You are on page 1of 2

Pangalan:___________________________Antas/Seksyon:__________

Guro: _____________________________ Petsa: _____________________

Learning Activity Sheet (LAS) in Araling Panlipunan IV


Quarter 3 Week 1
Kahulugan at Kahalagahan ng Pamahalaan

Talakayan:
Ang pamahalaan ay isang Samahan o organisasyong political na
itinataguyod ng mga grupo ng mga tao na naglalayong magtatag ng
kaayusan at mapanatili ang isang sibilisadong lipunan.Nagbibigay ito ng
mga serbisyo tulad ng pangkabuhayan, pangangalaga at edukasyong
pansibil at pampulitika.Ang pambansang pamahalaan ng Pilipinas ay
pinamumunuan ng Pangulo na kung saan ito ang may pinakamataas na
posisyon sa pamahalaan katuwang ang pangalawang pangulo at iba pang
mga pinuno ng pamahalaan.

Kasanayan sa Pagkatuto at Koda

Natatalakay ang kahulugan at kahalagahan ng pamahalaan.AP4PAB- IIIa-1

Gawain sa Pagkatuto: Lagyan ng tsek(/) ang mga parirala o kaisipan na


nagsasabi ng kahalagahan ng pagkakaroon ng pamahalaan at ekis (x) kung
hindi.
________ 1. Ang tungkulin ng pamahalaan ay pangalagaan at pagpapanatili
ng katatagan at katahimikan ng bansa.
________ 2. Ang mga mamayan ay may karapatan makialam o pumuna sa
paraan ng pagpapatakbo ng pinuno sa pamahalaan.
________ 3. Nagpapatupad ng mga batas para sa pansariling interes ng
opisyales
________ 4. Pinipigilan ang kagustuhan ng mga tao
________ 5. Pinapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan
_________6. Ang pamahalaan ang nagbibigay ng serbisyo para sa ikakabuti
ng mga mamamayan.
_________7. Mabilis ang pag-asenso ng lalawigan kung walang pamahalaan.
_________8. Hindi na kinakailangan ng mga namumuno sa bayan
_________9. Mahalaga ang suporta ng taumbayan sa pamahalaan para sa
ikatatagumpay ng mga programa nito.
_________10. Tungkulin ng pamahalaan na gampanan ng maayos ang
kaniyang posisyon.
Sanggunian:
LEAP in Grade IV Quarter 3

Answer Key
1. /
2. /
3. X
4. X
5. /
6. /
7. /
8. X
9. /
10./

Inihanda ni

OLIVIA P. MONTEREY
Teacher II

You might also like