You are on page 1of 2

Brent Andrei B.

Caracuel
ECE-2205

MIGRASYON
Problema nga ba o solusyon ?

Sa panahon ngayon, maraming mga Pilipino ang nangingibang bansa upang tustusan ang mga

pangangailangan ng pamilya kasama narin ang pag abot sa kani-kanyang pangarap. Maari nating tingnan

sa positibo at negatibong perspektib ang migrasyon.

Bilang isang estudyante palang naririto ang aking saloobin sa matagal ng isyu sa ating bansa. Ako

ay pinagkalooban ng may kapal ng isang biyaya na makapunta sa ibang bansa kung saan nag tatrabaho

ang aking ina. Laking gulat ko dahil sa paglapag ko’y puro Pilipino ang aking natunghayan, na umabot sap

unto na ang aking nararamdaman ay parang pilipinas lang pala to nag-iba lang ang kapaligiran dahil sa

daming Pilipino ang nakikipagsapalaran at nanatili mabuhay duon. Sa aking paglalakbay sa bansang Abu

dhabi, sa pagkain sa mga restaurant, pagbili sa kanilang market at pag-papahangin ay talagan Pilipino

ang makakasalubong mo at Pilipino din ang mga karaninwang na nagtatrabaho sa bawat gusali duon.

Nakakamangha lang dahil hindi ko naramdamang malayo ako sa inang bayan. Wala akong nakitang

negatibong perspektibo sa kanilang pananatili duon ngunit sa bansa natin ay meron.

Ang pilipinas ay kilala bilang isang mayaman sa kapaligiran na bansa, ngunit mga dayuhan ang

nakikinabang. Estudyante palang ay marami nang nangangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa,

bakit? Dahil nakikita nila na duon maabot ang pangarap nila. Dito sa pilipinas maraming kurap na parte

ng politika kaya nanatiling mahirap ang bansa. Isa din sa pinakamalaking problema dito ay and sahod,

napakaliit ng sahod pero napakamahal ng bilihin o mga kelangan sa pamumuhay. Hindi balance ang

ekonomiya dahil sa mga taong naghihirap ngunit hindi nakakatanggap ng tamang sahod katulad ng

magsasaka, konstraktor at mangingisda. Kung mapapansin mo mas malaki pa ang kinikita ng

napagbentahan kaysa sa mga nanghuhule or nagsasaka hindi balanse talga balanse ekonomiya dito. Lalo
na sa batas, ang batas sa pilipinas ay para lang sa mayayaman at may kapangyarihan. Sino pang

gugustuhin tumira sa ganong bansa? Isa yan sa mga tanong na dapat malutas ng bansa. Napakadaming

Pilipino nagtatrabaho sa ibang bansa dahil nakakatanggap sila ng karapat dapat na sahod sa kanilang

tinapos samantalang dito kahit walang tinapos nagiging nagiging parte ng politika at ginagawang

perahan ang katungkulan. Hindi ko ibinababa tingin sa mga hindi nakatapos dahil may mga trabaho na

kinakailangan ng pagbabasehan. Marami akong kilala na hindi nakapagtapos na nagtagumpay na sa

buhay na hindi gumagamit ng kapangyarihan o posisyon para makamit ang ninanais. Napakadaming

propesyonal na Pilipino ang nangingibang bansa dahil nandon yung tamang sahod para sa kanila, kapag

bumalik sila sa pilipinas maaring ito ang maging simula ng pag-angat.

Nabanggit ko na ang mga positibo at negatibong perspektib ko sa migrasyon, isa sa mga

solusyon dito ay ang balanse na ekonomiya, pantay-pantay na pagtingin sa bawat tao dito. Taasan ang

sahod ng mga karapat-dapat habang tumataas ang mga bilihin. Pumili ng tamang lider na sa tingin natin

ay hindi gagawing perahan ang posisyon kundi para gawing puhunan ito para sa pag angat ng bansa.

Tamang pagbabayad ng buwis at tamang pag konsumo neto. Sana dumating ang panahon na mas pipiliin

ng mga Pilipino na manirahan dito kaysa ibang bansa, masasabi ko na uunlad ang bansa dahil ang

magagaling na Pilipino ay pinili ang kanilang bansa para umangat habang inaabot ang kanilang pangarap.

You might also like