You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Cavite
NOVELETA SENIOR HIGH SCHOOL
San Rafael III, Noveleta, Cavite
KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO

Panimula
Isa sa mga pangunahing itinaguyod ng Departamento ng Edukasyon(DepEd) sa
Filipinas ay ang tuntunin sa pagpapatupad sa paggamit ng wikang Filipino at English sa lahat
ng antas na paaralan na napapaloob sa Konstitusyon ng 1987. Ang pagiging kompetent ng
mga guro at estudyante sa larangan ng Ingles at Filipino gayundin sa katutubong wika ay
binibigyang pansin ng DepEd.

Ang pagiging kompetent ng mga guro at estudyante sa larangan ng English at Filipino


gayundin sa katutubong wika ay binibigyang pansin ng DepEd. Pinaniniwalaan na ang
pagtatamo ng functional na kaalaman sa wika ay nakatutulong sa paglinang at pag-unlad ng
bansa.

Sa kasalukuyang makabagong panahon ma tinatawag ng marami na


panahon ng Information Technology, kapansin-pansin ang malaganap na interes sa
penomena ng komunikasyon (Bernales et.al 2013).

Ayon kay Lado (2017), ang kakayahan sa pagsasalita Speaking skills ay ang
kakayahang ipahayag ang sarili sa mga sitwasyon sa buhay o ang kakayahang
magpahayag ng ideya.

Ayon sa resulta sa sarbey ng Philippine Government na ang mga mag-aaral sa kanayunan


at lunsod ay may mababang antas ng karunungang bumasa't sumulat. Ibig sabihin, ang mga
Pilipinong estudyante ay may mababang kakayahan sa pagbabasa na nauugnay sa mababang
kasanayan sa wika ng mga guro ng pampublikong paaralan, maging Ingles man o Filipino
(Wilson, 2009).

Nahikayat ang mananaliksik na pag-aralan ang kompetensi sa pagsasalita sa


kasalukuyang sitwasyon sa klase upang malaman kung gaano ka kompetent sa pagsasalita ng
wikang Filipino ang estudyante sa klase. Nilalayon din nitong pag- aralan ang
sosyolingguwistik komoetens sa silid-aralan ng sekundarya upang mabatid ang epekto nito sa
pagkatuto sa pagsasalita gamit ang wikang Filipino.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay malaman at pag-aralan ang kompetensi
sa pagsasalita gamit ang wikang Filipino ng Baitang 7 ng Ajong National High School.
Ang sumusunod na tiyak na katanungan ay sasagutin sa pananaliksik na ito.
1. Ano ang demograpikong kaanyuan ng mga estudyante ayon sa:
1.1 edad
1.2 kasarian

NOVELETA SENIOR HIGH SCHOOL


Address: San Rafael III, Noveleta, Cavite
Email Address: noveletashs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Cavite
NOVELETA SENIOR HIGH SCHOOL
San Rafael III, Noveleta, Cavite
1.3 pinakamataas na edukasyunal na kwalipiskasyon ng magulang
1.4 lengguwaheng ginagamit sa bahay

2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga estudyante ng


Ajong National High School?

3. Ano ang demograpikong kaanyuan ng mga estudyante batay sa


kanilang saloobin sa Filipino?

4. May makabuluhang kaugnayan ba sa pagitan ng demograpikong


kasanayan ng mga estudyante sa kanilang kasanayan sa pagsasalita?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mga sumusunod na pangkat ng mga tao ay tiyak na makikinabang sa pag-


aaral na ito.

Mga estudyante. Makikinabang ang mga estudyante sa gagawing pag-aaral sapagkat ito ang
magbibigay-daan upang mas lalong mapataas ang performans lalo na sa kakayahan o
komepetensi sa pagsasalita tungo sa mabisang komunikasyon at hakbang sa pagsasanay sa
pagpapaunlad ng kanilang kasanayang pangwika at kakayahang pangkomunikatibo.

Mga guro sa Filipino. Makikilala ng mga guro ang kasalukuyang kompetensi sa pagsasalita
ng mga estudyante sa Ajong Natiomal High School na gagabay upang malinang ang kanilang
paraan at pamamaraan ng pagtuturo ng Filipino sa larangan ng pagsasalita tuloy makilahok sa
interbensyong kailangang isakatuparan.

Ajong National High School at Administrador. Mabibigyan ng pagkakataon ang paaralan


na makagawa ng hakbang upang mapataas ang performans hindi lang ng mga estudyante
gayundin ang mismong paaralan. Magiging gabay ang pag-aaral na ito sa mga administrador
ng paaralan na suportahan ang interbensyon na mabubuo batay sa kalalabasan ng pag-aaral sa
pagpapataas ng antas sa pagsasalita ng mga estudyante sa Filipino.

Departamento ng Edukasyon. Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay ideya sa mga


tagapangasiwa ng DepEd kung anong programa ang ipapatupad na makapagpapataas at
makapagpapalawak ng kalidad sa pagtuturo at gayon din sa pagkatuto ng mga estudyante sa
asignaturang Filipino. Makatutulong din ito upangpatuloy na pahalagahan at pagdevelop nito
ng bago na may kinalaman sa komunikasyon.

Linggguwista. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay magiging kawili-wiling paksa sa mga


lingguwista dahil ito ay magsisilbing karagdagang sanggunian sa kanilang sayantifikong pag-
aaral.

NOVELETA SENIOR HIGH SCHOOL


Address: San Rafael III, Noveleta, Cavite
Email Address: noveletashs@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Division of Cavite
NOVELETA SENIOR HIGH SCHOOL
San Rafael III, Noveleta, Cavite
Mga susunod na mananaliksik. Magsisilbing sangggunian at kagamitan ito para sa susunod
na mananaliksik sa larangan ng lingguwistiks na gagawa ng mga kaugnay na pag-aaral
tungkol sa kompetensi sa pagsasalita gamit ang wikang Filipino.

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral


Ang kasalukuyang pag-aaral na ito ay isasagawa sa ikalawang markahan ng taong panuruan
2020-2021.

Ang pag-aaral ay nakatuon sa pagtatasa ng kasanayan ng pagsasalita ng mga estudyante ng


Ajong National High School sa pasalita ng wikang Filipino kasama ang mga aspeto tulad ng
mga gawaing pangkomunikasyon. Ang pag-aaral sa pananaliksik na ito ay limitado sa lahat
ng mga mag-aaral ng baitang 7 Ajong National High School.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Upang lubusang masubaybayan at maging madali ang pag-unawa sa mga paglalahad at
pagtatalakay sa pag-aaral na ito, binigyan ng katuturan ang mga
sumusunod na katawagan:

Dayalek o Diyalekto. Varayti ng wikang nalilikha ng dimesyong heograpiko. Ito ang wikang
ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Tinatawag
din itong wikain (Bernales et.al., 2016).

Diskurso. Ayon kay Webster (1974 sa Berales et al, 2013), ito ay tumutukoy
sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon. Filipino. Batay sa konstitusyon 1987, ito
ay pambansang wika ng Pilipinas. Tawag din ito sa mga mamamayan ng bansa. At bilang
bahagi ng kurikulum, tumutukoy rin ito sa asignaturang pinag-aaralan mula elementarya
hanggang kolehiyo.

Pakikipagkomunikasyon. Ito ay pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng


impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagay o pakikipag-
unawaan (Arceo et al, 2013).

Komunikasyon. Ang komunikasyon ay ang akto sa pagpapahayag ng ideya sa pamamagitan


ng pasalita o pasulat na paraan.

Komunikatib kompitens. Ayon kay Noam Chomsky (1965), ito’y bilang pragmatic
kompitens o kahusayang pragmatiko na nag-iinbolb sa abilidad ng isang ispiker upang piliin
ang angkop na barayti ng wika para sa isang tiyak na sitwasyong sosyal.

Sosyolingguwistik. Larangan ng pag-aaral na sumisiyasat sa mga wika na ginagamit ng


lipunan: sino ang gumagamit ng wika, paano ito ginagamit, kailan ito ginagamit, saan at
kailan ito ginagamit, ano ang pinag-usapan, ano ang layunin, at kung kanino ito ginagamit
(http://library.binus.ac.id/eColls/eThesisdoc/Bab2/2008-1001241G%202.pdf.)

NOVELETA SENIOR HIGH SCHOOL


Address: San Rafael III, Noveleta, Cavite
Email Address: noveletashs@gmail.com

You might also like