You are on page 1of 9

Teacher’s Guide 1

Mga Mormons

Leksiyon Blg. 17
(Mga Mormons)

ANG TIYAK NA TINUTUKOY NG SINABI NI APOSTOL PABLO NA MGA


BINABAUTISMUHAN DAHIL SA MGA PATAY

Ang mga Mormon ay mayroong paniniwala na ang taong patay ay maaaring gawan ng mabuti ng taong buhay,
gaya halimbawa ng bautismo. Ayon sa kanila, ito’y maaaring gawin sa taong patay, na ang babautismuhan ay yaong
buhay- ang buhay ang “proxy” ng patay. May kamag-anak ang paniniwalang ito. Ayon sa paniniwalang Katoliko, ang
patay na umano’y naghihirap sa purgatoryo ay maaaring mahango roon ng mga buhay sa pamamagitan ng pagmimisa at
pagdarasal. Tama kaya ang mga paniniwalang ito? Ating pag-aralan.

PASIMULA:
MAYROON BANG SINABI SI APOSTOL PABLO NA BINABAUTISMUHAN
DAHIL SA MGA PATAY AT ANG KAHULUGAN BA NITO’Y MAAARING
BAUTISMUHAN ANG SINUMANG NAMATAY NA, "BY PROXY"?

1. Ang sinabi ni Pablo


...........................................................................................
...........................................................................................
I Cor. 15:29
29
Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung
ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila'y binabautismuhan dahil sa
kanila?

Nota: Dapat nating malaman na ang paksa rito ni Apostol Pablo ay ang nauukol
sa pagkabuhay na muli.
T. Dahil dito, papaano ito uunawain? Sa sarili ba natin paraan? Papaano ang paraan ng mga
sugo ng Diyos sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos?
2. Dapat iwangis sa ibang mga talata upang maunawaan ang
kahulugan
...........................................................................................
...........................................................................................
I Cor. 2:13
13
Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng
karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na
ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.

Nota: Unawain natin sa pamamagitan ng Espiritu. Iwangis natin ang mga bagay
na ukol sa Espiritu sa mga pananalitang ayon sa Espiritu.

I. BAKIT NATIN NATITIYAK NA HINDI ANG KAHULUGAN NITO’Y ANG


BUHAY AY MAAARING MAG-"PROXY" NA PABAUTISMO PARA SA PATAY?

1. Salungat sa utos ni Cristo


...........................................................................................
...........................................................................................
Mar. 16:15-16
15
At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang
evangelio sa lahat ng kinapal. 16Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas;
datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.

T. Ano pa ang hinihingi bago bautismuhan ang tao?

a. Magsisi.........................................................................
.....................................................................Gawa 2:38
38
At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa
inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin
ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo.

T. Mapangangaralan ba at makasasampalataya at makapagsisi ang patay?


Teacher’s Guide 2
Mga Mormons

2. Hindi mapangangaralan at lalong hindi


makasasampalataya ang patay
...........................................................................................
...........................................................................................
Ecles. 9:5-6 (a)
5
Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman
ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka't ang alaala sa
kanila ay nakalimutan. 6Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng
kanilang pananaghili ay nawala ngayon;

T. Maaaring ikatuwiran nila: “Kaya nga “by proxy”. Hindi nga magagawa ito ng patay, subalit
magagawa ng buhay.” Subalit kung ito’y gawin ng buhay para sa patay, pakinabangan kaya ng
patay?
3. Walang anumang bahagi ang patay sa gawain ng buhay
...........................................................................................
...........................................................................................
Ecles. 9:6 (b)
….na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na
nagawa sa ilalim ng araw.

T. Ano ang patakaran ng Diyos sa pagbibigay kagantihan sa tao?


4. Bawat isa magsusulit
...........................................................................................
...........................................................................................
Roma 14:12
12
Kaya nga ang bawa't isa sa atin ay magbibigay sulit sa Dios ng kaniyang sarili.

T. Papaano tatanggapin ng tao ang kagantihan pagdating ng paghuhukom?

a. Hahatulan ang patay ayon sa kaniyang gawa................


..................................................................Apoc. 20:12
12
At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng
luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng
buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon
sa kanilang mga gawa.

T. Maaari kayang iligtas ng lalake ang kaniyang asawa o ng babae ang kaniyang asawa?

b. Hindi maililigtas ang asawa..........................................


....................................................................I Cor. 7:16
16
Sapagka't paanong malalaman mo, Oh babae, kung maililigtas mo ang iyong asawa? o
paanong malalaman mo, Oh lalake, kung maililigtas mo ang iyong asawa?

Nota: Totoo na ang mag-asawa ay ginawang isang laman, subalit sa pagsusulit


ay kapuwa sila magsusulit. Pagdating sa kaligtasan, hindi maaaring akuin ng isa
ang iba.

II. BAKIT SINABI NI PABLO NA MAY BINABAUTISMUHAN DAHIL SA MGA


PATAY?

1. Hindi upang ipagawa sa mga Cristiano kundi upang


patunayan ang pagkabuhay na mag-uli maging ayon sa
paniniwala ng iba
...........................................................................................
...........................................................................................
I Cor. 15:29
29
Sa ibang paraan, anong gagawin ng mga binabautismuhan dahil sa mga patay? Kung
ang mga patay ay tunay na hindi muling binubuhay, bakit nga sila'y binabautismuhan dahil sa
kanila?

Nota: Ang mga Cerinthians at Marcionite ay nagsasagawa ng baptism by proxy


Teacher’s Guide 3
Mga Mormons

T. Ano ang nakakatulad ng mga salitang sinabi ni Apostol Pablo sa I Cor. 15:29?
2. Katulad lamang ito ng sinabi ni Pablo sa
...........................................................................................
...........................................................................................
Gawa 17:28
sa kaniya tayo'y nangabubuhay, at nagsisikilos, at mayroon tayong pagkatao: na gaya
naman ng sinabi ng ilan sa inyong sariling mga manunula, Sapagka't tayo nama'y sa
kaniyang lahi.

T. Patakaran ba ni Apostol Pablo ang sumitas sa ginagawa ng iba?

a. Patakaran......................................................................
...................................................................Gawa 17:23
23
Sapagka't sa aking pagdaraan, at sa pagmamasid ng mga bagay na inyong sinasamba,
ay nakasumpong din naman ako ng isang dambana na may sulat na ganito, SA ISANG DIOS
NA HINDI KILALA. Yaon ngang inyong sinasamba sa hindi pagkakilala, siya ang sa inyo'y
ibinabalita ko.

T. Ano ang layunin ni Apostol Pablo sa paggamit ng paraang ito?

b. Pamamaraan ni Pablo sa paghikayat.............................


...............................................................I Cor. 9:20-22
20
At sa mga Judio, ako'y nagaring tulad sa Judio, upang mahikayat ko ang mga Judio; sa
mga nasa ilalim ng kautusan ay gaya ng nasa ilalim ng kautusan, bagaman wala ako sa
ilalim ng kautusan upang mahikayat ang mga nasa ilalim ng kautusan; 21Sa mga walang
kautusan, ay tulad sa walang kautusan, bagama't hindi ako walang kautusan sa Dios, kundi
nasa ilalim ng kautusan ni Cristo, upang mahikayat ko ang mga walang kautusan. 22Sa mga
mahihina ako'y nagaring mahina, upang mahikayat ko ang mahihina: sa lahat ng mga bagay
ay nakibagay ako sa lahat ng mga tao, upang sa lahat ng mga paraan ay mailigtas ko ang
ilan.

T. Alin ang saligan kapag ang pinag-uusapan ay kaligtasan?


3. Ang itinuro na tanging makapagliligtas
...........................................................................................
...........................................................................................
Roma 1:16-17
16
Sapagka't hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka't siyang kapangyarihan ng Dios
sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya; una'y sa Judio, at gayon din sa Griego.
17
Sapagka't dito ang katuwiran ng Dios ay nahahayag mula sa pananampalataya hanggang
sa pananampalataya: gaya ng nasusulat, Nguni't ang ganap ay mabubuhay sa pamamagitan
ng pananampalataya.

T. Batayan ba ang karunungan ng tao at gawing saligan ng pananampalataya?

a. Hindi sa karunungan ng tao kundi sa kapangyarihan ng


Diyos ...........................................................................
....................................................................I Cor.2:4-5
4
At ang aking pananalita at ang aking pangangaral ay hindi sa mga salitang panghikayat
ng karunungan, kundi sa patotoo ng Espiritu at ng kapangyarihan: 5Upang ang inyong
pananampalataya ay huwag masalig sa karunungan ng mga tao, kundi sa kapangyarihan ng
Dios.

III. MAYROON BANG ITINURO SI PABLO NA BAUTISMUHAN DAHIL SA


PATAY AT KATUNAYAN NG PAGKABUHAY NA MAG-ULI?

1. Ang patay sa kasalanan


...........................................................................................
...........................................................................................
Roma 6:3-4, 11
3
O hindi baga ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo Jesus
ay nangabautismuhan sa kaniyang kamatayan? 4Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa
pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli
Teacher’s Guide 4
Mga Mormons

sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y


makalalakad sa panibagong buhay.
11
Gayon din naman kayo, ibilang ninyong kayo'y tunay na mga patay na sa kasalanan,
nguni't mga buhay sa Dios kay Cristo Jesus.

Nota: Inilakip tayo sa kamatayan ni Cristo. Kaya babautismuhan tayo dahil sa


tayo ay patay.
T. Ang bautismo ba ay katunayan ng pagkabuhay na muli?
2. Ang namatay ang mabubuhay na mag-uli
...........................................................................................
...........................................................................................
Roma 6:8, 4
8
Datapuwa't kung tayo'y nangamatay na kalakip ni Cristo, ay naniniwala tayo na
mangabubuhay naman tayong kalakip niya;
4
Tayo nga'y nangalibing na kalakip niya sa pamamagitan ng bautismo sa kamatayan: na
kung paanong si Cristo ay nabuhay na maguli sa mga patay sa pamamagitan ng
kaluwalhatian ng Ama, ay gayon din naman tayo'y makalalakad sa panibagong buhay.

KONKLUSYON: Hindi kinasihan ng Diyos ang mga nagtuturo sa ga Mormon,


kaya nagkamali sila sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos na nasa Biblia. Hindi
kataka-taka sapagkat hindi naman sila sinugo ng Diyos. Mali ang
pagkaunawang ang patay ay maaaring bautismuhan na ang kakatawan ay ang
buhay. Labag ito sa mga aral ng Diyos na nasa Biblia.
Teacher’s Guide 5
Mga Mormons

Leksiyon Blg. 18
(Mga Mormons)

HINDI TOTOO NA ANG BINABANGGIT SA EZEK. 37:16-20 NA TUNGKOD NI JOSE


AY ANG "BOOK OF MORMON" AT ANG TIYAK NA TINUTUKOY NITO

Ang Ezekiel 37:16-20 ang pinagbabatayan ng mga Mormon ukol sa kanilang aklat na “Book of Mormon”. Totoo
kaya ang sinasabing ito ng mga Mormon? Ang binabanggit kaya rito na tungkod ni Jose at tungkod ni Juda ay ang
“Book of Mormon” at ang Biblia? Pag-aralan natin upang ating matiyak ang tunay na tinutukoy nito.

PASIMULA:
MAYROON BANG BINABANGGIT ANG BIBLIA NA TUNGKOD NI JOSE
AT NI JUDA NA AYON SA MGA MORMONS AY ITO RAW ANG "BOOK OF
MORMON" AT ANG BIBLIA?

1. Ang hula sa pag-iisa sa tungkod ni Jose


at ni Juda
...........................................................................................
...........................................................................................
Ezek. 37:16-19
16
At ikaw, anak ng tao, kumuha ka ng isang tungkod, at sulatan mo sa ibabaw, Sa Juda
at sa mga anak ni Israel na kaniyang mga kasama: saka kumuha ka ng ibang tungkod, at
iyong sulatan: Sa Jose, na siyang tungkod ng Ephraim, at sa buong sangbahayan ni Israel
na kaniyang mga kasama: 17At iyong papagugnayugnayin sa ganang iyo na maging isang
tungkod, upang maging isa sa iyong kamay. 18At pagka ang mga anak ng iyong bayan ay
mangagsasalita sa iyo, na mangagsasabi, Hindi mo baga ipakikilala sa amin kung ano ang
kahulugan ng mga ito? 19Sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito,
aking kukunin ang tungkod ng Jose, na nasa kamay ng Ephraim, at ang mga lipi ng Israel na
kaniyang mga kasama: at akin silang isasama roon, sa tungkod ng Juda, at gagawin ko
silang isang tungkod, at sila'y magiging isa sa aking kamay.

T. Nangangahulugan kaya ito na dalawang aklat na pag-iisahin?


2. Ipinaliwanag din ng Diyos ang kahulugan: - ang pagpisan
sa Israel (hindi sa mga aklat) sa isang dako
...........................................................................................
...........................................................................................
Ezek. 37:21-23
21
At sabihin mo sa kanila, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Narito, aking kukunin
ang mga anak ni Israel mula sa gitna ng mga bansa, na kanilang pinaroonan, at pipisanin ko
sila sa lahat ng dako, at dadalhin ko sila sa kanilang sariling lupain: 22At gagawin ko silang
isang bansa sa lupain, sa mga bundok ng Israel; at isang hari ang magiging hari sa kanilang
lahat; at hindi na sila magiging dalawang bansa, o mahahati pa man sila sa dalawang
kaharian; 23At hindi na naman mapapahamak pa sila ng dahil sa kanilang mga diosdiosan, o
sa kanila mang mga kasuklamsuklam na bagay, o sa anoman sa kanilang mga
pagsalangsang; kundi aking ililigtas sila mula sa lahat nilang tahanang dako, na kanilang
pinagkasalanan, at lilinisin ko sila: sa gayo'y magiging bayan ko sila, at ako'y magiging
kanilang Dios.

Nota: Pagkamatay ni Solomon ay nahati ang Israel. Mayroong hula na muling


pag-iisahin ang Israel at Juda.

I. ALIN ANG TINUTUKOY NA MULING PAGSASAMA NG ISRAEL AT JUDA SA


ISANG LUPAIN?

1. Sa panahon ng paghahari ni David bilang pastor nila


...........................................................................................
...........................................................................................
Ezek. 37:24
24
At ang aking lingkod na si David ay magiging hari sa kanila; at silang lahat ay
magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan,
at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.

T. Ano ang gagawin ng Diyos? Papaano sila magsasama?


Teacher’s Guide 6
Mga Mormons

2. Tatahan sa lupaing ibibigay magpakailanman


...........................................................................................
...........................................................................................
Ezek. 37:25
25
At sila'y magsisitahan sa lupain na aking ibinigay kay Jacob na aking lingkod, na
tinahanan ng inyong mga magulang; at sila'y magsisitahan doon, sila at ang kanilang mga
anak, at ang mga anak ng kanilang mga anak, magpakailan man: at si David na aking
lingkod ay magiging kanilang prinsipe magpakailan man.

T. Ano ang ipagkakaloob ng Diyos sa panahon ng pagsasama ng Israel at Juda?


3. Makikipagtipan ang Diyos sa kanila
...........................................................................................
...........................................................................................
Ezek. 37:26
26
Bukod dito'y makikipagtipan ako ng tipan ng kapayapaan sa kanila; magiging tipan na
walang hanggan sa kanila; at aking ilalagay sila, at pararamihin sila at itatatag ko ang aking
santuario sa gitna nila magpakailan man.

T. Ano ang ibubunga ng pagsasama ng Israel at Juda?


4. Mapapasa kanila ang tabernakulo ng Diyos at Siya’y sasa
kanila
...........................................................................................
...........................................................................................
Ezek. 37:27
27
Ang aking tabernakulo naman ay mapapasa gitna nila; at ako'y magiging kanilang Dios,
at sila'y magiging aking bayan.

II. ALING PAGHAHARI NI DAVID ANG TINUTUKOY NG HULA AT SAANG


LUPAIN TATAHAN ANG ISRAEL AT JUDA?

1. Magbabangon kay David ng matuwid na Sanga


...........................................................................................
...........................................................................................
Jer. 23:5-6
5
Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoon, na ako’y magbabangon kay
David ng matuwid na Sanga, at siya’y maghahari na gaya ng hari, at gagawang may
kapantasan, at magsasagawa ng kahatulan at kaganapan sa lupain. 6Sa kaniyang mga
kaarawan ay maliligtas ang Juda, at ang Israel ay tatahang tiwasay; at ito ang kaniyang
pangalan na itatawag sa kaniya, Ang Panginoon ay ating katuwiran.

T. Sino ang matuwid na sanga na hinuhulaan?

a. Usbong sa puno ni Isai at isang sanga...........................


........................................................................Isa. 11:1
1
At may lalabas na usbong sa puno ni Isai, at isang sanga mula sa kaniyang mga ugat ay
magbubunga:

T. Sino ang katuparan ng hulang ito?

b. Si Jesus ang ugat at supling ni David............................


..................................................................Apoc. 22:16
16
Akong si Jesus ay nagsugo ng aking anghel upang sa inyo'y magpatotoo ng mga bagay
na ito sa mga iglesia. Ako ang ugat at ang supling ni David, ang maningning na tala sa
umaga.

T. Kailan ang panahon ng paghahari ng ating Panginoon Jesucristo?

c. Sa panahon ng pagwawakas ng sanlibutan ang


paghahari ni Cristo........................................................
..................................................................I Cor. 15:24
Teacher’s Guide 7
Mga Mormons
24
Kung magkagayo'y darating ang wakas, pagka ibibigay na niya ang kaharian sa Dios,
sa makatuwid baga'y sa Ama; pagka lilipulin na niya ang lahat ng paghahari, at lahat ng
kapamahalaan at kapangyarihan.

T. Maghahari nga ba ang ating Panginoon Jesucristo?

d. Maghahari magpakailanman.........................................
..................................................................Apoc. 11:15
15
At humihip ang ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, at
nagsasabi, Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo:
at siya'y maghahari magpakailan kailan man.

T. May itatatag ba ang Diyos na isang lupain sa panahong matapos ang sanlibutan?
2. Ang lupaing magiging tahanan magpakailanman
...........................................................................................
...........................................................................................
Apoc. 21:1-2
1
At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang
langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na. 2At nakita ko ang bayang
banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang
gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.

Nota: Idagdag natin ang Heb. 11:8-10, 13, 16, sapagkat sa unahan ay sinasabing
ang lupaing ibibigay ay tinahanan ni Jacob.
T. Ayon sa hula, kapag naroon na sila sa lupaing yaon, sino ang sasa kanila at magiging pastor
nila?
3. Ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao at ang Diyos
ay sasa kanila at si Cristo ang Pastor nila
...........................................................................................
...........................................................................................
Apoc. 21:3-4; 7:15-17
3
At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang
tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga
bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: 4At papahirin niya ang
bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na
magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay
nang una ay naparam na.
15
Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at
gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay lulukuban sila ng kaniyang
tabernakulo. 16Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan
ng araw, o ng anomang init: 17Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan ay siyang
magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at papahirin ng
Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.

III. SA BAYANG BANAL BA AY MAGSASAMA NA ANG ISRAEL AT ANG JUDA?

1. Sila ang 144,000 na natatakan ni Cristo


...........................................................................................
...........................................................................................
Apoc.7:4-8
4
At narinig ko ang bilang ng mga natatakan, na isang daan at apat na pu't apat na libo,
na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel: 5
Sa angkan ni Juda ay
labingdalawang libo ang tinatakan; Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo; Sa angkan ni
Gad ay labingdalawang libo; 6Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo; Sa angkan ni
Neftali ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo; 7Sa angkan
si Simeon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo; Sa angkan ni
Isacar ay labingdalawang libo; 8Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo; Sa angkan ni
Jose ay labingdalawang libo; Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.

T. Sino ang nagtatak sa 144,000?

a. Ang ating Panginoon Jesucristo ...................................


....................................................................Apoc. 14:1
Teacher’s Guide 8
Mga Mormons
1
At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama
niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang
Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo.

T. Bakit natin natiyak na ito ang ating Panginoon Jesucristo?

b. Sapagkat Siya ang Corderong tinutukoy.......................


.......................................................................Juan 1:29
29
Nang kinabukasan ay nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kaniya, at sinabi, Narito,
ang Cordero ng Dios, na nagaalis ng kasalanan ng sanglibutan!

T. Bakit nagkaroon ng gawain ang ating Panginoon Jesucristo sa sambahayan ni Israel at sa


sambahayan ni Juda?
2. Bunga ng bagong pakikipagtipan
...........................................................................................
...........................................................................................
Heb. 8:8-10
8
Sapagka't sa pagkakita ng kakulangan sa kanila, ay sinabi niya, narito, dumarating ang
mga araw, sinasabi ng Panginoon, Na ako'y gagawa ng isang bagong pakikipagtipan; sa
sangbahayan ni Israel at sa sangbahayan ni Juda. 9
Hindi ayon sa tipang aking
ipinakipagtipan sa kanilang mga magulang Nang araw na sila'y aking tangnan sa kamay,
upang sila'y ihatid sa labas ng lupain ng Egipto; Sapagka't sila'y hindi nanatili sa aking tipan,
At akin silang pinabayaan, sinasabi 10Sapagka't ito ang pakikipagtipang aking gagawin sa
sangbahayan ni Israel Pagkatapos ng mga araw na yaon, sinasabi ng Panginoon; Ilalagay ko
ang aking mga kautusan sa kanilang pagiisip, At sa kanilang mga puso'y aking isusulat ang
mga ito. At ako’y magiging Diyos nila, At sila’y magiging bayan ko.

T. Ano ang tawag sa mga unang bunga ng gawain ng ating Panginoon Jesucristo?
3. Iglesia ng mga panganay
...........................................................................................
...........................................................................................
Heb. 12:23
23
Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa
Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal,

T. Bakit Iglesia ng mga panganay ang itinawag?


4. Pangunahing bunga
...........................................................................................
...........................................................................................
Sant. 1:1, 18
1
Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa
labingdalawang angkan na nasa Pangangalat.
18
Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita
ng katotohanan, upang tayo'y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga
nilalang.

T. Ano ang katangian ng 144,000 na mga unang bunga?


5. Hindi nahawa sa babae o hindi nakasama sa pagtalikod
...........................................................................................
...........................................................................................
Apoc. 14:1-4
1
At tumingin ako, at narito, ang Cordero ay nakatayo sa bundok ng Sion, at ang kasama
niya'y isang daan at apat na pu't apat na libong may pangalan niya, at pangalan ng kaniyang
Ama, na nasusulat sa kanikaniyang noo. 2At narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na
gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malakas na kulog: at ang tinig na
aking narinig ay gaya ng sa mga manunugtog ng alpa na tumutugtog ng kanilang mga alpa:
3
At sila'y nangagaawitan na wari'y isang bagong awit sa harapan ng luklukan, at sa harap ng
apat na nilalang na buhay at ng matatanda: at sinoman ay hindi maaaring matuto ng awit
kundi ang isang daan at apat na pu't apat na libo lamang, sa makatuwid ay siyang mga binili
mula sa lupa. 4Ang mga ito'y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka't sila'y mga
malilinis. At ang mga ito'y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga
ito'y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa
Cordero.
Teacher’s Guide 9
Mga Mormons

Nota: Napatunayan natin sa ating pag-aaral na hindi totoo ang sinasabi ng mga
Mormon na ang tungkod ni Jose at ni Juda ay ang “Book of Mormon” at ang
Biblia. Ito ay pagdaragdag sa Banal na Kasulatan at ito’y mahigpit na
ipinagbabawal ng Diyos at may mabigat na kaparusahan.

Nota: Ito ay nasa dating Dokt3 serye 1977


a. Ang 12 tungkod at ang nakasulat..................................
.......................................................................Blg. 17:2

b. Benjamin ang anak ni Israel na pumisan sa Juda...........


.................................................................II Cron. 15:9

c. Ang basbas kay Ephraim...............................................


...................................................Gen. 48:13, 14, 17-20

You might also like