest to remember"

Napapikit ako. Nathan, please....please don't do this. Please.... Wait for me.

"Stay with me or watch me bleed

I need you just to breathe."

Sana hindi pa huli. Sana kapag dumating na ang araw na magagawa ko na ang dapat,
hindi pa huli. Sana hindi pa siya sumusuko. Sana wala lang sila.

"Cause today you walked out of my life

(Stay with me or watch me bleed)

'Cause today your words felt like a knife

(I need you just to breathe)

I'm not living this life"

Pagkadilat ko, nawala na ang tingin niya sa akin. Tumingin siya sa babaeng katabi
niya at ngumiti. Those smiles. Sa akin 'yun diba? Sa akin dapat iyon. Kung hindi ko
lang sana ginawa ang mga bagay na iyon.

Tapos na ang kanta pero ang sakit tuloy tuloy pa din.

"For the second song, it will be our new song for our upcoming new album. Hope you
like it."he said. He's smiling. Because of that, all my hopes were gone. Hindi sa
ayaw ko siyang sumaya pero alam kong ang kaligayan niyang ginagawa ngayon ay hindi
ako kasama. Alam kong hindi para sa akin.

"Used to seeing black and white

Never really in between

Waiting for the love of my life

To come into my dreams

Everything is shades of gray

Never really blues or green"

Nayukom ako ng kamay. Nagpipigil na tumulo ang mga luha. Tinititigan niya yung
babae habang kinakanta niya ang part niya.

"Needed someone else to turn to

Someone who could help me learn to see


All the beauty that was waiting for me."

Ngumiti siya nang kinanta nung babae ang part niya. Pinulupot niya ang kamay niya
sa bewang ng babae at inilapit sa kanya ito at sabay nilang kinanta ang susunod.

"You, you put the blue back in the sky

You put the rainbow in my eyes

A silver lining in my prayers

And now there's colour everywhere"

Habang nakalagay ang kamay niya sa bewang nung babae, magkatitigan silang
kumakanta. Ang sakit. Parang milyon-milyong karayom ang tumutusok isa-isa sa puso
ko. Durog na durog na ito.

"You put the red back in the rose

Just when I needed it the most

You came along to show you care

And now there's colour everywhere

Everywhere"

Matatapos pa ba ang kanta nila? Matatapos pa ba ang sakit na ito?

"My life is so predictable

Never any mystery

But ever since you shined the light

All of that was history

Now I have a hand to hold

And a reason to believe


There's someone in my life worth living for

I was hanging around just wishing on a star

To put the happiness back in my heart."

Pumikit ulit ako. Ang sakit sakit. Naninikip na ang dibdib ko. Pero kahit anong
pikit ang gawin ko, nakikita ko pa din kung gaano sila kasayang kumakanta.

Ako dapat iyon diba? Ako dapat hindi siya.

Mabuti na lang at madilim sa may table namin kaya hindi nila nakikita ang itsura
ko. Hindi sila maaawa sa mga mata kong wala nang tigil sa pagluha. Hindi nila
makikita ang pagiging mahina ko.

Wala na kong marinig sa kinakanta nila. Ang labo-labo na ng lahat. Pati ang pag-asa
ko lumalabo na din. Unti-unti ng nawawala.

Pinunasan ko agad ang mga luha ko dahil nagpapalakpakan na ang lahat. Huminga ako
ng malalim at pinilit kong tumingin sa anak ko na nasa kabilang table. Bumukas na
ang ilaw kaya nakita ko ang anak ko. Ngumiti siya sa akin, ganoon din ako sa kanya.
Ito ang kailangan ko para makakalma ako.

Kailangan ko ng ngiti ng anak ko.

"Pare ikaw pala 'yan? Grabe singer ka na pala?"bumalik na sa stage sila Ren at
Luke. Kahit na nalilito sila sa mga nangyayari, ginagawa nilang ngumiti na lang sa
mga nangyayari.

Kailangan ko silang gayahin. Kailangan kong maging masya kahit ang totoo, unti-
unting namamatay ang puso ko.

Ngumiti lang siya sa sinabi ni Ren.

"Pre hindi mo ba kami ipapakilala sa magandang babaeng kasama mo? Ay mali!


Ipakilala mo na lang pala ang pagiging duet niyo ganun! Basta gets mo na yung
sinabi ko ikaw na bahala magpakilala."halatang nawawalan ng sasabihin si Luke kaya
kung anu-ano na lang nasasabi niya.

"Hi everyone. We're celebrating our Grand Alumni tonight, right?-ah!"bigla siyang
kinurot sa tagiliran nung babae kaya napahinto siya sa pagsasalita. Nagbulungan
sila tapos humarap ulit sa audience ito. Napailing pa ito at medyo natatawa. May
karayom na namang tumusok sa puso ko. Pero kailangan kong i-maintain ang ngiti sa
mga labi ko. Hinawakan ni Van ang kamay ko. Nginitian niya ako pero alam kong nag-
aalala siya sa akin. Pinisil ko ang kamay niya para sabihing okay lang ako, kahit
hindi naman talaga.

"Uhm. Yung iba sa inyo kilala na siguro ako di ba? Pero kahit ganoon, magpapakilala
na ko para sure. I'm Nate Lee, alumni of this awesome school. Ang babaeng kasama ko
naman ay si Maxene Robbins. You can call her Max. Ako at si Maxene ang duo sa likod
ng pangalang Jess."ngumiti si Nathan pagkatapos noon. Nilagay ulit niya ang kamay
niya sa bewang ng babae na nagngangalang Maxene. Pinisil ni Maxene ang ilong ni
Nathan. Napapikit ako bigla. Naramdaman ko na naman na may tumusok sa puso ko.
Gaano pa ba kadaming karayom ang tutusok sa puso ko?

"Ahhhhhhh. Hi Max! Kinaya mo ang makaduet itong napakasungit na lalaking ito?


Hahaha!"sabi ni Ren.

"Bakit hindi? He's been good and caring for us!"sabi ni Max.

"Teka, bakit ba naging Jess ang name ng duo niyo?"sabi ni Luke sa dalawa. Ngumiti
naman si Nathan kay Max. Yung ngiti na naman niya.

Bumababa sa stage si Nathan. Napatakip ako ng bibig gamit ang kamay ko na hindi
hawak ni Van. Tanging paraan ko para hindi tuluyang tumulo ang mga luha ko.

Bumalik siya sa stage at nakangiting tumingin sa mga taong nandito sa loob ng room
na ito.

"She is the reason. My happiness, my everything, our daughter, Jess."buhat-buhat


niya ang batang babae. Kumakaway ang bata sa lahat habang nakangiti.

Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Van at tuluyan akong umalis sa loob ng room.
Nagtatakbo ako sa labas hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong nakaupo sa
damuhan ng MC at humahagulgol sa pag-iyak. Wala na akong pakielam kung anong
sasabihin nila pagkatapos ng ginawa kong pagwalk out. Hindi ko na kayang manatili
doon. Mas hindi ko kakayanin kung doon ako magbebreakdown ng ganito.

Magagawa ko pa bang maayos? Magagawa ko pa bang ayusin ang lahat kung alam kong
masaya na siya sa iba?

"Tahan na."naramdaman ko ang mainit na pagyakap sa akin ni Van. Niyakap ko siya at


sa kanya ako umiyak.

"Van ang sakit-sakit.... M-Masaya na siya.... M-May anak na siya.... W-Wala na...
H-Hindi ko na magagawa pang sabihin sa kanya n-na mahal ko pa rin siya... At"

"A-Anak namin si Than."

---------------------
AN:

Sorry for the typos kung meron man, sa phone lang kasi ako nag-update dahil sira
ang laptop ko.

Sorry ngayon lang ako nakapag-update! Sobrang busy ko lang talaga at napakadaming
activities at homeworks. Next update? Ewan ko pa. I will update again as soon as
kakayanin ko. Hahanap ako ng time para masingit ang pag-aupdate. Thank you sa mga
naghintay sa update.

Advance Happy Birthday nga pala sa kapatid ng kaibigan ko, Happy Birthday sa'yo
asawa ni Youngmin. Haha! Co-Author, dedicated sayo to! Keep writing! :*

INFINITE

Ms. Kim

=================

[43] Unlove You.

@longlostwriter

#LLWCMCG

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

[43]

Jan:

Humiga ako sa kama ko at nakatunganga lang sa kisame. Ako lang mag-isa ang
matutulog ngayon dito sa kwarto. Magbabonding muna sa kabilang kwarto si Van at
Than.

For sure, pakana na naman ito ni Van. Bigyan ko muna daw ng rest ang utak ko for
this night.
Siguro nga kailangan ko nito. Masyadong maraming nangyari sa araw na ito at all I
can say is that every now and then, siya pa din talaga. Siya pa din walang iba.

Flashback:

"Hi Mrs. Santos, I will pick up for my son Nathaniel. Where is he?"ngumiti sa akin
ang teacher ng anak ko.

"Good afternoon po Mrs. Rosales. Nasa playground po siya kasama nung new friend
niya."nagpasalamat ako at pumunta na sa playground.

Mabuti naman at mayroon ng mga kaibigan ang anak ko. Akala ko mahihirapan mag-
adjust ang anak ko dito sa Pilipinas pero mukhang at home na at home siya dito.

Napahinto ako sa paglalakad nang marating ko ang playground.

Sana pala ako na lang ang naiwan sa kotse at si Van na lang ang sumundo kay Than.

Nasa swing si Than at masayang-masaya siya habang nakikipaglaro sa lalaking


naghahatak ng swing niya.

Kung kami pa five years ago, siguro ang saya-saya ko ngayon habang nakikita silang
magkasama sa playground.

Pero bakit ang kasiyahan sa mga labi niya ang mismong nagbibigay ng sakit sa puso
ko?

Eto ba ang parusa para sa akin?

Ang makita siyang masaya at ang dahilan ay hindi ako?

"Mommy!"umayos ako ng tayo at pilit na ngumiti sa anak ko.

Bumaba siya ng swing at tumakbo papunta sa akin.

"How are you Baby? How's your first day?"nakangiti pa din ako habang kausap ang
anak ko.

"I'm very much okay Mommy. I have a lot of friends! And Mom come here po!"hinila
ako ng anak ko at nakita ko na lang ang sarili kong katapat ko na ang lalaking
minahal ko at minamahal pa rin hanggang ngayon.
"Mommy do you remember him? He's from your Alumni Party. The singer."nakatingin
lang ako sa kanya. Ganoon din siya. Nakatingin lang sa mga mata ko at unti-unting
dinudurog ang puso ko.

"Hi Eliza. How are you? It's been a long time."gusto kong maiyak sa nangyayaring
ito. Hindi ito ang inaasahan kong pagtatagpo namin. Parang mas okay pa ang makita
siyang galit na galit sa akin na sinisigawan niya ako kapag nakikita niya ako kaysa
sa kinakausap niya ako na para bang walang nangyari.

"Do you know my Mommy?"

"Yes, she's my friend."

A friend. He introduced me as his friend. It hurts, big time.

"You and my mommy are friends?"tumingin na lang ako sa gilid ko para piliting
mailipat sa ibang bagay ang atensyon ko pero nabigo ako, kahit mawala ang tingin ko
sa kanila, hindi ko naman magawang alisin ang pandinig ko sa pinag-uusapan nila.

"Okay, for you to understand, do you know about your Tito Jin's friends?"

"The IH7?"

"You guess it right."

"And you're one of them?"

"Yes I'm one of them."

"Ahhh. But in every pictures I looked at you're not there. How come?"

"Because I lived at States for almost five years."bumalik ang atensyon ko kay
Nathan.

Tumayo na ulit siya. Siguro nakaluhod siya kanina habang kausap ang anak ko.

"S-States? N-Nasa States k-ka?"kahit ayoko sanang magtanong o kausapin siya, hindi
ko na napigilan ang sarili ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Yeah, we lived there. Why?"all this time na gusto ko siyang makita at makausap,
nasa iisang bansa lang pala kami.

"States din po kami, we lived there!"

"Really? That's a coincidence."ginulo niya ang buhok ng anak ko pagkasabi niya nun.

"Di, susumbong kita kay Mommy! Nag-ienglish ka na naman!"lumapit ang isang sobrang
masiyahin na bata sa amin.

"Hey, don't! Namiss ko lang mag-english. Hahaha!"sabi nito sa bata. Bumelat lang
ang bata at lumapit sa anak ko.

"Than here's your lollipop. I forgot it in our study room. It's yours. A token for
our friendship."binigay niya yung lollipop niya sa anak ko at masayang inabot naman
ito ni Than.

"Look at this young lady. Isusumbong mo ko kay Mommy mo pero kahit ikaw nag-english
din."

"That's life, Dad. Sometimes we do things we didn't imagined we could do."

"Okay? Ewan ko sa'yo, Granny."

"Stop it, Di! We're in front of my friend!"

"Then stop acting like you're a Granny!"

"Argh! Than forget about my Dad's insulting skills. He's good at it."

"It's okay. I want you to meet my Mommy."lumapit ang anak ko sa akin at humawak sa
kamay ko.

"Jess, this is my Mommy Jan. Mommy she is my new friend, Jess. Daughter of Tito
Nathan."kumaway sa akin yung bata.

"Hi po Tita Jan. Nice meeting you po."all I can do is to just smile at her. Ano
bang dapat kong gawin kapag kinakausap ako ng batang anak ng mahal ko sa ibang
babae?

"She is beautiful, right?"Than commented.

"Tama ka. Maganda Mommy mo but my Mommy is also beautiful."


"I saw her at the party but it's too dark to see her clearer."as if on cue,
dumating na ang tinutukoy na Mommy ni Jess.

"Jess, Nate! Ang tagal niyo naman!"lumapit sa amin ang isang babaeng may blonde na
buhok. Yumakap siya sa braso ni Nathan at nagulat ng makita ako kaya bigla niyang
inalis ang pagkakayakap sa braso ni Nathan at lumapit sa akin.

"Hi, Jan?"tumango ako.

"Maxene. Pero Max na lang. Eto kasing si Nate ayaw na tinatawag ako na Maxene ng
iba."

Just like us. First Name basis.

"Anak mo?"yumuko ito at pinisil ang cheeks ng anak ko."Hey there little buddy.
Mukhang magkaibigan na kayo ni Jess."

"Hi Tita Max. Jess is right, you are also beautiful just like my mom."she giggled
and hugged her daughter.

"Nako ikaw talaga Jess kung anu-ano sinasabi mo sa kaibigan mo."

"T-Than, let's go. Your Papa is waiting for us. Baka naiinip na 'yun."inabot ng
anak ko ang kamay ko.

"Bye Jess see you tomorrow."

"M-Mauna na kami. Nice to see you again Max and N-Nathan."tumalikod na ako at
naglakad na paalis ng anak ko.

"Wait!"huminto kami sa paglalakad dahil sa pagsigaw ni Max. Hindi na ako lumingon


pa.

"Yayayain sana namin kayong magdinner bukas kasama ang anak at asawa mo. Let's meet
tomorrow here for some details. Okay lang ba sa'yo Jan?"

Dinner? Are they crazy? For what? Para mas lalong ipamukha sa akin ang katangahang
ginawa ko?

Eto ba ang plano ni Nathan? Ang plano nila? Ang unti-unti akong nadudurog habang
nakikita silang masayang magkasama?

"S-Sige."naglakad na ulit ako kasama ang anak ko. Hindi na ako nag-abala pang
lumingon sa kanila. What's the use? Masasaktan lang naman ako lalo kapag ginawa ko
iyon.

Nang malapit na kami sa kotse ng anak ko, nagulat ako ng bigla siyang huminto sa
paglalakad kaya napahinto din ako.

Tinignan ko ang anak ko at nakita ko siyang naiiyak habang nakatingin sa akin.

Kinabahan ako kaya bigla kong binuhat ang anak ko at tinanong kung may problema ba
siya at kung may masakit ba sa kanya.

Nagulat ako dahil biglang pinunasan ng anak ko ang pisngi ko. Doon ko napagtanto na
umiiyak pala ako.

"May nangyari ba sainyo? Bakit umiiyak ang mommy mo?"kinuha ni Van ang anak ko mula
sa akin.

"Papa I don't know. Mommy was crying when we were walking from the playground until
now. Mom did I do something wrong?"malapit ng umiyak ang anak ko. Anong sasabihin
ko? Na umiiyak ako dahil sa lalaking kausap namin kanina? Umiiyak ako dahil mahal
ko ang tatay ng bagong kaibigan niya?

Na ang sakit-sakit makita na magkasama sila without them knowing na mag-ama sila.

"Than get inside the car. Don't cry, brad. Your mom will be okay."sumunod naman ang
anak ko at pumasok na sa kotse.

Naiwan kaming dalawa ni Van.

"Speak up, Jan."

"He's here. Magkasama sila kanina ni Than. Magkasama sila, Van. When I saw him and
my son, nagkaroon ako ng pangarap na sana alam nilang dalawa na mag-ama sila.
Sobrang saya nila kanina. Sana yung kasiyahan na iyon hindi ko naipagkait sa
kanila."hindi nagsalita si Van. Hinayaan niya lang akong pakalmahin ang sarili ko
habang nakayakap siya sa akin.

"Gagawa ako ng paraan. 'Wag kang mag-alala. Everything will be done in what we want
it to be, soon. I'll make sure of it."

END OF THE FLASHBACK

Napakatanga ko na ba? Sobrang unfair na ba? Hindi ko na alam. Wala na kong alam.
At ang hindi ko pa maintindihan sa sarili ko, pumayag akong magdinner kasama sila.
Napakatanga ko talaga. Hindi man lang ako nagdahilan na may gagawin ako bukas.

Jan, sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo.

Bahala na. Katulad ng dati, hahayaan ko na lang ang lahat. May mas sasakit pa ba sa
nangyari dati? May mas gagrabe pa ba?

---------------------

Dumaan muna kami sa mall to buy something for Jess. Gusto daw kasi ni Than na
mayroon siyang gift kay Jess kapalit ng lollipop na ibinigay sa kanya.

Pumunta kami sa isang teddy bear shop. Hinayaan kong mamili ang anak ko sa isang
banda ng shop kasama si Van habang ako naman ay sa may dulo naghanap.

"You want this baby?"

"Ni hindi na nga niya mabitawan oh. Mukhang gustong-gusto ng princess natin."

Sinundan ko ang mga boses na naririnig ko. Parang pamilyar kasi ang mga boses nila.

Dinala ako ng boses nila sa may gitna ng shop. Sa mga maliliit na teddy bear at mga
cute carpets for baby.

May pamilya doon na nakaupo sa may carpet habang nilalaro ang anak nila.

Lumapit ako sa kanila lalo para makumpirma ko kung sila nga iyon at hindi nga ako
nagkakamali.

"Ella?"tumingin sila sa akin.

"J-Jan?"inalalayan siya ng asawa niya sa pagtayo dahil hawak ni Ella ang anak nila.

"Jan nakauwi ka na pala."

"Ahh. Oo. Kamusta na nga pala kayo, Kiejan?"

"Eto, okay naman kami. Namimili kami ng mga gamit for our baby."

Lumapit si Ella sa akin.


"Hi Jan, I'm sorry for what I did the last time we saw each other."

"Buntis na kasi siya noon kaya ganoon siya kasungit."

"Shut up, Kie. Alam mong hindi pa ko buntis nun."inirapan niya si Kiejan.

"Yeah yeah."

"Don't be sorry. Tama lang siguro iyon. Anyway, ang cute naman ng anak niyo."

"Jaella, meet Tita Jan."hinawakan ko ang kamay ng baby nila at nang pagkahawak ko
ng kamay niya napangiti ito bigla.

"Ang cute cute ng baby niyo."

"Ikaw Jan. Nasaan yung baby mo? Sabi sa akin ni Jin ang gwapo daw ng anak
mo."napangiti naman ako. Proud na proud ang tito ni Than sa kanya.

"Kasama ko siya ngayon pati si Van."

"Van? Really? Kayo pa din pala. Kamusta naman?"

"Ayos naman kami. Wait lang, tatawagin ko lang sila."pinuntahan ko si Than at Van
na nasa counter na pala at nagbabayad na.

"Than, Van, come here."pagkaabot nung babae ng paperbag, lumapit na sila sa amin.

"Van pare, long time no see ah!"nagbro fist si Van at Kiejan. Kahit papaano naging
magkaibigan din naman sila noong college pa kami.

"Than meet your Tito Kiejan and Tita Ella with their baby Jaella. They are my good
friends back then."

"Really Jan? Good friends, huh? Haha. Hi there young man."

"Hi, nice to meet you po."

"Sige Jan, mauna na kami, pupunta pa kasi kami sa pedia ni Jaella."tumango ako at
nagpaalam na kami sa isa't isa pero habang nagbabayad si Kiejan sa teddy bear na
nagustuhan ng anak nila, lumapit sa akin si Ella.
"Jan, are you really okay?"nginitian ko lang si Ella. Kapag sinabi kong oo,
siguradong hindi siya maniniwala. Kapag namang sinabi kong hindi, baka kung ano
lang ang masabi niya na alam kong tama naman siya.

"Do it Jan. Make yourself happy. Make your baby happy."ngumiti ito sa akin."Ughh,
why am I so dramatic right now."---------------------

"Are you really sure about this?"marahan akong pumikit at humingang malalim.

"Para sa anak ko. Para sa kanya kakayanin ko."

"Hindi mo naman kailangan pang pumayag sa alok nila. You can always say no. You
know that Jan. Pwede naman silang maging friends without you being
involved."pinilit kong ngumiti kay Van. Halatang-halata sa mukha nito kung gaano
siya nag-aalala para sa akin.

"Van, ayos lang. Mas okay ang ganito kaysa naman sa umiiwas ako. In fact, ako ang
dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito."

"Alam mong hindi totoo iyan."

"Hindi ko na alam kung ano pa ang totoo."

"Hi everyone. Sorry late kami eto kasing dalawang kasama ko pumunta pang mall."sabi
ni Max. Dumako ang mga mata ko kay Nathan. Nakita ko siyang nakatingin sa akin.
Ngumiti siya at wala na kong nagawa kundi ang ngumiti pabalik.

Umupo sila sa tapat namin. Napakamapaglaro nga naman ng tadhana. Katapat ko pa si


Nathan.

Lumapit na ang waiter sa amin at sinabi namin ang order namin.

Mga ilang minutes lang din ay dumating na aga ang order namin.

Habang kumakain, tanging si Than at Jess lang ang nag-uusap.

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Van ang kamay ko na nasa ilalim ng table.
Pagkatingin ko sa kanya, ngumiti lang siya sa akin at naramdaman kong pinisil niya
ang kamay ko.

"Uhhhm, Jan, balita ko galing din kayong States? Nasabi ni Nate sa akin kagabi."

"O-Oo galing nga kaming States."


"Sayang naman hindi ko kayo nakita doon. Edi sana noon pa lang may kaibigan na ang
anak ko."masayang sabi nito habang pinagmamasdan ang mga anak naming
nagkukwentuhan.

"Oo nga. S-Sayang."

"Pero there is always a reason for everything kaya siguro ngayon lang tayo
pinagtagpo."

"Nako Maxene, manang-mana talaga sa'yo si Jess. Napakadrama niyong dalawa."singit


ni Nathan. Binelatan naman ito ni Max pero pinisil lang niya si Max sa ilong.

"By the way Jan, sana maging magkaibigan tayo. Nakukwento ka kasi sa akin ni Nate
at nabanggit niya sa akin na mahilig ka din sa music at magaling ka din daw
kumanta. Sana makapagjamming tayo minsan"

"S-Sure pero hindi naman ganoon kaganda ang boses ko."

"I doubt it. Ikaw ba Van, can you sing?"

"Nako magkaaway kami ng mga kanta. Ayaw magpakanta sa akin eh. Palaging nag-iiba ng
tono."

"Hahaha, you have a funny husband. You are very lucky to have him as much as lucky
I am to have this man beside me."

Napatingin lang ako sa kanya. Tumingin siya kay Max at ngumiti sa kanya.

"Alam mong mas maswerte ako. I am lucky to have you, Maxene. Very lucky to be with
this kind of girl. Sleepyhead."binigyan nito ng isang matalim na tingin si Nathan.

"Stop it, Nui Baby."

"Itigil mo na din ang pagtawag sa akin niyan."

"Ikaw ang nagsimula."

"Eh di ikaw ang magtapos."walang nagawa si Max kundi ang hayaan na lang si Nathan.

Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Bagay silang dalawa at halatang masyamg-masaya sila.


"Ay oo nga pala, di ba Accountancy din ang course mo? Even you Van?"

"Yes, magkakaklase kami dati. Bakit?"tanong ni Van.

"Di ba next month na ang board exam? Magtetake din ba kayo?"tanong ni Max.

"Nakapagtake na ako ng board exam, five years ago. But Jan will take it next
month."

"Mabuti naman! Si Nate din kasi balak niyang magtake na next month para maging CPA
na pero gusto ko sana na magkaroon siya ng kasama sa pagrereview."pagpapaliwanag
nito. Napahinto ako sa pagkain. Gusto ba niyang magkasama kami ni Nathan? Hindi ba
niya alam na hindi pwede?

"Wala ka ba talagang tiwala sa akin? You know I can do this by myself. Don't worry
too much."

"Nate hindi naman sa wala akong tiwala. Gusto ko lang naman na may kasama kang
magreview sa review center niyo para naman hindi ka masyadong mastress at if ever
man na may problem ka, may tutulong sayo."

Clueless ba talaga siya? O nagpapanggap lang siya na walang alam? Hindi ba niya
alam na masakit ang malapit kay Nathan? Ang malapit sa kanya pero parang ang layo-
layo pa din?

Damn this feelings.

"A-ano kasi...."

"Okay lang sa amin. Sabay na silang pumunta sa review center nila at sabay na
magtake ng exam."nagulat ako sa ginawa ni Van.

Bakit siya pumayag? Hindi ito pwede. Ayoko.

After magsalita ni Van, hindi na muli ako kumibo. Hindi dahil galit ako sa kanya
kundi dahil galit ako sa sarili ko. Hinayaan kong mangyari ito. Kung sana may ibang
paraan lang.

"Sana makapasa silang dalawa. Kapag nangyari iyon, it will be a double celebration
for us."masayang sabi ni Max.

"Double Celebration?"tanong ni Van.


"Ay oo nga pala. Sorry hindi pa pala namin nasasabi sa inyo."tumingin ito kay
Nathan. Inakbayan siya ni Nathan. Napapikit ako nang mariin at umiwas ng tingin.
Kay Than at Jess na ako ngayon nakatingin. Naglalaro na lang sila ngayon sa tablet
ni Than.

"Ikakasal na kami after 3 months."

---------------

"Masyadong gabi na, we need to go home na."

Lumabas na kami at pumunta sa parking lot.

"Papa Brad, I need to pee."bulong ng anak ko.

"Ikaw talaga Baby Brad kung kelan nandito na tayo doon pa may jingle na
magaganap."natatawang sabi ni Van.

"Mommy ako din gusto kong mag-cr."sabi din ng anak ni Max.

"Tara sabay na kayo sa amin. Magkatabi lang naman ang restroom ng lalaki at babae."

Hindi pwede! Kapag nangyari iyon, maiiwan kami ni Nathan dito.

"V-Van ako na lang. Ikaw na ang maiwan dito."

"Mommy you are so silly. You can't enter boy's restroom. Just stay here with
Tito."naglakad na silang apat pabalik sa resto.

Naiwan kaming dalawa. Rinig na rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Just the
thought of us being alone is a torture.

FLASHBACK

"Shoes."shoes? Teka shoes yung word na nasa papel ko.

Tinignan ko kung sino nagsabi 'nun.


Siya? Eto na naman po! Hala ka!

"Girlssss, shoes daw. May shoes ba na word sa papel niyo? Raise your hand."

Nagtaas na ko ng kamay.

Maraming nagulat. Lalo na si Kiejan. Seselos na naman 'to.

Tumayo na ako at umupo sa tabi ni Nathan. Tumingin lang ako sa harap habang
nilalaro ang kamay ko.

"Do you know the story about the shoes?"bigla akong napatingin sa kanya dahil sa
sinasabi niya.

"Huh?"

"There is this girl and a boy having fun at the bar. The girl told the boy to have
some game. If someone entered the bar wearing a flat shoes, the boy wins but if
it's a rubber shoes then the girl wins. At first the boy refused but he end up
playing with the girl. Unbelievable but the girl won. As a price, she can wish
anything atleast three wish and the boy will grant those wish. That's how their
story started. A story that the boy will never forget. The end." napapangit pa siya
habang nagkukwento.

Wait. Parang alam ko 'yun?


Parang alam ko yung story na 'yun?

Story ba talaga 'yun o niloloko ako ng lalaki na 'to?

Bakit umiiwas siya ng tingin? Namumula pa siya! Ang cute hahahaha!

"Ba't namumula ka?"tanong ko habang pinipigilan kong tumawa.

"No I'm not."hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

"Di daw."

Mahabang katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa.

"Ah Nathan, anong plano?"pagsisimula ko ng topic.

"Plans to have you*ehem* What I mean is plan to have you as an interviewer and I'll
do the essay."sabi niya.

END OF FLASHBACK
Kung dati kapag magkalapit kami, bumibilis ang tibok ng puso ko, ngayon ay iba.
Bumibilis ang pagpatak ng mga luha ko.

Tuluyan na silang naglaho sa paningin namin at tuluyan na din kaming naiwan dito.

Walang umiimik. Walang gumagalaw.

Paano ba kami napunta sa sitwasyong ito? Oo nga pala, iniwan ko siya.

"Kamusta ka na, Eliza?"parang may kung anong himig sa tenga ko ang pagbigkas niya
ng pangalan ko.

Kamusta na ako? Kamusta na nga ba ako?

Halos wala akong tulog dahil sa pagsisisi sa mga nagawa ko sa kanya. Iyak ng iyak
dahil mahal na mahal ko pa siya. Nasasaktan dahil hindi ko magawang sabihin sa
kanya na anak niya ang batang lalaking kasama niya sa playground pero sa kabila
nito buhay pa naman ako sa kung titignan mo kahit sa loob matagal na kong patay
kaya siguro nga...

"A-Ayos lang. A-ayos l-lang ako."ayos lang naman ako diba? Napakalaking
kasinungalingan."I-Ikaw ba?"

"Based on what I am before, I think I became better."

"N-Nathan..."hindi ko na napigilan ang maiyak.

"H-hey.... I didn't mean to--"

"Nathan, s-sorry."

"S-sorry for what?"lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Wala
na akong pakielam kung may makakita sa amin o kung anong isipin niya. Ang tanging
naiisip ko lang ngayon ay ang mabalik siya sa akin. Ang nararamdaman niya at ang
nararamdaman ko.

"S-sorry sa mga nagawa ko. Nathan, p-please forgive me. Please w-wag mo na akong p-
pahirapan pa."nakatingin lang sa akin si Nathan na para bang hindi makapaniwala sa
nangyayari.

Yumuko ako dahil hindi ko makayanan ang makita ang mga mata niyang walang emosyon
habang nakatingin sa akin.
"Tama na, Eliza. It's in the past right now. Iba na ang ngayon kaya tama na."

"H-Hindi. N-Nathan hindi p-pwede. H-Hayaan mo kong ipaliwanag sa'yo ang lahat. N-
Nathan please."pilit niyang tinatanggal ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya.
Nang matagal niya ito, dumistansya siya sa akin.

"Eliza, masaya na ako ngayon. I'm happy with Maxene. Can you please just be happy
for me, for us? You have your husband with you and soon, I'll have my wife with me.
Eliza, hindi na tayo pwede. Pakakasalan ko na si Maxene."

Ang sakit-sakit pala kapag mismong siya na ang nagsabi sa'yo na ayaw na niya. Na
wala na talagang pag-asa. Ang sakit-sakit palang maparusahan sa maling ikaw mismo
ang gumawa.

Masaya na daw siya sa iba. Masaya na siya sa piling ng iba.

Ako na lang pala ang nananatili sa nakaraan.

Ako na lang pala ang patuloy na nangangarap na pagdating ng panahon,


maipagpapatuloy din namin ang kung anong meron kami dati.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. Naramdaman ko ang pag-urong niya sa biglaan
kong pagyakap sa kanya.

"H-Hayaan mo muna ako. K-Kahit ng-ngayon lang, hayaan mo k-kong maramdaman n-na sa
akin pa t-tumitibok ang p-puso mo."ipinikit ko ang mga mata ko habang walang tigil
pa din sa pagtulo ang mga luha ko. Kailan ba matatapos ang paghihirap na
nararamdaman ko? Kailan ba mawawala ang sakit na nararamdaman ko? Kailan ba siya
maaalis sa puso ko?

Sa tingin ko, hindi na mangyayari iyon. Nakaukit na sa puso ko ang pangalan niya at
kahit kelan nandoon ang sakit.

"Is this the end of our forever?"tanong ko sa kanya kahit alam ko kung anong sagot.
Nanatili lang siyang tahimik.

Kahit ayoko pa, bumitiw na ako sa yakap. Hindi ko na siya tinignan at tumalikod na
agad. Ayokong makita niya ang nangyayari sa akin. Ayokong makita niyang ang sakit-
sakit ng nararamdaman ko. Ayokong makita ang mukha niya dahil baka mamaya, bumigay
na akong tuluyan at magmakaawa ulit sa kanya.

Naglakad na akong palayo sa kanya. Eto na ba iyon? Eto na ba talaga ang katapusan
ng lahat? Hanggang dito na lang ba talaga ang lahat?
Pero isang pangyayari ang nakapagpatigil sa pagtakbo ng mundo ko. Isang pangyayari
na naging dahilan sa lalong pagbilis ng pagtulo ng mga luha ko.

Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya. Niyakap niya
ako.

"Mahal pa din kita, Eliza. I never and will never unlove you."

∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞∞

AN:

Sorry poooooooooooooooo!

Sobrang naging busy lang talaga ako dahil sa napakadaming ginagawa sa school. Dapat
talaga after prelim pa ang pag-update ko pero ginawa ko na siyang before prelim
dahil natapos ko na din naman. Narealize ko kasi na madami din pala akong gagawin
after prelim at baka hindi ko maupdate kaya ginawa kong before prelim. Hindi siya
ganoon kahaba pero may susunod pa kasi dito at doon ko susubukan habaan. :)

INFINITE

Ms. Kim

=================

[44] It's Not Enough.

#LLWCMCG

AN:

Hindi kayo nag-iingay sa twitter. Nakakapagtampo. Hahaha. After niyong magbasa,


tweet kayo ng mga comment niyo gamit syempre ang ating official hashtag!

Thank youuuu! xx

-----------------

Jan:

"Kumain ka na ba?"tumango lang ako at ngumiti sa kanya."I'm sorry I let you eat
alone. Kailangan ko lang kasi talagang ayusin yung mga requirements para sa Board
Exam."

"Okay lang. Bawi ka na lang. You know, chocolates and we will be


fine."napabungisngis siya sa sinabi ko.

"Still the Eliza I've known. The crazy over chocolate girl. I'll buy you something
tomorrow."

"Good. Let's start?"tumango siya at pinagpatuloy na namin ang pagrereview namin.

May mga itinatanong siya sa akin at ganoon din ako sa kanya. May mga topic kasi na
medyo nakalimutan na namin siguro dahil sa tagal na din ng panahon at sobrang
daming nangyari na dahilan para halungkatin ang mga nalalaman namin sa pinaka-
ilalim ng mga isip namin.

"Ay!"nahulog yung lapis ko dahil natabig ko ang kamay niya.

Nahulog ang lapis ko sa may paa niya. Magkatabi kasi kami ni Nathan sa iisang study
table.

Pilit kong inaabot ito at ganoon din siya kaya ang kinalabasan,

"Aray ko!"/"Ah Sh-it!"

Pareho kaming napahawak sa mga noo naming nagkabungguan.

"You okay? I'm sorry it's my fault!"sabi niya. Natawa nalang ako. Nakita kong
kumunot ang noo niya habang nakahawak ito sa banda ng ulo niya na nauntog.

"Hahahahahahahahaha!"

"Are you done laughing?"


"Hindi pa wait. Hahahahahaha! O ayan, tapos na kong tumawa."

"Ha-ha. Funny."bumalik na siya sa kung anong ginagawa niya at hindi na ko pinansin.

"Sorry na. Natutuwa lang naman kasi ako. Naalala ko lang yung itsura mo nung
nauntog ako dati sa L room."napatingin ulit siya sa akin. Kung kanina nagtatampo
ang mukha niya, ngayon naman ay natatawa na siya.

"Sobrang nag-alala ako nun. You silly. Pinagtatawanan mo lang pala ang pagiging
concern ko sa'yo."balik tampo na naman siya. Napangiti ako.

"Tampo pa. Nathan, natutuwa ako. Natutuwa ako dahil sobrang concern mo sa akin.
Magkaiba ang natutuwa sa natatawa."

"Alam ko, spelling pa lang magkaiba na."inirapan ko siya.

One week na kaming magkasama ni Nathan sa iisang bahay. Kailangan kasi naming
magreview for the upcoming board exam at malapit lang dito ang building kung saan
magaganap ang exam at ang review center.

Katatapos lang ng review namin kanina at binigyan kami ng take home quiz.
Napagpasyahan naming dalawa na tapusin na ngayon para bukas wala na kaming
iintindihin pa.

One week na kami dito pero hindi man lang kami nagkaroon ng chance na makapamasyal
dahil sa sobrang daming inaasikaso.

Nauna akong natapos sa kanya. Inayos ko na ang gamit ko at umupo muna sa sofa. Ang
tagal na din nang huli akong nagsagot ng quiz. Para akong nagbabalik sa dating ako.

"Hoy, nagdeday dream ka dyan kahit gabi na. Tapos na ko, hindi ka pa ba
inaantok?"pagkasabing-pagkasabi niya, naghikab ako. Natawa tuloy siya at inayos na
ang gamit niya. After niyang mag-ayos ng gamit, umupo siya sa tabi ko at sumandal
sa sofa.

"Grabe sakit sa ulo. Daming pinasagutan sa atin ng lalaking mentor na iyon. That's
too much."

"Ang dami mong reklamo. Pasasalamatan mo din siya after ng exam tingnan mo."

"We'll see."ipinikit niya ang mga mata niya. Sumandal na din ako sa sofa at ginaya
siya. Ipinikit ko din ang mga mata ko.

Ang peaceful ng bahay na nakuha namin. Makakapagreview ka talaga ng maayos dito.


Malinis kasi at kumportable.

"Nathan?"walang sumagot. Binuksan ko ang mga mata ko. Nakapikit pa din siya at
medyo nakaawang ang bibig.

"Uy"kinalabit ko siya pero hindi pa rin siya nagsasalita. Nakatulog na ata. Napagod
nga siguro siya. Ang dami niya kasing inasikaso ngayon kaya talagang napagod siya.

Gumilid ako para mapagmasdan ko siyang mabuti. Nakasandal pa din naman ako pero
nakagilid.

"It's quiet here today, where tears

have left a stain."

Napangiti ako habang mahinang ikinakanta ang kantang saksi ng pagmamahalan namin
dati.

"Time goes by still the room doesn't make a sound"

Ewan ko ba pero nang matitigan ko ang mukha niya ngayon, iyang kantang 'yan ang
sumagi sa isip ko. Kabisado ko pa pala ang kantang ito?

"I'm feeling out of place, I'm needing to explain

I tried to fly, but my feet never left the ground"

Umayos na ako ng upo at tumigil sa pagkanta. Kumuha ako ng kumot sa kwarto niya.

Pagbalik ko sa kwarto ko kung saan kami nagrereview, nakaupo na siya ng ayos.

"Oh, gising ka na pala. Dinala ko pa naman etong kumot mo."ngumiti siya sa akin.

"You still remember it?"nagtataka akong umupo sa kama ko na nasa gilid ng sofa na
inuupuan niya.

"Ang alin? Yung kumot?"natatawang sabi ko pero siya nakatingin lang sa akin.

"That song."nanlaki bigla ang mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Biglang
uminit dito sa kwarto ko kahit fully aircondition.

"Gising ka pa pala kanina pa."umiwas na lang ako ng tingin at kumuha ng damit sa


maleta ko.

"Nagising ako sa kanta mo."

"Is that a compliment?"

"I think so? Maganda ang boses mo at alam kong alam mo iyon because I already told
you about that before for so many times."ngumiti na lang ako at sinarado na ang
maleta ko after kong makakuha ng damit at tuwalya na gagamitin ko sa pagligo ko.

"Ewan ko sa'yo. Sige na bumalik ka na sa kwarto mo. Maliligo lang ako."tumango siya
at lumabas na ng kwarto ko.

Napailing na lang ako at napangiti.

Maganda daw boses ko.

Kahit ilang beses ko ng narinig sa kanya iyon, iba pa rin talaga ang epekto. Ang
lakas ng epekto niya sa akin.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ko ng shower room at nagpatuyo ng


buhok ko habang nakaupo sa kama ko.

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok.

"Pasok."unti-unting bumukas ang pinto at pumasok si Nathan. Umayos ako ng upo.


Ngumiti siya sa akin at lumapit.

"I forgot."kinuha niya yung kumot sa sofa. Tumango ako."Sorry for disturbing."

"Alam mong hindi ka istorbo para sa'kin."nakita kong nagulat siya sa isinagot ko
pero ngumiti siya.

"You are really good in saying something like that."

"Goodnight Nathan. Baka mapanaginipan mo pa ko nyan."

Ngumisi ito at naglakad na papuntang pintuan. Humarap muna ito sa akin bago
lumabas.

"Tomorrow let's have some break. Let's hangout. Goodnight Eliza."


Tuluyan na siyang lumabas. Napahawak ako sa dibdib ko. It's been 5 years but still
the effect of him didn't change.

Tinawagan ko muna sila Van at Than habang nagpapatuyo ng buhok.

God, I miss my son!

Pagkatapos nang mahaba-habang usapan namin, humiga na ako at nakangiting natulog.

-----------------------

Maaga akong nagising. Ewan ko ba pero ang saya-saya ko ngayon. Pagkatapos kong mag-
ayos ng sarili, lumabas na ko ng kwarto. As expected, tulog pa si Nathan.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa pinakamalapit na supermarket.

Namili ako ng mga ingredients. Sinisipag akong magluto ngayon sa hindi ko malamang
dahilan.

Nang magbabayad na ako sa cashier, nakakita ako ng magazine about All Time Low and
We the Kings. Kinuha ko agad ito ng walang pag-aalinlangan at isinama sa mga
pinamili ko.

These bands are one of the groups that Nathan and I really like.

Natatandaan ko pa dati nung 2nd year college kami, may concert ang ATL dito sa
Pilipinas. Kahit Midterm namin, sumugod kami sa Concert kinagabihan.

Umuwi na agad ako sa bahay, pagkatapos kong magbayad.

Pagkauwi ko, tahimik pa din ang bahay. Mukhang tulog pa siya. Nilagay ko na sa
table ang lahat ng mga pinamili ko at inayos ang mga gagamitin kong putahe para sa
lulutuin ko.

Habang nagluluto, narinig ko ang pinto na bumukas. Pintuan pala ito ng kwarto ni
Nathan. Iniluwa nito si Nathan na bagong ligo at nagpapatuyo pa ng kanyang buhok.

Ngumiti ito sa akin. "Good Morning."

Omg, he's too hot!

Nag-iwas ako ng tingin at itinuon ang sarili sa niluluto."G-Good Morning. 10


minutes na lang, luto na ito."
Hindi na siya nagsalita. Ano ba iyan, nakatuon nga ang mga mata ko sa niluluto ko
pero ang tenga ko di mawala sa pakikiramdam sa ginagawa niya.

"Why didn't you woke me up? Sana nasamahan kita sa pamimili."

"It's okay. Malapit lang naman at alam ko namang napagod ka sa pagsagot kagabi sa
home work natin."

"ATL and WTK Magazine?"napatingin na ko sa kanya. Nakita ko siyang nakaupo at


hawak-hawak ang Magazine na nakalagay sa table.

"Yup! Nakita ko sa supermarket kanina. Bumili na ko. They are really the best! As
in!"lumabas na naman ang pagiging fan girl ko. Nakakamiss din pala ang magkwento
about sa favorite band mo. Ang tagal ko na kasing ginawa ito. 5 years ago.

"Guess, you're right. Isa sa mga paborito natin ito. Wait, may concert sila sa
September!"hinablot ko agad ang Mag at nakita ko nga doon na magkakaroon sila ng
concert.

"I wanna watch! I really want to watch!"napapalakas na ang boses ko habang ang
lapad ng ngiti ko.

"But before that, kain na tayo. I'm really hungry."

----------------

Simpleng Royal Blue Vneck shirt at leggings lang ang suot ko. Sabi kasi ni Nathan
magsuot daw ako ng kumportableng damit. May pupuntahan daw kami na hindi required
ang formal na pananamit.

Lumabas na ako ng kwarto ko nang matapos na ako sa pag-aayos ng sarili ko. Tinext
ko na din si Van to check them. Agad naman itong nagreply at sinabing okay lang
sila at naihatid niya na kanina pa si Than sa school.

Nadatnan ko si Nathan na nakasandal sa may main door at nagbabasa ng magazine. Mas


lalong lumapad ang ngiti ko. Kanina parang ako lang ang nagfafan girl pero mukhang
hindi ako nag-iisa.

Naramdaman na ata niya ang presensya ko. Isinarado na niya ang magazine at umayos
ng tayo. Lumapit sa akin at nginitian ako.

Naka black Vneck shirt siya at cargo shorts.


"Ready?"tumango ako.

---------------

"Nathan, how did you know about this place?"ngumiti ito at inalalayan akong lumabas
ng sasakyan.

"Nagsearch ako kahapon ng mga hot spot dito at ito ang nakita ko."hindi ko maalis
ang tingin ko sa buong lugar.

Adventure Time ang nakalagay sa arko.

Amusement Park siya na may Mini Zoo at Picnic Area.

Hinila ko na siya papasok sa lugar na iyon at sinakyan namin ang iba't ibang rides.

Maganda ang lugar na ito. Hindi siya yung typical na Amusement park na mga rides
lang ang inooffer. May mga obstacles ka din na dapat malagpasan at kapag ikaw ang
pinakamabilis na natapos, ikaw ang panalo.

"Go Nathan! Go Nathan! Kaya mo 'yan! Go! Go!"

Naghihiyawan din ang ibang mga babae sa tabi ko. Okay, alam kong sobrang gwapo at
hot ng naglalaro ngayon. Who wouldn't admire this kind of man?

Dalawa na lang silang hindi pa naa-out.

Ang huling kailangan nilang gawin ay ang paputukin ang sampung lobo within a
minute.

Hindi na ako makasigaw ng mabuti dahil sa kakatawa sa ginagawa niya. Tuwing


inuupuan niya kasi yung lobo, palaging dumudulas lang ito sa puwetan niya at dahil
doon mabilis niyang kukunin ito at papaputukin ulit.

"Kaya mo 'yan Nathan! Gooooo!"iritang-irita na siya sa isang lobo dahil hindi ito
maputok. Nakakunot na ang noo niya at pawis na pawis.

Ang nagawa ko na lang ay ang titigan siya at pagmasdan ang mukha niya.

Kelan ba ako magsasawa sa pagtitig sa kanya? Kelan ba ako magsasawang mahalin siya?

Siguro hindi na.


"OMG! Congratulations! Panalo po yung boyfriend niyo!"inalog-alog ako ng babaeng
nasa gilid ko. Dahil doon nakita kong nakaayos na pala ng tayo si Nathan at
naghahabol ng hininga.

Lumapit ako sa kanya at hindi ko napigilang yakapin siya.

Nanalo siya!

"Ang sweet naman ng couple na ito."napabitaw ako. Nakalimutan kong ang dami palang
tao dito. Nakakahiya baka kung anong isipin nila!

"Dahil ikaw ang nanalo, makakatanggap kayo ng free dinner date sa Infinity Restau.
Sana mag-enjoy kayong dalawa doon!"sabi ng MC ng palaro.

Lalong naghiyawan ang lahat dahil dito. At mas lalo akong nahiya sa mga nangyayari.

Hindi kasi namin alam kung ano ang mapapanalunan dito. Dahil akala ko teady bear
ang makukuha, pinilit ko si Nathan na maglaro para sana kapag nanalo, may
maibibigay ako kay Than pag-uwi.

Nang makaalis na kami crowd, umupo muna kami sa bench para na din makapagpahinga
muna si Nathan. Namili ako ng mineral water t hotdog sandwich na nasa tapat lang
namin.

Nang iabot ko sa kanya yung tubig, agad niya itong inubos sa isang lagukan lang.

"Uhaw na uhaw ah."umismid lang siya at pinunasan ang mukha niya.

"Kasalanan ng lobo."natawa naman ako sa kanya. Mukhang may galit na ata talaga siya
sa mga lobo.

Nang mahimasmasan na siya, nagtanong na ito kung saan ko naman gusto pang pumunta.

Pumunta kami sa Mini Zoo. Nagpicture-picture at nagtakutan sa iba't ibang hayop.

"That monkey kinda reminds me of Ren."

"Hahahaha! Ang sama mo!"

"What? I'm just sayin'."

Nilibot pa namin ang buong zoo hanggang sa nag-aya na kong kumain.


"Tara punta na tayo doon sa Infinity Restau. I-claim na natin yung reward."

Pumunta kami doon at pinaupo agad kami sa pinakamagandang pwesto dito sa Restau. Sa
rooftop.

Ang Infinity Restau pala ang isa sa pinakapinagmamalaki ng lugar na ito. Masasarap
daw kasi ang mga pagkain dito base sa naririnig ko kanina bago kami umakyat sa
rooftop.

"Nathan, nakakahiya naman itong suot ko. Nasa restaurant tayo pero ang simple ng
suot ko."ngumisi ito at nagpangalumbaba sabay titig sa akin.

"Simple but beautiful. That's you, Eliza. Keep that in your mind."namula ako sa
sinabi niya. Para kaming highschool students na first time magdate. Na nasa stage
ng bolahan at kiligan.

"Sir this is your food."inilapag ng waiter ang pagkain namin ni Nathan.

Ang specialty pala nila dito ay ang steak nila.

A lot of couple our eating here. Perfet place naman kasi talaga ang restaurant na
ito.

Very romantic yet relaxing.

Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o mananahimik na lang at kakain. Kami lang
kasing dalawa ang nandito sa rooftop. Hindi ata allowed ang ibang customers na
pumunta dito. Siguro hindi sila allowed dito dahil nakareserved ito para sa nanalo.

"Masarap ba?"tanong niya. Tumango ako.

"Sobrang sarap tapos ang ganda pa ng view kaya mas lalong sumasarap sa
pakiramdam."ngumiti ito at nagpatuloy sa kinakain niya.

Mula kasi dito sa rooftop, nakikita namin sa ibaba ang iba't ibang light mula sa
amusement park at kapag naman tumingala ka, makikita mo naman ang madaming bituin.

"Eliza, do you want to watch the concert with me?"napahinto ako sa pagkain at gulat
na tinignan siya. Nag-iwas siya ng tingin nang magtugma ang mga mata namin.

Hindi ako makapagsalita. Inaaya niya ba kong manuod kaming dalawa? Totoo ba ito?
Manunuod kaming dalawa ng concert katulad ng dati?
"It's okay if you don't want. Baka may plano ka na na manuod ng concert kasama ang
asawa mo."marahan akong umiling. Binitawan ko pa ang spoon and fork ko sa
kakagesture ng hindi.

"No, I mean yes. Oo okay lang sa akin na manuod tayo ng concert!"nanlaki ang mata
ni Nathan sa ikinilos ko. Medyo ngumisi pa ito sa inaasal ko. Uminom ako ng tubig
at pinakalma ang sarili ko.

Very wrong! Masyado ko namang pinapahalata na masaya akong inaya niya ko.

"Okay then. Bibili na ko ng tickets natin."

"Teka, di ba September 'yun? Birth month mo!"

"Naaalala mo pa?"

"Pwede ko bang malimutan 'yun?"nginitian niya ko.

After naming kumain niyaya niya kong humiga doon sa blanket na nasa gilid ng
rooftop. Inihanda siguro ito ng mga crew dito.

Pinagmasdan ko muna ang mga bituin habang nakatayo ako. Ang dami nila at talagang
kumikinang sila sa kalangitan.

"Mangangawit ka niya. Tara dito sa tabi ko. Mas masarap tingnan iyan kung
kumportable kang nakahiga."sinunod ko siya at humiga ako sa tabi niya.

"Dé javu"

"Huh?"pumikit ako at nanatiling tahimik. Naaalala ko yung mga araw na nasa Infinite
Garden pa kami. Tahimik lang kaming nakahiga habang pinapakiramdaman ang isa't isa.
Ganyan lang kami dati. Walang pinoproblema. Walang inaalala. Basta magkasama kaming
dalawa, ayos na. Iyan kami dati eh.

"Sana parang dati na lang."biglang bumilis ang tibok ng puso ko. What was that for?

Umupo ako at ipinilig ang ulo ko sa gilid, hindi nakaharap sa kanya. Pinunasan ko
ang luhang tumulo sa mga mata ko.

"W-wait lang kuha lang akong tubig sa table natin."tatayo na sana ako kaso
pinigilan niya ako sa kamay ko kaya napaharap ako sa kanya at na-out of balance
dahilan para bumagsak ako sa kanya.
Sobrang lapit na ng mukha niya sa akin. Kahit tanging dim lights lang at bituin at
buwan ang nagsisilbing liwanag namin, kitang-kita ko ang mga mata niyang nakatitig
sa mga mata ko.

"Umiiyak ka ba?"ipinikit ko ang mga mata ko at aalis na sana sa pagkakapatong ko sa


kanya pero hinawakan niyang mahigpit ang braso ko.

Tahimik lang akong nakatingin sa nag-aalala niyang mga mata.

Pagkaraan ay hindi ko na alam ang pumasok sa isip ko at naawa kong sabihin ang,

"Nathan mahal na mahal kita."

Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin. Nararamdaman kong lumuluwag ang
pagkakahawak niya sa braso ko.

"Eliza..."naramdaman kong papalapit na ng papalapit ang mukha niya. Pumikit ako.


Hindi ko alam kung anong mangyayari pero handa ako. Matatakot pa ba ako? I've been
through worse than I expected.

At alam kong sa bawat kinikilos ko, inaalay ko sa kanya.

Biglang may tumunog na phone. Dahilan para tuluyan niyang bitawan ang braso ko.
Nakapikit pa din ako nang makaupo na ako. Tumayo siya at pumunta sa may railings at
sinagot ang tawag.

Nakatalikod siya sa kinauupuan ko. Tumulo na ng tuluyan ang luhang kanina ko pa


pinipigilan.

"Hello, yes okay lang ako. Kayo ba?"medyo mahina ang pakikipag-usap niya pero kahit
ganoon, dinig na dinig ko pa din. Ganoon talaga siguro. "Namimiss ko na din kayong
dalawa. Sabihin mo sa anak natin na miss na miss ko na siya."

Tumayo na ako at umupo na lang sa bench na medyo malayo sa kanya. Dito hindi ko na
naririnig ang boses niya. At dito magagawa kong umiyak.

Nagvibrate ang phone ko. Binuksan ko ang couch ko at sinagot ang tawag.

[Hello Jan? Are you okay? Etong anak mo gustong tawagin ka kaso hindi ka namin
macontact kanina pa.]mas lalong tumulo ang mga luha ko nang marinig ko ang boses ni
Van.

"V-Van okay lang ako! Where's Than? Are you guys okay there? Miss ko na
kayo!"pinilit kong magmukhang masaya pero nagmukha lang akong bitter sa boses ko.
[Anong nangyari Jan?]

"Huh? Ano bang sinasabi mo?"

[I know you. Tell me, what's happening there?]

"Nakakatawa naman. Kausap ko ang asawa ko habang kausap naman niya ang magiging
asawa niya."

[Jan gusto mo bang sumunod ako dyan? Pwede ko naman kayong samahan.]

"No, I'm still okay Van. Don't worry. Kakayanin ko 'to. As long as kasama ko pa
siya, masaya pa din ako."

[Jan, hindi ka ba mas nahihirapan sa ginagawa mo? Lumayo ka muna kaya dyan?
Maggala-gala ka muna kung saan para hindi mo siya makitang nakikipag-usap kay
Maxene.]

"Mas okay na ito Van. Masakit man pero tatanggapin ko ang saksak ng tadhana."

[Napakaswerte ni Nate dahil mahal na mahal mo siya.]

Pinagmasdan kong muli si Nathan. Mula dito ay nakikita kong nangiti na siyang
nakikipag-usap. Mas lalong kumirot ang puso ko.

"Dahil sa sobrang pagmamahal ko, nagawa kong gawin sa kanya ito."

[Gagawa tayong paraan, Jan. Tutulungan kita.]

"Salamat Van."

Nag-end call na. Nilagay ko na ulit sa pouch ko ang phone.

Pinagmasdan kong muli siya. Ganoon pa din, nag-uusap pa rin sila.

Sumagi muli sa isip ko ang napag-usapan namin.

Masyado akong umasa. Umasang may magagawa pa ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Ginawa kong maging masaya habang kasama ko siya. Mula sa bahay na tinutuluyan namin
hanggang kanina. Gusto kong isipin niya na pwede pang maayos ang lahat.
Pero siguro nga wala na. Katulad nga ng sinabi niya, hindi na sapat ang
pagmamahalan namin.

"Mahal pa din kita, Eliza. I never and will never unlove you."

Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon sa ibinulalas niya.

Mahal niya ko. Mahal niya pa rin ako.

Kumalas siya sa pagkakayakap niya sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat
ko habang marahang nakatingin sa akin ang mga mata niyang malungkot at
nanghihinayang.

"But our love for each other is not enough anymore."

"You have Van as your husband and soon, Maxene and I will get married. Let's forget
the past, Eliza. Let's forget that we bacame an almost perfect couple before."

"I'm not your man anymore. I was just the man who became yours before."

----------------------

AN:

Sorry super super super late update! Ang hirap kasing maghagilap ng mahabang oras
para makapag-update. Buti na lang at mahaba-haba ang wala kong pasok kaya nagawa
kong mag-update.

Babawi na lang ulit ako. Malapit niyo nang malaman ang rason sa pakikipaghiwalay ni
Jan! Malapit na talaga!

And Longlostreadeeeeeeers! Published na po ang MCB! Wooohoooo! Magdiwang tayo! Kiss


kiss. Hahaha.

My Contract Boyfriend Part 1 for only 109.75

Available na siya sa PHR. After 2-3weeks magiging available na din siya sa NBS at
Pandayan. Bili kayo ha? Then magselfie naman kayo with the book and send it to me.
Hahahaha! Para naman feel na feel ko. Loveyouall!

Thank youuuu! :*
INFINITE

Ms. Kim

=================

[45] Another Deal.

AN:

Hi Guys! Kitakits po tayo sa September 21 sa Mall of Asia. Magkakaroon po ng


Manila International Book Fair. Kaya grab your own copies of MCB and bring it in
that day! I'll sign it! Mamimigay po ako ng mga giveaways :)

Kung wala pa po kayong MCB book, you can buy it sa mismong event :)

Thank you! :**

#LLWCMCG

-------------

[45] Another Deal

Jan:

May mga bagay na kahit pinagsisisihan mo na, hinding-hindi mo na mababago pa.

Tumayo na ako mula sa matagal na pagkakahiga. Kanina pa ako gising pero mas pinili
kong manatili sa kama ko nang mas matagal. Ayoko muna kasing lumabas ng kwarto.
Dahil paglabas ko ng kwartong ito, sasampalin na naman ako ng katotohan na, hindi
siya sa akin.

Pagkatapos kong maligo, magbihis at mag-ayos ng sarili, umupo muli ako sa kama.
Dapat ang gaan na ng pakiramdam ko ngayon eh. Tapos na ang board exam. Peeo bakit
ganoon? Parang hindi pa din nawawala ang pangamba sa loob ko?

Mamayang gabi, babalik na ulit kami sa kanya-kanya naming buhay. Babalik na siya sa
buhay niya.

Napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto pero di pa man ako nakakatayo ay nagring


ang phone ko. Tamad na tamad kong kinuha ito sa side table at walang siglang
sinagot ito.

[Jan, I have a plan.]pambungad nito sa akin.

"What is it Van?"

[May na-hire na ako. He will do the plan. All you need to do is to play your real
role. To bring him back.]

"Van, he chased me. And I am here, wanting him to chase me again. But this time, I
won't reject him."

xxxxxxx

Lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko siyang inaayos ang mga sa tingin ko ay


pasalubong niya para sa asawa't anak niya. Huminga akong malalim. Jan please, 'wag
mong masyadong isipin. Ikaw lang din ang masasaktan. Stop please.
Isinarado na niya ang maleta niya at tumayo. Nang mapansin niya ako, lumapit siya
sa akin.

"Dalhin ko na yung maleta mo sa car?"

"Yes, please. Kakausapin ko lang yung may-ari ng bahay."tumango siya at kinuha na


ang maleta na hawak ko. Sabay kaming lumabas ng loob ng bahay. Bumaba siya ng
hagdan samantalang ako naiwan sa balkonahe ng bahay kung saan nandoon ang may-ari
ng bahay.

"Nay Fely, alis na po kami. Thank you po sa pagpaparenta ng bahay sa amin. Mamimiss
ko po yung luto niyong Laing. The best po kayo!"nagmano ako bago ko ito yakapin.

"Eto hija, pinagbalot ko kayo ng afritada at kanin para kahit papaano mayroon
kayong makain kung sakaling nagutom kayo sa byahe. Mamimiss ko din kayong dalawa.
Sana'y makabisita kayo dito kahit paminsan lang."Inabot niya sa akin ang paperbag.
Magiliw ko namang itong tinanggap at nagpasalamat.

Aalis na sana ako pero nagulat ako nang bigla nitong hinawakan ulit ang dalawang
kamay ko.

Kita sa mga mata niyaang awa at lungkot na hindi ko maintindihan kung bakit
ipinapakita niya ito sa akin.

"Hija, alam kong may problema kayong pinagdadaanan ngayon. Pasensya ka na narinig
kasi kitang kausap yung asawa mo noong nakaraang linggo. Mukhang gusto mong
makipagbalikan sa lalaking kasama mo ngayon. Tatahimik na sana ako at hindi
mangingielam pero di ko mapigilan dahil naging mahalaga ma din kayo sa akin sa
ilang linggo ninyong pamamalagi rito. Hija, tandaan mo, sa pag-ibig, mas mananalig
ang totoong nararamdaman mo, kaysa sa kung anong sinasabi ng isip mo. Hangga't may
isang patuloy na naniniwala, hindi pa tapos ang lahat."

Niyakap kong muli ito. Hindi ko magawang magsabi ng kahit ano. Maybe, that's all I
need. Just a little more faith. A cheer up that could ease those pain.

xxxxxxxx

Tama nga ang sinasabi ng iba. Malalaman mo lang ang halaga ng isang bagay kapag
wala na.

Sana pala nung kami pa, pinaramdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Palagi
na lang siya ang kumikilos para sa aming dalawa. Palaging siya ang gumagawa ng
sobrang effort. Palaging siya ang naghihintay at nagmamahal ng sobra. Oo nga mahal
ko si Nathan pero palaging may kalakip na mas mahal niya ko. Dati kapag sinasabi
niyang mas mahal niya ako kaysa sa mas mahal ko siya, nagagalit pa ko.

Pero ngayong inaalala ko ang lahat, siguro nga mas mahal niya ko. Simula nung
bumalik siya mula sa Japan kasama si Ella, gumagawa na siya ng paraan para
magkabalikan kami. Hindi siya sumuko. Kahit na may mga taong ayaw siya para sa
akin, wala siyang pakielam. Kahit na pinagsisigawan ko sa lahat at sinasampal sa
kanya na hindi na kami pwede, hindi pa rin siya tumigil at pinaglaban niya pa din
ang pagmamahal niya sa akin.

Pero darating at darating din ang araw na susuko na lang siya. Tao kasi siya-
nasasaktan, umiiyak, nanghihina at higit sa lahat, napapagod din.

Hindi naman siya bato na kahit anong tapak mo dito o kahit anong masasakit na
salita ang sabihin mo, hindi masasaktan.
"Is something wrong?"bumalik ang isip ko sa realidad nang kinausap niya ko. Kahit
anong gawin ko, mawala man ako sa realidad o hindi, masakit pa din.

Something wrong? Everything.

Umiling ako at tumingin na lang sa bintana ng kotse niya. Makulimlim ang


kalangitan. Mga ilang sandali lang ay bubuhos na ang ulan.

Mga ilang minuto ay huminto ang sasakyan namin. Pinagmasdan ko ang paligid. Medyo
madilim na dahil sa mga maiitim na ulap. Walang kabahay-bahay na makikita. Nasaan
ba kami?

"Sht."lumabas ng sasakyan si Nathan at tinignan ang gulong ng sasakyan niya.


Kumunot ang noo nito at napasabunot sa buhok. Badtrip 'to. Ganyan siya kapag wala
sa mood or naiinis. Mapapasabunot sa buhok o kaya man mananahimik.

Lumabas na din ako ng sasakyan upang tingnan kung ano bang nangyayari. Nakita ko
ang flat tire ng sasakyan di lang basta flat, may mga nakatusok din dito na
malalaking pako. Kung paanong napunta diyan iyan, ay hindi ko alam.

"Who the f-ck did this?"iritadong banggit nito. Kung titignan mong mabuti, parang
sinandya na lagyan ng pako ang gulong ng sasakyan. May mga pako pa din kasi sa
gilid ng gulong. Kung sino mang dadaan sa lugar na ito ay siguradong mabubutasan ng
gulong.

Van.
Ito na ba ang sinasabi ni Van na plano niya? Siya lang ang naiisip kong gagawa
nito. Siya nga kaya?

Kung siya nga, salamat Van. Salamat sa pagtulong.

"Ah sh-t!"nagulat ako nang hinila ako ni Nathan at binalik sa loob ng sasakyan.
Nang makasakay na ako, dali-dali siyang pumasok rin sa sasakyan.

Bumuhos na ang malakas na ulan.

"Why does it have to be now? Saan na tayo pupunta? Sh-t! F-ck!"

"Hubby..."napahinto siya sa paghuhurementado. Napatingin siya sa akin ng marahan.


Nakatingin lang ako sa mga mata niya.

"What did you just say?"di makapaniwalang bulalas niya.

"H-Hubby..."walang kibo, lumabas siya ng sasakyan kahit umuulan. Sinundan ko siya.


Lumabas din ako. Nakasandal siya sa gilid ng kotse niya at hindi iniinda ang ulan.
Ang dalawang kamay niya ay nasa batok lang niya habang nakayuko siya.

Lumapit ako sa kanya at nasa harap niya ako.


Kinuha ko ang dalawang kamay niya. Hinawakan ko ito. Tumingin siya sa akin.

"What are you doing? Eliza stop this."

Di ko pinansin ang sinabi niya. Hawak-hawak ko pa din ang kamay niya. Kahit pilit
niyang inaalis ang kamay niya sa akin, hinihigpitan ko ito.

"Nathan, hindi ko na kaya.... patagal ng patagal, gustong-gusto na kitang makasama.


Nathan, please, bumalik na tayo sa dati."

Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi makapaniwala sa mga
lumalabas sa bibig ko.

"Nathan, natatandaan mo ba nung isang araw na nakainom kang umuwi sa tinutuluyan


nating bahay? After nung gumala tayo? I did something crazy."Nakakunot ang noo niya
habang nakatingin sa akin.

"I let you sign a contract."

"What are you saying?"

"What I did before, you also did now. I signed a contract, you did too."
"What the f-ck are you saying Eliza!"inalis niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko
nang buong pwersa.

"Nathan hindi ka pwedeng umatras sa kasunduan. You will get a punishment."

"What the? Are you threatening me?"

"No hubby, I'm just loving you."

"I don't care with that punishment you are saying!" He told me with a disgusting
look he gave me.

"Then you don't care with her- with Max."his eyes softened. Ugh, sakit.

"What are you trying to say?"

"I will tell Max about this contract and I know Max will get hurt."

I like Max. She's beautiful inside and out. But I love Nathan.
"Nababaliw ka na ba? Eliza, what are you doing? What is the reason why you are
doing this with Max?"he asked. Calm but with a hidden disgust in his face.

"My love for you did this to me. All I want now is to be with you... L-Let me be
with you."hindi ko na nakayanan. Bumagsak na ko sa daan. Lalong lumakas ang ulan
nang lumakas na din ang pagpatak ng luha ko. Habang isinasambit ko lahat ng mga
gusto kong sabihin sa kanya, umiiyak ako. Hindi niya napansin kanina pa, dahil sa
lakas din ng ulan at sa tatag nang pagsasalita ko.

Akala ko tatagal ang pagiging matapang ko, pero mali ako.

"Stand up Eliza."

"P-please s-say yes."hindi pa rin ako makatayo dahil sa panlalambot ng mga tuhod
ko. Hindi siya sumagot, yumuko lang siya at marahan akong itinatayo.

"This is stupid. You are stupid for doing this so stop."nang maitayo niya ako
tumalikod siya sa akin at maglalakad na palayo.

"Then let's be stupid together."hinabol ko siya at pumunta sa harap niya.


Ikinagulat niya ito. "Say yes."

I kissed him. I missed this. I missed being loved by his lips.

Hindi niya ako pinipigilan pero hindi din siya gumagalaw. Nakapikit lang ito.
Pinaikot ko ang kamay ko sa kanyang batok at mas lalong diinan ang halik ko.

Basang-basa na kami ng ulan pero wala akong pakielam basta maiparamdam ko lang na
mahal ko siya.

Kasabay nang unti-unting paghina ng ulan ay ang paghawak niya sa baywang ko.

He returned my kisses.

And for me, that's his way of telling me that he agreed.

Today, I became his contract girlfriend again.

-------------------

Abangan. It will be revealed. Soon.

See you guys at the MOA!

#LLWCMCG
INFINITE

Ms. Kim

=================

[46] Twisted Feelings.

AN:

Sorry for the long wait! #LLWCMCG

Tweet me @longlostwriter

-------------

Jan:

Itinulak niya ako papalayo sa kanya.

Ang kaninang mga matang naghahangad ay napalitan ng mga matang puno ng galit at
pagdaramdam.

"Damn, this is wrong!"nakatingin lang siya sa akin nang marahan. "Masasaktan sila!"

"Masasaktan din tayo. Nathan, please tama na. Alam mong ikaw ang mahal ko."

"Oo dati alam ko pero ngayon? I don't know anymore. I don't get you." tumalikod na
siya sa akin. "One day you're leaving me then what now? You are here messing with
me like it is very easy to forget what you did."

Nagpatuloy na siya sa paglakad. Susundan ko ba siya?

Oo. Nandito na ko. Hindi na ko dapat pang matakot. I need to do this.

Kapag bumalik na kami sa realidad, hinding-hindi na siya magiging akin.

Niyakap ko ang aking sarili at ramdam ko ang hampas ng hangin sa balat ko na medyo
nanunuyo na mula sa tubig ulan. Hinigpitan ko pa lalo ang pagkayakap ko sa katawan
ko habang nakatingin lang sa mga paa kong sumusunod lang sa kung saan siya pupunta.
Ikinagulat ko nang pagtingala ko, may mga matang nagmamasid sa akin. Hindi ko man
lang napansin na hindi na pala siya naglalakad at nakaharap na siya sa akin.

"I hate the fact that I can't even resist you."

"N-Nathan."

Naramdaman ko ang mga bisig niya na nakapalupot sa akin at ang mga mata niyang
nakabantay lang sakin.

--------------

Nagmulat ako ng mata. Naramdaman ko agad ang tuwalya na nasa noo ko pero mas
nakatuon ang atensyon ko sa lalaking nakaupo sa tabi ko na gulat na nakatingin sa
akin.

"Thank God you are already awake."nginitian niya ako. "Are you hungry?"

Tumango ako.

Tumayo siya at lumabas ng kwarto. Mula sa umalis siya hindi na naalis ang tingin ko
sa pintuan hanggang sa makabalik na siya dala ang tray.

Umupo siya sa gilid ng kama na hinihigaan ko. Hinila niya yung mini table at
inilapit sa pwesto niya at duon inilapag ang tray na may laman palang isang mangkok
at baso ng tubig.

"Subuan na kita?"hindi na niya ako hinintay pang magsalita, inalalayan niya akong
sumandal at pinakain. Habang sinusubuan niya ako, hindi ko maiwasan na magmasid sa
kumportableng tinutuluyan namin. Paano kami napunta dito?

"Nung mawalan ka ng malay, saktong may isang sasakyan ang napadaan sa atin.
Tinulungan tayo ng isang pamilya na makahanap ng hotel na matutuluyan natin for the
mean time."tumango na lang ako.

Nagtataka man ako sa ikinikilos niya, hinayaan ko na lang. Gusto ko nito. Na-miss
ko. Na-miss ko ang pag-aalaga niya sakin, paglalambing at higit sa lahat, yung
pagmamahal niya.

He's smiling. He's happy and I can see it in his eyes. Fake lang ba? Nagpapanggap
lang ba siya ngayon? I don't care anymore. Siguro nga sa isip niya pagpapanggap
lang ito pero iba ang nakikita at nararamdaman ko. Alam kong gusto niya rin ito.

"Hindi ka pa ba natutulog?"napansin ko kasi sa bintana na medyo lumilitaw na ang


araw. Halatang madaling araw na at ang mga mata naman niya ay napapahiwatig na wala
pa siyang tulog.

"I'm okay. I'll stay here beside you and look after you."pagkatapos niyang ayusin
ang kumot ko at alisin ang mga pinagkainan, umupo muli siya sa gilid ko.

"Nathan hindi pwede. You should sleep. Sleep with me please."nakita ko ang gulat sa
mga mata niya at bigla itong nag-iwas ng tingin.

"Nathan stop it. What I mean is, sleep with me. Sleep beside me and there is
nothing else. Kung anu-ano iniisip mo."

"I'm not! Tss. Matulog ka na lang!"napabungisngis ako sa inaasal niya.

"You are too cute when you are blushing."umusog ako para magkaroon siya ng
hihigaan.

"I will feel better kung hihiga ka na at sasamahan akong matulog. So here, sleep
now or I will make a move you wouldn't dare."

"Eliza!"I gigled. Humiga agad siya sa tabi ko na mas lalo kong ikinatuwa pero
napahawak ako bigla sa ulo ko dahil bigla akong nahilo.

"That's what I'm saying. Kaya gusto kong bantayan k-"niyakap ko siya at pumikit ako
sa may dibdib niya. He froze.

"H-Hey."

"Shut up and sleep."I can hear how loud and how his heart rebelling."And tomorrow,
I hope you'll learn how to love me again."

"I don't need to."

Hindi na ulit siya nagsalita pa. Hindi ko namamalayan na may ngiting nakapinta sa
mga labi ko nang makatulog ako.

xxxxxxxxxx

Nagmulat ako ng mata at ang unang nasilayan ko agad ay ang lalaking katabi ko.
Mahimbing siyang natutulog habang yakap-yakap ko pa din siya. Ang kaliwang braso
naman niya ay naging unan ko na habang pareho kaming naka-side at nakaharap sa
isa't isa.

Napagod siguro siya sa pag-aalaga sa akin kagabi. Tumayo na ako without doing any
unnecessary sounds para hindi siya magising. Dumiretso ako sa cr at inayos ang
sarili ko. Pagkalabas ko, dumiretso agad ako sa maliit na kusina at naghanap ng
makakain naming dalawa. Ang tanging laman lang ng Ref ay ang sa tingin ko'y binili
niya kagabi nang mawalan ako ng malay. Kumuha ako ng dalawang noodles.

Nang ready to eat na, inilagay ko na ang pagkain sa mini table sa loob ng kwarto
pero nagulat ako nang pagkalapag ko, nakita ko siyang pinagmamasdan ako.

"G-gising ka na pala. T-Tara kain ka na."

"You don't need to do this. Ginising mo na lang sana ako and I'll be the one to
prepare a meal. My God Eliza, I was too worried last night."tumayo na siya at
pumunta sa cr without even waiting for my explanation.

Hinintay ko siyang lumabas ng cr. Pagkalabas niya, lalagpasan niya sana ako para
lumabas ng kwarto pero pinigilan ko siya gamit ang kanang kamay ko.

"N-Nathan, sorry. It's just that gusto ko lang suklian yung pag-alaga mo sa
akin."tinanggal niya yung kamay ko sa kamay niya.

"If only sorry were meant to erase all those pains then maybe we're not in this
situation."

Tuluyan siyang lumabas ng kwarto at sa tinutuluyan namin. Napaupo na lang ako at


napatakip sa mukha ko. I did it again. I hurt him.

Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito at sinagot.

"Hello Jan? Okay lang ba kayo? Ayos na ba kayo?"

"Kung ang pagwalkout niya ay nangangahulugan na ayos na kami then yeah, we are
definitely very okay."

"Habulin mo, Jan. Siya naghabol dati. Try to make him feel that you will never give
up on him."

"Thank you, Van. I never thought na tutulungan mo ako katulad nito. You already
done a lot of things, kung ano mang mangyari sa pag-stay namin dito, bahala na."

"Wag mong iasa sa bahala na. You can make it, Jan. Wait, I think this might give
you some motivation."naging tahimik sa kabilang linya. Hinintay ko lang na
nagsalita muli si Van.

"Mommy?"tumulo ang mga luha ko.


"What are you doing my little angel?"pinilit kong hindi maging basag ang boses ko.

"I'm answering my homeworks, Mommy and after that we'll go watch movie later as a
promise of Papa Brad. How 'bout you? I really miss you! Aren't you coming back?"

"I'll b-be back, son. I'll be."

"Mommy you are crying! Papa listen! Mommy's crying!"pilit kong pinakalma ang sarili
ko. Eto ang ayoko. Ayokong nakikita ng anak ko na mahina ako.

"Baby don't worry. I'm okay. I just miss my baby so I'm a bit dramatic. Be good,
okay? 'Wag pagagalitin si Papa. Be a big boy."

"Promise, Mom. Don't cry, please. Don't think deeply. It'll be fine. Love you my
very own mom. I'll wait here. Take care."

Pagka-off ng phone. Nagkaroon ako ng lakas tumayo. Si Than talaga ang naging lakas
ko. Motivation para makayanan ang lahat.

Lumabas ako at hahanapin si Nathan.

Nakita ko ang babaeng naglalakad sa labas. Kinausap ko siya at tinanong kung may
nakita bang lalaking nakakulay itim na damit at nakajeans. Sinabi niyang nakita
niya itong umakyat ng hagdan. Napag-alaman kong rooftop na iyon. Nagpasalamat ako
at nagpaalam na din.

Habang umaakyat ako ng hagdan, may tinig akong naririnig na habang tinutuloy ko ang
paghakbang ay mas lalo itong lumalakas.

"I drove by all the places we used to hang out getting wasted

I thought about our last kiss, how it felt the way you tasted

And even though your friends tell me you're doing fine"

I stopped the moment I reached the end of the stairs. Nakasandal siya sa pader na
nasa gilid ng pintuan at naggigitara habang kumakanta. Nagtago ako sa likod ng
pader na iyon para hindi niya ako makita. Umupo ako doon at sumandal katulad niya.
Kung wala lang pader, panigurado akong magkatalikuran kami ngayon.

"Are you somewhere feeling lonely even though he's right beside you?

When he says those words that hurt you, do you read the ones I wrote you?"
I tried to remember the song he is currently singing.

Amnesia.

That's the song that keeps bugging in my heart. It stabbed my soul when I first
heard it in their album. Pero mas masakit pala kapag live mong pinapakinggan.

"Sometimes I start to wonder, was it just a lie?

If what we had was real, how could you be fine?"

This song is one of those songs that makes my eyes sore and my heart sick.

"'Cause I'm not fine at all"

The way he sing, the way he say those words, it's too heart broken. Paano ko nagawa
ito sa kanya?

He's not fine. He's never been fine. And that's because of what I did.

"I remember the day you told me you were leaving

I remember the make-up running down your face

And the dreams you left behind you didn't need them

Like every single wish we ever made"

Umalis ako. Iniwan ko siya. Hindi ko na dapat siya nilalapitan ngayon. Dapat wala
na ako dito. Dapat hindi ko siya ginugulo.

"I wish that I could wake up with amnesia

And forget about the stupid little things

Like the way it felt to fall asleep next to you

And the memories I never can escape


'Cause I'm not fine at all"

I also wish I have amnesia. Siguro kung mayroon akong amnesia, hindi ko na
mararamdaman ang sakit na ito. There is no such pain when you forget about it. But
damn it, wala akong amnesia. Nasa mundo ako kung saan kahit ang sakit sakit ng mga
nangyayari sa'yo. It is too impossible to have that kind of illness. Amnesia? Huh.
It is only applicable in books. Sa totoong buhay, kahit anong gawin mo hindi ka
makakaalis sa katotohan.

"The pictures that you sent me they're still living in my phone

I'll admit I like to see them, I'll admit I feel alone

And all my friends keep asking why I'm not around"

I cried in silence. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil ramdam ko
na mahal pa din niya ako o dapat akong maging malungkot dahil hinahayaan ko siyang
maging malungkot.

"It hurts to know you're happy, yeah, it hurts that you've moved on

It's hard to hear your name when I haven't seen you in so long"

Sino ba naman kasi ang kayang patawarin ang taong dinurog ang puso mo? Sino ba
naman kasi ang tatanggap pa sa taong sinira ang tiwala at pananaw mo? Who would
dare to love me? Who would dare to accept me despite of the thing I've done? Maybe
they will still accept me but he will never be.

"It's like we never happened, was it just a lie?

If what we had was real, how could you be fine?

'Cause I'm not fine at all"

All this time ang akala noya masaya ako. All this time akala niya ginusto kong
masaktan siya. All this time akala niya niloloko ko siya. Kung pwede lang huminto
ang oras, I would have explain him everything.

Kung hahayaan niya lang akong iparamdam sa kanya, siguro maiintindihan niya.

"I remember the day you told me you were leaving

I remember the make-up running down your face


And the dreams you left behind you didn't need them

Like every single wish we ever made"

Lahat ng pangarap namin nawala dahil sa maling desisyon na ginawa ko. Pero mali nga
ba? Siguro nga nasasaktan ako. I sacrificed our forever for others to be better.

"I wish that I could wake up with amnesia

And forget about the stupid little things

Like the way it felt to fall asleep next to you

And the memories I never can escape"

It felt right but it felt so wrong. Hindi ko na alam. Ang hirap isipin. Ang hirap
ipaliwanag.

"If today I woke up with you right beside me

Like all of this was just some twisted dream

I'd hold you closer than I ever did before

And you'd never slip away

And you'd never hear me say"

Para kaming pinaglaruan ng tadhana. Pwede namang sa iba mangyari ito pero why us?
Bakit kami pa ang dapat magdusa kung ang tanging ginawa lang naman namin ay ang
magmahal?

"I remember the day you told me you were leaving

I remember the make-up running down your face

And the dreams you left behind you didn't need them

Like every single wish we ever made


I wish that I could wake up with amnesia

And forget about the stupid little things

Like the way it felt to fall asleep next to you

And the memories I never can escape"

Ang sakit. I should stop this. Nagsasawa na kong maging mahina. Nagsasawa na kong
umiyak. Pagod na ako.

"'Cause I'm not fine at all

No, I'm really not fine at all

Tell me this is just a dream

'Cause I'm really not fine at all"

Isinubsob ko ang ulo ko sa tuhod ko habang patuloy na umiiyak. Tapos na ang kanta.
Sana sa pagtapos nito, natapos na din ang sakit na nararamdaman namin pero hindi.
Nandito pa din. Nakatatak pa din.

"E-Eliza?"napatingin ako sa kanya. Nakatayo siya sa harap ko at gulat na gulat na


makita ako. Namumutla ang mga mata niya. Alam kong umiyak din ito.

"N-Nathan.... I'm sorry. I'm sorry for causing you such pain. I'm... I'm
sorry."lalong bumuhos ang luha ko.

Lumuhod siya sa harap ko and he kissed me.

"Eliza, I will listen. Just please, tell me those reasons. The truth. Please let me
hear the real reason why you left even though it will just bring us to the past
where we became broken."

Maybe this is the time. I should tell him everything bago pa mahuli ang lahat.

INFINITE

Ms. Kim
=================

[47] The Story of Us

[47] Story of Us

#LLWCMCG

Jan:

"Nung nagreunion tayo with my girls and your IH7, when I was waiting for you at my
room, someone called me."pagsisimula ko. Even though natatakot ako, I need to do
this.

He held my hand and kissed it. Somehow I feel safe.

"H-He told me about the situation of our company. Of how difficult it is to save
M's. I asked if I can do anything atleast for the company. And... And... He wants
me to do it. T-To... To be his son's wife."I cried. I remember that day again. The
cause of all of this.

"I told him I cannot do that. I love you. I.. I really do pero sinabihan niya kong
anytime soon, kapag wala pang nangyaring merging, hindi na masasalba pa ang
kumpanya. Tandang-tanda ko pa 'yung sinabi niya, "Jan, it's not about your
happiness now, it's about your family's reputation. Ngayon ka pa ba magpapaka-
selfish? Ngayon na nga lang hinihingi ng pamilya mo ang tulong mo.""

He is patiently listening. Hindi siya nagsasalita at nagtatanong. He is only


listening.

"Sobrang sakit to the point na gusto ko na lang yayain kang umalis at lumayo sa
kanilang lahat pero hindi pwede. Mas lalo akong selfish kapag ginawa ko iyon.
Sasabihin ko sana sa iyo ang tungkol duon sa tumawag sa akin pero naisip kong 'wag
na lang. Dahil baka maisip mo din ang naisip ko. I know you can escape with me but
I'm not that ready for that even though I thought of it for hundred times already."

"Na-sense mo agad that night how weird I am, right? You kept on saying what was the
problem but I kept on saying nothing. I even asked for a kiss. And we even did
That."and that made me smile. He just looked at me and hold my hands tighter.

"That was one of the things I do not regret because that's the day I promise myself
that I will only love a man I made love."pinunasan ko ang kumawalang luha ulit sa
mata ko at tumingin kay Nathan. Nakatingin lang din siya sa akin.

"Umalis ka kinabukasan for business meeting. Hindi ako sumama para ihatid ka. But I
was there. I'm saying goodbye to you for the last time while looking up to you. Ang
sakit. Too damn hard for me to walk away. And then you kept on calling and texting.
Sa bawat naririnig kong boses mo mas nadadagdagan ang guilt sa puso ko. Ang sakit
to the point na ayokong sagutin ang tawag mo at hindi na magreply sa text mo para
matapos na pero naisip ko na last na din naman ito. 'Pag balik mo, that would be
the end of everything."

"Feeling ko nakakulong ako. Hindi lang sa bahay na iyun kung hindi pati sa
pangungulila ko sa'yo. Gusto kong bumalik sa'yo pero may bagay akong nakita na
naging dahilan para mas piliin kong manatili na lang."

"Ano?"

"He is torturing Van. Sinasampal, sinusuntok at kung ano-ano pa just for his sake.
Awang-awa ako kay Van lalo na't dahil sa akin kaya siya sinasaktan. May time pa nga
na hindi lang nila ako makita sa kwarto, nasampal na si Van."

"Pumayag na ko sa kasal because of that at dahil binalaan niya ko na sasaktan niya


ang pamilya ko at ikaw. Nangako si Van na gagawa siya ng paraan para makabalik ako
sa'yo. At siya ang dahilan kung bakit nandito tayo ngayon."

"Alam mo ba nung birthday ni Jin, nung makita kita, nung tingnan mo ko, gustong-
gusto kong yakapin ka at sabihing umalis na lang tayo. Kitang-kita ko kung anong
epekto nang pag-iwan ko saiyo. Pumayat ka and you look very tired. Ang hirap
magpanggap na ang saya-saya ko whenever I see you hurting like that. Nung nagwalk
out ka, gusto kitang sundan at sabihing ikaw pa din but it wouldn't change a thing.
I already hurt you. Gusto ko na sanang umalis but Van asked me to roam around para
naman daw maging okay ako kahit papaano. Iniwan ako ni Van sa may garden and I saw
you. We were alone together. I wanted to be with you pero kailangan ko ulit
magpanggap na di na kita mahal. Sobrang sakit. N-Nung sumuko ka na sa pagsuyo sa
akin that night, ang sakit. Yung nakikita ko na lang sa mga mata mo noong gabing
iyon ay galit. You became cold. Nung sinabi mong ayaw mo na kong makita, I-I don't
know anymore. G-gusto kong bawiin mo ang sinabi mo pero natatakot akong ipabawi mo
din ang sinabi ko. And I can't kaya hindi kita napigilang talikuran ako."

"Isa lang ang nararamdaman ko nung gabing iyon."

"Habang humahakbang kang palayo, tuluyang nadudurog ang puso ko."

Pinisil ko ang kamay niya.

"I was very broken after that night. Hindi ako umaalis sa kwarto at hindi rin ako
kumakain. Para bang hinihintay ko na lang na mawala ako. Nagulat na lang ako nang
humihilab ang tiyan ko. Dinala ako ni Van sa ospital and the doctor announced that
I was pregnant and my baby was having a hard time dahil wala daw itong nakukuhang
sustansiya sa akin and because of it, pinilit kong ayusin ulit ang buhay ko. I
don't want to lose another special person in my life."

"Than was the best thing happened to my life and he was the only thing left of me
that will always reminds me that I was once became yours."
"T-Than?"he blurted out. He was shocked but for just a little while. "I knew it. He
looks familiar and he looks like me. And his name... Nathaniel Jaevan. He is my
son. He is our son."

Paanong nalaman niya iyon? Iyan ang hindi ko alam. Siguro dahil kay Jess?

"Masaya ako dahil nagbunga yung pagmamahalan natin. Umalis ako pero alam ko na sa
pag-alis ko, may dala-dala ako. May magpapaalala sa akin that we did loved each
other."

Niyakap niya ulit ako. Eto ang feeling na gustong-gusto ko kapag niyayakap siya.
Lagi kong nararamdaman ang pagiging safe.

"Wifey..."natigilan ako. Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya ba ulit ako sa
endearment namin?

"I never stop loving you. I was chasing you secretly. We are here because of Van
but I chose to stay not because I can't go but because I can but I chose not to."

"5 years ago, naaksidente ako. Jin told me you know about that thing. But did he
told you that I was asleep for about four and a half month?" comatose? Na-comatose
si Nathan?

"Hey, I'm alright right now don't worry."I tried to calm myself."After those hell
months, I woke up. The only thing that comes out of my mind and my mouth is your
name. I don't know. Maybe I just love you so much that even for a short period
time, I can't erase you in my mind. But my heart slapped my mind. It reminded me
how many scars you gave it and how many painful memories you let my mind to see.
Then suddenly, what I want that day is a revenge. I want to hurt you emotionally
like how you hurt me."

"But I can't start the revenge because of my sick body. I need to recover so even
though the doctors wouldn't allow me to move away to the hospital, I took a flight
far away from here but I have my own nurse with me. It was Maxene. My stepmom
introduced her to me. She wanted to move away also so my stepmom decided to let
Maxene took the flight with me in States. I thought I will get revenge to you but I
was wrong. I can't let myself to hurt you. I pity myself. It is so unfair. You can
hurt me but I can't."

"If you think I didn't saw you in States, you're wrong. I saw you for a couple of
times. Sa grocery, restaurant, church, hospital and park."

Bakit hindi ko siya nakita? Ang daming beses na pala niya kong nakita pero ako
picture lang ang nakakasama ko. Ang nakakausap ko. Ang nasisilayan ko.

"Bakit hindi mo ko nilapitan? Bakit di mo ko kinausap?"


"Gustong-gusto ko, Eliza. I really do. Nung hirap na hirap kang kunin yung lata ng
gatas sa grocery dahil mabigat, gusto kong lumapit at ilagay sa cart mo. Nung nasa
restaurant ka at hinahanap mo yung restroom, gusto kong lapitan ka at ituro sa'yo
ang daan. Nung ikaw lang mag-isa sa simbahan, gusto kong tabihan ka at ilagay ang
ulo mo sa balikat ko. Nung nasa park ka at nagbabike, gusto kong yayain kang mag-
race and whoever the loser needs to obey the winner. But all of the things I wanted
to do, Van did. He was there when I should be. He was with you when I should be the
one to be with you."

"Do you know how painful it is? That was f-cking painful."

"After that, I decided to call Jin. Yes, he knew where I am. I told him that I saw
you and I wantef to be with you again. Do you know what he told me? 'Wag akong
humintong ipaglaban ka. He told me to chase after you. But what makes the chase not
too showy is because I chase you to chase me. Hahabulin kita pero hindi mo
mararamdaman. With the help of Jin, nalaman ko kung saan ka pumupunta. It turns out
na uuwi ka dito sa Pilipinas kaya inaya ko na ding umuwi si Maxene. I told her
everything. About the chase and all."

"A-Alam niya?"bulalas ko.

"Yes. Tinutulungan niya ako. "tumango na lang ako. I feel sorry for Max. Gusto kong
agawin si Nathan sa kanya all this time pero hindi na pala kailangan dahil
tinutulungan niya pala kami.

"Nang makauwi kami, tinawagan ko si Jin para itanong kung nasaan ka. Sinabi niya sa
akin na alam mo na ang about sa aksidenteng nangyari dati at sinabi niya din sa
akin na alam na niya kung sino ang may kagagawan ng lahat."

"Y-You already know?"lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Alam na niya kung sino?
Sinabi na ba sa kanya ni Jin?

"I don't. Ayokong sabihin ni Jin dahil gusto ko ikaw mismo ang mag-explain sa akin.
I want you to tell me. I want to know your feelings not what others think you
feel."

"'Yung kanta na narinig mo sa mall, 'yung grand alumni, 'yung pagkikita natin sa
school nila Jess, 'yung dinner, 'yung pagkakasama natin dalawa sa parking lot, yung
pagreview natin, all of that is part of the plan. And I was thankful that you
participated."

"W-What about the wedding? Plano lang din ang pagpapakasal niyo? And Jess. Is she
really your daughter?"

"Back then when we were in States, I asked her to marry me. Not because I wanted to
get even but because I really want to marry her. She became my strength, my
guardian, my downfall. Kahit pinapaalis ko siya sa tabi ko, hindi siya aalis.
Instead, lalapit pa din siya at sasabihing nandito lang siya palagi sa tabi ko.
Maxene was a girl I didn't expected to have. I do love her.But she didn't say yes.
Ayaw niyang magpakasal sa akin. Mahal niya ako but she told me that she couldn't
marry a man who love someone more than I love her. She was the one who planned to
tell you we will get married. "

"I guess, you are the one and only perfectly fit to be my wife."

"And Jess, she is not my daughter. Si Jess ang dahilan kung bakit umalis ng
pilipinas si Maxene. Nabuntis kasi si Maxene ng boyfriend niya pero hindi siya
pinanagutan."

"I-I'm sorry, Nathan. I'm sorry na tumigil akong lumaban. I'm sorry for causing you
so much trouble. I'm sorry for making your life miserable. I'm sorry for the
promises I broke. I'm sorry for letting you go. I'm sorry for not marrying you."I
cried and cried in front of him. Umupo siya sa gilid ko. Hawak pa rin ang kamay ko.

"Kanina nung nagising ako na wala ka sa tabi ko, sinabi ko sa sarili ko na dapat
hindi talaga ako natulog. Binantayan na lang sana kita para hindi ka nawala sa
paningin ko ulit. Akala ko iniwan mo na naman ako. I got that fear since you left
me. Kaya kapag umaalis si Maxene sa tabi ko, palagi siyang nagpapaalam. Nagpapanic
kasi ako. The doctor told me that I got this fear because of an experience na
nagdulot sa akin ng sobrang kalungkutan. Fear of being left alone."

He kissed me. Na-surprise ako but I love the feeling.

He held my face after the kiss. Magkadikit pa din ang noo namin.

"Do you know what I realize? Habang pilit kitang binabalik sa akin, I hold on to
what you said before. You told me that you will always love me and I should always
remember it."

"Lalaban na tayo, Nathan. Hindi ko na hahayaang pang mawala ka sa akin. We will be


a complete family."

Ilang minuto din kaming nanatili doon. Tahimik lang kami na para bang ang mga puso
namin ang nagdidiwang.

Nang makaramdam na kami ng gutom, bumalik kami sa room at kumain. It was different.
Para bang nasa tama na ang nangyayari. Parang ang luwag na ng nararamdaman ko.

But everything fall into pieces when my phone rang.

"Hello Van? Buti naman napatawag ka! Okay na kami Van! I did it. Thank you so much!
This is all because of you help."nakangiti ako habang sinasabi ko ito.

Kumunot ang noo ko nang wala akong narinig ni isang salita mula sa kanya.
"Van?"

"Jan... He's back. Alam niya kung ano ang ginagawa natin. Alam niyang magkasama
kayo ni Nate. Mag-ingat kayong dalawa. I think he is getting really mad about
this."

Nanghina ako sa sinabi niya. Napaupo ako sa kama at hindi ko namalayang tumulo na
naman ang luha ko.

Si Than. I need to protect my son.

"Eliza?"lumapit siya sa akin nung nakita niya kong umiiyak.

"N-Nathan..."

"What is it? Tell me please."

"N-Nathan, bumalik na siya. B-Bumalik na ang tatay ni Van. He is up to


something."niyakap ako ni Nathan. Humahagulgol na ko. Akala ko maaayos na. Akala ko
magagawa kong maitakas ang anak ko pero naunahan niya kaming makabalik.

"Nathan... y-yung anak natin. S-Si Than. B-Baka kung anong gawin niya sa anak
natin."

"Babalik na tayo, Eliza. We will get our son. We will fight for him. Hindi ko kayo
papabayaan."

xxxxxxxxx

#LLWCMCG

Omg! Malapit na talaga tayo sa ending. Nararamdaman ko na. T_______T

INFINITE

KJ

=================

[48] Ronaldo Rosales


"Bring back my son you fcking old man."sambit niya sa galit at nanggagalaiting
tono. "You wouldn't dare to stop me. Akala niyo ba ganoon na lang iyon? No one can
stop me."nakita ko na naman ang mga matang iyon. Ang mga matang maiitim. Ang mga
matang nagbabadya ng kasamaan. "Tito please tama na. Nagmamakaawa ako na ibalik mo
na ang anak ko sa amin. Walang kasalanan ang anak ko sa inyo at wala din kaming
kasalanan sa iyo."pagmamakaawa ko. Nangingilid na din ang luha ko. Wala kaming
nadatnan na kahit sino sa bahay namin ni Van. Kahit si Van wala. At ang mas
nagbigay sa akin ng kaba ay ang makitang nakabukas ang pintuan bago pa man kami
pumasok at naiwan ang gate ng nakabukas. "N-Nathan.... y-yung anak
natin."hinawakan ni Nathan ng mahigpit ang kamay ko. Tatawagan ko sana si Van
ngunit tumunog ang phone ko. Unregistered number Nagkatinginan muna kami bago ko
sagutin ang phone. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako ng
malamig.

"Hello my dearest daughter-in-law. Did you missed me?"ma-awtoridad pa din ang boses
niya kahit may pagkasarkastiko ang pagkakasabi nito. "Nasaan ang anak ko? Ibalik
mo ang anak ko sa akin!"hindi ko na napigilan pang sumigaw. Nagbabadya na ding
tumulo ang luha ko pero pinipilit kong magpakatatag. Kapag narinig niya na mahina
ako, panalo siya. And I wouldn't allow him to see how panic I am now. Kelan ba
matatapos ang lahat ng masasamang nangyayaring ito? Nagkaayos na kami ni Nathan.
Eto na ang chance na mabubuo kaming tatlo. Eto na ang panahon na hinihintay ko pero
may panibago na namang pangamba sa puso ko. May nakaharang na naman sa pagiging
masaya ko. "You are one damn slut woman. May asawa ka na pero nang-aakit ka pa din
ng iba. Montenegro ka nga talaga. Hindi mo man lang iniisip ang mga taong nasa
paligid mo basta maging masaya ka lang. Hindi mo man lang inisip ang anak mo bago
ka magpakasaya."malamig na sabi nito. Nanuot sa buong pagkatao ko ang sinabi niya.
Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. "Ginawa ko ito dahil sa anak ko! Ayokong
maranasan niya ang mga ginagawa mo!"kinuha sa akin ni Nathan ang phone.

"F-ck! Let me have my son back!"galit na galit na sambit ni Nathan. Tumulo na ang
mga luha ko. Kinukurot ang puso ko sa mga imahe na naiisip ko na pwedeng ginagawa
niya sa anak ko. Takot ang anak ko sa kanya simula nung magkaisip ito. Nakita niya
kasi nang minsan kung paano sinigawan nito si Van. Eto ang dahilan kung bakit ni
minsan hindi ko hinahayaang makasama ni Than ang tatay ni Van. I was too scared
that he might do something with my son like what he did to his son. At hindi ko
mapapatawad ang sarili ko kapag may ginawa siya sa anak ko.

At tulad ngayon, hindi ko siya mapapatawad kung may gagawin siyang masama sa anak
ko. Baka makalimutan kong tatay siya ni Van. Nagulat ako nang may humigit sa akin
dahilan para mailayo ako kay Nathan. "What the f-ck! Eliza! F-ck! Saan niyo siya
dadalhin?"pareho kaming nagpupumiglas mula sa paghihila sa amin ng mga tao na sa
tingin ko'y tauhan niya. Dahil masyadong malakas ang lalaking nakahawak sa
pulsuhan ko, hindi ko magawang magpumiglas. Nakita kong nasuntok ni Nathan ang
lalaking nakahawak naman sa kanya ngunit sinuntok pabalik si Nathan. Mas malakas at
mas masakit. "Nathan!"nakita kong humalandusay siya sa sahig at nagdugo ang
kanyang mukha. Wala nang tigil ang pagluha ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang
panyo na inilagay sa ilong ko dahilan kaya nawalan ako ng malay. Nagising ako na
may takot pa din. Pinasadahan ko ang buong kwarto. Takot na takot ako. Para itong
abandonadong kwarto ng mga alipin. Parang kulungan. Walang kahit ano at nung tatayo
na sana ako para pumunta sa pintuan, napaupo ulit ako. Nakagapos ang mga kamay ko.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang sumigaw at nagdadasal na sana may makarinig
sa akin at tulungan ako. Paano na lang kung ganito din ang ginagawa nila sa anak
ko? Anong ginawa nila kay Nathan? P-Paano kung hindi ko na sila makita pa? I
couldn't stand living without anyone of them. Unti-unting bumukas ang pintuan.
Nag-iwas ako ng tingin dahil biglang lumiwanag ang paligid kaya nasilaw ako. Nang
tumingin ako, nakita ko doon ang papa ni Van. Malamig ang ekspresyon niya. Parang
may binabalak siya. Gustong-gusto kong saktan siya. Gustong-gusto kong sampalin
siya pero hindi ko magawa dahil nakagapos nga ako. "Walang hiya ka! Hindi kita
mapapatawad kapag may nangyari sa mag-ama ko!"isang halakhak ang ginanti niya sa
sigaw ko at tumingin sa akin na may galit sa mata. Lalo siyang lumapit sa akin at
hinawakan ng mahigpit ang baba ko. "At hindi ko din mapapatawad ang pamilya mo!
Kasalanan niyo ang lahat!"sinampal niya ako. Humapdi ang pisngi ko. Pakiramdam ko'y
pulang-pula na ito. Nanunuod ang hapdi nito. "Ano bang naging kasalanan ko sa'yo
at ginagawa mo ito sa amin!" "Ikaw wala pero ang pamilya mo malaki ang kasalanan
sa akin- sa amin! Kung hindi dahil sa pagiging makasarili niyo, hindi sana namatay
ang tatay ko! Wala kayong kwenta! Dapat lahat kayo pinapatay na lang!"galit na
galit siya. Lalong dumilim ang ekspresyon niya. Hindi ko siya maintindihan. Ano
bang pinagsasabi niya?

"Kilala mo ba si Edgardo Rosales? Siya ang kanang kamay ng lolo mo. Tinulungan niya
ang lolo mo sa pagpapaunlad ng M's. He managed it with your grandfather. But what
did your grandfather did? He gave his business to his son. Sa anak niyang wala
namang naitulong sa kumpanya. Ang tatay ko. Siya dapat ang nagmamay-ari ng kumpanya
niyo ngayon! Pero ano? Nakulong ang tatay ko sa kasalanang pagnanakaw. Hindi naman
makukulong ang tatay ko kung hindi niyo inangkin ang dapat na pagmamay-ari niya. He
was the one who work hard for that company. We suffered. I suggest that all of you
should pay for the sacrifices my dad did!"tumalikod siya sa akin. Ngayon ko
napansin na may dalawang lalaki palang nakabantay sa gilid ng pintuan. "Lahat
kami? Anong sinasabi mo? Don't do anything to my family!"huminto siya at humalakhak
muli. "Wala akong gagawin sa kanila. I am not the one to do the bloody work.
Someone will do that for me, don't worry." Narinig ko ang mga sigaw. Tinignan ko
ang nasa pintuan. "D-Daddy! Mommy!"tinulak sila sa sahig ng mga nakahawak sa braso
nila. Awang-awa ako sa mga magulang ko. Si daddy hinang-hina at namamalipit sa
sahig. Pumutok na ang labi niya at sugatan na. Si mommy naman ay may mga gasgas at
pasa sa braso at namumula ang pisngi. "T-Tama na. A-Ako na lang ang saktan mo.
Pakawalan mo na ang pamilya ko. Ako n-na lang. Ronaldo 'wag ang pamilya ko.
Nagmamakaawa ako."kita ko ang takot sa mga mata ni Daddy. Humahagulgol na din si
Mommy habang nakahawak sa braso ni Daddy. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Nasasaktan
akong nakikita silang ganito. "What do you expect? Do you expect me to follow? Sa
tingin mo ba maaawa ako sa'yo? Ang galing niyong magsalita pero mga wala kayong
kwenta! I will never forgive you for letting my father to be imprisoned for
years!"sinipa niya si daddy. Napangiwi ito sa sakit. Lalong umiyak si mommy. Gusto
kong lumapit pero hindi ko talaga magawa dahil sa pagkakagapos ko. "Hindi ko alam
ang mga nangyari dati. R-Ronaldo nanghingi naman ng tawad ang tatay ko sa inyo
diba? A-At kaya nakulong ang tatay mo dahil nakita siyang nagnakaw sa isang
kumpanya. M-My father did everything to help your father pero wala na siyang nagawa
dahil madaming proweb-"sinuntok niya ulit ang tatay ko. Namilipit ulit ito sa
sakit. Tumingin sa akin ang tatay ko. Pagod na pagod na ang mga mata niya.

"Hindi kasalanan ng tatay ko iyon! Hindi niya gagawin iyon kung hindi niyo
ipinagkait sa kanya ang dapat na sa kanya!"nanggagalaiti ito. Tumalikod siya sa
amin at kinuha ang phone sa bulsa niya. Inalalayan ni mommy si daddy para makalapit
sila sa akin. Nang nagawa nilang makalapit, niyakap ko sila. Ramdam ko ang
panlalambot ni daddy. Ni hindi na niya nagawa pang gumanti dahil na rin sa may edad
na sila ni mommy. "Dad 'yung anak ko. P-Paano na si Than." "Anak, hindi siya
papabayaan ni Van. Hindi hahayaan ni Van na masaktan ang anak mo."sagot ni mommy.
Gusto kong paniwalaan ang sinasabi niya pero hindi ko maalis sa isip ko na wala
ding magagawa si Van lalo na't masyadong madaming alagad ang tatay niya. Kung
lalaban siya, mapapahamak lang ito.
Humarap ito sa amin at lumapit.

"It will be the end of all of you. I'll make sure that nothing will be left to the
Montenegro."

xxxxxxxxxx

AN:

Maikli lang ito sorry. Gusto ko kasing isakto hanggang Chapter 50 tapos Epilogue
na. :)

Next week will be the next update.

IF AND ONLY IF

Maraming magtutweet with the hashtag:

#LLWCMCG

Thank you.

INFINITE

Ms. Kim

=================

[49] His Plan. Her Sacrifice

[49] His Plan. Her Sacrifice

Van:

"F-ck! Anong sinasabi niyong hindi ninyo magagawang ilipat ang pagmamay-ari ng mga
walang kwentang Montenegro sa pangalan ko?"galit na galit ito habang may kausap sa
phone.

"Anong hindi kasal? I already gave you the fcking paper as a prove!"
"WHAT?! Do something! I'm not paying you for nothing!"hinampas niya yung phone at
nanggagalaiting tumingin sa amin. Napayakap sa akin si Than at nakita ko ang
inosenteng luha na lumandas sa angel niyang mukha.

Halata sa mukha nito ang takot. Nanginginig din ang kanyang kamay at
pinagpapawisan.

"Stop Pa! Wala na tayong magagawa. You need to stop."

"Anong sinasabi mo? Wala ka na ba talagang gagawin kung hindi ang magpakatanga sa
pamilya nila?"

"Pa bumalik na lang tayo sa States. Magbagong buhay tayo doon. Tama na. Ayoko na ng
gulo. Mula noong bata palang ako eto na ang nakagisnan ko. Mula noong bata ako
paghihigante na ang nasa utak at diwa mo. Ni minsan hindi ko naramdaman na minahal
mo kami ni Mama. Lagi mo na lang kaming ginagamit para sa plano mo. Gawin mo ito.
Gawin mo iyan. Palagi na lang ganoon. Halos gabi-gabi nakikita ko si mama na
umiiyak. Please tigil na pa."sinuntok ako ni papa.

"Papa!"niyakap ako ni Than. Namilipit ako sa sakit ng suntok niya."L-Lolo stop


please."

"I'm not your grandfather! You will never be a Rosales! Hindi ko hahayaan na
magkaroon ako ng apo na may dugong traydor!"sasampalin niya sana si Than pero
hinagkan ko ito at tinago sa mga bisig ko. Ramdam ko ang panginginig ng buong
katawan ng batang tinuring kong anak sa loob ng limang taon.

"You'll be safe. Papa's here for you."bulong ko sa kanya. Unti-unti siyang tumango
pero nanginginig pa din at may luha pa din sa mga mata niya.

"Van, sabihin mo nga sa akin kung may kinalaman ka sa pagiging invalid ng kasal
niyo. Why the f-ck did your marriage were not registered?"tumingin ako sa kanya at
nakita ko ang mga matang mula pagkabata pa lamang ay kinakatakutan ko na.

Nakatitig lang ako sa kanya at hindi sumagot sa tanong niya. Naramdaman ko na lang
ang hagupit ng suntok niya sa pisngi ko. Naramdaman ko ang pagputok ng labi ko.
Sobrang sakit ng suntok niya.

Tumalikod siya sa amin at aambang aalis na sa kwarto na kinulong niya kami.

"Ano na namang plano mo, Pa? Hindi ka pa rin ba titigil?"nanghihina kong sambit.

Huminto ito sa paglalakad pero hindi siya lumingon.

"Tomorrow, you will fcking marry that woman. You will fcking get this marriage for
real! Hindi pwedeng walang mangyari sa planong ito! Dapat ay maghirap ang mga
Montenegro!"isang nakakabinging pagsarado ng pinto ang ginawa niya. Lalong
humagulgol ng iyak si Than. Dinala ko siya sa maliit na kama at pilit siyang
pinapatahan.

"Pa, how about mommy? I don't want her to get hurt. P-please let us save her. Save
her, papa."

Tumabi ako sa kanya at hinawakan ko ang dalawang kamay niya.

"Than makinig kang mabuti. I need you to focus and listen to whatever I want you to
hear. I'm treating you not as a child anymore but more as a big boy so I expect you
to act like one."tanging tahimik na pag-iyak na lang ang ginagawa niya. Alam kong
mali na pangunahan ko si Jan pero hinihiling na ng pagkakataon na ito na dapat nang
malaman ni Than ang lahat ng nangyayari.

"I am not your father, Than."masakit para sa akin ang sabihin ito sa kanya. Ang
kasunduan namin ni Jan ay aalis muna ako patungong States bago niya sabihin sa anak
niya na hindi ako ang tatay niya. Ayoko kasing makita ang reaksyon niya at ayokong
marinig ang katotohanang dati ko pa alam.

Niyakap ako ni Than. May parte sa puso ko ang kumirot. Tinuring ko siyang akin.
Tinuring ko siyang anak ko pero darating naman talaga ang oras na kailangan na
naming harapin ang katotohanan.

"I already know it, Pa. I heard what you were talking last time when we attended
the Alumni Party but despite of the truth, you will always be my Papa."

Naiyak ako sa sinabi niya. Buong akala namin hindi pa niya alam pero nagkamali pala
kami. Matagal-tagal na din niyang alam pero kahit ganoon pa man, hindi nagbago ang
pagmamahal niya sa amin at lalo na sa akin.

"Pa please let us save mommy and also my......dad"

"I'll do what I can."

Jan:

"Saan niyo ko dadalhin?"nagpupumiglas ako sa lalaking humihila sa akin palabas ng


kwartong ito.

"Bitawan mo ang anak ko!"sabi ni Daddy ngunit pati sila ni Mommy ay kinaladkad din
palabas.

Dinala kami sa ibang kwarto na may iba't ibang gamit sa loob. May mga gown, tuxedo,
make ups at kung anu-ano pa.
Iniupo ako nung lalaki sa isang upuan na nasa harap ng isang salamin.

Kitang-kita ko sa salamin ang repleksyon ko. Gulo-gulong buhok, namumulang pisgi,


namamagang mata, at sugat sa may labi.

May mga pumasok na babae na takot na takot nang lumapit sa amin.

"A-ayusan na po n-namin kayo."

"Ayoko! Anong ginagawa niyo?"nagpupumiglas ako.

"Ilabas niyo ang anak ko! Gusto kong makita ang anak ko!"Lumalapit na din yung
ibang nagbabantay na nga lalaki sa akin dahil sigaw ako ng sigaw.

Bumukas ang pinto at umalingawngaw ang sigaw ng tatay ni Van.

"HINDI KA BA TITIGIL SA PAGSIGAW AT PAG-IYAK?"lumapit siya sa akin at aambang


sasampalin ako.

"Wag Ronaldo! Maawa ka!"sabi ni Daddy.

"Maawa? Naririnig mo ba ang hinihiling mo? Iyan ang hiningi ng tatay ko sa inyo
pero wala kayong ginawa! Di kayo naawa!"

"Tama na please tito. Ano bang gusto niyo para itigil niyo na ito? Parang awa mo
na, 'wag na 'wag mo lang sasaktan ang mga mahal ko."natawa siya sa pagmamakaawa ko.

"Ang sinabi mo ay linya ng mga walang kwentang tao. Alam ko namang iyan ang
sasabihin mo. Sa sobrang tanga mo ba naman na gagawin ang lahat para lang sa walang
kwenta mong pamilya. Pero dahil may natitira pa namang bait sa katawan ko, sige
pagbibigyan kita."seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Ikakasal kayo ni Van ngayon."

"Kasal na kami! Ano pa bang gusto mo?

"Hindi pa kayo kasal! Mga walang hiya kayo! Pineke niyo ang kasal niyo! Nilason mo
ang isip ng anak ko para kalabanin niya ko."nagulat ako sa sinabi niya. Wala akong
kaalam-alam sa sinasabi niya. Sa loob ng limang taon, hindi sinabi sa akin ni Van
ang tungkol sa pagiging peke ng kasal namin. Mula noon palang tinutulungan na niya
ako.

"Anak 'wag!"sabi ni mommy.


"Kumpanya lang naman ang gusto mo diba? Sayong-sayo na basta 'wag mo lang pilitin
ang anak ko sa hindi niya gusto!"sabi ni daddy.

"Ayokong mabilis na makuha ang kumpanya nang hindi man lang kayo nahihirapan.
Mamili ka Jan. Masasaktan ka pero papalayain ko na ang pamilya mo o pare-pareho
kayong makukulong dito hanggang sa mamatay kayo?"

Hindi ako nakapagsalita. Nahihirapan ako. Kahit anong piliin ko, may masasaktan at
kahit anong gawin ko, di namin kakayanin.

"Nahihirapan ka? Bibigyan kita ng mga manghihikayat sa iyo."may iminuwestra siya sa


isang lalaki. May inilabas itong flash drive at laptop. May pinindot siyang video
doon. Sa una'y itim lang ang makikita mo pero napatakip ako ng bibig nang makita
kung sino ang naroroon. May lalaking nakaupo sasahig at may mga lalaking
nakapalibot sa kanya. Duguan na ito at kaunti na lang ay hindi mo na siya makilala.
Sinipa siya ng isang lalaki sa kanyang tagiliran at napangiwi ito sa sakit.
Sinabunutan siya ng isa pang lalaki para maiangat ang mukha niya sa kamera. Ngayon
ko napansin na may kahoy palang hawak ang lalaking sumipa kanina sa kanya. Hinataw
niya ito sa may tiyan. Napapikit ako sa ginawa nito.

"Tama na. Please tama na. Wag niyong sasaktan si Nathan. Tama na.... m-magpapakasal
na ko sa anak mo."

"Mabuti naman at madali kang kausap. Hayaan mo at makararating sa pinakamamahal mo


ang magandang balitang ito."

Lumabas na siya ng kwarto at naiwan kami sa loob. Humagulgol ako na naging dahilan
para hindi ako agad maayusan.

Nasa labas din ang mga lalaking nagbabantay sa amin kaya hinayaan na muna ako ng
mga babaeng mag-aayos sa akin. Pati sila ay umiiyak din dahil sa nasaksihan.

Nathan... please be strong.

Malalagpasan natin ito.

Kung ano mang mangyari sa akin pagkatapos nito, pipilitin kong kayanin basta ang
mahalaga ngayon....ay maging ligtas ang buong pamilya ko.

Kung ako talaga ang dapat magsakripisyo, gagawin ko basta makalaya na ang pamilya
ko.

xxxxxxxx
One more chapter then Epilogue.

#LLWCMCG

INFINITE

Ms. Kim

=================

[50] The Last Sacrifice.

[50] The Last Sacrifice

Long beautiful dress. Shiny high heels. Expensive jewelries. Diamond rings. What
else can I wish for?

I wish to celebrate this with the man I truly love.

"Jan, nandito na naman tayo. Hindi ko na naman magagawang pigilan ang kasal mo.
Sorry for being a nonsense father. I'm s-sorry."gusto kong i-comfort si Daddy but
even I can't do it for myself. Kahit ako hindi ko mahanap ang tamang salita para sa
mga maling pamamaraan.

Nakita ko na ang simbahan. Mariin ko na lang ipinikit ang mga mata ko. Kailangan
kong pakalmahin ang sarili ko. Kapag may maling galaw akong ginawa, may gagawin
siyang masama.

Hanggang sa dulong ito, alam ko, para sa mga mahal ko ang gagawin ko. This will be
for them, for him.

Whatever happens, I want them to feel how I love them even if all I can do is to
just sacrifice. Alam kong dahil sa gagawin kong ito, may panibago na namang sakit
at hirap ang mararanasan namin pero alam ko din na sa pagpili ko nito, maiibsan
kahit kaunti ang paghihiganti nito.

Pagkahinto ng sasakyan sa harap ng simbahan, kitang-kita ko na agad ang mga alipin


ng tatay ni Van. Halatang handa sila kung may gusto mang tumakas o umurong sa
kasal. I bet na mas madami sila sa loob ng simbahan.

Bago ako lumabas, niyakap muna ako ng mga magulang ko. Umiiyak si Mommy. Ang bigat
sa damdamin at parang mas nadadagdagan ang bigat dahil sa mga nangyayari at
mangyayari.
Ngayon ko napansin na kasama ng mga lalaking nagbabantay sila Mich at Yhanna. Nang
makita ko sila, agad silang tumakbo papalapit sa akin at yumakap.

"S-sorry, Jan. Wala kaming magawa. Gusto ka naming itakas pero masyado silang
madami."sabi ni Yhanna.

"But they are working on it."bulong ni Mich na halos hindi ko na talaga marinig.

"They will rescue him."saad ni Yhanna na mas mahina.

Napuno ng kaba ang puso ko. IH7. For sure sila ang sinasabi nilang tutulong kay
Nathan. Kinakabahan ako para sa kanila. Masyadong madaming alagad ang gusto nilang
kalabanin.

"Magsisimula na ang kasal. Umayos kayo."mariing utos ng lalaking nagbabantay.


Naghiwa-hiwalay kaming tatlo. Lumapit na sa akin sila Mommy.

Binuksan na nila ang pinto ng simbahan. Kasabay ng pagbukas nito ay ang pagbagsak
ng mga luha ko.

Nakita ko ang anak ko sa may harap ng altar. Nakatingin ito sa akin at halatang
nagpipigil umiyak. Gusto kong tumakbo sa kanya at yakapin siyang mahigpit pero
hindi ko pwedeng gawin iyon. Siya ang mapapahamak sa maling gagawin ko.

Naglakad na ako sa altar. Bawat hakbang ko parang pabigat ng pabigat ang bawat
yapak. Bawat hakbang parang may tumutusok na patalim sa puso ko.

Katabi ni Than ang tito niya. Si Kuya Jop. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata
niya. Hindi nakaligtas sa akin ang maliit na marka sa may labi niya. Parang
sinuntok ito.

Tumingin ako sa lalaking nasa harapan ko.

Van.

Kung nasasaktan man ako, alam kong siya din. Naaalala ko pa ang sinabi niya sa
akin.

"Jan-Jan kahit anong mangyari, sana tatandaan mo na kung anong nararamdaman mo,
nararamdaman ko din. Mayroon nga lang iilang bagay na pinagkaiba natin."

Alam kong mahal na mahal niya ang tatay niya. Nasasaktan siya na kahit ang
pagmamahal niya ay hindi sapat para mapagbago ang tatay niya.
Huminto na ako sa paglalakad.

Imbes na pagpapasalamat ang maririnig kapag ibibigay na ng magulang ang kamay ng


anak nila, puro sorry ang naririnig ko.

"T-Tita and T-Tito. S-sorry."may tumakas na luha mula sa mga mata ni Van. Pinunasan
niya agad ito. Inilipat ko ang tingin ko sa katabi niya. Si Jin.

"A-Ate."hindi ko na kinaya, niyakap ko na siya.

"Jin, ingatan mo sina Mommy para sa akin."

"Ate, ililigtas ka namin. G-gumagawa na kami ng paraan. Dadating din siya."tumango-


tango na lang ako. Kahit imposible, maghihintay ako. Hihintayin ko siya. I know, he
will chase me back. I just hope for his safe.

Pumunta na kami ni Van sa harap ng pari. Pero nang sumulyap ako sa gilid, nakita ko
ang tatay ni Van na maiging nagmamasid sa bawat galaw ko.

Dear God, I am here in front of you, promising with a man I am not in love with. I
here to wish something. It's not about my happiness. I want to to wish him to be
happy. I want them to be safe. I want to end this war. End this war, God. End this
please.

"Jan, I'm sorry for all of this. Sorry dahil hindi ko napahinto ang tatay ko sa
balak niya pero kapag may pagkakataon na mapahinto siya, gagawin ko. Lahat gagawin
ko para sa iyo. Para sa inyo ni Than. I was madly in love with you, Jan. Simula pa
lang nung bata pa tayo, ikaw na. Dati pa lang pinipilit ko na ang tatay kong
tumigil sa mga ginagawa niya. Umalis kami ng bansa, nagpakalayo-layo pero pilit
siyang bumabalik. Gusto kong sabihin sa'yo dati pa na mahal kita pero nung makita
kitang sobrang saya sa kanya, I let go of this feeling. But things got twisted.
Napunta ka sa akin, nawala siya sa istorya. I want to own you. Pero masyado kitang
mahal para sakalin ka sa pagmamahal ko kaya tinutulungan na lang kitang bumalik sa
nagbibigay sa iyomg kasiyahan. Ano mang mangyari, lagi mong tatandaan na, ginagawa
ko iyon para sa iyo. Para sumaya na kayo. Para maging malaya ka na, kayo ng pamilya
mo."

Mas lalong nadurog ang puso ko sa sinabi niya. He can do anything or everything
just for me to be free. I owe him everything.

Magsisimula na ang seremonya ng kasal.

"I'm sorry, Van. Sorry for being a trouble. Sorry sa lahat ng nangyari sa pamilya
niyo."

Hinawakan ni Van ang kamay ko.


"Gusto ko pagkatapos ng araw na ito, thank you ang maririnig ko sa iyo."

"Minahal kita, Van pero alam mo kung hanggang saan lang ang pagmamahal ko sa iyo.
At dahil doon, magpapasalamat na ako. Salamat sa pag-iintindi."

"As a friend. Alam ko na hanggang doon lang. It was enough. That was enough for
me."

"E-Eliza!"napatingin ako sa likod ng marinig ko ang boses na iyon.

Paika-ika siyang tumakbo papunta sa akin. Duguan na din siya. Nakita ko ang ibang
myembro ng IH7 sa labas ng simbahan kasama ang iilang mga pulis.

"Nathan!"lalapitan ko sana siya pero narinig ko ang isang putok ng baril. Lumapit
sa akin ang tatay ni Van at itinapat sa akin ang baril.

"Sige lumapit kayo! Papasabugin ko ang utak ng babaeng ito!"kinakabahan ako.


Natatakot. Nasasaktan.

Nasa gilid na namin si Van.

"Pa tama na ang lahat ng gulong ito. Parang awa mo na."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Para sa lolo mo ang lahat ng ginagawa ko! Para sa
kanya ito! Ipinaghihigante ko ang lolo mo!"mas lalong humihigpit ang pagkakahawak
niya sa kamay ko.

"Jan, lahat ng gulong ginawa ng mga kaibigan mo, tatapusin na natin ito. Alam mo
kung paano? Say goodbye to your love."tinulak niya ako kaya napaupo ako. Itinapat
niya ang baril kay Nathan na namimilipit na sa sakit. Ngayon ko napansin na sobrang
dami nga niya talagang sugat. Pilit niyang inaabot ang kamay ko kahit nahihirapan
siya.

"Eliza, I love you. I will always love you."

"No, no, no. Please Tito Ronaldo tama na!"

"Eliza, h-huwag mong k-kakalimutan na kahit na mawala ako, hinding-hindi ako


mawawala sa p-puso mo."umiiling ako at niyakap siya. Inilalayo niya ako sa kanya.

"S-Save yourself. Marami ka ng napagdaanan. Let me owe this thing. I'll do the last
sacrifice for you. I love you, w-wifey."
"Tama na ang drama! Montenegros deserved this kind of pain!"narinig ko na ang putok
ng baril.

It ends here.

He ends it.

xxxxxxxxxxx

Last Chapter.

I'll try to update the Epilogue as soon as possible.

The pain will end.........soon.

#LLWCMCG

INFINITE

Ms. Kim

=================

[EPILOGUE]

EPILOGUE

"Than, mamaya mo na ituloy sa mga kapatid mo iyang ikinukwento mo. Kumain muna tayo
at nang makapaghanda na tayo. We'll celebrate his 8th death anniversary."tumango
ang anak ko at pumunta na sila sa dinner table para makakain na kami.

"Mommy, where's dad?"tanong ng anak kong pangatlo. Si Emerald.

"He visited the grave of your grandfather. Susunod nalang daw siya sa atin."

"He must be lonely right now. He must be lonely because of grandpa's death."sabi ni
Than. Nakita ko ang lungkot na saglit sumilay sa mga mata niya.

"K-Kuya I c-can't reach it!"sabi ng bunsong anak ko na si Jandy kay Than.

"Here."inabot ni Van yung sausage kay Jandy at sumabay na din sa aming kumain.
"Nakabalik ka na?"tumango ito. Siguro'y nagpahatid na siya sa driver para makasabay
namin.

Kumain kami ng tahimik. Ganito ang set up sa tuwing dadalawin namin siya. Siguro'y
dahil na rin kahit gaano na katagal ang pagkakamatay niya, may kirot pa din sa puso
namin. May hinanaing pa din na sana'y hindi nangyari ang lahat.

"Mommy, can I take the shower first?"sabi ng anak kong bunso.

"Of course baby."nagpabuhat ang anak ko sa akin at magiliw ko naman itong binuhat.

Pumunta kami sa kwarto nila ng kapatid niyang si Emerald at dumiretso sa cr nila.

"Mommy, I love you."nagulat ako sa sinabi niya. Biglaan kasi at hindi ko akalaing
magsasabi siya ng ganoon habang nandito kami.

"I love you too, baby. Anong mayroon at ang sweet ng baby ko?"

"Na isip ko lang po na we are very lucky to have you as a mother. Kanina po nung
nagkukwento si Kuya, nakita ko po ang paghihirap niyo."napangiti ako. Natutuwa ako
sa mga anak ko lalong-lalo na kay Than. Tuwing dadalaw kasi kami sa sementeryo,
laging nagpapakwento ang mga kapatid niya tungkol sa buhay ko at ng mga tatay nila
at hindi naman siya nagsasawang paulit-ulitin ito sa mga kapatid niya.

Binihisan ko na ang anak ko nang matapos. Naka-blue laces dress ito na kapareho sa
dress na susuotin ng kanyang kapatid. Ang pinagkaiba nga lang nila ay ang kulay.
Pink dress ang sa kapatid nito.

Nang matapos kong ayusan ang bunso kong anak, lumabas naman ng cr ang kapatid
nitong babae. Nag-alok ako na ako na lang ang magpapaligo sa kanya pero ang anak ko
na si Emerald ay feeling nagdadalaga na. Gusto niya'y siya na ang kumikilos para sa
kanyang sarili.

"Mom, can you teach me how to braid my hair?"she asked me after putting her
sandals.

"Come here, Eme."ipinakita ko sa kanya kung paano at makalipas ang ilang minuto ay
natutunan niya na itong gawin.

"Jandy, can you check your brothers if they are done?"tumango ito. Sabay kaming
lumabas ng kwarto nila. Dumiretso siya sa kwarto ng mga Kuya niya samantalang
dumiretso ako sa kwarto ko.

Naligo na ako at nag-ayos ng sarili.


We came too far than what I expected. Hindi ko inakalang magiging masaya pa din
pala ako despite of everything. Kahit na namatay siya.

Tumingin ako sa repleksyon ko sa salamin.

Every pain that past gave us were worth it because of what happiness we are
experiencing now.

That sacrifice he did will always leave a mark in my heart.

Someone knocked. Bumukas ang pinto at pumasok ang anak kong si Than.

"Mommy, we're done."

Tumayo na ako at lumapit sa anak ko. Inayos ko ang kwelyo ng kanyang polo shirt na
black.

"Let's go."

"Mommy..."

"Yes, baby?"yumuko ang anak ko. Tatanungin ko sana siya kung anong problema pero
nagulat na lang ako nang yakapin niya ko.

"Thank you. I saw how painful it is to you back then but you stand for us especial
for me."napangiti ako. Naiiyak ako sa sinabi ng anak ko pero umiling siya na
nagpapahiwatig na huwag akong iiyak.

"I love you, son. No matter what, we are here for you, your mommy, papa and daddy."

"I love you too, Mom. I will stand for this family. We will make you proud."

Sumakay na kami sa sasakyan. Ginamit namin iyong sasakyan na ginamit ni Van nung
bumalik na siya sa bahay kanina.

Tahimik lang ang naging byahe namin papunta sa sementeryo.

Dinaanan muna namin yung mga inorder naming bulaklak.

Tahimik lang ang naging byahe namin papunta sa sementeryo.


Tuwing naiisip ko ang mga nangyari noon, hindi ko pa din maiwasang malungkot. Ang
dami-daming nangyari na kung hindi ko siguro hinarap, hanggang ngayon nakakulong
kami sa dilim na iyon.

Huminto na ang sasakyan. Bumaba na kaming lima at dumiretso sa puntod niya. Habang
papalapit kami doon, pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko. Mahirap pa din pala
talagang makita ito.

At iyon na, nandito na kami. Nakatayo sa harap ng lapida niya. Umupo si Than sa
harap ng lapida at nilagay ang mga bulaklak at kandila. Tinanggal niya ang mga
iilang dahon na tumatakip at dumudumi sa lapida nito.

Mas lalo kong nakita ang pangalan niya doon.

Nagulat ako ng may yumakap sa akin.

Tiningnan ko siya. Halata sa mga mata niyang nag-aalala siya sa akin. Matipid akong
ngumiti. Niyakap siya ng bunsong anak namin.

Tiningnan kong muli ang lapida.

Vancy Ron Rosales

December 12, 19xx- November 27, 20xx

"I have fought the good fight, I have finished the race, I have kept the faith." -2
Timothy 4:7

"Hey, Papa Brad, how are you in there? Sorry for not visiting for almost a month. I
was really busy in school. I missed you so much."nilapitan siya ni Van.

"Hi Pa, even though hindi kita naabutan, I think I need to thank you. Wala ako dito
if you didn't do that to my family. Sayang lang at hindi ko naranasan ang pag-
aalaga ninyo na naikukwento ni Kuya. At oo nga po pala, thank you po sa nickname
niyo. Ang cool. Hahaha."

Napangiti ako.

His name will always be remembered.

My first son is Nathaniel Jaevan Lee and my second son is Vance Nuriel Lee. My two
cute daughters are Emerald Nuilyn Lee and Jandy Nuilane Lee.
My second son was given a nickname similar with Van. Ginawa ko iyon dahil pareho
silang dalawa ng birthdate at may pagkakahawig si Vance kay Van.

Pareho silang maalaga although lahat naman ng anak ko ay ganoon lalong-lalo na si


Than. Ang isa pang bagay na napansin ko kay Vance ay ang pareho nilang pagpapagaan
ng sitwasyon. Na kahit may problema o kahit komplikado ang mga bagay, gumagawa sila
ng paraan para mapagaan ang kalooban ng mga mahal nila sa buhay. Kahit bata pa man
sila, alam kong balang araw, mararating nila ang kasiyahan na nararating ko ngayon.

Van, thank you. Thank you for giving me a happy life.

"Kuya, ituloy mo na iyong kwento mo!"sabi ni Emerald habang nilalatag namin ng


maayos ang blanket dito sa garden ng bahay namin.

We create our home where it was all started.

Infinite Garden.

"Okay, I will."umayos ng upo ang anak ko habang nasa harap niya ang mga kapatid
niya. Si Van ay nakahiga sa lap ko. Si Emerald at Jandy naman ay parehong nakaupo
at seryoso lang na nakatingin sa Kuya nila.

Nasa loob ng bahay si Nathan dahil siya ang maghahanda ng pagkain namin ngayon.
Gusto niya kasing makabawi sa amin dahil hindi siya ang sumundo sa amin kanina.
Pumunta muna kasi siya sa puntod ng tatay niya.

"As you can see, Lolo Ronaldo wanted to hit Dad but when he was about to shut the
gun, Papa blocked the way. That was why he was killed. After that incident, Mommy
was crying out loud. She was not aware what to do. And then, the next thing
happenned was something no one expected. Lolo Ronaldo killed himself after saying
sorry for his son."

"Was Lolo really that scary back then?"Jandy asked. Hindi nagsalita si Than.

"Come here, babies."lumapit naman sila sa akin. Umupo ng maayos si Van.

"Nakakatakot siya. Kahit ako, takot na takot sa kanya. Hindi ko itatanggi na kahit
ngayon ay natatakot pa din ako. I was afraid that he might not dead afterall. Pero
hindi tayo pwedeng manatili sa nakaraan. We need to move forward. And as long as we
are here for each other, no one can seperate us. We need to have faith. The love we
have for our family is our sword."

"I love you, mommy."umupo sa lap ko si Jandy at niyakap ako.

"Me too, Mom!"pumunta sa likod ko si Emerald at niyakap ako.


"Me three!"masiglang yumakap din sa akin si Van.

"Tss, dude you have said it too fast. Now I am in four."natawa ako sa inasal ni
Than. Yumakap din naman ito sa akin. How I love these kids too much!

"How can I miss this thing here? You guys are unfair."napatingin ako sa may pintuan
ng kusina. Nakatayo doon si Nathan habang may suot na apron.

"Oh, daddy is jealous!"panunukso ni Emerald. Inilabas na niya ang mga pagkain.


Tinulungan naman siya ng dalawang anak naming lalaki. Kinuha ko ang camera na nasa
gilid ko lang at kinuhanansilang tatlo habang magiliw na nagtutulungan sa pag-aayos
ng kakainin namin dito sa garden.

"Mrs. Lee, stop that. Masyado kang natutuwa sa pagkuha ng pictures namin. Try
helping here please, Wifey."

"I can't help it. My boys are too cute."tumayo si Nathan at lumapit sa akin.
Niyakap niya ako from my back and I can feel his breath.

"And my girls are the same. Lalo na yung mommy."napangiti ako. Pumunta ako sa gilid
niya at niyakap na din siya. He gave me a peck in my lips.

"Ayieee! Mommy and Daddy are too sweet!"sabi ni Jandy habang kumakain na ng cake.

"Baby is jealous! Now this is your turn to be jealous!"nag-pout ito at inirapan si


Nathan. Natawa ako sa ginawa nito.

"Did you just rolled your eyes to your father?"Nathan said while slowly heading
towards our daughter.

"Yes, Dad. Tinuruan ako ni Ate."sabi nito na hindi man lang nililingon si Nathan.

"Ooops."nag-peace sign si Emerald.

"Ate, ano na namang tinuturo kay bunso?"binuhat ni Nathan ang pangatlo naming anak
at kiniliti. Nagsisigaw naman ito at pilit kumakawala sa tatay niya na tuwang-tuwa
sa pangungulit sa kanya.

"At ikaw naman, ang bilis bilis mong maturuan."niyakap niya din ang bunso naming
anak. Hindi napansin ni Nathan ang kutsarang hawak ni bunso kaya nang mayakap niya
ito, nahilamos sa kanya ang kutsarang puno ng tsokolate.

"Daddy!"lumayo si Jandy. Hinila niya ang ate niya para makawala din sa yakap ng
tatay nila.
"Oh my! Jandy you turned daddy into a monster!"Emerald said. Nakabusangot na ang
mukha ni Nathan. Tawa ako ng tawa dahil ang puting damit nito ay nagiging tsokolate
na ang kulay.

"Chocolate monster!"Jandy said while running.

"Why don't you give this monster a hug? Come here baby monsters!"naghahabulan sila.
Ako naman ay giliw na giliw sa pangunguha ng picture nila.

"Mommy give me the camera. Ako na po magpipicture."ibinigay ko naman ito kay Than.
Pagkatingin ko sa harap ko wala na roon ang mag-ama ko.

Nakita kong nakatapat sa akin ang camera at si Vance ay malaki na ang ngisi habang
nakatapat na rin ang phone sa akin.

"What's happening?"nagulat na lang ako nang may humalik sa magkabila kong pisngi.
Nagulat ako. At siguradong nakuhanan ni Than ang pagkagulat kong iyon. Tawa ito ng
tawa habang ipinapakita kay Vance ang picture.

"E and J!"natatawa ako. Paniguradong may chocolate ang magkabilang pisngi ko dahil
nararamdaman ko iyon.

"Wifey here is the tissue."narinig ko ang boses ni Nathan mula sa likod ko.
Nilingon ko ito ngunit imbes na tissue ang bumungad sa akin, labi nito ang
naramdaman ko.

"Hubby!"

"What?"natatawa ito habang nakayakap sa akin."You are still beautiful, wifey. And
the monster needs a wife to take care of his baby monsters."

"Oh, really?"

"Yeah, really."napangiti na lang ako at niyakap na din ito.

"Ah, daddy, I do not want to disturb you but I really am hungry. Can we eat
already?"

"Seriously, son? Hahaha! Okay okay."

Kumain na kami ng mga nilutong pagkain ni Nathan. Adobo at sisig ang niluto nito.
Ang paborito naming anim.
"Dad, I almost forgot. Tito Zac called awhile ago. He told me to tell you that you
will have your reunion tomorrow at exactly 5pm in Tito Jop's restau. And ofcourse,
they want us to come also because our cousins will be there too."Than said. Tumango
naman si Nathan.

Pagkatapos naming kumain, niyaya na ako ni Nathan na bumalik sa kwarto namin.


Magpalit na daw kami ng damit dahil ang dungis na namin at sinabihan na din niya
ang mga anak naming magpalit na ng mga damit para makapagpahinga na. Ginabi na kasi
kami.

"Did you enjoy?"he asked while travelling his hands around my waist. Pinilupot ko
din ang mga kamay ko sa leeg nito.

"Wifey, let's go to our tree house."

"Right now?"

"Yup."

At dahil nga sa kagustuhan niya, pumunta kami doon. Inalalayan niya ako paakyat.
Nang magawa naming makaakyat, tinignan ko na agad ang view mula sa labas.

Mula rito makikita mo ang bar ng kapatid ko na pagmamay-ari na ng buong IH7.

Ang bar kung saan nagsimula ang lahat. Ang bar na naging dahilan kaya nakilala ko
ang lalaking ipinaglaban, ipinagmalaki at minamahal.

Hindi kalayuan doon ay ang school na naging dahilan kaya nakilala ko pa siya ng
mabuti.

Morgan College.

A place where we made good and bad memories that we will always remember as time
goes by. Those memories that will be an evidence of how great our love was.

"Wifey, happy anniversary."niyakap niya ako mula sa likod at pinahinga ang baba
niya sa may balikat ko.

"Happy anniversary. I love you, hubby."

"I love you too, wifey. Come here, I wanna show you something."nakangiti nitong
sinabi.
Ikinagulat ko ang biglaang pagliwanag ng hagdan ng tree house. Iminuwestra niya sa
akin na bumaba kami. Sinunod ko naman ito.

Saktong pagbaba ko ay ang pagliwanag ng garden. May mga christmas lights na naka-
line up mula sa kinatatayuan ko hanggang sa kung saanman ang dulo niyon.

Hinawakan ni Nathan ang kamay ko at sabay naming nilakad at sinundan ang ilaw.
Napadpad kami sa sports area ng bahay. Doon ay may mini stage. Sa stage na iyon ay
may dalawang taong pareho nakamaskara.

Umupo kami ni Nathan sa dalawang upuan na may mga disenyo. Tanging stage lang at
ang dinaanan namin ang may mga ilaw.

Napangiti ako nang mapagtanto kong anak ko ang nasa stage na may hawak na gitara.
Kita ko mula rito ang ngisi niya.

"Happy Anniversary, Mom and Dad. This song was composed from the both of you. And I
am glad to perform this with the help of Xandria."

Nagsimula na sa pag-strumng gitara ang anak ko.

Tinuruan siyang maggitara ni Nathan simula nang magkasama-sama kami. Naging daan
iyon para maging close silang dalawa. Nang lumipat na kami dito sa bahay namin, mas
lalo silang naging malapit sa isa't isa dahil sa basement na nagsilbing bandroom
nila. Tinuruan din ni Nathan ang pangalawa naming anak na si Vance.

Natupad ang pinapangarap namin. Sports area, band room and four kids.

"Well, here we are again;

I guess it must be fate.

We've tried it on our own,

But deep inside we've known

We'd be back to set things straight."

Isinandal ko ang ulo ko sa balikat ng asawa ko. Naramdaman ko ang init ng halik
niya sa kamay ko.

We wrote that song before we got married. That became our theme song. The song of
our journey.
"I still remember when

Your kiss was so brand new.

Every memory repeats,

Every step I take retreats,

Every journey always brings me back to you."

"Do you know that we made a plan when you were with Kiejan?"

"Huh? A plan?"

"Chasing My Contract Girlfriend. That's the title of our plan. A plan to bring back
my girl."

"Then what happen?"

"Do you really want me to say something too obvious?"

"I want to cease this moment. Say something, hubby."

"I got her. Not because of the plan but because we are connected."

"After all the stops and starts,

We keep coming back to these two hearts,

Two angels who've been rescued from the fall.

After All that we've been through,

It all comes down to me and you.

I guess it's meant to be,

Forever you and me, After all."


"Lagi kong iniisip kung ano bang nagustuhan ko sa iyo."

"Yeah, I sometimes wonder it. Siguro dahil dito?"tumingin siya sa akin at binigyan
ako ng malambing na ngiti.

"Yabang ng asawa ko!"pinisil ko ang pisngi niya.

"Totoo naman!"nangiti na lang ako. Totoo naman kasing may ipagyayabang siya.

"Wifey, bakit mo ko nagustuhan?"napangisi ako."Hey, don't laugh at me! Just curious


here, Misis."

"I love you, Mister."

"I know, wifey. I do love you too."

"Then you know the reason. I love you that was the reason. Dahil mahal kita, hindi
ko na kailangan pa ng kahit na anong rason para isipin ko kung bakit mahal kita.
Nakakainis ka kapag minsan snob ka nung girlfriend mo pa lang ako pero kahit ganoon
ka, hindi ko magawang magalit sa'yo. Kahit may karapatan akong tumanggi sa kontrata
natin dati, hindi ko nagawa dahil siguro, may part sa akin na nag-uudyok na ituloy
ko ang kontrata. Siguro mahal na kita pero di ko lang inamin sa sarili ko agad.
Minahal kita nang hindi ko man lang namalayan."I kissed him.

"When love is truly right

(This time it's truly right.)

It lives from year to year.

It changes as it goes,

Oh, and on the way it grows,

But it never disappears,"

"O-okay. Uhhh... I think this is the right time?" Ngumiti ito at pumalakpak bigla.
May malaking itim na tela na inilatag sa gilid ng sports area. May lumabas na
liwanag mula roon hanggang sa may mga imahe na ang sumunod.

"My Contract Girlfriend" ang unang lumitaw sa itim na tela. Sumunod dito ay ang mga
picture ko noong bata. Nahiya ako bigla dahil sobrang kulit ko noong bata. May mga
picture na naglalaro ako ng kotse-kotsehan habang naka-pout, kumakain ng tsokolate,
umiiyak, nakasimangot habang naka-dress at may picture din roon ako at si Van noong
mga bata pa kami. Umiyak ako dahil doon. Sobrang bata pa namin sa picture na iyon.
Mataba ako at negro pa si Van. Magkaakbay kaming dalawa sa picture na iyon. Kuha
iyon sa lumang bahay nila Van habang naglalaro kami ng habulan at barilan.

Mas lalo akong naiyak dahil nakita ko ang musmos na batang Van. Ang bilis ng
panahon. Ang bilis ng lahat.

Nagpalit pa ng iba pang pictures. Grade 1, Grade 2 hanggang sa maging highschool.

Nakita ko ang picture ko kasama si Kiejan. Ngiting-ngiti ako doon habang nakatingin
lang sa akin si Kiejan. It was the Christmas night. The night before he confessed.
Nakakatuwang maalala ang mga nangyari noon.

Nag-iba muli ang mga pictures. Nagpalit ng nagpalit hanggang sa maging picture ito
nung college na kami.

'Do you know what was crazy?'Iyan ang lumabas doon. Ipinakita ang picture ko noong
nasa park ako kasama ang mga magulang ko. Nagpapapicture kami. Siguro'y nasa lima o
anim na taong gulang palang ako ng mga panahon na iyon. Hawak ko ang kamay ni Kuya
Jop sa kaliwa habang hawak naman siya ni Mommy habang hawak ko naman amg kamay ni
Daddy sa kanan. Masayang-masaya ako sa picture na iyon. Ang sumunod ay ikinagulat
ko. Napatakip ako ng bibig ko. Binilugan nila ang lalaking napasama sa picture
namin iyon. Inedit ito at binilugan ang lalaking may hawak na bola habang umiinom
ng tubig. Nagpalit ulit ng picture. Kuha naman ito noong sumali ako sa battle of
the band kung saan gitarista si Kiejan. Naghihintay kami ng mga kabanda ko sa baba
ng stage. Muli ay may binilugan na lalaki na nakatayo di kalayuan sa pwesto ko.
Nanunuod ito kasama ang mga barkada niya. Sumunod na picture naman ay ang selfie ko
sa may dagat malapit sa apartment namin. Sa gilid ng picture ay may nakabilog
muling lalaki. Nakaupo ito at malayo ang tingin.

Nathan. Si Nathan iyon. Ang asawa ko, hindi ko napansin na dati pa lang, pinagtagpo
na kami ng tadhana.

"After all the stops and starts,

We keep coming back to these two hearts,

Two angels who've been rescued from the fall.

After All that we've been through,

It all comes down to me and you.

I guess it's meant to be,

Forever you and me, After all."


Nagpalit ulit ang picture. Ipinakita ang mga kuha noong nasa bar kami at pumipirma
ako sa papel, noong first date namin, noong ikinukwento niya ang tungkol sa kanila
ni Sofia, first hug, first kiss, first holding hands, first time going in infinite
garden, at iba't iba pang pictures naming dalawa at ng barkada. Sumunod ay ang mga
pictures namin noong kasal, picture with Than, noong pinagbubuntis ko si Vance,
naglalaro silang mag-ama, si Nathan na pinapatahan ang anak na si Emerald at noong
pinapatulog ko si Jandy.

Sumunod ay mga video messages.

Nagsimula ito kay Kuya Jop kasama ang asawang si Yhanna at ang mga anak.

"Happy Anniversary sa inyo, Jan! Sana ay bigyan niyo pa ko ng madami pang


pamangkin! Hahaha!"

"Jop! Stop it, ikaw talaga. Sissy, pagpasensyahan mo na itong si Kuya mo di ko


napainom ng gamot. Hahahaha! Happy Anniv! Nate, alagaan mo pa lalo ang misis mo!"

Sa dulo ay sabay-sabay silang nag-greet sa amin.

Sinundan ni Jin,

"Happy Anniversary Tito and Tita!"sabay na wika ng mga anak nila Jin.

"Hi Kuya at Ate! Sana ay mas lalo niyo pang mahalin ang isa't isa. Salamat dahil
naging malaki ang parte niyo sa pagbuo ng buong pagkatao ko. Mahal ko kayong
dalawa."sabi nito habang yakap-yakap ang asawa niya.

Si Mich at Marco,

"Hi Jan! Happy Anniversary. Nasubaybayan namin ang lahat ng paghihirao at


paglalaban niyo sa pagmamahalan niyo at sa tingin ko sobrang worth it ang lahat ng
mga nangyari."

"Nate 'tol! Lakas mo! Naka-apat na anak! Hahaha!"binatukan ni Mich si Marco.


Napangiti ako sa inasal nito. Hindi na kasi nila sinundan pang muli ang kambal. Ang
dahilan ni Mich ay dahil meron na rin naman silang lalaki at babaeng anak.

Ren,

"Hello? Hi? Hi? Hello? Honey, okay na ba ito? Ay eto na pala, Happy Anniversary Jan
at Nate? Wala bang treat dyan? Joke lang. Hahaha!"
Luke,

"Happy Anniversary mga 'tol! Pagpasenyahan niyo na at hindi masyadong kita ang
kagwapuhan ko. Sobrang lamig kasi dito sa Canada kaya todo balot ako. Anyways, uuwi
kami dyan ng asawa't mga anak ko. Miss ko na kayo mga pre!"siguro ay matagal-tagal
na ang mga video na ito. Dahil ang pagkaka-alam ko ay noong nakaraang buwan pa
nakabalik sila Luke.

Charles,

"Happy Anniversary Jan and Nate! Tingnan monga naman at ang bilis ng panahon. Mga
may respinsibilidad na tayo. Hindi na tayo loloko-loko ngayon. Totoong buhay na ito
mga pre! Hahaha!"

Zac,

"Babe, okay na ba? Sa gwapong angle dapat. Gwapo ba? Haha. Ay, nakukuhanan na ba?
Sorry sorry! Jan and Nate, Happy Anniversary sa inyong dalawa! Sobrang saya ko alam
niyo ba iyon? Proud na proud ako dahil nasaksihan ko ang pagmamahalan niyo at
naging isa ako sa mga daan para magkatuluyan kayo. Nakaka-proud lang na ang mga
gagong katulad natin, napatino ng mga asawa natin. Basta kahit anong mangyari, ang
IH7 hindi mabubuwag."

Kiejan at Ella,

"Hi bro! Happy Anniversary sa inyo ni Ex!"binatukan agad ito ni Ella.

"Sana naman, happy na. Basta whatever happen, we will be here to look after you
guys."

At ang pinakahuli, si Maxene,

"Happy Anniversary Jan at Nui! Sorry wala pa si Jess dito sa bahay. nag-sleep over
sa bahay ng kaibigan niya. By the way, I'm so happy for the both of you. Next year,
babalik kami dyan sa Pilipinas. Sana ay makapag-bonding tayong lahat."

"Always just beyond my touch,

You know I needed you so much.

After All, what else is livin' for?"

Nawala na ang video.


Pinunasan ni Nathan ang mga luha sa mga mata ko na walang tigil sa pag-agos.

"Happy Anniversary, Mrs. Lee."

"I love you, Nathan. I-I love you."

"I love you. I love you with or without reason. I love you with every steps that we
will take. I love you even if I'm mad, happy, sad, or stubborn. I love you even if
we will be a granny and a grampy someday. I love you that even I love you cannot
define how much I really do. I love you that even I will say it everyday it will
not be enough to truly express it all. I love you in every bit of me. I love you. I
really love you so much and I never expected myself to love somebody as much as how
I love you now."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat kong iganti sa mga sinabi
niya. Basta ang alam ko lang ay masaya ako kung ano ang mayroon kami. Masaya ako sa
kung anong nararating namin.

"After all the stops and starts,

We keep coming back to these two hearts,

Two angels who've been rescued from the fall.

After All that we've been through,

It all comes down to me and you.

I guess it's meant to be,

Forever you and me, After all"

Niyakap ko siya nang matapos ang kanta. Hinalikan niya ang noo ko. Ipinikit ko ang
mga mata ko. Nagkadikit ang mga ilong nb Nararamdaman ko ang hininga niya dahil sa
lapit ng mukha niya sa akin.

"Forever you and me, After all."

"Then the plan did pretty well. Chasing my Contract Girlfriend was already ended.
We are now in our forever."

"I love you, Wifey."


"I love too, Hubby."

Hinalikan niya ako. Ramdam ko ang pagmamahal niya mula sa halik niya.

"Should we go back to our room to continue this?"hinampas ko siya.

I really am in love with this man.

Before, I was involved in a temporary contract with my contract boyfriend.

But now, I am permanently connected with him. And I wouldn't want to disconnect.

=================

[Author's Note]

Mahabang author's note(Slight lang pala!):

Hi! Hello!

Yes, tapos na po ang Book 2 at huling book ng kwento ng Nuiza. Okay lang po ako.
Okay lang talaga,

HINDI AKO OKAAAAAY! T________T

Grabe, natapos na ang librong binago ang buhay ko. Dahil sa kwentong ito, ang
daming magagandang bagay ang nangyari sa buhay.

Madami akong nakilala, nakausap, naging kaibigan at naintindihan.

Maraming-maraming salamat sa mga long lost readers, Team Nuiza Fans, Team JanJan,
Team MCB, CMCG, at kung anu-ano pang Team. Bwahahaha! Kung wala kayo, siguro'y wala
akong inspirasyon ngayon.

Sa family ko na kahit alam kong hindi nila ito mababasa dahil hindi naman sila
nagwawattpad, gusto ko pa din magpasalamat. I love you papa, mama and sa makulit
kong kapatid.

Sa mga kaibigan ko, many to mention pero i-memention ko na:

Lycha, Marie(sa ate ni Marie na palihim na nagcocomment at nagbabasa. Hahaha),


Elaiza, Brinna, A-G, Carla, Keana, Krissa, Christine, Mika, Kat, Belle, Claire at
sa iba pa.

Sa mga facebook friends, LIB friends and Fb Operators, Admins, everyone. I love
you allllll!

SA MGA BUMILI NG MCB BOOK AT SA MGA BIBILI, THANK YOUUUUU! ^___^

Sa phone ko na hindi ako iniiwan at palaging nasa tabi ko sa tuwing kailangan kong
mag-type at mag-update. I love you phone! XD

And God, thank you for this talent! Hinding-hindi ako magsasawang i-dedicate sa
inyo ang mga likha ko.

Hindi pa naman talaga dito nagtatapos ang lahat dahil may side story pa, at kanino
pa bang side stories iyon? ;)

ABANGAAAAAN! :)

=================

[PLAYLISTS]

My Contract Boyfriend Music Playlist:

Brokenhearted-Lawson

When I'm With You-Faber Drive

I Wish-One Direction

I Don't Wanna Fall In Love-Tonya Mitchell

Voice of my Heart(translated)-Infinite

Set You Free-MYMP

Chasing My Contract Girlfriend Music Playlist:

Find You There-We The Kings

The Mess I Made-Parachute


Eternal Flame-MYMP

Let Me Be The One-Jimmy Bondoc

What You Mean To Me-Sterling Knight

Still In Love-The Latency

I Just Can't See-The Perfect Measure

Wherever You Are-5 Seconds of Summer

Like A Knife-Secondhand Serenade

Colour Everywhere-Christian Bautista

Amnesia-5 Seconds of Summer

After All-Martin Nievera and Vina Rosales

You might also like