You are on page 1of 1

TULDOKAN NA! Bullying sa Paaralan – Charlyn Glaze B.

Tinambacan
Maraming nangyayaring bullying sa mga paaralan at hindi na ito nalalaman ng mga
magulang ng mga bata. Marami sa mga bata ang nananahimik na lamang kaya lalo
namang nagpapatuloy ang bullying. May mga bullying na humahantong sa pananakit.
Ang pambu-bully ay isa sa mga “kanser” sa ating lipunan na dapat labanan. Sa panahon
ngayon, lalo pang lumala ang bullying dahil sa social media. Ang mga bully ay nakatago sa
kanilang anonymous na pagkatao,
kaya patuloy nilang inaatake ang kanilang mga biktima nang hindi alam ng iba kung sino
sila talaga.
Ang paaralan ay dapat sana kanlungan ng kaligtasan para sa mga mag-aaral. Ngunit may
isang sakit na kailangang gamutin dito- ang pambu-bully. Sa loob ng mga taon, marami
tayong narinig na mga kwento tungkol sa mga estudyante na nabu-bully.
Ang paaralan ang nararapat na manguna sa pagsugpo ng bullying sa kanilang
nasasakupan.
Dapat nalalaman nila kung may nangyayaring pambu- bully at umaksiyon agad bago pa
lubusang lumala ang ginagawa ng mga “sangganong mag-aaral”. Ang pambu-bully ay
maaring magdulot ng malalang epekto sa tao.
Ito ay magiging sanhi ng depresyon at maaring humantong sa pagkitil ng sariling buhay.
Sa mga paaralan nararapat na tuldukan at wakasan na ang mga kaso ng iba’t-ibang uri ng
pambu-bully.

You might also like