You are on page 1of 25

UNTOLD

--- --- ---


Untold
--
Untold is a compilation of oneshot stories.
This book contained of all shits and dramas, if you don't want to read ka-artehan,
ka-papebehan and ka-dramahan you can now click the exit button.
It may contain some adult language and situations intended for mature readers only.
If there's a part of this story that may contain graphic sex scenes, an advance
guidance will be shown, it will be your discretion to read the story chapter.
This book is product of my old writings since 2015, improper used of words, wrong
spellings and grammars and typos are present in this one. If you want a perfect
book to read, well, this one is not for you.
•••
PLAGIARISM is a CRIME
•••
This is purely fictional. Names, characters, businesses, places, events and
incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.
This story or any portion thereofmay not be reproduced or used in any manner
whatsoever without the express written permission of the author.
•••
All rights reserved.© 2015 CreepyPervy

--- --- ---


NUMB
--
Thea's POV:"Greg!Bilisan mo!""Wait a minute!" "Isang oras kana d'yan sa loob!"
Sumasakit na ang lalamunan ko kakasigaw dito sa sala at inamag na ako kakahintay
kay Greg.Mahigit isang oras na rin s'yang nag aayos ng sarili n'ya at malamang ay
ma u-una pa yung Bride sa simbahan kesa sa ka n'ya.Tss!Ito ang pinaka espesyal na
araw para sa matalik kong Kaibigan,Si Greg.Finally he will marry the one he love
the most and Im happy for him.Napakasarap sa pakiramdam na makita mo ang taong
mahal mo na masaya sa piling ng iba pero yun din ang pinaka masakit na bagay na
pwede mong maramdaman.I remembered the days that we were happy together yung tipong
akala ko s'ya na ang taong nakalaan para sa akin pero lahat yun ay maling akala
lang pala dahil we end up as bestfriends and Im glad that despite our past we still
good to each other at naging mas close pa nga kami sa isa't isa after namin mag
break noon, and yes Greg is my Ex Boyfriend.Wala namang masama kung maging mag
kaibigan yung mag ex diba? Isa pa limang taon na rin ang lumipas ng mag hiwalay
kami at ikakasal na sya ngayon sa babaeng pinagpalit nya sa akin noon but the truth
hurts, dahil mahal ko pa rin si Greg hanggang ngayon.Napalingon ako ng bumukas ang
pinto at niluwa nito ang napaka gwapong nilalang sa harap ko.He's really handsome
to his suit at ang mga ngiti nito na lagpas tenga sa tuwa.Sya na ang pinaka gwapong
groom na nakita ko sa buong buhay ko.Alice is really Lucky for having him hindi
lang dahil gwapo tong si Greg kung hindi dahil mahal na mahal s'ya ng taong mahal
ko at gagawin ni Greg ang lahat para sa kanya. How I wish na kaya ko din ipaglaban
si Greg noon pero hindi ee,dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay ipag lalaban mo
ang taong mahal mo,minsan kailangan mong sumuko at pakawalan sya dahil yun ang
tama,dahil mas magiging masaya sya sa piling ng taong mahal nya."Kinakabahan ako
best." I feel my heart beats so fast.Tulad ng dati ang bilis pa din ng tibok ng
puso ko sa tuwing nakikita ko s'ya at ang hirap pigilan ng nararamdaman ko para sa
kanya."Best,Ok lang ba yung suot ko?Kinakabahan talaga ako." pero hindi na n'ya
kailangan malaman pa na hindi pa din ako na kaka move on sa nakaraan namin baka pag
nalaman nya ay umiwas lang sya at tuluyan na syang mawala sa akin.Tanggap ko naman
na, na hanggang mag kaibigan na lang kami at masaya na ako na makita siyang
masaya.I don't know how long it takes bago ako maka move on at hahayaan ko na lang
na puso ko na ang kusang sumuko at mapagod.Nagulat ako ng may gumulo sa buhok ko at
ng may umakbay sa akin."Greg,ano ba.Nagugulo yung buhok ko." Reklamo ko rito.Aba!
Ilang oras inayos ng make up artist ang itsura at outfit ko ngayong araw."Wagas ka
kasi makatingin sa akin.Baka matunaw ako n'yan.hahaha." Inirapan ko naman s'ya sa
sinabi n'ya.Nagagawa n'ya pang mag biro ng ganyan, sabagay ano bang alam n'ya sa
nararamdaman ko ee manhid naman s'ya. Pasalamat na lang s'ya hindi ko pinapatulan
yung mga biro n'ya baka kasi hindi ako makapag pigil at masabi ko na mahal ko pa
din s'ya hanggang ngayon. hayss! Ang Hirap pala talaga mag mahal ng sobra dahil ang
hirap ibangon ang sarili mula sa pag kakalunod ko sa pag mamahal sa kanya."Alisin
mo nga yan." pinalis ko pa yung braso nito na naka akbay sa akin.Lalo kasing
bumilis yung tibok ng puso ko.Natataranta na naman ako at hindi malaman ang
gagawin.Kahit sabihin mo pa na kaya kong kontrolin yung bibig ko sa pag sasalita
hindi ko naman mapipigilan yung bugso ng damdamin ko para sa ka n'ya,baka iba pa
ang maging reaksyon ko kung masyado s'yang naka dikit sa akin."Masyado kang
Choosy,Best. Dati nga gustong gusto mo kong naka akbay lalo na pag nakayakap ako
sayo.hahaha" Pakiramdam ko ay namula ang magkabila kong pisngi sa sinabi n'ya.Bakit
pina pa alala n'ya pa yun?Alam n'ya ba na lalo lang ako nahihirapan mag move on sa
tuwing babanggitin nya ang past namin.Para sa kanya wala na ang lahat ng yun pero
sakin I cherish and treasure every single moment ng nakaraan.
--- --- ---
Stay
--
Elle's POV:
Naranasan mo na bang mag mahal? Yung tipong tutol yung buong mundo sa pag iibigan
n'yo?
Kung ako ang tatanungin, Oo ang isasagot ko at napakahirap pala pag mahal mo yung
tao pero hindi kayo ang itinakda para sa isa't isa.
Na alala ko pa nun kung paano tayo nag simula. Madalas mo kong asarin at tuksuhin
sa kaibigan mo.
"Elle tawag ka ni Dave."
"Epal! Manahimik ka nga kung wala kang matinong sasabihin."
"Totoo naman kasi. Crush ka nga daw n'ya."
"Leche! Tumigil ka!"
"Ayuneh! kinikilig s'ya. Hahaha." Inis kitang tinignan nun pero baliwala sa'yo yun
at nag patuloy ka lang sa pag tawa.
Ang totoo ng mga oras na yun hindi ko na mamalayan na unti unti na pala akong na
huhulog sa'yo.
Madalas tayo mag kasama dahil ang mga kaibigan mo at mga kaibigan ko ay bumuo ng
isang magandang samahan.
Isang pag kakaibigan na sa tingin ko ay hindi matatawaran dahil iyon ang unang
tropa ko sa loob ng unang taon ko sa kolehiyo.
Masaya ang lahat nun kahit pa madalas ang tuksuhan at asaran. Na isip ko nga minsan
ang hirap pala pag madalas mo na kaka usap at nakaka asaran ang isang tao, mas
malaki kasi ang chance na mahulog ka sa taong yun.
Ilang buwan ang lumipas at doon ko nga na laman na may pag tingin sa akin ang isa
sa mga kaibigan natin, at yun ay si Dave. Buong akala ko noon ay biro lamang yun
pero mali ako dahil seryoso itong nanliligaw sa akin.
Mabait, ma alaga, ma alalahanin at mapag mahal si Dave. Hindi naman sa choosy ako
pero hindi ko talaga s'ya gusto. Isang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Isa pa
ayoko na matapos ang samahan ng buong tropa kung sakaling sasagutin ko s'ya.
Alam ko naman kasi ang kadalasang kinahahantungan ng isang relationship, yun ang ma
uuwi rin sa hiwalayan.
Isa pa alam ko sa sarili ko na may iba akong gusto at yun ay ikaw. Ngunit di rin ma
aari na gustuhin o mahalin kita dahil sa mag kaibigan tayo.
Ang mag kaibigan ay hindi kailan man pwedeng maging mag KA-IBIGAN dahil marami ang
bagay na pwedeng masayang at mawala.
Takot akong mawala ka sa oras na malaman mong may pag tingin ako sa'yo. Natatakot
ako na baka umiwas ka o kaya naman ay pag laruan mo lang ang nararamdaman ko para
sa'yo, kaya naman pilit ko itong tinago kahit na inis na inis na ako sa tuwing ina
asar mo ako sa kaibigan mo.
Bakit kailangan mo s'yang ipilit sa'kin? Hindi ba pwedeng ikaw na lang? kung pwede
ko nga lang sabihin sa'yo na 'HOY! IKAW ANG GUSTO KO AT HINDI S'YA!' ginawa ko na
sana pero wala akong lakas ng loob dahil gusto na kita, gustong gusto na kita.
"Elle.." napahinto ako ng marinig ko ang malumanay at seryoso mong boses na sadyang
nag papabilis ng tibok ng puso ko.
Dahan dahan akong humarap sa'yo at muli kong na silayan ang ma a-amo mong mata at
ang labi mo na sadyang kay pula.
Eto na naman ang puso ko, bumilis na naman ang pag tibok nito na para bang nag
wawala ito at nais ng tumalon mula sa dibdib ko pero lalo akong kinabahan sa paraan
kung paano mo 'ko tignan.
Minsan ko lang nakita ang seryoso mong muka at minsan mo lang din akong tinignan ng
diretso sa mga mata. Kinakabahan ako, pakiramdam ko ay gusto kong tumakbo papuntang
CR at mag withdraw ng dumi pero na pako na ang mga mata ko sa mga mata mo.
Ayoko ng tanggalin ang mga mata ko sa'yo na akala mo ay na magnet na sa mga
nakakatunaw mong tingin. Kaya eto ako mas mabuti ko pang pinag masdan ang gwapo
mong muka, ang mga mata mo na may pagka chinito at kulay tsokolate, ang ilong mo
naman na sakto lang ang tangos na sadyang bumagay sa hulma ng muka mo at ang labi
mo na sobra pa lang nipis na para bang ang sarap halikan.
Nakakabaliw pa lang pag masdan ka. Alam mo ba yun? Malamang ay hindi dahil ni
minsan ay hindi ako na bigyan ng pag kakataon para sabihin sa'yo yun.
"Elle.." Muli mong binanggit ang pangalan ko at sa pag kakataon na 'yon, alam ko na
may gusto kang sabihin pero sa pag buka ng iyong mga labi ay wala ni isang salita
ang lumabas.
"Tang Ina! Tang Ina! Tang Ina talaga!" Nagulat pa ako ng bigla ka na lang tumayo at
nag lakad palabas ng classroom habang pa ulit ulit kang nag mumura.
Na iwan naman ako na puno ng katanungan sa isip. May sasabihin kaya s'ya? Kung
meron ano naman kaya yun? Ano bang problema at bigla ka na lang nag walk out? May
ginawa ba akong mali na pwede mong ika-galit?
Nakaka inis! hindi naman big deal yung ginawa n'ya pero bakit ganun? pakiramdam ko
ay may mali.
Ilang araw na pero hindi n'ya ko pinapansin, ni hindi n'ya 'ko ina asar sa pan
liligaw ni Dave.
Nakakapanibago pero hindi ko naman s'ya magawang lapitan. Natatakot ako na baka ma
reject n'ya o hindi n'ya ko pansinin.
Isang gabi napabalikwas ako mula sa pag kakahiga ng marinig ko ang pag tunog ng
cellphone ko.
Isang tawag yun at hindi ko akalain na ikaw ang tatawag nun. Hindi ko alam ang
mararamdaman ko nun kaya natataranta kong sinagot ang tawag mo.
"H-Hello?" lihim akong napamura sa inakto ko ng mga oras na yun. Sana nga ay hindi
mo na pansin pa utal utal kong sagot sa'yo.
"Bakit gising ka pa?" Sa ilang ulit na pag kakataon ay napa irap ako sa naging
tanong mo. 'HINDI AKO MAKATULOG KAKA ISIP SA'YO' gusto ko sanang sabihin yun sa'yo
buti na lang ay na pigilan ko pa ang sarili ko, kung hindi ay malaking kahihiyan sa
akin yun bilang isang babae.
"Natutulog na ako kaso nag ring yung cellphone kaya--" nag panggap pa ako na nag
hihikab nun para naman maniwala ka na ina antok na ako.
"sinagot ko na. Di ka rin istorbo ee. Note the sarcasm." pero syempre joke lang yun
dahil ang totoo feel na feel ko yung pag tawag mo. Super miss ko na kasi yung boses
mo at yung pang aasar mo sakin.
Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang mahina mong pag tawa na nag pangiti naman
sa'kin.
Ano bang meron sa'yo at nababaliw na ako sa simpleng pag tawa mo pa lang?
"so tumawag ka lang para tawanan ako? ganern?" pilit kong pinipigilan ang sarili ko
na mahalin ka kaya naman eto sinusubukan ko parin baliwalain yung feelings ko
sa'yo.
"Gabi na ang sungit mo pa rin.hahaha."
"ai wow! tumawag ka para mang asar? ge good night. B---""
"hep! hep! sandali may sasabihin ako."
"Ano?" At muli akong nabingi sa katahimikan. Ok na kanina, yun bang naka usap kita,
naka asaran, naka kulitan kahit sa maikling panahon lang. Ngunit na putol na naman
ang kasiyahan dahil sa may gusto kang sabihin na hindi ko ma intindihan at kung ano
ang problema kung bakit ka biglang natatahimik.
"Elle.."
"oh?"
"Gusto kitang ligawan kung okay lang sa'yo?" Tila ba huminto ang oras kasabay ng
mabilis na pag pintig ng puso ko at para akong na bingi sa mga sinabi mo.
Tama ba ako ng narinig? Hindi! Imposible naman na magustuhan ng tulad mo ang isang
katulad ko. Baka nag ka mali nga lang ako.
"Ahehe. pwede paki ulit? na bibingi ata ako." bahagya ko pang nilakasan ang speaker
ng marinig ko ng ma ayos ang sasabihin mo.
Ipinapanalangin ko na sana mali nga ako ng narinig pero hindi ma i tatanggi ng puso
ko ang galak kung yun nga ba talaga ang sinabi mo.
"Ang sabi ko liligawan kita dahil mahal kita." Sa pag kakataong to aytuluyan ng nag
wala ang aking puso at parang pa ulit ulit kong naririnig ang mga sinabi mo.
Mahal mo ako? Hindi ko na malayan na naka ngiti na pala ako ng mga oras na yun. Ni
hindi ko alam kung ano ang isasagot sa tanong mo. Sobrang saya ko dahil sa na laman
ko na mahal mo ako pero may bahagi ng pagka tao ko ang nalulungkot.
Paano si Dave? Paano ang mga kaibigan natin? Paano ang pagiging mag kaibigan natin?
ayoko naman ipag palit ang lahat ng yun sa isang panandaliang kasiyahan lamang.
"Elle? hindi naman kita mamadaliin. Alam ko na gulat ka pero hindi ko na kayang
itago yung feelings ko para sa'yo. I love you, Elle and I want to court you kahit
na magalit pa si Dave sa'kin."
Wala akong nagawa nun kung hindi ang pumayag.Alam kong mali at marami ang
masasaktan pero gusto kita at ayoko rin naman sayangin ang pag kakataon na
maramdaman kung talagang mahal mo nga ako.
Ganon pa man ay hiningi ko pa rin ang opinyon ng mga kaibigan natin at sinabi ko
rin sa'yo na mas mabuting malaman ni Dave ang gagawin mong pan liligaw.
May ilang sumang ayon at boto sa'yo para sakin pero halos lahat sila ay ayaw na
ikaw ang piliin ko dahil mali raw ang ginawa mo na ligawan ako habang nanliligaw
ang kaibigan natin.
Pero kahit ganon ay hindi ka nag padala sa sinasabi nila at pinag patuloy mo ang
pan liligaw na naging dahilan naman ng pagkakalayo n'yo ng loob ni Dave.
"Never give up!" Na alala ko pa noon na madalas mo itong sinasabi sa lahat sa
tuwing todo effort ang ginagawa ni Dave at sa tuwing pakiramdam mo na nalalamangan
ka n'ya.
Ngunit ni minsan ay walang nakapantay o naka lamang sa'yo dahil ikaw lang ang nag
iisang laman ng puso ko.
Ilang linggo na ba ang lumipas? Ilang buwan na ba ang nag daan? Hindi ko na
mabilang pero patuloy pa rin kayong nag papasiklabang mag kaibigan.
Minsan nga na isip ko kung tama pa ba na patagalin ko ang pag pili gayong alam ko
naman kung sino ba talaga ang gusto ko at ikaw yun, ikaw lang at wala ng iba.
Isang araw ay dumating na ang pinaka hihintay ng lahat. Isang Freshman party, ang
Acquaintance.
Hindi ako na niniwala sa mga signs about love pero sa pag kakataong ito hihingi ako
ng sign kung ano ba ang dapat kong gawin.
Kung mas maganda bang i reject na lang kita o hayaan ko na maramdaman ko rin ang
pag mamahal mo.
And there it goes! Kasama ko ang mga kaibigan ko sa loob ng gym kung saan ginaganap
yung event. Madilim ang buong paligid at tanging disco ball lang ang nagbibigay
liwanag sa buong paligid.
Kinakabahan akong nag palinga linga sa buong paligid at pilit na sinasabi ng isip
ko na sana ay hindi ka dumating pero taliwas dito ang puso ko, umaasa parin ako na
mag papakita ka sa gabing 'to kahit pa na sinabi na nila na hindi ka darating.
Nag simula na ang party at nag si tayuan na rin ang lahat para mag sayaw sa gitna
pero wala ka pa rin.
"Hindi raw makakapunta si Dave dahil may emergency sa bahay nila." Tango lang ang
na isagot ko sa kaibigan nating si Ben. Sa totoo wala ang utak ko sa sinasabi ni
Ben dahil ang isip ko ay na sa'yo. Alam ko darating ka dahil na ngako ka na pupunta
ka ngayong gabi para sakin.
"Alam mo Elle wag ka ng umasa. Hindi darating si Seven." Sa pag kakataong iyon ay
napalingon ako kay Ben at diretsong tumingin sa mga mata nya.
"Darating s'ya. Nangako s'ya na pupunta s'ya kahit na anong mangyari." Pilit ko na
pinaniwala ang sarili ko kahit pa ako mismo ay napang hihinaan na ng loob.
Lumipas ang oras at halos ma ubos na ang mga estudyate sa loob ng gym pero ni anino
mo ay hindi ko nakita.
"Elle, umuwi na tayo. Ina antok na ako." reklamo ni Gail.
"Sandali na lang Gail. Hindi pa naman tapos yung party."
"Elle, alas dose na. Isa pa hindi na darating si Seven. Kaya wag ka ng umasa. Sabi
ko naman sa'yo si Dave na lang ang piliin mo."
"Five minutes. Last na talaga.Please?" Baliw na ba ako para umasa pa rin? Siguro
nga nakakabaliw at nakakatanga ang mag mahal dahil yun ako ngayon. Isang malaking
tanga at baliw na nag hihintay sa wala.
"four...three...two..one... and times up! wala na talaga. Tara ng umuwi." at
sapilitan na akong hinatak ni Gail palabas ng School.
Bakit ba kasi ako umasa at na niwala sa mga sinabi mo? alam ko naman na lahat ng
yun ay palabas mo lang. Alam ko na hindi mo ko mahal, na sinusubukan mo lang ako
pero tignan mo eto pa rin ako na niniwala sa'yo.
Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na umiyak sa harap ng mga kaibigan natin. Alam
nila na mahal kita at ang tanging sagot lang nila ay iisa.
"Alam mo naman na may nililigawan pa s'yang iba. Option ka lang, Elle. Wag ka ng
mag bulag bulagan. Alam mo yun."
Pero kahit ilang beses ko pang marinig sa kanila ang mga salitang yun hindi nito
mababago ang pag tingin ko sa'yo.
Nang gabi ring yun ay isang text ang na tanggap ko mula sa'yo. Isang sorry lamang
ang nakalagay doon.
Hindi ko alam kung saang parte ka ba nag s-sorry.
Nag s-sorry ka ba dahil hindi ka nakapunta sa party? o nag s-sorry ka dahil suko ka
na?
Gusto ko ng maniwala sa mga sinasabi nila, sa mga nakikita ko pero naniniwala parin
ako sa'yo.Alam ko na ipapakita mo sa kanila na ikaw ang dapat kong piliin at mali
sila ng pag kakakilala sa'yo at pinang hahawakan ko pa rin ang mga sinasabi mo na
ako lang ang mahal mo, na handa kang maghintay at hindi ka susuko kahit na anong
mangyari pero hindi ganon kadali yun. Kung kaya mo kong saktan ngayon, mas
masasaktan pa ko sa mga darating pang araw.
Na ramdaman ko na ang pag patak ng mga luha ko at ang paninikip ng dibdib ko.
Pakiramdam ko ay binibiyak ang puso ko sa mga nangyayari.
Bakit ako na sasaktan ng sobra? ganun na ba kita ka mahal? Ang sakit sakit lang
isipin na ang lahat ng magaganda at matatamis na salitang binitawan mo noon ay
parang isang bulang unti unting nag lalaho na ngayon.
Lumipas ang gabing yun at nag daan ang ilan pang araw at ako na mismo ang umiwas
sa'yo. Kahit na pilit kang lumalapit ay pilit na akong lumayo.
Ni isang tawag o text mo ay hindi ko na rin pinapansin. Alam mo ba kung bakit?
dahil alam ko na hindi ako ang taong mag papa ngiti sa'yo, na hindi naman talaga
ako ang taong mahal mo.
Tama na ang pag bu-bulag bulagan at pag bi-bingi bingihan. Sapat na yung sakit na
dinulot mo, dahil baka hindi ko na kayanin pag naging tayo pa.
"Elle, Kausapin mo naman ako.Please, makinig ka muna sa'kin." Mahigpit mong
hinawakan ang mga braso ko nun para lang pigilan ako sa pag lalakad. Alam ko sa
sarili ko na miss na miss na kita pero alam ko rin kung ano ang mas tamang gawin.
Humarap ako sa'yo at kaagad kong na pansin ang mga mata mo na para bang nakikipag
usap na agad sa akin.
Lungkot,takot, at kung ano ano pang emosyon ang nakikita ko sa mga mata mo. Kaagad
kong iniwas ang mga tingin ko sa'yo ng sa gayon ay hindi ako mahulog sa ma
panlilang mong emosyon.
"Hindi mo naman kailangang mag paliwanag. na iintindihan ko naman. So, please...
itigil mo na yung pag arte." pilit kong inalis ang mga kamay mo sa braso ko kahit
pa mabigat sa kalooban ko ang lumayo ay kailangan.
Para rin naman ito sa ikakabuti nating dalawa. Sana maintindihan mo rin ako.
Sapat na ang minsang naging masaya ako ng dahil sa'yo at sana ay maging masaya ka
rin sa kanya.
Alam ko mahal n'yo ang isa't isa at hindi ma-ikaka ila iyon sa tuwing titingin kayo
sa mata ng isa't isa.
Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa'yo at nag simula na akong mag lakad
palayo.
Mahal kita pero hindi naman lahat ng mahal natin ay pwedeng maging atin.
•••
Hope you like it!
All Rights Reserved.©2015 CreepyPervy

--- --- ---


I love you, Always and Forever
--
Nami's POV:
"Muka n'yay di ma ipinta sapagkat jowa nya'y di nag paparamdam. Lalalala." nang
aasar na kumanta si Lilia habang nakakaloko pa itong ngumiti sa 'kin.
"Tila ba hindi nito na alala ang kanilang monthsary..."
"Tumigil ka nga. Nakakasira ng araw yung boses mo." Inis kong utas sa kanya na lalo
lang kina ngiti ng gaga.
Nakaka inis! Kaibigan ko ba talaga tong si Lilia? Imbis na damayan ako ay nang
aasar pa s'ya.
"sira naman na talaga ang araw mo dahil tatlong araw ng can not be reach si
boyfie."
Inirapan ko na lang s'ya at nag patuloy na lang ako sa pag gawa ng report pero
nakaka inis lang isipin na hindi ko ma isip ang i t-type ko sa power point.
Damn this life! Asan ka ba kasi? Tatlong araw na kitang tinatawagan pero hindi mo
sinasagot ang tawag ko. Pumunta rin ako sa inyo at ang sabi ng mama mo ay wala ka
dun.
Okay naman tayo nung huli tayong magkita. Kumain pa tayo sa labas at na masyal
tapos ngayon ay bigla ka na lang hindi nag paramdam? Mababaliw na ata ako kaka isip
kung ok ka lang ba o kung may nangyari ng masama sayo.Sana naman ay wala dahil
hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling napahamak ka.
Tenth monthsary pa naman natin ngayon pero mukang hindi mo iyon na alala.
Nakakalungkot lang isipin na sa loob ng sampong buwan ng relasyon natin ay bigla
kang mag babago. Sana mali ako ng ini isip. Hindi ka pa naman nag sasawa di ba?
Mahal mo pa rin ako? Kasi ako hinding hindi ako mag sasawa na intindihin ka at
mahalin ka.
Mag hapon ka hindi pumasok sa school sabi rin ng mga team mate mo hindi ka rin daw
umattend ng practice. Nawalan na talaga ako ng pag asa na makikita pa kita ngayong
araw. Akala ko may sorpresa ka pero akala ko lang pala yun. Ang hirap pala masanay
na sa presensya mo, sa mga pa surprise effect mo. Tignan mo ko ngayon parang tanga
na uma asa na may inihanda kang sorpresa pero wala.
"Alam mo Nami kesa nag mumukmok ka d'yan ay sumama ka na lang sa'min."
"Tama! Tara na lang mag boys hunting sa bar!" Kilig na kilig pang sabi ni Aly pero
umiling lang ako sa sinabi nila.
"Uuwi na lang ako."
"Uuwi? Edi mag isa ka na naman sa unit mo. Sumama ka na samin. Please.." parang
batang sabi ni Lilia at hindi ko naman matanggihan yung pag papa cute nitong
bestfriend ko.
Pumunta kami sa bar kung saan ay naroon ang mga ka edaran namin na nag sasayaw sa
gitna at ang iba naman ay umi inom, meron ding iba na nag hahalikan at kung ano ano
pa.Ayoko talaga sa ganitong lugar. Kahit na mahilig ang mga kaibigan ko sa Night
life ay hindi nila ako na aaya maliban lang ngayon dahil wala naman si Vince.
Nami sumama ka rito para makalimutan mo muna si Vince. Hindi ka na rito para isipin
s'ya. Try to enjoy your life kahit ngayon lang. Para akong tanga na kinakausap ang
sarili ko at pilit na nag papakasaya.
Si Lilia at si Aly ay lango na sa alak at agresibo ng nag sayaw sa gitna kasama ang
dalawang lalaki na ka kwentuhan lang nila kanina.
Na iiling na lang ako sa mga pinag gagawa nila. Sanay naman na sila at alam nila
ang mga ginagawa nila. Kinuha ko ang Juice na inorder ko at ininom iyon.
Napansin ko ang pag upo ng isang lalaki sa tabi ko at binigyan ako nito ng isang
matamis na ngiti.
Playboy, yun agad ang unang pumasok sa isip ko. Alam ko na ang galawan sa ganitong
lugar. Hindi naman ako ignorante at tanga. Mabilis kong inubos ang juice ko at
tumayo ng mapansin ko ang malagkit na tingin sa akin ng lalaki.
Mabuti pa si Vince ay hindi ako pinag isipan ng kung ano anong ka manyakan pero
itong lalaki na ito, tingin pa lang ay kinikilabutan na ako.
Hindi na ako nag pa alam kila Lilia at nag mamadali akong lumabas ng bar, ramdam ko
ang pag sunod sa'kin ng lalaki kaya naman ay mas binilisan ko pa ang pag lalakad.
Gosh! Ano bang trip ng isang to? Marami naman s'yang pwedeng landiin sa bar pero
bakit n'ya pa ako sinusundan?
Nanginginig kong kinuha ang Cellphone ko at dinial ang number ni Vince. C'mon!
Answer my call. Please. Pick it up.
Wala akong ibang alam na pwedeng tawagan maliban kay Vince dahil na sa Ibang bansa
ang mga magulang ko at tanging si Vince lang ang pwede kong ma kontak pero patuloy
lang sa pag ring ang cellphone n'ya.
Babe, Answer my Call.. Malayo layo na ang na lakad ko pero naka sunod pa rin ang
lalaki sa'kin. Damn it! Vince nasan ka na? Pakiramdam ko ay gusto ko ng umiyak sa
sobrang takot na nararamdaman ko. Hindi pa ako handang mamatay. Please God help me.
Natawag ko na ata lahat ng santo ng tumakbo ang lalaki papunta sa direksyon ko kaya
mabilis rin akong nag tatakbo.
Habang tumatagal ay dumidilim at nagiging liblib ang buong paligid. Halos patayin
ko na rin sa isip ko si Vince sa sobrang takot at galit. Tang Ina. Akala ko ba
mahal n'ya ko? Akala ko ba p-protektahan n'ya ko? Pero bakit ganon wala s'ya ngayon
sa tabi ko kung kailan kailangan ko s'ya.
Nagulat ako ng may humatak sa akin sa isang eskinita at takpan nito ang bibig ko.
Sisigaw na sana ako ng mapansin ko ang pamilyar na pigura ng lalaking nasa harapan
ko ngayon gayon din ang pamilyar nitong pabango.
Nang makalagpas ang lalaking sumusunod sa eskinita ay tinanggal na nito ang kamay
n'ya na naka takip sa bibig ko.
Kita ko ang mala chinito mong mata gayun din ang itim na kulay ng iyong mga mata.
"Vince!" Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na pigilang yakapin ka at naramdaman ko rin
ang mahigpit mong pag yakap.
"Babe, ok ka lang?" Tanong mo sa'kin at tanging pag tango lang ang na isagot ko
sayo. Sa halo halong emosyon ay hindi ko na napigilang ma iyak.
Marahan mo iyon na pinahid at hinalikan mo ang aking noo.
"sssshhh.. tahan na.. Nandito na ako. walang pwedeng manakit sa'yo okay?" Masama
kitang tinignan nun at pinag hahampas sa dibdib.
"Bwisit ka! Nakaka inis ka! Mamatay na ako sa takot ni hindi mo man lang sinasagot
yung tawag ko. Tapos ilang araw kang hindi nag paramdam! Nakaka inis ka! I hate
you!" Bwisit din yung mga luha tong ee. Nakikisabay pa at patuloy lang sa pag
patak.
Nakita ko naman ang nakakaloko mong ngiti at mahigpit mong hinawakan ang kamay ko.
"I love you too." Sabay nakaw mo pa ng halik sa labi ko. Hindi na ako nag react
kasi alam mo naman na hindi kita matitiis. Lagot ka sakin bukas. Mag tutuus tayo sa
mga kasalanan mo.
Hindi ko na namalayan na nakarating na pala tayo sa tapat ng unit ko kaya humarap
ako sayo nun para mag pa alam na dahil malalim na ang gabi.
"Good night." naka ngiting sabi mo pa sakin pero hindi pa rin ako maka alis dahil
gusto ko na batiin mo man lang ako ng 'babe, happy monthsary' pero mukang
nakalimutan mo na kaya malalim na lang akong napa buntong hininga bago tumango.
Tinalikuran na kita at binuksan ang pinto ng unit ko. Halos lumuwa ang mata ko ng
makita ko ang buong condo ko na puno ng loob at pulang rosas sa lapag.
"Happy tenth monthsary,babe." Bulong mo sa'kin kasabay nun ang mahigpit mong
pagyakap mula sa likuran ko. Muli na namang pumatak ang mga luha sa mga mata ko
pero hindi na dahil sa takot kung hindi dahil sa sobrang tuwa.
"Akala ko nakalimutan mo." Halos pa utal utal ko pang sabi at kahit hindi ko
nakikita ay alam kong nakangiti ka.
"pwede ba naman yun? Hinding hindi ko makakalimutan ang pinaka espesyal na araw ng
buhay ko. Yun ang araw na sinagot ako ng taong pinaka mamahal ko at ikaw yun Naoemi
Mihka Medoza and soon to be Missis Vince Del Valle." nagulat ako noon ng bigla ka
na lang bumitaw sa pag kakayakap mo sakin at lumuhod ka sa harapan ko.
"I know, masyadong mabilis para sating dalawa but I can't loose you. Natatakot ako
na dumating yung araw na makahanap kapa ng iba. Mahal na mahal kita Nami. Simula pa
noong highschool pa lang tayo hanggang ngayon na College na tayo. I do love you and
I will always love you. Kaya sa loob ng tatlong taong panliligaw ko sa'yo at
sampong buwan na relasyon natin, Babe, Nami Will you marry me? No let me rephrase
marry me." Natatawa akong tumango sa'yo at para kang bakiw na napalundag sa tuwa
habang sinasabi mo ang salitang 'yes!'
Doon ko nalaman na kaya ka pala hindi nag paramdam ng tatlong araw ay para takutin
ako at malaman mo na kung mahal ba talaga kita. Sinabi mo rin sa'kin na kanina ka
pa nag hihintay sa unit ko dahil alam mo na ma aga ako uuwi kaya naman ng hindi ako
maka uwi ay pumunta ka pa ng school at doon mo nga nalaman na pumunta ako sa bar
kasama sila Lilia kaya sinundan mo ko at doon mo ko niligtas mula sa manyakis na
lalaki.
Ang dami mo kasi masyadong alam. Hindi ka na uubusan ng sorpresa kaya naman lalo pa
kitang minamahal.
Sa loob ng unit ay may inihanda ka pang dinner with candle lights kasabay nun ang
paborito nating tutog.
Sabay tayong kumain at pag katapos nun ay isinayaw mo pa ako.
"I love you."
"I love you too." Marahan mong hinawakan ang muka ko at unti unti kong pinikit ang
mga mata ko sa pag lapit ng iyong muka.
Doon ko naramdaman ang pag lapat ng mga labi mo sa mga labi ko. Isang matamis at
puno ng pag mamahal ang halik na yun at alam k sa sarili ko na handa ko ng ibigay
sayo ang buong pagka tao ko.
Hindi ko mapigilang mapa ngiti ng ikaw agad ang una kong nakita sa pag gising ko at
ng ma alala ang mga nagyari kagabi. Ito na ata ang pinaka masayang araw ng buhay
ko. Ang gumising sa umaga ng kasama ka.
"Good morning." isang mabilis na halik ang sinalubong mo sa akin at mahigpit mo
akong niyakap.
"How's your feeling? Masakit pa ba? Babe, I'm sorry. Hindi na natin na hintay ang
honeymoon. Hayaan mo sa honeymoon natin expert ka na." parang bata mong sabi na may
halo pang kalokohan kaya pabiro pa kitang na hampas nun.
Puro ka talaga kalokohan pero kahit ganon alam ko naman na mahal mo ko at ganun din
ako sayo.
Nag patuloy pa ang maganda nating relasyon. Mas lalo pa nga kitang minahal sa loob
ng dalawang buwan na nag daan.
Hindi na rin ako makapag hintay na batiin ka ng happy one year. Oh diba? parang
kahapon lang nung may nangyari satin ngayon isang taon na tayo.
Sa pag kakataong ito gusto kitang supresahin ng makabawi naman ako sa lahat ng pag
papakilig na nagawa mo at alam ko na matutuwa ka sa ibabalita ko sayo.
Nag mamadali akong nag punta sa cake shop para kuhanin yung cake na inorder ko buti
na lang talaga at kasabwat ko yung buong team mo at pati na rin sila Lilia.
Alam ko sa mga oras na ito ay papunta ka na ng Gym para sa practice kaya naman nag
mamadali na akong bumalik ng campus.
"Bilisan mo Nami, nasa hallway na si Vince."
"Eto na." Nag tatakbo na ako papunta sa gitna habang ang mga team mate mo nun ay
nakahilera na at ina abangan amg pag pasok mo.
Malayo pa lang ay kitang kita na kita. Halos magulat ka ng mapansin mo ang isang
katutak na tao sa Gym.
Isa isang nag lapitan ang mga team.mate mo sayo habang ina abot ang mga bulaklak.
Alam ko ang corny pero ganun naman talaga pag mahal mo yung tao nagiging corny ka
na.
"Bro, hindi tayo talo.May Fiance na ako."
"Tarantado!" natatawa pang sagot ni Neil sayo ng iabot nito ang huling piraso ng
rosas.
Nag tama ang mga mata natin at nakita ko ang maluha luha mong mata. Alam ko naman
na mababaw lang ang luha mo kaya kahit simple lang yung surprise ko ay ma iiyak ka
talaga. How much more pag narinig mo pa ang sasabihin ko sayo.
Lumapit na ako sayo dala ang isang dosenang rosas at ang paborito mong cake.
Dinig rin sa buong gym ang tilian at hiyawan ng mga tao sa sobrang kilig.
"Damn! Bakit hindi ko alam to?" natatawa mo pang tanong sakin. Hinawakan ko ang mga
kamay mo at..
"Babe, Happy Anniversary ma--"
"Stop that show!" napahinto kaming lahat ng pumasok ang isang babae sa loob ng gym
at hinatak nito palayo sa akin si Vince.
"Anong ginagawa mo dito?" Nag tataka akong napatingin kay Vince at sa babae pero
mukang alam ko na kung sino at ano ang ginagawa ng babaeng yan dito.
Naninikip ang dibdib ko at pilit na pinapaniwala ang sarili ko na mali ang hinala
ko.
"Nandito ako para ipa alala sayo at dyan sa babaeng yan na dapat na kayong magising
sa kahibangan n'yo."
"please.. Gail.. wag ngayon.. wag dito." pilit na hinatak ni Vince ang babae
palabas ng Gym pero nag pumilit itong lumapit sa akin.
Rinig ko na ang bulungan ng mga tao tungkol sa mga nangyayari. Ayoko na! Sana
kainin na lang ako ng lupa ng maka alis na ako sa kahihiyang to.
"Hoy babae! Ikaw nga siguro ang Girlfriend ni Vince pero alam mo ba na hindi lang
naman ikaw ang syota n'ya?"
"Gail stop it! Umalis na tayo."
"No! Let me go!" Mahigpit ako nitong hinawakan sa braso at pilit na pinatingin sa
mga mata n'ya.
"Look at me.." Tumingin ako kay Vince at kita ko ang awa sa mga mata n'ya at ang na
ngugusap nitong mata na humihingi ng sorry.
"Vince is mine, see?" Tinuro nito ang tiyan n'ya na halata mo ang pag kabilog pero
hindi naman kalakihan.
"Oh let me rephrase it. Vince is ours. He is for me and for OUR Child kaya pwede ba
wag ka na mag aksaya ng oras at effort dahil sakin na s'ya samin s'ya ng anak ko!"
"Gail!" sa pag kakataong ito ay hindi ko na napigilang umiyak. Masyadong masakit
sakin ang mga nangyayari gayun din ang bulong bulungan ng mga tao dito. Marahas
kong pinahid ang luha ko at pilit na ngumiti sa kanilang dalawa.
"Congrats. Daddy ka na." At nag lakad na ako palabas ng Gym. Na rinig ko pa ang pag
tawag mo sakin pero mukang pinigilan ka n'ya.
I'm happy for you dahil magiging daddy ka na. Sana maging mabuti kang ama sa
magiging anak nyo dahil magiging mabuti rin akong ina sa magiging anak natin.
•••
Hope you like it!
All Rights Reserved.©2015 CreepyPervy

--- --- ---


Synesthesia
--
Dean's POV:
"One.. two.. three.. smile.." A smile that can melt my heart flash into her soft
and warmth and fragile face.
Ang mga mata nito na bilog na bilog at itim na itim naman ang kulay, ang ilong n'ya
na tamang tama lang ang tangos na sadyang bumagay sa hulma ng muka nya at ang mga
labi n'ya na sadyang ma pula at manipis. Tila ba isang buhay na manika ang nasa
harapan ko ngayon na kahit na sino ay mapapahanga sa taglay n'yang ganda.
I can't stop but to fall all over again not beacuse of your beauty but because its
you.
"Dean?" napabalik ako sa katinuan ng maramdaman ko ang mahinang pag tapik sa braso
ko at doon ko lang napansin na nasa tabi ko na pala s'ya.
"Wag mong sabihin na na g-gwapuhan ka na naman sa 'kin?" natatawa at mapang asar pa
nitong sabi sa 'kin na kina taas ng kilay ko.
"Baliw! Bakit meron ka bang itlog at hotdog? psh! wag kang epal."
"Hahaha. Tulala ka na naman kasi.Gutom ka na ba? tara kumain." at hinatak mo na ako
palabas ng Enchanted Kingdom na para bang pumayag ako na sumama sa'yo.
Wala na akong nagawa kung hindi sumunod na lang tutal naman ay gusto rin kitang ma
solo. Kanina pa kasi nakabuntot sa'tin yung mga epal nating kaibigan.
"Hala! wala tayong uupuan dito!" Nag palinga linga ka nun para humanap ng ma uupuan
pag katapos nating bumili ng makakain sa tabi tabi.
Nag hanap rin ako ng pwesto na hindi nila tayo makikita para naman walang istorbo
kaso masyadong open yung lugar. Kainis, bakit ba kasi ito pa yung napiling lugar ng
school para sa tour? Samantalang ang lapit lapit lang naman nito satin.
"Ayun!" sabay turo mo dun sa may bakanteng upuan.
"Tara!" hinatak mo ko pero pinigilan kita kaya naman nag tataka ka nun na tumingin
sa'kin.
"Dun na lang tayo sa bus." tama dun na lang sa bus. mas maganda pa roon ng may pag
kakataon akong ma solo ka talaga. Tiyak na walang tao dun dahil abala sila sumakay
ng mga rides.
"Ha? mainit dun. Isa pa mamasyal pa tayo di ba?" Ayan ka naman ayaw mo naman na mag
kasama tayong dalawa yun bang tayo lang talaga.
Malalim akong napa buntong hininga at napakamot sa ulo ko.
"Edi d'yan ka mag isa mo. Dun ako sa bus. Ayoko ng ma masyal pagod na ako
kakalakad.Tss!" Tinalikuran na kita nun at nag simula ng mag lakad papuntang
parking area kung saan naka park yung bus na sinasakyan natin.
"Hoy! Dean hintayin mo naman ako."
Lihim akong napangiti ng makita ko na tumatakbo ka papalapit sa 'kin.Alam ko na
susunod ka dahil hindi mo naman ako matitiis kaya nga gustong gusto kong nag
tatampo sa'yo dahil alam kong susuyuin mo ko.
Mas lalo ko pang binilisan ang pag lalakad ko at nag panggap pa na nag tatampo pero
ang totoo ay hindi naman talaga ako nag tatampo. Masama ba na ma solo ka? Gusto ko
lang naman makasama ka ng mas matagal. Yung ikaw at ako lang at walang sino mang
mang aasar o manunukso sa pagiging mag kaibigan natin.
Ilang taon na tayong mag kaibigan sa sobrang tagal nga nun ay hindi ko na namalayan
na unti unti na pala akong na huhulog sa'yo.
Masyado ka kasing pa fall, alam mo ba yun? Yung simpleng pag aalaga mo lang sa 'kin
ay napakalaking bagay na yun para mahalin kita dahil ikaw lang yung taong nag
pakita sa 'kin na may silbi pala ang buhay ko.
"Dean! Hin-- aray!" napahinto ako at kaagad na napatakbo sa'yo ng makita kong
nadapa ka.
"Ang tanga mo naman! Bakit kaba kasi tumatakbo? ayan tuloy na sugatan ka. Ano
masakit ba? Kaya mo bang tumayo. Teka! Bubuhatin na lang kita."
"pfft! Hahaha." kunot noo akong na patingin sa'yo.
"Haha. Ang OA mo naman. Kaya ko mag lakad. Natalisod lang ako." Pilit ka nun tumayo
pero nakita ko na hindi mo kaya. Walang sabi sabing binuhat kita at halata sa muka
mo ang pag ka gulat.
"h-hoy Dean ibaba mo ko. Nakakahiya ang daming tao."
"Psh! bakit nahiya ka ba sa 'kin noon, nung sabay pa tayong na naliligo at naka
panty ka lang at may uhog pa sa ilong?"
"Dean!" saway mo sa 'kin. Malakas naman akong napatawa ng makita ko ang namumula
mong mga pisngi sa hiya at inis. Tuwang tuwa talaga ako pag na iinis ka sa tuwing
pina pa alala ko sa'yo yung mga nakakahiyang ginawa mo noong bata pa tayo.
"Leche! ibaba mo na nga ako."
"Ayoko." ayoko ng pakawalan ka pa. Napaka lampa mo pa naman baka mamaya ay
masugatan ka lang.
"Ayaw mo? Hmmm.. sige mahal na kawal dun tayo!Sugod! hahaha." para kang baliw na
sumigaw nun sabay turo sa bus at ako naman tong uto uto na parang tangang tumakbo
papunta sa bus natin.
Isa akong kawal na handang protektahan ang prinsesa n'ya. Kaya gagawin ko ang lahat
mapangiti ka lang.
Ang saya lang pag ikaw ang kasama ko. Hindi ko na iisip ang ano mang problema. Para
parin akong bata na wala ng ibang ginawa kung hindi ang tumawa.
Sana ganito lang tayo habang buhay. Ikaw, ako at ang magiging mga anak natin. Sana
nga lang ay mag karoon ako ng lakas ng loob na sabihin sa'yo ang tunay kong
nararamdaman. Alam ko darating ang panahon na yun pero hindi pa ngayon dahil alam
ko naman na masyado pa tayong bata at wala pa sa isip mo ang ganung bagay.
Mahigpit kang napahawak sa mga kamay ko kaya naman ay napalingon ako sa'yo. Sa
ilang ulit ay na silayan ko na naman ang mala anghel mong muka at ang nakakatunaw
mong ngiti pero mababakas sa muka mo ang kaba at sobrang tuwa.
Isang matamis na ngiti ang sinukli ko sayo at mahigpit ko ring hinawakan ang mga
kamay mo.
Ito na ang araw na pinaka hihintay nating dalawa. Sa wakas ay g-graduate na tayo ng
Highschool. Super proud ako sayo at ganun din ang parents mo dahil ikaw ang
valedictorian ng batch natin pero hindi ko ma itatago ang lungkot na nararamdaman
ko dahil alam ko sa pag kakataong ito ay mag kakalayo na tayo.
Sabi ni Tita sa states ka na daw mag aaral ng college. Alam ko naman na babalik ka
pero isipin ko pa lang na mapapalayo ka sa'kin ay hindi ko na kaya.
Kung sabihin ko kayang mahal kita aalis kapa ba? Mapipigilan ba kita? o lalayo ka
lang ng tuluyan?
Nang araw rin na iyon ay hindi na ako mapalagay. Gusto ko ng mag tapat sayo. Wala
akong paki alam kung maniniwala ka o hindi. Gusto ko malaman mo yung nararamdaman
ko dahil natatakot ako na baka dumating yung panahon na pag sisihan ko na hindi ko
na sabi sayo na mahal kita.
Hinatak kita mula sa gitna papunta sa pool area ng bahay n'yo. Madilim ang buong
paligid at tanging ilaw mula sa loob ng bahay nyo ang nag sisilbing liwanag dito.
"May sasabihin ako sayo." pag sisimula ko na kina tango mo naman.
Araw araw ko naman nararamdaman ang mabilis na pag tibok ng puso ko sa tuwing
kasama kita pero iba ngayon tila ba gusto na nitong lumabas mula sa dibdib ko
kasabay nun ang pag baliktad ng sikmura ko. Pakiramdam ko nga rin ay gusto kong
matae sa sobrang kaba. Tama sila ganito pala talaga ka pag dinadaga ka sa sobrang
kaba at ka torpehan.
"Ano yung sasabihin mo?" Sige na Dean sabihin mo na. Kaya mo 'yan.
"I.." napatingin ka sa 'kin at tila ba hinihintay ang susunod kong sasabihin.
Muli kong binuka ang mga labi ko pero isang malalim na buntong hininga lang ang
lumabas dito.
"Ma m-miss kita." lihim akong napa mura sa sarili ko ng ibang salita ang lumabas
mula rito.
Tang Ina! Bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi kapa nag tapat? Ito na yung chance mo
pero na torpe ka pa. Bullshit!
"Ikaw talaga.. Ma mimiss din naman kita." Kinuha mo ang kamay ko at nilapat iyon sa
mga palad mo.
"Wala ng mang aasar sa 'kin sa states, wala na yung lalaking pinag lihi sa sama ng
loob, wala na yung nag pagagawa ng assignment, wala na yung kakanta tuwing gabi, at
higit sa lahat ma m-miss ko yung bestfriend ko na ubod ng pabebe." Hindi ko
mapigilang mapangiti at sa pag kakataon na yun ay nakatingin ka lang sa mga kamay
natin na magkalapat.
Ang sarap sa pakiramdam na hawak ko ang mga kamay mo at gusto ko itong hawakan
habang buhay sa gayon ay masisigurado ko na wala ni sino man ang pwedeng manakit
sa'yo.
"Dean.. Mag pakabait ka kay tita Lory. Sundin mo lahat ng utos n'ya sayo. Lagi kang
iinom ng vitamins mo. Wag mo kakalimutan mag lagay ng towel sa likod mo tuwing mag
b-basketball ka. Sa gabi iinom ka rin ng gatas. Gagawin mo rin yung mga assignment
mo at mag r-review ka lagi. Wala na ako kaya wala ka ng kokopyahan. Yung tumbler
wag mo kakalimutan ilagay sa bag mo. Uhawin ka pa naman at syempre wag mong
kakalimutan mag palit ng brief. Hindi kana bata,Dean." natatawa mo pang biro
sa'kin.
Ang totoo kaya kong gawin ang lahat ng 'yan pero hindi ko ginagawa dahil gusto ko
lagi mong pinapa alala sakin ang mga bagay bagay. Sabi ko nga ang cute mo pag na
aasar.
"Opo. Gagawin ko lahat 'yan basta wag mo pababayaan ang sarili mo dun. Promise?"
"Promise!"
"Wait may regalo pala ako sayo." kinuha ko ang isang maliit na kahon sa bulsa ko at
inabot iyon sayo.
Natawa ka ng makita mo ang laman ng kahon. Isa iyong sing sing kung saan ay naka
ukit ang pangalan natin.
"Bestfriend's gift 'yan. Wag mong tawanan." But for me its not just a bestfriend's
ring its a couple ring dahil meron din ako ng sing sing na binigay ko sayo. Sinadya
ko talagang ipa ukit ang pangalan natin habang ang makikinang na bato ay nakalapat
sa simbolo ng infinity.
"Haha. Sorry na. Akala ko kasi wala kang regalo." natatawa ka pa habang sinusuot ko
ang sing sing sa daliri mo. Sakto lang, tamang tama ang pag kaka tantya ko sa
palasing singan mo.
"Ikaw nga wala man lang regalo. Psh!"
Natatawa itong tumayo at hinatak ako papasok sa loob ng bahay nila at tinungo namin
ang kwarto n'ya.
"Close your eyes."
"Kailangan ba yun?" tumango naman s'ya sa akin kaya ipinikit ko na ang mga mata ko.
Alam ko na wala na s'ya sa tabi ko. Akala ko pa naman ay hahalikan nya ko. Assuming
ka din minsan Dean. Bestfriend lang turing n'ya sayo wag ka ng umasa. Torpe ka
naman. Tang Ina para akong baliw na kinakausap ang sarili ko.
"Open your eyes." pag kasabi n'ya nun ay ang pag bukas ng ilaw at tumambad sa'kin
ang isang set ng drum na may kasama pang gitara.
"Are you serious?" gulat na tanong ko sa kan'ya at naka ngiti s'yang tumango sa
akin.
Nag mamadali akong lumapit sa regalo n'ya. Ang tagal ko na itong hinihiling kila
mama pero hindi nila ito binibili sa'kin. Pinag ipunan ko rin ito pero masyadong
mahal ang isang set ng drum at hindi ko rin alam kung yung gitarang to ang uunahin
ko pero ngayon akin na itong lahat.
"Na gustuhan mo ba?"
"Hindi lang gusto. gustong gusto ko. Thanks a lot, Erin"
"You are always welcome, Dean." Nang gabi ring iyon ay magdamag kitang kinantahan
hanggang sa makatulog ka sa mga balikat ko.
Mabuti kong pinag masdan ang mala anghel at mala manika mong mukha. Marahan ko
itong hinaplos at hinawi ang ilang hibla ng iyong buhok na tumatabon rito.
Unti unti kong nilapit ang muka ko sa iyo at hinalikan ko ang iyong noo.
"I love you, Erin."
Kailan man ay hinding hindi ako mag sasawang titigan ka at mahalin ka.Tandaan mo,
mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko.
Hindi ko na namalayan na nakatulog na rin ako ng mga oras na yun at pag gising ko
ay wala ka na sa tabi ko.Iyon na pala ang araw ng iyong pag alis pero nakakalungkot
lang isipin na hindi mo man lang sa'kin sinabi na aalis ka na pala. Ni hindi man
lang ako nakapag pa alam sayo at ni hindi man lang kita na ihatid.
Sobrang lungkot ang nararamdaman ko ng mga oras na yun pero napawi iyon ng makita
ko ang isang sticky note na nakadikit sa noo ko.
'Dear Dean,
Hindi na kita ginising dahil alam ko naman na ayaw na ayaw mong na iistorbo ang
tulog mo. Wag mo kalimutan ang mga bilin ko sayo. I will miss you and I will always
love you.
From your beloved bestfriend, Erin.'
Okay na rin to dahil kaagad ka namang tumawag nun at sinabi mo pa na nasa byahe ka
na.
Ilang araw at linggo na ang lumipas pero para parin kitang kasama dahil sa madalas
tayong nag kaka usap sa Skype.
Lagi rin kitang kinakantahan sa tuwing mag ka usap tayo at pinag mamalaki ko pa
sa'yo ang mga komposisyon ko ng mga kanta na ikaw ang inspirasyon.
"Ui, naka lipstick ka? Dalaga kana pala." asar ko pa sayo ng mapansin ko ang pulang
lipstick pero tinawanan mo lang ako.
Madalas kong napapansin ang paglalagay mo ng Lipstick. Siguro ay may nanliligaw na
sayo d'yan pero lagi mo lang sinasagot sakin na wala dahil isang pilipino ang gusto
mo.
Lagi tuloy akong napapa isip kung sino ba ang gusto mong yun. Yung crush mo ba nung
elementary tayo? o yung crush mo nung highschool tayo? pero wala akong pake dahil
alam ko naman na mas mahal mo ko sa mga yun.
Tatlong taon na ang lumipas pero walang nag babago sa nararamdaman ko para sayo.
ikaw pa rin ang mahal ko at lalo pa kitang minamahal kahit gaano pa tayo kalayo sa
isa't isa.
Excited akong umuwi nun galing sa School para ibalita sa'yo na nanalo kami sa laro
at ako ngayon ang MVP ng basketball team namin. Alam ko matutuwa ka pag nalaman mo
yun.
Binuksan ko ang Skype pero hindi ka naka Online. Tinawagan kita pero patay ang
Cellphone mo.
Bahagya akong kinabahan dahil alam ko na sa mga oras na ito ay wala ka ng pasok.
Napabalikwas ako ng pumapasok si mama sa kwarto ko kasama si Tita Ellery.
Teka! Nandito na kayo? naka uwi na kayo galing states? Di ko ma ipaliwanag ang
sayang nararamdaman ko dahil makikita na kita.
Ang hilig mo talaga sa sorpesa. Ni hindi mo man lang sakin sinabi na uuwi ka na
pala pero dahil pinangako ko sa sarili ko na sasabihin ko na sayo na mahal kita sa
oras na mag kita tayo kaya eto ako excited na excited ako na makita ka. Pangako
hindi na ako magiging torpe.
"Tita si Erin po?"
Tinungo namin ang bahay n'yo at nakita ko roon ang isang katutak na tao. Lahat ng
ka klase natin noon mula elementary hanggang highschool ay nandito, pati na rin ang
mga naging teachers natin ay nandito rin.
Nang mapansin nila ako ay nag si hawian ang mga tao at binigay nila sa 'kin ang
daan patungo sayo.
Hindi ko mapigilang ma iyak habang lumalapit sayo pero ikaw isang ngiti lang ang
nakikita ko sayo.
Wag kang ngumiti dahil inis na inis ako sayo. Nag tatampo ako kaya pwede suyuin mo
ko?
Nang makalapit ako sayo ay tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. Hindi ko mapigilang
umiyak.
"Tang ina naman oh. Bakit hindi ka nag sabi sakin? Ang daya mo naman.Wag kang
matulog dyan. Bumangon ka Erin. Akala ko ba sabay pa tayong kakanta? Bakit mo ko
iniwan? Bumangon ka dyan!"Na kuyom ko ang mga kamao ko sa galit. Bakit? Bakit mo ko
iniwan?
Hindi ko na napigilang mapahagulgol habang pinagmamasdan kitang naka himlay sa
kabaong at walang buhay.
Akala ko ba walang taguan ng sikreto pero hindi mo man lang sakin sinabi ang
tungkol sa sakit mo na ilang taon mo na palang ini inda. Ang daya mo. Nakaka inis
ka, alam mo ba yun?
Paano ko na sasabihin sayo na mahal kita kung hindi mo na ako maririnig? Ang tanga
ko! Ang tanga tanga ko!
Ni hindi man lang kita na alagaan.Ang daming taon ang nasayang ng dahil sa ka
tangahan ko.
Alam kong naririnig mo ko gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita.
•••
Hope you like it!
All Rights Reserved.©2015 CreepyPervy

--- --- ---


Broken
--
Jacob's POV:
Ito na ata ang pinaka masayang araw ng buhay ko, ang makita kang nag lalakad sa
gitna ng altar.
Parang kailan lang ng una tayong nagkita. Napatulala talaga ako ng mga oras na
'yon. Tila ba isang anghel ang bumaba mula sa langit na bumihag agad sa aking puso.
Kapansin pansin kasi ang ma amo mong muka na nag pagaan agad ng pakiramdam ko. Doon
ko lang na laman na totoo pala ang Love at first sight.
"Ganda ba pre'?" napatango ako sa tanong ni Jules ng mga oras na iyon pero isang
malakas na batok ang nakuha ko mula sa kan'ya na kinatawa ng buong tropa.
"Gago ka Jacob, kapatid ko yan. Walang taluhan kung ayaw mong basagin ko 'yang muka
mo."
"Kapatid?" gulat na tanong ko kay Jules nun. Hindi ko kasi alam na may kapatid pala
itong babae, at ikaw yun.
Nag papalit palit pa ang mga tingin ko sa inyo ng kapatid mo at na iiling na
nilingon si Jules.
"Pre' ang ganda ng kapatid mo at ikaw?" Tinignan ko ito mula paa hanggang ulo pero
mukang paa pa rin talaga.
"Sabi ko na nga ba ampon k--"
"gago!" halata ang inis nun sa boses ni Jules na kinatawa naman naming lahat. Ang
bilis ma pikon ng kapatid mo pero pinangako ko noon na sa sarili ko na hindi ko na
aasarin si Jules dahil darating araw na magihing bahagi ako ng pamilya niyo.
Muli akong napalingon sa kinaroroonan mo kanina pero wala ka na. Sayang talaga at
hindi man lang kita na silayan ng matagal. Mapapadalas na ang pag dalaw ko nito sa
bahay n'yo.
Halos araw araw akong dumadalaw sa bahay n'yo para lang makita ka pero naging ma-
ilap ka.
Ang sabi ni Jules likas daw sayo ang pagiging mahiyain kaya naman todo ang pag
papapansin ko sayo.
Sa sobrang pag papansin ko ay nag mumuka na akong tanga. Minsan na padaan ako sa
classroom n'yo. Nakita kong nag iisa ka lang sa isang sulok habang masayang nag k-
kwentuhan ang mga k-klase mo. Transferee ka noon kaya siguro wala ka pang ka kilala
o kaibigan.
"Julia, ayan na ang stalker mo." pang aasar ng isa sa mga classmate mo. Kumaway pa
ako sa 'yo nun pero hindi mo man lang ako nilingon.
Doon ko napag tanto na ma ilap ka sa kahit na sino. Hindi ko alam kung dahil ba
mahiyain ka lang o ayaw mo lang talaga sa 'kin.
Simubukan ko kunin ang atensyon mo pero likas kang ma ilap. Hanggang isang araw ay
nakita kitang umi iyak sa may garden.
Nilapitan agad kita. Nang mapansin mo ang presenya ko ay agad mong pinahid ang mga
luha mo. Ini abot ko ang panyo ko sa'yo at tinitigan mo lang iyon.
"Iiyak mo lang 'yan." Ngumiti ako sa'yo ng ubod ng tamis. Buong akala ko ay hindi
mo tatanggapin 'yung panyo pero nakita ko muli ang mga luha na umagos sa mga mata
mo.
Doon ko naramdaman 'yung sakit na nararamdaman mo ngayon. Gusto ko suntukin kung
ano o sino man ang nanakita sa iyo pero mas masakit ang mga na laman ko.
You broke up with your boyfriend and the worst thing is may nangyari na sa inyo
though wala namang naging bunga.
Para akong sinabuyan ng malamig na tubig noon pero pinilit kong ngumiti sa iyo at
palakasin ang loob mo.
Simula ng araw na 'yun ay naging close tayo. Tinuring mo akong kaibigan at kinuha
ko ang pag kakataon na 'yun para ma iparamdam sa'yo ang tunay kong nararamdaman.
Hindi naman nag laon at nakuha ko ang loob mo, pumayag ka na maging Girlfriend ko.
Naging masaya ang isang taon na relasyon natin kahit pa minsan ay may hindi pag
kaka unawaan.
Hannggang sa maka graduate ako ng highschool ay hindi pa rin ako nag sawa na
mahalin ka. Madalas pa akong dumalaw sa school niyo nun kahit na marami ng ginagawa
sa college.
"Jacob!" gulat na untag mo ng makita mo 'ko, pero ako dapat ang magulat sa nakikita
ko.
Nasuntok ko ang lalaking kasama mo noon sa sobrang galit. Sino bang hindi magagalit
at masasaktan kung makikita mo ang taong mahal mo na may kahalikang iba.
Galit na galit ako sa 'yo ng mga oras na 'yun. Hindi ko ina asahan na kaya mo kong
lokohin at saktan.
"Jacob, let me explain." pilit mo kong hinawakan pero umiwas ako. Kita ko ang pag
susumamo sa muka mo pero mas nanaig ang galit sa puso ko.
"Explain? Tang ina lang, Julia. Ano pa ipapaliwanag mo kitang kita ko na ang
lahat." that time naramdaman ko ang pag guho ng mundo ko. Ang kakaibang sakit sa
dibdib ko at ang nabubuong galit sa sarili ko.
Na isip ko kung saan ba ako nag kulang? kung saan ba ako nag kamali? pero kahit
anong gawin ko ay hindi ko makita kung bakit nagawa mo sa'kin iyon.
Ilang araw at linggo ang lumipas na hindi ko sinasagot ang tawag mo. Ni hindi rin
kita kina ka usap pero nag pursigi ka. Nag effort at sincere ma humingi ng tawad.
Sabi mo mahal mo ako at hindi mo iyon sinasadya.
Naniwala ako sa mga sinabi mo. Tinanggap kita at pilit na kinalimutan ang lahat ng
nangyari.
Lumipas ang ilang buwan at taon naging mas matatag ang pag sasama natin. Tumuntong
ka ng kolehiyo at ako naman ay nakahanap na ng trabaho.
Kahit pagod ay pinipilit kong makita at makasama ka pero nag bago iyon ng ma
destino ako sa Cebu. Doon ay madalang na lamang tayong mag kita. Madalang ka ma rin
tumawag at kung minsan ay nakakalimutan mo na rin ang mag text.
Sabi mo masyado lang busy dahil nga sa kolehiyo ka na. Na intindihan ko iyon at
hindi humingi ng kahit na ano mula sa iyo. Kuntento ako na alam kong mahal mo ko.
Pero habang tumatagal ay lumalala ang sitwasyon ni hindi ka nag paparamdam. Nag
alala ako ng labis sa iyo nun. Na isip ko kung may nangyari bang masama.
Kahit ang kapatid at magulang mo noon ay hindi ka mahagilap. Umuwi ako ng manila
para lang kamustahin ka pero wala ka roon. Ni hindi ka nga rin pumapasok sa
iskwelahan niyo.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Binaliktad ko na ata ang buong pilipinas para
lang mahanap ka.
"Ate naman wala na bang tawad?"
Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon at hindi nga
ako nag kamali. Ikaw ang nakita ko.
Mapupula pa rin ang mga pisngi mo at mala porselana pa rin ang kutis mo pero may na
pansin akong kaka iba sa 'yo.
Bumaba ang mga tingin ko sa naka umbok mong tiyan at doon ko naramdaman ang kung
anong kirot na tumusok sa puso ko.
Kaagad akong tumalikod noon at napa isip. Ni minsan ay wala namang nangyari sa atin
para ma buntis ka. Ibig sabihin ba nun ay... sa ikalawang pag kakataon ay niloko mo
ulit ako?
Akala ko masakit na ang makita kang nakikipag halikan sa iba pero mas masakit pala
ang malaman na kahit kailan ay hindi mo ko pinahalagahan.
Naramdaman ko ang mahinang pag tapik ni Jules sa akin na nag pabalik sa reyalidad.
Hindi ko mapigilan ang pag pahid sa mga luha ko na ngayon ay patuloy sa pag agos.
Muling na numbalik sa akin ang kirot at sakit na ilang beses mong pinaramdam sa
akin pero lahat ng iyon ay napawi ng isang napaka tamis mong ngiti.
Ito na 'yun. Ang araw ng kasal natin. Alam ng marami na iba ang ama ng pinag
bubuntis mo pero dahil mahal na mahal kita ay tinanggap kita at ang bata.
Oo, galit ako ng malaman ko na niloko mo ulit ako pero ano bang magagwa ko kung
ikaw lang ang mahal ko.
Sabi nila katanagahan ang mahalin ang taong pa ulit ulit kang sinaktan pero para
sakin mas katangahan kung hindi mo kayang ma patawad ang taong sobra mong minahal.
Nang makarating ka sa tapat ko ay inabot na ng Daddy mo ang mga kamay mo.
Naramdaman ko pa ang pag tapik nito sa akin.
Naluluha kang tumingin sa akin at kahit hindi mo sabihin ay alam ko...ramdam
ko...na hindi mo na ako mahal. Na may iba ng tinitibok ang puso mo.
"Thank you for saving me." pilit akong ngumiti sa iyo at sabay tayong humarap sa
altar.
"We are here to witness the uncondtional love--"
"Jacob, you deserve someone whonis better than me." hindi ko na intindihan ang
sinabi ng pari sa mga sinabi mo. Nakaramdam ako ng kaba at takot.
Napatingin ako sa mga mata mo at nakita kong ang pag patak ng mga luha mo, tulad ng
dati ay ramdam ko ang sakit na nararamdaman mo ngayon pero mas masakit ang nababasa
ko sa mga ito.
Pinigilan ko ang pag patak ng luha ko at pilit na ngumiti sa iyo. Tumango ako sa'yo
at kasabay nun ang pag takbo mo palabas ng simabahan.
Ni hindi ko napansin ang mga bulungan ng mga tao sa simbahan, ang pag habol sa iyo
ni Jules at ang pagalit na sumbat ni mama.
Yes, I can find someone better than you but I can't stop loving you.
But this is the best thing I can do for you. 'yun ang palayain ka mula sa mga kamay
ko. Alam ko na kahit minsan ay hindi mo naman talaga ako minahal tulad ng pag
mamahal mo sa taong ilang beses ka ng sinaktan at iniwan.
•••
Hope you like it!
All Rights Reserved.©2015 CreepyPervy

--- --- ---


Her Side
--
ELLE'S POV:
Dalawa? Tatlo? Tama! tatlong taon na rin pala ang lumipas simula ng pinaka masayang
araw ng buhay 'ko. Ito ang espesyal na araw na dapat mag kasama nating sine-
celebrate pero nakakatawa mang isipin-- mag isa 'ko na lang itong pinag diriwang.
Hindi 'ko nga alam 'kung na aalala mo pa ang espesyal na araw na 'to o kung minsan
ba sa buhay mo ay naging mahalaga sa'yo ang petsang ito o naging mahalaga rin ba
ako sa'yo?pero kahit ano man ang maging sagot mo-- Hinding hindi 'ko pag sisihan
ang araw na naging tayo. Hindi ba't ang sarap pakinggan ng salitang 'tayo' para
bang ang sarap ipag-sigawan sa buong mundo na 'akin ka lang' na ako lang ang
pwedeng humaplos sa ma amo mong mukha, na ako lang ang pwedeng humawak sa'yong mga
kamay at ako lang ang pwedeng humalik sa malalambot mong labi pero masakit mang
isipin-- wala na akong karapatan na angkinin ka o ipag damot sa iba dahil matagal
ng tapos ang salitang 'tayo'. Ang sarap tuloy balikan ng mga panahong mag kasama
tayo,'yung masayang ala-ala na mag kasama nating binuo sa maikling panahon.
"Ganito dapat ang pag taban. Hindi mahigpit, hindi maluwag, sakto lang dapat ng
hindi dumulas." Sabay hawak mo pa noon sa kamay 'ko habang ina ayos mo ang pag
kakahawak 'ko sa kung ano mang bagay na taban 'ko. Napatitig ako sa'yo ng mga oras
na 'yun, kung totoo nga lang na nakakatunaw ang pag titig siguro ay tunaw na tunaw
ka na. Ang sarap mo kasing pag masdan lalo na nung ngumiti ka sa akin.
Isa 'yun sa mga araw na hinding hindi 'ko makakalimutan, alam mo ba kung bakit?
dahil 'yun ang unang beses na hawakan mo ang kamay 'ko at 'yun din ang unang beses
na tumibok ang puso 'ko ng sobrang bilis at ng dahil 'yun sa mga ngiti mo. Ang
baduy man sabihin pero gusto na yata kita ng mga panahon na 'yun.
"Elle nandiyan na 'yung manliligaw mo." natatawa mo pang asar sakin na lagi 'ko
namang kinasisibangot at kina ka inis.
Mag ka-klase tayo noon at malapit din sa isa't isa ang mga kaibigan natin kaya
naman madalas tayong mag kakasama at madalas mo rin akong ina asar at tinutukso sa
isa nating kaibigan. Ang sabi nga nila may gusto iyon sa akin pero wala naman akong
paki alam dahil ikaw ang gusto 'ko.
"Ayan na lalapit na siya." Patuloy ka pa rin sa pag tawa at pang aasar sa akin. Ang
totoo ay gusto na kitang batukan sa ginagawa mo dahil na pipikon na ako pero na
uunahan ako ng hiya kaya inirapan na lamang kita. Lintik na puso 'to! Dati pag ako
ang napipikon ay nang hahampas agad ako pero pag dating sa'yo ay daig 'ko pa ang
nababato.
"Hi Elle." Bati ni Neil ng makalapit ito sa akin. Wala naman akong nagawa kung
hindi ngitian ito. Aba! ayoko naman masabihang maldita, hindi naman ako kagandahan
para mag inarte kaya binati 'ko rin ito. Todo ang tuksong tinamo 'ko ng mga oras na
'yun mula sa mga kaibigan natin pero hindi ako natutuwa sa atensyong binibigay nila
dahil mas gusto 'kong atensyon mo lang ang nakukuha 'ko.
Ilang linggo rin na ganoon ang sitwasyon namin ni Neil lalo na ng magsimula na
talaga itong manligaw at talagang nag palakad pa siya sa bestfriend 'ko pero kahit
anong effort ang gawin niya-- ang atensyon 'ko naman at mga mata ay nakatuon lang
sa'yo. Nalulungkot nga ako ng mga panahon na 'yun dahil bigla ka na lang nag bago.
Naging ma ilap ka sa akin, hindi mo na rin ko ina asar kay Neil. Hindi 'ko alam ang
dahilan pero hinihiling 'ko na sana asarin mo na lang ulit ako ng may pagkakataon
na maka usap kita at makabiruan.
Hanggang isang araw ay nagulat ako ng may matanggap akong text mula sa'yo. Halos
tumalon ang puso 'ko sa tuwa ng mabasa 'ko ang pangalan mo sa screen.
"Elle." Isang salita lang pero sobrang galak na ang naramdaman 'ko ng malaman 'ko
na para sa akin talaga ang text at hindi isang wrong sent.
Nag mamadali akong mag tipa at agad 'ko ding sinend iyon sa'yo. Ilang minuto ang
lumipas pero wala ka pa ring reply. Nanlumo ako noon ng ma isip 'ko na baka may
kailangan ka lang naman kaya ka nag text. Hindi na ako umasa na mag re-reply ka
pero ilang beses 'ko pa ring binabalikan ng tingin ang cellphone 'ko hanggang sa
may isa ulit na text na dumating. Lihim akong napangiti ng makita 'ko ulit ang
pangalan mo pero hindi 'ko na napigilan ang tumili ng mabasa 'ko ang laman ng
message mo.
"Pwede ba 'ko manligaw?" 'yan mismo ang nabasa 'ko sa message mo. Hindi 'ko alam
kung paano ako mag re-react kaya sinubukan 'ko munang pakalmahin ang sarili 'ko.
"Elle, kaya mo 'yan. Inhale! Exhale! Inhale! Ex-- ai putek!" Nagulantang ako ng
tumunog ang celphone 'ko at nakita 'ko na tumatawag ka. Ito na 'yun! hindi 'ko alam
kung sasagutin 'ko ba ang tawag mo o ano pero sa huli ay sinagot 'ko rin ang tawag
mo.
"H-hello?" Napakagat ako sa ibabang labi 'ko sa sobrang kaba na naramdaman 'ko at
sa inis sa sarili ng manginig ang boses 'ko ng sagutin 'ko ang tawag mo.
"Elle.. 'yung tanong 'ko?"
"T-tanong? ano nga ulit 'yung tanong mo?" Tanong 'ko kay Seven na kunwari ay hindi
'ko na basa ang message niya. Syempre gusto 'ko marinig mula sa kaniya na gusto
niya 'kong ligawan. Oo na-- ako na ma arte, ako na nag mamaganda at ako na ang
pabebe pero tao lang din ako marunong din ako mag landi pa minsan minsan.
"Ang sabi 'ko kung pwede ba 'kong manligaw?" Nang mga oras na 'yun ay tinakpan 'ko
na ang bibig 'ko para pigilan ang sarili mula sa pag tili. Emeged! So totoo nga?
Hindi ba 'ko nag d-day dream? Kalma lang Elle baka mahalata ka niyan.
"Nag bibiro ka naman ata brad." untag 'ko rito bilang paninigurado na hindi niya
'ko niloloko. Kilala kasi siya sa room namin bilang chickboy, hindi naman siya
kagwapuhan, sakto lang pero iba kasi ang dating niya kung baga siya 'yung sinasabi
nilang malakas ang 'appeal'
"Hanep! Mukha ba 'kong nag bibiro? mag aaksaya ba 'ko ng oras kung joke lang 'to?"
"Oh! kalma nag tatanong lang." Biro 'ko rito para naman ma ibsan 'yung kilig moment
'ko rito. Baka kasi hindi ako makapag pigil ay mapa oo agad ako ni Seven. Aba!
Konting pakipot muna. Hindi naman porket gusto 'ko siya ay go lang ng go.
"Pero seryoso ako, Elle. Pwede ba?"
"Hindi naman kailangan tanungin kung pwede ka bang manligaw dahil kahit ayaw ng
nililigawan mo gagawin mo ang lahat para lang patunayan 'yang nararamdaman mo."
Malumanay pero makahulugan 'kong sagot kay Seven. Totoo naman kasi na kung gusto
niya talaga ako ligawan ay gagawin niya 'yun at ipapakita at ipaparamdam niya 'yung
sincerity.
Natahimik ito mula sa kabilang linya. Hindi 'ko alam kung ano bang tumatakbo sa
isip niya. Kung kinasama ba ng loob niya ang naging sagot 'ko o kung ano. Wala
namang masama sa sinabi 'ko diba? Tama naman ako roon at kung hindi niya ma
intindihan ang punto 'ko ibig sabihin lang nun ay hindi siya totoo sa sinabi niya.
Masakit isipin na gusto niya lang ata akong pag trip-an.
"Se--"
"Tama ka. Hindi 'ko na dapat tinanong 'yun sa'yo at hindi 'ko na sana hinayaan na
ma una si Neil." Kunot noo naman akong napa isip sa naging tugon niya. Hinayaan? ma
una? si Neil? pero bago pa ako nakapag tanong sa'yo nun ay na unahan mo na 'kong
mag salita.
"Elle, I will never give up. Gagawin 'ko ang lahat mapatunayan lang sa'yo na totoo
ako at hindi lang 'to biro." That day starts everything. Nag simula ka ng manligaw
noon kahit pa alam mo na marami ang magagalit sa'yo dahil sinasabi nila na---
nakipag sulutan ka kay Neil, gayong alam mo namang nanliligaw ito sa akin.
Hindi 'ko nga rin alam kung ano bang pumasok sa isip 'ko nun at hinayaan 'ko na ma
ipit ka sa sitwasyong 'to. Simula rin kasi ng araw na 'yun ay naging ma ilap kayo
ni Neil sa isa't isa. Pakiramdam 'ko ay ako pa ang nakasira ng pag kakaibigan
niyong dalawa pero ano bang magagawa 'ko? Gusto na kita at ayokong sayangin 'yung
pag kakataon na binigay sa akin. Minsan na rin akong nag mahal pero bakit ganun?
Ibang iba ka sa lahat, gusto pa lang kita pero hindi na 'ko mapalagay, gusto pa
lang kita pero halos mag tatalon na sa tuwa ang puso 'ko makita ka lang. Ganun
kalakas ang epekto mo sa akin na kahit ba sa simple mo lang na pag ngiti ay masaya
na 'ko.
"Elle, kung ako sa'yo si Neil na lang piliin mo."
"Tama si Jean. Si Neil na lang pards."
"Agree ako sa inyo mga pre'. Wala kang mapapala kay Seven. Maniwala ka sa'kin
Elle." Kaliwa't kanan ang kontra sa'yo. Kahit nga 'yung kaibigan mo ay ayaw na ikaw
ang piliin 'ko. Alam 'ko naman ang dahilan pero iba kasi ang tinitibok ng puso 'ko
at kahit naman marami akong naririnig tungkol sa pagiging babaero mo ay hindi 'ko
iyon pinaniwalaan dahil hindi 'ko pa naman nakikita at dahil nga sa ayaw 'kong
maniwala. Ilamg beses ka nilang kinukumpara kay Neil, sa lahat ng ginagawa nito at
ang tanging nagiging sagot mo lamg sa kanila ay 'I will never give up.' despite of
Neil's effort ay hindi ka nag pa talo.
Ilang araw din akong naguluhan nun dahil sa pa ulit ulit nila akong tinatanong kung
sino ba talaga ang pipiliin 'ko sa inyong dalawa. Kung iisipin ang haba ng hair 'ko
pero hindi 'ko iyon kinatuwa. Una ay dahil ayokong makasakit ng ibang tao,
Pangalawa ay nag kakasira kayong mag kaibigan ng dahil sa akin at Pangatlo, ayoko
naman sa iba dahil ikaw lang ay sapat na pero ang hirap din naman kasing sabihin na
busted na si Neil sa'kin dahil kung ikukumpara 'yung effort na ginawa mo sa effort
na ginawa niya ay higit na lamang siya pero kahit ano atang gawin ni Neil na effort
ay ikaw pa rin ang gusto 'ko.
Ganun pala 'yun... Kahit napaka effort ng isang tao, kahit na sobrang bait niya
sa'yo at kahit ibinigay niya na ang lahat sa'yo hindi mo mapipilit ang puso mo na
mahalin siya dahil kusa na lang itong titibok para lang sa iisang taong gusto mo.
Na kahit wala itong gawin ay siya lang ang gusto mo.
Ang unfair diba? 'You fall for a person without any reason.' Basta pag gising mo
gusto mo na lang siya o kaya naman mahal mo na pala siya ng hindi mo na mamalayan
at minsan kung sino pa 'yung may ginagawa para mahalin sila ng taong mahal nila ay
sila pa 'yung hindi nasusuklian ni konting pag mamahal.
Unfair man ang 'love' pero wala tayong magagawa. Si Kupido na lang ang sisihin
natin dahil siya naman ang pumapana sa mga puso natin. Tulad ngayon, hibang na
hibang na ata ako. Malayo ka pa lang ay tanaw na kita, malayo ka pa lang ay ang
bilis na ng tibok ng puso 'ko. I always wanted to be with you.
Handa na ako harapin ang katotohanan na ikaw talaga ang mahal 'ko at ayokong pag
sisihan balang araw na sinayang 'ko ang pag kakataon na makasama ka.
On the Acquaintance Night, pag dumating ka sa gabing 'yun ay sasagutin na kita. I
want to make it special and memorable. Umaga pa lang ng araw na 'yun ay hindi na
ako mapakali gustong gusto na kitang makita noon kaya naman kada tutunog ang
celphone 'ko noon ay agad akong napapatingin. Hindi naman ako nabigo dahil pangalan
mo lagi ang lumilitaw sa screen. Hindi 'ko na nga mabilang kung ilang beses ka
tumawag ng araw na 'yun para lang kamustahin ako at siguraduhing a-attend ako sa
party.
Sobrang saya ang nararamdaman 'ko ng mga oras na 'yun dahil pakiramdam 'ko ay
pareho tayo ng nararamdaman para sa isa't isa.
"Elle, alam namin na gusto mo si Seven pero kasi ano..." Napatingin ako noon kay
Jean na tila ba may gustong sabihin.
"Ano?"
"Alam mo naman na may pag ka babaero si Seven. Balita nga na may nililigawan pa
siyang iba diba? Sure ka ba na siya talaga ang gusto mo? Pwede namang si Neil na
lang." Alam 'ko ang usap usapan na 'yun pero hindi ako naniniwala roon. Si Seven
lang ang pinapaniwalaan 'ko-- na ako ang mahal niya at wala ng iba.
Bago pa kami makarating sa venue ay wala na ako sa sarili. Ini isip 'ko kasi ang
sinabi ni Jean. Oo, hindi 'ko pinahalata sa kanila na apektado ako ng issue pero
deep inside nasasaktan na ako. Paano kung totoong may iba pa? Paano kung malaking
joke lang pala ang lahat ng 'to? Hindi 'ko ata kakayanin.. Ngayon pa nga lang na
bulong bulungan ang pagkakaroon ng ibang babae ay nasasaktan na ako paano pa kaya
kung makikita 'ko siya? Daig 'ko pa ang pa ulit ulit na sinasaksak pag naririnig
'ko ang usapan tungkol kay Seven pero pilit 'ko pa ring pinaniwala ang sarili 'ko
na hindi totoo iyon at pawang chismis lang.
Hindi na ako nagulat ng makita kita sa gabing iyon pero tila ba nag bago ang ihip
ng hangin at naging ma ilap ako sa'yo ng mga oras na 'yun. Dahil siguro na sasaktan
ako. Gusto kitang tanungin pero natatakot ako, natatakot ako sa ma aari mong maging
sagot. Natatakot ako na bigla ka na lang mag bago pag kinulit kita tungkol dito.
Ang lakas ng tugtog na halos yumanig na ang buong gym hanggang sa mapalitan ito ng
sweet songs at nag simula ng mag sayaw ang mag kakapares sa gitna. Doon 'ko na
alala ang pangako 'ko kay Pards na tutulungan 'ko siyang ma isayaw ang aking bessy.
Yumakap ako mula sa likod ng aking kaibigan at ngumiti rito ng ubod ng tamis.
"Bessy, Sayaw kayo ni Pards...Please.." nakanguso 'ko pang sabi rito. Namamataan
'ko na sa muka ni Bessy na ayaw niyang sumayaw kaya naman ay nag isip ako ng ibang
paraan. Sakto naman ay napalingo ako sa direksyon ni Pards na kasama si Seven.
Hindi niya man lang ba 'ko aayain mag sayaw? Matatapos na kasi ang unang kanta.
Ano ka ba Elle, malay mo humahanap lang ng tyempo dahil umi iwas ka. Sigaw ng
konsensya 'ko pero iba naman ang sigaw ng isa 'ko pang konsensya. 'Ang sabihin mo
baka may iba siyang gustong isayaw.' Halos mag init ang mag kabila 'kong tainga sa
na isip. Nakaka inis! Ako ba kailangan ang mag ayaw sa kaniya? Di bale na nga
lang--- mag focus muna ako sa goal 'ko na ma isayaw ni Pards ang Bessy 'ko.
"Bessy, sayaw na kayo ni--"
"Eya, sayaw kayo ni Ethan. Isasayaw 'ko kasi 'yang bestfriend mo." Nabato ako sa
kimatatayuan 'ko ng marinig 'ko ang boses ni Seven. Seryoso? isasayaw niya 'ko?
Hindi naman sa assuming ako pero ako kaya ang bestfriend ni Eya kaya nga Bessy
tawagan naming dalawa.
"Sure ka diyan?" Tanong ni Eya kay Seven.
"Naman. Kaya kung iyong marapatin ay ma aari 'ko na bang mahiram ang aking
prinsesa?" Ee? Prinsesa? Ako? seryoso siya? Shit! kinilig naman ako sa pagiging OA
ni Seven. Minsan kahit ang baduy at waley 'yung banat miya hindi 'ko pa rin
mapigilan ang kiligin.
"Sure." Sagot ni Bessy na may halong nakakalokong ngiti. Tumayo na ako at iginaya
naman ako ni Seven patungo sa gitna. OMG! Totoo ba 'to? Mag sasayaw kami? Ito ang
unang beses na may mag sasayaw sa akin sa isang party together with this sweet
music.
[Heart beats fastColors and promisesHow to be braveHow can I love when I'm afraidTo
fallBut watching you stand aloneAll of my doubtSuddenly goes away somehow
One step closer]
Kasabay ng pag sayaw natin ay ang pag palit ng kanta. Saktong sakto naman iyon
dahil damang dama 'ko salita sa kantang iyon.
Tila ba na doble ang bilis mg tibok ng puso 'ko habang tinitigan kita ng mga oras
na 'yun. Lahat ng takot at pag aalinlangan 'ko ay bigla na lang nawala. Na alam 'ko
sa sarili 'ko na mahala nga talaga kita at walang duda 'yun kahit ano pang sabihin
ng iba.
[ I have died every daywaiting for youDarlin' don't be afraidI have loved you for
aThousand yearsI'll love you for aThousand more]
Hindi 'ko alam kung anong katahimikan ang dumaan sa pagitan nating dalawa ng mga
oras na 'yun. Likas akong madaldal na tao at alam 'ko na ganun ka rin pero ng mga
oras na 'yun ay nanaig ang nakakabinging katahimikan sa ating dalawa. Hindi 'ko
alam kung masyado ba nating dinadama ang kanta o kung na iilang tayo sa isa't isa
pero isa lang ang alam 'ko tila ba ikaw lang ang nakikita 'ko.
[Time stands stillbeauty in all she isI will be braveI will not let anythingTake
awayWhat's standing in front of meEvery breath,Every hour has come to this
One step closer]
Ito na ang tamang oras para sagutin 'ko ang tanong mo sa akin. I take a deep breath
before I open my mouth and before I utter a single word you stop from dancing and
smiled at me.
"Tara na, baka mapagod ka." Hindi na ako nag reklamo at sumang ayon na lang sa
sinabi mo. Sige mamaya 'ko na lang sasabihin mahaba pa naman ang oras 'ko.
Lumipas ang buong gabi at nag kayayaan ng umalis sa gym. We looked for a good place
na pwedeng mag enjoy ang buong barkada. Hanggang napag kasunduan na pumunta sa
isang resto-bar. Doon ay kasama natin lahat ng kaibigan natin. Na alala 'ko pa noon
na umorder sila ng alak at kabilinlinan mo sa akin na huwag akong iinom kaya ice
tea lang ang ininom naming mga babae.
Pinag masdan kita noon at kita 'ko na masaya kang nakikipag kwentuhan sa mga
kaibigan mo and that's makes me happy too. Makita lang kitang masaya ay masaya na
rin ako. Hindi 'ko muna sinabi na sasagutin na kita dahil busy ka pa sa pakikipag
kwnetuhan kaya pinag paliban 'ko muna iyon at na isip 'ko na mas maganda siguro na
ka usapin 'ko muna si Neil.
Nag enjoy ang lahat sa maliit na salo salo, nag karoon din tayo ng unang picture na
tayong dalawa lang talaga. Pagkatapos ng oras na 'yun ay napag pasyahan na ng lahat
na umuwi. Malalim na rin kasi ang gabi.
"Elle, may susundo pa ba sa'yo?"
"Meron. Tinext 'ko na si papa. Ang sabi niya pa alis na raw siya."
"Sige, samahan na kita. Baka kung mapaano ka pa rito." Sinamahan mo muna ako mag
hintay sa sundo 'ko kahit na alam 'ko na ina-antok kana nun at may lakad ka pa
bukas ng umaga pero mag i-isang oras na ata pero wala pa rin 'yung sundo 'ko.
"Seven, Umuwi ka na. Okay lang naman ako rito. Ma aga pa kayo bukas diba." Untag
'ko sa'yo na kina iling mo lang naman.
"Hindi kita iiwan dito ng mag isa lang."
"Pero kasi--"
"Wala ng kasi kasi. Basta hindi ako uuwi hanggang hindi ako sigurado na makaka uwi
ka." Halata ang inis nun sa mukha mo pero halata rin na nag aalala ka kaya naman
natutuwa ako na malaman na may halaga pala talaga ako sa'yo. Ilang minuto pa ang
lumipas at wala pa rin ang sundo 'ko at dahil napapansin 'ko na ang sobrang pag ka
antok mo ay napag pasiyahan 'ko ng tumawag sa bahay at doon 'ko nalaman na wala pa
lang susundo sa akin.
"Elle, bukas ka na umuwi. Makitulog ka na muna sa mga kaibigan mo diyan."
"Ma, dapat kanina mo pa sinabi nung nandito pa sila." Kaninong kaibigan ako
makikitulog ngayon? Kung nag si uwian na silang lahat. Si Seven na lang ang kasama
'ko rito.
"Sige, gigisingin 'ko ang tata--"
"Huwag na ma, pupunta na lang ako sa boarding ni Eya." Gabi na rin kaso actually
madaling araw na at ayoko nf ma istorbo si Tatay sa pag tulog ma aga pa kasi 'yun
bukas at alam 'ko naman na pag ganiyan na ay hindi na nila ako masusundo buti na
lang talaga at naka boarding si Eya.
"Ano sabi?" Tanong mo agad sa akin ng makalapit ako sa'yo.
"Wala. Makikitulog na lang ako kila Eya." Sagot 'ko sa'yo nun. Halos kainin na rin
kasi ako ng antok at pagod kaya hindi 'ko na nagawang mag paliwanag sa'yo.
Sinamahan mo naman akong pumunta sa boarding nila Eya pero sarado na 'yun. Hindi na
rin niya sinasagot ang tawag 'ko dahil tiyak na malalim na ang tulog niya. Wala na
ata talaga akong matutulugan 'kung hindi rito sa gitna ng kalsada. Mag lalatag na
lang siguro ako ng karton. Kawawang Elle, naging batang palaboy.
"Elle kung gusto mo doon ka na lang matulog sa apartment. Huwag kang mag alala
kasama naman natin sila Ethan." Napa isip ako sa sinabi mo. Mag iinarte pa ba ako?
hindi na 'ko nag bigay pa ng kahit na anong sode comments at sumama na 'ko sa'yo.
Don't get me wrong. Hindi dahil sa kung ano mang dahilan, sumama lang ako sa'yo
dahil ayoko namang matulog sa kalsada at sobra na rin kasi ang antok 'ko. Doon nga
sa apartment ay natagpuan natin sila Ethan na nakahiga na at mukang masarap na ang
tulog. Nandun din 'yung iba pa nating ka-klaseng lalaki. Medyo awkward dahil mag
isa 'ko lang na babae ang matutulog dito.
"Doon ka na mahiga sa kama. Dito na lang ako sa tabi nila Ethan." Spell awkward?
'yun talaga ang nararamdaman 'ko ngayon dahil na rin siguro sa presensya mo. Kaya
ito naman ako nanahimik lang at walamg kibo rito.
Kung kanina sobra na ang antok 'ko ngayon ay hindi man lang ako dinadapuan ng kahit
konting antok. Hindi 'ko alam kung anong mararamdaman 'ko ngayong kasama kita. This
is new to me, everything is new. Para bang ang sarap sa pakiramdam na kasama kita
ngayon kahit pa nandiyan ka sa sahig matutulog.
"Elle?"
"Hmm?"
"Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong nito sa akin dahilan para lingunin 'ko siya sa
sahig--doon 'ko lang na pansin na nakatingin na pala siya sa direksyon 'ko.
"Hindi rin. Tinakasan na ata ako ng antok kakahintay kanina."
"Tara!" Napakunot noo ako ng makita kitang bumangon mula sa pag kakahiga at isang
matamis na ngiti naman ang naging tugon mo roon.
"Nagugutom ako. Tara mag hanap ng makakain sa labas."
"Libre mo?"
"Syempre hindi. Ako ilibre mo ngayon kasalanan mo kaya kung bakit na wala na ang
antok 'ko." Natatawang sabi nito na kinahaba ng nguso 'ko.
"Kasalanan 'ko pala kung bakit ka puyat. Sorry naman daw. Nahiya ako sa'yo."
Bumangon na ako mula sa pag kakahiga kahit na iinis ako sa kaniya. Biruin mo 'yun
sinisi pa niya 'ko at ngayon tatawa tawa siya na akala mo nang aasar. Bwisit! Kung
hindi 'ko lang talaga siya type hinampas 'ko na siya ng sapatos.
"Its an honor to protect you. Isa pa ayos lang na mapuyat ako, nakasama naman
kita." Natigilan naman ako sa sinabi niya. Minsan ang corny talaga ng banat niya
pero kahit ganun na aapektuhan pa rin ako sa kaniya. Why so malandi Seven? Hindi ka
ba aware na hulog na hulog na 'ko sa'yo? Huwag kang ganiyan baka hindi 'ko kayanin
pag bigla ka na wala.
Pag katapos namin makakain sa labas ay bumalik na rin kami sa apartment nila. Akala
'ko kanina ako pa talaga pag babayarin niya pero nilibre niya pa rin 'yung snack
namin.
"Ang lakas mo naman kumain pero ang payat payat mo naman. Kailangan 'ko na pala mag
handa sa future natin baka mamulubi tayo." Natatawang sabi nito na kina kilig 'ko
naman. Biruin mo hindi pa nga kami future agad namin ang inisip niya. Nakakatuwa
lang na ako pala ang gusto niya makasama sa future.
"Grabe ka naman. Ka unti nga lang 'yun tiyaka hindi pa nga tayo, future agad?"
"HINDI PA, ibig sabihin may chance." Bigla ako napahinto dun sa sinabi niya
pakiramdam 'ko nga rin ay na mula ang mag kabila 'kong pinsgi. Nadulas na ata ako--
hindi naman siguro masama kung ngayon 'ko na sasabihin sa kaniya diba? Tama!
Sasabihin 'ko na makakapag hintay naman si Neil. Maiintindihan niya kung ano
magiging desisyon 'ko.
"Se--"
"Hoy! Kayong dalawa kanina 'ko pa kayo hinahanap. Matulog na kayo. Ikaw Seven,
Pards 'ko 'yan. Hinay hinay lang." Seryosong sabi ni Ethan na dahilan para hindi
'ko na masabi kay Seven ang salitang 'oo'
"Oo na, Ethan." Napakamot pa ng batok itong Seven at inaya na akong pumasok sa
loob. Doon ay nakatulog din naman tayo kahit panay ang bantay ni Pards sa ating
dalawa. Over protective naman si Pards sa akin kaya doon ka pa rin talaga naka
tulog sa sahig.
Ilang araw pa ang lumipas siguro ay anim na araw, tama! anim na araw simula ng mag
kasama tayo ay naging abala ang lahat dahil sa nalalapit na exam pero hindi 'ko na
mahintay ang panibagong bukas para sabihin sa'yo ang sagot 'ko pero bago 'yun ay
humanap muna ako ng tiyempo para ka usapin si Neil.
"Neil, pwede ba tayong mag usap?" Tanong 'ko agad kay Neil ng makita 'ko itong ma
agang pumasok sa ika apat nating subject.
"Oo naman. Tungkol saan ba?"
"A-ano kasi--" Hindi 'ko mahanap ang tamang salita para sabihin kay Neil na nakapag
desisyon na ako. Ayoko rin kasi siyang saktan dahil sa kabaitang pinakita niya sa
akin at dahil tinuring 'ko na rin siyang kaibigan.
"Elle?" Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyan nakakuha ng lakas ng loob para
sabihin sa'yo ang totoo.
"Neil, alam mo naman na hindi madali 'tong pag gawa 'ko ng desisyon pero ito na
siguro 'yung tamang araw para ibigay 'ko na 'yung sagot sa tanong mo. Neil, alam mo
naman na hindi 'ko intensyon na saktan ka. I'm so--" Nakita 'kong napangiti ng
mapait si Neil. Doon ay parang bata nitong ginulo ang buhok 'ko. Kita 'ko sa mata
niya na nasasaktan siya ngayon.
"Okay lang. Alam 'ko naman na 'yun. Nararamdaman 'ko,Elle."
"Neil, I'm sorry."
"Hindi mo kailangan mag sorry. Nag mahal lang tayo at walang mali dun. Sana maging
masaya ka sa naging desisyon mo." Marahang pang pinisil ni Neil ang pisngi 'ko nun
at tumalikod na siya kasabay naman nun ay ang pag dating ng mga classmate namin
kung saan ay kasama roon si Seven.
Napahinto ang lahat ng lumapit si Neil kay Seven at kinamayan ito ng lalaki sa
lalaki.
"Congrats pre, ingatan mo siya." pag katapos ay umalis na si Neil at na iwan kang
nag tatakang nakatingin sa akin pero kita 'ko na sa mga mata mo na may hinala ka na
kung ano ang nangyari.
Kakausapin mo pa sana ako noon pero bigla ng dumating ang professor natin kaya
matapos pa ng klase na 'yun bago tayo nabigyan ng pag kakataon mag ka usap.
"Elle, ano 'yung sinasabi ni Neil kanina?" Ang totoo masaya ako kasi ito na 'yung
araw na sasagutin kita pero hindi 'ko rin mapigilang ma guilty dahil sa ginawa 'ko
kay Neil. Hindi kasi ito pumasok, na sira 'ko pa ata ang araw niya pero mas maganda
na rin 'yun kaysa patagalin 'ko pa, mas higit lang kami mahihirapan.
"Elle? Ayoko mag assume pero ano kasi-- tayo na ba?" Napakagat muna ako sa ibabang
labi 'ko bago ako napatango sa'yo habang naka ngiti na kinalapad ng mga ngiti mo.
"Yes! I love you, Elle. Hinding hindi ka mag sisisi na ako ang pinili mo." Kahit
anong mangyari hindi naman ako mag sisisi na minahal kita kasi 'yun ang pinaka
masayang araw ng buhay 'ko, ang magkaroon ng salitang tayo. Na kahit minsan na sabi
'ko na naging akin ka.
Ang dami pang magagandang alaala ang mag kasama nating pinag saluhan pero tulad ng
maraming bagay lahat ay may katapusan lahat ay may hangganan.
Masyadong mabilis ang mga nangyari na hindi 'ko ma ipaliwanag kung gaano kasakit ng
bigla na lang mag bago ang lahat sa atin.
Na hanggang ngayon ay pa ulit ulit 'ko na lang binabalikan ang masasayang alala na
pinag saluhan natin kasabay nun ay ang pag patak ng mga luha 'ko sa bawat salitang
binibitawan 'ko ngayon. Ang bigat bigat sa puso na isa na lang alaala ang meron
tayo. Na sa bawat umaga na ikaw ang na sa isip 'ko, na sa bawat bagong araw ay ikaw
ang nakikita 'ko pero wala na--- matagal ng na tapos kung anong meron sa atin.
Nakakatawa man isipin na tatlong taon na simula ng araw na maging tayo pero
hanggang ngayon ay hindi pa rin kita makalimutan hanggang sa tuluyan 'ko ng
nakalimutan kung paano ulit ang mag mahal at nakalimutan 'ko na ring mahalin ang
sarili 'ko ng dahil sa sobrang pag mamahal sa'yo.
Sa huling pag kakataon gusto 'ko lang naman sabihin sa'yo na ikaw lang ang minahal
'ko at wala ng iba. Walang sino man ang papantay sa isang tulad mo, katangahan man
kung iisipin pero 'yun ang totoo. Na hanggang ngayon--- Mahal pa rin kita kahit
alam 'ko na mali na ang nararamdaman 'ko. Sana lang talaga ay naging masaya ka sa
kung anong buhay na ang meron ka ngayon dahil kahit masakit ang katotohanang hindi
na pwedeng maging tayo ay magiging masaya na 'ko basta alam 'kong masaya ka.
Hindi kasalanan ang mahalin ka pero mali lang na angkinin ka at kung ma ibabalik
'ko lang ang nakaraan-- hinding hindi 'ko hahayaan na mawala ka sa'kin dahil 'yun
ang isang malaking pag kakamaling nagawa 'ko-- ang sumuko sa'yo.
•••
Hope you like it!
All Rights Reserved.©2015 CreepyPervy

--- --- ---


Bakit Hindi Ako
--
Breathing the same air doesn't mean to be on the same spotlight.
Masyadong maraming tao sa mundo para mapansin ka ng lahat at makita ang effort mo.
Maswerte ka na kung may isa, dalawa o hanggang tatlong tao ang makakapasin ng lahat
ng sakripisyo at paghihirap mo.
"Anak, saan mo ba gusto kumain? Sagot ni nanay kahit sa pinakamamahaling restaurant
pa 'yan basta para sa anak 'kong laude."
Napangiti ako ng marinig iyon mula sa kaniya. Ilang taon din bago 'ko nakita muli
ang matamis na ngiti sa mga labi niya at alam 'ko kung gaano ito ka-proud ngayon.
Makapag-patapos nga lang ng anak ay isang karangalan na sa magulang, iyon pa kayang
may kasamang parangal? Sigurado akong tuwang tuwa siya at hindi iyon maikakaila
dahil bakas sa mukha nito ang isang matamis na ngiti at ang lambing sa kaniyang
tinig.
Kung ang pag akyat sa entablado ang karangalan para sa mga magulang, sa aming mga
anak, masaya na kaming makita silang nakangiti at masuklian lahat ng paghihirap na
ginawa nito para sa amin.
Alam namin na hindi doon matatapos ang pakikibaka sa buhay at iyon pa lang ang
simula ng totoong laban at sa pagtayo sa sarili mong paa ay mararamdaman mo ang
hirap, puyat at pagod na siyang ginawa ng iyong mga magulang noong ika'y
nakadepende pa lamang sa kanila.
Nakakatunaw ng puso kung ang bawat puyat mo sa trabaho ay napapansin at nasusuklian
kahit isang simpleng papuri lamang.
"Good job! Sigurado na ang promotion mo niyan."
Nagpalakpakan pa ang mga tao at damang dama sa buong opisina ang tuwa at suporta.
Kakatapos lamang ng meeting at mukhang nagustuhan iyon ng presidente ng kompanya.
Mainit kasi ang ulo niya ng pumasok kanina pero ng dahil sa napakagandang
presentation ay nagbago ang timpla ng kondisyon nito. Mukhang natatanawan niya na
rin na magiging matagumpay ang nakahatag na proyekto para sa buong taon.
Nagagalak din ang puso 'ko dahil malaki ang tiyansa na tumaas ang sahod o kahit
bonus man lang para sa aming mga empleyado.
Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang tao kung na sa kaniya na ang lahat? Wala na--
lalo na kung natagpuan mo na rin ang matamis na pag ibig na siyang pinapangarap ng
marami.
Napangiti ako ng mula sa kinatatayuan 'ko ay bumukas ang ilaw at tumambad sa akin
ang napakagandang tanawin, may mga petals ng pulang rosas ang nakakalat sa sahig na
sadyang nakakatunaw ng puso dahil ramdam na ramdam mo ang tamis ng pagmamahal.
Narito rin ang malalapit naming kaibigan pero ang mas nakapag pangiti sa akin ay
ang makita ang lalaking gustong gusto 'ko simula pa noon.
Ang lalaking matagal 'ko ng gusto at pangarap 'kong makasama habang buhay dahil sa
simpleng ngiti niya pa lang naglalaho ang lahat ng lungkot at problema 'ko.
Nagsimula ng magtubig ang mga mata 'ko ng nakangiti itong lumuhod at may maliit na
kahon itong kinuha mula sa bulsa niya kung saan ay nakalagay ang singsing.
Napangiti akong pinipigilan ang pgpatak ng luha at tila hindi malaman kung ano ba
ang dapat 'kong maramdaman.
Ito 'yung matagal na naming pangarap-- pangarap na makasal sa taong mahal namin at
gusto naming makasama habang buhay.
"Babyloves, it's been a long journey for the two of us and I can't wait to spend
more years with you. Will you marry me?"
Tuluyan ng kumawala ang mga luha sa mga mata 'ko sa hindi maipaliwanag na tuwa at
lungkot.
Masaya ako, alam 'ko magiging masaya ako dahil alam 'kong ito ang mag papasaya sa
kaniya.
"Yes, I do. I'll marry you."
Nagsipalakpakan ang lahat sa sobrang tuwa at ako naman ay nakangiting pinahid ang
luha sa mga mata 'ko.
Oo, masaya ako. Sino ba naman ang hindi magiging masaya kung ang lahat ng
sakripisyo 'ko mula noon ay nasuklian na ng matatamis na ngiti mula sa mga taong
pinahalagahan at minahal 'ko ng lubos.
Tulad ng nakikita ng marami, lahat ng sakripisyo, pag hihirap at pag hihintay ay
nasusuklian at napupuri pero hindi lahat ng kwento ay pare-pareho.
"Isuot mo itong regalo 'ko sa'yong sapatos--ayan tignan mo bagay na bagay sa anak
'kong laude. Napakaswerte 'ko talaga."
Napangiti ako ng makita ang bagong sapatos na binili ni nanay pero hindi pa rin
matutumbasan ng sapatos na ang ngiti sa mga labi niya.
"Halika na, baka maraming tao sa restaurant. Alam mo naman na masarap at mahal
doon."
"Pero nanay, hindi ba natin isasama si ate?"
Biglang napawi ang ngiti sa labi nito at walang gana ako nitong hinarap bago
ibinalik ang tingin sa bunso 'kong kapatid.
"May pasok pa sa trabaho ang ate mo kaya hindi siya makakasama sa atin."
"Pero nanay--"
"Busy ka diba?"
Nakangiti akong napatango sa kanila at hindi ipinahalata ang lungkot na bumalot sa
puso 'ko.
"M-may trabaho pa 'ko. Next time na lang, ikain mo na lang ako. Proud na proud
sa'yo ang ate."
Pinigilan 'kong pumatak ang luha sa mga mata 'ko. Gusto 'kong sumama sa kanila.
Gusto 'kong mag celebrate dahil sa wakas ang pangarap 'kong makapagtapos ng
kolehiyo ay natupad na kapatid 'ko, bonus pa dahil sa honoree ito.
Hindi ako nakatapos ng kolehiyo dahil sa hirap ng buhay at napilitan akong mag
trabaho kaya naman ako itong kumakayod para suportahan ang araw araw naming
pangangailangan pati na rin ang pag aaral ng kapatid 'ko.
Minsan pa nga tuwing darating ako galing sa trabaho ay ako itong nag tuturo sa
kaniya sa mga lesson na hindi niya naiintindihan. Hindi naman ako matalino pero
sadyang gusto 'ko lang siyang makatapos at masaya ako para sa kaniya dahil hindi
nito sasapitin ang hirap ng bawat araw na pag pasok 'ko sa trabaho.
"Libre namin ah!"
"Oo naman!"
Patuloy lang ako sa pag wawalis at pag sisinop ng mga pinagkapehan nila ng magulat
na lang ako ng may biglang yumakap sa likuran 'ko.
"Beeeeeeeeeeesss you're the best. Narinig mo 'yun? Sure na promotion 'ko! Ang
galing galing mo talaga. Sabi na nga, iyong idea mo ang swak sa panlasa ni boss.
Thank you talaga!"
Tuwang tuwa itong napayakap sa akin at ganoon din ako dahil naging matagumpay iyong
presentation niya kanina na ilang gabi naming pinagpuyatan para tapusin. Medyo
sumakit lang ng konti ang ulo 'ko kakaisip ng magandang tema para sa buong taon
pero worth it naman dahil siguradong ma-po-promote na siya.
"Bilisan mo mag linis. Gogora pa tayo mamaya. See yah'!"
Nakangiti akong napatango sa kaniya at nag patuloy na nag linis. Janitress ako sa
isang kompanya kung saan nag ta-trabaho ang bestfriend 'ko. Ipinasok niya ako rito
dahil kailangan 'ko ng trabaho at naging maganda naman ang sahod 'ko. Minsan pa nga
ay inililibre niya ako ng tanghalian at hapunan na rin kung gagabihin kami sa pag
gawa namin ng mga report niya.
Humihingi kasi siya sa akin ng tulong pag overload na ang trabaho o kaya naman ay
may mabigat na project. Ok lang iyon sa akin dahil kahit papaano ay binibigyan niya
naman ako ng pera bilang extra 'ko.
Hindi ba masarap sa pakiramdam na kahit hindi alam ng marami na ikaw ang naghirap
sa ibang bagay basta alam mong nakatulong ka, masaya ka na. Masaya ako dahil
nakikita 'kong nagtatagumpay siya sa buhay.
Tagumpay na hindi 'ko narating o naabot man lang lero hindi dito magtatapos ang
lahat.
"Tol!" Nakangiti ako nitong niyakap at ako naman itong napatapik sa likuran niya.
"Congrats! Akala 'ko mag co-collapse ka sa pag propose." Natatawa 'kong biro sa
kaniya ng lapitan ako nito.
Halos lahat ng mga kaibigan namin ay walang humpay sa pag bati sa kanila. Finally!
Ikakasal na ang taong mahal 'ko sa taong mahal niya.
"Muntik na nga! Haha! Ikakasal na ako pero ikaw wala pa ring jowa. Ano na? Ako lang
ba tutupad sa pangarap natin?"
"Inunahan mo 'ko eh, hindi mo man lang ako hinintay-- magka-jowa."
Sabay tawa 'ko ng malakas kahit kalahati ng puso 'ko ay nadudurog.
Bakit hindi na lang ako? Ako naman iyong taong laging na sa tabi niya taga punas ng
luha sa mga mata niya pero sa huli iba pa rin ang nakita niya at iba pa rin ang
minahal niya.
Sabagay, sino ba naman ako para pilitin ang puso niya na mahalin ako? Masaya na rin
ako na makita siyang masaya kahit may parte ng puso 'ko ang nasasaktan.
Hindi niya iyon kasalanan, dahil ako itong lihim na nagmahal at nakuntentong maging
kabigan lang.
Napangiti ako ng maalala ang matatamis na ngiti sa labi nila. Masaya sila at masaya
ako para sa kanila, iyon naman ang mahalaga, makita mo ang iba na maging masaya
dahil sa mga tagumpay at pangarap na naabot nila dahil sa wakas na suklian na ang
pagsusumikap nila.
At ako? Wala man akong bagong sapatos, papuri o proposal, kuntento na ako makita
ang tamis sa mga labi nila at umaasa na darating ang araw na ang pagsusumikap 'ko
ay masusuklian rin.
Bakit hindi ako? Bakit sila? Dahil siguradong may mas magandang plano para sa akin.
•••
NOTE: Pinasa 'ko 'to sa ano basta sa isang media pero ayun, love story hanap nila
but this is one is too broad kaya share 'ko na lang dito kasi alam 'ko walang
chance na makuha 'to. haha!
Happy Reading
All rights Reserved.©2018 CreepyPervy

--- --- ---

You might also like