You are on page 1of 16

MGA PROGRAMA NG PAMAHALAAN

Self Learning Worksheet in


Araling Panlipunan 4
Third Quarter. Weeks 5-7

HEINSIEDHEL T. APOLINAR
Developer
Department of Education • Cordillera Administrative Region
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Cordillera Administrative Region
SCHOOLS DIVISION OF ABRA
Actividad-Economia St., Zone 2, Bangued, Abra

Published by:
DepEd Abra-Learning Resource Management and Development Section

COPYRIGHT NOTICE
2020

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency of office wherein the work is
created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”
This material has been developed for the implementation of K-12 Curriculum
through the Curriculum Implementation Division (CID)—Learning Resource
Management Section. It can be reproduced for educational purposes and the source
must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version,
an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work is
acknowledged and the copyright is attributed in the intext citation. No work may be
derived from this material for commercial purposes and profit.
Borrowed materials (e.g., texts, illustrations, musical notations, photos, and
other copyrighted contents) included in this Self Learning Worksheet are owned by
their respective copyright and intellectual property right holders, DepEd is represented
by the Filipinas Copyright Licensing Society ( FILCOLS), Inc. in seeking permission to
use these materials. Publishers and Authors do not represent nor claim ownership
over them. This self learning worksheet is intended for educational purposes and will
be subjected for further Learning Resource Copyright evaluation. The inventory of
copyrighted third party content will also be prepared.

This Learning Material is owned by the Department of Education, Schools


Division of Abra, Curriculum Implementation Division, Learning Resource
Management Section accessed at https://lrmsabra.blogspot.com .

ii
Balikan

Panuto: Punan ang mga patlang. Pumili sa kahon na nasa ibaba.

1. Mahalaga ang pag-unlad ng __________ ng isang bansa at isang mahalagang


salik sap ag-unlad nito ang mabuting pamumuno.

2. Ang __________ ay isang proseso ng pagpapatunay ng awtoridad at pagbubuo


ng desisyon para sa nasasakupan o ng buong bansa.

3. Makikita ang isang epekto ng mabuting pamumuno sa pag-unlad ng mga


__________.

4. Ang maayos na pagpapatupad ng mga polisiya ay pagpigil at pagbabawas sa


paglaganap ng __________.

5. Dahil napakikinggan ang boses ng mamamayan, natutugunan ang mga


pangunahing __________ nito

pamumuno
katiwalian

negosyo/kalakalan
pangangailangan
ekonomiya

-2-
Pagsusuri at Pagtatalakay

Ang paglilingkod na pampamayanan ay isang inaambag na paglilingkod o


gawain na isinasagawa para sa kapakanan ng madla o mamamayan. Malaking tulong
ang pagkakaroon ng pamahalaan na sinimulan noong unang panahon. Ang
institusyon na ito ang tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan na panatilihin
ang katahimikan at kaayusan ng bansa. Pinamumunuan ang pamahalaan ng mga
taong pinili, inihalal o pinagkalooban ng kapangyarihan ng nakararaming mamamayan
upang mangasiwa o maglingkod sa bayan.

Maraming ginagawang paglilingkod ang pamahalaan para sa kagalingan at


kaayusan ng pamumuhay ng bawat tao. Ano ang ginagawa ng mga taong naglilingkod
sa mga taong bayan? Ano ang kahalagaan ng paglilingkod ng pamahalaan sa taong
bayan? Maiisa-isa mo ba ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan? Halina’t
suriin natin ang mga ito.

Programang Pangkalusugan
Ang Kagawaran ng Kalusugan ang pambansang ahensiyang naatasan ng
pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan. Iba-iba ang mga
programang pangkalusugan ng pamahalaan. May mga programa para sa mga bata,
kabataan, kababaihan, at para sa lahat. Ilan sa malalaking programa nito ay ang
National Health Insurance Program (NHIP), Complete Treatment Pack, pagbabakuna,
programa sa mga ina at kababaihan, at programa laban sa mga sakit.
Ang NHIP ay itinatag upang magkaroon ng seguro ang lahat ng mamamayan
at mapagkalooban ng may kalidad na mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan, at
pagkakamit ng pangkalahatang kalusugan. Maraming Pilipino ang nakikinabang sa
programang Philippine Health Insurance (PhilHealth) dahil sa tulong nito, maraming
mamamayan ang nakapagpapagamot at nabibigyan pa ng libreng gamot. Sa
pamamagitan ng NHIP, maipagkakaloob sa mga mamamayan, lalo na sa mahihirap,
ang mga serbisyong pangkalusugan, pag-iwas man ito sa sakit o paggamot ng
karamdaman.
Higit ding mapauunlad ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng
DOH Complete Treatment Pack. Nagtatalaga rin ng mga doctor, nars, at komadrona
sa malalayong munisipyo upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga
tao rito.
Itinataguyod at higit pang pinalawak ng pamahalaan ang pagbabakuna o
imunisasyon ng mga bata laban sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio, tigdas, at
trangkaso. Kasama pa rito ang pamamahagi ng mga bitamina gaya ng Vitamin A, iron,
at iodine laban sa sakit sa dugo at mata.
Isa pa sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan ang pangangalaga
sa kalusugan ng mga ina. Kasama rito ang regular na pagpapatingin sa sentrong
pangkalusugan ng mga nagdadalang-tao, libreng bitamina, at libreng bakuna laban sa
sakit.

-3-
Ang ilang mga sakit gaya ng tuberculosis ay madali nang malunasan sa tulong
ng programa ng pamahalaan. May programa rin sa pagpapalaganap ng impormasyon
sa pag-iwas, tamang pagsugpo, at paggamot sa human immunodeficiency virus
infection at acquired immune deficiency syndrome (AIDS).

Programang Pang-edukasyon
Isang mahalagang salik ang edukasyon sa pag-unlad ng mamamayan at sa
pagsulong ng isang bansa. Mahalagang salik din ito sa pag-unlad ng istandard ng
pamumuhay ng bawat mamamayang nakapag-aral. Sa pamamagitan ng iba-ibang
programang pang-edukasyon ng pamahalaan, natutugunan ang pangangailangan sa
pagkatuto ng mga mamamayan. Ang Pilipinas ay kaisa sa mga bansang nagtataguyod
ng Edukasyon para sa Lahat (Education for All) na naglalayong mapabuti ang kalidad
ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata man o matanda. Bilang tugon sa pandaigdigang
programang ito at sa pambansang pangangailangan na mapaunlad ang sistema ng
edukasyon sa bansa, may mga programa sa edukasyon na ipinatupad ang
pamahalaan. Nangunguna sa mga ito ang Basic Education Program o kilalang Kinder
to Grade 12 Program. May mga Day Care Center din sa maraming barangay na
nangangalaga sa mga batang nag-uumpisa pa lamang matuto. May programa rin para
para sa mga out-of-school youth (OSY) o yaong mga nahinto sa pag-aaral na
pinangangalagaan naman ng Kagawaran ng Edukasyon sa pamamagitan ng
programa nitong Abot-Alam. Binibigyan sila ng pagkakataong makapag-aral muli sa
pamamagitan ng Alternatie Learning System sa mga oras at araw na libre sila.
Pinalalaganap din ng pamahalaan ang programang iskolarsyip para sa mahuhusay
na mag-aaral ngunit walang sapat na panustos sa pag-aaral.

Programang Pangkapayapaan
Ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines,
AFP), ang pangunahing lakas na tagapagtanggol ng bansa. Tungkulin nitong
ipagtanggol ang bansa laban sa mga kaaway o mananakop, lokal man o banyaga, at
pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa bansa. Ang sandatahan ay binubuo ng
Hukbong Katihan (Army), Hukbong Dagat (Navy), at Hukbong Himpapawid (Air
Force).
Ang tungkulin ng Department of National Defense (DND) ay
pangalagaan ang katahimikan sa loob at labas ng buong bansa at tiyakin ang
seguridad nito laban sa mga panganib.
Ang mga Lokal na Pamahalaan (Local Government Units, LGU) ay
tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan ng kani-kanilang nasasakupan sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mga ordinansa na naglalayon ng kapayapaan sa
lugar na nasasakupan.
Ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police, PNP)
ay ang lakas ng hanay ng kapulisan ng bansa. Sila ang kaakibat ng mga lokal na
pamahalaan sa pagsugpo sa mga krimen at paghuli sa mga taong lumalabag sa
batas. Katulong pa rin sila sa pagpapatupad ng mga batas trapiko.

-4-
Isa pa sa mga programang pangkapayapaan ng pamahalaan ay ang
Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA. Ito ay isang balangkas at programa
para sa kapayapaan at pag-unlad sa mga lugar na apektado ng kaguluhan at mga
lugar na sakop ng umiiral na mga kasunduang pangkapayapaan. May pitong lugar at
rehiyon ang nakikinabang sa programang ito kasama na ang Zamboanga-Basilan-
Sulu-Tawi-Tawi (Zambasulta) at Cordillera. Layunin ng programang ito na mapaunlad
ang kabuhayan at pagkakataon para makapagtrabaho sa mga lugar na mahihina at
may kaguluhan; palakasinang kakayahan ng mga local na pamunuan at isulong ang
mga plano at programa nito sa kapayapaan; at paghikayat sa mga mamamayan na
makiisa sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlaran ng kanilang komunidad.

Programang Pang-ekonomiya
Ang pagpapabuti sa ekonomiya ng bansa ay binibigyan ng prayoridad
ng ating pamahalaan. Maliban sa pagpapaunlad sa panloob na ekonomiya, nakikipag-
ugnayan ito sa ibang bansa bilang karagdagang seguridad na pang-ekonomiya.
Nakasalalay sa mga programang pang-ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
Kaya upang maging tiyak at maayos ang ekonomiya, masusing isinaad sa
Saligang Batas ang tatlong layunin sa pagtataguyod ng pambansang ekonomiya. Ang
mga ito ay ang: 1) makatarungang pamamahagi ng kita, pagkakataon, at kayamanan;
2) patuloy na paglaki ng produksiyon ng kalakal at paglilingkod para sa taong bayan;
3) lumalawak na kasaganaan na susi sa pagtaas ng antas ng pamumuhay ng tao lalo
na ang mga kapus-palad.
Ang pamahalaan ay mayroon ding mga patakarang pang-ekonomiya na
nagsisilbing gabay sa pagtataguyod ng mga programang pangkaunlaran ng bansa.
Kasama rito ang:
a) Pangangalaga sa mga Manggagawa
Ito ay binibigyang-pansin laban sa mga di kanais-nais na gawaing
pangkalakalan. Ilan dito ay ang panggagaya at paggamit ng pangalanng umiiral o
mabiling produkto. Hinihikayat ang pagbubuo ng produkto na may kahusayan at
kalidad upang mapantayan ang mga produktong mula sa ibang bansa. Hinihikayat din
ang taong bayan na tangkilikin ang sariling mga produkto bilang inspirasyon at suporta
sa mangangalakal na Pilipino.
b) Pangangalaga sa mga Lokal na Industriya at Kalakal
May mga patakaran ang pamahalaan para sa pangangalaga sa mga
lokal na industriya at kalakal. Isa na rito ang pagkontrol sa paglalabas at pag-aangkat
ng mga produkto. Ang pagpupuslit ay iligal o di sang-ayon sa batas na pagpapasok at
pagluluwas ng mga kalakal buhat sa ibang bansa at palabas ng ating bansa. Binuo
ang Sanggunian sa Pagsubaybay sa Presyo upang subaybayan ang halaga ng mga
bilihin upang maiwasan ang hindi makatuwirang pagtaas ng mga ito. Nagpalabas din
ng Consumer Price Index, upang ipaalam sa publiko ang nagaganap na pagbabago
sa halaga ng iba’t-ibang bilihin at pagpapahayag ng mga posibleng produkto na
mayroon sa pamilihang bayan.
c) Pagpapaunlad ng Agrikultura

-5-
Bilang pagpapaunlad sa sektor na ito, binibigyan ng pamahalaan ng
suporta ang mga magsasaka gaya ng pagtututo at pagsasanay sa kanila hinggil sa
makabagong mga paraan sa pagsasaka. Maraming magsasaka rin ang tinuturuan ng
paggamit ng organic fertilizer at mga pesticide na walang halong kemikal. Naging
malaking tulong ang pagtitibay ng Batas Republika Blg. 6657 o Comprehensive
Agrarian Reform Program (CARP). Layunin nitong bigyan ang mga magsasaka ng
sarili nilang lupang sasakahin at sisinupin.
d) Pagpapaunlad ng Kagubatan
Dalawang mahalagang tugon ang binuo para sa pangangalaga ng
kagubatan. Una ay ang reforestration o ang muling pagtatanim sa mga lugar na
pinutulan ng mga puno. Itinayo ang Pambansang Punlaan ng mga Puno at unti-unti
sa pamamagitan ng iba-ibang ahensiya at institusyon, ay tinatamnan ang mga bahagi
ng kagubatan na nakalbo na. Ang ikalawa ay ang pagbabawal sa mga pagtotrosong
panluwas. Ang pagpapatupad ng Selective Logging o Total Log Ban ay
pinagkasunduan din bilang tugon sa lumalaganap na suliranin sa kagubatan.
e) Pagpapaunlad ng Yamang Tubig
Nagkaloob ang pamahalaan ng mga programa gaya ng pagsasanay
para sa wastong pangangalaga at pagpapalaki ng mga fingerling at pagpapautang ng
puhunan para sa kaugnay na mga negosyo. Nagkakaloob din ang pamahalaan ng
puhunan para sa pagbuo ng maliit na pangisdaan o anumang hanapbuhay na may
kinalaman sa yamang tubig sa pamamagitan ng kooperatiba at lokal na pamahalaan.
f) Pagpapaunlad ng Yamang Mineral
Ang kabundukan ng Pilipinas ay sagana sa iba’t-ibang uri ng mineral.
Nabibigyan ng pagkakataon ang ilang Pilipino na magmina sa makalumang paraan,
binigyan rin ng permiso ang ilang korporasyong pag-aari ng dayuhan na mamuhnan
sa paglinang ng mga mineral sa bansa. Kapalit ng permisong ito ay ang tulong teknikal
mula sa dayuhan upang magkaroon ng malawakang eksplorasyon sa mga yamang
mineral at pagpapaunlad at paggamit ng ilang kapakinabangan sa bansa tulad ng
langis.
g) Paghikayat ng mga Pribadong Negosyo
Hinihikayat ng pamahalaan ang pagtatayo ng mga korporasyon,
kooperatiba, samahan, at mga negosyong pag-aari ng pribadong mamamayan. Ito ay
binibigyang-puwang upang makatulong sap ag-angat ng ekonomiya ng bansa.
h) Pangangasiwa sa Monopolyo
Ang monopolyo ay ang pagkontrol at pagtustos ng iisang kompanya ng
isang uri ng produkto. Ang pagkakaroon ng monopoly ay iniiwasan ng pamahalaan
dahil naghahatid ito ng hindi makatarungang kompetisyon. Naging patakaran na ng
pamahalaan na pangasiwaan ang ganitong kompanya o di kaya ay pagbawalan ang
pananatili nito.
i) Pagpapaunlad ng Lingkurang-Bayan
Ang lingkurang-bayan ay mga pampublikong pasilidad na bukas sa
sinumang mamamayan ng bansa na may kaalaman at kakayahang magpatakbo ng
negosyo. Nagbibigay ng pahintulot ang pamahalaan sa pamamagitan ng prangkisa.

-6-
Programang Pang-impraestruktura
Upang mapabilis ang kaunlaran ng ekonomiya at makalikha ng
maraming trabahao, lalo na sa mga lalawigan, nagbibigay ang pamahalaan ng
kaukulang pondo para sa mga proyektong pang-impraestruktura. Ang Department of
Public Works ang Highways (DPWH) ang nakakakuha ng bulto ng badget, na
sinunsundan ng Department of Agriculture (DA) at ng Department of Agrarian Reform
(DAR) para sa pagpapatayo ng farm-to-market roads, post-harvest facilities, at mga
pasilidad sa patubig. Pinahusay naman ng Department of Transportation and
Communication (DoTC) ang mga paliparan, daungan, at iba pang sistema ng
transportasyon. Sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency, ay
nagpondo ng bilyon para sa flood control at mga proyekto sa irigasyon at mga daan
sa buong bansa.

-7-
Gawain 1

Panuto: Punan ang talahanayan na nasa ibaba. Ilahad ang mga programang hatid ng
mga nakatalang ahensiya ng pamahalaan.

Programang Pangkalusugan

Programang Pang-edukasyon

Programang Pangkapayapaan

Programang Pang-ekonomiya

Programang Pangimpraestruktura

-8-
Gawain 2

Panuto: Isipin na isa ka sa mga namumuno ng ating pamahalaan. Maghanda ng isang


talumpati kung paano mo matutulungan ang pamahalaan sa mga gawain nito upang
higit na matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan.

Rubriks
Kawastuhan ng Impormasyon…….….. 5
Kaayusan ng Paglalahad………..……. 5

Kalinawan ng Sinasabi………...……… 5
Paghihikayat……………………………. 5

-9-
Gawain 3

Panuto: Gumawa ng isang collage hingil sa mga programa at serbisyo ng ating


pamahalaan.

Rubriks sa Paggawa ng Collage


Pagkakaayos……….………………… 5
Nilalaman……………..………………. 5

Presentasyon………………………… 5
Kalinisan………………………………. 5

- 10 -
Pagtatasa at Pagtataya

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Pambansang ahensiyang naatasan ng pamahalaan na mamahala sa mga


serbisyong pangkalusugan.
A. National Health Insurance Program C. Kagawaran ng Kalusugan
B. PhilHealth D. Basic Education Program

2. Isang mahalagang salik ang __________ sa pag-unlad ng mamamayan at sa


pagsulong ng isang bansa.
A. Education Program C. Alternative Learning System (ALS)
B. edukasyon D. kayamanan

3. Ito ay isang balangkas at programa para sa kapayapaan at pag-unlad sa mga


lugar na apektado ng kaguluhan.
A. Payapa at Masaganang C. Pambansang Pulisya ng Pilipinas
Pamayanan (PAMANA) (PNP)
B. Lokal na Pamahalaan (LGU) D. Sandatahang Lakas ng Pilipinas
(AFP)
4. Ang _________ ay sitwasyong pangkabuhayan ng isang bansa.
A. kalusugan C. edukasyon
B. kapayapaan D. ekonomiya

5. Pambansang ahenisya na nakakuha ng pinakamalaking badget para sa


impraestruktura.
A. Department of Agrarian Reform C. Department of Health
B. Department of Public Works D. Department of Agricuture
and Highways
6. Pinahusay ng __________ ang mga paliparan, daungan, at iba pang Sistema
ng transportasyon.
A. Department of Transportation C.Department of Agrarian
and Communication Reform
B. National Telecommunications D. Department of Education

7. Ito ay naging malaking tulong sa mga magsasaka na ang layunin ay mabigyan


sila ng sariling lupang sasakahin.
A. Consumer Price Index C. Department of Agrarian Reform
B. CAR D. Comprehensive Agrarian Reform
Program
8. Kung ang AFP at PNP ay sa programang pangkapayapaan, ang DPWH at DAR
naman ay sa _______________.

- 11 -
A. programang pang-impraestruktura C. programang pangkalusugan
B. programang pang-edukasyon D. programang pang-ekonomiya

9. Isang programa na naglalayong makamit ng bawat mag-aaral ang mga


kasanayang kailangan sa pag-aaral, pagpasok sa kolehiyo, at pag-eempleyo.
A. Alternative Learning System C. Day Care Center
B. K-12 Basic Education Program D. Education for All

10. Ito ay itinatag upang mapagkalooban ang mga mamamayan ng may kalidad
na mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan, at pagkakamit ng pangkalahatang
kalusugan.
A. PhilHealth C. Complete Track Treatment
B. DOH D. National Health Insurance Program (NHIP)

11. Pangunahing lakas na tagapagtanggol ng bansa.


A. Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP)
B. Lokal na Pamahalaan (LGU)
C. Department of National Defense
D. Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP)

12. Ang Department of Agrarian Reform (DAR) ay para sa pagpapatayo ng farm-


to market roads, ang Department of Transportation and Communication (DoTC)
naman ay para sa _______________.
A. pasilidad sa patubig
B. post-harvest facilities
C. pagpapayabong ng kita ng mga magsasaka
D. sistema ng transportasyon

13. Alin dito ang hindi layunin sa pagtataguyod ng pambansang ekonomiya?


A. makatarungang pamamahagi ng kita, pagkakataon, at kayamanan
B. patuloy na paglaki ng produksiyon ng kalakal at paglilingkod para sa
taong bayan
C. paghahadlang sa pagtatayo ng mga korporasyon at kooperatiba
D. lumalawak na kasaganaan na susi sa pagtaas ng antas ng
pamumuhay ng tao lalo na ang mga kapus-palad

14. Patakarang pang-ekonomiya na nagbibigay ng pagkakataon sa ilang Pilipino


na magmina sa makalumang paraan.
A. Paghikayat ng mga Pribadong Negosyo
B. Pagpapaunlad ng Yamang Mineral
C. Pagpapaunlad ng Lingkurang-Bayan
D. Pangangasiwa sa Monopolyo

- 12 -
15. Ang __________ ay ang pagkontrol at pagtustos ng iisang kompanya ng isang
uri ng produkto.
A. lingkurang-bayan
B. monopolyo
C. kooperatiba
D. pribadong negosyo

- 13 -
Review
1. ekonomiya
2. pamumuno
3. negosyo/kalakalan
4. katiwalian
5. pangangailangan
Activities
Activity 1
Maaaring magkakaiba ang sagot ng
mga mag-aaral batay sa sariling paglalahad
Activity 2
Rubriks
Kawastuhan ng Impormasyon…5
Kaayusan ng Paglalahad……… 5
Kalinawan ng Sinasabi….………5
Paghihikayat……………………..5
Activity 3
Rubriks sa Paggawa ng Collage
Pagkakaayos……….…………… 5
Nilalaman………………………... 5
Presentasyon.…………………… 5
Kalinisan…………………………. 5
Post-Assessment
1. C
2. B
3. A
4. D
5. B
6. A
7. D
8. A
9. B
10. D
11. A
12. D
13. C
14. B
15. B
Susi sa Pagwawasto
Talaan ng Ispesipikasyon

Competency Item Placement

Remembering Understanding Applying Analyzing Evaluating Creating

1, 3
Nasusuri ang
mga
Programa
5, 6 2, 4 8, 9
ng
Pamahalaan 13

7, 11 15 10, 12

14

Total 7 3 0 4 1 0 15

You might also like