0% found this document useful (0 votes)
346 views4 pages

Ai Fil

Ang Maritime Zones Act na naglalayong ideklara ang mga karapatan ng Pilipinas sa maritime zones nito ay naipasa sa ikalawang pagbasa ng Senado. Ang panukalang batas na ito ay gagawin ang Pilipinas na makasunod sa United Nation Convention on the Law of the Sea sa pagtatatag ng maritime zones. Ang nasabing panukala ay naglalayong ideklara ang mga karapatan ng Pilipinas sa maritime zones nito, kinabibilangan ng underwater features para sa pagtatamasa at paglilinang ng mga Pilipino.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
346 views4 pages

Ai Fil

Ang Maritime Zones Act na naglalayong ideklara ang mga karapatan ng Pilipinas sa maritime zones nito ay naipasa sa ikalawang pagbasa ng Senado. Ang panukalang batas na ito ay gagawin ang Pilipinas na makasunod sa United Nation Convention on the Law of the Sea sa pagtatatag ng maritime zones. Ang nasabing panukala ay naglalayong ideklara ang mga karapatan ng Pilipinas sa maritime zones nito, kinabibilangan ng underwater features para sa pagtatamasa at paglilinang ng mga Pilipino.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Artificial intelligence: pambisto at pangwasto

Dekada ’60 nagpaligsahan sa pagkuwenta ang batang Indian at mechanical adding machine. Simula sa
1+1=2, 2+2=4, 4+4=8, umabot sila sa mga numerong 6 digits. Sa isang punto, nilampasan ng bata sa bilis
ang makina. Dekada ’70 lumabas ang electronic calculator. Hindi na matalo ng tao ang makina sa bilis
magkuwenta.

Taon 1997, tinalo ng computer Deep Blue ang world chess champion. Taon 2015 dinaig ng computer
Alpha ang world champion sa Go. Lumabas na rin ang aerial at marine unmanned vehicles, at driverless
cars. Lahat ‘yan ay dahil hindi lang sa bilis, kundi pati lakas ng computer chips.

Panahon na ng artificial intelligence. Hindi na umaasa ang computer sa datos na pinapasok ng tao.
“Natututo” na ito nang sarili sa pag-analisa ng mga datos. Una itong nagawa sa weather forecasting;
ipinahula sa computer ang panahon batay sa daantaon na info. In-apply din sa wastong gamot batay sa
kaalaman ng libu-libong doktor.

Gamit ang AI, kaya na rin ng makina gumawa ng iba pang makina. Kaya rin ng computer lumikha ng
kuwento, tula, dula, awit, musika, painting, at sculpture. Iutos lang sa software, tulad ng ChatGPT,
makakagawa na ng “orihinal” na nobela, kanta, drawing.

Nabisto ng history professor ang estudyanteng gumamit ng ChatGPT sa essay exam. Lihis kasi ang sagot,
at walang lohika. Tinesting ng propesor ang essay sa dalawang AI detection apps: nabistong peke.

Pero ayon sa Technological Singularity Theory darating ang panahon na sobrang bilis at lakas na ng chips.
Madadaig na nang lubos ang intelehensiya ng tao. Makina na ang gagawa ng lahat, pati ang pagbisto sa
mga makinang namemeke. Idinadrama sa sci-fi movies na mukhang tao na ang robot; kapwa robot lang
ang nakaaalam.

Mangyayari raw ‘yan simula sa taon 2045.

Ang panganib ng Artificial Intelligence

Matagal ko nang nais talakayin ang napapanahong paksang ito ngunit mas maraming
mainit na isyu na dapat unahin. Ito ay ang kagilagilalas na ebolusyon ng artificial
intelligence (AI) na sa tingin ko’y nahigitan na ang karunungan ng tao sa pagiging
malikhain.

Bagama’t may bentahe ito partikular sa pagpapabilis ng mga gawain, tila mas
nakahihigit ang panganib na posibleng idulot nito. Halimbawa, puwede itong lumikha
ng video upang palitawing may ginagawa o sinasabi ang isang tao na hindi naman
talaga ginawa o sinambit.

Maaaring palitawin na ang isang inosenteng indibidwal ay gumawa ng karumal-dumal


na krimen upang ang tunay na may sala ay makalusot sa hustisya.

Posible ring lumikha ng sex video laban kanino man at gamitin ito’ng pam-blackmail.

May serye ng video sa Facebook na doo’y nag-uusap sina dating Presidente Arroyo,
Duterte at Erap kasama si Presidente Bongbong Marcos at pulos kabalbalan ang
pinag-uusapan. Kung diringgin, talagang boses nila ang nagsasalita ngunit ito ay likha
lang ng teknolohiya ng artificial intelligence. Nakakatuwa sa una ngunit kapag natanto
mo na maaari itong gamitin sa krimen at paninira sa isang indibidwal, mangingilabot
ka.

Marami nang mga celebrities na nagrereklamo na ang pineke nilang katauhan ay


ginagamit sa pag-endorso ng mga produkto. Kaya ngayon pa lang ay nababahala na
ang PNP Cybercrime Group sa tinatawag nilang “deepfake” videos na lumalaganap
ngayon sa cyberspace.

Darating ang panahon na ang mga larawan, video at recorded messages ay hindi na
maaaring gawing ebidensiya sa korte. Hindi bale sana kung ang AI ay gagamitin lang
sa mabuti ngunit ang tao ay likas na creative lalo na sa mga bagay na labag sa batas.

Artificial Intelligence, Susi sa Mas


Pinahusay na Edukasyon
Isang makabagong gamit ng teknolohiya sa edukasyon ang paggamit ng Artificial Intelligence
(AI). Sa panahon ngayon, marami na ang naiambag ng AI upang mapaunlad ang paraan ng
pagtuturo at pag-aaral sa iba't ibang antas ng edukasyon.

Kabilang sa mga pangunahing benepisyo ng AI sa edukasyon ay ang pagbibigay ng


personalisadong kurikulum at pamamaraan ng pagtuturo. Dahil sa kakayahang mag-analisa ng
AI ng bawat mag-aaral, maaari itong makapagbigay ng mga indibidwal na programa ng pag-
aaral na naaayon sa kahusayan at pangangailangan ng bawat isa.

Bukod dito, ginagamit din ang AI sa pagbuo ng mga chatbot na maaaring tumulong sa mga
mag-aaral na magtanong at magpalawak ng kanilang kaalaman sa iba't ibang paksa. Ang
ganitong uri ng teknolohiya ay maaaring maging isang mahalagang katuwang ng mga guro sa
pagtuturo at paggabay sa kanilang mga estudyante.

Sa kasalukuyan, ipinapakita na rin ng AI ang potensyal nito sa pagtulong sa mga guro sa


pagmamanman ng kanilang mga klase. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng AI sa mga datos na
nakolekta mula sa mga mag-aaral, maaari itong makatuklas ng mga pattern at tendensya sa
pag-aaral ng mga estudyante. Dahil dito, maaari itong magbigay ng mga suhestyon kung paano
mapabuti ang pagtuturo upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat mag-aaral.

Nakikitaan din ng AI ng mahalagang papel sa pagpapatupad ng distance learning o online


education. Dahil sa mga limitasyon na dala ng pandemya, kinakailangan ng mga guro at mag-
aaral na mag-adapt sa bagong paraan ng pagtuturo at pag-aaral. Sa tulong ng AI, mas
napapadali ang proseso ng pagtuturo at pag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
epektibong platform at mga learning tool na magagamit ng mga guro at mag-aaral kahit saan at
kahit kailan.

Sa kabila ng mga positibong dulot ng AI sa edukasyon, mahalaga pa rin ang papel ng mga guro
bilang tagapagtaguyod ng mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay sa pag-aaral. Ang AI ay
maaaring maging isang mahalagang katuwang sa pagtuturo, ngunit hindi ito maaaring magpalit
sa personal na ugnayan at dedikasyon ng mga guro sa kanilang mga estudyante. Sa hinaharap,
inaasahan na ang AI ay magiging isa sa mga pangunahing sandata ng edukasyon upang
mapaunlad ang kalidad ng pagtuturo at mabigyang-solusyon ang mga problema sa edukasyon.
Ang mahalagang pagkakataon ay ang pagkakaroon ng tamang balanse sa pagitan ng paggamit
ng AI at pagkakaroon ng mataas na kalidad na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng guro at mag-
aaral. Ang mga guro ay maaaring magamit ang AI upang matukoy ang mga pagkukulang at
oportunidad sa pag-aaral ng mga mag-aaral, habang patuloy na nagbibigay ng suporta at
inspirasyon sa kanilang paglalakbay sa edukasyon.

Isang malaking hamon para sa sektor ng edukasyon ang paghahanap ng mga paraan upang
mapabilis ang pag-adapt sa mga makabagong teknolohiya tulad ng AI. Kinakailangan ang
pagkakaroon ng sapat na pondo at infrastruktura upang magkaroon ng mga kagamitan at
training na kinakailangan upang maging handa ang mga guro at mag-aaral sa paggamit ng AI
sa kanilang pag-aaral.

Sa kabila ng mga hamon na ito, ipinapakita ng AI ang malaking potensyal nito sa pagtulong sa
pagpapaunlad ng edukasyon. Sa patuloy na pagtuklas at pagpapabuti ng mga teknolohiya na
konektado sa AI, inaasahan na ang edukasyon ay magiging mas epektibo, makabuluhan, at
naaayon sa mga pangangailangan ng bawat mag-aaral sa hinaharap.

Sa huli, ang paggamit ng Artificial Intelligence sa edukasyon ay nagsisilbing isang makabagong


instrumento na magbibigay ng mas malawak na oportunidad sa mga mag-aaral at guro upang
maabot ang kanilang potensyal at maging matagumpay sa kanilang larangan. Sa mabilis na
pag-unlad ng teknolohiya, ang pagsasama-sama ng AI at mga makabagong pamamaraan sa
pagtuturo ay magbubunga ng mas mataas na kalidad ng edukasyon para sa lahat.

Maritime Zones Act pasado sa 2nd reading


ng Senado
MANILA, Philippines — Naipasa ng komite ni Senador Francis “Tol” Tolentino
noong Miyerkules sa ikalawang pagbasa ng Senado ang Senate Bill No. 2492 o kilala
bilang Philippine Maritime Zones Act matapos ang umaatikabong interpelasyon at
serye ng mga indibidwal na amyenda.

Ang nasabing panukala ay naglalayong ideklara ang mga karapatan ng Pilipinas sa


maritime zones nito, kinabibilangan ng underwater features para sa pagtatamasa at
paglilinang ng mga Pilipino.

Si Tolentino, isponsor at isa sa mga pangunahing may-akda ng SB 2492 at siya ring


tagapangulo ng Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty
Zones, ay pinangasiwaan ang panukalang batas dahil gagawin nitong makasunod ang
Pilipinas sa United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa
pagtatatag ng maritime zones.

Nauna rito, binanggit ni Tolentino na napapanahon at kinakailangan para sa Pilipinas


na magkaroon ng sariling Maritime Zones Act.

Hindi lamang ito isang legal na obligasyon, kundi isang pangunahing


pangangailangan para sa pambansa, pang-ekonomiya, at pangkalikasang seguridad ng
Pilipinas. ?

You might also like