You are on page 1of 31

Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

1|Pahina
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

Northern Christian College


The Institution for Better Life
Nurtured in Christ, Centered in Christ,
Commissioned in Christ

NCC’s Fair Use Disclaimer

In the preparation of distance-learning modules and online-accessible lessons for our students
during the CoVid-19 pandemic, the faculty members of Northern Christian College (NCC) included
some copyrighted material, the use of which were not always specifically authorized by their copyright
owners. NCC used such material in good faith, believing that they were made accessible online to help
advance understanding of topics and issues necessary for the education of readers worldwide. NCC
believes that, because such material is being used strictly for research, educational, and non-
commercial purposes, this constitutes fair use of any such material as provided for in Section 185 of
the Copyright Law of the Philippines; and

Section 177 of the US Copyright Law. No work in its entirety (or substantial portions thereof)
was copied; only isolated articles and brief portions were copied/provided links in the modules and
online lessons. Also, all our students are informed of proper attribution and citation procedures when
using words ideas that are not their own.

2|Pahina
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

Desripsyon ng Kurso:

Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa

kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-

kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon

ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit

ng iba’t ibang tradisyonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t

ibang antas at larangan.

Talaan ng Nilalaman

NCC’s Fair Use Disclaimer…………………………………………………………..…2

Deskripsyon ng Kurso…………………………………………………………………..3

Pamantayang Pampagkatuto………………………………………………………........4

YUNI YUNIT VIII: Mga Proyekto ng Pamahalaan Tungo sa Kagalingang Pambayan


at Pambansang Kaunlaran…………………………………………………..………………..…5

Pansariling Pagtataya (SAQs)..…………………………………………………………24

Mga Gawain…………………………………………………………………………….25

3|Pahina
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

Pamantayan sa Pampagkatuto

Layunin ng kursong ito ang mga sumusuod;

 Maipapaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa kontekstwalisadong

komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa;

 Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikayon sa lipunang

Pilipino;

 Maipaliwanag ang mahigpit na ugnayan ng pagpapalas ng wikang Pambansa, pagpapatibay ng

kolektibong identidad at pambansang kaunlaran;

 Magamit at mabigyang halaga ang sariling wika at kultura bilang tatak ng pagka-Filipino;

 Mapagtatala ng iba’t ibang terminolohiya sa iba’t ibang rehistro ng wika.

Ang mga Inaasahang bahagi ng modyul 5,

YUNIT VIII: Mga Proyekto ng Pamahalaan Tungo sa Kagalingang Pambayan at Pambansang

Kaunlaran

A. Kagawaran ng Kalusugan

B. Kagawaran ng Edukasyon

C. PAyapa at MAsaganang PAmayanan (PAMANA)

D. ASEAN Economic Community (AEC) Blueprint 2025

E. Iba pang Programa ng Pamahalaan

4|Pahina
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

YUNIT VIII:
Mga Proyekto ng Pamahalaan Tungo sa Kagalingang Pambayan at
Pambansang Kaunlaran

Ang pamahalaan ay gumagawa ng mga hakbang upang makatulong sa lahat ng mga

mamamayang Filipino lalo na sa mga mahihirap. Ito ang isa sa mga nangungunang adhikain ni

Pang.Rodrigo R. Duterte, ang maiangat ang pamumuhay ng lahat.

Subalit ano ang magiging katungkulan natin upang makatulong sa adhikaing ito na hindilamang

umaasa sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan? Tandaang tayong lahat ay mayroon dinggampanin para

sa kagalingan ng bayan. Tayo ay may malaking pananagutan upang maisakatuparanang bawat mithiin at

adhikain ng pamahalaan tungo sa pambansang kaunlaran. Paano natin itomaisasagawa? Ano ang mga

dapat nating gawin upang makatulong? Sapat ba na iparinig lamang angating karaingan o dapat na

maipaintindi sa mga kinauukulan ang laman ng ating puso't isipan?Kailangan bang isulat ang naiisip? O

5|Pahina
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
mas angkop na sabihin na lang upang agad-agad ay kanilangmarinig?

https://i0.wp.com/rmn.ph/wp-content/uploads/2017/11/phil.-gov.jpg?resize=696%2C392&ssl=1

Mga Proyekto ng Pamahalaan Tungo sa kagalingang Pambayan


at Pambansang Kaunlaran

Sa kabila ng iba't ibang suliraning kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan, gaya ng suliranin

sakahirapan, kalusugan, droga, pagkasira ng kalikasan, at iba pa, hindi rin naman nagpapabaya

angpamahalaan upang isulong ang mga programa na tutulong sa mga mamamayan. Libo-

libongmamamayan ang nakikinabang sa mga proyekto ng pamahalaan upang kahit papaano ay

mabawasanang suliraning nararanasan ng mga tao. Ang pamahalaan ay nagbalangkas ng mga plano,

mga programa, mga proyekto, mga patakaran at tuntunin upang maisakatuparan ang

pambansangkaunlaran.

Nagtutulungan ang iba't ibang pamayanan ng bansa at nakikipag-ugnayan sila sa isa't isaupang

makamtan ang kaunlaran ng bansa. Nagtutulungan ang mga lokal na pamahalaan sa buongbansa mula sa

pinakamababang antas hanggang sa pinakamataas. Nabuo ang mga samahan ngbarangay, lungsod,

munisipalidad at lalawigan sa ilalim ng Government Code of 1991 upangmagtulungan at magkaisa para

mas maraming mapaglingkurang mamamayan.

May mga programa ang pamahalaan upang umunlad ang bansa sa mga aspektong gaya ng

sumusunod:

1. Programa sa Pabahay

Nagpapagawa ang pamahalaan ng mga bahay

para sa mga mamamayan na

hindimakapagpatayo ng sariling bahay upang

mabawasan ang mga nagkalat at palaboy sa


6|Pahina
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
daan. https://pamantikkmu.files.wordpress.com/2014/05/bunkhouses3.jpg

2. Pagpapaunlad ng Sakahan

Tinutulungan ng pamahalaan ang mga

magsasaka na mapaunlad ang kanilang sakahan

upangmakapagbigay at makatulong din sa pag-unlad ng

produksyon ng bansa.

http://itianpaul.blogspot.com/2017/03/mga-batas-sa-pagpapaunlad-ng-sektos-ng.html

3. Edukasyon

Nagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng mga

mamamayan upang mabawasan ang mghindi nakapag-

aral para matulungan sila sa kanilang pamumuhay.

https://news.abs-cbn.com/news/12/10/20/krisis-sa-edukasyon-dapat-malutas-sen-gatchalian

4. Kooperatiba

Tumutulong sa mga mamamayan na magkaroon ng

trabaho upang kumita para makatulongsa pamilya.

https://moneywise.com.ph/ano-ba-ang-maibibigay-sa-akin-
ng-kooperatiba/

5. Transportasyon at Komunikasyon

Nagpapagawa ang pamahalaan ng mga tulay, daan at iba pang uri ng transportasyon paremapadali ang

komunikasyon sa bansa.6. ElektripikasyonMaraming imprastaktura ang ipinapagawa ng pamahalaan

7|Pahina
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
para magkaroon ng elektrisidad a.upang umunlad ang kabuhayan. (Baya, Juliana

Marie.https://www.slideshare.net/ARALPAN6/programa-ng-pamahalaan-sa-pagpapaunlad-ng-bansa-

baya-sir)

https://bababakaba.tumblr.com/post/61298856486/noon-
vs-ngayon-part-2

https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9G
cReURI5DAich6Qkp9iJWo-_eS2pt7hRiUqu8uI

8|Pahina
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

Alamin

Ang pag-unlad ng bansa ay pag-unlad na rin ng mamamayan. Hindi dapat iniaasa sapamahalaan

ang kapalaran ng sinuman, bagkus kailangang gumawa rin ng paraan upangmapakinabangan ang

mga programa ng pamahalaan. Bawat mamamayan ay may tungkulin nakailangang gawin para sa

pag-unlad ng bansa. Ang sama-samang pagtutulungan o pansarilingpamamaraan o pagkilos ay tiyak

na may malaking kontribusyon sa ikagagaan ng buhay namakatutulong para sa bansa. Hindi lamang

papasanin ng pamahalaan ang lahat ng responsibilidadkundi magiging katuwang ang mamamayan

na balikatin ang anumang sagabal sa pag-unlad. May mgaahensya ang pamahalaan na may iba't

ibang programa para sa mga mamamayan tungo sapambansang kaunlaran.

A. Kagawaran ng Kalusugan

Ang Kagawaran ng Kalusugan ang natatanging ahensya ng

pamahalaan na nangangalaga sakapakanang pangkalusugan ng

mamamayan. Ang ahensyang ito ang nagbibigay ng mga

impormasyonhinggil sa mga usaping pangkalusugan ng bansa.

Nagbibigay ng mga datos at tamang impormasyon samga mamamayan

partikular na sa iba't ibang uri ng sakit na maaaring maagapan at

magamot kapagnabigyan ng agarang atensyon.


https://www.wikiwand.com/tl/Kagawaran_ng_Kalusugan

Ilan sa mga programa ng Kagawaran ng Kalusugan ay

ang sumusunod:

9|Pahina
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
1. Dengue Prevention and Control Program

Ang dengue ang pinakamabilis na uri ng sakit na kumakalat sa halos isandaang bansasa buong

mundo. Nakukuha ito mula sa mga kagat ng lamok na may dalang virus na kung tawagin ayaedes

aegypti at aedes albopictus, naililipat ang nabanggit na virus sa mga taong makakagat nito nanagiging

sanhi ng dengue, na kung hindi maaagapan ay maaaring ikamatay ng biktima. Nagsasagawaang

https://pia.gov.ph/index.php/news/articles/1020442 kagawaran ng malawakang kampanya upang

maiwasan ang pagkalat ng maraming lamok namagdadala ng sakit na dengue. Gumagawa sila ng

campaign ads at nagbabahay-bahay sila upangmagkaroon ng malawak na kamalayan ang mga

mamamayan lalo na sa mga liblib na lugar na hindinaaabot ng komunikasyon.

2. Prevention of Blindness Program

Sa Administrative Order No. 179 s. 2004 ay isinasaad ang mga panuntunansa implementasyonng

National Prevention of Blindness Program; at sa Proklamasyon Big. 40 ay idinedeklara na ang buwanng

Agosto ay "Sight Saving Month." Bisyon nito na lahat ng mga Filipino ay mabigyan ng

karapatangmakakita sa taong 2020. Kaya pinaiigting ng DOH at Local Health Unit (LHU) ang

pagkakaisa paramatanggal at maiwasan ang pagkabulag ng mga tao sa Filipinas; magkaroon ng puwang

at tungkulinang mamamayan na ipabatid ang kahalagahan ng kalusugan ng mga mata upang maiwasan

ang pagkabulag; mabigyan ng akses ang lahat para sa de-kalidad na serbisyo para maalagaan ang

mgamata; at pagsugpo ng kahirapan sa pamamagitan ng preserbasyon at restorasyon ng paningin sa

mgamahihirap na Filipino.

10 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

https://i2.wp.com/paao.org/wp-content/uploads/2018/08/covdrwgirl.jpg?w=1080&ssl=1

3. Philippine Cancer Control Program

Ang kanser ang itinuturing na pinakanangungunang sanhi ng kamatayan ng libo-libong 25buong

mundo. Tinatayang 14 milyon ang may malulubhang kaso at umaabot sa 8.2 milyonnaitalang namatay

noong 2012 (WHO).

11 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
Sa kalalakihang Filipino, ang mga karaniwang sakit na nagiging sanhi ng kamatayan ay aykanser

sa baga, atay, kolon/rectum, prostate, tiyan at leukemia. Sa kababaihan naman ay dibcccervix, baga,

colon/rectum, obaryo at atay. Ang datos na ito ay noong 2010. Kaya naman, nagdebeicsang National

Cancer Control Committee (NCCC) ng National Cancer Prevention and Control ActionPlan (NCPCAP)

2015-2020 upang magkaroon ng kamalayan ang mga mamamayan hinggil snakamamatay na sakit na ito.

Hindi lamang matutulungan ang mga may sakit kundi mabibigyan paysapat na impormasyon ang mga

mamamayan tungkol dito.

https://www.rappler.com/nation/cancer-control-bill-awaits-duterte-signature-into-law

4. HIV/STI Prevention Program

Layunin ng programang ito na pababain ang transmisyon ng HIV at STI sa mga may matatazna

populasyon at itinuturing na pinakapeligroso upang maipaalam sa kanila ang maaaring idulot nitssa

bawat indibidwal, pamilya, at sa komunidad. Upang mabawasan ang sakit na ito, nagbibigay angahensya

ng libreng konsultasyon at mga kampanya laban dito sa tulong ng mga katulong na ahensng pamahalaan.

12 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/6
20298/phl-has-fastest-growing-hiv-epidemic-in-
asia-pacific/story/

5. National Tuberculosis TB Control Program

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQw8YlAxJ14B8ciWYZFJsigN1TEu6v2aoyGodVApy4wMS07iKTgi4uFTrhFACEQWVheZUY&usqp=CAU

Sa kasalukuyan, ang sakit na TB ay maaari nang maagapan at magamot. Hindi na

kailangangmangamba ang mga mamamayang kinapitan nito basta maagang maipakonsulta upang

mabigyanagarang lunas.

Ang programang ito ay may bisyon na "TB-free Philippines." Nagbibigay sila ng libreng

tulongat konsultasyon sa bansa upang matulungan ang mga mamamayan na kinapitan ng ganitong

klasensakit.

13 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
Ang mga nabanggit na programa ng kagawaran ng kalusugan ay ilan lamang sa metinututukan

ng gobyerno. Hindi mapapasubalian na seryoso ang pamahalaan na bigyan ng priyoricaang kalusugan ng

mga mamamayan. Patunay ito sa naging tugon ng DOH sa ipinalabas na balita:

Manila-Philippines - Tiniyak ng pamunuan ng Department of Health sa publiko na ipupursige

nila angmaayos na sistema ng pagbibigay ng health service.

Sa ginanap na turn over ceremony sa tanggapan ng DOH ay sinabi ni Health Secretary

FranciscoDuque Ill na mayroon nang malaking pondo ang kagawaran para magampanan nito ang

tungkulinsambayanang Filipino.

Nabatid na mayroon kabuoang 165 bilyong piso na pondo ang kagawaran ngunit hinamon ni

Duqueang lahat ng kawani ng opisyal ng DOH na makiisa sa pagbibigay ng isang de-kalidad na

serbisyo sa taongbayan.

Giit ng kalihim na umaakyat na sa ikatlong antas ng Performance Governance System ang

DOH peronaantala ito noong mga nakalipas na taon kaya ito ay muling bubuhayin ng kagawaran at

ipagpapatuloy anglahat ng mga magagandang programa na sinimulan ni outgoing DOH Secretary

Paulyn Ubial.

(RMN News Nationwide: The Sound of the Nation, Nov. 6, 2017)108

14 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2020/01/Web-banner-01-4.png

B. Kagawaran ng Edukasyon

Si Kal. Leonor Briones, ang kasalukuyang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ay may maigting

na kampanya para sa pagtatamo ng de-kalidad na edukasyon sa lahat ng mga mag-aaral mula sa

batayang antas ng edukasyon, pribado man o publiko. Ang kampanyang ito ay mahigpit na ipinatutupad

ng kagawaran upang matama ang bisyon at misyon nito. Pinatutunayan ito ng iba’t ibang program ana

nagbibigay ng sapat na atemsyon at paghahanda sa mga mag-aaral upang makalinang ng buo at ganap na

Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi.

15 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

https://nasyonalistikpinoy.files.wordpress.com/2013/02/k-12.jpg?w=672&h=372&crop=1

Ilan sa mga programang ito ang sumusunod:

1. K to 12 Kurikulum

Alinsunod sa Batas. Pambansa 10533 na kilala rin sa - tawag na Enhanced Basic Education Act

of 2013, na palawakin ang batayang edukasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagpapaunlad sa mga

kurikulum at sa pagdaragdag ng dalawang taon sa batayang edukasyon. Layunin ng batas na ito na

mabigyan ang bawat mag-aaral ng pagkakataon na makatanggap ng magandang edukasyon na

maghahanda sa kanila upang makipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon;.mapalawak ang layunin

ng edukasyong sekundarya bilang paghahanda sa kolehiyo, kursong bokasyunal at teknikal man; at

gawin ang mga mag-aaral na sentro ng edukasyon na tutugon sa kanilang pangangailangan, kakayahan

at kalinangang kultural at pinagmulan sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na wika sa pagtuturo at

pagkatuto kabilang ang Mother Tongue Based — Multilingual Education (MTB-MLE).

2. Oplan Balik-Eskwela

16 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
Ang programang Oplan Balik-

Eskuwela ay isa sa napakagandang

programa ng Kagawaran ng

Edukasyon sapagkat sa pamamagitan

nito ay maagang malalaman ang mga

mag-aaral na nagpapatuloy ng pag-

aaral. lsinasagawa ang maagang

pagpapatala upang maging basehan

din ng bilang ng mga papasok na

mag-aaral sa susunod na pasukan. Ito

ay paghahanda rin sa mga

kakailanganin sa loob ng silid- aralan


https://psci.depedpasay.ph/oplan-balik-eskwela-2020-2021/
at sa paghahanda ng pasilidad] ng

paarafan. Ginagawa rin ito upang panghikayat sa mga mag-aara( na magpatuloy sa kanilang pag-aaral.

3. Brigada Eskwela

Taon-taon isinasagawa ang Brigada Eskwela sa iba’t ibang paaralan sa buong bansa. Ito ay

bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan sa mga pampublikong paaralan. Katuwang ng mga guro ang

mga magulang sa paglilinis at pag-aayos sa loob at labas ng silid-aralan, Gayundin ang paglilinis sa

buong paaralan. Kinukumpuni rin ang mga sira-sirang bahagi ng silid-aralan upang gumanda ito.

Ginagawa ito upang sa pagpasok ng mga mag-aaral sa unang araw ng pasukan ay nakahanda na ang

buong silid-aralan at buong paaralan para sa unang araw ng pagkaklase. Paghahanda rin ito upang

17 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
mahikayat ang bawat mag-aaral na mag-aral nang maayos at hindi ang paglilinis ang bubungad sa kanila.

https://www.teacherph.com/brigada-eskwela-theme-schedule-of-activities-and-reminders/

4. School-Based Feeding Program (SBFP)

Ang programang ito ng Kagawaran ng Edukasyon ay naglalayong makapag- ambag para

mapataas ang bilang ng atendans ng mga mag-aaral na pumapasok sa klase upang gumanda ang

kanilang performans sa loob ng silid-aralan. Sinisikap na matugunan at mabawasan ang mahigit na 85%

na problema sa malnutrisyon kada taon, at mahikayat din ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan

araw-araw.

Tinututukan ng SBFP ang lahat ng mega mag-aaral na kabilang sa mga undernourished mula

kindergarten hanggang ikaanim na baitang.

18 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

https://mb.com.ph/wp-content/uploads/2021/01/01262021_CHILDRENBASECO_ROMERO-7.jpg

C. PAyapa at MAsaganang PAmayanan (PAMANA)

Ang PAMANA ay programa ng pamahalaan na tumutulong sa mga nasa lugar na may kaguluhan

upang mapanatili o maibalik ang katiwasayan para maiwasan ang mga labanan o hindi pagkakaunawaan

na maaaring magresulta sa tiyak na kapahamakan ng mga inosenteng mamamayan na maiipit sa

kaguluhan. Ito ay nasa ilalim ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP).

Ang programang ito ay isinagawa sa ilalim ng administrasyon ng dating Pang. Benigno Aquino

bilang estratehiya para sa kapayapaan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga ahensya n

pamahalaan na mapataas ang pagbibigay ng serbisyo, at masolusyonan ang mga sigalot o problema. Sa

mga lugar na apektado ng krisis pangkapayapaan. Ang disenyo ng PAMANA ay nakasentro sa

19 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
pagbibigay ng agarang solusyon

at Ppagpapataas ng kapayapaan

sa mga apektadong lugar upag

maiwasan ang hindi

pagkakaunawaan at paglalabanan.

Layunin ng PAMANA na

abutin at tulungan ang mga nasa

bukod, mahirap maabot, at

apektado ng labanan, para

maipadama na hindi sila

napapabayaan ng pamahalaan. Sa
https://web.facebook.com/PAMANAgovph/photos/a.3403732159977
46/1050161238352270 bilang ng mga ahensya ng

pamahalaan at mga katuwang sa implementasyon, mananatili ang PAMANA bilang programa ng

pamahalaan na tumututok sa mga lugar ng bansa na may mga hindi pagkakaunawaan at paglalabanan na

nangangailangan ng mga usapang pangkapayapaan at pakikipagkasunduan.

Isinasagawa ang PAMANA upang makamtan ang panghabambuhay na kapayapaan, at

makakamtan lamang ito sa pamamagitan ng reporma ng mga patakaran na magpapatatag sa saligan

ng kapayapaan, pagbibigay ng serbisyo sa mga sambayanan at sa komunidad, at pakikipag-ugnayan sa

mga apektadong lugar upang matulungan sa paghahanapbuhay. |

Nakatutulong din ang ganitong programa ng pamahalaan para mabawasan ang kahirapan,

mapabuti ang pamamahala at mabigyan ng kapangyarihan ang komunidad na patatagin ang kanilang

kakayahan na pag-usapan ang mga isyu na nagdudulot ng hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng

mga gawaing magpapatatag sa pagsasamahan ng mga mamamayan sa lugar.

20 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

D. ASEAN Economic Community (AEC) Blueprint 2025

https://aecmonitoring.asean.org/wp-content/uploads/2019/07/cover-1-1.jpg

Itinatag ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) noong 8 Agosto 1967. Ito ay

isang rehiyonal na organisasyon na binubuo ng mga bansang kasapi gaya ng Brunei Darussalam,

Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Filipinas, Singapore, Thailand at Vietnam.

Naitatag ito sa layuning mapabilis ang paglago ng ekonomiya, panlipunan at pangkalinangang kaunlaran

at kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Noong Disyembre 1997, pinagtibay ang ASEAN Vision 2020, na nagbabalangkas ng isang

estratehikong layunin upang magkaroon ng mas malakas na pagtutulungan ang mga miyembro tungo. Sa

pagbuo ng isang “komunidad ng mga mapag-arugang lipunan”. Ito ang nagbigay daan sa mga sunod-

sunod na plano ng pagkilos upang isakatuparan ang mga layuning naibalangkas sa ASEAN Vision 2020.

21 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
Tinukoy ng mga nasabing plano ng pagkilos ang mga patakaran at proyekto na siyang isasagawa ng mga

kasaping bansa tungo sa layunin ng mas mahigpit na pagtutulungan at pagiging komunidad. May haba

itong anim na taon, at nirerebisa tuwing ikatlong taon. At una sa mga proyektong ito ay ang Hanoi Plan

of Action, na ipinatupad mula 1998 hanggang 2004. Ang kasalukuyang proyekto ay ang Vientiane

Action Programme (VAP) na sinimulan mula 2004 hanggang 2010.

Ang ASEAN Economic Community (AEC) ay isa sa mga haligi ng pinapangarap na komunidad

ng ASEAN na binigyang-hugis ng Bali Concord Il. Naisakatuparan noong 2015 ang hinangad ng

ASEAN na jisang merkado at production base. Nangangahulugan na mula 2015, ang luwas ng produkto,

serbisyo, puhunan at mga Manggagawa sa mga bansang kasapi sa ASEAN ay naging bukas at nagging

liberal, at ang paglipat-lipat ng pumumuhunan ay mas napadali. (Mayroon pa ring mga eksepsyon at

restriksyon (lalo na sa pagdaloy ng pera at puhunan) sa liberalisasyon, kaya ang mga kasapi na hindi pa

handang buksan ang kanilang sektor pangserbisyo ay piniling huwag munang buksan ang sector

(ASEAN minus x Formula).


22 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
https://www.teacherph.com/wp-content/uploads/2016/02/The-ASEAN-Community-A-Community-of-Opportunities.jpg

Ang isang merkado at production base ay nangangahulugan lang na imbes na ang pagtingin sa

merkado at pinagkukunan nito ay nakakulong lamang sa mga pambansang hanggahan, ang mga

miyembro ay titingnan ito sa kabuoan. Nangangahulugan ito na ang mga kasapi ay ituturing na pareho

ang mga produkto at serbisyo na nanggagaling sa kahit saang bansang kasapi sa ASEAN tulad ng sa

kanilang mga lokal na produkto at serbisyo; ibibigay nito ang parehong prebilihiyo at paraan ng

pagpasok sa ASEAN na namumuhunan at kanilang mga lokal na negosyante; at ang mga manggagawa

at propesyonal ay malayang makakapagtrabaho kahit saan Sa loob ng ASEAN.

Upang mapadali ang pagkakaroon ng Nag-lisang merkado at production base, ang AEC ay

nagbibigay ng priyoridad sa dalawang bahagi: sa priority integration sectors, at sa pagkain, agrikultura at

kagubatan. Mayroong labindalawang priority integrated sectors: agro-based na produkto, sasakyan,

electronics, isda, produktong-goma, paglalakbay sa himpapawid, e-ASEAN, healthcare, tourism, at

logistics. Ito ang mga sector na kung saan lahat ng kasapi ay mayroong interes, at kung saan sila

magkakaroon ng kompetisyon. Ang kaisipan ay kung magiging malaya ang mga sektor na ito, mas

madali itong pag-ugnayin at ang mga kasapi ng ASEAN ay makakaangat sa rehiyon sa mga sector na ito

sa pag-akit ng intra-ASEAN na mamumuhunan at pangangalakal (halimbawa ay ang outsourcing sa

pagitan nila), at matulungang mapaunlad ang mga produktong gawa ng ASEAN.

Ang pagbibigay ng pansin sa pagkain, agrikultura at kagubatan ay may kinalaman sa kung paano

papauniarin ang sektor na sinasabing pinakasensitibo sa mga kasapi. Upang mabuo ito para sa nag-

iisang merkado, ang Blueprint ng AEC ay nakatuon sa kung paano gagawin ang malayang kalakalan sa

rehiyon, at kung gaano Mapapataas ang pamantayan. Isa ring alalahanin ang pagtutulungan at paglipat

ng teknolohiya na tutulong ang mga internasyunal/pangrehiyong mga organisasyon (tulad ng Food and

Agricultural Organization) at ng mga pribadong sektor. Ito rin ay nananawagan para sa pag-uugnay ng

mga lumilikha ng mga produktong agrikultura sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga kooperatiba sa

23 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
agrikultura. Maliban sa pagnanais ng lisang merkado, pinapangarap din ng AEC ang isang rehiyon na

may matatag na ekonomiya at ganap na pagkakawing nito sa kabuhayan ng daigdig. Sa pagtatalaga ng

mga polisiya at pagtatayo ng mga kinakailangang imprastraktura makakamit ang isang rehiyong may

matatag na kabuhayan. Upang makamit ito, Pag-uugpungin ng ASEAN ang mga polisiya sa

kompetisyon, proteksyon para sa mga mamimili, intellectual property rights, pagbubuwis at ang e-

commerce. Magtatayo ito ng isang integrated transport network (panghimpapawid, pandagat, panlupa);

gagawa ng ICT sytems na magkokonekta at magagamit ng lahat ng bansa sa rehiyon; at magsulong ng

mga proyekto upang pag-ugnay-ugnayin ang mga electricity grids at gas pipelines; isulong ang

Ppagmimina sa rehiyon; at hikayatin ang mga pribadong sektor na pondohan ang mga hangaring ito. Sa

pamamagitan ng Initiative for ASEAN Integration (IAI), ang isyu ng katarungan ay matutugunan sa

pagtatayo ng mga small and medium enterprises (SMEs); at ang paglalapit ng agwat sa pagitan ng mga

mas mayayaman/ mas malalaki at mga mahirap/ mas maliliit na bansa sa ASEAN. Ang IAI ay isang

proyekto na kikilala sa mga pangangailangan sa technical assistance and capacity building ng mga bansa

sa ASEAN upang ganap na makasali sa regional integration. Panghuli, nilalayon din ng AEC na layon

ang mga kasunduang ASEAN Sa mga patakaran at alituntuning multilateral at magsusulong ng mga

patakarang lalo pang mag-uugnay ng rehiyon sa iba pang bahagi ng daigdig. (Isinalin sa Filipino ni Laya

at Galileo Garcia,

in-edit ni Arcy Garcia

para sa PAKISAMA

mula sa panulat ni

Jenina Joy Chavez,

Philippine

Program

Coordinator,

Focus on the Global South, Editor: Ma. Estrella A. Penunia. Vol 3 No. 1. February 2008).

24 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

https://aseanec.files.wordpress.com/2015/04/asean_4_1200x630-1024x538_meitu_1.jpg

E. Iba pang Programa ng Pamahalaan

Ang iba pang hakbang na ginagawa ng pamahalaan para sa pambansang kaunlaran pagsulong sa

usaping pangkapayapaan sa pagitan ng NPA, MILF at MNLF, edukasyon para sa lahat pagkakaroon ng

automated elections; pagkakaroon ng maraming trabaho sa mga mamamayang Filipino; pagsulong ng

turismo sa bansa; pagbubukas ng Economic Zones sa bahagi ng CALABARZON, Cebu, Pampanga at

Subic, pagpapatayo ng kalsada, tulay, paliparan, daungan, highway, expressway, plantang geothermal at

hydroelectric; pagsulong sa ladderized education program ng TESDA ng pangvocational at pagkakaloob

ng PHILHEALTH card para sa mga kawani, manggagawa at mahihirap; pagsugpo sa ipinagbabawal na

gamot sa tulong ng dangerous drugs board; at pagpapaunlad sa serbisyong pangkalusugan sa tulong ng

mga programa ng DOH (https://www.slideshare.net/ARALPANG/mga-hakbang-na.ginagawa-ng-

pamahalaan-para-sa kaunlaran).

Ayon sa artikulo ni David Damio Jr. na inilathala sa kaniyang blog, “hindi uunlad ang isang

bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mga mamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng

bansa.” Hindi lamang ang pamahalaan ang kumikilos parasa kaunlaran ng bansa kundi katuwang din

ang mga mamamayan. May gampanin din sila upang matamo ang pambansang kaunlaran at kagalingang

pambayan.

25 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

Pansariling Pagtataya (SAQs)


PANUTO: Upang masubok ang inyong pagkaunawa sa nabasa, sagutan ang Pansariling Pagtataya sa
ibaba. Pagkatapos, itama ang mga sagot sa pamamagitan ng susi sa pagwawasto.

Tukuyin kung anong programa ng pamahalaan ang mga sumusunod:

1. Nagpapagawa ang pamahalaan ng mga tulay, daan at iba pang uri ng transportasyon

paremapadali ang komunikasyon sa bansa.6. ElektripikasyonMaraming imprastaktura ang

ipinapagawa ng pamahalaan para magkaroon ng elektrisidad a.upang umunlad ang kabuhayan.

2. Tinutulungan ng pamahalaan ang mga magsasaka na mapaunlad ang kanilang sakahan

upangmakapagbigay at makatulong din sa pag-unlad ng produksyon ng bansa.

3. Nagpapagawa ang pamahalaan ng mga bahay para sa mga mamamayan na hindimakapagpatayo

ng sariling bahay upang mabawasan ang mga nagkalat at palaboy sa daan.

4. Nagbibigay ng libreng edukasyon sa lahat ng mga mamamayan upang mabawasan ang mghindi

nakapag-aral para matulungan sila sa kanilang pamumuhay.

5. Tumutulong sa mga mamamayan na magkaroon ng trabaho upang kumita para makatulongsa

pamilya.

26 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

Iwasto ang iyong mga sagot gamit ang susi sa pagwawasto sa ibaba.

1. Transportasyon
2. Pagpapaunlad ng Sakahan
3. Programa sa Pabahay
4. Edukasyon
5. Kooperatiba

Kung nagkaroon ka ng pagkakamali, balikan mo at basahing muli ang nilalaman. Kung


nakuha mo naman lahat ang mga katanungan, binabati kita sa iyong pagkaunawa. Hindi na ito
kailangang ipasa sa akin dahil pansariling pagtataya ito.
Fil 01
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO
Modyul 6

PANGALAN: ISKOR:
SEKSYON:

GAWAIN 1. Pasulat
Panuto: Tukuyin kung anong ahensya o programa ng pamahalaan ang tinutukkoy o inilalarawan sa
bawat pahayag o sitwasyon. Isulat ang sagot sa patlang.
________________1. Taon-taon pumupunta si Aling Susan sa paaralan upang tumulong sa paglilinis at

pag-aayos ng silid-aralan. Lagi siyang nagdadala ng panlinis upang mas madaling maisagawa ang mga

gawain. Ito’y paghahanda para sa susunod na pasukan.

________________2. Priyoridad ng programa na mabigyan ng proteksyon ang mga mamamayan laban

sa kaguluhan. Lagi na lamang kasing nangangamba ang mag-anak na Santos tuwing may Mga

nakakasagupa ang Mga sundalo at militar.

________________3. Laging balisa sa pagtulog si Joseph, hindi siya nakakatulog nang maayos at

walang ganang kumain. Lagi niyang idinadaing na masakit ang kaniyang dibdib at nahihirapang

huminga, nagsusuka na rin siya tuwing umuubo.


27 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
________________4. Tuwing nakakakita si Jun ng mga batang natutulog sa bangketa, hindi maalis sa

kaniyang isipan ang pagkaawa sapagkat minsa’y naging, palaboy din siya sa lansangan at naranasang

matulog sa kalye. Siya at ang kaniyang pamilya ay tinulungan ng pamahalaan na mabigyan ng

masisilungan.

________________5. Maaga pa lamang ay sinamahan na ni Aling Perla ang anak na mag-iikapitong

baitang upang magpatala sa paaralan. Nasabi niya Sa sarili na mainam nang maaga kaysa mahuli ang

anak.

________________6. Si Emy ay patpatin. Lagi siyang tinutukso na “tingting” kaya nawawalan din siya

ng ganang pumasok sa paaralan. Lagi siyang jumiliban sa pagpasok. Pero naging masigasig ang

kaniyang guro na hikayatin siya dahil aniya, hindi na niya poproblemahin ang kaniyang mga kaklase na

lagging nanunukso Sa kaniya dahil matutulungan na siya sa kaniyang pagiging patpatin dahil araw-araw

ay mabibigyan na siya ng mga masusustansyang pagkain.

________________7. Sa pagpunta ni Annie sa Indonesia, nakita niya ang Mga bandila ng iba't ibang

bansa kabilang ang watawat ng Filipinas. lyon pala, kasama ang Filipinas sa asosasyon.

________________8. Nasasayangan si Hector na hindi siya nakapag-aral. Kung .naabutan sana siya nito,

malamang ay maaari na siyang makakuha ng magandang, trabaho, hindi sana siya kargador lamang

ngayon sa palengke.

________________9. Ipinagdiinan ni Sec. Leonor Briones na mahigpit niyang ipatutupad ang “No

Contribution Policy” sa lahat ng paaralang pampubliko sa buong bansa.

________________10. Nag-aalala si Sec. Francisco Duque Ill na kakaunti na lamang ang mga

nagpapabakuna dahil sa mga lumalabas na maling impormasyon kaya pinalawak ang kampanya ukol sa

kahalagahan ng pagbabakuna bilang proteksyon sa ‘ba’t ibang klaseng sakit.

28 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

GAWAIN 2. Paglikha

Hindi mapasusubaliang kay rami nang pagbabago ang naranasan ng bansa na ang nakikinabang

ay tayong mga mamamayan, subalit sa kabila ng mga pagbabagong ito’y nahaharap pa rin tayo sa iba’t

ibang suliranin. Sa harap ng mga suliraning ito, bawat isa ay may papel na dapat gampanan para

makatulong sa paglutas ng mga suliranin ng bansa.

Bilang isang mag-aaral, paano ka makikiisa sa pamahalaan upang makamtan ang pambansang

kaunlaran? Gawin ang hinihingi sa bawat bilang. Maging malikhain sa pagbuo. Ipresenta sa klase ang

nabuong awtput.

1. Gumawa ng isang campaign ad na hihikayat sa mga mamamayan na magkaisang ganap sa

pagkamit ng bansang malaya at maunlad.

29 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6

MAY KATANUNGAN O PAGLILINAW?

I-email ako sa account na ito: alixsonjasreldp@gmail.com


o sa messenger account: https://www.facebook.com/alixsonjasrel.delapena/

Maraming Salamat.

SANGGUNIAN:
30 | P a h i n a
Fil 01 KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO MODYUL 6
Binwag, Alicia M. et. al, Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. St. Andrew Publishing House
https://www.slideserve.com/jamar/pagbasa
https://www.slideshare.net/JeremyIsidro/uri-ng-komunikasyon-71363858
https://www.slideshare.net/JosephCemena/mga-gawaing-pangkomunikasyon-ng-mga-pilipino
https://clarissefernandezwordpresscom.wordpress.com/2016/01/29/buhay-tinderot-tindera/

https://makasaysayan.wordpress.com/2016/11/29/manggagawa-ka-ba-regular-ka-ba-o-kontraktwal-
usapang-manggagawa-sa-araw-ni-gat-andres-bonifacio/

31 | P a h i n a

You might also like