You are on page 1of 1

***IPA-ENHANCE PA NAKO SA BATA ANG CARTOONING TOMORROW

Isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ngayon ng bansa ay ang pagtaas ng


presyo ng mga bilihin. Ang mga Pilipino ay umaaray sa pagtaasan ng presyo ng mga
pangunahing bilihin lalo na sa gasolina at diesel. Kaya naman nagdulot ito ng matinding
kahirapan lalo na sa mga ordinaryong manggagawa na hindi pasok sa minimum wage ang
sahod.
Kung noon sa isang daang piso makakabili ka ng dalawang kilong bigas at pang-
ulam, ngayon iisang kilo nalang ang mabibili. Kung patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga
pangunahing bilihin maraming mga Pilipino ang maghihirap at magugutom na
magreresulta naman sa problema tulad ng malnutrisyon. Patuloy na tumataas ang presyo
ng mga bilihin ngunit hindi naman tumaas ang sahod ng mga manggagawang Pilipino.
Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin marami sa mga mamamayan ang
naghihigpit ng sinturon upang mapagkasya ang kita. Hindi rin alam ng ibang pamilya
kung paano pagkakasyahin ang kakarampot na kita nila. Sana makahanap ng
paraan ang gobyerno na masolusyunan ang problemang ito. Habang naghahanap ng
solusyon ang gobyerno, maging praktikal muna tayo. Unahin muna natin ang pagbili ng
pangunahing pangangailangan bago ang kagustuhan. Kailangang alamin ang mga
pagbabago ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at maging praktikal sa paggastos
ng pera.

You might also like