You are on page 1of 5

PATIN-AY NATIONAL HIGH SCHOOL

Carved-out School from ASSAT/DepEd


Accredited Tech-Voc High School
Pasulit sa Ikalawang Markahan
FILIPINO 11- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Pangalan: __________________________________Taon at Pangkat: ____________________Iskor: ___________


Guro: ____________________Petsa: _________Parent’s Printed Name and Signature:____________________

Panuto I: Basahin at unawain ang mga pahayag o katanungan sa bawat bilang. Mula sa apat na pagpipilian, piliin at itiman ang
titik ng iyong sagot sa inilaang sagutang papel. Huwag sulatan ang papel na ito.
1. “Akala ko ba ay okay na? Nagdadrama ka na naman. Di ba nga pagdating sa kapakanan ng pamilya, walang panga-panganay,
walang ate-ate, walang bunso-bunso? Ang meron lang . . . kapit-bisig!”
-Maya, Be Careful with My Heart, unang episode
a. interactional b. regulatoryo c. heuristico d. instrumental
2. Mace: Gaano katagal bago mo siya nakalimutan?
Anthony: Matagal
Mace: Gaano nga katagal? One Year? Two? Three? Four? Five?
Anthony: Importante pa ba ‘yun Ang mahalaga, nakalimutan.
-Mace at Anthony, That Thing Called Tadhana
a. heuristico b. instrumental c. interactional d. regulatoryo
3. Nais kong ulitin sa pagbanggit ang kasabihan ni Naval Ravikant na narinig ko sa DZRHTV sa programang Health Check na
lumabas noong Enero 14, 2024, “A fit body, a calm mind, a house full of love. These things cannot be bought- they must be
earned”.
a. impormatibo b. instrumental c. heuristico d. interactional
4. Habang naglalakbay si Ana sa iba’t ibang panig ng mundo ay kumukuha siya ng mga larawan at binabahagi sa pamamagitan ng
blog. Anong gamit ng wika ang napapaloob sa sitwasyon?
a. Instrumental b. Regulatoryo d. Heuristiko d. Representasyunal
5. Kung nais mong maaaliw at malibang, manonood ng humor blog. Ito ay:
a. Interactional b. Personal c. Instrumental d. Imahinatibo
6. Ang guro ay nagpost sa kanilang gc na kailangang ipasa ang pananaliksik hinggil sa wika at kultura bago ang ikalawang pasulit
peryodikal.
a. Personal b. Regulatoryo c. Heuristiko d. Representasyunal

Para sa aytem 7-8 ay kuha sa pelikula: Maynila sa Kuko ng Liwanag na isinulat ni Edgardo Reyes.
Nahirapan ang director sa construction site na tagpuan. Umabot ng apat o limang araw para matapos ang eksena dahil sa
kakulangan ng liwanag sa pook na iyon.
7. Anong elemento ang ginamit upang maipakita sa manonood ang tunay na pangyayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng
ilaw at lente ng kamera?
a. Sequence o Iskrip b. Disenyong Pamproduksyon c. sinematograpiya d. tunog at musika
8. Gumamit ang may-akda ng mga salitang biktima, pang-aabuso, pinaslang at pinatay. Ang mga salitang ito ay bulgar. Angkop ba
ang lenggwahing ginamit sa takbo ng mga pangyayari?
a. Hindi dahil ang mga salitang iyon ay pangmatanda lamang.
b. Hindi angkop ang mga salita sa mga batang manonood
c. Oo, upang makilala ang tagpuan ng mga pangyayari at kultural ng tauhan
d. Di tiyak dahil hindi ko nabasa / napanood ang pelikula.
9. Basahin ang paglalarawan ng tauhan Sa dulang “Sinag sa Karimlan” ni Dionisio S. Salazar,” Sa isang panig ng
pagamutan ng Muntinlupa ay naroroon sina Tony, isang binatang bilanggo dahil sa pagnanakaw. Si Ernan
na isang manunulat at professor sa Maynila na nakulong dahil sa pagsunog sa maraming aklat na nagpapakalat ng
maling impormasyon. Si Doming na nakulong dahil sa pagbaril sa kalaguyo ng misis at si Bok na labas masok na ng
kulungan”. Anong mga salita na naglalarawan ng kultural na kalagayan ni Tony.
a. panig ng pagamutan b. naroroon sina Tony c. binatang bilanggo d. dahil sa pagnanakaw

10. Sa anong sitwasyong pangwika ang kakikitaan ng estasyong AM o FM?


a. Diyaryo b. Radyo c. Pelikula d. Telebisyon
11. Ano ang katotohanan sa sitwasyong pang wika sa pelikula?
I. Mas tinatangkilik ang banyaga kaysa local na pelikula
II. Gumamit ng midyum na Filipino ang local na pelikula
III. Ingles ang karaniwang pamagat ng mga pelikulang Pilipino.
IV. Gumamit ng midyum na English ang local na pelikula
a. I at II lamang b. III at IV lamang c. I at IV lamang d. II at III lamang

12. Bakit kaya tinuturing na pinakamakapangyarihang media ang Telebisyon?


a. dahil ito ang kadalasang ginagamit ngayon ng mga Pilipino.
b. sapagkat halos lahat ng estasyon ay gumagamit ng Filipino sa iba’t ibang barayti
c. Ginagamit ito sa probinsyang may mga programang gumagamit ng rehiyonal.
d. Maraming mamamayang nakarating na sa malayong pulo o sa ibang bansa.
13. Sino ang hahanapin ng kostumer sa restoran para umorder ng pagkain?
a. bookkeeper b. manager c. saleslady d. waiter
14. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang
mga salitang lesson plan, quiz, essay at grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang mga nakapo sa harap niya.
a. Coňo b. Jejemon c. Register d. Sosyolek
15. Nakadudurog-puso ang sinapit ng mga táong ito nang mawasak ang bangka nila matapos banggain at iwanan sa
gitna ng laot.
a. Hustisya b. Kalakalan c. Pangingisda d. Manggagawa
16. Pinakamodernong gadget na ginagamit halos nang lahat ng tao para sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa na puwedeng dalhin
kahit saan.
a. cellphone b. megaphone c. microphone d. telephone

Para sa aytem 17-19, basahing mabuti ang teksto at ibigay ang hinihingi:
Kapansin-pansin ang patuloy na paglaganap ng teknolohiya sa ating bansa lalo na ang patuloy na paglabas ng mga
makabagong produkto tulad ng tablet at iPad ng Apple. Sanhi ng patuloy na pag-unlad ng makabagong panahon ay ang pag-
uso ng paggamit ng pinaikling salita tulad na lámang ng “ansaveh” na pinaikli ng salitang “Ano’ng masasabi mo doon?” upang
mapadali ang ating pakikipag- uganayan; dito nawawalang silbi ang mga nakasanayang salita ng ating mga kapuwa.
17. Ibigay ang angkop na pamagat ng teksto.
a. Makabagong Produkto b. Pinaikling Salita
c. Paglaganap ng Teknolohiya d. Epekto ng Teknolohiya
18. Ano ang ginawa natin sa mga salita upang mapadali ang ugnayan sa kapwa?
a. Gumamit tayo ng acronym b. Gumamit tayo ng salitang pinaikli
c. Gumamit tayo ng teknolohiya d. Gumamit tayo ng slang words
19. Tukuyin sa sumusunod ang resulta ng pagpapaikli ng salita:
a. nasanay tayo sa pagsulat ng maling baybay b. hindi na tayo marunong sumulat
c. nabago ang takbo ng ating buhay d. umaasa tayo sa teknolohiya
20. Pinag-uusapan sa balita ang computer at binanggit ang virus. Ano ang virus?
a. bahagi ng computer b. malware na sumisira sa sistema ng computer
c. organismo na nagdudulot ng sakít d. nakahahawang sakit ng tao
21. Kailangan ang matamang pakikinig dito upang lubos na maintindihan ang sinasabi nang hindi nakikitang nagbabalita.
a. komiks b. cell phone c. pahayagan d.radyo
22. Bakit kinakailangang maging mapanuri sa mga salitang ginagamit sa mga balita sa radyo at telebisyon?
a. Makaiwas sa mga mali sa gramatika b. Maiwasan ang di tuwirang pagbibigay ng opinyon
c. Maging bukás at mapanuri sa nilalaman ng mga balita d. Maging alisto sa mga nangyayari sa paligid
23.. Pinag-aralan ni Ana ang wastong gamit ng mga salita. Siya ay magaling sa pagsusuri sa ayos at bahagi ng
pangungusap. Anong kakayahang komunikatibo ang tinataglay ni Ana?
a. Sosyolingwistiko b. Lingguwistiko c. Discorsal d. Pragmatic
24. Napakahusay ng isang tagapagsalita. Maraming impormasyong ibinigay at magaling din gumamit ng di-berbal. Ang
kakayahang taglay niya ay _______________.
a. Sosyolingwistiko b. Lingguwistiko c. Discorsal d. Pragmatic
25.. Nakasanayan sa pulong na magsalita lamang kung tinatawag. Tinitiyak ng nagsasalita na maayos at magalang siya sa
pagsasalita. Ang ganitong kakayahan ay tinatawag na ____________.
a. Lingguwistiko b. Sosyolingwistiko c. Discorsal d. Pragmatic
26. “Kapag ang tubig ay magalaw, ang ilog ay mababaw”.
a. Ang táong walang kibo, nasa loob ang kulo. b. Ang táong masalita ay maraming nalalaman.
c. Ang táong matabil ay may konting alam. d. Maligo lamang sa ilog na mababaw.

27.“Uy! Ikaw pala ang nanalo sa patimpalak sa Spoken Word Poetry, alam mo masarap ang kape d’yan sa labasan.”
a. Masarap ang kape sa labasan b. Nais na magpalibre ng kape sa labasan
c. Pinamamalita na masarap ang kape sa labasan d. Pinamalita ang pagkapanalo sa Spoken Word Poetry
28. Ang mga magsasaka ay maagang lumulusong sa bukid upang hindi gaanong mainit ang kanilang
pagtatrabaho, samantalang ang mga manggagawa sa Maynila ay lumulusong din sa baha bago makarating sa
opisina.
a. batay sa lugar b. batay sa kausap c. batay sa panahon d. batay sa pinag-uusapan
29.“Naku, mam, mababait po ang mga batang ito. Masunurin po sila at lagi po nilang pinanatili ang kalinisan at kaayusan sa loob
ng silid-aralan,” ang mahinahon at malambing na wika ni Gng. Delos Reyes sa aming punong- guro. Subalit kapag kami na lamang
ay ito ang maririnig mo sa kaniya, “maglinis nga kayo ng silid at para na itong kulungan ng baboy”.
a. batay sa lugar b. batay sa kausap c. batay sa panahon d. batay sa pinag-uusapan
30.“Ma’m, sir, heto po ang upuan umupo po kayo at medyo malayo pa po ang ating lalakbayin,” ito ang madalas na maririnig mo
kay Kuya Nato tuwing umaga dahil halos mga empleado ang kaniyang pasahero. Subalit pagsapit ng hápon at mga estudyante
ang kaniyang sakay ay ito ang maririnig mo sa kaniya, “ kaunting isud-isod, maluwag pa sa gitna” na meron pang kaunting
pasigaw.
a. batay sa lugar b. batay sa kausap c. batay sa layunin d. batay sa pinag-uusapan
31. “Baka magkasakit na kayo niyan. Hindi masamang tumulong sa kapwa, kaya lang, talagang malaki na ang ipinangayayat
ninyong dalawa.” - Genoveva E. Matute, Jesus, Nariyan Ka Pa Ba?
a. Pagtutol b. Panunuya c. Paniniyak d. Pagpapaliwanag
32. “Mas mapapadali sana ang paggawa ng riserts kung ipagsasama-sama natin ang ating kaalaman at mga
kagamitan”
a. Nais maghanap ng gagawa at sasagot sa gagastusin ng riserts.
b. Nagpapahiwatig na pangkatan ang pagsasagawa ng pananaliksik.
c. Nagpaparinig na makabubuti kung magtutulungan ang bawat miyembro.
d. Sa sama-samang paggawa ay matitiyak ang kasiyahan sa bawat isa.
33. “Nagkasabay-sabay na ang mga gawain, hindi ko na alam ang uunahin, pero madali lang naman sana ang riserts, ang
problema lang talaga,ilang araw lang at ipapasa na kaagad”
a. Walang ginawa dahil hindi na alam ang uunahin
b. Nagrereklamo sa sabay-sabay na pagbibigay ng gawain
c. Naiinip at gustong matapos kaagad ang ginagawang riserts
d.Gustong humiling nang mas mahabang oras sa pagsasagawa ng pananaliksik.
Para sa aytem 34 -35 ay basahin ang kritikal na sanaysay na pinamagatan: Guro ng Bagong Siglo

Guro ng Bagong Siglo


Ang pagiging guro ay mahirap na propesyon. Laging dala ay lesson, sa klasrum siya’y maghápon. Sa bigat ng
tungkulin, sarili’y di na pinapansin kayâ minsan kung mamalasin, pneumonia at high blood laging kapiling. Ang
kaniyang suweldo’y pílit na pagkakasiyahin at minsan ang bangko’y kaniya ring dadalawin. Iba-ibang bisnes lahat
ay gagawin, magkaroon lamang ng kaunting kikitahin. Masaklap pa nitó ang batang sisitahin, pati hukuman
kaniya ring mararating. Nakalulungkot pa, laman ka ng Facebook nila, pati sa Messenger ikaw pa rin ang bida.
Dakila ka talaga, guro ka ng milenya dahil ga’no man kalayo ng inyong distansiya sa kanila, nagbibigay ka ng
hustisya magkaroon lang sila ng kita sa leksiyong iyong itinitinda. Malayo na nga talaga sila, dahil ang mga
kabataan, wala ng pagkilala, kayâ dapat na maging sentensiya, ay turuan sila ng mataas na disiplina, sa mga
gurong pag-asa ng eskuwela, at kahit ano pa ang sabihin nila, hindi mabubura ang katotohanan anumang
paghihirap ng guro, laging may panahon sa ikatututo ng eskuwela at ang dedikasyon at pasyon ay laging buháy
saanmang panahon at henerasyon.
Mabuhay ang mga guro sa bágong bersiyon.

34. Bakit itinuturing itong kritikal na sanaysay?


a. Nakagamit ng rehistro ng wika kaugnay sa paksa. c. Ginamitan ng salitang English gaya ng pneumonia at iba pa
b. Ang pamagat ay naglalarawan sa isang guro d. May kaugnayan ang mga ideya sa paksa
35. Mga salitang may kaugnayan sa komersiyo maliban sa ________
a. Kikitahin b. itinitinda c. hustisya d. kita
36. Ang sumusunod ay dapat na isinasaalang-alang sa pagsulat ng kritikal na sanaysay maliban sa _______________.
a. kaisahan ng tono, maayos na pagkakabuo b. matalinong pagpapakahulugan, tema, at nilalaman
c. may súkat, tugma, at indayog ng mga salita d. gumagamit ng wika sa bawat sosyal at kultural na pangkat
37. Sa saliksik na pinamagatang: “Swak ba o ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament?”, na
saliksik nina Almoete, Banggad, at Garferio, ano ang nais na masagutan ng mananaliksik?
I. Epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT?
II. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang mambabasa nito?
III. Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino lalo na sa pananampalataya nito?
IV. Nakakamit ba ng mga mananaliksik ang gustong wika para mananampalataya ang mga Pilipino?
a. Lahat ng binanggit b. wala sa binanggit c. I, II at III lamang d. II, III at IV lamang

38. Mula sa pamagat ng pananaliksik na Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New
Testament?, masasalamin ba ang kulturang Filipino?
a. Oo, sapagkat ang paggamit ng Pinoy New Testament ay nagpapakita ng pananampalataya
b. Oo, sapagkat ang paggamit ng wikang taglish ay hindi bahagi ng ating kultura
c. Hindi, sapagkat ang Pinoy New Testament na gumagamit ng taglish ay hindi tanggap
d. Hindi, sapagkat ang wikang taglish at Pinoy New Testament ay walang kaugnayan sa isa’t –isa
39. Ibigay ang rekomendasyon ng pananaliksik sa aytem 37.
a. swak o ligwak para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ang pagsasalin sa wikang taglish ng Pinoy New Testament
b. sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan
ng estatistikal
c. lumabas sa pag-aaral na ang Pinoy New Testament na gumagamit ng taglish ay “lubos na epektibo”
d. gamitin ang Pinoy NT na may taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga
kabataang Pilipino
40. Bahagi ng Kabanata 1 ng pananaliksik na binubuo ang mga katanungan na nagmumula sa pamagat ng saliksik, mga
katanungang siyang bibigyang-kasagutan sa kabuoan ng pag-aaral.
a. Panimula o Rasyunal b. Paglalahad ng Suliranin c. Kahalagahan ng Pag-aaral d. Batayang Konseptwal
41. Ang bahaging ito ay nagpapakilala ng halaga ng may akda batay sa konteksto o kaligiran nitó, at nagbibigay ng layunin ng
pananaliksik. Tinatalakay dito ang batayan ng pag-aaral. Madalas nagmumula sa pangkalahatang ideya ng mga umiiral na batas
at polisiyang may kaugnayan sa pananaliksik.
a. Panimula o Rasyunal b. Paglalahad ng Suliranin c. Kahalagahan ng Pag-aaral d. Batayang Konseptwal
42. Sa pagpipili ng kalahok ng pananaliksik, anong paraan ng pagpipili kung saan nilagyang bilang ang lahat ng mga kalahok sa
pananaliksik at kinuha ang bilang na may tamang pagitan sa sunod na bilang.
a. Simple Random Sampling b. Systematic Random Sampling c. Cluster RandomSampling d. Stratefied Random
Sampling
43. Tukuyin ang pang-ugnay na ginagamit sa pangungusap na ito: “Isang rekomendasyon ng pag-aaral na gawin pang mas
malakas ang pag-aaral upang magiging mas makatotohanan ito”.
a. rekomendasyon b. pag-aaral c. upang d. makatotohanan
44. Ang maka-Filipinong pananaliksik ay tumutugon sa pangangailangan ng kapuwa Pilipino ___________________ ang
makikinabang ay kapuwa Pilipino.
a. Kapag b. Ngunit c. Sapagkat d. Samakatuwid
45. Pag-ugnayin ang mga pangungusap upang makabuo ng maayos at organisadong talata.
I. Pakuluin lang at puwede nang ihain ang classic adobong baboy
II. Una, i-marinade ang karne ng baboy sa pinaghalo-halong toyo, bawang, sibuyas, at paminta sa loob ng 30 minuto o
higit pa.
III. Kapag lumambot na ang karne, dagdagan ng tubig at toyo kung nais mong may sabaw. Lagyan ng suka, asin, at
asukal. Depende ang dami sa iyong panlasa.
IV. Isalang ang magkahalong karne ng baboy, toyo, bawang, sibuyas, at paminta. Lutuin sa mahinang apoy hanggang sa
lumambot ang karne.
a. II, I, IV, III b. IV, III, II, I c. I, IV, II, III d. II, IV, III, I
46. Pag-ugnay-ugnayin ang mga pangungusap upang makabuo ng isang talatang magkakaugnay ang idea.
I. Samaktuwid, ang wika ay ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura
II. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan nitó ang kultura ay maiintindihan at
mapahalagahan maging sa mga táong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura.
III. Habang natutuhan ng isang bata ang kaniyang katutubong wika, unti-unti rin niyang nakukuha ang kaniyang kultura.
IV. Ang kulturang ito ay nabibigyang-anyo, naipahayag, at naipaása sa ilang henerasyon sa pamamagitan ng wika.
a. I, II, III at IV b. II, III, IV at 1 c. III, IV, II at I d. IV, III, I at II
Pasulit II. Pagsusulat. Sumulat ng panimula o introduction ng pananaliksik na pinamagatan: Epekto ng Telebisyon sa Pagtuturo ng
Filipino sa Baitang 11 Taong Pampaaralan 2023-2024. 5 puntos

Inihanda ni: Iniwasto at Sinuri ni : Aprubado ni:


Geramie R. Hipolito Cheryl P. Plaza,MAN,RN,RM,LPT Marilou P. Curugan, DM-HRM
Teacher I Head, SHS Department Principal IV

You might also like