You are on page 1of 7

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pangalan: _________________________________________ Petsa: _____________________


Lagda ng Magulang: _________________________________ Puntos: ____________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tinutukoy na kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga
bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay?
A. Dignidad B. Tungkulin C. Karapatan D. Karunungan

2. Ano ang kahulugan ng pahayag ni Stan Lee (isang manunulat ng komiks na Spiderman) na, “With great
power comes great responsibility”?
A. Kung may karapatan, ipaglaban mo.
B. Maganda ang pagkakaroon ng kapangyarihan.
C. Mas mabigat ang gawain ng taong maraming tungkulin.
D. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyong moral.

3. Sino sa mga mag-aaral ang gumagawa ng kaniyang tungkulin na mapangalagaan ang kaniyang sarili?
A. Si Ed na nagiging magaling sa klase kahit kaunti lang ang tulog dahil sa pag-aaral.
B. Si Marlo na hindi tumitigil sa pagsasanay ng gymnatics para manalo sa paligsahan.
C. Si Jessie na ginagawa ang lahat na gustong gawin upang magiging masaya palagi.
D. Si Jean na naging maingat sa kaniyang mga post sa social media upang mapangalagaan ang
kaniyang pagkatao.

4. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa
mga sumusunod ang hindi ipinahihiwatig nito?
A. Nakabatay ito sa Likas na Batas Moral.
B. Nakasalalay ito sa malayang isip ng tao.
C. Nakasalalay ito sa taglay na kilos-loob ng tao.
D. Nagkakaroon ito ng epekto sa sarili at sa mga ugnayan kung hindi ito tinututupad .

5. “May kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan”. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Tungkulin nating pangalagaan ang karapatan upang igalang tayo ng kapuwa.
B. Tungkulin nating alagaan ang karapatan ng kapuwa upang makatulong sa kanila.
C. Tungkulin nating isagawa ang ating gawain ayon sa alam nating nararapat dahil tayo ay may
karapatan at dignidad bilang tao.
D. Tungkulin nating pahalagahan ang karapatan sa paggawa ng ating obligasyong gawin o hindi
gawin ang isang bagay ayon sa Likas na Batas Moral.

6. Si Mang Danilo ay napatalsik sa kaniyang trabaho dahil hindi niya sinunod ang mga
patakaran ng kanilang pagawaan. Nilabag ba ang karapatan niyang maghanapbuhay?
A. Oo, dahil nawalan ng ikabubuhay ang kaniyang pamilya.
B. Oo, dahil may karapatan rin siyang magpahayag sa kaniyang opinyon sa trabaho.
C. Hindi, dahil may tungkulin rin siyang sumunod sa mga patakaran at layunin ng kanilang
pagawaan.
D. Hindi, dahil matigas ang kaniyang ulo at napahihirapan niya ang kaniyang mga kasamahan sa
trabaho.
7. Labingwalong taong gulang na si Jade at nag-aaral pa. Ayon sa batas, maaari ng makapag-asawa ang
edad 18 pataas. Pero hindi pa rin siya pinahihintulutang mag-asawa. Ano ang malalim na dahilan ng mga
magulang niya?
A. Ayaw ng kaniyang mga magulang sa mapapangasawa niya.
B. May obligasyon pa siya na mapaaral ang mga kapatid at maipaayos ang kanilang bahay.
C. Hindi pa siya nakapagtapos ng pag-aaral at hindi pa niya naabot ang kaniyang pangarap sa buhay.
D. Hindi pa siya handa sa mga responsibilidad sa buhay may asawa at nararapat na mahubog muna
niya sa sarili ang mapanagutang pagpapasiya.

8. Bakit kailangan pang kumuha ng passport o visa bago makapunta sa ibang bansa gayong may karapatan
naman tayong makapunta sa ibang lugar?
A. Dahil dapat may proteksiyon ang manlalakbay at ang bansang pupuntahan.
B. Dahil kailangan ang listahan sa mga taong umaalis at papasok sa isang bansa.
C. Dahil dapat malaman ng pamahalaan kung saan-saang mga bansa ka pumupunta .
D. Dahil nararapat magbayad ng buwis ang mga taong nais maglakbay sa ibang bansa.

9. Si Omar ay balak magtinda sa kantina ng paaralan. Ano ang mas mabuting itinda niya?
A. Softdrinks para malaki ang kita.
B. Kendi, junk food at pandesal para sa meryenda.
C. Mga palamuti gaya ng hikaw, stickers at iba pa.
D. Mga ulam na gulay at prutas para sa tanghalian.

10. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na kabuluhan sa paggawa ng tungkulin MALIBAN sa:
A. Naglilinis si Hannah sa paaralan upang purihin ng kaniyang guro.
B. Inaayos ni Yuri ang sirang gripo ng tubig upang hindi maakasaya ito.
C. Ginagawa ni Arnel ang gawaing bahay upang makapagpahinga si inay.
D. Nag-aaral si Miguel nang mabuti at nakikinig sa talakayan upang matuto.

11. Ang sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao MALIBAN sa isa.


A. Terorismo C. Pagpatay sa sanggol.
B. Iligal na pagmimina . D. Diskriminasyong pangkasarian.

12. Problema ang basura sa paaralan ni Carl. Isa sa naging solusyon ay ang
pagkakaroon ng programang “Basura Ko Sagot Ko”. Ano dapat ang tugon ni Carl dito?
A. Magkaroon ng ibang paraan sa pagtapon ng basura.
B. Gawin ito at ayusin din ang sistema ng basura sa bahay.
C. Walang tamang lalagyan ng mga basura sa kanilang bahay.
D. Sagabal sa kaniyang pag-uwi ang magdala ng basura sa bahay.

13. Mahihirapang makapasa si Art sa Math sa Ikalawang Markahan. Ano ang gagawin niya?
A. Magpa-iskedyul ng remedial exam sa guro ng Math.
B. Manghingi ng solusyon sa problema sa Math sa kaklase.
C. Mag-aral sa bahay ng Math kahit pa laging mapuyat sa gabi.
D. Magkaroon ng mabuting paraan sa pag-intindi sa mga paksa sa Math.

14. Alin sa sumusunod na mga batas ang naaayon sa Likas na Batas Moral?
A. Batas na nagpapalaya sa mga tao sa kanilang moral na obligasyon.
B. Batas na nagpapawalang bisa sa mga kaparusahan ng mga may sala.
C. Batas ng pagkakaroon ng TESDA para sa mga hindi makapagkolehiyo.
D. Batas na pumuprotekta sa pag-aari ng mga naglilingkod sa pamahalaan.

15. Ano ang dapat gawin ng isang prinsipal sa mga mag-aaral na napatutunayang
gumagamit ng ilegal na droga?
A. Tanggihan ang mga mag-aaral na ito na mag-enrol sa darating na pasukan.
B. Magkaroon ng programang counseling and rehabilitation ng nasabing mag-aaral.
C. Paglaanan sila ng isang silid upang maihiwalay sila sa mga mabubuting mag-aaral.
D. Ipakulong sila dahil sa paglabag sa batas at para hindi na makaimpluwensiya sa iba.

16. Aling panukala ng shopping mall ang lumalabag sa pagtugon sa pangangailangan ng tao?
A. Pagbibigay ng sapat na palikuran sa mga mamimili.
B. Pagpapatupad ng patakaran na No Return, No Exchange .
C. Pagbabawal sa pagpapasok ng pagkain o anomang inumin.
D. Masususing inspeksyon sa bag ng mga mamimili para proteksyonan ang lahat.

17. Bakit nararapat tutulan ang mga panukala na nagpapanganib ng kabutihang panlahat?
A. Dahil sa Prinsipyong First Do No Harm.
B. Dahil dapat sundin ang Universal Declaration of Human Rights.
C. Dahil sa karapatan ng Kalayaan na Makapag-isip, at Kalayaang Makapagpahayag.
D. Dahil dapat alagaan at igalang ang dignidad ng tao at makamit niya ang kaganapan.

18. May panukala ang mga mag-aaral sa Baitang 9 na alisin ang takdang aralin. Kaya may nakatakdang
miting para rito ang mga guro, mag-aaral at magulang. Ano ang nararapat mong gawin upang maipakita na
ang pasiya mo ay tungo sa kabutihang panlahat?
A. Pupunta upang ipilit na sang-ayunan ang panukala.
B. Hindi pupunta sa miting dahil natatakot masali sa gulo.
C. Pupunta sa miting upang magkaroon ng update sa mga pangyayari.
D. Pupunta sa miting at ibahagi ang paniniwalang mas makabubuting may takdang aralin.

19. Alin ang nagpapakita ng paglabag sa batas at paghadlang sa kabutihang panlahat?


A. Pagpatupad ng mga programang pangkabuhayan ng pamahalaan.
B. Paghuli sa mga nagbebenta ng ilegal na droga at pagpaparusa sa kanila.
C. Paggabay ng magulang sa anak upang mahubog ang kaniyang pagpapakatao
D. Pagsama sa mga grupo na ang hangarin ay batikusin at siraan ang nasa gobyerno

20. Ano ang karapat-dapat gawin ng mga mambabatas para sa kabutihang panlahat?
A. Pagtibayin ang proseso ng eleksyon.
B. Magkampanya para sa karapatan ng mga mamamayan.
C. Pakinggan ang lahat ng reklamo ng mga sektor ng lipunan.
D. Gawing batayan ang Likas na Batas Moral sa paggawa at pagpasa ng mga batas.

21. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas upang mapangalagaan ang karapatan ng bawat isa. Alin sa
mga sumusunod ang tunay na diwa nito?
A. Ingatan ang mga nagbibisyo. C. Ingatan ang interes ng ilan lamang.
B. Itaguyod ang karapatang- pantao. D. Protektahan ang mga mayayaman lamang.

22. Ito ang tinatawag na pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at mga
ugnayan.
A. Batas B. Moral C. Mabuti D. Konsensya

23. Ang ________________________ ay gabay para kilatisin kung ano mabuti at tama.
A.puso at isip B. isip at ugali C. kakayahan at talento D. yaman at popularidad
24. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagtugon sa mabuti na nagpapalalim ng ating dignidad
bilang mamamayan sa lipunan na ating ginagalawan?
A. Buhay B. Moral C. Kalusugan D. Kawanggawa

25.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng gabay upang makita ang halaga ng tao, naisasatitik ng mga
ito ang anumang makatutulong sa pagpapayabong ng tao at mga natutuhan na karanasan sa pagdaan ng
panahon?
A.Isip B. Makatao C. Konsepto D. Batas Moral

26. Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?


A. Kalayaan B. Dignidad C. Karapatan B. Isip at kilos-loob
27. Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at
maitaas ang antas ng pamumuhay?
A. Karapatan sa buhay. C. Karapatan sa pribadong ari-arian.
B. Karapatang maghanapbuhay. D. Karapatang pumunta sa ibang lugar.

28. Ang mga karapatan ay:


A. Mga pangangailangan ng iilan.
B. Mga dapat gampanan na tungkulin.
C. Ang mga bagay na nararapat sa bawat nilalang.
D. Ang mga bagay na dapat gampanan ng bawat nilalang.

29. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama tungkol sa pananagutan o tungkulin?
A. Ito ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.
B. Ang bawat karapatan na tinatamasa mo bilang tao sa lipunan ay may katumbas na tungkulin.
C. Maaaring magbigay ng kaligayahan kung maisasagawa mo nang maayos ang paggawa ng
mabuti sa kapwa.
D. Lahat ng nabanggit

30. Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa mga sumusunod ang HINDI ibig sabihin nito?
A. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan.
B. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
C. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
D. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang
mga bagay na kailangan niya sa buhay.

31. Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa
sumusunod ang HINDI ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
B. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
C. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.

32. Anong karapatan na batay sa encyclical na “Kapayapaan sa Katotohanan” (Pacem in Terris) ang
ipinakita ng tauhan?”Itinakas ni Josue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang
takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.”
A. Karapatang mabuhay.
B. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas.
C. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon).
D. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
33. Ano ang pinakamainam na gawin upang maipakita ang iyong karapatan?
A. Kukomprontahin ko ang mga taong naninira.
B. Mananahimik na lang ako parang walang gulo.
C. Sisiraan ko rin ang mga taong naninira sa akin.
D. Ipagtatanggol ko ang aking dignidad sa mga taong naninira.

34. Hindi ka nakalahok sa Brigada Eskwela ng inyong paaralan dahil inalagaan mo ang iyong bunsong
kapatid na maysakit ngunit ikaw ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na
paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang iyong ipinakita?
A. Pagsuporta B. Impormasyon C. Konsultasyon D. Sama-samang Pagkilos

35. Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?


A. Iniiwasan ni Mila na kumain ng karne at matatamis na pagkain.
B. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
C. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batangkalye.
D. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabus.

36. Ang Likas na Batas Moral ay hindi ________________. Hindi ito isang malinaw na utos kung ano ang
gagawin ng tao sa iba’t ibang pagkakataon. Gabay lamang ito upang makita ang halaga ng tao.
A. GPS B. kompyuter C. remote control D. instruction manual

37. Ang kaisa-isang batas na sinasang-ayunang ng lahat ay______________


A. maging makatao. C. maging maka-hayop .
B. maging makamasa . D. maging maka-bansa.

38. Ang tama ay pagsunod sa mabuti, ito ay totoo dahil __________________.


A. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.
B. Angkop sa pangangailangan at kakayahan
C. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon.
D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang.

39. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
A. Walang nasasaktan C. Makapagpapabuti sa tao.
B. Ito ay ayon sa mabuti. D. Magdudulot ito ng kasiyahan

40. Paano mo maisasabuhay ang pagiging makatao?


A. Magbigay oras sa sarili. C. Pagkampi sa kaibigan kahit mali.
B. Pagiging matulungin sa kapwa. D. May pagmamahal sa ari-arian ng pamilya .

41. Sa paanong paraan natutuhan ang Likas na Batas Moral?


A. Naiisip na lamang. C. Mula sa nakikita sa mga kaibigan.
B. Itinuro ng bawat magulang. D. Mula sa ibinubulong ng konsensiya.

42. Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa.


A. Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.
B. Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa.
C. Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhain.
D.Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapuwa.

43. Ano ang obheto ng paggawa?


A. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha.
B. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.
C. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.
D. Kalipunan ng mga gawain, “resources”, “instrument” at teknolohiya na ginagamit ng tao upang
makalikha ng mga produkto.

44. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


A. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.
B. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao.
C. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.
D. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto.

45. Sa pamamagitan ng paggawa, nakakamit ng tao ang sumusunod MALIBAN sa isa.


A. Napatataas ang tiwala sa sarili.
B. Napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain.
C. Nalilimutan ang oras sa pamilya dahil abala sa paggawa.
D. Nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan.

46. Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa?
A. Dignidad B. Pakikilahok C. Pananagutan D. Bolunterismo

47. Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikalahok?


A. Dignidad B. Karapatan C. Tungkulin D. Pananagutan

48. Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?


A. Mas higit niyang nakilala ang kaniyang sarili.
B. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
C. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
D. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.

49. Ano ang makakamit ng lipunan kung ikaw at ang bawat isa ay magsasagawa ng pakikilahok at
bolunterismo?
A. Pag-unlad B. Pagkakaisa C. Kabutihang Panlahat D. Pananagutan

50. Ano-ano ang dapat makita sa iyo bilang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
A. Talento, Panahon, at Pagkakais. C. Kayamanan, Talento, at Bayanihan.
B. Panahon, Talento, at Kayamanan. D. Pagmamahal, Talento, at Kayamanan.

You might also like